You are on page 1of 3

Filipino

sa
Piling
Larangan
PERALTA III,
EDWIN C.

ISAISIP (ARALIN 3)
Panuto: PAGBUBUOD: Ibuod ang kabuoang kaalaman tungkol sa aralin sa isang
talata lamang.

Ang katitikan ng pulong ay mga dokumento kung saan nakasaad ang mga
mahahalagang diskusyon at desisyon. Tuwing may pagpupulong na formal o
opisyal, ginagamit ang dokumentong ito ubang upang itala ang mga pinag-
uusapan. Ibinabatay rin ito sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng
lupon. Pwede rin itong gawin ng sekretarya, typist, kalihim, o reporter sa korte. Ito
ang nagsisilbeng paalam sa mga sankot at mga nangyari sa isang pulong o
pagtitipon. Sa Ingles, ito ay pwedeng ma ihambing sa “minutes of the meeting“.
Bukod dito, ang dokumento ay maari ring maging importanteng bahagi ng
kasaysayan sa paglipas ng panahon. Ito rin ay magiging gabay ng hanguan o
sanggunian sa mga susunod na pulong at batayan ng mga indibidwal na miyembro
ng pulong.

ISAGAWA: (ARALIN 3)
Panuto: PANONOOD NG VIDEO NG ISANG PAGPUPULONG SA YOUTUBE
o PAGSALI SA ISANG PAGPUPULONG SA LOOB NG KLASRUM O SA
PANGKAT NG KABATAAN BARANGAY O IBA PA.
Ihanda ang lahat ng bagay na kakailanganin sa pagsulat ng katitikan ng pulong
sapagkat ikaw ay nataasang kumuha ng katitikan ng pulong mula sa panoorin
pagpupulong sa video sa link na ito .
https://www.youtube.com/watch?v=icg5z8cyx-4 o mula sa nadaluhan mong
pagpupulong sa loob ng inyong klasrum o sa pangkat ng kabataang barangay o iba
pang papupulong. Pagkatapos nito ay bumuo ng isang sintesis/katitikan ng pulong
batay sa pulong na napanood o nadaluhan. Isaalang-alang sa paggawa ang lahat ng
bagay na natutunan sa araling ito, gayundin ang pamantayan na makikita sa ibaba.
Isulat sa bondpaper.

You might also like