You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN sa ESP 10

Date: February 12-13, 2020 Time/Section: 8:25-9:12 - Monterola

Learning Area: Edukasyon sa Duration:
LP No.: 86 Grade Level: 10 Quarter: 4
Pagpapakatao 10 48 mins.
Pamantayang Mga Isyu Tungkol sa Buhay (Paggamit ng droga, aborsyon,
Code: EsP10PI-IVA-13.1
Pangnilalaman pagpapatiwakal, euthanasia)
Natutukoy at nasusuri ang mga gawaing taliwas sa batas at sa kasagraduhan ng buhay.
Layunin Nabahagi ang kanilang iba’t ibang opinion at kaalaman sa mga isyung moralidad ng buhay.
Isulat ang kanilang mga opinion sa iba’t-ibang sitwasyon na nagpapakita ng iba’t-ibang isyu
tungkol sa buhay.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay (Paggamit ng droga, aborsyon, pagpapatiwakal, euthanasia,
2. Paksa
alkoholismo)
Edukasyon sa Pagpapakatao Yunit 4 Modyul 13, pahina 258-259; 263-274
Manila paper at marker
3. Kagamitan
Information cards and information sheets
Writing Task Paper # 1
4. Pamamaraan

 Pagtala ng attendance.
 Tanuning ang klase: Alam niyo ba ang larong 4Pics 1Word? Nakapaglaro na ba kayo nito?
Paano ba ito laruin? May ipapakita ako ng mga larawan at huhulaan ninyo ang isyu na
napapaloob nito. (Aborsyon, Euthanasia, Paggamit ng Droga, Pagpapatiwakal, Alkoholismo)
4.1 Panimulang  Itanong sa klase: Ano-ano ba ang mga ito? Anong isyu ang tinatalakay nito? Ano ba ang ibig
Gawain
sabihin ng ‘isyu’? (isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang
(5 minuto)
mga panig o posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral
upang malutas ito – www.depinisyon.com) Alin sa mga isyung ito ang madalas mong nakikita
o naririnig o pinag-uusapan? Bakit? Ano ang pinakaseryosong isyu na nangyayari sa
lipunan? Malulutas ba ang isyung ito?

 Hahatiin ang klase sa 5 pangkat. Bibigyan sila ng manila paper at marker. Bawat pangkat ay
gagawa ng brainstorming tungkol sa ano ang nalalaman nila sa mga isyu. Isusulat nila ang
kanilang mga nalalaman sa pamamagitan ng graphic organizer. Pagkatapos ay iuulat nila ito
4.2 Gawain sa klase.
(8-10 minuto) Gabay sa brainstorming:
-Ano ang isyung ito?
-Ano ang mga rason kung bakit ito ginagawa or nangyayari?
-Ano ang epekto ng mga gawain na ito?
-Ano ang posisyon ninyo sa isyung ito? Malulutas ba ito?
 Magkakapareho ba ang mga naisulat ninyo? Kung magpareha, ano ang ibig sabihin nito?
4.3 Pagsusuri at  Ano ang nararamdaman ninyo nang pinag-usapan ninyo ang mga isyung ito?
Paghalaw
 May bagong impormasyon ba kayong narinig o natutunan? Ano iyon?
(3-5 minuto)
 Ano ang pinakamahalagang isyu na para sa inyo ay kailangan na lutasin?
 Short video viewing: The woman who had two abortions
Tanong: Sa inyong opinion, makatuwiran ba ang ginawa niyang desisyon? Bakit?
4.5 Paglalapat Kung kayo ay nasa kalagayan, ano ang gagawin mo?
(7 minuto)
Ano ang payo na ibibigay mo sa kanya? Bakit?

4.6 Pagtataya  Basahin ang iba’t-ibang situwasyon. Kilalanin kung anong isyu ang tinutukoy ng mga
(5 minuto) situwasyon at ibahagi ang inyong opiniyon tungkol dito.
4.7 Takdang Aralin  Isusulat nila ang mga opiniyon sa mga situwasyon na nabasa sa isang whole sheet of paper.
Ipapasa ito sa susunod na klase.
Ang mga pangkat ay bibigyan ng mga information cards para sa kanilang reporting assignment na
5. Remarks
gagawin sa susunod na klase.

Prepared by: _____________________ Checked by: ____________________

Janie Lyn P. Brońola Mr. Jeffery L. Seblero
Teacher 1, JHS Secondary School Principal, TCNHS

PAGTATAYA
Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________________ Seksyon: __________________
Basahin ang mga situwasyon at kilalanin kung ano ang isyu na ipinapakita nito. Isulat ninyo ang inyong sariling pananaw pagkatapos.
1. Malaki ang pag-asa ng mga magulang ni Jodi na makapagtapos siay ng pag-aaral at makatulong sa pag-ahon ng kanilang pamilya mula sa
kahirapan. Matalinong bata si Jodi. Sa katunayan ay iskolar siya sa isang kilalang unibersidad. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, naging
biktima siya ng rape sa uang taon pa lamang niya sa kolehiyo. Sa kasamaang-palad, nagbunga ang nangyari sa kanya. Kung ikaw ang nasa
kalagayan niya, ano ang gagawin mo? Itutuloy mo ba ang iyong pagbubuntis? Maari bang ituring na sulusyon sa sitwasyon ni Jodi ang
pagpapalaglag ng dinadala niya gayong bunga ito ng hindi magandang gawain?
ISYU: _________________________________________________________________________________________________________

2. Kasama si Agnes sa mga pinakamalubhang nasaktan sa isang aksidente na naganap noong nakaraang taon. Ayon sa mga doctor, nasa
comatose stage siya at maaring hindi na magkaroon ng malay. Ngunit posibleng madugtungan ang buhay niya sa pamamagitan ng life support
system. Malaking halaga ang kakailanganin ng kanilang pamilya upang manatiling buhay si Agnes. Hindi mayaman ang kanilang pamilya.
Makatwiran ba na ipagpatuloy ang paggamit ng life support system kahit maubos na ang kanilang kabuhayan? O nararapat na tanggapin na lamang
ang kaniyang kapalaran na mamamatay rin si Agnes?

ISYU: _________________________________________________________________________________________________________

3. Dahil sa matinding lungkot, nagpasiya si Marco na kitlin ang sarilng buhay dalawang buwan pagkatapos ng kaniyang ika-16 na kaarawan. Sa
isang sulat na iniwan niya, inilahad niya ang saloobin ukol sa mabibigay na mga suliraning kinakaharap niya sa bahay at paaralan. Huminigi siya ng
kapatawaran sa kanyang pagpanaw. Makatuwiran ba ang ginawa ni Marco?

ISYU: _________________________________________________________________________________________________________

4. Si Jose ay nagsimulang uminon ng alak noong 13 taong gulang pa lamang siya. Sa lugar na kanyang tinitirhan, madali ang pagbili ng inuming
mag alcohol kahit ang mag bata. Para sa kanya, normal lang ang kanyang ginagawa dahil marami rin na tulad niya ang gumagawa nito. Ito daw ang
paraan niya upang sumaya at harapin ang paghihirap sa buhay.

ISYU: _________________________________________________________________________________________________________

5. Masalimuot ang buhay ni Michael. Hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makilala ang totoong ama. Ang kaniyang ina nma ay nasa bilangguan.
Napilitang makitira si Michael sa mga kamag-anak upang maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Hindi madali ang buhay niya. Isang araw, may
lumapit sa kanya at inalok siya na subukan ang shabu. Nag alangan siya sa simula, ngunit dahil sa kapipilit ng kakilala ay pumayag an rin siya. Ito
ang simula ng kanyang pagkalulong sa droga.
ISYU: _________________________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________________________________

Group 1
Kahulugan ng Isyu

Isyu - isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng
mapanuring pag-aaral upang malutas ito – www.depinisyon.com

Bakit ang mga tao ay nakakaranas ng kalituhan at unti-unti nababago ang pananaw sa moralidad?

a. Modernisasyon – ang pagbabago ng panahon ay may kasabay na pagbabago ng pangangailangan at kinakailangan upang mabuhay sa
makabagong panahon. (Halimbawa: ang modernisasyon ng komunikasyon at ang epekto nito sa mamamayan)
b. Media – sa impluwensiya ng media, ang tao ay nakakabuo ng mga opinion nang hindi pa nasusuri at napag-iisipan ang iba’t-ibang panig,
argumento at batayan sa pagbuo ng posisyon kaugnay ng iba’t-ibang isyung moral. (Halimbawa: Fake news and opinions of people about
it makes it believable. Bandwagon – is a fallacy that the opinion of the majority is always valid, therefore, you should also believe it.

Paano natin pahahalagahan ang buhay?

a. Gamitin maigi ang isip, kilos-loob (conscience) at kalayaan upang suriing maigi ang bawat panig ng isyu upang makagawa ng matalinong
posisyon ukol rito. Lalo na sa mga isyung may kinalaman sa buhay.

b. Ang buhay ng tao ay itinuturing na banal o sagrado. – Ayon sa sulat ni De Torre (1992) na “Perspective: Current Issues in Values
Education”, ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga. Ang tao ay hindi maaring gumawa at mag-ambag sa
lipunan kung wala siyang buhay. Dapat muna siyang isilang upang mapaunlad ang kanyang sarili at makapaglingkod sa kapwa,
pamayanan at bansa. Kailangang mabuhay at isilang siya.

c. Ang tao ay may kalayaan NGUNIT di sakop nito ang pagsira o pagkitil sa sariling buhay o buhay ng tao. Tungkulin natin na pangalagaan,
ingatan at palaguin sa sariling buhay at ng kapwa.
___________________________________________________________________________________________________________
GROUP 2
MGA ISYU TUNGKOL SA BUHAY: DRUG ADDICTION

I. Ano ang Bawal na Gamot?

II. Dahilan ng paggamit ng Droga
III. Epekto ng Paggamit ng Droga
IV. Ano ang “Blank Spot’?
V. Ang datos ng mga drug addicts sa Pilipinas taong 2019 - research
VI. Ang kaakibat na parusa sa Illegal Drug Use and Distribution - research
___________________________________________________________________________________________________________
GROUP 3
MGA ISYU TUNGKOL SA BUHAY: ALKOHOLISMO

I. Ano ang alkoholismo?

II. Mga Epekto ng Alkohol
III. Masama ba ang pag-inum ng alcohol?
IV. Ang datos kung ilan ang mga alcoholics sa Pilipinas taon 2019 - research
V. Paano maka recover from alcoholism - research
__________________________________________________________________________________________________________
GROUP 4
MGA ISYU TUNGKOL SA BUHAY: ABORSYON o PAGPAPALAGLAG

I. Ano ang abortion?

II. Mga Posisyon sa Abortion – Pro-Life vs. Pro-Choice
III. Mga Uri ng Aborsyon
IV. Ano ang Prinsipyo ng ‘Double Effect’?’ – research
V. Ano ang mga apat na kondisyon ng Double Effect? – research
VI. Legal ba o Illegal ang aborsyon sa Pilipinas? – research
__________________________________________________________________________________________________________
GROUP 5
MGA ISYU TUNGKOL SA BUHAY: PAGPAPATIWAKAL

I. Ano ang pagpapatiwakal o suicide?

II. Ano ang mga dahilan nito?
III. Paano ito mapipigilan? Anong makabuluhang gawain ang puede gawin upang maiwasan ito? - research
IV. Mga datos ng cases ng suicide sa Pilipinas in 2019 – research

GROUP 6
MGA ISYU TUNGKOL SA BUHAY: EUTHANASIA (Mercy Killing) at PWD (Persons with Disabilities)

I. Ano ang euthanasia? Ano ang ibang tawag nito?

II. Ano ang pananaw ng ibang bansa tungkol sa euthanasia? - research
III. Ligal ba ang euthanasia sa Pilipinas?
III. Ano ang PWDs?
IV. Ano ang mga karapatan ng mga PWDs? – research, especially the law that applies to them

You might also like