You are on page 1of 1

“Problema mo rin ito, problema nating lahat”.

Makikita sa video ang maraming problema


na kinahaharap ng isang bayan. Iba- iba ang uri ng problemang kinahaharap ng bawat
probinsya o bayan. Ilan sa mga problemang ito ay ang mga baku-bako at putul-puto na mga
kalsada, kulang na supply ng gamot at gamit pang-hospital, at bulok na sistema ng pagpili
at paghalal ng mga politiko.

Makikita sa video ang konsepto ng political dynasty. Ang mag-amang Rubio na magkasabay
na umupo sa pwesto ang ama bilang gobernador at isa bilang congressman. Makikita rin
doon ang konsepto ng patron-client relationship. Maraming tao ang gumagalaw para kay
Governor Rubio at kapalit ng kanilang trabaho para sa kanya ay ang pinansyal na suporta.
Hindi na ito iba sa nangyayari sa tunay na buhay. Maraming politiko ang gumamit ng
kanitong pamamaraan. Maraming politiko ang gumagamit ng kapwa para lamang
mailuklok sila sa matataas na pusisyon at magawa nila ang maiitim nilang balak. Ang mga
tao namang iyon ay masayang nagpapagamit sa mga baluktot na politikong iyon.

Nakasanayan na nag ganitong sistema, nuon at magpasahanggang ngayon. May ilan na pilit
binabago ang ang sistema, katulad ni Mayor Santiago sa Video, ngunit ang paghihirap ay
napupunta lang sa wala. bakit nga ba kahit anong gawing paghihrap ng mabubting tao na
ituwid ang baluktot ay wala pa ring nangyayari? Simple lang ang sagot, ang mga mamayan
mismo ang nagsisilbing balakit sa pagbabagong inaasam at pinaghihrapan ng ilan.

Madalas nating sabihin na hindi na natin problema ang ganitong mga nangyayari sa
gobyerno natin. Diyan tayo nagkakamali. Tama ang sinabi ni Mayor Santiago sa video na
“Problema mo rin ito, problema nating lahat”. Ang pagbabago ay nasa kamay natin. kung
lamang magigng malakas ang kagustuhan natin na iwanan ang nakagawian nang pangit na
sistema may pag-asa pa. Ang problema ng bayan ko, ay problema ko na rin.

You might also like