Sa lalawigan ng Quezon, merong isang mag-ina na si Theresa at Selena. Inakala
ni Selena na magiging masaya ang buhay hanggang nagkasakit ang kanyang ina at kinailangan niyang magpakonsulta sa isang doktor. Humingi siya ng tulong pinansiyal sa kanyang kaibigan na si JD, sinabi niya na ibibigay niya lahat ng pera panggastos kapalit ng katawang laman ni Selena, nag-alinlangan si Theresa ngunit wala siyang ibang paraan kaya ibinigay niya ang kanyang sarili kay JD. Hindi lubos na matanggap ni Selena ang nangyari, hanggang nalugmok siya sa bisyo at kalayawan. Ngunit biglang naalala niya ang kanyang ina at iyon ang nagbigay inspirasyon upang makapagtapos ng pag-aaral at makaipon siya ng pera para sa kanyang ina.