You are on page 1of 314

Hiding the Billionaire's Twins (Hiding Series #2)

SYNOPSIS

Fayre is a promdi girl who has a simple dream. And that dream is only to give her
parent and her younger sister a good and wonderful life. Dahil sa kagustuhang iyon
ay kinailangan niyang lumuwas sa malaking syudad para makapaghanap ng magandang
trabaho. Natanggap siya bilang katulong sa isang sikat at makapangyarihang pamilya.
Naging maganda naman ang kanyang mga araw sa loob ng masion na iyon at maganda din
ang pikikitungo sa kanya ng lahat. Hanggang sa hindi niya namalayan na nahulog na
pala ang loob niya sa lalaking anak ng kanyang amo. Hindi niya inakala na hahantong
sa pag-iibigan ang simpleng paghangang iyon.

Their relationship last and hidden for a year, until one day Rihav himself announce
that he is already engaged with the daughter of his business partner. Halos gumuho
ang mundo ni Fayre ng malaman niya ang anunsiyong iyon galing mismo sa bibig ni
Rihav. Kaya iyon ang naging dahilan kong bakit siya umalis sa mansion ng mga
Madreal. She run away not just by herself, she run away with Rihav's children.

Warning!

This story may contains a lot of ERRORS, TYPO, LOOPHOLE, and WRONG GRAMMAR! I'm new
in writing story so bear with my errors, but if you have clarification or
correction just message me! Hindi ako nangangain:>

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are
the products of author's imagination. Any resemblance to actual person living or
dead, or actual events are purely coincidental.

Please be aware that some part of the story are not suitable for young readers so
if you really want to read this, READ AT YOUR OWN RISK!

Plagiarism is a Crime!

©3RITHREA

••••••••••

Second installment for Hiding Series y'all, hope you like this. I changed it into
Rihav's story for some reason, but I hope y'all love this, how I love the twins
HAHAHAHAHA...

PS: Online Class na ako this monday, so baka matagalan ako sa pag-update plus si
Mama ko pa....alam niyo na kong ano siya HAHAHAHAHHA
-A lot of ERRORS ahead-

Simula

Simula

Kakalimutan

"R-Rihav!" hindi ko mapigilang hindi mapa-ungol sa ginagawa sa akin ni Rihav.

Mabilis ang kanyang galaw na nasa aking ibabaw. Ang huling naaalala ko ay nag-away
kami ni Rihav dahil sa pagkikita namin ni Amer, ang kababata ko sa Isla Fera. Hindi
ko alam kong ano ang sumunod na nangyari, ito ako ngayon nasa ibaba ni Rihav.

"Don't you dare to cheat on me, Fayre." Matigas nitong sabi, sabay sunggab ng halik
sa akin.

Hindi na ako nakatugon pa sa kanyang mga sinabi dahil mas bumilis ang ritmo nito sa
aking ibabaw. Ibang sensasyon naman ang nararamdaman ko kaya tinggap ko ang bawat
ulos ni Rihav sa akin.

Alam kong mali ang ginagawa namin, hindi ako pumunta rito para lumandi. Narito ako
dahil may pangarap ako sa aking sariili at sa aking pamilya. Ngunit mukhang hindi
ko kayang tangihan si Rihav. Siya nag pinaka-unang naging karelasyon ko, unang
humalik sa akin, at unang nagpadama ng ganitong init sa aking katawan.
Bente anyos lang ako, kong nakakapag-aral ako baka nasa kolehoyo na ako ngayon.
Ngunit hindi umaayon ang tadhana sa akin, kahit gustong gusto kong mag-aral hindi
ko magawa dahil magugutom kami at malulunod sa utang.

"Ah!" sabi ko, at bumalik ulit sa aking isipan ang ginagawa namin ni Rihav.

"This is your punishment because you break our rule." Paos na sabi niya.

Ilang segundo pa sa pagtaas-baba ni Rihav ay naramdaman ko parang may mainit sa


loob ko. Natigil naman si Rihav na nasa taas ko parin, hinalikan niya ang aking
labi bago tuluyang umalis sa pagkaibabaw. Kinuha ko ang kumot sa tabi at tinakpan
ang aking buong katawan.

"Explain yourself, why did you two fucking met again? Don't you dare to lie on me,
Fayre. You didn't know me when I'm angry." Sabi niya habang tinititigan ako gamit
ang matulis niyang mata.

Kahit kailan hindi ko nakitang ganito ni si Rihav. Palagi siyang sweet, caring at
malambing kong magsalita. Pero ngayon ibang iba ang ugali niya, hindi ito ang Rihav
na nagustuhan at nakilala ko. Parang may kong anong sumanib sa kanya at umiba ang
kanyang ugali.

Hindi na din niya ako tinatawag sa nakasanayan kong tinatawag niya sa akin, ngayon
Fayre nalang.

"May ibinalita lang siya sa akin tungkol sa kalagayan ni tatay at nanay sa


probinsya, wala naman siyang ginawang masama, Rihav." Sabi ko sabay abot ng kanyang
kamay ngunit hinawi niya iyon.
Anong nangyayari sa kanya?

Bakit siya ganito?

Hindi na ba niya ako mahal?

"Liar! Sabi ko huwag kang magsinungaling sa akin, Fayre!" sumbat nito sa akin.

"Iyon ang totoo, Rihav." Sabi ko, iyon naman talaga ang totoo.

Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na magsinungalng sa kanya, masyado ko siyang


mahal para lang magsinungaling. Isa pa hindi ko ugali ang magsinugaling dahil iyon
rin ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Tinuro din sa akin iyon ni tatay at nanay na bawal
mag sinungaling.

"Fuck you!" mura niya sa akin na kinagulat ko.

Si Rihav ba talaga ito? Hindi ito ang lalaking minahal ko, hindi siya...

Hindi ako kayang sabihan ng masama ng Rihav na nakilala ko. Nangako siya sa akin na
ipagtatangol ako at hindi sasaktan o pababayaan, bakit ngayon parang mapapako ang
pangakong iyon.
Walang kasiguraduhan kong totoo o kasinungalingan ang lahat ng iyon.

"Rihav, anong nangyayari sayo? bakit ka ganyan? Wala naman akong ginawang masama
sayo ah, bakit ganyan ka?" kusang tumulo ang luha ko sa aking mga mata.

Tumayo sa pagkakaupo sa kanyang kama, "Stop your fucking drama, Fayre. Hindi mo na
ako madadala sa kadramahan mong iyan, kung nakaya mo akong mabilog noon dahil sa
pera ko ngayon hindi na mangyayari iyon." Bakas ang galit sa kanyang boses.

"A-Anong pinagsasabi m-mo Rihav?" tanong ko at pinunasan ang aking mga luha.

Dinig ko ang sarkasmong niyang pagtawa bago siya nagsalita, "At talagang
nagmamaang-maangan ka pa, ngayon hindi na ako magpapagamit sayo, Fayre. Ngayong
natikaman na kita pwede na kitang itaboy sa pamamahay na ito. Suits for a bitch
like you."

Hawak hawak ko ang kumot na nakatakip sa akin katawan ay tumayo ako at sinamapal
siya ng sobrang lakas. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa sakit ng mga
kanyng sinabi tungkol sa akin. Hindi ako ganong babae, kahit kailangan ay hindi ko
siya pinagtaksila. Wala siyang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan.

"Hindi ako ganong babae, Rihav. Dahil kong isa akong bitch wala ang pula na iyan sa
kubre ng kama mo!" galit kong sabi at sinampal ulit siya sa kabilang pisngi niya.

Galit na galit ako. Galit ako sa kanya at galit ako sa saril ko dahil nagpauto ako
sa mga matatamis na kanyang mga sinasabi dati. Hindi ko inakala na hahantong kami
sa ganito. Sinagot ko siya hindi dahil gusto ko siya, sa pera at sa kapangyarihan
niya, sinagot ko siya dahil kita ko ang pagpupursigi niya para makuha ang oo ko.

Pero, Putang ina...sakit ang kapapalit ng isang oo na iyon.

"Mabuti nga at lumabas ang tunay mo, Rihav. Hindi ko inakala na ikaw pa ang taong
magsasabi ng ganon sa akin, Rihav. Buong puso kong binigay sayo ang pagmamahal ko,
sinunod ko lahat ng gusto mo kahit na nasasakal na ako. Binigay ko sayo ang
iningatan kong pagkababae, tapos ito ang lahat ng sasabihin mo sa akin?! Nasaan na
ang taong minahal at kilalang kong Rihav?" sunod sunod kong sabi habang humihikbi.

Umiba ang mukha niya pero may galit parin sa kanyang mga mata. Ano bang kinagagalit
niya? Wala akong matandaan na may ginawa akong masama sa kanya.

"Lies! Gusto mo talagang makahuthut ng pera sa akin ano?"

"Hindi ako ganong klaseng babae, Rihav!" sigaw ko, wala na akong paki kong
maririnig kami sa labas. "Alam mo naman iyon ah, bakit ganito ka ngayon? Bakit mo
'ko sinasaktan? Anong ginawa ko sayo para saktan mo ako ng ganito?" pinunasan ko
ang aking luha.

"You broke my trust for you, Fay. Lahat ng iyon ay sinira mo. Yeah, you changed me
into a good man but you also changed me into beast. Mahirap ba ang sinasabi kong
hindi makipagkita sa lalaking iyon?!" aniya na galit parin.

"Rihav, pagkikita lang iyon dahil may sinabi siya tungkol sa pamilya ko! Mahirap
din bang intindihin iyon?!" tumaas ulit ang boses ko.
Hindi ko alam kong may tao ba sa labas na nakikinig sa amin o wala. Tumataas na ang
boses naming dalawa ni Rihav. Halos lahat ng ato dito walang alam tungkol sa amin
ni Rihav, pwera nalang sa dalawa niyang kapatid na kambal, sina Zavia at Zoena.

"Nakipagkita kalang ba talaga? O may iba kayong ginawa? Wala ako doon, alam kong
may ginawa kayong dalawa." madiin nitong sabi.

"Wala kaming ginawa, Rihav! Ang kitid ng utak mo! Sige sabihin mo lahat ng gusto
mong sabihin sa akin, pero ito ang tatandaan mo Rihav. Ang dugong iyan ang
nagpapatunay na hindi ako ganoong babae." Sabay turo ko sa marka na nagpapahiwatig
na hindi na ako birhen, "Ito rin ang tatandaan mo, hinding hindi na ako babalik
sayo kahit kailan. Alam kong makikipaghiwalay ka rin naman sa akin kaya uunahan na
kita, hiwalay na tayo!" kinuha ko ang singsing na binigay niya sa akin noong unang
anibersayo namin kasama ng kwentas na may pangalan niya.

Inabot ko iyon sa kanya. Ilang minuto niya iyong tinitigan kaya wala na akong
nagawa pa kundi itapon iyon sa sahig at hindi ko alam kong saan napunta. Mabilis na
hinanap ko ang aking mga kasuotan at nagbihis bago lumabas sa kanyang silid.

Napahinga naman ako ng maluwag ng walang tao malapit sa kanyang silid. Nagmadali
akong pumunta akin silid at doon binuhos ang lahat ng sakit na aking nararamdaman.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa narinig ko ang pagkatok sa pinto.

Inayos ko muna ang aking sarili bago ko binuksan ang pinto. Sina Zavia at Zoena ang
nakita ng mga mata ko ng mabuksan ko ang pinto. Agaran silang pumasok at niyakap
ako ng mahigpit. Hindi ako makayakap ng pabalik dahil hindi ko alam kong bakit nila
ako niyakap.

"We heard it, Fayre. Napadaan ako kanina tapos tinawag ko si Zoe, gago si Kuya!" si
Zav ng mahiwalay ng pagkakayakap.
Pareho pareho lang kami ng mga edad, apat na taon ang agwat naming tatlo ni Rihav.
Hindi ko naman masyadong naisip iyon dahil hindi naman importante.

"If you need help narito lang kaming dalawa, we are not going to abandon you. Ikaw
lang kaibigan namin, alam mo naman maatittude itong si Zav kaya wala kaming friend.
Sawa na ako sa pagmumukha niya pero wala talagang gustong makipgkaibigan sa amin."
Natawa ako sa sinabi ni Zoe. Hinigit naman si Zav ang kanyang buhok.

"Okay lang ako, hindi ako aalis dito kasi may sakit si nanay kailangan kong
magtrabaho." Sabi ko.

"I have money, fay. I can g—"

Pinutol ko ang pagsasalita ni Zav, "Hindi na kaya ko na, baka mag-extra ulit ako sa
dati kong pinagtatrabahuhan."

Kita ko ang pag-ikot ng mata ni Zav, "Kasalanan ni Kuya talaga, diba malaki sahod
mo doon? Edi sana may pera kana kong hindi ka niya pinahinto!" maktol pa niya.

"Hayaan niyo na, pwede pa namang makabalik doon." A sabay ng pagngiti ko.

BUSY ang lahat dito sa Mansion Madreal, maypagdiriwang daw ngayon kaya ito busy
kaming mga katalung para sa kanilang party. Halos magagara din at magaganda ang
lahat ng mga kasuotan ng mga tao dito. Alam ko naman kong saan ako lulugar kaya
hindi na ako umalis sa pwesto ko.
Dalawang linggo na simula noong pagtatalo namin ni Rihav, hindi kami nag-uusap ko
nagkakatitigan man lang. Umiiwas ako sa kanya at ramdam ko ay ganon din siya, ang
kambal lang ang nagpapalakas ng loob ko dito sa loob ng mansion nila.

"Can I have a juice please?" sabi ng babae sa akin, kahit na nasa harapan na niya
ang juice kong saan ako natuka. Ang iba ay kumukuha alng pero siya ay gustong ako
pa ang mag-abot sa kanya.

Hindi na ako nagreklamo dahil isa lang naman akong kasambahay dito. Inabot ko sa
kanyang juice, ngunit hindi siya nakatingin noong kinukuha niya ito kaya natapon sa
aking damit. Nabasa naman ang kulay itim niyan gloves.

"Gosh! You're so clumsy!" sabi niya na ikinagulat ko.

Bakit ako? siya ang hindi nakatingin sa kanayang ginagawa ah...

"What happened here?" boses ni Rihav sa likod ng babae.

Kita ko ang pagpulupot ng kamay nito sa bewyang ng babae. Iyon ang


pinakapaboritokong ginagawa ni Rihav sa akin, ngayon sa ibang babae na niya
ginagawa. Ano ulit ako? Katulong lang.

"This clumsy girl poured the juice on my expensive gloves." Maarti nitong sabi kay
Rihav.

Tinignan ni Rihav ang mamahalin nitong gloves. Hindi man lang ako tinapunan ng
tingin ni Rihav, tsaka siya nagsalita.
"Don't mind here babe, let's go." Hawak hawak ang beywang ng babae, Sabay silang
lumisan ng babae.

Parang tinurok ng punyal ang puso ko dahil sa pangyayaring iyon. Ngayon isa na
akong walang kwentang babae sa buhay niya. Ang gaga ko naman para magpauto kanya,
kong sinunod ko lang ang sinabi ni Nanay hindi ako nasasaktan ng ganito.

Sa susunod, titirhan ko ng pagmamahal ang sarili ko. Hindi na ulit ako


magpapakatanga!

"Ladies and Gentlemen, before this event started. May I asked Dyessie and Rihav to
come here on stage. Rihav has a good news for tonight's event." Napalingon ako sa
stage dahil doon.

Kita ko ang pagpunta ng babaeng natapunan ko daw at ni Rihav sa stage. Hawak hawak
parin ni Rihav ang beywang ng babae. Pareho silang nakangiting dalawa. Kumirot
naman ang puso ko, ang sakit sakit.

Dahil lang sa pagkikita naming iyon ni Amer pinarusahan ata ako ng tadhana. Bakit
pa? wala na nga kaming pera, wala kaya buhay tapos pinaparusahan pa ng ganito?
Pwede na bang mamatay sa sakit?

Pasimple kong pinunasan ang aking mga luha na lumandas galing sa aking mg mata.
Iniabot ng lalaki kay Rihav iyong mic. Ang babae sa gilid niya ay tudo sa
pagkakapulapot sa kanya. Humiyaw ang mga tao sa loob nitong mansion bago si Rihav
nagsalita.

"Good evening everyone. I don't know where I should start..." huminto siya, "but
today me and Dyessie are officially engaged!" sabi nito at pinakita ng babae ang
kanyang singsing.

Napsinghap ako sa sakit ng aking nararamdaman. Tangina naman! Harap harapan pa


talaga! Hindi ako nakapaghanda na sasabihin niya iyon sa harap ng maraming tao at
sa harap ko mismo. Ramdam ko ang pagsakit ng aking puso sa anunsyong iyon galing sa
bibig ni Rihav.

Ang relasyon namin ay tago dahil isa lang akong katulong at siya ay mayaman.
Masakit!

Pinatuloy ni Rihav ang kanyang mga sinabi ngunit hindi ko na iyon pa narinig dahil
lumabas na ako sa loob ng mansion at pumunta akong garden. Umiyak ako doon.
Dalawang linggo na akong iyak ng iyak dahil sa mga nangyari sa amin ni Rihav.

Sabi niya dati hindi niya ako sasaktan, hindi niya ako papaiyakin at aalagaan niya
ako hanggang sa pagtanda dahil dalawa kami ang magpapakasal sa huli. Pero ngayon!
Sa ibang babae siya magpapakasal! Ano ng gagawin ko?!

Pagkatapos paikutin ng isang mayamang lalaki ngayon ito isa akong luhaan. Mahirap
na nga sasaktan pa!

"Kung aalis ka ngayo, Fay. Itatakas ka namin." Napaangat ako ng tingin ng makita ko
ang kambal sa narito ngayon.

Tumayo ako at sabay ko silang niyakap, "A-Ang s-sakit... a-ang s-sakit sakit" sunod
sunod ang hikbi ko sa dalawang taong hindi nagsasawang tumulong sa akin.
"Nakita namin reaksyon mo kanina, maging kami nagulat. Hindi namin iyon alam,
Fayre. Promise, kung alam namin matagal ka na naming pinaalis para hindi mo madinig
at hindi ka masaktan ng ganito. Sorry..." masuyong sabi ni Zav.

Siminghot ako bago nagsalita, "Hayaan niyo na, ngayon napatunayan ko na hindi bagay
ang mahirap at mayaman." Umiiyak na sabi ko.

"Don't say that! We know how Kuya loves you, may mali talaga sa nangyayari. Aalamin
namin iyon para sa iyo." Si Zoe.

Umiling ako, "Huwag na, aalis na siguro ako at babalik ng probinya kong saan ako
nababagay."

Kita kong paano nalungkot ang mukha ng dalawa. hindi katulong ang turing nila sa
akin, tinuring nila akong pamilya. Malaki ang utang naloob ko sa kanila, hindi
hindi ko makakalimutan na tinulungan nila ako ngayon.

Hinding hindi ko rin makakalimutan kong gaano kasakit ang pinadanas ni Rihav sa
akin. Hindi ako maghihiganti sa kanya, dahil ayaw ko na siyang makiita pa.

"Pack your things, nasa garahe ang sasakyan ni Zoe. Dadalhin ka namin sa terminal."
Si Zav at inalalayan ako sa paglakad.

Kakalimutan na kita, Rihav. Sisiguraduhin kong hindi na tayo magkikita pang muli...

Kabanata 1
Kabanata 1

Tulong

Sabay ng pagtayo ko sa kauupo ay ininat ko ang aking katawan. Hinilod ko ng kaunti


ang aking beywang dahil medyo masakit na ito dahil sa pagkakayuko. Dalawang
bandehera ng labahan ang nilalabhan ko ngayon galing sa kapitbahay. Iyong ang
trabaho ko para may ipantawid kami sa araw araw.

"Ito ang sweldo mo, Fay." Sabay abot ni Aling Nena ang isang libong piso.

Nagulat ako sa laki ng kanyang binigay sa akin kaya ibinalik ko iyon sa kanya,
"Nako, sobra po ito Aling Nena dapat po five hundred lang." ani ko at inabot
pabalik.

Umiling iling ang matanda at hindi kinuha sa akin ang isang libong piso, "Hindi,
ibili mo iyan ng laruan ng kambal o pagkain para sa kanila. Naawa ako sa kanila,
tumitingin tingin sila noong nakaraang araw sa mga apo ko na para bang gustong
gusto din nila ng ganong laruan. Ibili mo ang kalahati para sa kanila."

Hindi ko mapigilang mapangiti at hindi mapayakap kay Aling Nena. Simula noong
bumalik ako dito sa Isla Fera apat na taon na ang nakakaraan ay parati niya akong
tinutulungan sa lahat ng bagay. Pinapautang niya ako ng walang dagdag at hindi niya
naman ako pinipilit na magbayad ako pero hindi ko naman pinagsasamantalahan ang
kabaitan niya kaya binabayaran ko siya kapag may pera ako galing sa paglalaba.

"Maraming salamat po, Aling Nena. Babayaran ko po ito kapag nakakuha na ako ng
panibagong labahan." Sabi ko ng mahiwlay na kami sa pagkakayakap.
"Huwag na, para talaga iyan sa kambal."

Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat bago ko nilisan ang kanilang bahay. Hindi
naman ganoon kalayo ang bahay ni Aling Nena sa bahay namin kaya nilakad ko nalang
papunta sa bahay namin.

Apat na taon na simula noong tumakas ako sa Mansion Madreal parang naging impyerno
ang buhay namin. Napatay si Nanay dahil sa sakit niya, hindi namin nakayang
ipagamot siya dahil walang wala kami. Ang nagawa namin ay pinapanood nalang siya na
hinahabol ang kanyang hininga hanggang sa hindi niya nakayanan. Walang kaming
magawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Nalubog kami sa utang sa pagpapalibing kay nanay, wala akong matakbuhan kundi ang
kambal na Madreal at si Amer. Tinulungan ako nina Zav at Zoe, sila ang nagbayad ng
kalahati at ako naman ang kalahati noon. Pinag-igihan ko ang pagtatrabaho ko sa
munisipyo ngunit seguro sa walang pahinga at puspus sa trabaho ay nahimatay ako,
dinala ako sa hospital doon nalaman na nagdadalang tao ako.

Hindi ako makapaniwala na may nabuo sa pagtatalik namin ni Rhav bago niya ako
pagsalitaan ng masasama at sinaktan ng sobra sa araw na iyon. Pumasok sa isip ko
noon na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko dahil hindi ko sila kayang buhayin,
hindi ko nga kaya pakainin ang pamilya ko tapos dadagdag pa sila sa pasanin ko?

Pero hindi ako nagtagumpay na ipalaglag sila. Oo, malaki ang galit ko kay Rihav,
pero hindi ibig sabihin non na ang galit ko ay ipupukol ko sa mga bata. Inosente
sila at hindi alam kong ano ang nangyari.

Tinuloy ko ang pagbubuntis ko hanggang sa nalaman nina Zav at Zoe. Maging sila ay
nagulat nakita na malaki na ang tyan ko. Simula noon halos linggo linggo silang
pumupunta sa bahay para kamustahin ako, mas excited pa sila sa akin na lumabas ang
bata sa sinapupunan ko. Sinabihan ko sila na kahit kailan ay huwag sabihin kay
Rihav na may anak kami, simula rin noong umalis ako sa kanila ay wala na akong
naging impormasyon kay Rihav dahil ayaw ko na siyang pumasok pa ulit sa buhay ko.
Sa tulong nina Zav at Zoe ay naitawid ko ang pagpapanganak, sila rin ang bumili ng
mga gamit dahil daw pamangkin naman nila ang mga anak ko. Noong araw na nanganak
ako hindi ko alam na kambal pala ang magiging anak ko dahil hindi ako nakapagcheck-
up basta ang alam ko lang ay buntis ako noong nahimatay ako sa munisipyo.

Mas dumoble ang pasanin ko sa buhay. May mga panahon na gusto ko nalang sumuko at
ipaampon nalang ang dalawa, ngunit pinigilan ako ng dalawang magkapatid na Madreal.
Sa lahat ng kabutihan nina Zav at Zoe sa akin ay hindi ko na alam kong paano ko
sila masusuklian.

Naging maayos ang pag-aalaga ko sa kambal kong anak. Kahit na wala akong tulog sa
pagbabantay ay nagtatrabaho ako para may maibili ng gatas para sa kanila, hindi
parati na kina Zav at Zoe ako sasandal kailangan ko rin buhayin ang mga anak ko sa
sariling pinaghirapan ko.

Akala ko noon tapos na ang paghihirap ko dahil masaya ako na nakikitang malusog ang
mga anak ko pero hindi pa pala tapos ang paghihirap kong iyon dahil si tatay naman
ang sumunod kay Nanay. Siya mismo ang tumapos sa buhay niya, nakaramdam ulit ako ng
depresiyon noong namatay si Tatay.

Hindi ko na naalagaan ng maayos ang mga anak ko, hindi ko sila napapadede sa tamang
oras. Ilang linggo hindi ko sila hindi nahawakan, sina Zav at Zoe ang nag-aalaga sa
kanila habang ako naman ay kinukulong ko ang sarili sa silid ng bahay namin.

Hindi ako kumakain, parang wala ng dahilan pa para mabuhay. Ang dalawang pinaka-
importante sa buhay ko, ang dalawang gusto kong mabigyan ng magandang buhay ay wala
na sa tabi ko. Wala na ang dalawang nagpapalakas sa akin, wala akong hinangad
simula noong bata ako kundi ang maiahon sila sa hirap. Pero wala, huli na ako, wala
na sila, iniwan nila kami ni Coleen.

Isang araw sa pagmumukmuk ko sa loob ng silid ko ay hindi nalaman nina Zav at Zoe
na nilalaganat pala si Hera, isa sa mga anak ko. Wala silang kaalam alam sa
pagbabantay sa dalawa kaya hindi nila alam ang gagawin, sumisigaw sigaw sila sa
labas kay lumabas ako ng aking silid. Umiiyak silang dalawa nakaramdam ako ng
takot, ibinigay nila sa akin si Hera at ganon na ang aking kaba ng maramdaman ko na
sobrang init niya.

Itinakbo namin si Hera sa pinakamalapit na hospital, mabuti nalang ay naagapan ng


mga doktor. Simula non napagtanto ko na hindi lang ako ang nabubuhay sa mundo,
napagtanto ko na may dalawang paslit na kailangan ng aruga at pagmamahal ko. Hindi
dahil nawala sila sina Nanay at Tatay ay hahayaan ko narin ang buhay ko.

Ngayon, ang kambal ko na ang tinutuan ko ng pansin. Kung hindi ko man natupad ang
gusto ko sa mga magulang ko, sa kambal ko naman tutuparin ang pangakong iyon. Sila
ang dahilan kong bakit ako nagtatrabaho, sila ang dahilan kong bakit ako malakas,
at paalagaan ko sila sa abot ng makakaya ko.

"Nanay!" bungad sa akin ni Hera pagkabukas ko ng pinto.

"Anak," sabay yakap sa kanya.

Ngayon tatlong taong gulang na sila. Marunong na silang magsalita at parang matanda
na talaga magsalita lalo na itong si Hera. Si Hacov naman ay kasalungat ni Hera,
palagi itong tahimik at parang walang pake sa buhay.

"Nandito si Tata Zoe at Tata Zav, Nanay." Aniya at pinapunta ako sa kusina.

Naroon nga ang dalawa na naglalagay ng grocery sa cabinet. Ngumiti sila sa akin at
nginitian ko naman sila pabalik. Tuwing katapusan ng buwan ay narito sila para
bigyan kami ng pagkain, noong una ay hindi ko gusto na parating pumunta dito dahil
may trabaho silang dalawa. Ayaw nilang pagpaawat kaya wala na akong magawa pa.
"Nasaan si Tata Coleen, Her?" tanong ko kay Hera.

Nagkibit balikat ito, "Ewan, umalis siya kanina, may dala malaking bag." Aniya na
ikinagulat ko.

"May nakuha daw siyang trabaho sa Maynila, Fay. Sa amin siya nagpaalam, kung
matanggi ka sa amin mas matanggi pa iyong kapatid mo. Nagvolunteer ako na
pagmamaneho ko siya papuntang Manila o hintayin ka niya. But she refuse it, we had
a lot of offers for her para hindi siya mahirap. All of those, tinanggihan niya.
Wala na kaming magawa ni Zav kundi pakawalan siya." sumingit na si Zoe sa usapan
namin ni Hera.

Iniwan ko si Hera sa sala kasama si Hacov at pumunta ako sa dalawa, "Hindi man lang
niya ako tinawagan. Ganon talaga iyon, mataas ang pangarap ni Coleen. Maprinsipyo
din ang babaeng iyon, sana kayanin niya ang Manila."

Tinulungan ko ang dalawa sa pag-aayos ng pagkain. May nakiya akong chocolate na


gustong gusto ng kambal, napatingin ako kay Zav at Zoe. Ito na naman sila inispoil
na naman nila ang dalawa.

"Don't look us like that, Fay. Itong si Zav ang kumuha niyan, sabi ko huwa—"
pinutol ni Zav si Zoe.

"No, Fay. Not me, si Zoe talaga ang kumuha niyan. I told her that the kid wants
that but I didn't put that in our cart. Ikaw Zoe hindi ako." hirit pa ni Zav.

"Anong ako? hindi ako, ikaw!"


"Ikaw!"

Napatampal ako ng aking noo dahil sa kanila. Wala pa naman akong sinabi pero ito na
sila, kilalang kilala na talaga nila ako. Sa apat na taon na sila ang nakakasama ko
parang lahat ng kilos ay kilala na nila.

Ang dalawang ito hindi nagsasawang tulungan ako, pero sana naman huwag nilang spoil
ang dalawa dahil wala akong pera para ibigay ang gusto nila. Kong mayaman lang ako
lahat ng gusto nila ibibigay ko, pero hindi, mahirap lang kami.

"Stop na, Zav at Zoe. Wala pa nga akong sinabi," ani ko at nahinto naman silang
dalawa, "Hindi naman ako galit kong binibilhan niyo ang dalawa ng mga ganito pero
sana hindi buwan buwan baka hanap hanapin nila ito at magpabili sa akin. Wala akong
pera na ipangbili dito, Zav at Zoe."

Kita ko ang pagbuntong hininga ni Zav at hinawakan ang balikat ko, "They are the
heiress of Madreal Empire, Fay. Hindi dapat sila naghihirap ng ganito, dapat naroon
sila sa Mansion ngayon. I know what you've been through for the past years but the
twins didn't deserve this kind of life. Ako ang naaawa sa kanila, Fay." Seryosong
sabi ni Zavia.

Tagapagmana ba talaga sila? O mga anak sila sa labas ni Rihav?

Alam ko na kasal na ngayon si Rihav at siguro ay may mga anak narin ito ngayon.
Ayaw kong masaktan ang mga anak ko na malalaman nilang anak sila sa labas. Ayaw
kong darating ang panahon na isumbat nila sa akin na anak sila sa labas.
Ayos na sa akin na simple lang ang pamumuhay namin dito sa Isla Fera kesa naman
nasa mansion nga sila ng Madreal pero hindi naman sila katanggap-tanggap.

"Ayos naman sila dito, Zav. Hindi naman na nila kailangan si Rihav, may mga anak
naman si Rihav ngayon kaya hindi na niya pa kailangan ang dalawa."

Makahulugan na nagtitigan ang dalawa bago nagsalita ulit si Zavia, "Hindi nagsasabi
sa amin ang dalawa tungkol sa mga gusto nila pero noong pumunta kami dito ay
natagpuan namin silang dalawa na nasa labas. Si Hera ay titig na titig sa kalaro na
may hawak hawak na life size Barbie doll. She was looking at the doll like she
wants that too, I saw her playing with her paper doll that you made for her."

"And, I saw Hacov looking at his playmate using a phone or IPad I think. I heard
him na kung pwede ba siyang manood ng pinapanood nila, pero iyong bata ay iniba ang
way ng pagkakahawak ng IPad kaya napasimangot si Hacov at umalis nalang doon."
Kwento pa ni Zoe.

Napatingin ako sa dalawang anak ko na nanonood ng TV. Matagal ng gusto ng dalawa


ang mga iyon lalo na ni Hacov ang IPad. Ngunit hindi ko mabili dahil hindi ko kaya
ang mga iyon, kahit patayin ko ang katawan ko sa pagtatrabaho ay mukhang hindi ko
mabibili ang kanilang gusto.

Ang bagay na mabibigay ko sa kanila ay iyong pagmamahal...

Wala kaming pera, hindi ko mabibigay ang gusto nila. Kahit noong birthday nila
hindi ko sila kayang bilhan ng cake. Walang wala ako...

"Makahanap ako ng isa pang trabaho bibilhin ko ang gusto nila pero sa ngayon tiis
muna sila." Sabi ko habang nakatingin sa kanila.
"Fayre, huwag mong patayin ang sarili mo kong kaya namang ibigay ni Kuya ang gusto
ng mga anak niya." napatingin ako kay Zoe dahil sa kanyang sinabi.

Akala ko magkakampi kami? Alam niya lahat ng sakit na pinagdaanan ko sa kamay ng


Kuya niya. bakit ganito na siya ngayon? Ano kakalimutan ko nalang ang lahat ng
ginawa sa akin ni Rihav para lang maibigay ang gusto ng dalawa kong anak?

Hindi ako ganon babae, kahit na magkandakuba-kuba ako sa pagtatrabaho para lang
maibigay ko sa dalawa ang gusto nila ay gagawin ko basta hindi na masali pa si
Rihav sa usapang ito. Hindi na siya masala pa sa buhay namin. Hindi namin siya
kailangan!

"Hindi ko kailangan ang tulong ng Kuya mo, Zoe. Akala ko ba, ayos na sa inyo ito?
Akala ko nagkalinawan na tayo? Akala ko alam niyo ang pinagdaanan ko? Huwag na
natin isali ang tao na matagal ko nang binura sa buhay ko." Ani ko at umalis ng
kusina.

****

Okay, balik answer module. Huwag kayong maniwala na lahat ng basic ay madali. HI!
Basic Calculus! HAHAHAHAHAHAHA. Bye, answer na ko!

Kabanata 2

Kabanata 2

Walang karapatan
Kinagabihan ay napagpasiyahan ng dalawa na dito natulog, habang nasa hapag kami
kanina ay hindi kami nag-iimikan. Hindi naman ako galit sa kanilang dalawa dahil
wala naman akong karapatan. Ako pa nga ang may utang loob sa kanila dahil hindi
nila ako iniwan sa mga panahon na gustong gusto ko ng sumuko, pero ang aking lang
ilayo o huwag ng sambitin pa si Rihav sa usapan namin lalo na nandiyaan ang kambal.

Lahat ay gagawin ko para hindi lang makita ni Rihav ang kambal. Hindi maiwasan na
hindi maghanap ng ama ang kambal, alibi lang ang sinasagot ko sa kanila o hindi
kaya ay binibiro sila ni Amer na nalunod na sa sabaw ang kanilang ama.

Kasalukayan ako ngayon ay narito sa balkonahe ng bahay namin, hindi naman ganon
kalaki itong bahay pero sapat na sa aming tatlo ng kambal. Ang baba ay yari sa
cemento at ang taas ay yari na sa kahoy, hindi ito natapos dahil linisan ko na ang
Mansion Madreal. Hindi din sapat ang paglalabada ko, hindi ko nga napagamot si
Nanay.

Tahimik lang ako habang tinatanaw ang kapaligiran, sa La Meyanda kami nakatira dito
sa Isla Fera. Halos lahat ng tao dito ay magsasaka, nasa parte kami ng Isla Fera na
hindi gaanong pinapahalagahan. Walang gaanong turista sa dito sa amin, halos mga
taga rito lang. Medyo malayo din ito sa bayan o ang La Fera.

Kahit gaanon ay tahimik naman at hindi malayo kami sa gulo. Hindi man sikat ang
lugar na ito ang importante ay matiwasay ang pamumuhay namin. Sa susunod na pasukan
gusto ko sanang ipasok ang dalawa sa isang paaralan dito, pero ang tanong naman
kong sino ang magbabantay sa kanila. Tatlo nalang kaming nandito sa bahay at walang
kasiguraduhan kong uuwi pa si Amer o hindi.

Malayo ang tingin ng maramdaman ko na may umupo sa tabi ko, si Zoe.

Dinig ko ang paghinga niya nang malalim bago siya nagsalita, "I'm sorry for what
happened earlier, sorry sa mga sinabi ko, Fay. I know what happened in the past
years, I saw you crying for how many times, ilang beses ka na ring sumuko sa
buhay." Huminto siya sa pagsasalita at hinawakan ang aking kamay, "But always
remember, me and Zav are always here for you. Alam ko rin na hindi maganda ang
ginawa ni Kuya sa iyon dati kaya hindi niya deserve na makita ang dalawa, pero ang
akin lang sana hindi sila kinakawawa."

"Hindi naman sila kinakawawa dito, Zoe. Nakakain naman sila tatlong beses sa isang
araw, iyong mga gusto nila ay pag-iipunan ko. Alam ko naman na hindi basta basta
ang dugo na nanalaytay sa kanila, sa kulay palang ng mata alam na natin kong sino
ang ama nila. Pero Zoe ang sakit..." tinuro ko ang aking puso, "Narito parin, hindi
ko alam kong mapapatawad ko pa ba si Rihav sa lahat ng nangyari o maghihilom lang
ito sa paglipas ng panahon." Sunod non ang pagpatak ng luha ko.

Ang sakit na nararamdaman ko ay narito parin sa puso ko. Ang mga asasalit na
salitang binigkas ng bibig niya nakaukit parin sa puso ko. Si Rihav lang ang
lalaking minahala ko kahit na ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iibig sa
mayaman dahil isa lang akong taga-probinsyang babae.

Ang pangakong iyon ay pinako ko mismo dahil sa pag-ibig ko sa kanya. Hindi dahil sa
gwapo niyang mukha, sa pera niya, sa kayaman o maging sa kapangyarihan nila, inibig
ko siya dahil nakikita kong mabuti siyang tao. Nasa kanya na ang lahat ng hinahanap
ko sa lalaki, iyon pala hindi ko alam na may tinatago din siyang baho, mapagpanggap
din pala.

Iyon ang masakit.

Binuhos mo lahat ng pagmamahal mo sa isang tao pero sa huli...wala, masasaktan ka


din. Parte na siguro iyon ng pag-ibig, na kapag nagmahal siguradong masasaktan.

"Darating ang panahon na kong mahaharap mo man si Kuya ay sana pakinggan mo parin
siya. Kahit baliktarin ang mundo anak parin ni Kuya iyong dalawa kahit na
nagkasakitan kayo, oo hindi niya deserve ang dalawa pero sana magkalinawan kayo
kong magkikita man kayo sa huli."

Umiling ako, "Hindi na kami magkikita pa Zoe." Matigas kong sabi.


Suminghot si Zoe at tumango, "Kung iyan ang nais mo, hindi kami gagalaw ni Zav
hanggat ayaw mo."

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap ko si Zoe ng mahigpit. Hindi ko alam kong


kapatid ba ang turing nila kayy Rihav o hindi. Parang ako na iyong kapatid nila
kong makatulong sila sa akin. Ewan ko nalang kong saan kami pupulutin ng kambal
kong wala silang dalawa ni Zav.

Humiwalay kami sa pagkakayap ni Zoe, akmang magsasalita na sana ako ng marinig kami
ng hiyawan ng kambal sa baba. Sabay kaming panapatayo ni Zoe at agaran kaming
bumaba sa unang palapag ng bahay.

Nasa hagdan na kaming dalawa, napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag na


walang nangyari sa kambal akala kong ano na.

"Fay!" si Amer pala ang dumating.

May dala itong pasalubong sa kambal kay ganon nalang ang hiyaw nilang dalawa. Nako
naman...

"Amer, akala ko bukas pa ang dating mo?" sabi ko at tumulay ng bumaba.

Ibinigay niya muna sa kambal ang kani-kanilang regalo bago siya magsalita.
"Ano kaba! Hindi ako si Amer, ako si Amera! Nakakaloka kana day! Ilang beses na
kitang pinagsasabihan na babae nga ako, lalaki lang manumit pero si Amera ako!"
boses babe niyang sabi at tumli pa.

Simula noong bata pa kaming dalawa alam ko na talaga na bakla itong si Amer.
Makalakad kumikinding, kapag naglalaro ayaw niya na kalaro lalaki dapat kaming mga
babae. Noong palang alam na alam ko na, iyon ang pinagtaka ko dati kay Rihav kong
bakit siya parating nagseseslos kay Amer.

"Ewan ko sayo, Amer." Sabay pag-upo ko sa sofa de kawayan namin.

"Ninang Amera ang ganda nitong bigay mo!" si Hera sabay pakita pa ng barbie doll na
karaniwang laki lang.

Pumalakpak ang bakla dahil sa sinabi ni Hera.

"Mabuti pa itong junakis mo alam kong ano ako, pero ikaw maka Amer ka sa akin—"
hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi ng makita ang kambal. "Narito pala kayo
Madreal Twins, dito kayo matutulog?" casual nitong sabi.

Noong libing ni Nanay sila nagkakilala. Hindi pa nga makapaniwala noong una itong
si Amer na ang dalawang Madreal ay narito sa Isla Fera. Apat na taon narin iyon,
ngayon si Zoe ay namamahala narin ng negosyo nila. Itong si Zavia naman ay
pagmomodelo ang kinahiligan.

"Yes, we are going to sleep here. I have chika for you Amera, new model. Boylet..."
hindi ko na sunod na narinig ang kanilang usapan dahil hinatak na ni Zavia si Amer
palabas ng sala.
Si Amer basta lalaki talaga sige na agad. Parang dati lang ayaw niya ng mga kalaro
naming lalaki ngayon lalaki na ang gusto niya. Sayang nga si Amer dahil malaki ang
kanyang pangangatan, gwapo din pero iyon ngalan ayaw niya sa kapwa niya kuno babae.

"Nanay," napatingin ako kay Hacov na tumawag sa akin, umupo siya tabi ko ay niyakap
ang aking tagiliran. "Alam niyo po ba ang cellphone? Gusto ko pa sana manood ng
pinapanood ni Obet pero sabi niya sa cellphone lang daw iyon makikita."malumanay na
sabi nito.

Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok, "Alam mo ba kong paan gamitin iyon? Mag-aapat
na taon ka palang Hacov baka lumabo iyang mata mo kapag nagbabad ka sa cellphone."
Sambit ko at hinalikan ang kanyang ulo.

"Susubukan ko pong alamin, ayaw nila akong papanoorin ng pinapanood nila kasi anak
daw ako ng engkanto." Dinikit niya ang kanyang mukha sa aking dibdib.

"Engkanto? Anong engkanto?" kumunot ang noo ko.

Simula noong umuwi ako dito sa Isla Fera at halos nalaman ng kabaranggay namin na
buntis ako pinagchismisan kaagad ako. Daming nagsasabi sa akin na kong sino daw
akong mukhang santa pero magpapabuntis din pala, hindi ko nalang sila pinatulan pa
dahil hindi nila alam ang totoong istorya. Hindi nila ako kilala, at ako lang ang
nakakilala sa sarili ko.

Noong naglalaro nadin ang dalawa ay may mga araw na umuuwi silang umiiyak dahil
tinutukso daw sila ng mga kapit bahay namin. Mayroon pa nga na tinanong ako ni Hera
kong ano ang bayarang babae dahil ako daw yon. Minabuti kong tumahikim nalang at
pinangaralan ang mga anak ko sa tungkol sa pagrespeto sa kapwa.
Wala kami pera at hindi kami mayaman pero alam namin ang salitang respeto.

"Kasi ganito ang kulay ng mata namin ni Hera, sabi pa ng nanay ni Obet Amerikanong
hilaw daw ang tatay namin. Nasaan ba kasi si Tatay, nay? Baka kong naarito siya
hindi kami inaapi ng mga nasa labas."

Napapikit ako at napabuga ng hangin sa kanyang tanong,

"Hindi ka engkanto, Hacov. Hindi karin anak ng hilaw na amerikano, nasa malayo ang
tatay mo—"

"Nalunod na sa sabaw ang tatay mo, Hacov!" singit ni Amer na nakikinig na pala sa
amin.

Mabuti nalang narito si Amer para saluhin ako sa tuwing nagtatanong ang dalawa kong
sino ba ang kanilang ama. Alam ni Amer kong sino ang ama ng kambal, dati pumupunta
siya sa Mansion Madreal para ibalita kondesyon ni nanay at pumupunta rin siya doon
para makita si Rihav. Kapag nasa harap naman niya si Rihav ay kong sinong barakong
lalaki kapag nagsasalita.

"Dahil good girl and good boy kayong dalawa pupunta tayo ng La Fera!" ani Amer at
binuhat ang dalawa gamit ang kanyang bising.

Masayang tumawa naman ang dalawa at pinagigilan pa si Amer habang buhat buhat sila.
Nang magtama ang mata namin ni Amer ay nilakihan ko siya ng mata. Nagbeautiful eyes
lang siya at ngumuso sa akin bago hinalikan ang dalawa sa leeg.
"Sama kayo Tata Zoe at Tata Zav?" tanong ni Hera sa kambal na Madreal.

Kinuha ni Zoe si Hera kay Amer at pinangigilan, "Sorry, Tata Zoe and Tata Zavia is
not available for tomorrow, we have work." Nag-inarte pang malungkot si Zoe habang
kinakausap nnni Hera.

"Okay lang po, Tata. Sa susunod, sama kayo samin ha." Hirit pa nito.

"Sure, Hera." Si Zavia at ngumiti.

"Dahil aalis tayo bukas, kailangan na nating matulog." Sabi ng bakla dala dala si
Hacov papuntang sa ikalawang palapag.

Ewan ko kong anong trip nitong ni Amer. Dati sa isang sikat nakainan siya
nagtatrabaho ngayon isa na siyang sikat na fashion designer. Si Zavia ang parati
niyang kasama sa ga event. Malaki narin ang kita niya, kay nag-aya siguro ng mall.

Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga dahil uuwi na ang kambal ng mga Madreal.
Kumain lang sila saglit dahil nagluto ako, masyadong malayo ang Manila baka magutom
sila daan. Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa taas para humalik sa dalawa
kong anak bago sila tuluyang umuwi.

Nilinis ko ang buong bahay hanggang sa nagising narin si Amer. Agad niyang hinanap
ang kambal ng Madreal at sinabi ko namang umuwi na sila. Nagtimpla siya ng kape at
umupo sa sofa de kawayan bago siya nagsalita.
"Naghahanap ka ng trabahod diba?" aniya at humikab.

"Oo, may alam ka ba?"

Tumingin siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ano na naman ang
pakulo ng baklang ito? Dati sa isang CEO niya ako pina-apply para maging
secretarya, noong nalaman kong mala dragon kong magalit ang CEO ay nagback out ako.
Nakaintindi naman ako ng English at nakakapagsalita din pero natatakot ako baka
pagsalitaan niya ako ng masama sa madaming tao.

"Nakita mo na ba katawan mo sa salamin, Fay?" sabi niya at pinaikot ako, "Ang liit
liit muna, pero keri ka para maging model—"

"Huwag mo kong isama diyan sa mga kaartehan mo, Amer." Sabay irap ko sa kaniya.

Matagal na nya akong pinipilit na pumasok sa pagmomodelo. Hindi ko nga naisip kong
maganda ba ako o hindi. Hindi din ako naglalagay ng kolorete sa mukha, wala din
kaartehan sa katawan. Wala naman akong hilig sa pagmomodelo kaya yaw ko ring
subukan.

"Amera kasi! Nakakapikon kana Fayre, maganda ka dati hanggang ngayon naman pero
kapag ako ang naunang nakilala ni Rihav baka kami ang nagkaanak."aniya pa.

"Wala kang matris, Amer." Sapol ko sa kanya.

Kita ko ang pagsimangot niya , gano din ang pag-ikot ng kanyang mata. Bumalik siya
sa pagkakaupo at uminom ng kape.

"Pero real, may alam akong trabaho para sayo pero baka hindi mo kayanin. Masyado
kanang payat, baka magkasakit ka."

Tumingin ako sa kanya, "Paano ko mabibili ang gusto ni Hacov kong hindi ako
magtatrabaho? Sige, kahit anong trabaho basta marangal payag ako." hinawakan ko pa
ang kanyang braso.

Tumili siya at kinuha ang kanyang braso sa akin kamay, ang arte ng baklang ito!

"Oo na pero don't touch me, virgin pa me." Lumayo pa siya sa akin, "Ako magbabantay
sa mga junakis mo, namiss ko sila tatlong buwan din kaming hindi nagkita. Dito
nalang muna ako matutulog kapag wala kapa."

"Ano ba ang trabaho?"

"Waitress sa Club sa La Fera Dos. Binigay na kita kay Tessa, iyong manager. Alam
niya kong anong trabahong inapllyan mo doon. Siya ang magsasabi ng mga rules sa
iyon. Basat ibigay mo ito sa kanya, beshie kami non."

Hindi ko mapigilang hindi mayakap si Amer. Isa rin siya sa mga taong hindi ako
sinukuan sa laban ko. Isa rin siya sa mga tumulong sa akin para mainagat ko ang
aking salita. Kahit ganong problema ang dumating sa akin ay hindi parin ako
pinabayaan ng diyos at binigyan niya ako ng mga taong makakapitan ko sa panahon na
hinahamon ako ng buhay.
"Don't hug me!" maarte nitong sabi tinulak pa talaga ako.

Ala una ng hapon ay umalis kami ng bahay para makapunta nga sa La Fera. May bagong
tayong mall daw doon sabi ni Amer, iyon daw ang pinakamalaking mall sa Isla Fera.
Dalawang linggo palang daw iyong bukas kaya medyo dinudumog pa ng mga tao.

Sumakay kami sa sasakyan ni Amer, madami ng pera ang bakla pero hindi ako pwedeng
panghingi lang ng manghingi sa kaniya at sa kambal ng Madreal kailangan ko ring
tumayo sa sarli kong mga paa.

Isa at kalahati ang aming byenahi bago kami nakarating ng La Fera. Ang mata ng
dalawa parang lalabas na ng bintana dahil bukas iyon, hindi sila sanay sa aircon
kaya binuksan ni Amer. Kita ko ang kisap sa kanilang mata habang nakatingin sa
bagong mall na tinutukoy ni Amer.

RMall iyon ang nakalagay sa mataas na mall.

Lumundag sila palabas sa kotse ni Amer ng maiparada na ito ng mabuti. Ito ang kauna
unahang nakatungtong ang dalawa sa La Fera. Hawak ko sila ka kamay sabay kaming
pumasok ng mall. Nilibot namin iyon hanggang sa mapunta kami sa mga laruan, na
pakay nila sa mall na ito. Habang sila ay namimili inibot ko ang aking mata sa
buong mall.

Malaki nga ito kumpara sa mga unang mall dito sa La Fera. Busy sila sa katuturo ng
gusto nila kay Amer ay umalis muna ako doon. Lumabas ako sa store, madaming tao nga
dito ngayon dahil kakabukas lang at maganda din ang pasilidad.

Nagulat ako ng biglang dumami ang tao sa bandang kaliwa na papunta sa gawi ko.
Nakita ko ang isang lalaki na naka tuxedo, mukhang pamilyar ito sa akin kahit pa
medyo nakatagid pa. Nang makaharap na siya ng mabuti ay lumaki ang aking mata ng
makitang si Rihav iyon. Nagsalubong ang aming mga mata, wala akong sinayang na oras
pa at bumalik sa loob ng store.

"Umalis na tayo," mabuti nalang at nabayaran na nila ang kanilang napamili.

Inakay ko si Hera at kay Amer naman si Hacov.

"Anyare bhe? Hindi pa kami tapos mamili." Angal ni Amer na makapasok na kami ng
sasakyan niya.

"Nakita ko si Rihav sa loob!" hindi ko mapigilang tumaas ang aking boses.

Nandito ang dalawa may posibilidad na makita niya ang dalawa kapag nagtagal pa kami
doon. Hindi...hindi niya dapat makita ang dalawa. Wala siyang karapatan, simula
noong pinagsalitaan niya ako ng masama at ibinalitang magpapakasal siya parang
tinaboy niya narin ako.

Kabanata 3

Kabanata 3

Iwasan at magtago

Hawak hawak ang papel na binigay sa akin ni Amer, kasalukuyan ako ngayon na katayo
sa harap nitong club na tinuro niya sa akin. Halos lahat ng gusali dito sa La Fera
Dos ay malalaki kumpara sa La Fera Uno, ngunit sa lahat ng gusali dito isa ang
building nasa harap ko ang pinakamalaki. Magara din ang labas nito at parang
mayayaman lang dito sa Isla Fera ang makakapasok sa loob.
Hindi naman ako mapili sa trabahong mapapasukan, ang importante ay marangal ito at
karespe-respeto. Ang sabi naman ni Amer sa akin ay waitress ang kinuha niyang
trabaho sa akin at hindi magpapaligaya ng lalaki, ayos na iyon sa akin ang
importante mabili ang gusto ng mga anak ko.

Ayaw kong manghingi lang ng manghingi sa Kambal at kay Amer. Ayaw ko rin manghingi
ng sustento sa tatay nila. Noong nakita ko si Rihav sa mall na iyon nakaraang
linggo nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko. Mayaman siya mahirap lang ako,
salat sa pera. Natatakot ako na baka isang araw ay iwan ako ng mga anak ko at
sumama sila sa tatay nila. Bata pa sila at walang kamuwang muwang sa mundo,
bibigyan lang ng kung anong nais nila baka kakagat sila.

"Miss, mag-aapply ka din?" parang bumalik ang kaluluwa sa akin sarili dahil sa
presensyang iyon.

Napahawak ako sa aking dibdib at hinarap siya, "May binigay na sa akin ang kaibigan
ko, ibibigay ko lang daw ito sa may-ari tapos pwede na akong makapagtrabaho." Sabi
ko sa kanya.

Tumango tango siya at nilagay ang daliri sa kanyang panga, "Ah, may backer. Swerte
mo girl, ako nahirapang makapasok diyan. Isa ang Club Highden, sa pinakamalaking
gusali dito sa La Fera Dos kaya medyo mahigpit. But don't worry, alam kong kaya mo
naman dito. You're pretty naman at makakabingwit ka ng papi!" aniya at parang
kinikilig.

"Aso?" inosente kong tanong.

Tumawa siya at hinila na ako papasok ng gusali, "Gwapo na mayaman, hindi aso."
Sagot niya at pinapasok ako isang silid.
Akmang lalabas na sana ako ng sinirado niya ito at ay binigyan ng maliit na uwang,
bumulong siya ng 'Goodluck' bago tuluyang sinirado ang pinto.

Huminga ako ng malalim at naglinga-linga dito sa loob ng silid. Isang babae ang
nakita ko na nakaupo at nakaharap na pala sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya
napangiti din ako sa kanya. Lumakad ako papunta sa kanyang gawi at binati ko siya.

"You must be Amer's Friend, Am I correct?" panimula niya.

"Yes, Ma'am. I am Amer's Friend." Sabi ko sa ingles na lingwahe.

Nakatungtong naman ako ng college kahit papaano kaya alam ko rin ang lingwaheng
iyon. Iyon din ang ginagamit na lingwahe sa bahay ng mga Madreal kay nakasanayan ko
na rin kahit papaano.

"Amer is right, you looked pretty. Waitress lang ba ang gusto mo dito sa Highden
Club? Or you want other job for better earnings?" sabi niya at pinaupo ako sa upuan
na malapit sa akin.

Umiling kaagad ako sa kanyang tanong, alam ko kong anong tintukoy niyang trabaho at
iyon daw ay tangihan ko sabi ni Amer. "I just wanted to be a waitress here, Ma'am.
Sabi ni Amer iyon naman ang kulang dito kaya iyon po ang kukunin kong trabaho."
Sagot ko naman.

Binasa niya ang kanyang bibig, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ulit
siya nagsalita, "Sure, you can start later. Don't be late, three times late you
will be fired immediately. Your uniform is now on your locker, every end of the
month you get salary from me. The owner of this club is here every first week of
the month, better to meet him soon." Paliwanag nito tungkol sa akin trabaho.

Ngayon ay unang linggo ng buwan kaya ibig sabihin narito ang may-ari nitong club.
Hindi ko naman kilala kong sino iyon, baka makikilala ko rin siya mamaya.

Bumalik sa isipan ko ang binigay sa akin ni Amer, ibinigay ko iyon sa nangangalang


Tessa base sa nakalapag sa kanyang mesa. Kinuha niya iyon at may pinermahan bago
ako nginiti'an.

"Your work starts 6:00 pm and it well end around 11:30 pm. Alam kong malayo ang
lugar mo dito sa La Fera Dos, you have free room naman upstairs. You have rest day
which is Sunday only. Farahline will guide you in your room.."

"Whose Farahline po?" may respeto kong tanong.

"The girl who pushed you here, she is waiting outside." At tinuro pa niya ang
pinto.

Tumango naman ako at nagpaalam na dahil mukhang wala naman na siya sasabihin pa.
Isa pa ay nilahad na niya ang kanyang kamay na pwede na akong lumabas ng kanyang
opisina. Yumuko muna ako bilang respeto bago ako tuluyang lumabas ng silid. Hindi
nga siya nagkakamali dahil narito nga si Farahline sa labas.

"Hi!" panimula ko.

Hindi ko alam kong magkakasundo ba kami nitong ni Farahline pero mukha naman siyang
mabait na babae. Maganda siya at kita ang hubog ng kanyang katawan dahil sa suot na
maikling damit at isang pants.

"Layo mo pala dito sa LFD, bakit dito ka nagtrabaho?" usisa niya habang naglalakad
kami.

Pumasok kami sa elevator nitong gusali, siya din ang pumindot ng tamang palapag
para sa amin. Wala akong alam dito, baka si Farahline ang makakatulong sa akin.

"Hindi kalakihan ang sahod doon sa La Meyanda kaya naisipan kong lumuwas dito sa La
Fera Dos." Sagot ko naman.

"True, ako nga sa Los Dias pa eh. Mahirap lang ang buhay namin kaya lumuwas din ako
dito sa LFD."

"Siya nga pala, kilala mo ba kong sino may-ari nitong gusali?" hindi ko kilala ang
may-ari, baka nakakatakot iyon. Ayaw kong pumalpak at mapagsabihan ng masama sa
harap ng madaming tao.

"Si Sir Haiden ang may-ari nitong gusali at club sa baba. Hindi naman iyon masungit
pwera lang kong pumalpak ka sa ginagawa mo."

Tumango tango naman ako. Sana naman hindi ako pumalpak habang ginagawa ko ang
trabaho ko, ayaw ko na nang ganon, ayaw kong mapagsalitaan ng masama.

Hindi na kami nag-imikan pa dahil naging busy si Farahline sa kanyang cellphone.


Naisip ko tuloy si Hacov, ito ang gusto gustong niyang bagay. BUmuntong hininga
ako, 'Di bale na anak, mabibili na iyan ni nanay kapag nakatatlong sahod na ako
dito. Hindi kana makikinood pa ng paborito mong panoorin.

Ilang segundo pa ay bumukas na ang pinto ng elevator. Unang lumabas si Farahline at


sumunod naman ako sa kanyang likod. Madaming silid dito at may nakalagay ding mga
numero sa bawat pinto. Ngayon nasa tapat kami ng 21, may kinuhang susi si Farahline
sa kanyang bulsa at binuksan na ang silid.

"Ito ang silid mo..." tumigil siya at tumingin sa akin.

"Fayre," pakilala ko.

"Ito ang silid mo, Fayre. Bawal kang mapapasok ng lalaki sa silid na ito kong hindi
patay ka kay Boss. Kompleto na ang silid na ito kaya pwede mo nang malagay ang mga
damit mo. Kukunin ko lang sa locker mo ang uniform mo para masukat mo." Aniya ng
makapasok kami sa silid.

"Nako, huwag na ako na ang kukuha." Nahihiyang sabi ko.

Baka makaabala pa ako sa kanya. Baguhan lang ako dito kaya nakakahiya kong siya pa
ang kukuha non para sa akin.

"Ako na ang kukuha, ayusin mo na ang trabaho. Magpahinga ka narin, malayo layo ang
byenahe mo." Hinawakan niya ang magkabilaang braso ko at pinaupo sa kama.

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya baka kong saan pa kaming abuting dalawa.
Nagpaalam na siya na kukuha at ako naman ay inilapag ko na ang bag ko sa mesa.
Inilibot ko ang aking mata sa buong sulok nitong silid.

Hindi naman ito kalakihan kasya ang isa o dalawa sa kam dahil medyo malaki din. May
belt in cabinet sa harap na malaki, may mesa at isang upuan naman sa gilid ng kama.
Tumayo ako sa pagkakaupo at binuksan ang nag-iisang pinto dito sa loob. May
sariling banyo ito, inidor tsaka lababo lang naroon pero maganda naman.

Bumalik ako sa kama at umupo. Binuksan ko ang maliit na bag na nakakabit parin sa
akin at kinuha ko ang de keypad na cellphone ko. Miss ko na ang mga anak ko kahit
na ilang oras palang kami hindi nagkikita.

Noong umalis ako kaninang madaling araw ay tulog pa sila, ayaw ko na nakikita
silang umiiyak kapag umaalis ako baka hindi na ako tumuloy at magpaiwan nalang sa
bahay. Ginagawa ko naman ito sa kanila, para mabigay ang gusto nila kahit papaano.
Hindi naman sila nagsasabi sa akin ng kanilang gusto, kong hindi sinabi nina Zav at
Zoe hindi ko iyon malalaman.

Ilang segundo ang pang-ring ng telepono ni Amer bago niya nasagot ang tawag ko.

"Kamusta diyan mamsh?" bungad ni Amer sa akin.

"Kamusta mga anak ko diyan? Umiyak ba noong nalamang wala ako diyan? Hinanap ba
ako? anong nangyayari diyan ngayon? Inaalagaan mo sila ng mabuti?" sunod sunod kong
tanong sa kanya.

Nag-aalala ako sa kambal baka hinanap na ako, o kaya nagwawala sila. Mga bata iyon
at hindi maiwasan na ganon ang kanilang reaksyon.
"Mamsh, kalma may dibdib ka. Okay naman mga junakis mo dito, iyon ngalan kaninang
umaga hinanap ka. Umiyak ang dalawa, wala kana daw sa tabi nila. Mabuti nalang
gumana ang sinabi ko sa kanila kaya tumahan na din. Kumakain sila ngayon ng
chocolateng nakita ko sa cabinet niyo, paborito daw nila iyon." Sabi ng bakla sa
kabilang linya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Amer. Akala ko kong ano na ang nangyari
baka mapauwi ako kapag nagkataon na nagwawala sila. Mabuti nalang at magaling mang-
uto itong si Amer sa kanilang dalawa. Nakatulong din iyong chocolateng binili nina
Zav at Zoe.

"Ano naman ang inuto mo sa mga anak ko bakla?" strikta kong sabi.

Dinig ko muna ang pagtawa niya sa kabilang linya, may pa-ubo ubo din siya bago siya
nagsalita. "Well, sinabi ko na hahanap ko tatay nila basta tumahan silang dalawa.
And guess what, effective siya mamsh."

Parang sumabog ang kaluob-looban ko dahil sa sinabi ni Amer, "Effective mo mukha mo


gaga! Paano kong naghanap ang dalawa dahil sa pinagsasabi mo Amer? Hindi sila
pwedeng makita ni Rihav! Paano kong kunin sila sa akin dahil wala akong pera?! Amer
naman!" tumaas na ang boses ko at nainis na kay Amer.

Kay daming daming alibi o uto sa dalaw bakit ang tatay pa nila? Hindi ba talaga
sila na kakaaintindi na ayaw kong makita ni Rihav ang dalawa kong anak?!

"Mamsh, sorry na. Hindi ko kasi alam gagawin ko dalawa pa sila. Sorry na, uutuin ko
ulit sila na nalunod na sa sabaw ama nila. Sorry talaga, Fay. Hindi na mauulit
promise ko 'yan. Sige na baka magtatrabaho kana bye!" mabilis niyang sabi at ang
gaga binaba na ang linya hindi pa ako nakapagsalita.
Napabuntong hininga ako. Kapag nakabalik ako ng La Meyanda patay ka talaga sa akin,
Amer.

Kinahapunan ay trabaho na dito sa Highden. Medyo nagulat lang ako sa iksi ng


paldang binigay sa akin ni Farah kanina. Farah nalang daw ang itawag ko sa kanya,
masyado daw'ng mahaba ang Faraline. Hindi naman ako gaanong masilan sa kasuotan
pero hindi talaga ako sanay na ang paldang sinusuot ko ay hanggang itaas ng aking
tuhod. Nagsusuot naman ako ng mga shirts pero hindi gaanong kaikli.

Tinignan ko ang aking buong katawan, nakaharap ako sa malaking salamin dito sa loob
ng aking silid. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng aking damit bago ko sila
pinagtagpo sa aking likod. Napailing ako ng makitang napakaliit ng aking beywang.
Simula noong bumalik ako dito sa Isla Fera at sunod sunod ang problema sa buhay ko
ay hindi na ako nakakain ng maayos.

Nalilipasan din ako ng gutom minsan dahil inuuna ko talaga ang trabaho ko kesa sa
pagkain ko. Nakakain lang ako ng maayos kong naroon si Amer o ang kambal na Madreal
sa bahay, pinapagalitan nila kasi ako kapag hindi ako kumain at uunahin ko ang
trabaho. Wala akong magawa kaya kakain nalang.

"Girl, ready ka na diyan mag-sstart na work natin." Dinig kong sabi ni Farah mula
sa labas.

Inayos kong muli ang aking sarili bago ako lumabas ng silid. Bumulaga agad sa aking
si Farah na iba ang sautan sa akin, hindi ko alam kong ano ang kanyang trabaho.
Maiksi pa ang kanyang palda sa akin at ang pangtaas naman ay isang bra na itim at
see through na crop top. Naka medyas din na hanggang itaas ng tuhod at boots na
mataas.

"Ba't gulat na gulat ka?" si farah at mahinang natawa sa reaksyon ko.


Kumurap kurap ako, "Bakit iyan ang suot mo? Anong trabaho mo dito?" kuryoso kong
tanong.

Hindi naman ako chismosa kong ano ang trabaho niya, nagulat lang talaga ako sa
kanyang kasuotan. Masyadong kita na ang kaluob-luoban ng kanyang katawan. Hindi ba
siya naiilang? Ito nga nakasuot palang ako ng paldang maikli nakakailang na, ano pa
kaya kong ganyan na.

"Call girl..." aniya at tumingin sa akin, "Basta mamaya makikita mo nalang ako sa
stage na nagsasayaw."

Tumango tango ako habang papasok kami ng elevator pababa na sa club. Naiintindihan
ko naman ang trabaho ni Farah, hindi ko naman siya majujudge kong ganyan ang
trabaho niya, wala ako sa posisyon. Hindi ko alam kong ano ang dahilan niya kong
bakit ganyan ng trabaho niya.

We can't judge the person without knowing her point of view.

Iyon ang parating nakatatak sa utak ko simula noong college. Hindi natin maiiwasan
ang ganong gawain pero sana ilagay natin sa tamang lugar. Lahat tayo ay may
pakiramdam kaya pwede tayong masaktan sa isang masakit na salita lamang.

"Natahik ka? I know, sasabihin mo na maruming tao ako? masama? Hindi na virgin?
Hindi katanggap tanggap sa lipunan dahil ganito ako, parausan."

Napatingin ako sa kanya, "Hindi kita huhusgahan sa trabaho mo, Farah. May rason
kong bakit ganyang trabaho ang ginawa mo ngayon. Bilib nga ako sayo dahil nakaya mo
'yan, nakaya mo din ang mga masasakit na salita ng mga tao tungkol diyan sa trabaho
mo."
Napait siyang tumawa at inayos ang kanyang buhok, "We are leaving in a judgemental
society, makapagsalita ang iba tungkol sa trabaho ko parang madumi na akong tao.
Hindi nga nila alam ang rason kong bakit ganito ang trabaho ko." Aniya at nakita ko
ang sakit sa kanyang mukha.

"Huwag mo nalang pansin ang mga ganong tao, Farah. Mas kilala mo ang sarili, huwag
mo nalang silang patulan."

Ngumiti siya sa akin, "Minsan hindi ko kaya, napapatulan ko sila. Wala eh, sobrang
baba ng tingin nila sa kin."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi akong ganon tao hindi ako pumapatol sa iba
dahil mas kilala ko ang sarili ko, pero minsan naiisip ko din kapag lumaban ako mas
gugulo ang lahat. Kapag hahayaan ko namang silang apihin ako mas lalo nilang
iisipin na isa akong disgrasyada. Hindi alam ang gagawin ko. Mas pinapaburan ko
nalang ang sinasabi ng utak ko na huwag na silaang patulan pa.

"Depende naman kong super below na belt na sila. Nasa sarili mo parin talaga kong
papatul ka o hindi, basta isa lang masasabi ko huwag magpatalo sa hamon ng buhay.
There's always a rainbow after the rain, ika nga nila."

Tumawa siya, "Gusto na talaga kitang maging friend." Patili niyang sabi.

Kumunot ang noo ko, "Bakit wala ka bang mga kaibigan dito?"

Umiling siya, "Wala masyado, ikaw lang siguro." Aniya at tumawa, "Kung payag ka
maging kaibigan ko."
"Aba oo naman," mabilis kong sabi, "Pero bakit wala kang kaibigan dito?" tanong ko.

Hindi na niya nasagot pa ang aking tanong dahil bumukas ang pinto nitong elevator
at pumasok ang tatlong kababaehan na parang pareho ng trabaho nitong kay Farah. Ang
isang babae ay tinignan ako mula ulo hanggang paa bago siya tuluyang pumasok.

Nasaraduhan ka sana, sa isip ko.

"Farah the girl, narito ka. Ang dakilang mang-aagaw, tapos na ba ang mga gabi mo
kay Fabio? o pinagsawayaan kana?" tanong nito at malanding tumawa.

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Ella." Patol pa ni Farah.

Nasa loob kami ng elevator pero ramdam ko ang initan nitong dalawa. okay naman
kanina ah, pumasok lang itong si Ella parang nasa impyerno na kami dahil mukha
siyang kaanak ni satanas.

"Maang-maanangan pa ang gaga." Aniya bago tumingin sa akin. "Huwag kang didikit sa
gagang 'yan, baka maagawan ka." Babala pa nito sa akin.

Hindi ko nalang siya pinatulan pa at mas lalong dumikit kay Farah at pasimpling
sinilid ko ang aking kamay sa kanya. Ramdam ko ang galit ni Ella kay Farah, habang
wala akong alam sa side muna ako ni Farah. Hindi naman siya masama.
Tahimik lang kami habang sa narinig ko ang kwentuhan nina Ella kasama ang mga
kaibigan niya.

"Nandito si Sir, kasama niya mga kaibigan niya."

"Jockpot tayo mamaya!" sabay tili ng isang babae.

"Basta akin si Fabio," parinig pa ni Ella, "Sayo Lyn kay Cydrile, sayo naman Karen
kay Rihav."

Naistatwa ako ng marinig ko ang huling sinabi nitong ni Ella. Narito si Rihav?!
Anong ginagawa niya dito?! Bakit sa Isla Fera pa!

Pasimple kong tinapa ang aking dibdib dahil sa bilis ng tibok, natatakot ako. Ganon
nalang ang kaba ko ng bumukas na ang pinto, Fay, kailangan maingat ang galaw
mamaya, hindi ka dapat niya makita. Iwasan ang pwesto nila at magtago, iyan ang
gagawin mo Fay.

*****

Walang edit edit 'to mga bebe, sorry na agad sa mali. Goodnight!

Socmed of mine:

Twitter: 3rithrea

Fb: Erithrea Wp

IG: Threyaaaaa
Kabanata 4

Kabanata 4

Sean

Ramdam ko ang lamig ng aking kamay habang nakaupo ako at naghihintay ng customer.
Hindi ko alam kong totoong narito si Rihav o na mali lang ako ng dinig sa sinabi ni
Ella. Medyo maarte kasi ang pagkakasabi niya kaya siguro namali lang ako ng
pagkakadinig.

Nakaupo lang ako sa ngayon dahil hindi pa gaanoong kadami ang mga tao sa loob ng
Highden, pero tama nga ang hinala ko noong una palang natungtung ang paa ko dito sa
building. Halos lahat ng tao dito ay mayayaman, makikita iyon sa kanilang kasuotan
at mga nakakabit sa kanilang mga katawan.

"Okay lang ba, Fay?" tanong ni Farah sa gilid ko na kumakain ng lollipop.

May makeup narin siya at ang ganda ganda niya. Dito sa likod ginagawa ang kanilang
pag-aayos ng kolorete. Inaya niya din ako na maglagay pero hindi ako pumayag, pulbo
lang ang inlagay niya sa aking mukha at kaunting lip shiner. Hindi ako maalam sa
kolorete at wala rin ako pambili kaya nanibago pa ako sa ginawa nila kanina.

"Okay lang ako," tipid kong sabi at ngumiti sa kanya.

Inikot niya ang kanyang mata at hinahawakan ang kamay ko, "Bakit ang lamig ng kamay
mo kong ganon? Nalalamigan kaba dahil diyan sa suot mo? Sasabihin ko kay boss Tessa
na ibahin ang uniform mo." Aniya.

Agad akong umiling sa kanya, "Hindi naman, ayos na 'to baka nanibago lang ang
katawan ko. Hindi ako dati bababad sa aircon at sa araw ako sanay kaya siguro
ganito ang pakiramdam ko." Tangi ko sa kanya.

Baka kong anong sabihin ng ibang mga nagtatrabaho dito. Kay bago bago lang ako dito
at may pa-special treatment agad. Baka maapi pa ako dito ng wala sa oras. Ayaw ko
ng dagdagan pa ang problema sa buhay ko.

"You looked so tensed girl, anyari ba?" tanong pa ulit nito, "Huwag mong sabihin na
natatakot ka sa mga pangit na iyon?" tinutukoy niya ay sina Ella.

Hindi ako takot kay Ella takot ako sa sinabi niya ang pangalan ni Rihav. Paano kong
narito ang lalaking iyon?! Walang wala ako sa kanya.

Umiling ulit ako, "Hindi ako sa mga iyon, ang totoo..." nahiihirapan pa akong
magpasiya kong sasabihin ko ba kay Farah ang problema ko o hindi na.

Akina ng problema na iyon baka kong ano pang isipin niya sa akin. Umiling nalang
ulit ako at sinabihing wala nalang akong sasabihin.

Hindi din ako sigurado kong magpagtitiwala ba si Farah o hindi. Bago lang kami
nagkakilala at hindi pa namin kilala ang isa't isa, baka doon pa ang katapusan ko
kapag sinabi ko ang sekreto ko sa kanya.

Niyogyog niya ang kamay ko bago siya nagsalita, "Alam kong bago lang tayo
nagkakilala at kita ko sa mga mata mo na wala kang tiwala sa akin. I will respect
your decision Fay, pero kong handa ka na sabihin sa akin. I'm just here, ikaw na
nga lang kaibigan ko dito..." pumaos ang kanyang boses sa mga huling salita.

Napatingin ako sa kanya, ang kanyang mata ay puno ng kolorete at bagay na bagay sa
kanya ang kanyang mapulang lipstick. Kita ko na nakanguso siya habang nakatingin sa
kawalan.

Bumuntong hininga ako, "M-May customer ba kayong... R-Rihav ang pangalan?"


nahirapan pa ako habang sinasabi iyon.

Napatingin siya sa akin at agad na tumango, "Meron, si Mr. Rihav Stallone Madreal
ba? Siya lang naman ang Rihav na dinudumog ng mga kapwa ko. Bakit kilala mo siya?"
sagot niya.

Umiling ako, hindi ko pa alam kong sasabihin ko sa kanya, hindi pa ako sigurado.
Ngayon aalamin ko nalang muna kong bakit siya naririto sa club na ito o dito sa
Isla Fera.

"Hindi ko siya kilala, narinig ko lang kanina kina Ella ang pangalan niya."
pagsisinungaling ko.

"Alam mo mayaman 'yon. Dinig kong tali na 'yon kaya hindi kami makalapit sa kanya,
sina Lyn nga iyong kaibigan ni Ella. She stripped in front of Mr. Madreal, alam mo
kong ano napala niya?" aniya na kinailing ko, "Deadma, walang pamana iyon siguro sa
asawa ni Mr. Madreal kaya hindi siya pinatulan. Halos ng girls dito, parang walang
maganda at matakam sa kanya." Kwento niya.

Anong ginawa niya kong ganon dito? Pinayagan siya ni Dyessie na gumala dito sa Isla
Fera? Alam kaya ng asawa niya? Kahit kailan matigas talaga si Rihav, hindi mababali
ang kanyang mga gusto. Kung gusto niya, gusto niya talaga. Kagaya dati, siya parati
ang masusunod sa amin, wala akong rights na magsalita dahil ang kanya lang parati
ang masusunod.

Control Freak!

"Eh ano lang ginagawa niya dito kong ganon? Baka hindi mo lang nakikita na may
babae siya dito."

"Kaibigan siya ng may-ari nitong club, si Sir Haide, narito ata siya ngayon dahil
unang linggo ng buwan. Truths talaga girl, hindi iyon lumalapit sa mga babae dito,
iinom lang siya magkukuwentuhan tas uuwi na." patuloy niyang kwento tungkol kay
Rihav.

Bumuga ako ng hangin, "May asawa na iyon...siguro."

"Meron nga dinig ko kina Fabio na meron. Mahal niya ng daw asawa niya kaya hindi
siya lumalapit sa ibang babae, nasa manila ata asawa niya. Nandito siya for
business sabi ni Fabio."

Siguro nga mahal niya iyon. Pinaniwala niya pa ako dati na ako ang mahal niya,
tapos ano ngayon? Sa ibang babae siya nagpasakal, at sa harap ko pa mismo siya
nagsabi non.

Pero kahit ganon, wala na akong pake sa kanya. Pagkakamali man na binigay ko sa
kanya ang lahat pati ang iniingatan ko, hindi naman ako nagsisisi dahil may
dalawang tao pa akong kinukuhanan ng lakas at iyon ang mga anak ko.
Kung masaya na siya sa pamilya niya, masaya narin ako kong ano ang mayroon ako
ngayon. Siguro nga ay totoong iyong, pinagtagpo ngunit hindi tinadhana, nagmahalan
pero hindi pinakasalan. Masalimuot man ang importante nakaramdam ako ng kaunting
kaligayahan kahit na binawi din iyon ng kasakitan. At least we shared memories.

"Ahh..." iyon lang ang lumbas sa bibig ko bilang tugon sa kwento ni Farah.

"Bakit ka matanong kay Mr. Madreal? Nagkakakilala ba kayo o—"

Hindi na natapos pa ni Farah ang kanyang sasabihin ng bigla kaming nakarinig ng


palakpak galing sa likod at kasunod non ang pagtawag sa amin para magtrabaho.

"Girls! Maghanda na madami ng tao sa labas."

Sabay kaming tumayo ni Farah, nagpaalam na siyang aalis na at pupunta na nang


stage. Tumango lang ako sa kanyang bilang tugon ko at pumunta na kong saan naroon
ang mga kapwa ko waitress.

Nagpakilala ako sa kanila bilang bago nilang katrabaho, maayos naman nila akong
binati. Kanya kanya na kaming trabaho ng mas dumami ang mga tao dito sa loob ng
club. Ang iba ay naghihiyawan pa habang sila ay nagsasayawan sa gitna kasama sina
Farah.

Hindi ko na tinuon ang mata ko doon ng marinig kong tinawag ako ng isang bartender
para sa order. Lumapit ako doon at kinuha ko naman iyon. Tinignan ko muna ang
numero ng table bago ko tuluyan iyong inangat.
Habang naglalakad ako naramdam ako ng ilang dahil sa aking damit. Sinasagi din ako
ng iba habang naglalakad kaya hindi maiwasan na sumayaw ang mga alak na dala ko.
Hindi ko pa alam ang bawat sulok nitong club kaya hindi ko alam kong saang table
ang hawak ko.

Kahit na maalon ang tao ay sinubukan ko parin na hanapin ang numero nang hawak kong
order, nakadalawang minute din ako sa paglinga-linga ng tuluyan ko na iyong
mahanap. Nakadikit sa pader ang numero na insakto sa hawak ko. Lumapit ako doon sa
kanila at ngumiti para hindi naman ako nagmumukhang maldita na waitress.

"Good evening sirs, ito na po ang order niyo." Magiliw kong sabi sabay lapag ng
kanilang inumin.

Napatingin ang tatlong lalaki sa akin, sa mukha palang nila kitanng kita na agad
ang pagiging manyak nila. Hindi ako judgemental pero nang dinapuan na ng kanilang
mata ang aking dibdib ay doon ko na iyon nakumperma. Mabilis koong inilapag ang mga
bote nang alak bago ako nagpaalam.

Akmang aalis na ako ng hinawakan ng isa ang aking braso.

"Bago ka dito?" tanong niya habang ang mata ay nasa dibdib ko parin.

Sa sobrang sexy nitong suot ko hindi talagang maiiwasan na mambabastos ka ng


makikinid na tao. Hindi pa nga siya lasing pero ito na siya agad.

"Yes po, Sir." Sagot ko naman, ayaw kong isipin nila na rude akong tao. Baka
magsumbong pa sila sa may-ari tapos sesesantehin ako dito. Paano ko nalang mabibili
ang gusto ni Hacov na cellphone?
"You want extra income? One night for 20K?" alok niya.

Umiling ako, "You can offer that to other girls sir. I'm a waitress here, not a
call girl." Walang pereno kong sabi na kaagad ko ring pinagsisihan.

Baka masesante ako!

"I like you already, iyan ang gusto ko palaban. How about 50K?"

"Still a no, Sir." Sinubukan kong kunin ang kamay ko sa kanya ngunit mas lalo niya
iyong hinigpitan, "Sir, may trabaho pa po ako. Kong gusto mo maligaya ka sa kama
doon ka nalang sa mga babaeng nasa intablo. They are willing to serve you."
pagkatapos non ay hinablot ko na ang kamay ko.

Kita ko ang galit sa kanyang mata dahil sa sinabi ko, hinablot niyang muli ang
aking kamay at hinila niya ako papalapit sa kanya. Nakaramdam ako ng takot.
Nagpumiglas ako para makawala.

"Gago ka, baka pagalitan ka ni Sir Haiden kapag pinilit mo mga babae niya dito.
Alam mo naman kong anong magagawa niya kapag may nabastos tayong mga empleyado
niya." dinig kong sabi ng lalaki sa kanyang harap.

Walang pagdadalawang isip na tinulak ako ng lalaki na malapit na sana akong makaupo
sa kanyang kandungan. May kalakasan ang kanyang pagtulak kaya nabangga ang aking
noo sa cemento na kong saan naroon ang kabilang table. Napasigaw ako sa sakit dahil
sa kanyang pagtulak.
Dahil maingay ang loob nitong bar ay walang masyadong nakarinig sa akin kundi ang
table lang na nasa harap ko. Napatingin ang mga kakababaehan nakaupo doon pero
hindi nila ako tinulungan bagkus ay inirapan pa ako at sinabihang lampa.

Tumayo ako at hinawakan ang noong nakabangga sa kanto mismo, nakaramdam ako ng basa
doon. Tinignan ko ang aking kamay at may nakita akong dugo nagmula sa parting
nabunggo. Tumingin ako sa kalalakihan habang sapo ko ang aking noo, nakita ko ang
awa sa mata sa kanilang mga kasama na iyon din ang nagsalita kanina. Yumuko ako
bilang respeto bago tuluyang umalis doon.

Dere-derecho ang lakad ko paalis doon. May iilang tao pa akong nabangga dahil sa
paglalakad ko ng mabilis.

"Aray!" daing ko ng masiko ang noo ko mismo na nabangga, kahit nanakatakip na ang
kamay ko ay nakaramdam parin ako ng sakit.

Unang araw halos palpak! Paano kong sesesantihin ako ni Sir Haiden? Huwag naman
sana.

"Aphro?" natigil ako sa boses na iyon. Dalawang tao lang ang tumatawag sa akin sa
pangalang iyon. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin.

"Sean?" sabi ko nang makita ang lalaki.

Hinawakan ng lalaki ang aking kamay na nakatakip sa aking noo. Hinayaan ko siyang
malaman kong ano ang nasa noo ko. Lumaki ang kanyang mata ng makita ang sugat ko sa
noo ko. Agaran niyang hinubad ang kanyang coat at pinalupot iyon sa akin.
"What happen to you Aphrodite?" may tunong galit sa boses ni Sean habang papaalis
kami.

Malayo na kami sa mga tao, nasa labas na kami ng club nasa harap narin kami ng
sasakyan ng iniharap niya ako sa kanya. Sapo sapo ko parin ang noo ko, wala paring
tigil sa pagdaloy ang dugo.

"Damn Answer me, Fayre Aphrodite!" mataas na boses ni Sean sabay hampas ng sasakyan
niya.

Napatalon naman ako doon, ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Sean simula
noong magkasama kami sa La Meyanda. Ibang iba narin ang kanyang mukha, mas lalo
siyang gumwapo. Mayaman na sila dati pa, madami silang lupain sa La Meyanda ngayon
siguro mas mayaman na siya.

Kahit marami ng nagbago kay Sean hindi niya parin pala ako nakakalimutan. Matagal
na simula noong kita namin, nasa college ata kami noon. Umalis na siyang La Meyanda
at pumunta siyang ibang bansa, huminto na din ako sa pag-aaral dahil wala na kaming
pera para sa pag-aaral ko.

Siya din ang unang taong nagtawag sa akin sa second name ko. Ewan ko nga bakit iyon
ang ipinangalan sa akin nila nanay hindi naman ako mala-aphodite. Hindi naman ako
mala-goddess ang ganda.

"Aphro, ano titignan mo lang ako? Anong nangyari diyan sa Noo mo at bakit ganyang
ang kasuotan mo?" ulit niya at mukhang nagtitimpi.

"Ikaw anong ginagawa mo dito, Sean? Nakauwi kana pala galing ibang bansa hindi mo
man lang ako—"

Pinutol niya ang aking sinasabi ng isang malutong na mura, "Ako ang unang nagtanong
Aphro. Anong nangyari diyan sa noo mo at bakit ganyang ang noo mo?" mahinahon na
ang boses niya at nilagay ang kanyang panyo sa sugat ko sa noo.

Ngumuso ako bago siya sagutin, "Dito ako nagtatrabaho," sagot ko.

Nagsalubong ang kanyang kilay at sabay humalipkip, "How about that?" gamit ang
kanyang bibig ay tinuro niya ang aking noo.

Wala talaga akong magagawa kong si Sean na ang kaharap ko, "Tinulak ako ng isang
customer sa loob. Tinanggihan ko kasi siya sa kanyang gusto, kaya ayon nabangga
itong noo ko sa kanto ng cemento."

Binalot ng galit ang mukha ni Sean ng matapos akong magsalita. Hinila niya ako
papalapit sa kanya at hinawakan niya ang aking beywang. Kinuha niya ang panyo sa
aking noo at siya mismo ang nagpunas ng dugo doon.

"Tangina kong sino man ang gumawa nito sayo sisguraduhin kong huli na ang araw niya
sa mundo." Matigas niyang bigkas habang pinupunasan ang aking noo.

*****

Sino kaya itong si Sean? Any guess?

Nasa kay Eros siya, clue.


Mayroon bang Iloilo Reader dito? Hi! May ka-date kamo sa valentines? HAHAHAHA

-SocMed-Twitter: 3rithreaIG: ThreyaaaaaFB: Erithrea WP

-Threya

Kabanata 5

Kabanata 5

"Saan mo ko dadalhin, Sean?" tanong ko sa kanya nang higitin niya ang aking kamay
papasok sa building pero sa likod kami dumaan.

Hindi ko alam ang pasikot-sikot nitong gusali pero nakakamangha nang sa likod kami
dumaan. May exclusive elevator tapos mamahalin din ang mga bawat sulok, kakaiba
talaga siya doon sa mismong harap ng gusali. Pinapasok ako ni Sean sa elevator
habang hawak parin niya ang noo ko, pinipigilan ang panyo na matanggal.

"Ako na, Sean." Sabi ko at inlayo ang aking ulo sa kanyang kamay.

"Daming trabaho Aphro bakit dito kapa pumasok?" matigas na aniya.

Bumuntong hininga ako, "Kailangan ko magtrabaho, Sean." Tipid kong sabi.

Pwera kay Amer, isa si Sean sa mga kaibigan ko dati sa La Meyanda. Hindi ako
gaanong mapalakaibigan sa mga kababaehan noong nag-aaral ako dahil nakakarinig ako
ng mga kwento tungkol sa akin at sa kanilang bibig pa iyon mismo lumabas. Simula
noon, wala na akong nilapitan.

Simula bata palang kaming si Amer na lang ang kasama ko, pero umalis din siya noong
college kami. Lumuwas siya ng Manila at doon ko naman nakilala si Sean, naging
masaya ako kay Sean. Nakakarinig din ako sa campus na ginagamit ko siya kasi
mayaman siya, pero kahit ganon hindi niya ako iniwan. Pwera nalang nong umalis na
siya dahil kailangan talaga niya.

"Narinig ko kay Lola Sonya na may anak ka na daw, Fay." Napatingin ako sa kanya.

Iba talaga noong nalaman ng mga kabaranggay ko na buntis ako, nakaabot pa talaga sa
Lola ni Sean ang balitang iyon. Malayo layo ang mansion nila Sean, pero hindi na
ako nagtataka kong maabot pa iyon sa kanila ang balita.

"Meron," ayaw kong magsinungaling kay Sean, isa pa siya iyong pinagkakatiwalaan ko
noon pa man.

"Nasaan ang ama? Mag-isa ka daw umuwi sa La Meyanda sabi ni Lola."

Gigisihin pa talaga ako ng tanong nitong ni Sean.

"Aray!" pag-iinarte ko sabay hawak sa aking noo.

Dinig ko ang pagmura niya sa gilid ko at kinuha ang kamay ko para matignan ang
aking noo. Hindi pa ako handa para sabihin sa kanya ang kagagahan ko. May tiwala
naman ako na hindi niya ako pagsasalitahan ng masama pero nakakahiya parin talaga
na ang isang desenteng babae, mataas ang pangarap, nabuntis lang ng isang gago.

Pinunasan ni Sean ang aking sugat. Nang bumukas na ang elevator ay lumaki ang aking
mata na kakaiba ang palapag na ito sa mga dinaanan namin ni Farah kanina.

"Sean baka bawal tayo dito." Sambit ko ng pumasok kami sa isang silid.

May kong ano siyang ginawa at kasunod non ang pagbukas ng pinto. Kahit ang silid na
ito ay kakaiba din. Para siyang hotel na napasukan namin dati ni Rihav.

Pinaupo niya ako sa kama at siya naman ay parang may hinahanap.

"Sean, baka pagalitan tayo dito."

Parang walang narinig itong si Sean dahil hindi man lang ako sinagot o kahit
tinapunan man lang ng tingin. Nang tumayo siya ay madala na siyang emergency kit.
Umupo siya sa gilid ko at siya ang gamamot sa sugat ko.

"Makilala mo ba ang nagtulak sayo?" sabi niya habang tinatabunan na ang sugat.

"Hindi ko masyadong nakita mukha niya kasi madilim. Pero dinig ko na tauhan daw
siya ng may-ari nitong club." Sagot ko naman.
Natapos siya sa pag-aayos sa sugat ko, "Ako nang bahala sa gagong iyon, huwag ka
nang bumalik sa trabaho mo. Umuwi kana ng—"

Pinutol ko ang kanyang sasabihin, "Hindi pwede Sean, wala kaming makakain kapag
umuwi ako ng La Meyanda. Magtatrabaho ako dito pero iiwasan ko nalang ang mga taong
ganon."

"Hindi, Fay. Babalik ka nang La Meyanda, sa Mansion naghahanap sila ng pwedeng


magbantay kay Lola. Doon ka, hindi dito sa La Fera Dos."

Umiling ako, kahit matanda na si Lola Sonya alam kong malakas pa iyon. Hindi
matitibag ang matandang iyon.

"Hindi rin Sean, kaya ko ang sarili ko. Magtatrabaho ako dito, hindi ko kayang
makitang nahihirap mga anak ko."

"Mga?" agad niyang tanong.

"They are twins."

"The heck!" gulat niyang sabi.

"Kaya huwag mo 'kong pigilan na magtrabaho para sa kanila."


Natahimik siya. Nakatingin lang siya sa akin mata.

"Sinong ama? Bakit niya kayo pinabayaan? Bakit ikaw ang kumakayod sa dalawa mong
anak? Bakit hindi siya magtrabaho sa pamilya niyo, siya ang lalaki dapat siya ang
kumakayod para may mapakain siya sa inyo!" kuyom ang kanyang panga.

Umiwas ako ng tingin. Bumuga ako ng hangin, ang bigat sa aking dibdib ay narito
parin. Siguro ito na ang pagkakataon na ilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko.

Simula noong umalis ako ng Mansion Madreal ay iyak lang ako ng iyak. Nang namatay
sina Nanay at tatay ay iyak din ako iyak. Pero hindi ko nilabas kina Amer at sa
kambal na Madreal ang nasa puso ko. Mas ginusto kong magmukmok sa isang silid kesa
ilabas iyong nararamdaman ko.

Sa tingin ko handa naman siguro si Sean sa kadramahan ko sa buhay.

"Nahinto ako sa pag-aaral Sean, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil lubog
kami sa utang lumuwas ako ng Isla Fera, pumunta akong Maynila para magtrabaho.
Natanggap ako bilang katulong, maayos naman ang trato sa akin. Ngunit..." pimikit
ako.

"Ngunit?" si Sean.

"Umibig ako sa anak nilang lalaki. Naging kami Sean, naging kami. Patago ang
relasyon namin dahil isa lang akong katulong, natatakot ako napagalitan ni Senyora.
Hindi nila iyon nalaman hanggang sa sinabi niya na magpapakasal siya, sa harap ko
siya mismong nagsabi non." Maytumulong luha sa aking mata at agad ko iyong
pinunasan.
Hindi ko na masyadong dinetalye pa ang aking kwento sa kanya. Ayaw kong sabihin pa
ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin noong may nangyari sa amin.

"The fuck! Gago! Anong pangalan? sabihin mo sa akin, fayre!" Galit niyang sabi
habang nakayukom ang kamay.

Hindi naman niya siguro kilala. Impossible na sa laki ng mundo.

"Si Rihav..." mahinang boses ko.

Nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata, "Rihav Madreal?" agap niya.

Kumunot ang aking noo sa kanyang tanong, sandali...kilala niya?

"K-kilala m-mo?" nauutal kong sabi.

"Kaibigan ko ang gagong iyon!" ggigil na sabi niya.

Napapikit ako at napasapo ng noo. Sa laki ba naman ng mundo bakit magkakilala pa


sila?! Ayaw ko ng kumunikasyon pa kay Rihav, baka siguro ay lalayuan ko muna itong
si Sean para hindi na kami pagkita pa.
"Sean, h-huwag m-mong sabihin kay R-Rihav na may a-anak kami p-please." Nangungung
ang boses ko habang binibigkas ang mga salitang iyon.

Hinigit ni Sean ang aking kamay at dinikit niya ako sa kanyang sarili. Niyakap niya
ako ng mahigit habang hinhaplot niya ang aking buhok. Napapikit ako sa kanyang mga
haplos.

"Fay, hindi ko alam ang mga nangyari sayo sa mga nakalipas na taon. But when Rihav
announced that he will getting married, I was there... gagong Rihav." Aniya habang
hinahaplos parin ang aking buhok. "Paano mga anak niyo? Lalaki silang walang ama?
Fay, baka kailangan niyong pag-usapan ito."

Agad akong umiling, "Kaya ko naman silang buhayin kahit wala si Rihav, hindi naman
siya namin kailangan."

"Baka pwedeng pang—"

"Hindi na nga Sean." Putol ko.

Dinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi ko pa kaya, sa ngayon. Masaya naman na
si Rihav sa pamilya niya. Para wala nang gulo pa, hindi na niya dapat pang makita
ang dalawa. Ang mga anak ko ang talo kapag pumasok pa sila sa buhay ni Rihav.

"Kong iyan ang desesyon mo, Sige." Huminto siya sa pagsasalita, "Rihav is here,
nasa baba siya ngayon. Better to avoid our area para hindi kayo magkita. Number 11
that table you need to avoid that."
Humiwalay ako ng pagkakayap sa kanya at nagpasalamat. Nakahinga ako ng maluwag
kahit papaano, kahit totoong narito man si Rihav ay maiiwasan ko naman siya dahil
sa babala ni Sean sa akin.

Nagpaalam na ako kay Sean na babalik na ako sa trabaho, hindi pa siya unang pumayag
dahil daw sa sugat ko. Malayo naman ito sa bituka at kaya ko pa naman maglakad.
Wala na siyang nagawa pa, nauna na akong lumabas sa silid at dumeretso na sa club
area.

Mas lalong dumami ang tao pagkabalik ko, ang iba ay mga lasing narin. Pumunta ako
doon sa bartender na nagmimix ng inumin. Tumingin siya sa akin at inilahad niya ang
isang tray na may nakalagay na alak.

"Number 11," aniya na ikinalaki nang mata ko.

"Ho?" sabi ko.

Akmang magsasalita na siya ng may isang waitress pa na dumating, kinuha niya ang
tray at tinignan ang number. Ngumiti siya, kinuha niya ang tray at naglakad na ng
walang sabi sabi.

Hulog ng langit!

Ginawa ko na ang trabaho ko. Talagang iniwasan ko ang table 11 na kong saan naroon
sina Rihav. Nakikita ko si Sean doon na nakaupo habang naka kwartro ang kanyang
paa. Minsan ay nakikita niya ako at sinesenyasan na umalis sa gawi nila.
Sa mga sumunod na oras ay naging busy na ang lahat, kaliwa't kanan na ang mga
orders at madami narin ang kanilang order. Hawak hawak ko ang isang tray na puno ng
alak ng maramdaman kong may humawak sa aking pwet. Tumalikod ako para makita kong
sino ang humawak non, tinulak ko ang lalaking mukhang lasing lasing na.

"Sir, stop!" sigaw ko para marinig niya, sa ingay ba naman ng club na ito hindi
kayo magkakaintindihan kapg hindi mataas ang boses mo.

Parang narinig ang lalaki sa sigaw ko sa kanya. Hinila niya ako papalapit sa kanya,
muntik ko nang mabitawan ang tray na hinahawakan ko dahil sa malakas na pwersa.

"Sir, she's a waitress here. Respect Sir Haiden's employee." Dinig kong may
nagsalita sa likod.

Ang pamilyar na tinig na iyon ay nagmula kay Farah, hinigit niya ako papalayo doon
sa lalaki. Kita ko kong paano siya tignan ng lalaki mula ulo hanggang sa paa.
Umirrap lang ang lalaki at tuluyan ng umalis.

Gusto kong mamura sa lahat ng karanasan ko sa unang araw sa trabahong ito. Marangal
nga pero may makikitid na utak talaga na tao.

"Omayghosh! What happened on your forehead?" si Farah sabay hawi ng aking buhok
para mas lalong makita kong ano iyon.

"May nagtulak sa akin kanina doon, pero okay naman ako." sagot ko.
"Dapat makakapunta yan kay Sir Haiden, hinding hindi na makakabalik ang gagong
tumulak sayo." gigil na sabi niya.

"Hindi na ayos naman ako, ginamot naman ni Se—" napahinto ako sa aking sasabihin.

Napatingin sa akin si Farah at parang hinihintay ang kasunod ko na sasabihin.


Tumawa nalang ako at hindi na lang siya pinansin pa. Tinungo ko nalang ang table na
hawak kong tray.

"Thank you." pasalamat ng babae.

Nagpasalamat din ako sa kanila bago ako umalis sa gawing iyon. Bumalik ako sa
counter at natanaw ko si Sean na nakaupo sa high chair. Nilapag ko ang tray at
napatingin sa akin si Sean. Ngumiti siya at ngumiti din akoo pabalik.

"Seat here." Sabay tapik niya ng high chair sa tabi niya.

"Bawal Sean, narito daw ang may-ari." Tangi ko sa kanya.

Totoo namang narito ang may-ari nitong club, paano kapag nakita niya ako na paupo
upo lang at hindi nagtratrabaho? Edi masesesante ako ng wala sa oras non.

Kita ko ang pag-ngusu ni Sean bago siya nagsalita, "Hindi ka aalisin ni Haiden, ako
bahala sayo." aniya at saby kumindat.
Umingos ako, "Huwag mong sabihin kaibigan mo rin ang may-ari nitong club..." sabay
taas ng kilay ko.

Ngumiti siya at hinila na ako papalapit sa kanya, "Sabihin na nating kaibigan ko


nga, kaya akon bahala sayo. Sumbong mo sa akin na inalis ka ni Haiden dito akong
bahal sayo, mawawala siya sa mundong ito." Cool na sabi niya.

Tumawa lang ako at hinampas ang kanyang dibdib, natawa rin siya sabay lagok ng
kanyang alak. Madami palang kaibigan na mayayaman itong si Sean, mayaman din siya
baka siguro ganon sila nagkakilala.

"Yabang mo naman Sean, hindi ka naman gwapo." Pagbibiro ko sa kanya.

Nawala ang kanyang ngiti sa sinabi kong iyon. Inilapag niya ang kanyang baso at
muli akong tinignan sa mata. Umiwas ako sa kanyang titig at kinurot ko ang kanyang
tagiliran.

Dati ito ang paburito kong gawin sa kanya, hindi kasi niya ako kinukurot pabalik,
minsan kinikilita lang ganon pero hindi niya talaga ako sinasaktan. Ako pariting
kinukurot siya kapag seryoso ang mukha niya, nakakatakot kasi si Sean kapag ganon.

"Awww, Fay stop." Daing niya sa bawat kurot ko, hindi ako nakinig sa kanya at todo
parin ako sa kakakurot.

"Titigil ka o sasabihin ko kay Rihav na narito ka," bata ng gago kaya parang napaso
ako at bumalik sa maayos na pagkakaupo.
Inirapan ko siya at ngumuso. Pinalupot niya ang kanyang kamay sa aking beywang at
pinapaharap sa kanya. Ako naman ay tudo sa pagtulak sa kanya, nag-iinarteng galit.
Ang batang ugali ko ay sa dalawang tao ko lang napapakita, kay Sean att Rihav.

"Wow Semon, naglalambingan ka pala dito kaya wala kana sa table natin." Napahinto
ako sa pagtulak kay Sean dahil sa tinig na iyon.

"Wala kang pake, Haiden."

Alertong bumababa ako sa pagkakaupo sa high chair at humarap sa may-ari ng club na


nangangalang Haiden. Yumuko ako at humingi ng tawad dahil sa ginawa ko. Ilang beses
ko rin sinambit ang salitang sorry bago niya ako pinahinto sa pagsasabi non.

Hinawakan ni Sir Haiden ang aking baba para makatingin sa kanya, kita ko ang
pagngisi niya nang magtama an gaming mata. Agad na hinampas naman ni Sean ang
kanyang kamay.

"You looked familiar, I saw you in a phone wallpaper or in a picture I think, not
sure though. But what happened on your forehead?" tanong nito.

Akmang magsasalita na ako ng maunahan ako sa pagsasalita nitong ni Sean, "Your men
did that to her, you must watch the cctv."

Tumango tango si Sir Haiden, "Ready his coffin, Sem." Aniya at tumingin kay Sean,
tumango naman ang gago parang sumang-ayon sa sinabi ni Sir Haiden.
Coffin? As in kabaong? Dahil lang sa sugat na ito, papatay sila ng tao?

"Go back to your work Fay, sabihin mo sa akin kong may gagawin pa ang mga gago sayo
dito." Sabi ni Sir Haiden bago niya inakbayan si Sean at lumisan sila magkasama.

-SocMed-

Fb: Erithrea Wp

Ig: Threyaaaaa

Twitter: 3rithrea

Hi! EDer, ily!

Kabanata 6

Kabanata 6

The next day, medyo tanghali na akong nagising dahil medyo late nagsira ang club
dahil sa dami ng tao na pumunta kagabi. Inayos ko ang aking higaan at inabala ang
aking sarili sa pag-aayos. Matapos ko ang aking mga gawain ay bumalik ako sa kama
at hinanap ang aking cellphone.

Umiba ang aking mukha ng wala man lang ni isang text o tawag mula kay Amer. Initipa
ko ang keyboard ng aking cellphone para ma tawagan siya, ilang minute ang hinintay
ko sa pagriring bago niya sinagot ang aking tawag.
"Amer, bakit ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko?" inis kong sambit.

Dinig ko ang boses ng dalawa sa kabilang linya bago nagsalita ang bakla, "Wait
lang, Fay may ginagawa pa kasi kami. Nagbobonding kami panira ka naman."

"Hoy! Ako ang ina ng dalawang 'yan, kapag may nangyaring masama sa kambal ko,
makakalimutang mo magkaibigan tayo Amer!" galit kong sabi.

Hindi ko alam kong anong ginagawa niya sa kambal at bakit hindi man lang nila ako
hinahanap. Alam kong may mga sinasabi na si Amer sa kanila, at kapag talaga ang
baklang iyon may kunuwento tungkol kay Rihav malilintikan talaga siya sa akin.

"I know that girl, ayan ka na naman eh, high blood masyado, kalma nga kasi may
dibdib ka." Aniya tsaka humalakhak, umirap ako ng wala sa oras dahil sa mga
linyahan niya.

"Si nanay ba 'yan, Ninang Amera?" dinig kong sabi ni Hera sa kabilang linya.

Napangiti ako ng marinig ang kanyang boses, isang araw palang kami hindi nagkikita
pero miss na miss ko na silang dalawa ni Hacov. Simula noong nakaraang taon na
tumungtong sila sa tatlong taong gulang ay hindi na ako nawalay sa kanila kahit
isang araw lamang. Hindi ko hinahayaan ang sarili ko na hindi matulog sa bahay at
hindi sila makatabi sa pagtulog.

Ngayon ito nagsasakrepesyo ako para mabigyan sila ng magandang buhay. Ayaw ko na
darating sap unto na mas pipiliin nila si Rihav kapag nagkataon man na magkita
kami. Hindi malabo iyon lalo na't narito na siya sa Isla Fera, isang mundo na ang
gingalawan namin.
"Yes, baby girl si Nanay mo. Gusto mong makausap?" Si Amer sa kabilang linya.

"Hello nanay! Si Hera ito, miss na kita nanay. Sabi ni Ninang Amera matagal pa daw
uwi niyo kasi hinahanap niyo si Tata—" naputol ang sasabihin ni Hera dahil sa
pagsabad ni Amer sa kabilang linya.

"Hera!" putol ni Amer na ikina-irap ko.

"Ay sorry ninang, bawal kasi magsinungaling sabi ni Nanay. Bad daw 'yon, mapupunta
ka sa impyerno ninang." Inosenteng sabi ni Hera.

Dinig kong humalakhak lang si Amer sa sinabi ni Hera sa kanya. Mabuti pa ang bata,
alam na niya na bawal magsinungaling. Na-guilty tuloy ako, nagsisinungaling kasi
ako sa kanilang tungkol sa kanilang tunay na ama.

"Nanay, nandyan ka pa po ba? Nanay, nanay."

"Opo Hera, narito pa si Nanay. Anong ginagawa ng prinsesa ko diyan?" magiliw na


sabi ko.

"Nanay, diba malapit na kami ni Kuya magfour? Gusto sana namin nanay na magpunta ng
Mall sa La Fera Dos, kasi noon hindi tayo naglibot doon." Cute na sabi ni Hera.
Sa susunod na buwan na ang kanilang kaarawan, kaya pala minsan napapansin ko na
medyo madaldal na itong si Hera at hindi na rin bulol kong magsalita. Mag-lilimang
taon narin simula noong huli kong naka-usap ang kanilang ama, paano kaya kong
sasabihin ko na lang ang totoo sa dalawa kong anak ang tungkol sa ama nila? Na
hindi na nila makikita ang ama nila? Na anak sila sa labas...

Parang may gumuhit sa puso ko ng maisip ang huli kong inisip. Masasaktan ang dalawa
kapag sasabihin koi yon sa kanila lalo na't itong si Amer ay binibigyan sila ng
pag-asa na makita ang kanilang ama. Sa huli naman masasaktan din sila, pero ngayon
ang babata pa nila, hindi pa nila kayang eproseso ang ganong mga pangyayari.

"Pwede naman tayong maghanda diyan sa La Meyanda, Hera. Diba sabi mo noon sa akin
gusto mo matikman ang donut? Bibilhan ko kayo ni Kuya Hacov ng maraming donut."
Sabi ko.

Kahit na gustong gusto ko silang papuntahin dito para malaman naman nila ang ganda
nang syudad ng La Fera ngunit narito si Rihav. Kahit na siguro ay magkikita palang
sila malalaman niya agad na anak niya ang dalawa dahil sa kulay ng mata at
magkasinghawig talaga sila ni Hacov.

"Nanay, sabi kasi ni Obet maganda daw ang tinatawag na..." huminto si Hera na
pawing nag-iisip, "Ano nga iyon Ninang? Ang maraming mga laro?" kailangan na niya
ang back-up ni Amer.

"Arcade baby girl."

"Iyon po Nanay, Arcade." Walang kahirap hirap na sabi ni Hera sa huling salita.

Talagang hindi na siya bulol magsalita. Sa kanilang dalawa siya ang unang
nagkapagbigkas ng salita at ang salitang iyon ay 'tata' dahi ang kambal n'on ang
may hawak sa kanya.

"Pag-iisipan ni Nanay Hera, sa ngayon dito muna si Nanay para may panglaro kayo sa
Arcade kapag nagkapagdesisyon na ako, okay?"

"Okay Nanay, salamat po. Miss na po kita... Nanay si Kuya hinahablot sa akin ang
cellphone... hindi pa nga ako tapos Kuya Hacov." Mukhang nagkakaagawan na sila sa
kabilang linya.

"Bigay mo muna kay Kuya mo, Hera. Mukhang may sasabihin siya."

Dinig ko ang pagreklamo ni Hera, bago ko narinig ang boses ni Hacov na binati ako.

"Ano 'yon Hacov?" tanong ko.

"Nanay, bakit po kayo hindi umuuwi? Hindi po ako sanay na hindi kita katabi sa
pagtulog nanay, mabuti nalang po nandito si Ninang."

Pati si Hacov nakiki-ninang narin, mukhang may sinabi talaga siya sa dalawa. Ninong
ang tawag ni Hacov sa kanya e, bakit naging ninang na? NAKO, AMER.

"Nagtatrabaho si Nanay, Hacov. Pinag-iipunan ni nanay ang gusto mong cellphone,


diba gusto mo 'yon? Bibilhin ko 'yon sayo sa kaarawan niyo ni Hera." Malambing na
ani ko.
"Nanay ayaw ko na po nang cellphone, gusto ko po nandito nalang kayo. Balik na po
ikaw dito, hindi na ako manghihingi nang kahit ano b-asta b-balik k-ka lang d-
dito." Ramdam ko ang pangungulila sa boses niya.

Hindi talaga sila sanay na wala ako sa tabi nila. Maging ako din ay hindi, pero
kailangan ko talagang gawin ito.

"Hacov, hindi pa pwede. Siguro sa susunod na linggo ay uuwi ako diyan o hindi
kaya..." nagdadalawang isip ako kong papapuntahin ko ba sila dito o hindi. Humigpit
ang hawak ko sa aking cellphone sabay ng aking pagpikit. "Ganito nalang, sa
birthday niyo pupunta nalang kayo dito para makapaglaro kayo sa arcade ni Hera."
Ani ko at bumuga nang hangin.

Wala akong magagawa kundi iyon lamang. Hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko, malaki
ang sahod na makukuha ko kapag wala akong liban. Iyon na lang ang solusyon ko, ang
papuntahin sila dito.

"Nanay, matagal pa iyon. Gusto na kitang makatabi sa pagtulog."

Nahihirapan akong magsalita, "Hacov, gusto ka rin ni Nanay makatabi sa pagtulog


pero kailangan ni Nanay magtrabaho. Miss na rin ikaw ni Nanay, sa ngayon kay Amer
ka nalang muna tumabi sa pagtulog."

Bumuntong hininga si Hacov sa bilang linya, ramdam ko ang lungkot niya kahit hindi
ko nakikita ang kanyang mukha. "Basta bumalik ka dito, Nanay."

"Opo Hacov, babalik si Nanay diyan at ako na ulit ang katabi mo sa pagtulog."
Isang 'opo' at nagpaalam na si Hacov bago niya binalik kay Amer ang cellphone.
Binilin ko ulit sila kay Amer at pinagsabihan narin si Amer na huwag isali si Rihav
kahit sa anong usapan nila. Pumangako naman ang bakla na walang sasabihin, kahit
ganon ay hindi parin ako kumbinsidp na hundred percent na wala siyang sasabihin sa
dalawa tungkol kay Rihav.

Nagpaalam na si Amer at tsaka ko binaba ang aking cellphone ng marinig ko ang


pagkatok galing sa pinto ng aking silid. Inayos ko ang aking damit bago ako tumayo
para mabuksan si Farah.

Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto laking gulat ko na si Sean ang nakita ko na
may dalang dalawang supot ng kilalang food chain. Nakangiti siya habang pinapakita
ang pagkain na dala niya.

"Paano ka nakapunta dito?" tanong ko.

"I used the elevator and I walked to came here." Pilosopo niyang sabi kaya napairap
ako.

Siya parin ang Sean na kilala ko noong college days, pilosopong Sean. Kong hindi ko
lang ito kaibigan baka nabigwasan ko na siya ngayon. Mabuti na nga lang ay
tinulungan niya ako kagabi kong hindi singhal ang maabot niya sa akin ngayon.

"Edi wow."

"Fay, seryoso ako. Magtatanong ka tapos kapag sinagot ko magmamaldita ka sa akin?


Bawal 'yon fay." Aniya pa.
Lumiit ang mata ko at nagtitimpi na hindi siya masasaktan sa akin.

"And, can you please stop calling me Sean? Call me Semon instead." Sabi niya habang
pumapasok na siya sa loob ng aking silid.

"At bakit?" sabay halukipkip ko.

Noong mga college kami wala naman siyang reklamo sa kanyang pangalan ah, bakit
ngayon ayaw na niyang tawagin ko siyang Sean?

"Cause Sean sounds like a baby name and I'm not a baby, Fay. While Semon sounds
like a matured name and hell yeah I'm matured." Pangatwiran pa niya.

"Sa bibig mo pa talaga lumabas iyan Sean ah." Sabi at tumawa.

Si Sean na parang baby kong umasta magsasabi na matured na daw siya. Parang hindi
lang kami nag-away dati dahil lang sa shanghai na naubos ko. Hindi naman nagsabi na
titirhan ko siya kaya inubos ko. Ilutuan ko talaga siya dati ng shanghai para lang
magkabati kaming dalawa.

"Stop laughing Fay." Malalim na boses nitong sabi.

"Okay, Semon." Diniinan ko talaga sa pagbigkas ng pangalan niya.


Tumango lang siya bago niya inisa-isa na inilabas ang mga pagkain sa plastic. Kong
narito lang ang kambal siguradong magugustuhan nila ito. Noong nagdala kasi ang
kambal ng ganito, madami ang kanilang kinain at mukhang sarap na sarap sila. Hindi
bale na kapag may pera na ako mabibilhan ko na sila ng ganito.

Umupo na ako sa harap ni Sean at sabay kaming dalawa sa pagkain. Sinadya niya daw
talaga na hindi kumain ng agahan at tanghalian para magkasama kaming kumain. Sweet
and Caring naman itong si Sean, habulin din ng babae noong college. Pero wala akong
alam kong may girlfriend na ba siya o wala.

Hindi nalang ako nagtanong tungkol sa kanyang buhay pag-ibig baka mapunta pa sa
akin at maikwento ko pa si Rihav sa kanya.

"Tell me about your twins, Fay. May hawig ba sila kay Rihav? Kapag mayroon patay ka
kapag na kita niya ang dalawa iyon."

Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Sean. Agaran niyang kinuha ang soft drinks
na kasama ng kanyang inorder para ipainom sa akin. Ininom koi yon hanggang sa
bumuti na ang lalamunan ko.

"Sean naman eh!" sabay hampas sa kamay niya.

"Semon." Pagtatama niya.

"Ewan ko sayo!" inirapan ko siya at tumuloy sa pagkain.


Kita ko ang kanyang pagngiti kaya inirapan ko siya ulit. Akala ko ba matured na
itong SEMON na ito, mukhang pinaglalaruan pa niya ako ngayon.

"Tell me Fay, kapag totoo na may hawig ang dalawa sa kay Rihav unang pagkikita
palang nila wala kanang kawala sa gagong 'yon."

"Ano?" pag-uulit ko sabay sa pagtigil ko nang aking pagkain.

"Wala, saan ba nagkahawig ang kambal kay Rihav? Sabihin mo na para maiwas natin
sila kay Rihav." Ginalaw galaw niya pa ang kamay ko.

Tumingin ako kay Sean mata sa mata bago ako tuluyang nagsalita, "Same eye color,
Carbon copy niya si Hacov, matangos na ilong niya ay kay Hera." Pag-aamin ko.

Nagsabi ako ng totoo kong sakali ay matutulungan niya ako. Kahit ayaw sabihin ni
Sean sa akin alam kong marami siya tauhan sa paligid, ramdam ko ang mauturidad niya
mukha kahit malayo sa kanyang personalidad.

"Talagang matatali ka, Fayre." sabay ng pagngisi nito.

"Gago!" sighal ko at sinapak siya.

*******
Sorry sa late update guys, busy lang talaga ako this past weeks. Midterm kasi namin
and may ginagawa din ako aside from writing. Kahapon pa dapat ito pero dumating
order ko na mini sewing machine tapos nagtahi agad ako, pero wala pang 30 mins
nasira ko din kaya pinagalitan ako ni Mama HAHAHAHAHA.

Queen of Distraction na ba this? Char! HAHAHAHAHA

Kabanata 7

Kabanata 7

Matapos ang pagsasalo namin ni Sean ay nagpaalam na din siya para makaalis. Ako
naman ay inabala ang aking sarili sa paglilinis ng silid na ito, hindi naman ganon
kadumi, unting linis lang at ayos ng mga kadamitan ko sa isang cabinet ay ayos na.
Sunod kong kinuha ang aking uniform sa baba, pitong uniform narin ang kinuha ko
para hindi na ako pabalik balik tuwing nagpapalit ako ng uniporme.

Pabalik na sana ako nang aking silid ng makita ko si Ella kasama ang kanyang mga
kaibigan. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ako tuluyang nilapitan.
Napalunok ako dahil nararamdaman ko ang galit sa kanyang mga mata.

Wala naman akong naisip na atraso sa kanila, ni hindi ko nga sila nilalapitan o
kinakausap tapos makatingin sila sa akin parang kay laki ng kasalanan ko sa kanila.

"Akala ko si Farah lang ang mang-aagaw, ikaw din pala Fay. Kay bagong salta dito
pero nilalandi na agad si Sir Semon, talaga bang waitress ka dito? O call girl
karin?" sabi niya at sinamahan pa nang irap.

Umiling ako sa kaniyang mga sinabi, "Hindi ko nilalandi si Sea—semon, tsaka


waitress ako dito at hindi call girl." Matapang na sabi ko.
Akmang aalis na ako nang hinawakan ng isa sa mga kaibigan niya ang aking kamay.
Medyo mapwersa at madiin iyon kaya gumuhit ang sakit sa akin mukha. Ganito ba
talaga sila? Kumpetensya ang lahat? Hindi naman sila maagawan ah, lahat ng lalaki
sa kanila kong ganon, isaksak nila sa baga nila.

"You bitch! Hindi pa kami tapos sayo, bastos karin e no!" sigaw ni Ella at
pinaharap ako sa kanya ng dalawa niya kaibigan.

Nalaglag ang dala kong uniporme dahil ang dalawang kamay ko ay hinawakan na nang
dalawa niya kaibigan. Umirap si Ella sa akin at hinarap ako. Medyo matangkad siya
sa akin gayon din ang dalawang nakahawak sa akin, hindi ko alam kong dahil ba sa
heels na suot nila o sadyang matangkad lang talaga sila.

"Ano ba kasalanan ko sa inyo, bitiwan niyo nga ako!" sabay ng aking pagpupumiglas
ngunit hindi ako nagtagumpay na makawala.

"Tsk! Maang-maangan kapa, alam namin na nanggaling si Sir Sean sa room mo! Alam mo
ba kong ano ang gagawin sayo ni Sir Haiden kapag nalaman niyang napapasok ka nang
lalaki sa silid mo?" tanong niya at mas lumapit pa sa akin.

Ang kanyang malaking hinharap ay sumasalubong na sa akin. Totoo ba iyon o hindi?


Malaki kasi, hindi ko naman siya huhusgahan kong hindi. Pero malaki talaga, nahiya
ang dibdib kong nadikit sa kanya.

Fayre! Nasa piligro na ang buhay mo, boobs pa iniisip mo!


"Sagot Fayre!" sigaw niyang malapitan.

Napapikit ako dahil doon, "H-hindi ko alam, bago lang ako dito. Hindi din nasabi ni
Ma'am Tessa at Farah..." mahina kong sabi.

Sarkasmo siyang ngumiti, "Iyan hindi mo alam pero nagpapasok ka, tanga ka? Bobo
ka?" huminto siya at tinitigan ako, "Alam mo na ipapa-ban ang mga lalaki na pumasok
sa mga silid sa taas? Kapag pina-ban si Sir Semon dahil sayo malaking kawalan iyon
sa amin!" sabay ng hawak nito sa aking pisngi.

Pinisil niya ito hanggang sa masakit na, sinukan kong kunin ang aking mukha sa
kanyang kamay ngunit mas lalong sumakit dahil ang mahahaba nitong koko ay parang
pumapasok na.

"A-aray!" daing ko sa sakit.

"Huwag kang magreklamo, Fayre. Lahat ng kababaehan dito ay nakadaan sa kamay ko


bago sila nagtanda, at ikaw na ang susunod non. Ito ang bagay sayo!" sigaw niya at
lumagapak ang kanyang kamay sa aking pisngi.

Iyon ang bumalot na tunog dito sa lockers area. Ramdam ko parin ang kanyang kamay
doon, napapikit din ako dahil sa sakit. Ang mga mata ko ay nanggigilid. Parang
lumapas ang kaluluwa ko dahil sa kanyang sampal.

"Isa palang 'yon, Fay. Ito p—"

"What's happening here?" boses ng lalaki sa likod namin.


Nanginig ang aking tuhod sa boses na iyon, kilalang kilala ko kong sino ang nag-
mamay-ari ng boses na 'yon. Kahit maglilimang taon kaming hindi nagkita, hindi ko
narinig ang kanyang boses alam kong siya 'yon. Hindi ako magkakamali...

Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. Matutuwa ba ako dahil hindi
natuloy ang pagsampal sa akin ni Ella o matatakot ako dahil magkikita na naman kami
ulit. Alam kong dadating ang puntong ito, pero hindi maiialis sa aking isipan kong
ano ang susunod na mangyayari. Kukunin niya ba ang mga anak ko sa akin o hindi.

"S-sir R-Rihav," uutal na sabi ni Ella.

Sinenyasan niya ang dalawa niyang kaibigan na pakawalan ako sa pagkakahawak.


Sinununod naman iyon ng dalawa ay humarap narin kay Rihav. Ako naman ay nanatiling
nakatalikod, ang kaba sa puso ko ay abot abot langit na sa sobrang tindi.

Kita ko kong paano yumuko ang tatlo. Nakarinig din ako nang yapak mula sa aking
likod at parang papalapit si Rihav sa amin gawi. Initaas ko ang aking kamay
hanggang sa lumebel ito sa aking dibdib na kanina pang-nagwawala.

"What you three doing with that girl? I warned you about this right?" matigas na
english nito.

"K-kasi Sir R-rihav," sabay siko nang isang kaibigan ni Ella sa kanya para
magsalita sa kanilang ginawa. Hindi umimik si Ella at nakatingin lang sa sahig,
"Sir itong babae may atraso kay Ella, binigyan lang namin ng leksyon..." sabay siko
ulit niya kay Ella.
"All of y'all always reason is that, wala na bang bago?" huminto siya sa
pagsasalita, "Anong ginawa niyo sa kanya? You slapped her too like what y'all did
with the girl last time?"

Hindi nagsalita ang tatlo, si Ella naman ay tumango lang habang nakayuko parin.
Inamin naman ni Ella ang kanyang ginawa pero ramdam ko parin ang kanyang kamay sa
akin pisngi. Mahapdi parin.

May tinanong ulit si Rihav sa kanila ngunit hindi koi yon tinuunan ng pansin dahil
ang pagtatago ko gamit ang aking buhok ang aking ibala. Kinuha ko ang mga uniforme
ko na nalaglag kanina. Nang nasakop ko na lahat ng aking uniporme ay humakbang na
ako papaalis doon.

"Stop, hindi pa humihingi nang tawad ang tatlong 'to." At hinawakan niya ang aking
braso.

Naramdaman ko ang kanyang malamig na kamay sa mainit kong braso. Ang mahabang buhok
ko ay nakatakip parin sa aking mukha. Hindi ko siya hinarap, nanatili ako sa aking
posesyon, kinuha ko ang aking kamay sabay nagsalita.

"D-don't need S-Sir..." kinakabahan ako, natatakot ako na makilala niya ang boses
ko.

Muli niyang hinawakan ang aking kamay, "You three, umalis kayo dito. Kapag nakita
ko ulit na sinasaktan niyo ang mga kapwa niyo empleyado dito ay mawawalan na kayo
nang trabaho! Nakakapuno na kayong tatlo!" sigaw niya.

Dinig ko ang mabilis na yapak na pawang paalis sa gawi namin. Kita ang mamahaling
sapatos ni Rihav na humarap sa akin. Kinuha ko ang kamay ko sa kanya at nagmadaling
naglakad papalis. Wala pang sampung baitang ay nahawakan niya ulit ang aking braso.
"You sounds familiar..." aniya na ikinaba ng dibdib ko.

Sinubukan ko ulit kukunin ang kamay ko pero ngayon hindi na ako nagtagumpay. Madiin
na ang pagkakahawak niya sa akin ngunit wala akong naramdamang sakit gaya nang
pagkakahawak kanina nang dalawang kaibigan ni Dana.

Agaran niyang hinawi ang aking buhok na ikinasinghap niya.

"F-Fayre," bigkas nito na parang gulat.

"Magkunwari ka nalang na hindi tayo nagkita Rihav." Kinuha ko ang aking kamay at
tumakbo papaalis sa lockers area.

Bumalik ako sa aking silid na parang kinakain ang aking Sistema nang kaba dahil sa
pagkikitang iyon namin ni Rihav. Ang bawat hakbang ko ay nagdudulot nang kirot at
sakit dahil don. Hindi ko alam kong pasasalamatan ko ba siya sa pagligtas sa akin
sa kamay nina Ella o magagalit ako sa kanya dahil sa mga ginawa at sinabi niya sa
akin noon.

Nanginginig ang aking kamay, dahan dahan akong umupo sa aking kama. Niyakap ko ang
aking tuhod at nagsimula nang mag-isip tungkol sa mga susunod na mangyayari. Hindi
ko kaya mawala sa akin ang kambal, lalong lalo na ayaw ko silang masaktan.

Kinuha ko ang aking cellphone sa lamesa at tinawagan si Amer. Ang bakla hindi
talaga alerto sa pagsagot sa aking mga tawag, ilang ring pa ang nangyari bago niya
nasagot ang aking tawag.
"Mamsh, napatawag ka?" Bungad niya sa akin.

"Ang dalawa nariyan?" tanong ko.

"Mamsh, kanina kalang tumawag tapos tumawag ka ulit. Okay naman sila dito, huwag mo
na silang isipin pa, nasa pangangalaga sila ni Super Ninang. Isipin mo nalang ang
trabaho mo diyan, paalala Fay, huwag kakagat sa mga fafang diyan. Isang kalabit
kalang baka maging tatlo ang anak mo." At humalakhak pa ang bakla.

"Ewan ko sayo Amer, basta ingatan mo sila. Huwag na huwag mo silang isama sa mga
lakad mo." Paalala ko.

"Okay mamsh, copy." Huling narinig ko bago niya binaba ang tawag.

Inilagi ko muna ang saliri ko sa pag-iisip ng paraan kong paano maiiwasan si Rihav
mamaya gayong alam na niya na narito ako sa club. Alam kong mamaya ay magkikita
kaming dalawa. Kasal na si Rihav, tatatantanan na niya siguro ako. Wala na siyang
makukuha sa akin, lahat nabigay ko na sa kanya.

Kinahapunan ay inayos ko na ang aking sarili, ang pulang marka na sinampal kanina
ni Ella ay naroon parin. May mga parte sa aking kaliwang pisngi na sobrang pula
talaga, mestisa akong babae kaya kaunting pisil lang sa aking balat ay mag-iiwan
talaga iyon ng pulang marka.

Sinuot ko ang aking uniporme bago ko sinuklayan ang aking mahabang buhok. Hanggang
itaas ng pwetan ko na ang aking buhok, wala akong oras para magpagupit kaya
hinayaan ko muna iyon. Pero sa susunod ay baka ipaputol ko narin.

Nasa harap ako nang salamin at inaayos ayos ang aking sarili nang marinig kong may
kumatok sa pinto nang aking silid. Nakaramdam agad ako nang kama pero imposible
namang si Rihav dahil bawal iyon dito. Si Sean lang ang pwede dahil kaibigan siya
nang may-ari o 'di kaya ang mga kapwa girls ko dito sa building.

Suminghot ako, inilagay ko ang nakalugay kong buhok na nakatakip sa aking mukha sa
likod ng aking tenga. Pumunta ako sa bandang pintuan at dahan dahan kong binuksan
ang aking pinto. Nakahinga ako nang maluwag ng makita si Farah ang kumatok sa aking
pintuan. Naka-suot na siya nang kanyang damit, iba ang desinyo kahapon at noong
nakaraang araw. Malapad ang kanyang ngiti habang may hawak hawak na box.

"You so gulat, Fay." Maarte niyang sabi at walang sabi sabing pumasok sa loob ng
aking silid.

"Nasaan ka kanina? Ngayon lang kita nakita," sabay ng aking pagnguso.

Hindi ko talaga siya nakita kanina, wala din akong kasamang kumuha kanina nang
aking uniporme dahil wala siya. Si Farah lang ang pinagkakatiwalaan ko dito sa
lahat ng girls sa club na ito.

"Sekretong malupit. I bought you a new shoes pala, mukhang matagal na 'yang shoes
mo." Inilahad niya sa akin ang box.

Makahulugan ko siyang tinignan, "Gago kaba? Bakit ka nag-aksaya nang pera para sa
akin? Sana pinadala mo nalang 'yan sa pamilya mo." Sabay tanggi ko sa box na hawak
niya.
Oo, matagal na itong sapatos ko. Mga limang taon na, binili ito ni tatay sa akin
dati. Ayaw ko namang palitan kasi wala naman akong ipapalit at isa pa may
sentimental value sa akin dahil galing iyon sa mapagmahal kong ama.

"I mean, hindi talaga ako ang bumili...basta Fay, bawal tangihan ang grasya ika nga
nila kaya palitan mo 'yang shoes mo." Dinukdok niya talaga sa dibdib ko ang box,
kukunin ko na sana nang inilayo niya ang box. Inilapag niya iyon sa lamesang nasa
gilid namin at mariing tinitigan ang aking mukha.

"A-ano?" itinulak ko siya.

Hinawi niya ang buhok na kanina pa palang natanggal sa aking tenga.

"Tangina, sinampal ka? O sinuntok?" mariin niyang tanong.

Iniwas ko ang aking mukha sa kanya, nilapitan ko nalang ang box sa lamesa. Umupo
ako bago ngumuso tsaka binuksan ang sapatos na dinala ni Farah. Parang may
bahagharing lumabas sa aking mata nang makita ang sapatos. Ito ang gusto kong
sapatos simula noong college ako, hindi ko mabili-bili dahil umaabot ng libo ang
presyo.

"Gagi, ang mahal nito Farah."

"Don't change the topic, Fay. Sino ang may gawa niyan sa pisngi mo?" napatingin ako
sa kanya, agad niya akong inirapan dahil sa galit niya. Ang kulay itim niyang
eyeshadow at eyeliner ay mas lalong nagpapakita na galit siya.
"A—ah wala 'to, nabangga l—lang ako diyan sa CR kanina." Pagdadahilan ko, nginitian
ko pa siya para maniwala.

"Don't try to lie on me, Fay. I'm just protecting you, alam ko na ako din ang rason
niyan kong bakit na mumula ang pisngi mo. Hindi na talaga natakot si Ella, lahat
nalang ng dumidikit sa akin ay pinapahirapan niya para mawalan ako nang kaibigan."
Humalikpkip siya.

"Kaya ko naman Farah, hindi naman masakit...konti lang." ngumisi ako at may
ginawang porma sa daliri ko na ibig sabihin ay kaunti lang.

"Gago mo! Namumula tapos hindi masakit?" maldita niyang sabi, hinawi niya ang upuan
sa larap ko at umupo.

"Medyo nga lang eh," ngumuwi ako.

"Sa susunod kapag ang tatlong impokretang iyon ay may ginawa ulit sayo sabihin mo
sa akin o kay Sir Sean. Hindi ka siguro kumaban ano? Masakit ang sampal nang gagang
iyon, ilang beses na akong makatikim non, kaya huwag mo kong ma konti konti diyan."

Ano kaya ang dinanas ni Farah sa kamay nina Ella? Bakit hindi mapaalis si Ella sa
club na ito? Madami na siyang nilabag at ginawang mali kay Farah pero nandito parin
siya at parang kay taas ng tingin sa kanyang sarili. May inambag ba siya sa club na
ito? Nagtatrabaho lang din naman siya ah.

"By the way, bilisan na natin mamaya na natin chikahan 'yan. Pero totoong akin
talaga 'to? No joke?"
"Sayo nga, huwag ng makulit sige na lumalalim na ang gabi baka bugahan pa tayo ni
Maam Tessa nang apoy."

Simunod ko naman ang kanyang sinabi. Sinuot ko iyon kahit na hindi nagdadalawang
isip ako, baka pagalitan nga kami ni Ma'am Tessa kapag nahuli kaming dalawa.
Tuluyan ko nang naisuot ay nagulat ako dahil saktong sakto ang size ko sa sapatos.
Hindi ko na inisip pa iyon at pinalupot na sa braso ni Farah ang aking kamay.

Sabay kaming lumabas ng aking silid, nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga
ginawa niya kanina. Nakarating kami sa area na kong saan lahat ng empleyado ay
naroon. Kita ko agad ang matulis na tiningin sa akin ni Ella, inilayo ko nalang ang
aking tingin at nakinig kay Ma'am Tessa.

Sunod ay oras na para sa trabaho. Kahit hindi linggo ngayon ay madaming customer
ang narito, dito sila siguro umiinom dahil sa magandang pasilidad nitong club o
sadyang afford nila ang mamahaling alak. Naging sunod sunod ang mga custumer na
binibigyan ko, mayroon pang nagti-tip sa akin ng pera. Noong una akala ko hindi
pwede iyon pero nong nakita ko ang iba ay tumatanggap n'on, tumanggap nadin ako.
Sayang dagdag pa ito sa sahod ko.

Nang matapos kong nilahad ang order ng costumer ay bumalik ako sa bartender para
kunin ang susunod na tray. Nailapag ko na ang tray na hawak ko nang makita ko si
Rihav na nakaupo sa high chair.

Nagtama ang aming mga mata, agad akong nag-iwas at kinuha ang tray. Hindi ko siya
pinansin at hinanap nalang ang numero nang hawak kong tray. Isang giya ko lang ng
aking mata ay nakita ko na agad. Pumunta ako doon at maingat na inilapag ang alak
nila.

Ngumiti ako sa kanila nang tuluyan ko nang malapag lahat. Isang malagkit na tingin
naman ang ginawad sa akin ng isang lalaking may edad narin basi sa kulay puti
nitong buhok. Nawala ang ngiti ko nang hawihin niya ang beywang ko papaupo sa
kanyang hita.

"50K for a night?" dinig kong bulong niya sa aking tenga.

Ilang beses ko pang papatunayan sa mga taong nandito na hindi ako bayarang babae!
Ginagawa ko ang lahat para sa anak ko at hindi para mapuno ang init sa katawan
nila.

Hinawi ko ang kanyang kamay sa aking bewyang, nakatayo namana ko ngunit muli niya
akong hinila. Sa pakakataong ito hindi na siya nagtagumpay na mapaupo ako sa hita
dahil may kumuha sa aking kamay at nilayo ako sa matandang lalaki.

"Mr. Madreal, that's my girl." Ani nang mayakis na matandang lalaki.

"She's not yours Mr. Gumba. You forced her, I saw you." madiin na sabi ni Rihav.

"No Mr. Madreal, she gave herself to me."

Parang nasuka ako sa sinabi niya. Kay tanda na manyakis padin. Hindi ba sila
marunong rumespeto? Kahit kailan hindi ko bibigay sayo katawan ko gago!

"She's only for me, Mr. Gumba. You should not touch my girl." Sabay higit niya sa
akin papaalis doon.
Kinuha ko ang aking kamay sa kanya ngunit mas lalo niya itong niligpitan. Kinuha
niya sa akin ang tray na hawak ko at dinala niya ako sa likod na kong saan doon din
ako dinala ni Sean dati.

"Bitiwan mo ko, Rihav!" sabay ng papupumiglas ko.

Huminto siya sa paglalakad, hunubad niya ang itim niyang coat at pinalupot sa akin.
Kinuha ko iyon pero muli niyang pinulupot.

"Don't try me Fayre Aphrodite!"

******

*Insert maligayang Note*

Kabanata 8

Kabanata 8

"Rihav! Ano ba, bitawan mo ko!" asik ko kay Rihav habang hawak hawak ang kamay ko.

Hindi na ito ang dinaanan namin ni Sean noong dinala niya ako dito. Ibang iba na
ang paligid at hindi ko na alam kong saan ito. Wala akong tiwala kay Rihav ngayon,
sinira na niya ang tiwala ko sa kanya, winasak na niya.
Oo, niligtas niya ako sa mga bumastos sa akin kanina pero hindi ibig sabihin n'on
na ayos na kaming dalawa. Inis na inis ako sa kanya habang naglalakad kami.
Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin at nagmamadali din siya kong maglakad.
Naka-ilang sigaw na ako na pakawalan ngunit parang walang tenga itong si Rihav.

"Rihav naman eh!" napagod na ang boses ko sa pagsisigaw sa kanya. Napahinto narin
ako sa paglalakad dahil sa bago kong sapatos na sa tingin ko ay nagkasugat na ang
aking paa.

Napatingin siya sa akin dahil sa aking paghinto. Inirapan ko siya at sinubukan ulit
na kunin ang aking kamay.

"Pwede ba Rihav magkalimutan nalang tayo, bitiwan mo na ako. May trabaho pa ako,
hindi ako pwedeng lumiban baka paalisin ako." sabi ko.

Dumilim ang kanyang mata at nagtibag ang kanyang panga, "Hindi ka na babalik doon
Fay, you didn't saw what that fcking man did to you? Binastos ka nang gagong 'yon."
May bahid ng galit ang kanyang boses.

"Gago ka din naman, wala akong tiwala sayo kaya bitiwan mo na ako at alam ko ang
ginagawa ko Rihav, huwag kanang manghimasok pa."

Mas lalo akong nainis sa kanya dahil wala parin siyang balak na pakawalan ako. Wala
akong oras para sa mga paandaar na ito ni Rihav. Gusto kong magtrabaho, para sa mga
anak ko. Kahit na labag sa loob ko na bastusin ako nang mga tao sa loob ng club ay
siskmurain ko muna basta may mapakain lang sa dalawang batang naghihintay sa akin.

"You need to get away from here, hindi kita ibabalik dito hangga't hindi pumapasok
sa isip mo na hindi ka na magtatrabaho doon. I can provide you if you want, just
don't back in fcking club!" mariin na aniya at hinila ulit ako.

"Aray!" daing ko.

Ang kaninang iniinda kong sakit sa paa ngayon ay mas lumala na. Bago ang sapatos ko
at hindi pa sanay ang paa, siguro nagkaroon na nang munting sugat doon.

Napapikit ako sa hapdi nang aking paa, ilang sigundo lang ay naramdaman ko ang
kamay ni Rihav sa aking likod at dahan dahana kong binuhat. Ang isa niyang kamay ay
nasa aking hita, hinahawakan niya rin ang aking maiksing palda para hindi malipad
ng hangin.

Hinayaan ko ang aking sarili na buhatin ako ni Rihav, hindi naman ako ang
mabibigatan, siya naman. Isa pa ang may kakaiba akong naramdaman ng binuhat ako
niya ako, hindi ako marupok alam ko iyon sa sarili ko pero ngayon ewan...

Huling pagkakaalam ko ay nasa labas na kami nang gusali, naramdaman ko agad ang
malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa aking mga hita. Nilibot ko ang aking
mata sa kong saan kami naroroon ni Rihav. Lumaki ang aking mga mata nang makita ang
mga mamahaling sasakyan, halos lahat ay kakaiba ang desinyo sa karaniwang nakikita
ko sa bayan.

"Ipadala mo nalang ako sa mga tauhan mo Rihav, bumalik kana doon sa loob. Uuwi
nalang ako sa silid ko doon sa gusali." Mahinang sabi ko, wala na akong lakas, ubos
na kakasigaw at kakasipa kay Rihav.

"I said no! Hindi ka na babalik doon. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo."
Nasa harap na kami sa isang sasakyan at sigurado akong sa kanya ito. Binuksan niya
ang pinto at dahan dahan akong pinaupo sa loob. Siya naman ay umikot para makapasok
sa driver area.

Pangalawang araw ko palang ngayon sa trabaho tapos ito na ngayon ang ginagawa ko.
Ano nalang ang sasabihin ng mga katrabaho ko? Ni Sir Haiden? Paano kong malaman
nila na hindi ako nagtrabaho sa pangalawang araw ko? Edi tatangalin nila ako, kapag
natanggal naman ako wala akong igagastos sa kaarawan ng kambal sa susunod na buwan.
Wala akong pang-arcade sa kanila, madidismaya sila sa akin dahil hindi ko natupad
ang pinangako ko.

Kailangan kong makabalik doon, kailangan kong magtrabaho. Hindi ito pwede, malaki
ang kasalanan niya sa akin kaya dapat galit ako sa kanya.

Akmang sisimulan na ni Rihav ang pagpapatakbo nang kanyang sasaktan ng binuksan ko


ang pinto at tumalon siya papalabas doon. Masakit ang pagkakabagsak niya mula sa
sasakyan pero hindi iyon hadlang para hindi siya tumakbo doon. Ininda ko ang sakit
ng aking paa at ng aking kamay habang mabilis ang aking lakad.

"Damn it!" dinig kong sigaw ni Rihav at sinakop ako galing sa likod.

Todo ako sa pagpupumiglas habang nakapulupot ang kamay niya sa aking beywang. Wala
na akong nagawa pa nang nakabalik na ulit ako sa loob ng sasakyan niya.

"Pwede ba Rihav huwag na tayong magkunwarian na maayos tayong dalawa?! Pwede bang
huwag mo nang pakialaman pa ang buhay ko? May asawa kana Rihav, dapat naroon ka!"
singhal ko sabay hinahampas ang dibdib niya.

Hinawakan niya ang aking kamay na humahampas sa kanyang dibdib at ipinalupot iyon
sa kanyang beywang. Ang kamay naman niya ay yumakap sa akin.

"Are you that desperate to leave me huh? Nakaya mong saktan ang sarili mo para lang
makatakas sa akin..." hindi ako sumagot, ilang segundo ang katahimikan sa aming
dalawa. Dinig ko ang magbuga niya nang hangin bago nagsalita, "Okay, if that's what
you really want, ibabalik kita doon sa building na 'yon. Pero magiging mata mo 'ko
sa loob ng club na 'yon, and no one would dare to touch you inside that fucking
club!" mariin niyang sabi.

Tango lang ang iginawad kong pagtugon sa kanya, wala na akong pake pa sa mga
sasabihin niya, natatakot na ako. Nadali na ako dati sa mga matatamis niyang
salita, minahal ko siya nang lubusan, sa kanya ko pa binuhus ang pagmamahal ko
keysa sa mga magulang ko. Pero wala naman akong napala sa lahat ng pagmamahal kong
iyon sa kanya kundi sakit lang.

Ngayon kapag nagpadalos dalos ako nang desisyon ko hindi lang ako ang masasaktan,
masasaktan din ang dalawang anak ko na naghihintay sa pag-uwi ko, at iyon ang
ikinababahala ko. Ayaw ko silang masaktan...

Hindi ko alam sa sarili ko kong bakit parin itong puso ko ay tumitibok parin kay
Rihav lalo na noong unang pagkikita namin. Hindi ko naman ipinagkakaila na mahal ko
parin siya, galit ako oo pero... Maling mali itong nararamdaman ko dahil may asawa
na si Rihav...

BUHAT BUHAT niya ako nasa tapat na kami nang pintuan ng elevator ng may lalaking
tumawag kay Rihav. Napalingon naman siya doon at nakarinig ako nang halakhak.
Tinago ko ang aking mukha sa pamamagitan ng pagtakip ng aking kamay.

"Who's that girl Rihav?"

Nanuot ang kaba sa aking katawan ng marinig ko ang boses ni Sean. Kahapon lang
nanghihingi pa ako nang tulong sa kanya na hindi dapat ako makita ni Rihav, ngayon
ito buhat buhat niya ako.

"None of your business, Sem." Si Rihav.

"Nambabae ka, akala ko mahal mo parin si — ouch!"

Sinipa siya ni Rihav gamit ang isang paa dahil umuyog ang pagkakahawak niya sa
akin. Dinig ko rin kong paano siya ginigisa nang tanong ni Sean kong sino ang hawak
niya, mabuti nalang itong si Rihav ay tinatago ako sa tuwing nagtatangkang tignan
ako ni Sean.

Hinampas ni Sean si Rihav sa likod bago ito nagsalita, "Gago ka talaga Rihav, may
pa tago tago kapang nalalaman kilala ko naman sinong hawak mo. Sa sapatos na iyan,
kilala ko kong sino 'yan!"

"What do you mean?" patay malisya nitong ni Rihav.

"Never mind, alis na ako. Please take care of that little baby, puspus sa trabaho
'yan. Minsan hindi na kumakain, she's too skinny, advice from your handsome
friend." Ani ni Sean bago sila umalis ng kanyang kasama.

Ininalis ko ang aking kamay na nakatakip sa aking mukha ganon na din ang pagbukas
ng pinto at niluwa iyon si Farah kasama ang isang lalaki. Lumaki ang mata ko nang
nagtama ang paningin namin, maging siya ay ganon din. Hawak hawak siya sa beywang
ng isang gwapong lalaki.
Tinawag ng lalaki si Rihav bago sila tuluyang lumabas ng elevator. May kong anong
senenyas sa akin ni Farah na hindi ko maintindihan bago siya hinila nang kasamang
lalaki. Pumasok naman si Rihav sa loob at pinindot ang insaktong palapag kong saan
kami naroroon.

"Sandali paano mo nalaman?" tanong ko.

"My friend is the owner of this building, alam mo ang pasikot sikot dito." Sagot
niya at dumungaw sa akin, "You knew Semon?" siya naman ang nagtanong.

Tipid akong tumango.

"You still love hiding something from me huh..." anito.

"Kailan ba ako nagsekreto sayo? Halos lahat dati sinasabi ko sayo Rihav."

"Really? Why are hiding that you and Amer had a relationship before?" madiin na
bigkas niya.

Si Amer? Ikaw nga ang gusto n'on keysa sa akin. Paano naman kami magkakaroon ng
relasyon aber?

Isang yakap ko lang sa baklang 'yon diring diri na sa akin tapos makikipagrelasyon
pa ako sa maarte 'yon?
"Paano kami magkakaroon ng relasyon ni Amer kong tayo noon? Hindi ako cheater
kagaya mo Rihav." Sabay tampal ko nang kanyang dibdib.

"Tsk, halos lahat ng maids doon sa mansion at lalo na si Mama nakakita kong paano
kayo maglandian sa labas ng mansion tapos sasabihin mo sa aking wala kayong
relasyon? Pinalampas ko lahat ng 'yon Fay, hanggang sa sinabi ni Mama na umalis ka
nang bahay at umalis kayo ni Amer na kayong dalawa lang." diniinan niya ang huling
mga salita. "I told to you back then, na hindi ka sasama sa lalaking iyon pero
ginawa mo parin."

"Sinasabi mo na malandi ako ganon? Na sumama ako kay Amer tapos ginawa kami? Gago
karin eh no, gago mo sa part na nakinig ka sa iba at hindi ka nakinig sa akin. Sino
ba ang girlfriend mo dati? Ako o ang mga maids niyo sa mansion?" mapait kong sabi.

Kasambahay din naman ako sa mansion nila pero hindi hindi ko magawang magtaksilan
siya habang kami pa. Ang laki nga nang insecurities ko dahil amo ko siya at
kasambahay nila ako, kahit ganon pumasok parin ako sa isang relasyon kahit patago
iyon dahil mahal ko siya.

"If you are faithful to someone you should follow what he said to you. But you
didn't follow me Fay, you break our rules!"

"Our rules or YOUR rules? Hindi mo ba naiisip kong nasasakal na ako sa relasyon
natin? Hindi mo ba naiisip na masyado ka nang mahigpit at ikaw nalang parati ang
masusunod? Hindi mo ba naiisip na g-gusto ko rin m-maging m-malaya?"

Nakita ko kong paano siya umalon ang adam's apple niya. Nag-iwas din siya siya nang
tingin sa akin. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa. Pinunasan ko ang
nangingilid kong luha.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Kumilos ako para
makaalis sa pagkakabuhat niya. Nagtagumpay naman akong makaalis sa kanya at
dumeretso na palabas ng elevator. Dinig ko rin na lumabas si Rihav, ika ika akong
lumakad dahil sa sugat sa paa ko.

"Umuwi kana Rihav, umuwi kana sa asawa mo." Ani ko nang nasatapat na ako nang silid
ko.

"Gagamutin ko sugat mo, hindi ako aalis dito."

Hinarap ko siya, "Papagalitan ako ni Sir Haiden kapag nalaman niya na may dinala
akong lalaki sa silid ko. Ayaw kong mawalan ng trabaho Rihav." Sabi ko.

"Papagalitan ko din siya kong papagalitan ka niya. I will pull out my shares in
this club, tignan nalang namin kong sinong mas angat."

"Hindi mo ba talaga naiintindihan? Malalagot na naman ako kina Ella kapag nalaman
nilang nagpapasok ako nang lalaki sa si..." huli ko nang narelease ang mga sinabi
ko. '

Kumuyom ang panga niya, "So that's the reason why those girls slap you hard huh,
sino ang pinapasok mo? Damn, malalagot sila..." hindi ko na narinig ang huli niyang
salita dahil humina ang boses niya.

"Si Sean ang pinapasok ko, binigyan niya ako nang pagkain eh. Sige na alis kana,
bahala kana sa buhay mo." Sabay talikod ko.
Akmang bubuksan ko na ang aking silid ng higitin niya ako papalapit sa kanya at
niyakap ako. Umuwang ang aking bibig sa gulat, napatingin din ako sa bandang gilid
dahil baka may makakitang girls sa amin at ano na naman ang iisipin, lalo na sina
Ella.

"Damn, I miss you big time and I'm jealous." Bulong niya sa aking tenga.

Hindi ako sumagot oumimik, wala akong masasabi. Natatakot na akong mahulog at
masaktan ulit. Lumipasman ang mga taon na hindi kami nagkita, ramdam ko parin ang
pagmamahal ko sakanya. Hihintayin ko nalang siguro na ang puso ko na mismo ang
aayaw, ang pusoko na mismo ang susuko.

*****

For more updates about my story, you can follow me on my social medias. Magiging
active na ako sa twitter guys! Magbibigay din ako nang hints sa future story, and
also magchikahan tayo.

-SocMed-

Twitter: 3rithrea

FB: Erithrea WP

IG: Threyaaaaa

Very Lame update HAHAHAHA

Kabanata 9

Kabanata 9
Umalis at nagpaalam narin si Rihav pagkatapos niya akong yakapin. Hindi 'ko talaga
alam kong ano itong nararamdam ko ngayon, kay lakas ng kalabog ng aking puso.
Inaamin ko na, miss ko rin si Rihav. Gustong gusto ko rin siyang yakapin kagaya
nang mahigpit na pagyakap niya sa akin. Lahat ng mga ala-ala noong nasa mansion pa
nila ako ay bumalik sa akin isipan habang niyayakap niya ako.

Kay saya namin noong mga araw na iyon. Patago ang aming relasyon pero kahit kailan
hindi ko naramdaman ang distansya sa pagitan namin na siya ay mayaman ako ay isang
katulong lamang. Hindi niya pinaramdam sa akin ang pinagka-iba namin sa istado nang
buhay, kaya nakakagulat lahat ng gawi ni Rihav noong mga huling araw ko sa mansion
nila. Humantong pa sa pagdedeklara niya nang pagpapakasal.

Hanggang ngayon hindi pa rin klaro sa aking isipan ang mga pinangsasabi niya sa
akin. Ano ang dahilan kong bakit niya ginawa iyon sa akin. Hanggang ngayon
naghihintay ako sa mga paliwang niya kahit alam kong impossible na magkatuluyan pa
kami dahil mayroon na siyang asawa. Masakit man pero kailan kong tanggapin ang
katutuhanan...

"Fay!" dinig ko ang pagsigaw ni Farah ng akmang sisirado ko na ang pinto.

Nakatakbong pumunta siya sa harapan ko, hapo hapo siya at hinahabol ang hininga
habang hawak ako sa kamay. Umuwang ang aking bibig at nagtaka sa nangyari kay
Farah, pero bago pa ako nagtanong ay inalalayan ko siya papasok sa loob ng aking
silid at pinaupo sa upuan. Pinaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang
kamay at sinabihan akong kunan ko daw siya nang tubig.

"Ano bang nangyari sayo bakit ka tumakbo?" tanong ko habang nagsasalin ng tubig.

"Wala," sabay kuha niya sa akin ng baso at ininom ang tubig.


Tumaas ang aking kilay, "Anong wala? Hindi pa tapos ang trabaho natin diba?" tanong
ko.

Inilapag niya ang baso bago siya nagsalita, "Oo, hindi pa tapos ang work natin pero
nandito ka na, pero ayos lang kilala ko naman kong sino ang nagdala sayo dito. Noon
lang nagtatanong ka tungkol kay sir Rihav ha, ngayon taga buhat mo na." sabay
halakhak ng gaga.

"Magkakilala kasi kami," pag-aamin ko, natigilan siya at tinignan ako.

"Ni sir Rihav?" kagat labi akong tumango, "Gago ka Fayre, jockpot ka nga pero may
sabit naman. May asawa na 'yon, Fayre. Ayaw kitang maipit in the future na pumunta
dito ang asawa niya, kaibigan kita kahit ilang araw palang kitang nakasama."

Bumuga ako nang hangin, may punto si Farah. Tama nga siya may asawa na si Rihav,
hindi na dapat pa ako lumapit sa kanya. Hindi ko na alam...

"Alam ko naman 'yon, hindi ko naman ipipilit sarili ko sa kanya. Baka simula bukas
didistansya ko na sarili ko." ani ko.

Tinignan ako ni Farah at binigyan ng tingin na parang hindi naniniwala, "Sa nakita
ko kanina, parang hindi lang kayo basta magkakilala Fay. May something sa inyo, but
I won't push you to tell that to me that's your privacy." Huminto siya sa
pagsasalita at tumayo. "O siya, balik na ako sa baba."

Tumayo na siya sa pagkakaupo pero hinawakan ko ang kamay niya, "Bakit ba


nagmamadali ka kanina? Curious lang ako sayo Farah, tapos may kasama ka ring lalaki
kanina." Kuryoso kong sabi.
"Si Fabio baby boy 'yon," sabi niya at tumawa pa pero kinalaunan nagseryoso ang
kanyang mukha, "Hinahanap ako nang mga taong nautangan ni Tatay, ako ang sinisingil
kaya nagtatago ako. Wala naman akong pambayad sa kanila dahil pa tayong sahod,
hindi naman ako ATM machine na sumuka nang pera no." sabay irap niya.

Tumango tango lang ako sa paliwanag niya, hindi ako nagtanong pa dahil personal na
buhay na niya iyon. Inayos niya lang ng kaunti ang kanyang mukha at damit, natawa
ako nang nilabas niya pa nang kaunti ang kanyang cleavage. Pabiro kong sinampal ang
kanyang dibdib, pabiro niyang hinalikan ang aking pisngi bago tuluyang umalis ng
aking silid.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pintuan ng aking silid.


Nakapikit na hinawi ko ang aking kumot na nakabalot sa aking katawan at tumayo na
mula sa pagkakahiga. Humikab ako habang pikit na pikit parin ang aking dalawang
mata, pumunta ako sa gawi nang pinto at hinanap ang seradula bago ko pinihit para
mabuksan.

"Cute," dinig kong nagsalita.

Natigilan ako nang marinig ko ang tinig na 'yon. Agad kong binuksan ang aking mata
at bumulaga sa akin si Rihav na malaki ang ngiti sa labi. Nanlaki ang mata, agaran
kong sinirado ulit ang pinto dahil sa gulat. Ang akala ko si Sean o si Farah lang
ang kumakatok, hindi ko inaasahan ang pagpunta ni Rihav ngayon.

Sunod sunod na katok muli ang narinig ko, naririnig ko rin na tinatawag niya ang
aking pangalan. Nagmadali na pumunta ako sa CR at inayos ng kaunti ang aking mukha
lalo na aking wagwag na mahabang buhok. Matapos kong maayos ay bumalik ako sa pinto
at binuksan muli ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya nang mabuksan ang pinto.


Itinaas niya ang kanyang dala na pagkain, "Dinalhan kita nang pagkain. Semon said
you need to eat because you're too skinny, so yeah." Sabay kibit balikat niya.

"Huwag na, sige na matutulog na ako." Inabot ko ang pintuan, akmang sisirado ko na
ulit ang pinto nang inilagay niya ang kanyang kamay sa pinto para pigilan ako sa
pagsira.

"If you want to sleep, then sleep. I won't disturb you but please let me enter
inside your room."

Wala na akong nagawa pa at hinayaan ko nalang siyang pumasok sa loob. Isa pa isa
siya sa may-ari nitong club baka gamitin niya ang kapangyarihan niya para paalisin
ako dito. Hindi pa nga ako nakakasahod dito tapos matatanggal na agad.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko at pinalupot ang kumot. Bumalik ako sapag tulog at
hinayaan na lamang si Rihav kong anong gagawin niya sa buhay niya. Alam ko din
namang mabobored siya at aalis na din kaya bahala siya diyan.

HINDI KO ALAM kong ilang oras akong natulog simula nong ginising ako ni Rihav
kanina. Ininat ko ang aking katawan bago umupo mula sa paghihiga.

"Rihav?" anas ko nang makita ko siyang nagmomop ng sahig habang walang damit na
pangtaas. "Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Cleaning your room." Sabay ngiti niya sa akin.


Nilibot ko ang aking mata sa loob nitong silid ko, nanibago ako dahil may mga gamit
na bago ako matulog ay wala naman dito sa loob ng silid ko. May mga malalaking
paper bag din sa itaas ng lamesa. Ano na naman 'to Rihav?

"Ano ang mga 'yan?" sabay turo ko nang mga paper bag.

"Groceries for you." tipid niyang sabi habang nagmomop pagid.

Hindi na ako nagsalita pa at ininat ko ang aking kamay. Humikab ako bago tumayo
mula sa kama. Hindi ko pinukulan ng tingin si Rihav na busy sa kaka-mop, dumeritso
ako sa cr at tinayos ang aking mukha. Naligo na din ako dahil hindi ako kumpermi sa
aking sarili.

Bumuhos ang malamig na tubig sa aking katawan kasabay n'on ay pagbalik ng mga
tanong sa aking isipan. Papaanong nagagawa ni Rihav na umasta nang maayos sa akin
kahit alam niya sa sarili niya na malaki ang kasalanan niya sa akin. Saan niya
nakukuha ang lakas ng loob na kausapin ako ngayon gayon masasakit na salita ang
binitiwan niya noong umalis ako sa bahay nila.

Simula noong nagkita kami wala akong ganang sabihin sa kanya ang tungkol sa kambal.
Si Sean lang ang nakakaalam n'on, nakakasiguro din ako na hindi sinabi ni Sean ang
nalalaman niya dahil hanggang ngayon walang aksyon na ginagawa si Rihav...o sadyang
wala naman talaga siyang pakialam sa kabal.

Kung gan'on bakit nandito siya? Anong kailangan niya? Gusto niya ba akong paaminin
na may relasyon talaga kami ni Amer o gumagawa siya nang paraan para matuklasan
iyon mismo?

Ewan ko na... Kahit anong gawin niya wala naman akong aaminin. Bakla si Amer! Ayaw
ngang tawagin ko siyang Amer, pinagpipilitan pa ang Amera!

Tinapos ko na ang aking pagliligo at nagbihis narin sa loob ng CR. May inilalagay
na akong pamalit dito tuwing gabi para didiretso na lang ako dito tuwing umaga
kapag bagong gising ako at hindi na ako lalabas pa. Nakabihis na akong lumabas ng
CR. Si Rihav na kaninang nagmomop ngayon ay nakaupo na sa upuan ng lamesa. Wala na
ang mga paper bag sa itaas n'on, napalitan na iyon ng mga pagkain.

"Let's eat, I'm hungry." Aniya nang makita ako.

Ang sabi ko kagabi kay Farah, didistansya ko ang aking sarili dahil iyon ang
nararapat. Ngayon, papaano ko didistansya ang sarili ko kong nasa harap at nasa
loob na siya nang silid ko? Mukhang hindi tama na pinapasok ko pa siya dito, dapat
hindi ko nalang talaga ginawa.

"Mauna kana hindi pa ako nagugutom," sabi ko at nagtungo sa kama ko, hinalungkat ko
ang aking bag at kinuha ang cellphone ko na may missed call mula kay Sean.

Dinig ko ang pag-galaw ng upuan sa banda ni Rihav kaya napatingin ako doon. Ang
kaninang Rihav na ready na sa pagkain ay tumayo sa pagkakaupo at tinakpan ang mga
hinanda niyang pagkain.

Kumunot ang aking noo, akala ko gutom na siya. "Akala ko gutom kana?" hindi ko
mapigilan magtanong.

Napatingin siya sa akin, "Akala ko kasi sasabayan mo 'ko, sige na gawin mo muna ang
gusto mong gawin." Sagot niya.
Nagpapaawa ba siya?

Bumuntong hininga ako at tumayo. Pumunta ako sa lamesa at umupo na doon. Sinenyasan
ko siya na umupo na sa upuan. Hindi ko alam kong bakit ko ito ginagawa, dapat
ngayon ay sinisigaw ko na siya eh.

"Kumain na tayo, Rihav." Sabi ko sabay kuha nang mga takip.

Halimuyak mula sa kanyang hinanda ang sumakop sa aking ilong. Ang bango nang
kanyang mga dinalang pagkain. Hindi naman marunong magluto si Rihav, baka sa mga
kasambahay niya ito pinaluto o kaya inorder niya sa restaurant na mamahalin.

Umupo naman siya sa harap ko, alam na alam ko sa gawi niya na gutom na talaga siya.
Kahit na ilang taon lang kaming nagsama ni Rihav sa mansion nila ay kabisado ko ang
mga gawi niya. Alam na alam ko kong gusto niya ang hinanda ko sa kanyang pagkain o
hindi. Alam na alam ko kong may problema siya o wala, at madami pang gawi ni Rihav.
Lahat ng iyon nalaman ko simula noong kilalanin namin ang isa't isa.

Akmang kukuha na ako nang kanin ay inunahan niya ako. Hinayaan ko siyang lagyan ako
nang pagkain habang ako ay nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na medyo
lumaki ang pangangatawan ni Rihav. Ang muscles sa kanyang braso ay mas pulido na
ngayon, ang maugat niyang kamay ang naagaw ng aking pansin habang abala siya sa
paglalagay ng pagkain. Nang katamtaman na ang lagay niya ay tumigil din siya, sunod
niyang nilagyan ang plato ko nang mga ulam.

"Okay na 'yan?" tanong niya sa akin habang naka-ngiti.

Tumango lang ako sa kanya, hindi na ako nagsasalita. Tahimik lang kami sa pagkain,
tinitigan ko siya habang bilis ng pagkain niya. Siguro ay gutom na talaga siya,
hindi ba siya kumain habang natutulog ako?
"Gutom na gutom ka ah, akala ko mayaman ka." Hindi ko maiwasang magkomento.

Natigilan siya, "Simula kagabi hindi pa ako kumakain." Sabay subo niya ulit.

"Bakit hindi ka kumain?"

"Iniisip kita, iniisip ko kong anong pinagdaanan mo sa limang taon na hindi tayo
magkasama. Anong pinagdaanan mo bakit ka na padpad sa club na ito." Seryoso niyang
sabi.

Ano na naman ang paandar niya! bakit ba kasi sa tuwing nagsasalita siya ng mga
bulaklaking salita ay nadadala ako? Ganon na ba ako ka tanga?

Ngayon, sa mga nangyari sa nakalipas na limang taon kailangan ko munang lagyan ng


bakod ang puso ko sa kanya. Kailangan kong pagtibayin ang bagay sa loob ng aking
puso na hindi maniniwala sa kong ano mang sabihin niya. Nadala na ako, nasaktan pa.

"Bakit ganyan ka? Makapag-asta ka sa akin ngayon parang wala kang ginawang
kasalanan sa akin. Alam mo ba kong ano kasakit ang ginawa mo sa akin, Rihav? Lahat
ng masasakit na salitang binigkas niyang bibig mo ay nakaukit parin sa puso ko."
sunod sunod kong sabi.

Gusto ko na matapos ang kahibangan na ito dahil natatakot na akong pagpadala ulit.
Natatakot na akong papasukin ulit siya sa buhay ko lalo na sa sitwasyon ngayon.
Nagulat ako nang inabot ni Rihav ang aking kamay na nasa ibabaw ng lamesa.
Sinubukan ko iyong kunin ngunit mas lalo niya itong ginigpitan. Ramdam ko ang lamig
sa kanyang kamay, lumiit din ang aking kamay dahil sa malaki niyang palad.

"That is why I am here, Fayre. Narito ako para humingi nang tawad sa lahat ng
masasakit na salitang binitawan ko sayo, alam kong mali ang ginawa ko sayo. Nanaig
ang selos at galit ko kay Amer kaya sayo ko naibuntong lahat. Patawarin mo sana
ako," puno nang emosyon niya sabi sabay hinalikan ang aking kamay.

"May isa kapang hindi sinasabi sa akin, Rihav." Tukoy ko sa pag-aanunsyo niya nang
kasal.

Nakuha naman agad ni Rihav kong ano ang pinupunto ko. Akmang magsasalita na siya
nang makarinig kami nang tunog mula sa kanyang cellphone. Nasa bandang gawi ko iyon
kaya gamit hinahawakan niyang kamay ko ay inabot ko ang cellphone niya. Aksidente
kong nabasa ang pangalan ng tumatawag.

Dyessie...

Inabot ko sa kanya ang cellphone, tumingin siya doon at muling tumingin sa akin.
Nagdadalawang isip kong sasagutin niya iyon o hindi. Ako na ang umiwas ng tingin
pero nakita ko ang pagpindot niya nang kanyang cellphone bilang pagsagot.

"What!? What happen on Dion!?" napatingin ako kay Rihav.

Kitang kita ko ang mukha niya na puno nang pag-alala. Umaalon ang kanyang Adam's
apple at umiigting ang kanyang panga habang nakikinig sa katawagan niya.
Sino ang tunutukoy niyang Dion?

"Oo, pupunta ako diyan. Hintayin mo 'ko, sabihin mo kay Dion." Sabay ng pagputol
niya nang tawag.

Kinuha niya ang kanyang damit na nakapatong at agarang sinuot iyon. Inayo niya rin
ang kanyang dalang bag na ngayon ko lang nakita, may mga laman iyong damit na
parang may plano na dito siya matutulog.

"Hindi pa tayo tapos kumain, Rihav." Mahina kong sabi.

Tumingin siya sa akin bago sinuot ang bag na dala, "I need to go, Fay."

"Akala ko ba gusto mo hingin ang patawad ko? Bumalik ka sa pagkakaupo at sabay


tayong kuma—"

"I said I need to go! Mas importante 'yon keysa dito, kailangan ako ni Dion!" sigaw
niya at walang pag-aalinlangan siyang umalis ng silid.

Gumuhit ang kirot sa aking dibdib. Bumalik ako sa pagkakaupo sabay ng pagtulo nang
aking luha. Akala ko ba gusto niya nang tawad ko? Sa pagkakataong ito, masasabi ko
na hindi ko kayang patawarin si Rihav sa lahat ng kasalanang dinulot niya sa akin.
Pwede naman akong pagsabihan bakit kailangan pang sigawan?
Rihav, unahin mo na ang importanteng tao sa buhay mo.

*****

Ramdam niyo? Ramdam ko rin HAHAHAHAHA

Let's be Fwends!

FB: Erithrea wp

Twitter: 3rithrea

IG: Threyaaaaa

Kabanata 10

Kabanata 10

"Omg girl! What happened to you?!" agad na nasabi ni Farah ng mapagbuksan ko siya
nang pinto.

"Wala ah," tangi ko at inaayos na ang aking suot para sa trabaho.

Ginawadan ako nang kahina-hinalang tingin ni Farah pero tinukom nalang niya ang
kanyang bibig at inabala ang kanyang sarili sa paglalagay ng mga aparatos niya sa
katawan. Ako naman ay sinuklayan ko ang aking mahabang buhok bago ko iyon
tinirintas, naglagay din ako nang kaunting pulbo sa mukha dahil halatang halata na
umiyak lang ako buong araw.

Simula nang iniwan akong mag-isa ni Rihav sa silid ko ay umiyak ako nang umiyak.
Hindi ko na naubos pa ang pagkain na hinanda niya, wala narin akong ganang kumain
pa.

Nag-iba na talaga si Rihav, akala ko siya parin iyong kilala ko. Na uunahin ako sa
lahat ng bagay, ngayon...may asawa na siya. Labas na ako sa buhay niya, wala na.
Isa akong babaeng tanga, at nagpakatanga ulit ngayon kaya ito luhaan na naman. Wala
na bang bago sa buhay ko?

Ang kambal nalang talaga ang pinagmumulan ng lakas ko, sila na lang wala nang iba.

"Talaga bang ayos ka lang? Wala kang problema? Sakit?" sunod sunod na tanong ni
Farah habang naghihintay kami sa pagbukas ng elevator.

Pilit akong ngumiti para maitago ko ang lahat ng nararamdaman ko bago ako tumango,
"Ayos lang ako, Farah."

Nagtanong ulit siya para makasigurado, na kinatango ko nalang ulit. Sabay kaming
dalawa sa pagpasok sa elevator, habang nasa loob kami ay tahimik lang kaming
dalawa. Nakarating kaming dalawa sa silid na halos lahat ng mga nagtatrabaho ay
narito. Agad na nasalubong ko ang matulis na tingin ni Ella, hindi ko naman
pinatagal ang titiginan namin dalawa dahlia ko na ang nag-iwas. Wala ako sa mood
ngayon baka magkasabunutan pa kaming dalawa.

"Sabihan mo lang ako kong masama ang pakiramdam mo ha." Si Farah ng magsimula na
kami sa pagtatrabaho.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Mabuti nalang talaga ay biniyayaan pa ako nang
diyos ng isang kaibigan para naalahanin ako. Siguro kong wala siya, ewan ko nalang
kong anong gagawin kong mag-isa. Hindi naman ako mahinang babae pagdating sa mga
kalaban o sa mga babaeng gusto akong saktan, marunong naman akong lumaban. Kung
hindi lang tatlo sina Ella baka nasampal ko narin siya.
Sa pag-ibig lang talaga ako mahina. Bobo ako pagdating sa pag-ibig. Puso kasi ang
pinapaairal kaya palaging umuuwing luhaan, ngayon natuto na ako. Sarili at mga anak
ko nalang muna ang pupunuin ko nang pagmamahal.

Nagsimula na akong magtrabaho, nakailang libot na ako sa loob ng club ngunit ni


anino ni Rihav ay hindi ko nakita. Si sir Haiden lang ang nakita ko kasama ang iba
pang mag pamilyar na kalalakihan sa kanilang palaging inuupuan. Mabuti nga siguro
iyon, para makalimutan ko na siya.

Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagtatrabaho. Kahit ganon ang nangyari
kaninang umaga ay unti unting sumaya ang aking puso dahil sa mga tip ng customer sa
akin. Sympre, makakapag-ipon ako sa darating na kaarawan ng mga anak ko.
Makakatulong din ito sa pang-araw araw ko dito sa building.

"Thank you sir!" pagkatapos kong nailapaga ang mga alak nila.

Bumalik ako sa bartender at muling naghintay ng susunod na order. Malakas ang


tugtog sa loob ng bar, halos lahat ay nasisiyahan. Ang iba ay naghihiyawan at
nagsisigawan pa habang sumasayaw sa gitna. Napukaw na lang ako ng bartender na
nakatulala na pala sa gitna, agaran ko namang kinuha ang tray at binigay sa number
ng table.

"Salamat miss," sabi nang lalaki.

Ngumiti lang ako sa kanya bago tumalikod, doon ko naman nakita si Sean na may hawak
na baso at may lamang alak. Ngumiti ako sa kanya, hawak ko ang tray nilapitan ko
siya at niyakap. Sinakop ng ilong ko ang alak mula sa kanya kaya agad din akong
humiwalay.
"Mukhang madami ka nang nainom, Sean." Bulong ko sa kanyang tenga.

Ngumisi siya at dumungaw sa aking tenga para makabulong din, "Hindi pa ako lasing."

Mukhang hindi nga naman siya lasing. Kompleto at wala pang putol putol ang kanyang
salita. Hinila ko nalang siya papalapit sa bartender area, pinaupo ko siya sa high
chair. Inuna ko munang dalhin ang isa pang tray sa customer bago ko siya tinabihan.

Nilagok niya ang kanyang baso at nilapag sa mesa bago ako hinarap. Seryoso ang
mukha ni Sean. Maamo ang kanyang mukha kahit ganon, makakapal din ang kilay niya.
Ang kulay brown na mata niya ay kitang kita ko parin kahit na madilim ang bar.
Matangos ang kanyang ilong, mapupula ang kanyang labi at kaunting galaw lang nito
nang kanyang panga ay lumilitaw kaagad ang kanyang dimples.

Inshort, gwapo si Sean.

Pero kahit ganito na kagwapo ang kaharap ko kahit kailan hindi tumibok ang puso ko
sa kanya. Kahit kailan hindi man lang ako nagkagusto sa kanya simula noong college
kaming dalawa. Kami ang parating magkasama pero kahit kailan hindi man lang ako
nagkagusto sa kanya. Ganon din naman siya sa akin, nakatadhana talaga kami na
magkaibigan.

Kung sino naman pa ang gusto ko, iyon pa ang nananakit ng puso ko.

"So, kamusta ang sabay na pagkain niyo ni Rihav?" panimula niya nang pag-uusa
namin.
Umiwas ako nang tingin. Pwede bang time out muna sa amin ni Rihav? Ayoko na!

"K lang." sabi ko.

"Anong K lang?"

"Basta K lang." irita kong sabi.

"Lumuwas siya nang Manila," panimula ni Sean na ikinatingin ko kanya, "Umalis siya
kanina, nagmamadali. May nangyari kay Dion, alalang alala siya sa bata. Mahal na
mahal ni Rihav ang batang iyon kaya isang sabi lang ng bata, kahit malayo susuungin
at gagawin talaga ni Rihav ang lahat. Sa pagmamadali niya hindi na siya
nakapagpaalam sa amin, nalaman nalang namin kay D-dyessie." Nag-aalangan pang
bigkasin ni Sean ang pangalan ng babae.

Tahimik akong nakikinig sa kwento ni Rihav, iyon ang rason kong bakit niya ako
nasigawan kanina. Mahal nga talaga ni Rihav ang Dion na 'yon.

Ang kambal kaya mamahalin niya rin?

Kung may anong punyal na tumusok sa aking puso sa tanong na 'yon. Hanap ng hanap ng
dalawa sa kanilang ama tapos ang hindi nila alam may iba palang iyong anak na
inaalagaan at minamahal ng lubusan.
Ang inakala nilang tatay na magtatangol sa kanila tuwing inaasar sila ay may
sariling anak narin pala. May anak rin palang pinuprotektahan.

Umiling iling ako, inayos ko ang aking buhok. "Ayos lang naman, asawa niya naman si
Dyessie. O siya, aalis na ako. May trabaho pa ako, pag-inagat ka sa pag-uwi Sean.
Nakainom ka, baka mapaano ka sa daan." Paalala ko pa.

Isang tango ang tugon niya. Niyakap niya rin ako bago ako umaalis sa tabi niya.

Ayaw kong pag-usapan ang tungkol kay Dyessie at Rihav lalo na sa anak nilang
dalawa. Masakit eh, ako 'yong pinangakuan na papakasalan eh. Ako dapat ang asawa,
hindi siya. Ako ang nauna, ako. Dapat kami nang kambal 'yon...

Ano ba naman ang laban ko, isa lang naman akong kasambahay. Wala akong pera, wala
akong mahihaharap sa pamilya nina Rihav. Wala akong maipagmamalaki sa buhay.
Masakit lang, bakit niya pa ako pinangakuan kong hindi man lang niya tutuparin?

Pinahid ko ang tumulong butil sa aking mata. Kailan ba ako mapapagod na mahalin
siya? Kailan ba hihinto ang puso ko? Nasasaktan na ako, suko na ako!

Humihikbing tumakbo ako papuntang CR ng club. Mabuti nalang at walang katao tao
dito at halos lahat ay nakikisayahan sa gitna. Pumasok ako sa isang cubicle, binaba
ko ang takip ng inidoro, umupo ako doon at niyakap ko ang aking tuhod. Binuhos ko
ang lahat ng luha ko na kanina pangpinipigil.

Mahina akong humihikbi sa loob ng cubicle, mahina at patago akong umiiyak. Simula
nang dumating ang lahat ng kamalasan sa buhay ko ay sinanay ko na ang sarili ko na
magtago at tahimik na umiiyak. Ayoko namang mambulabog ng iba sa sarili kong
problema.
Umiyak ako nang umiyak sa loob ng cubicle hanggang sa narinig ko ang malakas na
pagkatok sa pinto, "Fayre!" sabay n'on ang pagtawag ng pangalan ko.

Boses iyon ni Farah. Nagdadalawang isip ako kong bubuksan ko ba siya o hindi dahil
makikita niya akong umiiyak.

"Bubuksan mo 'to o sisirain ko?!" matinis ang boses niya.

Pinunasan ko ang aking mukha bago ko binuksan ang pinto sa takot na baka tutuhanin
ni Farah ang kanyang banta. Natigilan ako nang bigla niya akong niyakap pagkabukas
ko palang ng pinto. Muli akong napaluha sa kanyang balikat, gumanti ako nang yakap
sa kanya. Doon ako muling umiyak, nabasa ko na ang kanyang magandang damit dahil sa
mga luha ko.

Ako na ang kusang humiwalay dahil inaalala ko ang damit niya, hindi pa tapos ang
trabaho naming dalawa at magmukha siyang dugyot mamaya sa loob ng club. Hinarap ako
ni Farah at hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko.

"Stop crying, may ipapakita ako sayo." Pumasok narin siya sa loob ng cubicle na
kong saan ako naroroon.

Itinaas niya ang kanyang kamay at may hawak hawak siyang mamahaling cellphone.
Ngayon ko lang ito nakita na may ganyang kamahal siyang bagay.

"Girl, hindi ko keri bumili nang ganito, kay Fabio baby boy 'to. May ipapakita ako
sayo." sabi niya ay kinakikot na ang cellphone.
Sumisinghot ako habang hinihintay siya sa pagmamanepula ng cellphone. Ramdam ko rin
ang pamumula nang aking mga mata kahit hindi ko iyon nakikita. Lumaki na ang mata
ni Farah habang may kong anong tinigtignan sa cellphone ni Fabio baby boy niya.

"Ito," sabay pakita niya sa akin ng cellphone.

Kinuha ko iyon sa kanyang kamay at tinignan ng maiigi ang mga larawan. Larawan iyon
ni Rihav kasama ang isang bata at dyessie sa isang hospital. Nakahiga ang mestisang
batang babae sa katawan ni Rihav, nasa tingin ko ay kasing tanda lang din ng
kambal. Si Dyessie naman ay nakaupo sa gilid ni Rihav at nakapalupot ang kanyang
braso sa katawan ni Rihav.

Kirot sa puso ulit ang aking naramdam. Ang kaninang sakit ngayon dumuble na nang
makita ko ang larawang pinakita ni Farah.

Ito ang rason kong bakit siya nagmamadali kanina. May nangyari siguro sa anak nila
ni Dyessie kaya gan'on nalang ang pag-aalala niya. Sino ba namang ama ang hindi
mag-aalala kapag may nangyaring masama sa anak niya?

"Sige girl, iyak ka ulit." Sabi pa ni Farah sa akin.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa ang aking mga luha at kusa na silang tumulo mula
sa akin mata. Hinila ako ni Farah at muling niyakap ng mahigpit.

Sinampal na ako nang katutuhanan na hindi na ako mahal ni Rihav, na hindi na


mababalik ang kong ano ang mayroon kami dati. Ang nais niya lang ay saktan ako,
iyon ang parati niyang pinaparamdama sa akin...
"Sige girl push mo 'yan. Pinakita ko sayo ang larawan para hindi kana magpaka-gaga
sa Rihav na 'yon. Kahit labag sa loob ko ginawa ko parin para matauhan ka, matauhan
ka na kahit anong pilit mo hindi na pwedeng maging kayo dahil may pamilya na siya.
I'm just here girl, just cry. Ilabas mo lahat ng 'yan." Mahinahon na sabi ni Farah.

Iyon ang totoo...

"Paano ang kambal ko? Paano naman sila?" umiiyak kong sabi.

Humiwalay si Farah sa pagkakayakap sa akin, bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa


sinabi ko. Bumuka ang kanyang mata maging ang kanyang bibig.

"M-May anak kayo ni S-sir Rihav?" hindi siya makapaniwala.

Kagat labi akong Dahan dahang tumango.

Mas umuwang pa ang kanyang bibig, "Gago ka, Fay. Ang mga anak mo ang kawawa dito."

"Iyon nga inaalala ko," malungkot na ani ko.

Mariin akong tinitigan ni Farah, "Ipapakila mo ba sila kay Sir Rihav?"


Umiling kaagad ako, "Hindi, hindi na. Ayaw ko nang maka-abala pa sa kanila, ayaw ko
nang mawasak pa ang pamilya nila. Papalakihin ko nalang ang kambal ng mag-isa."

Kakayanin ko, kahit ako ang magiging ina at ama nila. Nandiyan pa naman si Amer
kahit papaano, alam kong hindi niya ako iiwan kahit kailan. Tatawagin ko na siyang
Amera kong iiwan niya ako. Mawala lang lahat sa akin huwag lang ang kambal ko at si
Amer.

Malungkot na nagpakawala nang hininga si Farah, kahit puno nang make up ang kanyang
mata nakikita ko parin ang nangingilihid na luha doon.

"Now, your goal is to avoid Rihav kong babalik pa siya dito sa Isla Fera. Kailangan
mo ring ilayo ang anak mo sa kanya, makapangyarihan ang mga iyon. Sa oras na
mahalaman niya ay pwedeng pwede niyang kunin sayo ang kambal mo, Fay." Natigil ako
sa sinabi ni Farah, "Chill, nasa side mo si Semon. Dinig ko kay Fabio may security
agency sila, kebs lang 'yan girl. Nandito ako, sama ako sa takas niyo para
makatakas din ako sa mga utang ng tatay ko." sabay kindat niya sa akin.

Ako naman ngayon ang yumakap kay Farah. Nakapikit ako habang yakap siya nang
mahigpit. Hulog ng langit si Farah, kahit malayo ako sa pamilya ko, mayroon isang
taong binigay ang panginoon para may masandigan ako sa oras na kailangan ko nang
isang tao uunawa sa sitwasyon ko.

"Salamat, Farah."

Dinig ko ang pagtawa niya, "You're welcome, let's go na may work pa tayo. Hindi pa
kami tapos ni Baby boy sa ginawa namin." Aniya at hinila na ako papalabas ng
cubicle.
Bago kami tuluyang lumabas ng CR ay kanya kanya muna kaming ayos ng aming sarili.
May kong anong anong jokes na sinasabi si Farah habang nag-aayos kami, para siguro
kahit papaano makakalimutan ko ang nararamdaman ko ngayon. Nagtagumpay naman siyang
pangitiin ako dahil sa mga green jokes niya tungkol sa kanya at kay babay Fabio
niya daw. Matapos n'on ay bumalik narin kami sa loob ng club at doon ko nalang
ginugol ang aking oras at sarili sa pagtatrabaho. Kailangan kong kumita para sa mga
anak ko.

******

Let's be Fwends:

Twitter: 3rithrea

FB: Erithrea Wp

IG: Threyaaaaa

Kabanata 11

Kabanata 11

Lumipas ang dalawang linggo na puspus ako sa trabaho at hindi ko namalayan na


papalapit na ang kaarawan ng kambal. June 1, isang linggo nalang ay kaarawan na
nila. Kay bilis ng oras, papalayo nang papalayo ang araw na hindi kami nagkikita ay
mas lalo kong silang na mimiss. Mabuti nalang sa cellphone na hiniram ni Farah kay
Fabio ay nakikita ko ang mga anak ko doon. Video call daw ang tawag doon sabi ni
Farah, nong nakita ko sila mas lalo silang namiss. Gusto ko silang yakapin ng
mahigpit at halikan sa mga pinsinge nila.

Ready naman na ang pera ko para sa kaarawan nila, sa tulong ng tip sa akin ng ibang
customer at sa sahod ko sa unang kalahating buwan ko dito sa club, masasabi kong
kasya na ang pera ko para sa pang-arcade nila.
Sabado ngayon at bukas ay wala akong pasok. Ang sabi ni Ma'am Tessa noong unang
araw ko dito sa club tuwing unang linggo lang daw sina Sir Haiden dito kasama ang
kanyang mga kaibigan. Ngayon, isang linggo nalang magpapalit na ang buwan hanggang
ngayon narito sila gabi-gabi. Hindi naman ako nagrereklamo na narito sila, ang
akala ko lang kasi ay madami silang trabaho.

"Tara na, pahinga na natin bukas, Yehey!" parang batang usal ni Farah.

Araw araw na akong sinusundo ni Farah sa silid ko tuwing may pasok kaming dalawa.
Tinanong ko nga siya kong hindi ba siya nagsasawa, ang sagot niya naman sakin, ang
mga lalaki lang daw ang mabilis mag-sawa at hindi siya. Hindi ko mapigilan ang
sarili ko hindi matawa kay Farah at sa mga linyahan niya.

Mas lalo na din naming na kilala ang isa't isa dahil minsan doon siya nakitulog sa
silid ko. Kung wala siyang magawa, nilalagyan niya ako nang kolorete sa mukha.
Nanibago nga ako noong unang paglagay niya sa akin ng mga kung ano ano sa mukha.
Noong una natakot ako pero madami siyang pinayo sa akin tungkol sa skin care at iba
pa para daw mapanatili ang magandang kutis.

Ngayon ito, sinusubukan kong sanayin ang sarili ko na maglagay ng kaunting make-up
sa mukha ko. Pulbo, lip tint, mascara, at kaunting blush ang nilagay ni Farah sa
akin tuwing may pasok kami. Hindi na niya ako nilalagyan ng kulay sa kilay dahil
daw makapal na ang buhok ng kilay ko, ayos daw kong iyon lang. Wala naman akong
reklamo, nasa kamay naman ako ni Farah, malaki ang tiwala ko sa kanya.

"Oo nga pala, hindi ako matutulog mamaya sa room mo. Aalis ako bukas ng maaga, uuwi
ako sa amin babalik naman ako sa Tuesday, bali absent ako sa Monday." Papasok na
kami sa club ng sabihin niya iyon.

Ngumiti ako, "Ayos lang, mag-ingat ka ha." Sabi ko.


Ngumiti din lang siya at nag-flying kiss bago pumunta sa mga kasamahan niya. Ako
naman ay dumeritso na rin sa trabaho ko. Madami dami ang tao ngayon dahil walang
trabaho at walang pasok. Madaming estudyante din ang tumatambay dito tuwing gabi,
ang iba nagugulat nalang ako nasa gilid na at nakikipaghalikan. Wala naman akong
pake hindi ko naman buhay 'yon.

Sinimulan na naming kumilos lahat, dumadami dami ang tao ngayon sa club. Palagi
namang madami ang tao dito pero ngayon mas lalong dumami. Wala akong ideya sa mga
nangyayari sa club na ito, hindi naman ako nakiki-usyuso sa mga tauhan lalo na sa
mga kapwa ko mangagawa.

Hindi ko nalang pinansin ang pagdami nang tao. Sanay narin naman ako, kaya ayos
lang tuwing may mga bumubungo sa akin. Sa dami nang tao at ang iba ay walang pake
sa buhay ang importante ay masaya sila habang sumasayaw malabong hindi
magkakabanggaan. Kinuha ko na llang ang tray at binigay sa mga customer. Simula
noong nakaraang linggo ako na ang tagahatid ng mga alak nina Sir Haiden, hindi
naman ako pwedeng tumanggi dahil siya ang may-ari.

Ngayon hawak hawak ko ang tray nila. Medyo mabigat ngayon dahil tatlong bucket ang
naroroon, sa dami nga minsan iniisip ko kong pinapatay ba talaga nila ang atay
nila. Araw-araw din silang narito para uminom ng alak, sinusuway ko nga si Sean
tuwing magkikita kami. Pero matigas din ang ulo, laklak parin ng laklak ng alak.

"Here's our drink!" napatingin ako sa table nina Sir Haiden, si Sir Haiden din
iyong sumigaw. Ngayon madami-dami pala sila, may mga pamilyar ba mukha sa akin at
mayroon ding mga bago.

Nakangiting lumapit ako sa kanila at nilagay ang mga backet sa table nila. Hindi
sinadya nang mata ko na mahagip ang mata ni Rihav na nakatingin sa akin. Nakasandal
siya sa upuan habang nakahalukipkip ang mga kamay nito. Bumalik ang sakit na
nararamdam noong mga nakaraang linggo, umiba ang timpla nang mukha ko. Umiwas ako
nang tingin at pilit na ngumiti kay Sir Haiden bago ako lumisan sa mesa nila.

Simula nang naglapat ang mata namin ay hindi na ako makapag-concentrate sa ginagawa
ko, ramdam ko kasi na may sumusulyap sa bawat galaw ko sa loob ng club. Ramdam ko
ang pag-init ng aking katawan at pagiging pawisan ng aking mga kamay. Nagmadali ako
sa pagkuha nang order maging sa paglapag ay ganon din. May nababangga pa akong
kapwa ko waitress dahil sa pagmamdali ko.

"Ay! Sorry po, Sir." Iyon nalang ang nasabi ko nang may mabangga ulit akong lalaki.

Nataranta ako dahil nabasa talaga siya nang dala kong bucket. Agad kong pinunasan
ang kanyang damit gamit ang aking towel dahil ang laman ng bucket na puno nang ice
ay napunta doon sa mamahalin niyang kasuotan. Dinig ko ang pagtigil niya sakin, ako
naman ay hingi nang hingi nang tawad. Nakaramdam din ako nang takot baka masesante
ako ni Sir Haiden. Natigil nalang ako sa kakapunas sa kanya dahil hinawakan niya na
ang aking kamay, napatingala naman ako sa kanya.

"It's okay, nabangga din naman kita." tunog lalaki niyang sabi.

"Sorry po talaga Sir," yumuko pa ako bilang respeto, kaba ang bumabalot sa sistema
ko.

"Accep—"

Naputol ang sasabihin ng lalaki dahil may humigit na sa akin galing sa likod.
Nagulat ako sa paghigit na iyon kaya napasigawa ako. Mabuti na nga lang ay magulo
at maingay itong club kaya hindi ako masyadong narinig ng iba.

Ramdam ko ang pagpulupot ng kamay sa akin. Dinungaw ko ang kamay na iyon, alam ko
kaagad kong kay sinong kamay iyon, sa nakita kong tattoo niya sa bandang ring
finger kilalang kilala ko. Pasimple ko iyong hinawi pero mas lalo niyang hinigpitan
ang pagkakahawak doon. Ano na naman ang plano mo Rihav!
"Alas!" Dinig kong tawag ni Rihav sa lalaki, "Akala ko sa Haven ang tugtog mo
ngayon?" pakunwaring tanong niya pa.

Sinagot naman siya nang lalaki ngunit hindi ko narinig at binalewala iyon dahil
inabala ko ang aking sarili na mawala sa higpit na hawak ni Rihav. Kinukurot-kurot
ko rin iyon ngunit hindi talaga siya matinag-tinag. Hinayaan ko na lang muna na
makapagtapos sila nang kanilang pag-uusap para mabigwasan ko itong si Rihav.

Dalawang linggo siyang walang paramdam, tapos sakit lang ang iniwan niya sa akin
bago siya umalis tapos ngayon may pahawak hawak siya sa beywang ko? Kung wala ang
mga tao sa paligid namin baka kanina ko pa siya nasigawan dahil sag alit ko sa
kanya.

"Sure, Rihav. I need to go, my band mates waiting for me sa Haven. Sadya ko lang
talaga si Haiden, cousin thing." Ani nang lalaki sabay kibit balikat.

May kung ano silang ginawa ni Rihav bago lumisan ang lalaki sa pwesto namin. Doon
na ako buong pwersa na kunin ang kamay ni Rihav sa beywang ko. Akmang tatalikuran
ko na siya nang muli niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ano ba?! Umalis kana!" sigaw ko, wala na akong pake kong may makakarinig sa akin.

"Bakit kayo magkahawak kamay ni Alas?" nanliliit ang mata niyang tanong sa akin.

Agad ko naman siyang inirapan at kinuha ang kamay ko, "Wala kang pake!" sabay
talikod ko.
Naka-ilang hakbang palang ang nagawa ko nang naramdaman ko ang pag-angat ng katawan
ko. Nilagay ako ni Rihav sa kanyang balikat na parang sakong bigas.

"Rihav, ano ba?! Ibaba mo 'ko!" hinahampas hampas ko na ang kanyang likod dahil sa
inis sa kanya.

Umalis kami sa loob ng bar at dinala niya ako sa pribatong parking area nila.
Bumalik ang memorya ko noong tinangka kong makatakas sa kanya sa pamamagitan ng
pagtalon sa sasakyan niya. Ngayon, ayaw ko na dumating pa ulit sa puntong iyon.
Ayaw ko nang sumakit ang katawan ko dahil sa kanya, masakit na nga ang puso ko.
Huwag naman niyang lahatin.

Inilapag na ako ni Rihav at doon ko na siya pinaulanan ng suntok sa dibdib.


Umabante siya nang umabante sa akin at ako naman ay atras ng atras hanggang sa
naramdaman ko na ang likod ko sa kanyang sasakyan. Hindi parin ako tumitigil sa
pagsapak sa kanya hangga't hindi niya mararamdan ang sakit na nararamdaman ko
ngayon.

"Walang hiya ka Rihav! Walang hiya ka!" sunod sunod kong bulyaw, pinapakita ko sa
kanya kong gaano ako kagalit.

"What did I do, angel?" tsaka niya hinaplos ang buhok ko, ngunit hinahayaan niya
parin akong sapak-sapakin siya.

Parang mas lalong uminit ang galit ko sa kanya nang tinawag niya akong ganon.
Ngayon tinatawag na niya ako Angel ha! Iyon ang nakasanayan kong tawagin niya sa
akin dati eh! Iyon ang parang musiko sa tainga ko kapag tinatawag niya akong ganon,
pero ngayon galit. Galit ang nararamdaman ko sa kanya.
"Huwag mo na akong matawag tawag na Angel! Umalis kana Rihav, huwag na huwag ka
nang magpakita sa akin! Doon kana sa pamilya mo, huwag mo nang guluhin ang buhay
ko. Tama na, masakit na." huminto ako sa pagkakasapak sa kanya at intinakip ang
aking kamay sa akin mukha, doon ko kaagad binuhos ang aking luha.

Ang sabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak, lalo na sa harap ni Rihav.
Sa galit at inis ko sa kanya hindi ko kayang pigilang umiyak dahil sa frustration
na binigay sa akin. Ayos na ang buhay ko, maligaya na ko sa dalawa pero simula
noong bumalik siya sa buhay ko bumalik na naman pagkakaiyakin ko.

"Maayos na ang lahat Rihav, masaya na ako sa buhay ko. Hindi na ako iyakin tulad ng
dati pero ngayon bumalik! Bumalik dahil sayo! Wala kang ginawang mabuti sa akin
kundi bigyan ako nang sakit sa puso ko! Alam ko namang mahal mo ang pamilya mo,
bakit ka pa nandito? Anong gusto mo? Aminin ko sayo na may relasyon kami ni Amer?!"
sigaw ko at huminto para huminga, "Oo na kong 'yan ang pinapaniwalaan mo! Oo na
Rihav! Ano ayos na? Umalis kana!" tinulak ko siya nang buong lakas.

Nagpatianod siya sa tulak ko, inialis ko ang luha sa akin pisngi at hinarap siya.

"Huwag kanang magpaki—" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla niyang akong
siniil ng halik.

Noong una ay masakit ang halik niya pero hinalaunan ay naging masuyo ito. Hindi ako
tumugon sa kanyang halik at sinubukang kumuwala sa paglapat ng labi namin. Ang
pagkakahawak niya sa aking pisngi ay naging masuyo rin, pinagdikit niya ang aming
noo bago pinatakan ng halik ang aking ilong.

"I don't want to leave, Fay. Sorry, nagmamadali lang talaga ako noong araw na iyon
dahil na-aksidente si Dion. Sorry din dahil tumaas ang boses ko..." Malumanay na
aniya.
"Anak mo?" tanong ko, hindi siya sumagot at tumitingin lamang sa akin.

"Give me, three or two days, Fay." Pang-iiba niya nang usapan namin. "Gagawin ko
lahat para mapatawad mo 'ko. I don't want to lose you again. Hindi ko na kaya sa
pangalawang pagkakataon na mawala ka sa piling ko, Fay." Pagsusumamo niyang sabi.

Dahan dahan niyang nilayo ang aming mukha at niyakap ako nang mahigpit. Desidido na
ako sa disisyon ko na malayo sa kanya, kong ayaw niyang lumayo ako ang babalik sa
La Meyanda. Kahit bumalik ako sa pagiging labandera ay kakayanin ko basta malayo
lang ako sa kanya.

Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa magkabilaang beywang niya para mailayo ko ang
aking sarili. Hindi ko paman siya naitulay ng na naitulak ko hinigpitan niya ang
pagkakayakap sa akin bago bumulong sa aking tenga.

"Hindi na kita ikukulong sa palad ko, Fay. Malaya mo nang gawin lahat ng gusto mo,
hindi na ako makikialam sa mga plano mo, hindi na ako palagi ang masusunod basta
huwag mo lang akong iwan. Hindi na ako babalik sa Manila, dito na ako kong dito ka.
Ayaw ko nang magkalayo tayong dalawa. I will not be a hindrance in your own
happiness, Angel. Just don't leave me..." binaon niya ang kanyang mukha sa aking
balikat.

Humihikbing bumuntong hininga ako. Ang mga luha ko ay dumadaloy parin sa aking
pisngi. Hindi na talaga kami pwede ni Rihav, ayaw kong mawalan ng ama si Dion.
Hindi ko sisirain ang masaya nilang pamilya. Kong ano man ang namamagitan sa amin
ni Rihav ay ibabaon na dapat iyon sa nakaraan.

Doon siya sasaya sa piling ni Dion at ni Dyessie...

"K-kahit anong gawin mo Rihav h-hindi na m-magbabago ang isip ko. Hindi na p-
pwedeng m-mabalik ang nakaraan dahil nakaraan na iyon, sa lahat ng s-sakit na p-
pinadama mo sa akin. W-wala na ang p-pagmamahal, napalitan na iyon ng sakit. Hindi
na kita mahal..." pinikit ko ang aking mata habang binibigkas ang huling mga
katagang iyon.

Kasinungalingan...

Pero kailangang sabihin para sa kanyang kanya namin buhay. Mahal na mahal ko si
Rihav, ngunit hindi ko aaminin iyon. Ayaw ko na nang panibagong sakit sa buhay.

"I can change that, Angel. Please gave me a second chance. Gagawin ko lahat para
mahalin mo ulit ako." buong pagsusumo niyang sabi.

May kong anong basa akong naramdaman sa aking balikat, Si Rihav umiiyak? Kahit na
umiyak siya, hindi ako matitinag sa desisyon ko. Ako naman muna, sarili ko naman.

Agad akong umiling, "Hindi, Rihav. Umalis kana, hindi na kita mahal. Huwag mo nang
pagpilitan ang sarili mo sa akin. Umuwi ka na nang manila, ayaw na kitang makita
pa." doon ko na siya tinulak.

Nagtagumpay ako sa pagtulak ko sa kanya. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko sa


aking mata habang tumatakbo ako papaalis doon. Dinala ako nang aking paa sa likod
ng building, sa medyo liblib at tagong parte ako pumaroon. Umupo at niyakap ang
aking mga tuhod, muli akong mahina at patagong umiyak.

Hindi na tayo pwede Rihav, baka sa susunod na buhay ay doon na tayo pwede.

"Fayre," dinig kong may tumawag sa akin.


Umangat ang aking mukha at naaninag ko ang tumawag sa akin. Kaagad akong tumayo sa
pagkakaupo, tumakbo ako at mahigpit na niyakap si Sean. Ramdam ko ang haplos niya
sa aking likod at buhok. Dinig ko ang malambing na pagpapatahan niya sa akin.
Ngunit wala parin akong humpay sa pag-iyak.

"Shhh, tahan na...hmm..."

"B-bakit gan'on si R-Rihav? B-Bakit niya ako p-parating s-sinasaktan?" tanong ko


habang humihikbi sa bisig niya.

"Hindi naman gan'on si Rihav, Fay. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, alam kong
mahal ka niya. Hindi iyon babalik dito kapag si Dion na ang usapan, pero anong
ginawa niya? Bumalik siya dito, at alam ko ikaw ang rason n'on."

"H-hindi S-Sean, gusto niya lang talagang p-patunayan sa akin na n-nagtaksil ako sa
kanya dati para ipagmukha sa akin na m-malandi akong b-babae."

Hinawakan ni Sean ang aking mukha at hinarap sa kanya, "Hindi ako sang-ayon sa
iniisip mo, Fay. I'm on your side, but you should need to listen to him. I know he
had a valid reason why he broke your heart that time. If you aren't ready, it's up
to you. Kung gusto mo munang pahupain ang sakit at galit mo, take your time. I'm
always here for you and for your twins."

Tumango ako sa kanyang sinabi. May Farah at Sean na nasa tabi ko sa oras na feeling
ko down na down ako. Laking papasalamat ko na nakilala ko silang dalawa...
"Thank you, Sean."

"You're always welcome my friend." Aniya at tinampian ng munting halik ang aking
ulo.

Kabanata 12

Kabanata 12

Kinabukas nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Hindi ko mamulat mulat
ang aking mga mata dahil sa pagod ko sa pag-iyak. Feeling ko ang bigat ng katawan
ko, masakit ang aking ulo dahil sa kakaiyak kagabi. Sinisipon din ako ngayon,
pakiramdam ko talaga na magkakaroon ako nang sakit. Inabot ko iyon habang pikit na
pikit parin ang aking mga mata. Limang tao lang inaasan kong tatawag sa akin, wala
naman na akong binibigyan ng numero ko kundi sila lang.

Hindi ko na tinignan kong sino ang tumatawag sa akin at basta bastang sinagot ko na
iyon ng makuha ko ang cellphone.

"Hello," sabi ko gamit ang pang-umagang boses ko.

"Nanay, magandang umaga!" sabay ng kambal sa kabilang linya.

Napamulat ako dahil sa bating iyon galing sa kanila. Umupo ako sa pagkakahiga at
kinusot ang aking mga mata. Kahit papaano gumaan ang aking pakiramdam ng marinig ko
ang kanilang boses kahit sa cellphone man lang. Miss na miss ko na sila, ilang
linggo na kaming hindi nagkikita pero pakiramdam ko taon na ang lumipas.
"Magandang umaga mga anak ko," masiglang kong bati sa kanila.

Dinig ko ang paghikgikan ng dalawa bago ko narinig ang boses ni Hera,"Nanay,


nandito kami sa La Fe—," Naputol ang sasabihin ni Hera, hindi ko alam kong ano na
ang nangyayari sa kabilang linya. "Kahit kailan iyang bibig mo Hera walang preno
preno." Dinig kong suway ng bakla sa aking anak.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Hera. "Ano ang nangyayari diyan?" tanong ko ngunit
walang sumagot at kaagad na naputol ang tawag.

Ang baklang iyon malalaman ko lang talaga na kong ano ang ginagawa niya sa dalawa
malalagot talaga siya sa akin. Napabuntong hininga ako at inisip kong ano ang
sasabihin ni Hera sa akin. Hinarap kong muli ang aking cellphone at tinawag si
Amer, uminit ang aking ulo nang wala na akong load pampatawag sa kanila. Binalik ko
nalang ang aking sarili sa pagkakahiga at tumingin sa kulay puting ceiling.

Inilagay ko ang aking cellphone sa aking tyan para hintayin ang tawag mula kay
Amer. Ngunit nakaramdam na ulit ako nang antok wala parin akong natatanggap na
tawag mula sa kanya. Dinalaw muli ako nang antok at hinayaan ang sarili na pumikit
ang mga mata hanggang sa tuluyan ng natulog.

SUNOD SUNOD na pagkatok ang narinig ko mula sa pinto nang aking silid kaya
napamulat ako mula sa pagkakatulog. Kinuskos ko ang aking dalawang kamay sa aking
mga mata at humikab bago tuluyang tumayo para makalapit sa pintuan. Buka na ang mga
mata ko nang pihitin ko ang seradula para bumukas.

Bumungad sa akin si Sean na malapad na nakangiti. Sumalubong ang aking dalawang


kilay dahil sa kanyang mga ngiti. Binati niya ako bago siya nakapasok sa loob ng
aking silid. Hinayaan ko na muna siya, bumalik ako sa aking kama at umupo doon para
magmuni-muni saglit. Hinarap ko rin ang bigay na orasan ni Farah sa akin, 11 pm na
pala.
Hindi man lang ako nakaramdam na gutom o ano. Ang alam ko lang ngayon ay pagod
parin ang aking sarili at masakit ang aking ulo. Sinisipon din ako dahil sa pag-
iiyak kagabi, kung wala si Sean kagabi baka natulog na akong naka-uniporme at
hayaan ang sarili na mapagod nalang sa kakaiyak. Nilalayaan lang naman ako ni Sean
kagabi at pilit na binabihis para makatulog, ayon ginawa ko naman dahil mukhang
wala siyang balak na tantanan ako kagabi.

"Get ready na," dinig kong sabi ni Sean.

Tumingin ako sa kanya, "Wala akong lakad ngayon, wala din akong trabaho."
Pagmamatama ko.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at tumabi sa akin bago niya ako inakbayan, "I
have an idea how to limot Rihav," sabi niya at nagwink pa!

Inikot ko ang aking mata dahil sa LIMOT na sinabi niya. Kumibit balikat ako, well
wala namang mawawala sa akin kong susubukan ko ang ideya ni Sean. Mas mabuti nga
iyong makalimutan ko si Rihav para maging ayos na ako, maging ayos na ang buhay ko.

"Paano?" kuryoso kong tanong.

"Get ready na kasi dami mo pang tanong," sabay kamot nito sa kanyang batok.

Sinamaan ko siya nang tingin bago dinukduk ko sa kanyang dibdib ang hawak kong
unan. Kita ko ang pagdaing niya, ang arte! Hindi naman masakit!
Tumayo na ako at lumayo sa kanya. Sinunod ko naman ang sinabi niyang mag-ayos ako.
Naghanap muna ako nang damit na masusuot bago ako pumasok sa CR, lahat ng reserbang
damit sa CR ko ay pambahay kaya kailangan kong magdala ngayon dahil aalis kami.
Alangan namang sa harap pa ako ni Rihav magbihis diba? Ampangit naman n'on.

Nagsimula nang dumaus-os ang tubig sa akin katawan, doon ko binuhos ang aking oras
sa pagliligo. Ilang minuto din ang inilaan ko sa pagpapaligo ay natapos narin ako,
nagbihis ako nang aking damit at inayos ng kaunti ang aking sarili. Sinusuklayan ko
ang mahabang buhok ko sa harap ng salamin, hindi na ako naglagay pa nang kahit ano
sa aking mukha dahil para lang iyon sa pagtatrabaho ko. Para mukha naman akong
kaaya-aya sa pagharap sa mga customer.

"You ready?" tanong kaagad ni Sean pagkalabas ko nang CR.

Umirap ako, "Do I look like ready?" pag-eenglish ko pa habang tinuturo ang aking
sarili, sarkasmo.

Dinig ko ang pagtawa niya. Ang lalaking ito talaga ang aga mambwisit. Alam naman
niyang hindi maayos ang mga dinadamdam ko nitong mga nakaraang araw tapos ngayon
iniinis pa ako lalo.

"English yarn?" taas kilay niyang sambit.

"Guess," sabay ngisi ko.

Hinayaan ko na siya sa kanyang mga sinabi at inabala ko ang aking sarili sa pagsuot
ng aking sandal. Hindi naman talaga ito akin, bigay lang din ni Farah kasama noong
sapatos. Hanggang ngayon hindi niya parin sa akin sinabi kong sino ang nagbibigay
sa akin nito. Kung pera niya talaga ang pinangbili niya dito kailangan ko siyang
bayaran, hindi na madaling makahanap ng pera sa panahon ngayon kaya babayaran ko
talaga siya sa susunod na sahod ko.

"Ayos na ba ang suot ko?" tanong ko kay Sean.

Nakasuot ako nang isang kulay white na dress, bigay ni Zavia sa akin. Madami siyang
binigay sa akin na mga damit niya na hindi na niya ginagamit, maging si Zoe ay may
binigya din sa akin. Ngunit itong dress lang ang nadala ko dahil hindi naman
pumasok sa isip ko na gumala-gala dito sa La Fera Dos.

Isang kulay puting sandals naman ang ipinare ko sa talampakan na binigay ni din
Farah. Mabuti nalang itong nakasabit sa balikat ko na shoulder bag ay nabili ko sa
La Fera Uno noon. Kahit papaano may nabili naman ako sa mga kasuotan ko ngayon.

Tumingin ako kay Sean at hinihintay ang kanyang sasabihin. Ang nakasabit kong
shoulder bag ay binato ko sa kanya. Ang akala ko nakatingin sa akin iyon pala busy
sa kanyang cellphone. Hindi niya nakita ang pagbato ko kaya tumama iyon sa
cellphone niya, nalalaglag ito at madali niyang pinulot.

"Ito naman, sandali lang kasi." Sabay tingin niya sa cellphone'ng nalaglag.
Tumingin na siya sa akin bago niya macheck kong gumagana ba o wala, "You looked
good, magaling akong pumili nang sandals para sayo." ngumiti siya.

Kumunot ang nook o at mariin siyang tinitigan, "Si Farah ang nagbigay nito!" bulyaw
ko.

"Si Farah ang nagbigay pero ako bumili nang sapatos at sandals mo, bagay sayo."
aniya nakatingin sa aking paa.
Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata, "Ikaw din ang bumili nang sapatos na
gustong gusto ko? Ikaw lang din nakakaalam n'on bakit hindi ko man lang naiisip."
Kinagat ko ang aking bibig.

"Kasi si Rihav ang laman ng isip mo." Sabi niya.

Parang may lumabas na usok sa aking mga ilong sa inis kay Sean. Tumakbo ako
papalapit sa kanya at nilagay ko ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg. May
katangkaran siya kaya kailangan ko talagang tumalon nang bongga para maabot ang
kanyang leeg.

"Iniinis mo talaga ako!" giit ko.

"Woah! Easy lang!" kinuha niya ang nakapulapot kong mga kamay sa kanyang leeg at
binababa ako sa kanya. "Wala ba ang thank you diyan? Isang thank you mo, I will not
mention his name again."

Sumimangot ako at sinamaan siya nang tingin. "Edi, Thank you." sabi ko.

"You doesn't look like sincere, Fayre." Kinamot niya ang kanyang makakapal na
kilay.

Platick akong ngumiti, "Thank you, Semon." Diin ko sa pangalang pinipilit niya.
Sumilay ang ngiti sa labi niya at hinigit na ako papalabas ng aking silid. Wala
akong ka-ideya-ideya kong saan kami pupunta, basta sinunod ko lang ang sabi niya na
mag-ayos ako, may tiwala naman ako kay Sean. Nasa loob ng elevator na kami nang
higitin ko sa kanya ang shoulder bag ko nahawak hawak niya. Hindi naman niya ako
pinansin at hinintay nalang na mapunta kami sa ground floor.

Sabay kaming dalawa na lumabas, walang mga girls ngayon sa labas dahil pahinga day
ngayon. Bubukas naman mamaya ang club pero ibang empleyado na ang naatas doon,
salit salit lang ang off. Sila ay Saturday off kami naman ay Sunday, walang close
day talaga ang Highden.

Nasa parking area na kami, tahimik lang ako habang nasa daan. Si Sean naman ay may
pasulpot-sulpot na tumatawag sa kanya, hindi naman ako nakikinig dahil personal na
buhay na niya iyon. Tinuon ko nalang ang aking pansin sa labas ng bintana hanggang
sa namataan ng mga mata 'ko ang sikat na mall dito sa La Fera Dos. RMall.

Pumasok ang sasakyan ni Sean sa loob ng parking area nito. Ipinara niya na din nang
nasa tamang posisyon na. Nauna siyang lumabas sa kanyang sasakay, umikot siya
papunta sa gawi ko at binuksan ang sasakyan. Kunot noo ang mga mata ko, nagtataka
din ako kong bakit niya ako dito dinala.

Salubong ang aking kilay na lumabas ng kanyang sasakyan. Humalikipkip ako at


tumingin sa kanya, bakas parin sa mukha ko ang pagtataka.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko habang naglalakad na kami papasok sa loob ng
Mall.

Hindi ako pinansin ni Sean at lakad lang siya nang lakad habang ang mga kamay nito
ay nasa kanyang bulsa. Ilang ulit ko siyang tinanong kong anong gagawin namin dito
ngunit wala, deadma ako ni Sean. Napapadyak ako na parang bata dahil sa mga inaasta
ni Sean. Ngumuso ako at sumunod nalang sa kanyang likod, wala na akong magagawa.
"Nanay!" natigil ako sa paglalakad dahil sa pamilyar na boses na iyon.

Nilingon ko kong saan nanggagaling ang boses at napasinghap ako nang makita si Hera
na kasama si Hacov. Kaagad na tumakbo ang dalawa papunta sa akin, lumuhod naman ako
para mayakap sila. Nasa bisig ko na sila dalawa, agad kong niyakap sila nang
mahigpit. Hinalikan ko sila sa kanilang mga pisngi at pinangigilan isa isa.

Cute na cute si Hera sa kanyang suot na kulay dilaw na dress, nakalugay lang ang
kanyang kulot na buhok at may clip na bulaklak na ginawang pang harang sa kanyang
buhon. Umalis ako nang La Meyanda nang walang ganitong damit si Hera, maging ang
clip sa kanyang buhok. Sa tingin ko binihis-bihisan na naman siya nang bakla sa
bahay kaya hindi nila ako matawag-tawagan man lang. Maging sa Hacov ay gwapong
gwapo sa kanyang putting polo at denim na pants.

"Nanay, miss ko ikaw." Malambing na ani Hera.

Muli ko siyang niyakap, "Miss ka rin ni Nanay, Hera." Lumingon lingon ako sa
paligid bago ko hiniwalay ang pagkakayap sa aking anak. "Sino ang kasama niyong
pumunta dito? Diba sabi ko sa birthday niyo lang kayo pupunta dito?" sabay ng
pagtayo ko.

Luminga-linga si Hera at Hacov na parang may hinahanap. Nang makita ay nakita ko


din kong sino ang kasama nila, walang iba kundi ang bakla at ang dalawang Madreal
na nakatayo sa gilid na pawang nagtago.

Ready na ang peace sign ng bakla nang magtagpo ang aming mga mata. Pumikit ako nang
mariin at huminga nang malalim bago ulit minulat. Papalapit na ang tatlo sa gawi
namin ng kambal, maging ang dalawang Madreal ay nakapeace sign nadin.
Ano na naman itong kalukuhan na ito?

"Sorry na, Fay. Miss ka talaga nang dalawa, nagpupumilit na pumunta dito. Wala
naman kaming nagawa ng Madreal Twins kundi dalhin sila dito. Itong si Hera nga
umiyak pa nang umiyak, ayaw magpaawat. Iyak siya nang iyak—"

"Ninang Amera, hindi po ako u—"

Hindi napatuloy ni Hera ang kanyang sinabi dahil tinakpan niya ang bibig ni Hera.

Kaagad kong tinapik ang kamay niya sa bibig ng anak ko. Pinalupot ko ang dalawang
kamay niya sa aking hita. Akmang papagalitan ko si Amer ng kumislap ang kanyang mga
mata habang nakatingin sa likod ko.

"Omg, nagkita tayo ulit Semon. Ehe, mahal na ata kita." Malanding ani Amer sabay na
maarting hinawi ang imaginary hair niya.

Dinig ko ang pagtawa ni Semon bago niya niyakap ang dalawang kambal ni Madreal.
Ngayon lang pumasok sa isip ko na magkaibigan pala si Rihav at Sean, sympre
makikilala talaga ni Sean ang mga kapatid ni Rihav.

"Semon, long time no see. Medyo umayon ang plano natin." Si Zavia sabay high five
kay Sean, napatingin ako sa kanilang dalawa. "No worries, Fay. Umuwi na si Kuya
nang Manila, broken hearted 'yon kagabi. Naglaklak lang naman siya nang alak
kagabi, pero long lasting atay ni Kuya kaya ayon buhay na buhay padin." Sabi niya
at tumawa.

Hindi ko nalang sila pinansin at hinayaan na magkwentuhan. Hinirap ko nalang ang


dalawa na manghang mangha parin sa kanilang nakikita. Huling punta namin dito ay
hindi namin nalibot ang buong Mall dahil sa isang hindi inaasang pangyayari na
naganap dito sa mall na ito. Ngayon nararamdaman ko na mag-eenjoy talaga ang
kambal.

"Nanay, pwede po ba tayong kumain na muna? Nagugutom na kasi ako," Si Hacov habang
hawak ang kanyang tiyan.

"Amer! Hindi mo ba pinakain ang kambal bago kayo lumuwas dito?!" may kataasang
boses kong sabi.

Parang gusto kong kutusan ang bakla dahil titig na titig ito kay Sean at parang
wala lang akong sinabi. Nilapitan ko siya at ibinalik sa reyaledad gamit ang
pagtukod sa kanyang likod ng tuhod. Napatili siya na parang boses babae sa ginawa
ko at tinignan ako nang masama.

"Ang sabi ko napakain mo na ang kambal kanina bago kayo lumuwas dito?" pag-uulit
ko.

Umiba ang mukha niya. "Ay! Hindi pala, kasi natatakot ako baka magsuka sila sa
byahe. Sige na kain mo na tayo," aniya at tumingin kay Sean, "Tayo na mahal, kain
na tayo." Napairap ako sa pag-iinarte nang bakla.

"I'm taken, don't call me Mahal." Deretsahang sabi ni Sean na ikinahalakhak ko.

Ayan straight to the point 'yan. Walang mintis!

Napa-isip ako bigla, sino kaya?


Hindi naman siya nagsasabi sa aking tungkol sa love life niya, makichismis nga ako
sa kanya mamaya pagkabalik ng building. Curious lang ako.

Pumunta na kami sa isang sikat na fast food chain dahil iyon ang request ng kambal.
Minsan lang sila kong pumuntang La Fera Dos kaya hinayaan na namin sila na pumili
nang makakainan. Pumasok kami sa loob, habang papasok ang ibang mga kumakain ay
napapatingin sa amin. Sympre, sa damit ng kambal na Madreal malalaman mo talaga na
may kayamanan sila, plus pa itong si Sean na gwapong gwapo sa sarili niya.

Sa pinakagilid na parte kami kumain. Nagpresenta ang dalawang kambal at si Amer na


sila na daw ang bibili nang pagkain namin, wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na
muna.

"Ikaw ba si tatay?" dinig kong tanong ni Hera kay Sean sa gilid ko.

Bahagyang kinurot ni Sean ang pisngi ni Hera, "Nah, I'm not your tatay." Umiling si
Sean.

Ngumuso si Hera, "Nag-eenglish din kayo? Mayaman po kayo? Gan'on kasi ang mayaman
katulad ni Tata Zoe at Tata Zavia." Inosente nitong sabi kay Sean.

Tumawa si Sean sa kacute'an ni Hera. Hinawi niya ang buhok ni Hera na nakatakip sa
kanyang buhok at nilagay sa likod ng tenga nito.

"Cute mo naman," sabay pangigil nito kay Hera.


Ngumiti lang ang anak ko at nagsimula ulit na nagtanong. Nakalagay ang kanyang
dalawang kamay sa kanyang baba habang hinaharap si Sean, "Kilala mo po ba si
Tatay?" Natigilan si Sean at nawala ang kanyang ngiti dahil sa tanong ni Hera sa
kanya.

Napatingin siya sa akin. Umiling-iling ako sa kanya bilang tugon na huwag sabihin
kay Hera tungkol sa mga nalalaman niya. Kita ko ang pagbunting hininga niya bago
hinarap si Hera na naghihintay ng kanyang sagot. Aastang sasagot na sana si Sean ng
sumulpot naman sina Zoe at Zavia na may dalang tray na puno nang pagkain. Nakahinga
kami ni Sean habang nagtitinginan.

"Wow! Ang dami!" napatili si Hera sa nakitang pagkain.

Sabay sabay na kaming kumaing lahat. Bibong nagkukuwento si Hera tungkol sa mga
nangyari sa kanya sa La Meyanda habang wala ako doon. Mukhang tama nga ang inisip
ko kanina na ginagawang fashionista nitong ni Amer ang dalawa.

"Tapos Nanay, may binigay si Tata Zavia sa akin na gown! Ang ganda Nanay,
kumikinang. Sayang hindi namin nadala, sana nakita niyo." Sabay pagnguso niya.

Napangiti kaming lahat sa pagkukuwento ni Hera. Gamit ang kanyang daliri nilagay
niya iyon sa gravy saka niya nilagay sa kanyang bibig. Lumaki ang mata ni Hera sa
ginawang iyon at nilagyan ng kaunti ang kanyang kanin.

Hinayaan ko na ang kambal sa kanilang pagkain dahil marunong naman silang dalawang
kumain. Natapos an gaming pagkain, nagpahinga saglit bago tuluyang lumabas na nang
fast food chain.
Habang nasa labas na kami ay dinig kong binabati nang ibang empleyado ang dalawang
Madreal sa daan. Nagtaka ako noong una pero kinalaanunan ay hindi ko nalang
pinansin. Ngayon hawak hawak ko si Hera habang si Hacov naman ay nagpapabuhat kay
Sean. Nagtungo kami sa mga laruan habang ang kambal at sina Amer ay humiwalay,
pupunta daw silang Spa.

"Nanay, ito ang gusto ko po." Si Hera turo sa isang baby alive.

Tinignan ko ang presyo, halos lumuwa ang mata ko sa mahal nito.

"Sa birthday mo, bibilhin ko 'yan." Sabay ng pagbalik ko sa pasilyo nang laruang
napili niya.

"Yehey!" nagtatalon pa siya at nagpapalakpak sa kaligayahan.

Ngayon, dahil sa trabaho ko mabibili ko na ang gusto nila. Hindi na iyong


mababalitaan ko nalang na nakatingin sila sa kanilang kalaro na halos pandirihan
silang dalawa. Sa susunod pagbalik ko ay mabibili ko na ang laruang iyon para kay
Hera, sympre hindi mawawala ang cellphone na gusto ni Hacov.

Speaking of Hacov. Nilinga-linga ko ang paligid, nakita ko si Sean na natataranta


sa hindi kalayuan sa amin. Nasa gawi sila nang mga panlalaking laruan habang kami
naman ni Hera ay nasa pambabae. Binuhat ko si Hera na busy sa kakatingin ng laruan
at pumunta kay Sean.

"Sean, anong nagyayari sayo? bakit naman pinapawisan ka?"


Kagat labi siyang tumingin sa akin at hinawakan niya ang aking balikat, "Si Hacov,
hindi ko makita."

"Ano?!"

"Nandito lang talaga siya kanina. May inabot lang ako saglit dahil sabi niya 'yon
daw ang gusto niya tapos pagkalingon ko wala na siya..." nanunubig ang matang sabi
ni Sean, "Pasensya na, Fay. Hahanapin ko siya, dito ka lang baka dito siya
bumalik."

Umiling iling ako, "Sabay nating hanapin si Hacov, wala kang kasalanan. Nandito
lang siya kaya hanapin na natin."

'Di alintana ang bigat ni Hera ay hinanap namin si Hacov sa loob ng department
store. Nagrereklamo na din si Hera sa bisig ko dahil gusto na niya daw na maglaro
pero paano siya makakapaglaro kong hindi namin mahanap ang kambal niya. Kailangan
muna naming makita si Hacov, baka kong ano na ang mangyari sa anak ko.

Nilibot namin ni Sean ang buong gawing iyon. Nasa bandang gadget area na kami nang
department store nang makarinig ako nang pamilyar na boses, isang boses iyak iyon.
Sa likod palang niya kilalang kilala ko na ang anak ko na buhat buhat ng isang
lalaki na nakatalikod din habang umiiyak ito nang umiiyak. Ibinagay ko si Hera kay
Sean at nilapitan ko ang lalaki. Walang sabi sabi na kinuha ko si Hacov doon mula
sa likod na umiiyak.

"Nanay!" umiyak na yumakap sa akin Hacov.

Pinatahan ko ang aking anak sa pag-iyak tsaka napatingin ako sa lalaking buhat
buhat siya kanina. Lumaki ang aking mga mata nang magsalubong ang mga mata namin,
bumuka ang bibig ko dahil sa gulat.
"R-Rihav?" gulat na sambit ko sa kanyang pangalan.

•••••••••

Any Iloilo Reader here?

Kabanata 13

Kabanata 13

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Rihav ay agad akong tumalikod at hinila si


Sean na nakatingin kay Rihav. Nagmaadali ako sa paglalakad habang si Sean naman ay
parang pagong kong maglakad.

"Ano ba dalian mo namang maglakad!" inis kong sabi sa kanya.

Sinunod naman niya ang aking sinabi. Buhat buhat ko si Hacov na hindi parin
tumatahan sa pag-iyak. Inalo ko siya habang papalabas na kami nang Mall, napalingon
ako upang tignan kong nakasunod si Rihav o wala. Ewan ko kong bakit may kung anong
gumihit sa puso ko nang wala siya, hindi nakasunod sa amin.

Isa lang naman ang ibig sabihin n'on, wala siyang pake sa kambal. Hindi ko naman
sinabi sa kanya na may anak kaming dalawa, wala rin siguro siyang naramdaman ng
kung anong lukso nang dugo kay Hacov kaya hindi niya man lang kami sinundan. May
anak na siya kay Dyessie, wala siyang pake sa kambal...Ayos na din siguro iyon.

Nasa parking area na kami, nagkatinginan kami saglit ni Sean. Kita ko ang
pagbuntong hininga niya bago niya binuksan ang pinto sa passenger seat, nilagay
niya doon si Hera na hindi naman nagrereklamo pero kita sa mukha ang pagtataka.
Sunod kong nilagay si Hacov na tumatahan na sa pag-iiyak.
Nakaupo na ako sa front seat ng tignan ko silang dalawa na nakaupo sa likod.
Nakanguso si Hera, alam na alam ko na ayaw niya pang umalis sa loob ng mall. Kahit
ako rin din naman, gusto ko din silang ipasyal. Kaya lang nanaig ang takot at kaba
ko, ganon din ang galit sa puso ko. Sa susunod nalang ulit siguro, madami pa namang
oras.

"Nanay, uuwi na tayo?" Si Hera hindi na nakatiis,

Sinimulan nadin kasi ni Sean na paandarin ang sasakyan at sinimula na din kaming
papaalis sa Mall. Kita ko kong paano sumunod ang ulo ni Hera na nakatingin parin sa
Mall habang papalayo na kami doon. Naaawa tuloy ako sa kanya, pangalawang beses
palang siya nakatungtung sa mall pero hindi man lang niya nalibot nang buo.

"Nanay, hindi pa po tayo tapos sa Mall. May titignan pa sana ako doon, sabi ni Obet
maganda daw ang arcade. Nakapaglaro na daw siya doon, sana nakapaglaro din ako."
sumimangot siya at binalik ang tingin sa Mall.

"Sa susunod Hera. Diba malapit na din birthday niyo? Sa birthday niyo na lang tayo
maglalaro, diba iyon naman ang plano natin?" ani ko na kinatango naman ni Hera,
"Huwag ka nang malungkot, natutulog ako ngayon sa tabi niyo ni Hacov."

Umangat ang tingin ng dalawa sa akin. Ngumiti ako sa kanila. Doon muna siguro ako,
liliban na muna ako sa trabaho. Sa nangyari kanina parang ayaw kong pumuntang La
Fera Dos lalo na sa Club Highden. Kahit alam kong walang pake si Rihav sa dalawa,
magkikita parin kami doon at babalik sa memorya ko ang nangyari kanina.

"Talaga nanay?" sabi ni Hacov.

"Oo naman, diba gusto niyo ba akong makatabi sa pagtulog mamayang gabi?" tanong ko
sa dalwa.

"Gusto Nanay!" sabay na sabi nilang dalawa.

Dinig ko ang pagtawa ni Sean sa gilid ko na kinatingin ko sa kanya. Sinabi ko na sa


La Meyanda na kami dederitso, alam naman ni Sean ang papunta doon dahil may mansion
sila sa La Meyanda. Tahimik lang kami habang binabagtas namin ang daan papuntang La
Meyanda. Tirik na tirik pa ang araw, hindi man lang nasulit ng mga anak ko ang
kanilang mga oras dito sa La Fera Dos.
Habang nasa daan kami ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone, kaagad ko iyong
kinuha sa aking bag. Tinignan ko muna kong sino ang tumatawag, Si Amer. Sinagot ko
naman iyon.

"Asan na kayo?" tanong niya sa kabilang linya.

"Papauwi na kami, sorry na una kami. May nangyari kasi, basta Amer. Maghappy-happy
ka muna diyan, ilang araw mo ding binantayan ang mga anak ko." sabi ko.

"Sure ka? Manglalaki talaga ako mamaya, huwag mo kong tawagan ha. Baka hindi ko na
masagot 'yon, may kikitain din kasi kami nang Double Z dito sa Mall. Sige na, bye
na!" hindi na ako pinasagot ng bakla at kaagad niyang pinutol ang linya.

Binalik ko na din ang cellphone ko sa bag at tinignan ang dalawa sa pamamagitan ng


salamin sa itaas ng sasakyan ni Rihav. Tulog na tulog na si Hera habang si Hacov
naman ay tulala sa labas ng bintana na parang may iniisip.

"Ayos ka lang ba Hacov?" tanong ni Sean sa kanya, nahahalata din siguro ni Sean ang
kinikilos ni Hacov.

"Ayos lang po ako Tito Semon," magalang na aniya, "May itatanong lang po sana ako
nanay."

"Ano iyon Hacov?"

"Bakit po pareho kami nang kulay ng mata nang lalaki kanina? Tapos po ang buhok
namin kagaya din po sa amin ni Hera."

Nagkatinginan kami ni Sean sa tanong na iyon mula kay Sean. Napatikom ako nang
bibig sa inosenteng tanong na iyon mula sa aking anak. Hindi ko alam kong ano ang
isasagot ko sa kanya, hindi ko pwedeng sabihin na iyon ang tatay niya, magkakagulo
ang lahat kapag sasabihin ko iyon.

Ayaw kong isipin nilang dalawa ni Hera na bastardo sila, na anak sila sa labas.
Hindi ako papayag na malaman nila iyon, ayaw kong masaktan sila lalo na't wala pa
sila sa tamang edad. Hindi pa nila iyon maiitindihan, siguro sa tamang panahon doon
ko na sasabihin sa kanila. Pero hindi ngayon.
"Ano bang ginawa sayo nang lalaki, Hacov?" pang-iiba ko.

Binalik ni Sean ang kanyang tingin sa daan, hinayaan kaming mag-ina na mag-usap at
alam kong nakikinig lang siya sa usapan namin.

"Nakita ko po kasi Nanay ang cellphone na kagaya kay Obet doon sa malayo kaya
pinuntahan ko po. Tapos po pagkalingon ko wala na si Tito Semon doon, natakot po
ako nanay kaya napa-iyak ako. Pinapaalis ako nang nagtitinda doon, mabuti nalang po
dumating ang lalaki na kapareha ko po na kulay ng mata. Binuhat niya po at
pinatahan." Kwento niya.

"Wala naman siyang ginawang masama sayo Hacov?"

"Wala po, nagkatinginan kaming dalawa. Akala ko po siya si Tatay, sabi kasi ni
Ninong Amer pareho kami nang kulay ng mata ni Tatay."

Mariin akong napapikit sa narinig ko kay Hacov, kahit kailan talaga pahamak ang
baklang iyon. Mabuti nalang talaga ay hindi namin siya kasama kanina noong nakita
namin si Rihav. Doon pa lang siguro malalaman na ni Rihav na may anak siya sa ibang
babae.

"Hindi mo siya tatay Hacov." Diretsahan kong sabi.

Ramdam ko ang pagtingin ni Sean sa akin, ngunit iniwalang bahala ko iyon. Tagu muna
kayo, hindi ko kayang masaktan ang mga anak ko. Ayos lang sa akin na ako ang
masaktan huwag lang ang dalawa kong anak.

"Alam ko naman nanay. Mayaman 'yon nay, impossible po na siya si Tatay. Magkakulay
lang kami nang mata pero hindi po siya si Tatay." Sabi pa ni Hacov.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Iyon muna ang isipin ni Hacov, iyon
muna.

Nakarating kami sa La Meyanda na medyo papalubog na ang araw, gising na din si Hera
at si Hacov na medyo natulog ng kaunti. Ibinaba kami ni Sean sa harap ng bahay
namin, kita ko agad ang nanlilisik na tingin ng mga kapit bahay namin. Sige
paabutin niyo hanggang pinakadulo nang Isla Fera ang chikang ito!
Binuhat ko si Hera dahil gusto niyang magpabuhat sa akin. Ayaw niyang bumaba kong
hindi ko siya binubuhat. Si Hacov naman ay kusang lumabas ng sasakyan ni Sean.
Pumasok kami sa loob ng bahay kasama si Sean, kita ko kong paano niya pasadahan ng
kanyang mata ang buong bahay namin.

Pinaupo ko sa upuang kahoy si Hera at kinuha ang suot niyang sandals. Sunod naman
ang sapatos ni Hacov. Matapos ko silang maayosan ay hinaharap ko na si Sean. Akmang
magsasalita na ako nang tumunog ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Kinuha niya
iyon at tinignan ang kong sino ang tumatawag.

"Si Rihav," aniya at pinakita ang cellphone, nakasulat ang pangalan ni Rihav doon.

"Sean, umalis kana muna siguro dito. Baka gabihin pa at mukhang..." napatingin ako
sa labas, ang kaninag tirik na tirik ang araw ngayon ay kumikilimlim na, "Baka
umulan at mahirapan ka sa pag-uwi. Huwag na huwag mo ring sabihin kay Rihav kong
nasaan kami ngayon Sean, parang awa muna."

Bumuga siya nang hangin at hinawakan ang aking dalawang kamay, "Aasahan mong hindi
ko sasabihin sa kanya ang nalalaman ko, Fay. Talaga bang kaya mo na ikaw lang mag-
isa dito?"

"Oo kaya ko."

Tumango siya, "Sige aalis na ako, mukhang uulan nga." Tumingin din siya sa labas,
"Sige na aalis na ako," aniya at tinignan ang dalawa, "Aalis na si Tito Semon,
Hera, Hacov." Paalam niya sa dalawa.

"Bye Tito Semon!" Si Hera.

"Bye Tito!" sunod si Hacov.

Sunod kong hinatid si Sean sa labas ng bahay namin. Tinaas niya ang kanyang kamay
bago siya pumasok ng kanyang sasakyan, nang makita kong lumisan na ang sasakyan ni
Sean ay pumasok na din ako nang bahay. Inasikaso ko ang dalawa, nagkulitan muna
kami para bumalik ang sigla nila. Malungkot sila dahil hindi nila nalibot ang mall,
gusto kahit papaano ay sumaya sila dahil narito ako sa tabi nila.
Kinagabihan ay ginawa ko na ang responsibilidad ko bilang nanay. Inayos ko ang
higaan namin para sa mamayang gabi bago bumaba para makapagluto sa hapunan ngayong
gabi. Naakarating ako sa baba at nakita ko silang busy sa pinapanood na sa TV. Ako
naman ay sinimulan na ang pagluluto nang makakain namin.

Nang umalis kanina si Sean ay umulan ng malakas pero ngayon humina na pero umuulan
pa din naman. Masarap matulog mamaya dahil malamig at niyayakap ko ang dalawa.
Natapos ako sa pagluluto, naglalagay na ako nang pagkain sa hapag ng makarinig kami
nang katok sa pinto.

"Ako na Nanay, baka si Ninang Amer!" presenta ni Hera na ikinatango ko.

Nailapag ko na ang lahat ng pagkain namin ng marinig ko ang pagsigaw ni Hera mula
sa sala.

"Nanay!"

Nagmadali ako sa pagpunta sa gawi niya. Nanlaki ang mata ko nang makita si Rihav na
basa na ang buhok maging ang katawan ay ganon din.

"Sir!" sabay tayo ni Hacov ng makita niya si Rihav sa pintuan namin.

Kita ko ang pagngiti ni Rihav ng makita si Hacov. Tumakbo ako papunta sa pintuan ay
ipinalayo ang dalawa kay Rihav. Pinapunta ko muna sila sa taas, noong una ay
nagmatigas pa silang dalawa dahil gusto daw nilang manood ng TV ngunit hindi ako
pumayag kaya napilitan silang pumunta sa taas. Masiguro kong nasa taas na sila,
hinarap ko si Rihav.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na importante kong paano ako nakapunta dito. Gusto ko malaman mula sa bibig
mo ang totoo Fayre, gusto kong malaman kong totoong anak ko silang dalawa."

"Wala kang anak dito Rihav, kaya umalis kana!" tumaas na ang boses ko dahil sa
inis.

Anong ginagawa niya dito? Dapat kanina pa siya pumunta dito kong nagdududa siya
tungkol sa kambal. Hindi din naman ako papayag na basta basta nalang siya pumunta
dito at aastang may pakialam siya sa dalawa.

Sinirado ko ang pinto ngunit pinigilan ng kamay niya, "No, Fay. Unang kita ko
palang kay Hacov, alam kong sa akin siya nanggaling. Sa kulay ng mata, sa hugis ng
mukha, sa buhok, masasabi kong akin siya. Sabihin mo sa akin ang totoo Fayre."

"May pamilya kana Rihav, dapat nandoon ka!" sigaw ko.

"Damn it, just tell me the damn truth!" tumaas na din ang boses niya.

"Kung una palang na alam mong anak mo si Hacov, bakit ngayon ka lang pumunta dito?!
Bakit hindi mo kami hinabol doon sa Mall?! Ano dahil iniisip mo ang pamilya mo?
Pwede ka namang umalis Rihav, hindi ka nila kailangan!" galit na sigawa ko.

Puro sigawan ang lumalabas sa aming mga bibig. Alam kong kahit na umuulan ngayon,
may umaaligid parin mga chismosa sa labas ng bahay namin para makichismis sa mga
nangyayari sa pagitan namin ni Rihav. Wala na akong paki sa sasabihin nila basta
umalis lang si Rihav ngayon din.

"Gusto kong masigurado ang nararamdam ko, Fay. That's the reason why I didn't run
over you, and now that I knew the truth, you can't run away from me anymore." Aniya
na ikinalaki nang mga mata ko.

"Paano mo nalaman? Anong totoo ang pinagsasabi mo Rihav?!" asik ko.

"Amer told me the truth. Sinabi niya ang lahat sa akin kanina, lahat sinabi niya.
This is all my damn fault, kung hindi lang ako nakinig kay—"

"Past is past, Rihav. Hindi na maibabalik ang nakaraan na iyon, pwede ba huwag ka
nang magpakita pa dito lalo na sa mga anak ko. May pamilya ka na Rihav, may pamilya
kana." Sunod sunod kong sabi.

"Bullshit, you are my family, Angel." Aniya at niyakap ako.

Naramdaman ko ang basa niyang katawan sa katawan ko. Simula kanina ay hindi ko siya
pinapapasok kaya nababasa siya nang ulan. Itinukod ko ang magkabilaang kamay ko sa
kanyang beywang at pwersahan siyang itulak papalayo sa akin. Nagtagumpay naman ako
sa ginawa kong iyon.

"Please lang Rihav, ayaw ko nang gulo. Ayaw ko naring masaktan lalo na ang mga anak
ko, umalis ka na lang para matahimik na. May pamilya ka na, may anak at asawa ka
na. Huwag mo nang isipin ang dalawa, hindi ka naman namin kailangan. Please lang
huwag mo na kaming guluhin pa." mahinahon kong sabi sa kanya.

Alam kong magkakagulo ang lahat kapag nalaman ito nang pamilya niya at pamilya ni
Dyessie. Hindi lang ako ang maiipit sa gulo, maiipit din ang mga anak ko. Kaya
hanggat maaga pa at walang may nakakaalam, lumayo na si Rihav.

"When you told me that night na pakawalan kita, gagawin ko iyon para sa ikakabuti
at ikatatahimik mo Fay. Seeing you crying because of me, it makes me hurt myself
more." Himunto siya sa pagsasalita at kumuha nang hangin.

"Alam ko kong gaano ka laki ang galit mo sa akin na kaya mo akong paalisin sa buhay
mo kahit ayaw ko. Pero ngayon sa mga nalaman ko, kahit ilang beses mo akong
pagtabuyan ay hinding hindi na ako aalis sa tabi mo. Ayaw ko nang mahiwalay sayo at
sa mga anak natin, hindi lang ikaw ang kawalan ko, kawalan ko din ang dalawang anak
ko. Please forgive me, I do everything para mapatawad mo 'ko." sabi niya at dahan
dahang itinikom ang tuhod na may planong luluhod sa harap ko. "On my bended knees,
please forgive me..." bulong niya.

Bumuhos na ang luha ko nang makita si Rihav na nakaluhod sa paanan ko. Nakahawak
siya sa dalawang kamay ko at dinikit iyon sa kanyang pisngi. Sunod sunod ang
paghingi niya nang tawad sa akin. Ang kaninang matapang na Fayre ay nalusaw na
naman ng makita si Rihav na nakaluhod ngayon.

Ito ang unang pagkakataon na lumuhod siya sa harap ko. Simula noong naging kami,
siya lang iyong nasusunod. Ako parati ang humihingi nang tawad kahit wala naman
akong nalalaman na may kasalanan ako, basta basta nalang siya nagtatampo sa akin.
Hindi pumasok sa isip ko kahit kailan na luluhod siya sa aking paanan. Sa Mansion
Madreal, itinuturing siyang Hari. Tapos ngayon ang Hari nakaluhod...

"Ayusin muna natin ang buhay natin, Rihav. Ngayon ayaw kong isipin ng kambal na may
iba kang pamilya, ayaw kong isipin nila na anak sila sa labas." Huli kong sabi bago
ko inalis ang kamay ko sa kanya at isinirado ang pinto.

••••••••••
Double update HAHAHAHAHAHA!

Taga saan kayo?

Who wants to join sa GC? Doon na ako mag-aannounce nang update and of course para
makilala ko kayo!💜

Kabanata 14

Kabanata 14

Lumalalim na ang gabi at ang malakas na buhos ng ulan na tumatama sa bubong namin
ang naglilika nang ingay ngayon sa buong bahay. Napagpasyahan ko na pumasok na sa
loob ng bahay pagkatapos ng pag-uusap na iyon, sinirahan ko siyang ng pinto at
iniwang nakaluhod doon. Ngayon, wala akong alam kong umalis na doon si Rihav o ano.

"Nanay, ang kaninang lalaki po. Siya po iyong kapareha namin ni Hera, bakit niyo po
siya ipinaalis? Ang lakas po nang ulan, baka inuulanan siya doon sa labas." Sabi ni
Hacov.

Ngayon naghahanda na kaming matulog, nakayakap silang dalawa ni Hera sa akin ng


magkabilaan. Hinarap ko si Hacov at inaplos haplos ang kanyang buhok.

"Matulog kana Hacov," napakapikit na sambit ko.

Ayaw ko nang pahabain pa ang aming istorya tungkol kay Rihav, baka madulas pa ako
at kung ano pa ang masabi ko tungkol doon. Tinikom ko ang aking bibig, ramdam kong
inayos ni Hacov ang pagkakayakap niya sa akin at hinigpitan iyon tsaka niya
siniksik ang kanyang bukha sa aking leeg. Bumuka ang mata ko at tinignan siya,
nakapikit na ang kanyang mga mata at komportable nang nakayakap sa akin.
Sunod kong binalingan ng tingin si Hera na nakapikit na rin ang mga mata. Dinampian
ko nang halik isa isa ang kanilang mga noo bago ko ipinikit ulit ang aking mga mata
para sa pagtulog. Ilang minuto akong nakapikit ngunit ayaw talagang matulog ng
buong sistema ko. Sinubukan kong ibahin ang posisyon ko, kinuha ko ang kamay ni
Hacov na nakayakap sa akin bago tumalikod sa kanya at humarap kay Hera. Ang kamay
ni Hacov ay ibinalik ko rin sa pagpupulupot sa aking likod. At muli kong ipinikit
ang aking mga mata.

Hindi ko alam kong ilang minuto na akong nakapikit, hanggang ngayon ayaw parin
akong hilahin sa pagtulog. Nagpag-isip-isipan ko na bumaba muna at makainom ng
tubig. Dahan dahan ang ginawa kong pagkilos. Una kong kinuha ang dalawang kamay na
nakapulupot sa akin beywang, nagtagumpay naman ako sa pagkuha at bumababa na nang
kamang tinutulogan namin. Bumababa din ako sa ikalawang palapag para doon makakuha
nang maiinom.

Nakasalin na ako nang tubig sa baso, dinala ko iyon papunta sa upuan naming kawayan
at doon ako umupo. Umiinom ako nang tubig ng makarinig ako nang umubo sa labas ng
bahay. Noong una ay kinabahan ako, hindi naman ako naniniwala sa multo. Ang
ikinatatakot ko ay baka looban kami, wala si Amer sa bahay na ito at kasama ko pa
ang mga anak ko.

Sunod sunod ang ubo kinalaunan. Kumabog ang dibdib ko sa pamilyar na boses na iyon
na nangagaling sa labas ng bahay. Pumunta ako malapit sa pinto at dinikit ko pa ang
aking tenga. Ngayon nasisigurado ko na kong kaninong boses iyon. Tinanggal ko ang
pagka-lock ng siradula at dahan dahan kong pinihit iyon para mabuksan ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rihav na nakaupo at nakahilig ang likod sa
dingding ng bahay. Nanginginig na rin ang kanyang katawan sa lamig, ang kanyang mga
bibig ay namumutla narin at basang basa narin siya nang ulan. Mula ulo hanggang sa
kanyang mga mamahaling sapatos.

Wala ba siyang sasakyan na para masilungan? Ilang oras na simula noong iniwan ko
siya dito ah, hindi ba siya umalis para magpasilong man lang?
Umubo ulit ng umubo si Rihav habang ang mga bibig nito ay nanginginig na, namumutla
na rin iyon. Nagmadali akong kumuha nang payong sa loob ng bahay.

"R-Rihav?" sabay ng pag-alog ko sa kanyang pisngi.

Kita ko kong paanong pilit na dumilat ang kanyang nanghihinang mga mata. Itinaas
niya ang kanyang basang kamay at hinawakan ang aking pisngi. Nanindig ang balahibo
ko sa lamig ng kanyang kamay na nakahawak sa pisngi ko. Hinawakan ko rin iyon at
dahan dahan siyang pinatayo para makaalis sa kanyang pwesto.

Hindi ko inalintana ang kanyang basang katawan na nakadikit sa akin. Dahan dahan ko
siyang inalalayan na makapasok sa loob ng bahay. Nang tuluyan ng makapasok ay
isinirado ko na ang pinto at itinapon kong saan ang payong. Inalalayan ko si Rihav
na nanginginig na sa sobrang lamig, pinaupo ko siya sa kawayang upuan namin bago ko
hinarap.

"Rihav?" pukaw ko, ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kanya, "Rihav?!" pag-
uulit ko sa mataas na boses, isang ungol ang ginawa niyang pagtugon.

Iniwan ko muna siya doon at nagmadali na pumunta sa itaas para makakuha nang
pamunas para sa kanya. Kumuha ako nang towel at damit mula sa damitan ni Amer.
Bumalik ako sa baba at namataan si Rihav na nakahiga na doon habang yakap yakap ang
kanyang sarili.

Umupo ako sa gilid niya at dahan dahan na binuksan ang kanyang itim na polo.
Nakatatlong botones palang ang nabuksan ko nang nasilayan ang nakaukit na tattoo sa
bandang puso niya. Cursive na R.F ang nakalagay doon. Pumikit ako nang mariin at
iniwalang bahala ang nakasulat. Tuluyan ko nang nabuksan ang lahat ng botones niya
ay maingat kong kinuha ang kanyang polo sa kanyang katawan.
Matapos kong makuha ang kanyang damit ay sunod kong pinunasan ang kanyang katawan
gamit ang towel na kinuha ko kanina. Ang kaninang lamig na nararamdaman ko sa
kanyang katawan ngayon ay nagbabaga na sa init. Pinunasan ko din ang kanyang
namamasang buhok bago ang kanyang maamong mukha.

May kong anong mga salitang binibigkas si Rihav habang punas punas ko siya ngunit
hindi ko iyon maintindihan dahil ang mga salitang binigkas niya ay parang kinakain
niya. Inalalayan ko siyang muli sa paghiga, ang kanyang pantalon ang sunod kong
inabala. Matapos ko ang parteng iyon ay pinasuot ko sa kanyang ang pajama at damit
ni Amer.

"A-ayos ka lang R-Rihav?" Naiilang kong tanong sa kanya.

Hinintay ko ang kanyang pagsagot ng may narinig akong boses galing sa aking
likuran.

"Nanay," napalingon ako sa boses na iyon.

Nagtataka ang mukha ni Hera papalapit sa akin. Mariin siyang nakatingin sa lalaking
nakahiga sa kawayang upuan namin. Sa kanilang dalawa ni Hacov, masasabi ko na ang
utak ni Hera ay sobra pa sa kanyang edad. Gan'on din naman si Hacov kong magsalita
at mag-isip ngunit itong si Hera ay sumusobra minsan.

Magkasing tangkad lang sila ni Hacov pero ang bibig ni Hera ay mas matangkad pa sa
kanya. Napapa-isip nga ako kong kanino silang nagmanang dalawa ni Hacov, ngayon na
mag-aapat na taon na sila, hindi mo maiisip na apat na taon lang sila. Gayon,
marunong naman silang maglambing dalawa na parang bata, ang ikinababahala ko ang
pagsasalita nila.
"Nanay, sino siya?" nakaturong tanong niya.

Napakagat ako nang bibig. Wala akong balak na sabihin sa kanila ang totoo, ang
gusto ko ay lumisan na si Rihav sa buhay namin. Ngunit bakit kami dinadala nang
tadhana sa sitwasyon na ito? Para ba parusahan ako sa mga maling ginawa ko?

Kung pwede lang mamili nang parusa ay gagawin ko basta huwag lang makilala ng
kambal si Rihav bilang ama nila. Mapaglaro talaga ang tadhana, kailangan lang
magaling tayo maglaro. Bumigat ang dibdib ko nang unti unti kong maramdaman ang
aking pagkatalo, paano ba naman kasi nasa harap na ni Hera ang ama niya.

"Wala anak, bumalik kana sa taas. Hintayin mo nalang ako doon, okay?" hinawakan ko
ang kanyang magkabilaang braso para papuntahin siya sa taas.

"Nanay, hindi mo po sinasagot ang tanong ko." nakasimangot niyang sabi.

Yumuko ako para magpantay ang mukha naming dalawa. Hindi mapagkakaila na anak
talaga sila ni Rihav, sa kulay palang ng mata alam na alam na. Wala naman akong
ibang karelasyon na may kulay abong mata kundi si Rihav lang.

"Bukas, ipapaliwanag ni Nanay. Ngayon kailangan mong matulog para mas lalo kang
lumaki."

Tumango naman siya, "Okay nanay, balik po kayo gusto ko ikaw makayakap ulit."

"Opo Hera, babalik si Nanay."


Hinalikan ko ang kanyang noo. Hawak hawak ang mahabang pajama niya ay bumalik siya
sa taas. Naiiwan pa ang kanyang mata kay Rihav na pikit na pikit habang papunta
siya sa itaas. Tuluyang nawala na sa paningin ko si Hera ay muli kong hinarap si
Rihav.

Hanggang ngayon ay nanginginig parin siya kahit na pinunasan ko na ang kanyang


buong katawan at napalitan na din ng damit. Dinampi ko ang aking kamay sa kanyang
noo, kaagad ko iyon kinuha nang maramdaman ang parang nangangapoy na noo.

"Rihav, kaya mo bang tumayo? Mas lalong sasakit ang katawan mo kapag dito ka
matutulog lalo na't hindi ka sanay sa ganitong higaan. Rihav?" pukaw ko sa kanya.

Inalog ko nang kaunti ang kanyang pisngi para magising siya. Gustuhin ko man na
matulog siya nang tuluyan ay hindi pwede, kailangan niyang uminom ng gamot para
humupa ang kanyang sakit at makauwi na siya bukas. Kailangan niyang umuwi nang
maaga para hindi siya maabutan ng dalawa.

"M-masakit a-ang buong k-katawan ko." mahinang boses niyang sambit.

"Ngunit, kaya mo bang lumakad? Dadalhin kita sa taas para maayos ang tulog mo at
makauwi ka na bukas ng umaga."

Kita ko ang pagpikit niya nang mariin, "A-ayaw kong u-umuwi, g-gusto kong t-tumabi
sa mga a-anak ko."

Bumuga ako nang hininga bago nagsalita, "Rihav, sinabi ko na sa iyo diba na hindi
pwede." Nagsisimula na ang galit kong boses.
Kahit na naawa ako sa kalagayan niya ngayon mas naayawa ako sa pwedeng masabi nang
tao sa mga anak. Alam ng lahat na kasal na si Rihav, nakaksiguro din ako na alam
din ng lahat na may anak na din sila ni Dyessie. Iisipin ng buong tao na kabet ako
at mga bastardo ang mga anak ko, ayaw kong hahantong kami sa puntong 'yon.

"Gusto ko lang naman sila makasama at makilala, Fay. Bakit ba ayaw na ayaw mo?"
matamlay parin ang kanyang boses.

"Dahil may pamilya kana, Rihav!"

"Kayo ang pamilya ko, Fayre Aphrodite." Sunod niyang sabi.

Umiling iling ako sa mga kasinungalingan niya. Kung wala lang siyang nararamdaman
ngayon, malamang pinaalis ko na talaga siya. Kapag nakikita ko siya bumabalik ang
sakit, iyong taong mahal ko, na ibinigay ko lahat, sa kanya binuhos ang pagmamahal
ko nagawa pang harap harapan akong saktan. Sa bibig niya pa iyon mismo narinig, ang
sakit lang. Kong sana may inalaan din ako sa sarili ko kahit kunti hindi ako
magdudusa at masasaktan ng ganito.

Nangingilid ang luha ko sa lahat ng naisip ko. Ito na naman, umiiyak na naman sa
harap niya. Wala na bang bago Fayre?

"H-Huwag kang m-magsinungaling Rihav. Hindi mo alam kong ano ang pinagdaan ko para
lang mabuhay ang d-dalawa kong anak, hindi mo alam kong anong s-sakit at p-
paghihirap ang nangyari sa akin pagkatapos kong m-makaalis sa inyo. Hindi mo kami
pamilya, iba ang pamilya mo." Mariin kong binigkas ang mga huling salita.
Huwag na huwag niyang matawag na pamilya niya kami. Dahil kong pamilya niya kami,
hahanapin niya kami. Hindi niya ako pababayaan at hindi niya ako sasaktan. Hindi ko
sana naranasan ang lahat ng iyon, sana buhay ang mga magulang ko...

Sinsero siya habang binibigkas niya sa akin ang dalawang katagang 'mahal kita' pero
bakit niya ako sinaktan? Bakit niya ako iniwan sa ere? Bakit iba ang kanyang
pinakasalan kong ako ang mahal niya?

"I'm not lying on you, Angel." Bakas ang emosyon niya sa kanyang boses, ramdam ko
ang paghawak ng kamay niya sa kamay ko. "Enlighten me, tell me everything what
you've been come through for the past five years without me, Angel. Enlighten
me..." bulong na ang huling salita.

Lumunok ako bago nagsalita, "Diba masaya kana? Sabi mo sa akin noon na kapag may
sarili ka nang pangalan sa business world, sunod mong gusto ay maging ama?" mapakla
akong ngumiti, "Tatay kana ni Dion, Rihav. Tatay ka na..."

Hindi siya nagsalita sa halip ay pinilit niya ang sarili na makaupo. Ang nag-aapoy
na init ng katawan niya ay nararamdaman ko na nakadikit sa akin. Dalawang kamay
niya ay nakahawak rin sa kamay ko. Wala akong lakas na kunin iyon, iyon ang dahilan
kong bakit gustong gusto kong saktan ang sarili ko ngayon.

"Yeah, I'm now a father...of our twins." Sambit niya na dahilang bumagsak ang
namumuong luha ko.

Tinaas niya ang kaniyang kamay at mabilis na pinunasan ang butil na lumawala sa
aking mata. Naiiyak ako, hindi ko mapigilan. Pinipilit ko na nga na ang anak nila
ni Dyessie ang dahilan kong bakit natupad ang pangarap niya, pero bakit pati ang
kambal ko? Hindi ba niya na iisip na may posiblidad na masaktan sila sa kung ano
ang malalaman nila sa darating na mga araw?
Maingat na inangat ni Rihav ang mukha ko habang masuyo niyang pinapaalis ang luha
ko sa aking pisngi.

"Please, give a chance to be a father of our twins Angel. Pakilala mo ako sa kanila
bilang ama, gusto kong kilalanin nila akong ama..." sambit niya habang nakatingin
sa mga mata ko.

Kinalas ko ang kanyang dalawang kamay sa aking pisngi at tumayo sa pagkakaupo sa


kanyang tabi. Kahit ilang beses kong gawan ng paraan para hindi magkita ang kambal
at si Rihav, sa ngayong sitwasyon parang wala na akong may magagawa pa kundi
pagkitain nalang sila.

Wala na eh, sinabi na ni Amer kay Rihav. Sa tono nang boses ni Rihav, nasisigurado
niya talaga na sa kanya nanggaling ang dalawa. Hindi ako makapaniwala na si Amer na
pinagkakatiwalaan ko sa lahat ang siyang sisira sa lahat ng plano ko. Nandito na si
Rihav at alam na niya ang tungkol sa kambal.

Kumuha ako nang hangin at binuga din iyon kinalaunan tsaka ko hinarap si Rihav,
"Sige, kong iyan ang gusto mo papayagan kita kilalanin ang kambal. Pero pagkatapos
n'on ay hindi kana magpapakita pa kailanman sa amin." Lakas loob kong sabi.

*****

Ang hindi pa nasali sa gc, message niyo lang po ako para ma-add kayo!

Let's be friends:

Twritter: 3rithrea

IG: Threyaaaaa

FB: Erithrea Wp
Kabanata 15

Kabanata 15

"Nanay! Nanay! Nanay!" sunod sunod na tawag sa akin ni Hera dahilan maimulat ko ang
aking mata.

Hindi ko alam kong anong oras ako natulog kagabi dahil sa pag-aasikaso kay Rihav.
Pinilit ko siyang umuwi at bumalik nalang kapag magaling na at papakilala ko ang
mga anak ko sa kanya. Pero nagmatigas siya, ayaw niyang umuwi. Kaya ang ginawa ko
doon ko siya pinatulog sa kabilang kwarto, ang kwarto ni Amer.

Umupo ako sa pagkakahiga at hinarap si Hera na hanggang ngayon ay tinatawag ako


nang tinawag.

"Ano ba iyon Hera?" tanong ko sa kanya habang tinatali ko ang aking buhok.

"Nanay, ang lalaki kaninang gabi nasa kabilang kwarto siya. Umuubo po tapos ng
lumapit kami ni Kuya Hacov maiinit siya." batang boses aniya.

Tumayo ako mula sa aming higaan, "Nasaan si Hacov?" ulit kong tanong.

"Nandoon po, ayaw umalis sa tabi ng lalaki. Sinuway ko siya baka mahawaan dahil may
sakit siguro pero ayaw niya."
Bumuntong hininga ako habang inaayos ang aking sarili. Sabay kaming lumabas ni Hera
sa silid namin at pumaroon sa silid ni Amer na kong saan naroroon si Rihav. Umuwang
ang bibig ko pagkadating namin sa silid, nakaupo si Hacov sa gilid ng kama habang
si Rihav naman ay nakahiga at silang dalawa ay nag-uusap. Hindi ko naririrnig ang
kanilang boses dahil masyadong mahina at para bang nagbubulungan silang dalawa.

Nakuha ang atensyon nila at naputol ang kanilang pag-uusap ng tinawag ni Hera si
Hacov. Sinuway niya ang kapatid na bumaba sa kama dahil may sakit si Rihav. Umiling
lang si Hacov kay Hera at nanatili sa kama, muli siyang sinuway pero isiniwalang
bahala niya iyon.

Pumunta kami sa gawi ng dalawa. Hindi ko matapunan ng tingin si Rihav dahil sa


nangyayari ngayon. Hindi ko alam kong saan ako magsisimula na ipakilala si Rihav
bilang ama nila. Matagal na nilang hinahanap ang kanilang ama, napuno ang kanilang
pag-iisip na nalunod na sa sabaw ang kanialng tatay. Ngayon ito at nasa harap na
nila, bigla akong nakaramdam ng kaba sa susunod na mangyayari.

"Hacov, umalis ka na diyan! Baka mahawa ka!" bumalik ako sa reyalidad sa sigaw na
iyon mula kay Hera.

"Ayoko nga sabi, bakit ba ang kulit mo?"

"Kuya, wala tayong pera pampagamot sayo kapag nagkasakit ka!"

Bangayan ng dalawa ang tumatanggal sa tahimik na silid na ito. Wala akong lakas ng
loob na magsalita. Hindi ko alam kong saan maguumpisa. Hindi ko inaasahan na
darating ang araw na ito, ang pumasok sa isipan ko ay magkakagalit kami ni Rihav
dahil sa huling nangyari pero iba pala. Iniisip ko kong bakit parang wala lang sa
kanya ang huling nangyaring iyon, ang huling pag-aaway, ang huling sakitan.
Napatingin ako sa kanya na nakapikit at parang may iniinda. Ang dalawa naman ay
todo sa bangayan. Nagsimula ng tumaas ang kanilang boses, mariing pumikit si Rihav
dahil doon. Naiirita siya siguro sa dalawa kaya ganon ang reaksyon niya. Ayos lang
naman kong ayaw niya sa dalawa...

"Taasan niyo ba ang boses niyo, magsigawan pa kayo." Walang emosyon na ani ko.

Bigla naman silang natahimik sa sinabi ko.

"Ano? Sabi ko magsigawan pa kayo." Muling sabi ko.

Hindi na bumukas ang bibig ng dalawa at yumuko nalang. Bumuga ako ng hangin. Iyon
naman pala, tatahimik din.

Sinabihan kong bumaba na si Hacov sa kama. Napatingin siya sa akin, parabang


nagmamakaawa ang kanyang mga mata na huwag ko siyang paalisin sa kama. Muli akong
nagsalita at hudyat na iyon para bumaba na siya ng tuluyan sa kama. Hinawakan ni
Rihav ang kamay ni Hacov na para bang pinipigilan niyang umalis doon.

"Bababa po ako Sir, papagalitan ako ni Nanay." Si Hacov at bumaba na ng kama.

"Doon muna kayo sa labas, mag-uusap kami."


"Nanay, gusto ko po dito." Hirit pa ni Hacov.

Tumingin ako sa kanya, "Babalik ka din dito pagkatapos naming mag-usap kaya bumaba
na muna kayo ni Hera. Kumain muna kayo sa baba." Ginulo ko ang buhok ni Hacov.

Nakasimangot na lumabas si Hacov kasama si Hera na parang wala lang sa kanya ang
nangyayari. Tuluyan ng lumabas ang dalawa doon ko na hinarap si Rihav, matamlay ang
kanyang mga matang nakatingin sa akin.

"Alam kong nakakairita ang ginawa ng dalawa kanina. Huwag munang ipilit ang sarili
mo kong ayaw mo naman talaga silang kilalanin, kong ayaw mo namang silang makausap.
Ayo—" naputol ang pagsasalita ko ng bigla siyang nagsalita.

"What did I do?" nagmamaang wala siyang alam. "Ayaw ko ngang umalis si Hacov sa
tabi ko. Kung ayaw ko silang makilala kagabi palang ay umalis na ako Fayre, pero
hindi ayaw ko dahil gustong gusto ko sila makilala. The first time I saw Hacov at
the mall, I felt he is mine. Naninigurado lang ako, ayaw kong masira kong totoong
may pamilya kana."

"Bakit nakapikit ka kanina habang nagbabangayan ang dalawa? Hindi lang iyan ang
ugali nilang dalawa Rihav, marami pa silang ugali na mas nakakagalit. At baka doon
ay iwan mo din sila pagkatapos mong magpakilala." Sinubukan ko na huwag pumiyok sa
mga huling salita.

Ayaw kong darating sa punto na 'yon. Nasisigurado ko na talagang masasaktan ang


dalawa kapag nangyari iyon. Kaya hanggat maari kong pwede ko pang mapigilan ang
pagpapakilala ni Rihav sa kanilang dalawa. May anak na rin siya, lahat gagawin niya
para kay Dion. Paano kong hanapin siya doon? Sympre maiiwan ang dalawa, hindi ko
kayang makita silang masasaktan.

"I will never do that. They are my children, hindi ko sila iiwan. Kung gusto niyo
sumama pa kayo sa akin."

"Hindi kami pupunta sa puder mo Rihav, naiisip mo ba ang pinagsasabi mo? Gusto mo
ba malaman ng lahat na anak sila sa labas?! Proud ka pa na may anak ka sa labas?!"
tumaas ang boses.

Ang kapal ng mukha niyang ipalandakan sa lahat na ang mga anak ko ay anak sa labas.
Binuhay ko ang dalawa kahit na hirap na hirap na ako, kahit gusto ko ng tapusin ang
sarili ko para matapos ang lahat ng paghihirap ko tapos ano?! Ito ang gagawin
niya?! Naipagmukha sa amin na hindi kami ang tunay na pamilya?!

Kahit na huwag na niyang sustentuhan ang kambal ay ayos lang sa akin. Kahit hindi
na siya magpakita ulit! Kaya kong buhayin ang dalawa.

"I mean, in my own house. Hindi ko sila anak sa labas Fayre, sinabi ko nga sayo na
kayo ang pamilya ko. Mahirap bang intindihin iyon?"

"Paano naging kami? May pamilya ka kay Dyessie!"

"Makinig ka—"

Naputol ang sasabihin ni Rihav dahil pumasok ng muli sa silid si Hacov na may hawak
hawak na biscuit sa dalawang kamay niya.

"Nanay, ang tagal niyong mag-usap baka nagugutom na si Tata—sir." Sambit niya at
muling sumampa sa kama.
Ibinigay niya kay Rihav ang isang supot ng biscuit. Nahihirapan na kinuha ni Rihav
ang biscuit na inalok ni Hacov sa kanya. Napansin iyon ni Hacov kaya nagpresenta
siya na susubuan niya nalang si Rihav, Gumuhit naman ang ngiti sa mga labi niya,
sunod siyang sinubuan ni Hacov at pilit niyang kinain kahit na wala siyang panlasa
dahil may sakit siya.

Tinignan ko silang dalawa na kumakain ng biscuit, pumasok narin si Hera sa loob ng


silid na may hawak ng ready to drink na juice at biscuit ng kagaya kay Hacov. Hindi
naman ganon katas ang pinanglagyan ko ng pagkain nila para maabot nila tuwing
nakakaramdam sila ng gutom.

"Ikaw po ba si Tatay?" napatawid ako sa aking pag-uupo sa biglaang tanong ni Hera.

Hindi makasagot si Rihav, tumingin muna siya sa akin at hinihintay kong ako ba ang
magsasabi ko siya. Naramdama ako ng kaba, walang salitang lumlabas mula sa aking
bibig. Tumango ako kay Rihav na pinapayagan ko siyang sabihin na ang totoo sa
dalawa. Mas lumapad ang kanyang sa pagtango kong iyon.

Pinilit niya ang kanyang sarili na umupo at humilig sa kama. Kinawakan niya ang
kamay ni Hacov maging ang kay Hera ay kinuha niya rin at pinalapit sa kanya ang
dalawa. Pinagmasdan niya ang kambal, ang kanilang mata ay parareho ang kulay, kulay
abo. Napakagat ako ng aking bibig sa kanilang eksena, nagtitigan. Para bang nag-
uusap-usap sila gamit ang kanilang mga mata.

"Hala," gulat na ani Hera, napatakip pa ng bibig. "Ikaw si Tatay?" bakas sa boses
niya ang pagkataka at pagkagulat. Tumango naman si Rihav sa tanong niya, "Talaga?
Pero ang sabi ni Ninang Amera na lunod daw sa sabaw si Tatay, paano naging ikaw?"

Kumunot ang noo ni Rihav, "Ninang Amera?" tanong niya.


"Si Ninong Amer po sir," sabad ni Hacov sa kabilang gilid ni Rihav na kumakain.

Tumango naman siya at muling hinarap si Hera, "Hindi nalunod sa sabaw si Tatay
Hera. I'm your father, Hera. I'm Rihav, you and Hacov are my babies." Sabi niya at
ngumiti sa dalawa.

Nangilid ang luha sa mata ko, napatakip din ako ng kamay sa aking bibig. Tumili si
Hera tsaka sumpa narin sa kama at patalon pang niyakap ang kanyang ama. Kita ko ang
pagguhit ng sakit dahil sa ginawa ni Hera sa kanya ngunit hindi siya umangal at
niyakap din niya ang kanyang anak gamit ang kanyang dalawang kamay. Nakapikit si
Rihav at ang kaninang ngiti ay hindi mawala wala sa kanyang labi.

"Nag-eenglish ka po? Mayaman po kayo? Bakit kayo nag-eenglish? Nasa pilipinas po


tayo." Sunod sunod na tanong ni Hera.

Nakayakap parin siya sa kanyang ama na hindi alam kong ano isasagot sa kanyang
tanong. Pinatakan ng halik ni Rihav ang kanyang noo, "Ganito talaga magsalita si
Tatay, Hera. Mukhang naiintindihan mo naman sinasabi ko diba?"

Sunod sunod ang tango ni Hera, "Opo tatay, naiintindihan po kita." Nakangiting
sambit ni Hera.

Matapos manamnam ni Hera ang oras na kayakap niya ang kanyang ama ay humiwalay din
siya. "Hacov, diba gusto mong mayakap si Tatay? Bakit hindi mo siya niyayakap
ngayon?" Tanong niya sa kapatid na kumakain pa din.

"Alam ko na sinabi na ni Si-Tatay kanina ng umalis ka, ako ang unang niyakap ni
Tatay at hindi ikaw." Si Hacov.
Sumalubong ang kilay ni Hera, "Ako padin ang unang nakakita kay Tatay, kagabi pa
siya dito."

"Anong ikaw? Ako ang unang nakakita." Hirit pa ni Hacov.

"Ako! Ako kagabi!" nagsimula ng sumigaw si Hera.

"Kagabi ako noong nasa mall siya ang bumuhat sa akin!"

"Sabing Ako—" hindi na natapos ni Hera ang kanyang sasabihin ng kinuha na siya ni
Rihav at dinala sa kanyang kandungan.

Maging si Hacov ay kinuha niya rin at pinaupo. Pinalupot niya ang kanyang dalawang
kamay sa kambal at hinila papalapit sa kanya para mayakap. Ang dalawa naman ay
natahimik sa kanilang bangayan, wala ng may nagsalita sa kanila at gumanti na din
ng yakap kay Rihav. Doon ay sumiksik sila sa kanilang ama hindi alintana na may
sakit ito ngayon.

"Sabay kayong nakakita sa akin, okay? Gusto kayong mayakap ni Tatay, yakapin niyo
si Tatay."

Sinunod naman nilang dalawa ang sinabi ni Rihav. Tumulo ang munting luha ko sa
aking mata sa kanilang pagyayakapan, kitang kita sa kambal kong gaano sila kasaya
ng makita ang kanilang ama. Maging si Rihav ay ganon din, ang ngiti sa labi ay
hindi makuha kuha. Sana nga talaga huwag sasaktan ni Rihav ang dalawa, hindi ko
talaga siya mapapatawad.
Nagpaalam muna ako sa kanila at iniwan sila sa silid para may oras silang mag-usap
na sila sila lang. Bumaba ako para makapaghanda na din ng pang-umagahan namin. Nasa
kusina ako at nagluluto ng ulam ng makarinig ako ng katok mula sa pinto. Tinapos ko
muna ang aking pagluluto bago ako nagtungo sa pinto.

Pinihit ko ang seradula para mabuksan. Bumungad sa akin ang dalawang kambal na
Madreal at si Amer na nakasuot ng sunglasses na para bang galing silang ibang bansa
sa kanilang purmahan.

"Good Morning Fay," bati niya at aastang yayakapin ako ngunit naaalala ko kaagad na
siya ang dahilan kong bakit nakita ni Rihav ang kambal kaya umiwas ako ng
pagkakayakap. "Edi don't," napatingin ako sa kanya, "Charotness, ang aga aga tampo
kaagad. Wala naman akong ginawa ah."

"Good Morning Fay, may dinala kami for the twins." Si Zavia at binigay sa akin ang
paper bag, sa brand palang alam ko na ang mamahal n'on.

"Fay, what happened?" Si Zoe.

Hinarap ko si Amer na umiiwas ng tingin sa akin, "Amer, bakit mo sinabi?"

Painosente siyang tumingin sa akin na para bang wala siyang ginawa, "What? Anong
sinabi?"

"Bakit mo pinagtapat kay Rihav ang lahat tungkol sa kambal? Bakit mo sinabi? Amer,
ikaw ang pinagkakatiwalaan ko dito. Akala ko alam mo ang dahilan kong bakit ayaw
kong makita ng kambal si Rihav, hindi ko inakala na ikaw pa talaga ang magsasabi sa
kanya." Sumimangot ako.

Umiba ang mukha ni Amer. Guilty ang kumain sa kanya pagkatapos kong masabi iyon.
Kaagad niyang hinawakan ang magkabilaang braso ko.

"Pinilit niya ako, Fay. Wala akong magawa kundi sabihin, hindi niya ako papaalisin
kong hindi ko masabi sa kanya ang lahat. Noong una nagmatigas ako, pero pinalambot
niya ang puso ko. Ang gwapo kasi—pero totoo, pinilit niya ako. I try my best to
hide from him, pero wala nakita niya parin ako." sabi niya.

"Sana nilihim mo parin, Amer. Sana hindi sila nagkita ngayon—"

"OMG! Nandito si Kuya?!" sabay na sigaw nina Zoe at Zavia.

"Oo,"

Sabay silang napatampal ng kanilang noo, nagkatinginan silang dalawa. "Patay tayo
Zoe!"

"Talaga! Hindi natin sinabi sa kanya na alam natin kong nasaan si Fayre." Si Zoe.

Nagmadali ang dalawa sa pag-ayos ng kanilang mga dala. Si Amer naman ay humihingi
ng tawad sa akin dahil sa kanyang ginawa. Wala naman akong nagawa kundi patawarin
siya, sa tingin ko hindi ko makakayang buhayin ang kambal kong wala sa tulong ni
Amer. Tinuring ko na siyang pamilya kahit sobrang arte niya sa akin.
Kung tutuusin ay maayos din kahit papaano na sinabi niya iyon kay Rihav. Nakilala
nang dalawa ang tunay nilang ama, naging kompleto ang buhay nila. Ang kininatatakot
ko ngayon, papaano kong malaman ng pamilya ni Rihav na may anak siya. Paano kong
papapiliin siya at ang tunay niyang pamilya ang pipiliin niya, masasaktan ang mga
anak ko. Huwag naman sana mapunta sa pagkakataon na 'yon.

"Fay, I think we really need to go. Patay kami kay Kuya." aligagang sabi ni Zavia
habang naglalagay ng lipstick sa kanyang labi.

"Wow nagawa mo pa talagang maglipstick sa pagkakataon na ito, nandito si Kuya sa


loob ng bahay na ito Zavia kaya dali'an mo na."

"Kalma twinny." Tinapos niya ang paglalagay at nagpaalam na.

"Zavia, Zoenna." Napahinto ang dalawa sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon
mula sa aming likuran.

Napalingon kaming apat. Nakita namin si Rihav at ang kambal na nasa hagdan. Pababa
na sila tatlo habang hawak hawak ni Rihav ang dalawa sa kanilang kamay. Sina Zavia
at Zoe naman ay mukhang nakakita ng multo ng makita ang kapatid nila.

"Tata Zavia Tata Zoe!" tumakbo si Hera papunta sa dalawa at niyakap ang dalawa na
hindi padin alam ang gagawin.

Ang mata ni Rihav ay nakatingin sa dalawa. Binuhat ni Zavia si Hera at naglakad


papalapit kay Rihav. Binati niya ang kanyang kuya at dinampian ng halik sa pisngi
na parang wala silang ginawang pagtatago. Patagong sininyasan ni Zavia si Zoe na
gawin din ang kanyang ginawa. Nilambing ni Zoe ang kanyang kuya para makuha ang
pagseseryoso ni Rihav.

"We'll talk later." Matigas na sambit ni Rihav sa kambal at tumalikod.

Pumunta ang dalawa sa akin, "We need your help Fay, paamuhin mo ang drago please."
Nakangusong sabi ni Zavia.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pumunta kami sa gawi nina Rihav. Hindi pinansin
ni Rihav ang kanyang dalawang kapatid habang kumakain kami, nakatuon lang ang
kanyang atensyon sa dalawa na sinusubuan niya. Natapos kami sa pagkain, sunod na
dinala ni Rihav ang kambal sa itaas na hindi man lang tinignan ang dalawang kapatid
niyang kambal.

Nakanguso ang dalawa ng hindi sila pinansin ni Rihav, tumingin ako sa kanila at
hinawakan ang kanilang balikat.

"Hayaan niyo, ako magpapaliwag sa kanya. Prinotektahan niyo nalang naman akong
dalawa at ako ang pumilit sa inyo na huwag sabihin kay Rihav ang nalalaman niyo."

"Ayoko kong kaaway si Kuya, kakampi namin siya." si Zavia.

"Ako bahala sa inyo, nag-iinarte lang si Rihav." Sabi ko na kaagad akong niyakap ng
dalawa.

****
Very busy, dami kong school activities and paper works. Malapit nadin Finals namin,
baka this april wala na kaming pasok doon na ako makakafucos. Sa mga galit na galit
at gustong manakit dahil walang update, mga besh kalma muna. Okay? HAHAHAAHAHAHAH

Kabanata 16

Kabanata 16

Hindi na mapakali sina Zoe at Zavia. Hanggang ngayon walang epekto ang ginagawa
nilang panglalambing sa kanilang Kuya. Hindi din ako makasali sa kanila dahil
nakatuon si Rihav kay Hera at Hacov. Masayang masaya si Hacov dahil pinahiram siya
ni Rihav ng mamahaling cellphone nito, may kung ano silang pinapanood na tutok na
tutok silang tatlo.

"Kuya, talk to us." Sabi ni Zavia habang nakahiga sa likod ni Rihav at nag-iinarte.

Nakadapa si Rihav sa kama kasama ang dalawang batang nakadapa din habang nanonood.
Ang dalawang kapatid na kambal naman ni Rihav ay ginugulo siya. May pa hampas
hampas sa likod ni Rihav, may kung ano pang papansin para kausapin sila. Pero wala
padin, sadyang matigas si Rihav. Mabuti na nga lang sina Hacov at Hera ay nawiwili
sa kakapanood, hindi nila pinapansin ang kanilang dalawang tata na hindi na
magkanda-uga-uga.

"Kuya naman eh, talk to us!" batang boses ni Zavia habang hinahampas ng unan si
Rihav.

"Kuya..." Si Zoe.
Nakasimangot ang dalawa na hindi padin pinapansin ni Rihav. May kung anong naisip
si Zoe dahil sa pagngiti nito mula sa pagkakatulala, hinila niya si Zavia na
hinampas si Rihav. May kung ano siyang binulong sa kambal na kaagad kinangiti din
ni Zavia at sabay apir sa isa't isa.

"Fayre!" tawag sa akin ni Zavia at ngumisi, "We have something to tell you, matagal
na sana naming sasabihin kaya lang may isang taong pumipigil sa amin. But know, I
felt like it's the right time. Right, Zo?" pinagdiinan talaga ni Zavia ang isang
taong pumigil sa kanya.

Doon nakuha niya ang atensiyon ni Rihav, napatingin ito sa kanila.

"Yes, sister. Agree na agree ako. Tara na, Fay." Hinila ni Zoe ang kamay ko, akmang
tatayo na ako sa kinauupuan ko ng hilahin din ni Rihav ang kabilang kamay.

"Please stop you two. Sa bahay tayo mag-uusap kapag nakauwi ako, stop being
childish Zoe and Zavia." Mariin na sambit ni Rihav.

Hindi naman ang salita ang dalawa at binitawan ang kamay ko, tila nasindak sila sa
sinabi ni Rihav. Nagpaalam ang dalawa na uuwi ng Manila dahil sa kani-kanilang
trabaho, doon ay pinansin na sila ni Rihav at pinalahanan na mag-ingat. Hinatid
namin sila sa labas ng bahay kasama sina Hacov at Hera. Maging si Amer ay uuwi din
sa Manila dahil may fashion show daw sila ni Zavia.

"Ikaw, Kuya. When ka uuwi sa Mansion?" tanong ni Zoe, si Zavia tuluyan ng


nakapasok.

"No time." Simpleng ani Rihav.


Bumuntong hininga si Zoe at muling dinampian ng halik ang pisngi ng kanyang Kuya.
"Sige Kuya, alis na po kami." At tuluyan na siyang pumasok sa loob ng sasakyan.

Kumuway naman sina Hacov at Hera sa nilang tata at kay Amer, pumalayo na nang
pumalayo ang sasakyan hanggang sa nawala. Masaya at excited na hinila nang dalawa
si Rihav papabalik sa loob ng bahay. Kaagad na hiniram ni Hacov ang cellphone nito
at pinahiram naman iyon ni Rihav. Nag-aagawan pa sila bago pumunta sa itaas para
manood.

Naiwan kaming dalawa ni Rihav, umiwas ako ng tingin at nagtungong kusina. Ramdam ko
ang kanyang pagsunod sa akin likod. Nakalimutan ko na tuloy kong anong gagawin ko
ngayon dahil sa kanyang presinsiya.

"Kailan ka babalik ng La Fera Dos?" hinarap ko siya at tinanong.

"I don't have plans for now, I just wanted to be with my kids." Sagot naman niya.

"Paano ang pamilya mo sa Manila? Paano kong hanapin ka nila?" muli kong tanong.

"Let's just talk about OUR family, Angel." Seryoso niyang sabi.

Hanggang ngayon iniiwas niya ang tanong na 'yon. Bakit hindi na lang niya sabihin
ang totoo? Bakit dami pa siyang palusot? Hindi ko gusto na dadating sap unto na
kapag umalis siya wala akong masabing alibi para sa mga anak ko. Ayaw kong malaman
nila na may ibang pamilya ang tatay nila.
Hindi na ako nagsalita pa at nagtungo na sa sala. Umupo ako sa kawayang upuan at
binuhay ang TV. Umuga ang ipinuupan ng sumampa din si Rihav. Ramdam kong nakatingin
siya sa akin kahit na nakatitig ako sa TV. Wala naman akong maintindihan sa palabas
dahil nasa kanya din ang atensyon ko kahit nasa iba tumitingin ang aking mga mata.

"By the way, sinabihan ko na si Haiden na hindi ka na muling papasok sa trabaho


mo."

"Ano?!" hindi maiwasang tumaas ang aking boses.

Wala na akong trabaho?! Papaano ko mabubuhay ang mga anak ko kapag ganon? Iyon na
nga lang ang trabaho ko tapos mawawala pa! Kasalanan ito ni Rihav eh, Bakit pa ba
siya nangingi-alam?! Labas na siya sa buhay ko, kung gusto niyang makasama ang mga
anak namin pwede naman iyon pero dito lang sa bahay. Hindi na ako kasama doon,
labas na ako.

"I am here, you don't need to work. I can provide you and the twins. Hindi mo na
kailangan pang magbanat ng buto kung kaya ko naman kayong tustusan, huwag mo ng
kontrahin, Fay. Gusto kong bumawi sa lahat ng ginawa ko sayo noon." Huminto siya at
bumumuga ng hangin, "I'm sorry..."

"Bumawi ka sa anak mo, Rihav. Huwag mo silang paasahin, huwag mo silang sasaktan
dahil kapag nangyari 'yon, pasensayahan na lang tayong dalawa."

Kita ko kong paano siya napahinto sa sinabi ko, napalunok din siya. "Gusto ko ring
bumawi sayo, Fayre. Hindi lang sa mga anak natin, sayo din. I want you back,
Angel."

"Hindi ka ba nag-iisip, Rihav? May asawa kana, may gana ka pa talaga gawin akong
kabit?!" sabay hampas ko sa matigas niyang dibdib.

Mukhang wala na siyang sakit dahil hindi na siya gaanong mainit hindi kagaya
kagabi. Kaya ngayon ang lakas ng loob niyang sabihin ang mga katagang iyon sa akin.
Kung hindi lang siya nagkasakit at umuulan ng gabing iyon baka hanggang ngayon
hindi niya pa kasama ang kambal.

"Wala akong balak na gawin kang kabit, ikaw lang naman ang minahal ko Fayre kaya
ilabas mo ang katagang iyan sa utak mo. Dyessie is not of our topic. Hindi natin
siya pag-uusapan, pag-usapan natin ang tayo."

"Anong labas? Hindi mo ba naalala lahat ng sinabi mo sa gabing sinabi mo sa lahat


ng tao sa mansion niyo na ikakasal kana? Ginawa mo sa akin bago mo inannunsiyo
iyon? T-tinawag mo akong m-malandi, sinabi mo p-pera lang ang h-habol ko sayo at
kung anong pang m-masasakit na b-binitiwan mo?! T-tapos n-ngayon gusto mong b-
bumalik ako sayo ng ganon k-kadali?" nagsimula na akong humikbi sa harapan niya.

Lumapit siya sa akin, ako naman ay umatras nang umatras hanggang sa dumapo ang dulo
ng upuan sa aking likod. Tuluyang nakalapit sa akin si Rihav, hinawakan niya ang
aking kamay, dinala niya iyon sa kanyang labi at hinalikan.

"Sorry, nadala ako sa emosiyon ko nang araw na iyon. Nagpaapekto ako sa sinabi nang
mga tao tungkol sayo. Sorry, dahil hindi ako naniwala sa mga paliwanag mo at
nasilaw ako sa kasinungalingan. That was my fault before, do whatever you want to
do Fayre, huwag lang iwan ulit ako." puno ng emosiyon niyang sabi habang
nangingilid ang kanyang mga luha.

Ang dalawang kamay niya ay nakasakop sa kamay ko. Nakadikit iyon sa kanyang bibig
at parang wala siyang balak bitiwan iyon. Nakailang beses din akong sumubok na
kunin ang kamay ko ngunit nabigo lamang ako. Nagkakatitigan kaming dalawa. Hindi ko
alam kong anong sasabihin ko, nawalan ako ng salita. Nagdadawang isip din kung
maniniwala o hindi.
Isang beses na akong nasaktan at nadurog dahil sa kanya. Nakaramdam ako ng sakit at
pighati. Nagkandapatong patong ang masasakit na nangyari sa akin dahil sa gabing
iyon. Ngayon, narito ulit siya sa harapan ko. Ang dating Rihav na minahal ko.

"I want you back, Angel. I want you back..." sambit niya at hinila ako papunta sa
kanyang bisig.

Napapikit ako sa kanyang yakap. Tumulo ang luha sa aking mata. Niyakap ko siya
pabalik at pinakiramdaman ang kanyang katawan. Nagmumukha akong maliit sa tuwing
kayakap ko siya, ang laki ng katawan niya mas lalo naging masculado.

"Please say you want me back, I will do my best for your forgiveness. I will do my
best..." bulong niya sa tenga ko.

"Gawin mo Rihav, Prove us. Hindi lang ako maging ang mga anak mo."

"Mga anak natin." Pagtatama niya at hinalikan ang aking pisngi.

KINAGABIHAN ay sabay sabay kaming kumain. Buong araw ay nasa silid kaming apat,
walang ginawa kundi magkwentuhan at manonood ng pinapanood nila Hacov at Hera. May
tumawag pa sa aking customer na magpapalaba, gusto ko sanang kunin dahil wala na
naman akong trabaho. Ngunit hindi ako pinayagan ni Rihav, pinaalis niya ang tumawag
sa bahay. Wala na akong magawa kundi makisali sa kanila.

"Nanay, sarap po ng ulam natin." Bibong sabi ni Hera habang nginunguya ang fried
chicken na pinadala ni Rihav sa tauhan niya.
Ngumiti ako sa kanya at muling kamain. Napatingin naman ako kay Rihav na kumain
din, nakakamay kaming lahat. Hindi sanay si Rihav sa ganitong buhay, kaya alam kong
pinipilit niya ang kanyang sariling makigaya sa amin.

"Tatay, gusto ko parati ganito nalang ulam namin." Si Hacov.

Huminto si Rihav sa pagkain upang makapagsalita, "Bakit naman? Hindi healthy kong
ganito parati ang ulan, Hacov."

Ngumuso si Hacov, "Minsan lang kasi makakain ng ganito, kung nandito si Tata Zoe at
Tata Zavia o 'di kaya si Ninong Amer lang. Kung wala sila de lata ulam namin, pero
masarap din 'yon. Nakakain na kayo ng ganon tatay?"

Natigilan si Rihav at napatingin sa akin. Laki sa yaman si Rihav, alam namn niya
siguro ang de lata ngunit hindi lang talaga siya kumakain ng ganon. Noong nasa
mansion Madreal ako hindi basta basta ang ulam nila, may half-cooked, well-cooked
at madami pang iba na nakadepende sa taste nila. Lalo na ang Ina ni Rihav na
sobrang strikto sa ulam, nakailang tanggap din ako ng insulto sa kanya dati.

"Hindi pa, kapag magluluto si Nanay ng gan'on baka kumain ako." nakangiting ani
Rihav.

"Masarap magluto si Nanay, Tatay."

"Agree, masarap na masarap." Mag kung ano pang-inarteng ginawa si Rihav.


Muli kaming nagpatuloy sa pagkain. Nagdadaldalan ang dalawa kay Rihav hanggang sa
pinag-usapan nila ang nalalapit na karaawan. Nagulat si Rihav ng malamang malapit
na ang kaarawan ng kambal. Doon din pumasok sa isip ko na hindi ko pala nasabi sa
kanya ang tungkol doon. Kanina habang nanonood ang dalawa, panay tanong sa akin si
Rihav tungkol sa ugali ng dalawa niyang anak.

"Opo, tatay. Ilang araw na lang po birthday na namin ni Kuya Hacov. Gusto sana
namin malibot ang Mall doon sa La Fera Dos, kaya lang kapag napupunta kami doon ay
umuuwi din kami kaagad."

"Bakit naman? Gusto niyo ba doon tayo pupunta sa Birthday niyo?" presenta niya sa
kambal na kaagad nilang ikinatuwa.

"Opo! Opo Tatay! Gusto naming pumunta sa arcade! Sabi po kasi ng ibang bata na taga
rito na nakapunta doon maganda daw ang arcade! Gusto namin tatay!" masayang sabi ni
Hacov.

"Sure, kung 'yan ang gusto niyo pupunta tayo sa Mall."

Kaagad na nagdiwang ang dalawa sa sinabi ni Rihav. Hindi na ako sumabad at baka
sabihan pa nila ako na panira. Hinayaan ko sila at muling kumain. Natapos kami sa
pagkain, kaagad na umalis ang dalawa para maghugas ng kamay. Madudungis din ang
kanilang mga damit dahil sa pagkain.

Pumunta si Rihav sa itaas, pagkababa niya ay may dala na siyang damit ng dalawa at
tuwalya para sa half-bath nila. Sumama sila kay Rihav at siya ang nag-asikaso sa
dalawa, habang ako naman ay niligpit ang aming pinagkainan. Ngayon araw lang ako
nakaramdaman na magaan ang aking pakiramdam, iyong hindi puspusan ang trabaho ko.
Dati kasi halos hindi na ako makakain at makapagpahinga para lang makapagtrabaho
ako.
Natapos ako sa pagliligpit ay lumabas na sila galing sa cr. Medyo basa ang damit ni
Rihav, dahil siguro ay nakipaglaro siya sa dalawa. Tawang tawa ang dalawa kaya
sinakop sila ni Rihav sa magkabilaan niyang kamay at binuhat bago pinagigilan isa
isa. Hindi ko mabigalang mapangiti sa kanilang tatlo.

"Nanay, punta po tayo sa bahay ni Tatay." Si Hera habang naghahanda na kami sa


pagtulog. Apat kaming nagdito sa kama. Medyo masikip pero ayos lang din naman,
kasya naman kami. Nakayakap sa akin si Hera habang si Hacov naman kay Rihav, nasa
gitna ang kambal.

"Bawal, Hera."

Hindi ako papayag na pupunta ang kambal sa mansion Madreal naroon si Dyessie at ang
anak niya. Ayaw kong magkagulo gulo pa kami. Isa pa ayaw ko na makarinig ng kahit
anong masasamang salita ang dalawa kong anak.

"Bakit bawal nanay? Nasa La Fera Uno lang naman ang bahay ni Tatay."

Napatingin ako kay Rihav na nakayap kay Hacov. Nagulat ako sa sinabi ni Hera namay
bahay si Rihav dito sa Isla Fera. Laking Manila si Rihav, hindi niya kayang mawalay
sa pamilya niya pero bakit siya may bahay dito? Hindi naman niya alam na dito kami
nakatira, aksidente lang siguro lahat.

"May bahay ka dito?" tanong ko kay Rihav.

"Meron, ayaw kong pumuntang Manila kaya nagpagawa ako ng bahay dito." Sagot niya.

Tumango tango ako. Pinilit muli ako ni Hera sa kanyang gusto na pumunta sa bahay ni
Rihav, maging si Hacov ay nakisali narin. May paawa-awa pa si Hera sa akin at
hinalik halikan pa ang aking pisngi para mapapayag ako sa gusto niya. Napapikit ako
at bumuntong hininga, tumango ako bilang pagsang-ayon na pupunta kami sa bahay ni
Rihav.

"Yes!" sigaw ni Hera, tumayo siya at doon humiga sa katawan ni Rihav. "Tatay,
pumayag si Nanay! Pumayag siya! Pupunta tayo sa bahay niyo po." Sinakop pa niya ang
pisngi ng kanyang tatay.

Pinalupot ni Rihav ang kamay kay Hera at niyakap, "Yehey!" sabi pa niya.

Hinalik halikan niya sa pisngi si Hera at pinakawalan para makabalik sa pwesto niya
kanina na katabi ko. Muling yumakap sa akin si Hera at nagpaalam na matutulog na.
Dinampian ko ng halik ang kanyang noo, maging si Hacov ay pinatakan ko din.

Inayos ko ang aking pagkakahiga. Ramdaman ko ang pag-uga ng hinihingaan namin dahil
sa paggalaw ni Rihav. Sunod kong naramdaman ang kanyang kamay sa akin lingkod.
Sakop sakop niya kaming tatlo.

"Good night, Angel. I love you." dinig kong sabi niya.

Hindi ko na pinansin iyon at hinayaan ko nalang ang aking sarili na hilahin ako ng
antok.

***********

Hi! Sa mga wala pa sa gc, hindi naman kami super active. Chikahan lang ganon, pero
kung gusto niyo pong sumali. Just Pm me po, huwag niyo pong e'comment dito kasi iba
iba po iyong username po sa epbidotcom na name niyo. Nahihirapan ako mga sis!
Btw, Happy 40K HTBTwins! ILY🖤

Kabanata 17

Kabanata 17

"Kuya! Excited na ako." aligagang sabi ni Hera habang binibihisan ko siya.

Ngayon na ang araw na hinihintay nina Hera at Hacov, ngayon ang araw na pupunta
kaming mall sa La Fera Dos. Dalawang araw nalang din ay kaarawan na nila kaya mas
lalo silang excited, kita naman iyon sa magagandang ngiti nila. Doon nila gustong
ipagdiwang ang kaarawan nila sa bahay ni Rihav, noong una ay hindi ako pumayag.
Pero wala na akong magawa ng nagsimula nang mailing sina Hera at Hacov.

Nagkwentuhan din sila kung ano ang nasa bahay ni Rihav, mas lalo silang aligagang
pumunta doon. Noong una ay hindi ako sumasali sa kwentuhan nila, wala akong magawa
sa bahay dahil ayaw ni Rihav na may gawin ako iyon ang nag-udyok para making at
makipagkwentuhan narin ako sa kanila.

"Nanay, masaya ka ba?" sabay ng pagsakop ni Hera ng aking mukha.

"Opo, Hera. Masaya si Nanay." Ngumiti ako para ipakita sa kanya na masaya ako.

Ngumiti si Hera pabalik at lumundag na pababa sa kama. Sunod ay ang aking sarili
naman ang inayos ko. Naligo at nagbihis bago lumbas ng Cr, doon ko nakita si Rihav
na tapos na din sa pagbibihis. Nakasuot siya ng isang kulay itim na polo, hindi
gaanong hapit sa katawan niya. Naka-kulay balck na jeans at isang pares ng
mamahaling sapatos, ipinadala niya iyon sa assistant niya ng mapagdisisyonang
magtatagal dito sa bahay.

"Are you ready?" tanong niya sa akin.

"Oo," tipid kong sabi.

Wala na akong nilagay ng kung ano pa sa mukha. Nakasuot lang ako ng sampling off
shoulder dress na kulay dilaw at isang sandal na binigay ni Amer sa akin. Naglakad
ako papalapit sa dalawa na nakaupo sa kawayan naming upuan na parang naghihintay sa
akin. Inalalayan ko silang dalawa para makababa doon, hinigit ng kamay ko ang
shoulder bag sa gilid nila tsaka ko sinuot.

Sabay kaming lumabas ng bahay, medyo natigilan ako ng maramdaman ko ang kamay ni
Rihav na pumalupot sa aking beywang. Pero mas nakuha ang atensiyon ko nang mga
taong na nasa labas ng bahay namin, kay aga aga ha. Umiling ako at pumasok na sa
loob ng sasakyan ni Rihav.

Nasa kahabaan kami papuntang Isla Fera Dos, tahimik lang ako habang ang tatlo ay
kwento parin ng kwento na para bang hindi sila mauubusan ng kwento. Nagkukulitan
din sila kahit na nasa front seat si Rihav. Hinayaan ko nalang ang dalawa na aliw
na aliw sa ama.
NAKARATING kami sa parking lot ng Mall, naunang bumaba si Rihav at pinagbuksan kami
ng pintuan. Muling lumundag ang dalawa pababa, sumunod ako sa kanilang likuran.
Magkabilaang hinawakan ni Rihav ang dalawa papasok, habang ako naman ay nakasunod
sa likod. Pumasok kami sa loob ng Mall, kaagad ikinamangha ng dalawa. Kahit
dalawang beses na silang napunta dito hindi parin maalis ang kanilang pagkamangha,
kapag pumunta naman kami ay nauudlot din naman dahil kay Rihav. Pero ngayon, wala
na hawak hawak na sila ni Rihav.

"Talaga Tatay! Sa inyo ang Mall na ito!" gulat na ani Hera.

Maging ako ay nagulat din sa kanyang sinambit. Ibig sabihin, ito ang negosyong
sinasabi ni Rihav?! Ang Mall na ito?! Kaya pala kung maalakad siya sa loob na
parang hari dahil sa kanya din naman pala. Dito din kami unang nagkita, kaya pala.

"Tatay, buhatin mo ko," nakangusong sabi ni Hera.

Hindi ko alam kong saan kami pupunta, ilang minuto na kaming palibot-libot dito sa
Mall. Nakita ko naman na binuhat ni Rihav si Hera habang ang isang kamay niya ay
mahigpit na nakahawak sa kamay ni Hacov.

"Nanay, Tatay. Dito tayo pupunta. Diyan!" Turo ni Hacov sa isang store na puno ng
gadget.

"Okay," pag-sang-ayon ni Rihav sa gusto ng anak at pumasok sila doon.

Nilibot ng aking mata ang buong paligid. Puno ng cellphone ang bawat paligid, kaya
ang mata ni Hacov ay parang maluluwa na. Nilapitan ko ang isang cellphone nakagaya
ng ginagamit ni Rihav, halos ihampas ko papabalik sa pwesto nito ng makita ko ang
presyo. Talaga! 80 thousand para sa cellphone! Ilang taong grocery na sa amin 'yan!

Nakangusong kong tinignan ang cellphone, pinagana ko iyon. Hindi naman bago sa akin
ang cellphone dahil nakahawak nadin ako. Binalik ko iyon sa pwesto pagkatapos
tignan, tinuunan ko si Hacov na PUMILI NA NG CELLPHONE!

"Tatay! Ganyan po." Tinuturo niya pa.

Nagmadali akong pumunta sa gawi nila. Sinilip ko ang presyo at halos magmura ako sa
aking nakita.

"Hacov, hindi bibilhin ni Rihav 'yan." Sabi ko at pinigilan pa ang babae na kukunin
na sana.

"I will buy that, Angel."

"No! Ang mahal mahal." Tinignan ko ang babae, "Pakibalik nalang po, miss. Hindi po
mabibili 'yan." Sabi ko.

Muli kong hinarap si Hacov na nakayakap na sa binti ni Rihav na parang may kakampi
na siya sa lahat. Kinuha ko siya doon at binuhat para makaalis na kami. Dahil sa
ginawa ko nagsimula na siyang umiyak, nasa labas na kami ng store ay mas lalo
lumakas ang kanyang hikbi.

"Hacov, tahan na." palahaw kong sabi.

"Tatay, si Tatay..." hinanap niya si Rihav.

Ito namang si Rihav ay nagpakita din. Kaya papadyak-padyak si Hacov sa akin,


nasisipa na niya ako. Binaba ni Rihav si Hera na tahimik lang, magmadali siyang
pumunta sa amin at kaagad na kinuha si Hacov.
"Nasasaktan si Nanay, Hacov, tahan na." pagtatahan sa anak.

Umiling ako at kinuha nalang si Hera. Dinig ko paring ang pagpapatahan niya sa kay
Hacov na walang balak tumahan hanggat hindi nabibili ang kanyang gusto. Nakailang
hakbang na ako ng naramdaman ko ang pagpapalupot ng kamay ni Rihav na ikinatingin
ko sa kanya.

"Bilhin na natin 'yon, I can resist seeing him crying." Bulong niya sa akin.

Mariin ko siyang tinignan, "Hindi na, tatahan din 'yan mamaya. Namahangha lang siya
sa mga nakita niya, tsaka masira pa iyon sayang lang pera mo."

"Hindi naman siguro, gusto niya kasi 'yon. Sige na fay, para tumahan na siya."

"Nahihiya ka ba? Akin na siya, ako ng bahala sa kanya." Aastang kukunin ko na si


Hacov sa kanya ng inilayo niya sa akin ang bata.

"No, I didn't say that. Ayaw ko lang siyang nakikitang umiyak, kung kaya ko namang
bilhin sa kanya bibilhin ko para maging masaya sila ni Hera."

"Ayaw kong dadating ang panahon na isusmbat mo ulit ito sa amin, hindi kami ganon
Rihav. Natatakot ako, hindi lang ako ang masasaktan mo kapag nagkataon. Masasaktan
mo din ang mga anak ko."

Lumambot ang kanyang mukha at humigpit ang kanyang kamay sa aking beywang. Alam
kong masyado ko siyang pinapangunahan, pero nag-iingat lang ako. May mga anak na
ako, hindi lang ako nag-iisa, nariyan sila.

"No, I won't do that. Ayaw kong dadating sap unto na 'yon, sabi mo nga hindi lang
ikaw ang masasaktan, masasaktan din mga anak natin. Hindi na uulit 'yon, makikinig
na ako sayo, sayo lang ako susunod."

Bumuntong hininga ako at tinuonan si Hacov na panay ang hikbi sa balikat ng kanyang
ama. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinaharap sa akin. Naawa tuloy ako sa kanya,
mapupula ang kanyang mata at ang luha niya ay binabasa ang kanyang pisngi.
Pinunasan ko ang kanyang pisngi at lumapit para mapatakan ng halik ang kanyang
pisngi. Naramdaman ko namang dinampian ni Rihav ng halik ang aking ulo.

"Sige Hacov, pumapayag na si Nanay. Basta huwag kang magbababad baka manlabo ang
mga mata mo." Pumayag ako at pinalalahanan siya.

Ngumiti si Hacov at kaagad akong niyakap na nasa kamay ni Rihav. Pumikit ako habang
kayakap siya. Kagaya ni Rihav, hindi ko din gusto na nakikitang mga anak ko na
umiiyak.

"Salamat nanay! I love you!" sabi pa niya.

"Mahal din kita!"

Hinapit ni Rihav ang beywang ko at muli kaming bumalik sa store ng mga cellphone.
Nagulat ako ng dinampian niya ng halik ang aking pisngi habang papasok kami ng
store. Hindi ko nalang iyon pinansin. Pinauna namin sila para mapili ulit ni Hacov
ang kanyang gusto, tingin tingin kaming dalawa ni Hera sa loob. Mukhang walang
hindi intresado si Hera sa mga ganito, nanonood lang siya pero hindi naman siya
katulad ni Hacov na gustong gusto talaga.

Natapos ni Rihav mabili ang gusto ni Hacov ay sunod naming pinuntahan ay ang
department store. Pagpasok palang namin ay dinig ko na agad ang pagbati ng mga
impleyado ni Rihav sa kanya. Tinanguan niya lamang ito habang buhat buhat si Hera,
may lumapit pa sa kanyang babae na iba ang uniporme. Iyon siguro ang pinakamataas
ang posisyon sa lahat ng impleyado niya.

Bumaba si Hera habang nakikipag-usap ang kanyang ama at pumunta sa amin ni Hacov na
hawak hawak ang cellphone, hindi niya pa malalaro dahil wala pa daw app sa loob.

"Nanay, iyon ang gusto ko!" sabay turo niya sa likod ko. Napatingin naman ako doon,
ang mga tinuturo niya ay ang mga magagandang dress na sa kanyang edad. Na-
impluwensyahan siguro ni Zavia at Amer kaya nahihilig nadin si Hera sa mga ganyan.

"Tara, pumili ka bibilhan ka ni Nanay." Ani ko at dinala sila ni Hacov sa banda


doon.

"Wow! Shining Shining like a star!" sabi pa niya ng makita ang isang sparkled
boots.

Maging ako ay namangha din. Hanggang sa tuhod iyon ni Hera kung susuotin niya,
mukhang hindi naman siya mahihirapan dahil hindi naman gaano ka taas ang takong.
Kinuha ko iyon dahil niya abot, pasimple kong tinignan ang presyo. Kumalabog na
naman ang puso ko sa halaga ng isang boots, wala bang mura dito?!

"Nanay, bakit?" tanong ni Hera.

"Hindi kaya ni Nanay, mahal."

"Talaga? Awww, sa susunod nalang po." Sabay ng pagnguso niya.

Aakmang magsasalita na ako ng marinig namin si Rihav sa likod.

"God! I found you!" sabi niya at kaagad akong niyakap.

Kumunot ang noo ko, hinahabol na niya ang kanyang hininga at medyo pinapawisan na
din siya.

"Bakit?"

"I thought you leave me, sinuway kita sa gusto ni Hacov kanina. Akala ko hindi ko
na kayo makikita." Hinihingal niyang sabi.

"Hindi kami aalis, may gusto lang bilhin si Hera dito kaya pumunta kami. Pasensya
na hindi ako nakapagpaalam, busy ka kasi sa pakikipag-usap. Mukhang importante."

"It's okay." Dinampian niya ng halik ang aking pisngi. "What's the matter baby?
What do you want Hera?"

Tinuro ni Hera ang gusto niyang sapatos, "Iyon sana, kaso sabi ni Nanay mahal daw,
hindi niya kayang bilhin kaya sa susunod nalang po."

"Edi si Tatay ang bibili sayo," nakangiting sabi niya, kinuha niya ang sapatos at
binigay sa babaeng sales lady. Pinakuha niya ang sukat ni Hera, nakakagulat alam
niya dahil siguro may anak na siyang si Dion o magkasing pareho sila ni Hera.

"Yehey! Alam mo ba tatay, sabi ni Tata Zavia kapag nagmodel daw ako dadami ang
shoes at damit ko. Gusto ko po maging model para marami akong shoes at damit."
Kwento pa niya.

Kinuha muna ni Rihav ang sapatos na binigay sa kanya sales lady at binuksan bago
lumuhod sa harap ni Hera.
"Talaga? Gusto maging kagaya ni Zavia? Pwede naman pero huwag kalang gagaya sa
ugali niya." kanagising sabi niya.

Napakagat ako ng labi para mapigilan ang aking tawa. Simula dati bully siya sa mga
kapatid niya, natigil lang iyon dahil nalaman nilang may relasyon kami. Walang
magawa si Rihav kundi sundin ang gusto nilang dalawa dahil kung hindi, tapos kaming
dalawa. Pero mabuti naman dahil masunurin ang dalawa, akala ko nga dati iyon ang
magiging dahilan sa paghihiwalay namin. Iyon pala iba.

Pinasuot ni Rihav kay Hera ang sapatos. Manghang-mangha siya sa kanyang sapatos na
suot. May kung ano siyang ginawa na siguro ay tinuro sa kanya ni Zavia at Amer kaya
ang mga tao ay napatingin sa kanya.

"You look so pretty with that boots baby." Sabi pa ng kanyang ama.

Bibong nagflying kiss si Hera sa ama.

Hindi pa pala doon natatapos ang pagbili ni Rihav para sa dalawa. Kumuha pa talaga
siya ng malaking cart para sa bibilhin niya sa dalawa. Nakasunod lang ako sa likod
niya habang ang dalawa ay sakay sa cart na tinutulak ni Rihav.

"This suits for you Hacov, you must try this." Kinuha niya ang isang kulay blue na
polo na may polka dot na maliliit at inilapit sa katawan ni Hacov, "Perfect!" puna
niya at nilagay na sa cart ang napili.

"Angel, come here. I want to hear your advance about this two babies." Hinigit niya
ang kamay ko papalapit sa kanya ng makalapit ay pinulupot niya ang kamay sa aking
beywang.

Nilibot pa namin ang buong department store. Turo ng turo si Hera sa kanyang mga
gusto. May shoes, may bag at marami pang iba na hindi naman niya magagamit. Itong
si Rihav hala, okay lang ng okay kay Hera. Ibang iba talaga sila ni Hacov, ngayon
si Hacov naman ang walang pakealam. Tango lang siya sa mga napipili ni Rihav.

"Tama na 'yan, madami na malapit ng mapuno ang cart." Nakangusong sabi ko.

Gatumpok na ang damit sa loob ng cart, umalis na ang dalawa dahil wala ng malagyan.
Hindi naman nila magagamit 'yan sabay sabay, baka mabilis na paglakihan nila ang
mga damit masasayang din naman.

Sumang-ayon naman si Rihav sa sinabi ko. Tinulak niya ang cart papuntang cashier,
kaaagad na nagsipuntahan ang iba niyang empleyado at tinulungan siya sa paglalagay.
Ang sapatos na gustong gusto ni Hera ay hindi na nahubad, hanggang ngayon suot suot
niya.

"Tatay, babayaran niyo po lahat?" tanong ni Hera sa ama.

"Yes, I'll pay all of this."

"Diba sa inyo poi to? Bakit po kayo nagbabayad?"

"Tatay needs to pay all of this Hera, hindi ibig sabihin na akin ang mall na ito ay
hindi na ako magbabayad." Sagot ni Rihav sa inosenteng tanong ng anak.

"Ahh..." sabay ng kanyang pagtango.

Sinulit namin ang buong araw sa loob ng mall na pinag-aarian ni Rihav. Naglaro din
sila sa sikat na arcade, hindi magkanda uga-uga si Hacov at Hera habang nakasakay
sa gumagalaw na laruan. Naglaro din sila sa claw machine, nakakagulat lang dahil
marunong dumiskarte si Rihav kaya nakalimang stuff toys siyang nakuha.

Kinuha ko naman ang cellphone ni Hacov na binili sa kanya ni Rihav. Palihim ko


silang kinuhanan ng litrato habang nakadikit sa kanilang mga labi ang matatamis
nilang ngiti. Masaya nilang chi-ne-cheer si Rihav na makakuha ng isa pang muling
stuff toys. Nagsilundagan sila ng nagtagumpay si Rihav sa pagkuha ng stuff toys,
natawa naman ako. Napakagat ako ng labi ng maramdamang kumuha ako ng litrato at
dinig na dinig ang pagtawa ko.

"Tatay, uwi na po tayo sa bahay niyo. Pagod na pagod na ako." pinaypayan pa ni Hera
ang kanyang sarili.

Binuhat niya si Hera at pinunasan ang pawis gamit ang kanyang malapad na kamay.
"Pagod na pagod ang Hera ko ah, nag-enjoy ba ang princesa ko?"

"Opo tatay, masayang masaya ako!" sabay halik pa sa kanyang ama.

Hinanap ni Rihav ang isa niya pang anak at tinanong din kagaya ng tinanong niya kay
Hera.

"Opo Tatay, salamat po." Magalang na sabi ni Hacov.

"For my babies..." isa isa niyang hinalikan ang dalawa.

Sana mas lalong gumanda ang susunod na mga araw, iyong masaya kami. Walang sakit at
pighati kundi saya at pagmamahalan lang sa isa't isa. Sana nga talaga tutuhanin ni
Rihav ang lahat ng salitang binitawan niya, kapag nagkataon baka...mabigyan ko siya
ng ikalawang pagkakataon.

****

Kabanata 18

Shawarawt sa Team Barbie!

Arlene, Carlo, Chenchen, Jeff, Jinikie, Joseph, Joshua, Kate, Kussell, Ching,
Meigan, Mycka, Romelyn, Paclibar, Rosalia, Yannie!

Kabanata 18

"Wow! Ganda!" rinig sa boses at kita sa mukha ni Hera ang pagkamangha nang makita
ang malaking gate na nasa tapat namin ngayon.
Dito palang kami sa labas ay tanaw na tanaw na ang magarbong bahay ni Rihav dito sa
La Fera Uno Village. Noong nasa college days kami ni Sean palagi kong pinapangarap
na magtatayo ako ng bahay sa village na 'to. Hindi basta basta makakapasok dito,
puno ng security guard sa labas at may nakikita din akong naglilibot na mga guards.
Malalaking bahay din ang halos nakatayo sa village na 'to, wala atang maliit.

"Tatay, sayo ang bahay na 'yan?" sabay turo ni Hera sa malaking gate.

Akmang sasagutin na ni Rihav ang kanyang sagot ng bumukas ang malaking gate kaya
napatili siya at doon tinuon ang kanyang mata. Maging si Hacov ay napatayo sa
kinauupuan niya para makita ang pagbukas ng gate.

Laglag panga ako nang makita ang kabuuan ng bahay ni Rihav. Mas magarbo at malaki
pa ito sa mansion Madreal. Maganda ang pagkakadesenyo ng bahay, kitang kita na
isang magaling na arketikto ang gumawa. Nilibot ko ang aking mata, natagpuan ko ang
gilid ng bahay ay may isang malawak na swimming pool.

Binalik ko ang aking tingin sa dalawa na sa swimming pool din nakatingin ngayon. Sa
ilang taon nila sa mundo hindi pa sila nakakatampisaw sa swimming pool, sa dagat ng
La Azul siguro ay nakaligo na sila. Si Amer pa ang may pakana n'on, halos umiyak
ako sa kakahanap sa kanila dahil tinakas sila ni Amer. Kaya gan'on na lang ang
tingin nila ngayon sa swimming pool, parang gusto na nilang maligo.

"Tatay, pwede po kami doon maligo?" si Hacov kay Rihav.

"Pwedeng pwede, bukas na bukas maliligo tayo diyan. Hindi pwede ngayon dahil gabi
na, ayaw ko kayong magkasakit." Inayos ni Rihav ang buhok ni Hacov.

"Kuya! Excited na ako!" tili ni Hera sa loob ng sasakyan.

Napatapik naman ng tainga si Hacov at inilayo ang kanyang mukha kay Hera. Dinig ko
ang pagtawa ni Rihav sa dalawa. Mayroon talagang araw na magkabati sila, mayroon
din na hindi. Isa lang pinapaalala ko sa kanila, walang sakitan na mangyayari.
Hindi pwede hampas, kurot o kahit ano na pisikal na pananakit. Kaya kung may
nagtatampo sa kanila, tahimik lang tapos magbabati din kinalaunan.

Lumapit ang isang matandang babae sa amin at binuksan ang pinto sa gawi ko.
Nakangiting binati ako nang babae at gan'on din ang ginawa ko sa kanya. Ako ang
naunang lumabas bago ni Hera at Hacov. Hindi natagalan ay lumabas nadin ng
sasakyan.

"Pakikuha na lang manang sa likod ang mga gamit ng mag-ina ko." sabi ni Rihav sa
babaeng bumukas ng pintuan sa akin.

"Okay po, Sir." Umalis na siya.

Muling bumalik sa isip ko ang sinabi ni Rihav na mag-ina ko, bumilis ang tibok ng
puso ko. Nagtama ang paningin namin na kaagad kong binawi. Dala dala niya si Hera
habang hawak hawak si Hacov, ako naman ay nasa likod sabay kaming pumasok sa
malaking pintuan. Namangha ako sa loob ng mansion ni Rihav, sumisigaw sa ganda ang
bawal mwebles at gamit dito sa loob.

Sinundan ko si Rihav papunta sa itaas habang ang aking tingin ay nasa ibaba pa din
at tinitignan ang paligid. Dahil doon ay hindi ko namalayan na nasa taas na pala
kami at wala ng hagdan kaya natapilok ako, mabuti nalang ay mabilis na nakuha ni
Rihav ang beywang ko, hindi ako natuluyan sa sahig.

"Be careful, Angel." Dinig ko sabi niya.


Isang tango lang ang tinugon ko sa kanya at naiilang na ngumiti. Muli kaming
naglakad, hawak hawak ko na si Hacov at nakapulupot na ang kamay ni Rihav sa
beywang ko. Pumasok kami sa isang silid na halos lahat ay ng desinyo ay pambata,
mukhang pinasadya ni Rihay ang silid na ito para sa dalawa. Malawak ito, mas
malawak pa sa silid namin sa bahay.

Aligagang bumaba si Hera mula sa ama, kaagad na tumakbo siya papunta sa isang mini
castle na medyo malaki. Pinalandas niya ang kanyang kamay doon, nilibot niya ang
parte at may nakita siyang ikinatili niya.

"Nanay! Ito 'yon! Ito 'yon!" sunod sunod niyang bigkas habang hawak hawak ang isang
laruan na gustong gusto niya noong nasa pumunta kaming mall.

Hindi ko kaya ang laruan na 'yon, kaya ang sabi ko babalikan nalang namin sa
kaarawan nila para mabili namin. Pero hindi natupad dahil sa mga sumunod na
nangyari. Ngayon, ang gustong gusto ni Hera na laruan ay nasa kamay niya na. Maging
ang cellphone na gusto ni Hacov ay nasa kanya na, dahil kay Rihav.

Kahit wala naman siya kaya ko naman tustusan ang mga anak ko, kaya kong bilhin ang
mga gusto nila. Pero wala na, huli na. Nalaman na niya, hindi na siya titigil
hangga't hindi niya nakakasama ang dalawa niyang anak.

Ngumiti ako kay Hera, "Huwag mong sirain Hera, hindi sayo 'yan." Paalala ko sa
kanya.

"No, sa inyo 'yan lahat. Diba kwento mo sa akin Hera na gusto mo 'yan?" sunod sunod
na tumango si Hera habang yakap yakap ang laruan, "Binili ni Tatay 'yan sayo, lahat
ng nandito sa inyo."

"Talaga, Tatay? Itong castle? Itong kama? Itong laruan? Itong lahat lahat?"

Napasapo ako ng aking noo sa sunod sunod na tanong ni Hera sa kanyang ama. Ang
daldal, kanina pa sa mall wala siyang ginawa kundi magdaldal kay Rihav. Tungkol kay
Amer pinagsasabi niya rin kay Rihav, wala ka yatang matatago na secret okay Hera,
halos lahat sinasabi.

"Yes anak, Lahat lahat." Sagot naman ng kanyang ama.

Muli siyang tumili at pumasok sa castle. Si Hacov naman ay lumapit sa kama,


sumalampak siya doon at nilaro na ang cellphone na binigay ni Rihav sa kanya.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Rihav sa aking beywang kaya napatingin ako sa kanya.

"Gusto mong magpahinga?" Tanong niya sa akin.

Ngumuso ako at tipid na tumango.

"Tara,"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"H-ha?" Nauutal kong sabi.

"Sa silid natin, hayaan na muna natin sila. Maglalaro lang naman sila dito."

"Ha? Hindi dito lang ako, hindi ako samama sayo." agad kong tangi.

"We'll talk."

Bumuntong hininga akong tumingin sa dalawa. Kailangan nga talaga naming mag-usap ni
Rihav, para maklaro na lahat. Hindi naman ako ang tipo ng tao na hindi na
magpapatawad ng tao, hindi naman ako pusong bato. Kung deserve ng isang tao ang
second chance, bakit hindi ibigay diba? Iyon lang kailangang isipin ng mabuti,
nasaktan na ako ng isang beses, ayaw ko nang maulit pa.

Tumango ako sa kanya at nagpaalam kami sa dalawa na busy din sa kanilang ginagawa.
Iginaya niya ako papalabas sa silid nina Hera, sa hindi kalayuan naroon na din ang
sinabing silid ni Rihav. Pinauna niya akong pumasok, kalabog ng dibdib ko ang
namuhay sa aking buong katawan. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Ganito
naman kami ni Rihav dati, pero dati iyon nag-iba na ang kalagayan ngayon.

"A-anong pag-uusapan n-natin?" sambit kong kinakabahan.

Pinaupo niya muna ako sa kama, maging siya ay umupo din.

"Gusto lang kitang makasama, ma-solo. Kapag nandiyan ang dalawa nasa kanila parati
ang atensiyon mo. I know they are my children, but sometimes...I felt...jealous..."

"A-ano?" sabay iwas ng aking paningin.

Ang kambal pinagseselosan?! Grabe naman.

"What I mean is...nah, never mind."

"Ewan ko sayo Rihav, bakit ka nagkakaganyan? Hindi bagay sayo, parati kang galit
dati eh." At sinabayan ko pa ng pagtawa.

Kita ko ang pagseryoso ng kanyang mukha kaya natigil ako. Tumikhim ako at inayos
ang aking mahabang buhok. Naiilang na tinaas ko ang aking tingin para makita siya.

"Wala ba tayong pag-uusapan? Baka hinahanap na ako ng mga anak ko."

Hindi ko inasahan na mas lalo niyang dinikit ang kanyang katawan sa akin. Sinakop
ng dalawa niyang kamay ang aking katawan at dinikit din sa kanya. Niyakap niya ako
habang ang kanyang mukha ay nakatago sa aking balikat.

"Just for a minute, ako muna." Dinig kong bulong niya.

Dahil sa gaan ng pakiramdam ko tuwing niyayakap niya ako ay hinayaan ko siya,


hinayaan ko siya nayakapin ako. Hindi pa naghihilom ang sakit ng kahapon, ang lahat
ng pinagdaan ko, lahat ng paghihiram ay nakaukit parin sa puso ko. Pero sa tuwing
kayakap ko ang taong gumawa n'on, ay gumiginhawa at napapanatag ako.

Siya mismo ang dahilan ng aking ng pinagdaan ko pero pakiramdam ko siya din ang
magbubura nang lahat ng sakit na iyon.

Mahal ko parin siya...

Gustuhin ko man na burahin siya sa buhay ko ay hindi ko magagawa, dahil bubuntot


parin siya dahil sa mga anak namin. Kung ang anak namin ang dahilan kung bakit siya
bumalik sa buhay ko, bakit siya ganito sa 'kin? Mahal niya ba talaga ako? Madaming
tanong na bumabagabag sa isip ko pero si Rihav lang makakasagot ng lahat.

"Tapos na?" tanong ko ng mamalayan na matagal na siya sa pagkakayakap.

"Another few minutes, I miss hugging you so bad. Hug me back, I miss your hug."

Parang may sariling isip ang aking kamay, kusang tumaas ito at sinunod ang utos ni
Rihav na kayapin siya. Pumikit ako, dinamdam ang bawat oras na kayakap siya. Hindi
ko alam kung ilang minuto o oras kami sa gan'ong posisyon. Hinayaan ko lang ang
sarili ko sa gusto niya, nilimot ko kahit sandali ang sakit sa loob ko kay Rihav.

"Thank you, Angel. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo. I will not do the
same mistake again, this time I will do my very best, to be a better person. Hindi
na kita ikukulong sa palad ko kung iyan ang iniisip mo, Malaya ka nang gawin lahat
ng gusto mo, huwag lang ang iwan ako." Madamdamin niyang sabi.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Tahimik lang ako sa buong oras na magkayakap kami, hanggang sa siya na mismo ang
kumuwala. Tinignan niya ako sa mata, kitang kita ko ang namumuong luha sa gilid ng
kanyang mata. Kinulong ng kanyang kamay ang aking pisngi bago magsalita.

"Huwag mo 'kong iiwan ulit ha," sabi niya.

Kahit hindi sigurado sa sagot ay ngumiti ako sa kanya at tumango. Wala akong alam
sa susunod na mangyayari, pero sa ngayon hindi ako aalis. Hindi lang naman ako ang
masasaktan, iniisip ko din ang mga anak ko na mahihirap sa sitwasyon.

"Thank you, I love you." sambit niya at dinampian ng halik ang aking pisngi.

Dahil doon ay nabigla ako, hindi naman niya ako binigyan ng pagkakataon para
makawala sa kanya nang muli niya akong niyakap. Sunod sunod na katok mula sa pinto
ang narinig namin, kumuwala si Rihav sa pagkakayakap para buksan ang pinto.
Bumulaga sa amin si Hera at Hacov kasama ang dalawang babae, base sa uniporme nila
ay mga katulong ni Rihav dito sa loob ng bahay.

"Nanay! Akala ko iniwan mo 'ko." Tumakbo si Hera habang umiiyak at niyakap ako sa
beywang.

Nakaupo ako sa kama kaya naabot niya ako. Niyakap ko siya pabalik at inayos ang
kanyang buhok.

"Sabi sayo hindi umalis si Nanay, Hera." Sabi ni Hacov na nasa kanyang ama.

Sinakop ko ang mukha ni Hera at pinatingin sa akin. Namumula ang kanyang mata, basa
ang kanyang mukha, at sumisinghot pa. Pinunasan ko iyon gamit ang aking kamay at
inayos ang kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha.

"Tahan na, hindi ka iiwan ni Nanay." Sabay halik sa kanyang pisngi.

Tumango-tango naman siya sa akin sinabi at muli akong niyakap. Nakatitig lang ang
dalawang lalaki sa amin ni Hera nang tinawag kami ng isang kasambahay ni Rihav para
kumain ng hapunan. Naunang kaming bumababa ng mga bata dahil inasikaso pa ni Rihav
ang kanyang sarili.

Muli akong namangha pababa sa hagdan ni Rihav. Tanaw na tanaw ang buong maligid ng
bahay. Hindi kapani-paniwala na siya lang ang naninirahan dito. Hindi ba
nakakaburyo kapag nag-iisa kalang sa malaking bahay? Sa amin nga na maliit kapag
mag-isa lang ako, nabuburyo na kaagad ako. Ano pa kaya kung ganito kalaki diba?

"Ma'am dito po," Giya sa amin ng babae.

Sinunod namin siya, doon bumungad sa amin ang mahabang mesa. Maraming pagkain ang
nasa hapag, mukhang may pyesta sa handa, hindi naman kami gan'on kalakas kumain.
Naunang tumakbo ang dalawa dahil sa kanilang nakita, hindi naman ito ang unang
pagkakataon na nakakita sila ng ganito karaming pagkain, siguro namangha lang.

Napasapo ako ng tingin habang paupo sa upuan dahil sa dalawa na nagbabangayan na


naman kung ano ang pipiliin nilang ulam. Ang mga kasambahay naman ni Rihav ay hindi
maitago ang ngisi dahil sa dalawa na nagdadaldalan sa harap ng pagkain.

"Masarap po ba 'yan Miss?" dinig kong tanong pa ni Hera sa isang babae sa gilid.

"Opo, masarap."

"Gulay lahat tapos masarap? Mukhang nagsisinungaling ka Miss, natikman mo na ba


'yan Miss?" muling tanong ni Hera, sinuway ko siya sa pagiging madaldal niya. Hindi
namin ito bahay.

Tumawa ang babae bago nagsalita, "Natikman ko na 'yan Ma'am, masarap 'yan super."

"Hala, hindi po ako teacher, huwag mo po akong tawagin Ma'am. Hera po pangalan ko,
ikaw po?"

Natawa ang babae at maging ang kasamahan niya, may kung ano ang binulong ang isa
niyang kasamahan na kinatango ng babaeng kausap ni Hera kanina. Sinuway ni Hacov
ang kapatid, hindi nagpaiwat si Hera at inirapan si Hacov. Nagulat ako ng kinurot
ni Hacov ang braso ni Hera kaya umalingasaw ang kanyang pagsigaw.

Mariin akong pumikit at pinigilan ang aking sarili na magalit sa kanilang inasta.
Tatayo na sana ako sa aking kinuupuan ng makita ko si Rihav na tumakbo papunta sa
gawi namin. Wala siyang damit na pang-itaas at kitang kita ang pagmamadali niya.

"What happened?" alalang tanong habang nakatingin kay Hera.

"Si Kuya, kinurot ako dito," sabay turo sa kanyang kamay. "Masakit, Tatay."

"Hacov," sa boses ni Rihav nag-aalangan siya kung ano ang sasabihin niya.

"Nang-irap siya Tatay, bastos 'yon. Ako ang Kuya niya, tapos iniirap-irapan niya
ako." paliwanag naman ni Hacov.

"Hindi mo pa rin dapat ginawa!" sabad ko na kinatingin ng lahat sa akin, "Diba


paalala ko, walang sakitan sa iyong dalawa? Hacov, Hera. Ano ang gagawin niyo?"
bawi ko nalang ang aking sasabihin, maraming tao ang narito. Dinisiplina ko ang mga
anak ko pero hindi sa lahat ng tao na nandidito ngayon, iba iba ang utak nila kaya
iba iba din ang iisip nila kapag nagkataon na pinagalitan ko ang dalawa.

"Sorry na, Hera. Hindi ma-uulit, huwag mo kasi akong irapan." Nauna si Hacov sa
pagsasalita.

Tumahan ng kakaiyak si Hera, itanaas ni Hacov ang kanyang kamay at pinalandas sa


bahaging kinurot niya. Kita kong pinisil niya ng kaunti na parang minamasahe ang
braso ng kanyang kakambal. Dinig ko ang pagbuga ni Rihav ng hangin bago siya umupo
sa palaging pwesto ng kalalakihan tuwing kumakain.

"I thought something bad happen." Bulong ni Rihav ng makaupo.

Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nagkukwentuhan na naman sina Rihav


at kambal na parang walang naganap kanina. Maging ang mga kasambahay sa gilid ay
sinasama ni Hera sa kwentuhan. Mabuti nalang hindi naiinis ang mga kasambahay sa
daldal ni Hera, sinasagot naman nila mga tanong nito.

"Hala, wait Nanay, sino ulit pangalan mo?" tanong niya sa Mayordoma ng mansion ni
Rihav. Papaalis na sana kaming dalawa, dahil nauna na sina Rihav sa taas.

"Inesya ang pangalan ko Hera, pero tawagin niyo nalang akong Nanay Nesya."
"Nanay nadin kita?" Inosente niyang tanong na ikinahalakhak ng babae, "Si Nanay
lang nanay ko po." Sabay yakap niya sa beywang ko.

"Nakong bata ka, sige Nesya nalang para bagets ako." humahalakak na sabi ni Nesya.

"Ayos, Nesya." Sabay thumbs-up ni Hera.

Ngumiti si Nesya sa kanya, maging sa akin ay ngumiti din. Nagpaalam na kami sa mga
kasambahay na nandoon at pumunta na sa itaas. Naligo sila at si Rihav ang nag-
asikaso sa kanila. Natapos sila ako naman ang nagpabihis. Nakasuot na sila ng
pajama at himga na sa malambot na kama. Itinaas ko ang kumot hanggang sa kanilang
dibdib.

"Dito ka matulog Nanay, hindi ako sanay wala ka sa tabi ko." Si Hacov, akmang aalis
na ako.

Nagkatinginan kami ni Rihav. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Mukhang wala
siyang magagawa, hindi matutuloy ang gusto niyang doon ako matulog sa kanyang
silid.

"Dito kami matutulog ni Nanay." Hinila pa ako ni Rihav pabalik at humiga kami sa
magkaibilaang dalawa.

**********

Happy 5K Followers! Salamat sa inyong supporta, sa mga hindi nakaalam, gumawa ako
ng group sa fb, search niyo lang Byuls of 3rithrea, sa mga gusto lang namang
sumali. ILY!

-Threya.

Kabanata 19

Kabanata 19

"Birthday na namin!" sigaw ni Hera, tatlong araw na ang nakaraan simula dumating
kami dito sa bahay ni Rihav. Talagang kaarawan na nila, kahapon palang ay aligaga
na siya at paulit-ulit na kaarawan na nila.
"Talaga, Hera?" tanong ni Lily, isa sa kasambahay ni Rihav.

Limang tao ang narito sa bahay ni Rihav para mapalagaan ito tuwing nililisan niya
ang Isla Fera. Sa ilang araw namin sa bahay na 'to ay nakikilala na namin ang bawat
tao. Nagiging close na nga ni Hera dahil siya ang araw araw na sumasama sa mga
kasambahay at nagkukuwentuhan kahit na alam kong nakakaabala na siya.

Simula noong napunta kami dito, hindi na umaalis si Rihav pwera nalang kung
talagang kailangan talaga siya sa trabaho niya. Akala ko ang mall lang iyong
pagmamay-ari niya dito, mayroon din pala siyang farm dito sa La Fera at may share
sa isang hotel na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan niya na under construction
ngayon sa La Fera Dos.

Nakakabilib lang si Rihav. Dati palang maalam at magaling na siya sa business


industry, ngayon ang tayog na nang narating niya. Ano kaya ang nararamdaman ni
Senyora ngayon? Siguro sobrang proud niya sa anak niya kahit matigas ang ulo noon.

"Angel, aalis muna ako." bulong ni Rihav sa akin.

Napatingin ako sa kanya, "Saan ka pupunta?" tanong ko, kaarawan ng kambal kaya
nagtaka ako.

"Buy them gifts. Hindi naman kita masasama dahil alam kong hahanapin ka nila, mas
mabuting ako nalang ang aalis para hindi nila mahala."

"May supresa ka sa kanila?" muli kong tanong na ikinatanggo niya, hindi ko


maiwasang mapangiti.

"Ako ang bahala sa lahat, huwag mo silang papalabasin sa pool area. They already
decorated the balloons and some stuffs there. They already cooked and all, kukunin
ko lang ang cake."

"Sana, hindi ka nalang naggastos pwede namang spaghetti. Masaya na sila,"


napatingin ako sa dalawa na nakadapa sa malapad na sofa ni Rihav, nanonood sa
cellphone.

"They are already four years old, but my first experiencing their birthday. I want
them to feel my love, nawala man ako sa buhay nila sa mahabang panahon, sana
tumatak sa isip nila na nakasama nila ako at maligaya ang kanilang kaarawan sa
piling ko." paliwanag niya.

Sa mga araw ko dito sa loob ng mansion ni Rihav, nakikita ko talaga ang pagiging
soft niya. Hindi na iyong harsh magsalita, alam niyo 'yon nakakabasag baso. Iwinala
ko lang iyon noong sinagot ko, ngayon parang dumoble ang kanyang pagiging
malambing. Palaging parang hinaplos ang puso ko sa mga matatamis niyang salita,
iyon ang kinababahala ko sa mga susunod na araw.

"Bahala ka kung 'yan ang gusto mo."

"I really need to go," nagulat ako nang bigla niyang hinalikan ang pisngi ko bago
pumunta sa dalawa sa dalawa para magpaalam. Kita ko ang paghalik sa kanya ng dalawa
at bumalik na din sa gawa ko. Muling nagpaalam at tuluyan ng lumabas sa malaking
pintuan.

Naglakad ako sa dalawa at nakinuod sa kanilang pinapanood. Ilang minuto kami sa


ganoong posisyon ng nagpasya akong maligo na sila para pagkadating ni Rihav ay
maayos na silang dalawa. Hindi naman sila umangal at nag-excite pang maligo dahil
magbababad na naman sila sa malaking bath tub sa kanilang silid.
"Bakit wala pa si Tatay? Sabi niya babalik siya kaagad." Sambit ni Hera habang
inaayusan ko ang kanyang buhok.

"Mamaya babalik na si Tatay Hera." Si Hacov,

Ipinagpatuloy ko ang pagtitirintas ng kanyang buhok hanggang sa natapos at inayos


ko ang kanyang dress. Noong una ay nagtanong siya kung bakit ganito ang kanyang
damit at wala naman kamng pupuntahan, ang sabi ko lang ay kaarawan nila kaya
kailangan nilang maging maganda at pogi.

"Nanay, kuhanan mo kami ni Kuya Hacov ng larawan."

Ngumiiti naman ako at tumango. Binigay ni Hacov sa akin ang cellphone, bago pumunta
sa gilid ni Hera. Ipinaayos ko sa kanila ang kanilang posisyon bago ko ipindot para
makuhanan sila ng magandang litrato. Hindi ko alam kung ilang shots ang nakuha ko
basta alam ko ay magaganda ang mga iyon.

Iniwan ko muna sila saglit para ang sarili ko naman ang aking aasikasuhin. Kagaya
ni Hera nagsuot din ako ng dress na kulay puti. Wala naman akong gan'ong dala na
damit. Bumalik ako sa kanilang silid at natawa ako sa aking nasaksihan. Si Hacov na
todo kuha ng litrato kay Hera, habang si Hera naman ay pose din nang pose.

Nang makita ako kaagad silang umayos, "Patingin nga," kinuha ko ang cellphone kay
Hacov.

Halos tumawa ako ng makitang half lang ng ulo ni Hera ang kita sa halos litratong
nakuha ni Hacov. Dahil doon ay pinanggigilan ko silang dalawa at dinig ko naman ang
kanilang tawa. Ilang minuto kaming naroroon ng tinawag na kami ni Lily, alam ko
naman ang ibig niyang sabihin kaya dinala ko na ang dalawa sa baba.

Nakaharang ang makapal at malaking kurtina sa parte ng swimming pool area dito sa
loob ng bahay ni Rihav kaya hindi natataw ang nandoon, wala din silang kaalam-alam
sa mga nangyayari. Dinala ko sila sa pool area, may kung anong pumutok kaya maging
ako ay napatalon din sa gulat.

"Happy Birthday!"

Nagulat ako sa aking nakita, ang akala ko kami kami lang. Iyon pala may apat
pangkalalakihan na kasama si Rihav sa pagsigaw n'on. Kaagad na tumakbo ang dalawa
papunta sa kanilang ama, naiilang naman ako ng makita si Sir Haiden at Sean na
narito din kasama nag mga pamilyar na kalalakihan na umiinom din doon sa club
highden.

"Tito Semon!" sigaw ni Hera na umalingasaw sa lugar. Niyakap ni Hera si Sean at


sinulian naman ito ng lalaki.

"Tama na 'yan, anak ko 'yan hindi sayo." At talagang kinuha ni Rihav ang anak kay
Sean.

"Fay! Come here!" sigaw ni siya at pinaypay pa ang kanyang kamay.

Naiilang na pumunta ako sa gawi nila. Nahihiya ko pang tinakpan ang aking mukha ng
pamalapit ako sa kanilang gawi, kinuha iyon ni Sean at ginulo po ang buhok ko.

"Pa-baby si Fayre." Biro pa niya.

Sinapak ko ang kanyang tiyan at pumunta sa gawi nina Rihav na matalim na nakatingin
kay Sean. Kinuha ko ang kanyang mukha gamit ang aking kamay at pinatigin sa akin
para makuha ang kanyang inis kay Sean.
"Nanay, ang laki nang cake!" doon na kuha ang atensyon ko, inalis ko ang aking
kamay sa kanyang pisngi at binuhat si Hacov na nagsalita.

"Tara na party party na!" sabi ng isang lalaki.

"Parang noong last year lang nasa bahay tayo ni Eros dahil sa birthday ng anak niya
tapos ang nangyari si Rihav naman ang may shocking birthday party? Ano 'to may
sumpa ba pagkakaibigan natin? Bakit kayo tinatakbuhan?" mahabang saad naman ng isa.

"Tahimik ka diyan, Cyd. Baka ikaw ang sumunod sa amin." Si Rihav sa kaibigan.

"Asa ka gago! Hindi ako duwag kagaya mo, tsaka gwapo ako walang may mangangahas na
iwan ako." Sabay pagwapo nang lalaking nangangalang Cydrile.

Hindi na umangal pa si Rihav at hinayaan na ang kaibigan na may tuliling daw, base
sa bulong niya sa akin. Sunod na pinakilala ni Rihav ang kanyang mga kaibigan sa
akin, nasa tingin ko ay mababait naman.

"Stell, Fabio, at Cydrile. Of course kilala mo na si Haiden at Semon."

"Wala ang dalawa, Eros at Cole. You know, always busy si Cole. Si Eros naman ay
inaayos pa ang bahay nila dito sa La Fera, sabi ko nga dito sila sa Village. Pero
ayaw niya, ayaw daw ni Dana, gusto n'on payapang buhay kaya nasa Sulia sila."
imporma ni Stell kat Rihav,

Hindi na ako nakinig sa kanilang usapan dahil ikinalabit ni Hacov ang aking dress
kaya itinuon ko ang aking atensiyon sa kanya. Ipinaalam ko ang aking sarili na
aalis muna at para makapag-usap din silang magkakaibigan.

"Bakit anak?"

"Gusto kong pumunta doon Nanay," tinuro niya ang lamesa na pinaglalagyan ng
pagkain.

Nanlaki ang mata ko na nandoon na si Hera at kachikahan na ang mga kasambahay na


tinuturing na niyang kaibigan. Dinala ko din doon si Hacov, binuhat ko pa para
makita ng tuluyan ang cake na binili ni Rihav para sa kanila. Simpleng cake lang
iyon walang masyadong disenyo pero kita sa brand na mamahaling shop ang cake.

NAGSIMULA na sa pagkain. Tahimik lang ako isang gilid habang kumakain, kanina tuwag
sina Zoe, Zavia at Amer via video call. Nasa labas ng bansa sina Zavia at Amer
dahil sa isang photo shoot ni Zavia sa isang mamahaling brand ng damit, stylist ang
bakla kaya sumama. Si Zoe, busy kaya hindi nakapunta sa birthday. Ayos lang naman
nakita naman sila ng dalawa kahit papaano.

"Tulala ka ata, Fayre Aphrodite." Napatingin ako at si Sean nangugulo na naman.

"May iniisip lang,"

"Si Rihav na naman no, ikaw ha masyado kang obsess sa kaibigan ko." Isang sapak sa
braso ang iginawad ko sa kanya. "Kamusta sa feeling? Nasabi mo sa kanya? Nalaman
niya? Masaya ka ba?" sunod sunod niyang tanong at nagseryoso ang kanyang mukha.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang mag-ama na kumakain sa isang pangtable kasama
mga kaibigan ni Rihav. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Masaya ako na natatakot."

"Ha?"
"Masaya ako dahil masaya ang mga anak ko, masaya din naman ako sa kinalabasan. Pero
may parte sa akin na natatakot ako, natatakot ako baka maulit ang nakaraan.
Natatakot akong masaktan ulit, lalo na ang mga anak ko." pag-aamin ko.

Dinig kong ibinaba niya ang kubyertos at seryosong tumingin sa akin.


Mapagkakatiwalaan naman si Sean, hindi naman siya ang tipo nang tao na magsasabi ng
saloobin mo sa isang tao. Matago siya sa seryosong usapan, iyon ang gusto kong
ugali niya.

"Nagdududa ka sa gawi ni Rihav?" tumango ako sa kanyang tanong, "Hindi kita


masisisi diyan, Fay. Isang beses ka na niyang nasaktan, alam ko 'yon pero pwede mo
bang buksan ulit ang puso mo sa kanya? Hindi madali pero subukan mo lang."

Paano kung masaktan ulit ako? Kami?

Pero kita ko naman kay Rihav na bumabawi siya. Saa ilang araw namin dito nagsisikap
naman siya. Nagiging mabuti siyang ama sa dalawa at bumabawi siya sa akin. Alam
kong galit lang siya noon kaya nasabihan niya ako ng masama. Pero ang sinabi niya
sa maraming tao ang masakit, hanggang ngayon hindi ko parin alam ang totoo. Kung
asawa niya ba talaga si Dyessie.

"Paano kung masaktan ulit ako, Sean? Paano—"

"Advance mong mag-isip masyado, may tiwala ako sa kaibigan ko. Siguro naman hindi
niya gagawin ang kagaguhang ginawa niya sayo dati, lalo na't natupad ang hiling
niya bilang ama. Swerte pa siya dahil ikaw ang ina."

Inirapan ko si Sean. May pinausapan ba sila ni Rihav kaya niya sinasabi ang lahat
ng ito sa akin? Hindi naman niya siguro kakampihan ang kaibigan niya. Ngayon
nakikita din niya siguro ang pagisikap ni Rihav sa dalawa.

"Just try," huling sabi niya at doon na umupo kina Rihav.

BUONG ORAS ay nakatingin lang ako kay Rihav kasama ang kambal habang naliligo sila
sa swimming pool. Pagkatapos ng pagkain kanina ay umalis din ang mga kaibigan ni
Rihav dahil sa kani-kanilang personal na dahilan. Sa porma nila kanina, kitang kita
na wala sialng balak mamalagi. Halos lahat sila ay naka-business suit at parang
minadali ni Rihav sa pagpunta dito.

Dinig kong humalakhak si Hera dahil tinalsikan niya ng tubig ang ama sa mukha. Cute
na cute siya sa kanyang two piece swim suit na kulay dilaw, habang si Hacov at
Rihav ay nakahubad sa pang-itaas. Nilapit ko ang aking upuan papalapit sa kanila at
kinuhanan ng litrato gamit ang cellphone ni Hacov.

"Ay!" napatili ako ng sumunod ako ang kanilang binasa.

"Huwag, Hera, Hacov." May banta sa akin boses at sinunod naman nila iyon.

Muli silang naglaro, tawa lang ako ng tawa dahil sa kawawang Hera na hindi
nilubayan ng kanyang Kuya sa pagbasa. Hindi na niya nakayanan si Hacov ay humingi
na ng tulong sa ama, yumakap na siya sa leeg ni Rihav. Prenotektahan naman siya ng
ama, kaya mag-isa nalang si Hacov. Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan ng lumapit
ang isang kasambahay sa amin.

Tinawag ng kasambahay si Rihav at nakuha naman nito ang atensiyon ng lalaki, "Sir,
narito si Senyorita Reyena." Magalang sabi ng kasambahay.

Umapaw ang kaba ko sa akin dibdib ng marinig ang pangalan ni Senyorita, ang nanay
ni Rihav. Wala akong ideya kung alam niya na may relasyon kami dati ni Rihav kaya
nakinakabahan ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang lahat ng ito.

Binuhat ko ang dalawa paalis sa swimming pool, hinubad ang floater na nakapulupot
sa kanilang beywang. Nagtaka na nagtanong ang dalawa kung bakit ko 'yon ginawa
ngunit hindi ko sila sinagot. Akmang aalis na sana kami doon nang masalubong namin
si Senyora Reyena. Kaagad na umiba ang kanyang mukha. Sumisigaw ang kinang sa
kinang ang mga alahas sa kanyang katawan, kay taas ng kanyang kilay ng makita ako.
Kita kita parin sa mukha niya ang pagiging istriktong ina at asawa.

"You're here, Fayre." Sabi niya niya na rason kung bakit ako kinalabutan.

***

SNS Account:

Facebook: Erithrea wp

Twitter: 3rithrea

Instagram: Threyaaaaa

Group page: Byuls of 3rithrea

Kabanata 20

Hi sa mga tao sa GC na palaging nag-iingay!

Czarina, Angela Krishna, Primo the explorer, Isha, Nena, Paula

Kabanata 20

"Ahm, excuse po. Alis po kami." Magalang kong sabi.

"No, no, no. Why are you here?" pigil niya sa akin bago tinapunan ng tingin ang
dalawa, "At sino ang mga batang ito?" sabay turo niya sa dalawa.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang sagot niya o hindi. Wala siyang kaalam-alam
tungkol sa relasyon namin dati ni Rihav. Malamang magugulat siya kapag sinabi ko na
anak namin ni Rihav ang kambal. Hindi niya iyon matatanggap, lalo na't isa nila
akong katulong dati.
Kinagat ko ang aking bibig, akmang sasagutin ko na ang tanong ni Senyora ng inunhan
na ako ni Rihav sa pagsagot.

"My kids, Ma. Please don't ruined this day, kaarawan ng mga anak ko."

Ramdam ko ang pagyapak ni Rihav at ilang segundo lang ang malamig niyang kamay ay
humawak sa beywang ko. Mariing tinignan iyon ni Senyora kaya patago kong tinapik
ang kanyang kamay, ngunit hindi ako nagtagumpay sa pagkuha dahil mas lalong
humigpit ang kanyang hawak sa akin. Napakagat ako ng labi dahil sa hiya.

"Talaga bang sayo 'yan? Hindi ka sigurado Rihav, huwag kang padalosdalos ng
disisyon, baka magamit ka ulit ng babaeng 'yan. Hindi mo alam na manlalaki—"
pinutol ni Rihav ang kanyang sasabihin.

"Stop, Ma. Kung ayaw mong paalisin kita sa pamamahay ko." mariing sabi ni Rihav.

"Rihav," suway ko sa mahinang paraan boses dahil sa pambabastos sa kanyang ina.

Hindi ko gustong masaksihan ng kambal ang mga pangyayaring ito, lalo na't nandito
si Senyora. Ngayon lang nakita nila si Senyorita at nakakatakot pa ito. Ramdam kong
yumakap na silang dalawa sa aking beywang ng tinitigan sila ng mariin ni Senyora.
Maging ako natakot din sa kanyang expresyon, kaya mindali kong umalis doon.

"Excuse po," sabi ko at dali daling naglakad kasama ang kambal paalis sa parte na
iyon ng bahay ni Rihav.

Iniwan namin ang mag-ina at dumeretso kami sa itaas na kung saan naroon ang silid
ng kambal. Nasa hagdan na kami ng marinig ko ang pag-iyak ni Hera, hinarap ko siya
at binuhat para mapatahan. Pumasok kami sa silid at nagtungo kaagad sa Cr.
Nagkukulay lilac na ang labi ni Hera dahil sa lamig at takot niyang pinagsama.

"Tahan na, tahan na." ani ko habang pinapaliguan siya.

Tahimik lamang si Hacov habang nasa ilalim ng shower na malayang bumubuhos sa


kanyang ulo. Natapos si Hera sunod naman ay si Hacov, mindali ko ang pagtapos para
makabihis na sila. Kinuha ko ang towel at pinalupot sa kanilang katawan. Lumabas
kami ng silid at binihisan ko na silang dalawa.

Wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa pamamagitan ni Rihav at Senyora.
Magagalit talaga si Senyora kapag nalaman niya ang kanyang respetadong niyang anak
ay kasama ng isang dati nilang katulong. Hindi lang iyon, may sariling pamilya
narin si Rihav at nandito siya sa La Fera na parang wala siyang naiwang pamilya.

Suminghot singhot si Hera na katatapos lang ng kanyang pag-iyak. Natakot daw siya
sa kay Senyora kaya siya umiyak kanina. Nakakatakot naman talaga, maging ako
naramdaman din ng gan'on ng nakita siya at nasalubong pa. Halos mamutla nga ako sa
kaba.

Napaidtad ako sa pagkakaupo ng bumukas ang pinto, linuwa doon si Rihav na nakabihis
na. Kaagad siyang lumapit sa dalawa at niyakap.

"Bakit umiiyak ang Hera ko?" tanong niya sa anak ng muling umiyak si Hera sa
kanyang bisig.

"N-natatakot a-ako sa b-babae, tatay." Humihikbi nitong sabi.

Inayos ni Rihav ang kanyang buhok at nilagay sa likod ng tenga ni Hera. "Huwag kang
matakot Lola mo iyon, gan'on lang talaga ang expresyon niya." malambing na wika
niya.

Hindi na nagsalita si Hera at muli na lang yumakap sa kanyang ama. Katitig lang ako
sa kanila habang sinasabihan sila ni Rihav ng tungkol kay Senyora. Gumaan naman ang
loob ni Hera, tumahan siyang muli at sumunod sa kapatid para manuod ng paborito
nilang pinapanood, doon sila mupwesto sila sa castle.

"Huwag mo 'kong iwan, Fay." Kaagad niyang sambit ng nawala ang dalawa.

"May kailangan ba akong malaman, Rihav?"

Umiwas siyang ng tingin at binasa ang kanyang bibig bago magsalita, "Wala naman,
Fay. Baka kung ano ang marinig mo kay Mama at iwan mo 'ko." muli siyang tumingin sa
akin.

Wala naman akong planong iwan siya, pwera nalang kung may gawin siyang ikakasakit
ng kambal. Hindi inaasahan na itong araw pa talaga pumunta si Senyora sa bahay ni
Rihav. Hindi naman siya mapapaalis dahil anak niya ang nagmamay-ari.

"Hindi kami aalis, Rihav." Sinabayan ko ng ngiti para ipakita na sigurado ako kahit
na iba ang sinasabi ng kaloob-looban ko.

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik. Alam kong wala akong karapatan na
angkinin siya dahil may sarili na siyang pamilya pero hindi ko maiwasan. Siya ang
unang lalaking minahal ko ng ganito, sa kanya ako nahulog ng ganito. Kahit anong
pigil ko, wala, nahuhulog parin ako.

Susubukan ko ang sinabi ni Sean, na bigyan ko siya muli ng pagkakataon. Buksan kong
muli ang puso ko sa kanya. Muli ko mang buksan, gusto ko muna malaman ang rason
kung bakit niya ako sinaktan dati dahil doon nagsimula lahat ng dagok sa buhay ko.
Nawala ang dalawang taong pinaka-importante sa buhay ko.

PINATAWAG KAMI ni Senyora dahil magsisimula na daw ang hapunan. Busog pa ako dahil
sa kinain ko kanina pero ayaw kong maging bastos, na hindi ako makisali sa hapag
lalo na't narito si Senyorita. Dala dala ko si Hera habang nauuna naman ang dalawa
lalaki na magkahawak kamay. Kahit na sinabihan na ni Rihav si Hera na mabait si
Senyorita mukhang may takot parin ang bata sa kanya.

Nakarating kami sa hapag, naroon na si Senyora at parang hinihintay kami. Ang upuan
ni Rihav ang ngayong inuupan niya kaya tumabi si Rihav sa amin, nasa kanan kaming
lahat, pinakadulo si Hera na sinusulyapan si Senyorita. Nagsimula ng kumain ay
tahimik lang kami, tanging kubyertos lang ang naglilikha ng ingay.

"Ay!" nagulat si Senyora ng malaglag ang kutsarang hawak ni Hera.

"S-sorry po," mahinang sambit ni Hera,

"Ano ba 'yan, hindi ka ba tinuturuan sa inyo ng maayos kung paano kumain ha! Ang
bastos niyo!" tumayo si Senyora at tinapon ang maliit na towel sa kanyang plato.

Kaagad na yumakap sa akin si Hera at sunod sunod na humingi ng tawad sa kanyang


ginawa. Umiigting ang panga ni Rihav ng tumayo sa kanyang upuan at kinuha si Hera
sa akin. Umiling iling ako sa mga nangyari, si Hacov naman ay tinignan ang daan
kung saan lumisan si Senyora.

"Hindi naman sinadya ni Hera na malaglag ah," mahinang boses na sabi ni Hacov.

Huminga ako ng malalim at nilisan nalang din ang hapag kasama si Hacov. Nauna
kaming pumasok sa silid habang sina Hera at Rihav ay naiiwan doon. Hindi ko alam
ang nangyayari, noong una maganda pa ang simoy ng hangin sa bahay ni Rihav pero ng
dumating si Senyora parang nakakatakot ng gumalaw.

KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil sa pagising ni Rihav sa akin na


magtatrabaho. Noong una ay pinigilan ko siya at huwag na munang pumasok dahil
narito si Senyora sa loob ng mansion, ngunit hindi daw pwede dahil kailangan siya
sa farm na pinagmamay-ari niya. Doon wala na akong magawa kundi hayaan siya.

Kasalukuyan akong nagpapainit sa labas ng bahay, tulog pa ang dalawa kaya hinayaan
ko na muna. Dinidiligan ko ang mga halaman dito sa malawak na bakuran ng masion
kasama si Nesya at Lily. Wala naman akong nagagawa dito sa bahay kaya tumulong na
din.

"Bakit ka pa bumalik dito?" dinig kong may nagsalita sa likod.

Pumikit ako ng mariin at bumuga ng hangin bago hinarap ang nagmamay-ari ng boses na
iyon. Natarantang iniwan ako ni Nesya at Lily ng may sinenyas ang si Senyora sa
kanilang dalawa. Kaagad na kumalabog ang puso ko sa kaba.

"I'm asking you, don't me ask again." Mariin niyang pag-eengles.

"Nakita po ako ni Rihav, hindi po ako bumalik sa—"

"Liar, kung gan'on bakit ka nandito ngayon sa bahay niya? Alam mong may asawa at
anak na 'yong tao pinapatulan mo pa? Wala kapang hiya? Ginagamit mo talaga si Rihav
para maiahon ka niya sa kahirapan."

"Hindi ko po kailangan ng pera ng anak niyo, kung gusto niyo po hawakan ang pera
niya para walang maibigay sa akin gawin niyo para sa ikakatahik ng buhay niyo. Ni
sentemo wala akong hiningi sa anak niyo, lahat ng pera ko dati ay pinaghirapan ko
mismo." Hindi ko mapigilan ang aking sarili.

"Kaya pati paglalandi sa anak ko ginawa mo? Ano bang gusto mo, Fay para muli kang
umalis sa buhay niya? How much? Name your price so I can give it to you
immediately." Alok niya sa akin.

"Hindi po mababayaran ng pera niyo ang kasiyahan ng mga anak ko kasama ang ama
nila. Kung ayaw niyong nandito kami aalis kami pero kapag sumama si Rihav, wala na
po kami doon."

"Walang hiya ka! Hindi ikaw ang gusto ko sa anak ko! You're just a maid and nothing
while my son is a very successful person. He deserve more than you, hindi ako
papayag na mababagsak lang siya sa mahirap na kagaya mo." Sambit niya habang mariin
akong tinititigan.

Wala na ba kaming karapatang magmahal ng mas mataas sa amin? Kasalanan na ba kapag


ang isang mahirap nagmahal ng isang mayaman? Hindi naman matuturuan ang puso kung
kanino ito titibok, kung pwede lang pigilan matagal ko nang ginawa.

Kasambahay lang ako pero matino ang trabaho ko. Wala akong tinatapakang tao, bagkus
kami pa ang gumagawa ng mga gawain na dapat sila ang gumagawa.

"Kay Rihav po ang pagsabihan niyong 'yan."

"Right! I already said that to him, pero ano nandito parin siya sa babaeng
nanghuthut sa kanya ng pera. Nagpapakatanga at nagpapauto. Masaya na akong umalis
ka ng bahay pero bumalik ka parin!"

Na-istatwa ako sa kanyang sinabi. Hinihimay ko ang bawat salitang binitawan niya sa
aking isipan. Ang ibig niyang sabihin na may sinabi na siya kay Rihav? Siya ba ang
dahilan kung bakit nagalit sa akin si Rihav? Hindi ko alam naguguluhan ako.

"Hangga't maaga pa, umalis na kayo ng anak mo dito. Hindi ko kayo matatangap kahit
kailan!" mataas na boses niyang sabi bago ako iniwan sa bakuran na gulat padin.

Kung siya nga ang rason bakit niya ginawa ang bagay na iyon? Bakit niya ako
dinumihan sa utak ng anak niya? Dahil ba isa lang akong katulong? Dapat isang
mayaman din ang makatuluyan ni Rihav, kagaya ni Dyessie? Kung iyon nga, malamang
talo ako. Wala akong maipagmamalaki, wala.

Nakatulala ako na dinidiligan muli ang mga pananim ng bumalik na sina Nesya at
Lily. Nagsisikuhan pa sila kung sino ang magtatanong sa akin kaya inunahan ko na.

"Ayos lang po ako, Nesya at Lily."

Natapos sila sa pagsisikuha at lumapit si Nesya sa akin, "May ginawa ba si


Senyorita sayo? Sabi kasi sa akin ni Sir kapag sinaktan ka daw ni Senyorita
papaalis niya dito."

"Wala naman maayos naman ako," tipid kong sabi habang nagdidilig.

"Maldita talaga 'yang si Ma'am, masyadong perfectionist. Kailangan pulido lahat,


katakot din ang mukha parang ipinaglihi sa aswang." Singit ni Lily, kaagad naman
siyang sinuway ni Nesya, baka marinig ni Senyora.

"Iyang bibig mo Lily, baka bumuga na naman ang matandang 'yon." Huminto siya at
tumingin sa akin, "Sa susunod sabihin mo sa akin ang ginawa sayo ni Senyorita para
masabi namin kay Sir para mapaalis na siya dito, ayaw din namin siyang makasama.
Dalawa sila ni Miss Dyessie at ang supladang anak na si Dion, ang sarap nilang
uuntogin." May pang-gigil pa sa boses ni Nesya.

"Ang boses mo baka marinig ng dragon," si Lily naman ang sumuway kay Nesya.

Hindi na ako nagsalita at hinayaan silang magdaldalang dalawa. Tinapos ko ang aking
ginagawa bago ako nagtungo sa silid ng dalawa, muntik ko pang masalubong si Senyora
mabuti nalang ay nakapagtago ako. Mabilis ang lakad ko papunta sa taas at doon ko
nakita ang dalawa na gising na, nanonood ng cellphone.

"Nanay, akala namin umalis kana." Wika ni Hera ng makita ako.

"Pwede ba 'yon? Kung nasaan si Nanay dapat nandoon din si Hera at Hacov. Good
Morning," sabay halik ko sa pisngi ng dalawa.

"Lalabas na sana ako Nanay kaso nakita ko si Lola sa labas kaya bumalik nalang ako,
iiyak sana ako kaso narito naman si Hacov sabi niya poprotektahan niya ako kay
Lola." Boses batang sumbong ni Hera.

Kaya nagtaka din ako kung bakit hindi pa sila lumalabas, kadalasan ay nasa mesa na
sila ganitong oras kumakain ng agahan ngunit ngayon ay nandito sila sa silid at
nagkukulong dahil takot makita si Senyora. Pinahinto ko muna sila para makapag-
agahan na, binaba ko sila sa kama at bumababa na ng ikalawang palapag.

Nasa mesa na kami at walang kumakain, wala ring katao-tao. Inayos ko ang pagkakaupo
ng dalawa at tinimpla ang kanilang gatas. Pinainom ko iyon sa kanila at pinaubos ng
may narinig kaming pumasok sa malaking pintuan ng bahay.

"Where's daddy yaya?" tinig mula sa bata ang aking narinig.


Sunod sunod na yapak ang narinig ko hanggang sa nakita ko na kung kaninong boses
iyon nanggaling.

"Who are you?" sambitng batang babae, nakasuot ng kulay pink na dress.

********

SNS Account:

Facebook: Erithrea wp

Twitter: 3rithrea

IG: Threyaaaaa

Group page: Byuls of 3rithrea

Kabanata 21

Kabanata 21

"I asked you, who are you?" pauulit niya sa kanyang tanong.

Umuwang lamang ang aking labi at hindi alam kung ano ang isasagot sa kanya. Akmang
magtatanong siyang muli ng hinawakan ng isang pamilyar na babae ang kanyang braso
kaya napalingon ang bata doon. Nagtama ang paningin namin ng babae, ang babaeng
pinakasalan ni Rihav, si Dyessie...

"Fayre, nandito ka pala? Kaya pala..." huminto siya sa pagsasalita at napatingin sa


dalawang umiinom ng gatas sa mahabang mesa, "Anak mo?" tanong niya.

"O-Oo," iyon lamang ang lumabas sa aking bibig.

Sabay silang lumapit ng kanyang anak sa amin, nakahalukipkip ang bata na


nangangalang Dion dahil nakilala ko na ito noong iniwan ako ni Rihav sa club
Highden. Umupo siya sa harap ng dalawa at mariin na tinignan si Hera, habang ang
anak ko naman ay ngumingiti sa kanya at kinukuway pa ang kamay.

"So, this is the reason why Rihav is here in Isla Fera, nandito siya sa kabit niya
at mga bastardo niya." pakawala ni Dyessie ng makalapit sila sa amin.

Kaagad akong naalarma dahil sa mga binitawan niyang salita, hinarap ko ang dalawa
na nakatingin kay Dion at parang hindi narinig ang sinabi ni Dyessie. Nakahinga ako
ng maluwag doon, ayaw kong makarinig sila ng mga salitang iyon, lalo na't mga bata
lang sila.

"Kung gusto mong pag-usapan 'yan Dyessie huwag sa harap ng mga anak ko—"

"Bakit? Maririnig nila na anak sila sa labas ni Rihav, totoo naman ah. Bakit ka pa
bumalik sa kanya Fayre? Wala ka na bang mapakain sa dalawa kaya nanghuthut ka naman
ng pera sa asawa ko? Such a gold digger."

Mariin akong pumikit bago ko kinuha ang dalawa at pinababa sa umupuan. Hindi ko na
inakasaya pa ang oras na iminalagi namin dahil umalis na kami doon at pumuntang
ikalawang palapag. Kaagad na nagtanong ang dalawa kung sino ang mga iyon ngunit
hindi ko sila sinagot. Wala din naman akong isasagot sa kanila dahil ayaw kung
sabihin ang totoo na asawa iyon ng kanilang ama.

Buong umaga ay nasa loob lang kami ng silid na iyon, gustong gusto kong tumawag kay
Rihav at sabihin sa kanya na aalis na kami sa bahay niya dahil narito si Dyessie
ngunit hindi ko naman magawa-gawa dahil baka puspus ang trabaho niya, isa pa ang
dalawa ay magtataka din sa mangyayari.

"Nanay, nagugutom na po ako." sabi ni Hacov.

Sumula kaninag umaga ay hindi pa kami kumakain dahil narito lang kami sa silid.
Maging ako ay gutom na rin, ininda ko lang para hindi kami makalabas dito. Walang
kahit anong pagkain sa silid na ito kaya kailangan talagang lumabas.

"Nanay, ako din. Gutom na gutom na ako kanina pa tayo dito hindi tayo umaalis."
maging si Hera ay nagreklamo narin.

Napakagat ako ng labi kahit ayaw kung lumabas ay kailangan dahil gutom na silang
dalawa. Hawak hawak ko ang kambal ng lumabas kami ng silid. Kumakalabog na ang
aking puso kahit nandito palang kami sa taas. Bumaba na kami ng makarinig kami ng
halakhak mula kay Dion. Nanununod siya sa malaking ipod habang nakadapa sa sofa.

Tinuloy namin ang paglalakad at nakarating din kami sa hapag. Inasikaso kami ni
Lily at Nesya, walang nagsasalita sa kanila dahil malapit lang din si Dyessie.
Maingat ang bawat galaw ko sa paglalagay ng pagkain sa plato ng dalawa. Nagsimula
na kami sa pagkain, ang halakhak lang mula kay Dion ang nagbibigay ingay sa buong
bahay.

Nauna akong natapos sa dalawa, nakatigtig lang ako sa kanila habang kumakain. Ilang
minuto pa ay papalapit na rin silang matapos.

"Tapos na ako, Nanay." Sabay lapag ni Hacov ng kanyang kutsara sa plato.

"Ako din," si Hera ang sumunod.

Inayos ko na ang pinagkakainan namin. Akmang bababa sana si Hera sa kanyang


inuupuan ng sinuway ko siya, kaya bumalik siya sa pagkakaupo. Nagpresenta na ako
kina Lily at Hera na ako na ang bahala sa pinagkainan namin. Ako na ang nagligpit
ng lahat hanggang sa maayos na muli ang ibabaw ng mesa.

Pinababa ko na ang dalawa sa kani-kanilang inuupuan ng pumunta. Akmang aalis na


kami sa pagkainan ng dumating si Dyessie, may dala siyang dalawang basket na puno
ng damit. Noong una akala ko damit namin at pinapaalis na kami.

"Do this, do the laundry. Labhan mo ng maayos, walang punit, walang lahat. Kung amo
ang kulay at ganda niya gan'on mo din ibabalik sa akin." Inilapag niya iyon sa
sahig.
Aastang magsasalita na ako ng naunahan ako ni Nesya, "Nako Ma'am, hindi po katulong
si Fayre dito, ako nalang po ang maglalaba niya."

Luminya ang kilay ni Dyessie sa sambit ni Nesya. "Katulong siya noon hanggang
ngayon. She will do this laundry, huwag niyo siyang tulungan." Sabay turo niya kina
Nesya at Lily.

Wala nang nasabi ang dalawa at yumuko nalang. Muli akong tinignan ni Dyessie at
sinapa ang dalawang basket bago lumisan. Nilandasan ko muna ng tingin ang sina
Nesya at Lily, umiiling ang dalawa sa akin. Wala na akong nagawa, kinuha ko na ang
dalawang basket, kung ito ang paraan para tantanan niya na ang dalawa sa salitang
iyon ay gagawin ko. Kaya kung magpaalila sa kanya huwag lang sabihan ng masasama
ang mga anak ko.

"Huwag kayong aalis dito, huwag lalabas." Paalala ko sa kanila ng makapasok kami sa
silid.

"Nanay, gusto ko pong makalaro ang bata." Nakangiting sambit ni Hera.

Umiling ako, "Hindi pwede, si Hacov lang ang kalaro mo. Huwag kang aalis dito,
kayong dalawa." mariin ang bawat sambit ko.

Baka ano pang mangyari sa labas kapag pinayagan ko sila. Mas mabuti nang dito lang
sila para mapanatag ako.

Malungkot na tumango si Hera, maging si Hacov ay tumango rin sa aking sinabi.


Sumalampak ang dalawa sa kama bago ko sila iniwan doon. Bumalik ako baba at kinuha
ang dalawang basket bago nagtungo sa washing machine.

"Don't use the washing machine, use your hand." Dinig kong sabi ni Dyessie mula sa
akin likod.

Bumuga ako ng hangin at nagtitimpi sa mga nangyayari. Kahit ayaw na ayaw ko siyang
sundin ay ginawa ko, para sa ikatahimik ng lahat. Lumabas ako dala ang dalawang
basket, nagtungo sa likod ng bahay dahil naroon ang gripo at pwedeng maglaba.
Kinuha ko ang dalawang malaking palanggana at binuhos ang damit. Binuhay ko ang
gripo at nagsimula na sa paglalaba.

Habang naglalaba ay dinig kong may naglalakad papunta sa aking gawi, nilingon ko
iyon at nakita si Senyora na pinapaypayan ang kanyang sarili. Hindi ko dinikita ng
tingin ko sa kanya at binalik iyon sa aking nilalabhan.

"You think magiging prinsesa ka sa bahay ng anak ko? Masyado kang ilusyunada,
Fayre. Hanggang katulong kalang talaga. Nothing change just a maid." Sabi niya at
naglakad din paalis.

Nangilid ang luha ko habang kinukuskus ang damit. Ilang beses akong lumunok para
mapigilan ang paglaglag ng luha sa aking mata. Ngunit hindi ko kaya, lumandas na
iyon sa akin mata. Palihim akong umiiyak habang naglalaba ng damit.

"Fay," dinig ko sa likod kaya minadali ko ang pagpunas ng aking mata gamit ang
braso.

"Ayos ka lang ba, Fay?" tanong ni Nesya sa akin.

Pilit akong ngumiti at tumango, "Oo ayos lang ako, kaya ko 'to mas marami pa ang
nilalabhan ko dati." Sabi ko pa. "Nesya pwede ba huwag mong sabihin kay Rihav ito?"
Malungkot na tumingin si Nesya sa akin at inayos ang nakatakas na buhok sa aking
mukha. "Kailangan ko 'tong sabihin, Fay. Sabi ni Sir Rihav, wala kang gagawin dito
kundi alagaan lang ang kambal. Kami ang gumawa niyan, hindi ikaw."

"Sige na, Nesya. Huwag mong sabihin please, nagmamakaawa ako." lulunod na sana ako
ngunit pinigilan ako ni Nesya.

"Huwag ka ng lumuhod pa, oo na hindi ko na sasabihin sa kanya."

Alam kong labag iyon sa loob niya pero nagpapasalamat parin ako na sinunod niya ang
gusto ko. Ayaw kong magkagulo pa ang bahay na 'to lalo na't may tatlong bata na
madadawit sa mga mangyayari.

Muli akong bumalik sa aking ginagawa at tinapos na ang ginagawang labahan.


Humahapdi na din ang aking kamay dahil sa sabon at kuskus gamit ang aking kamay.
Naka dalawa pang damit at nakita ko na ang unti unting pamumula ng aking kamay.
Napapikit nadin ako sa hapdi nito.

Tiniis ko ang sakit at tinapos ko ang mga damit. Natapos ko ang pagsasabon at
sinunod ko ang pagbabanlaw. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabanlaw ng makarinig ako
ng iyak mula sa loob ng bahay. Napahinto ako at pinakinggan ang nangyayari sa loob.
Naalarma ako ng malinaw ng narinig kung kaninong iyak iyon.

Binitawan ko ang binbanlawan damit at kaagad na tumakbo papunta sa loob ng mansion.


Kita kita ko si Senyora na hinahampas ng tsenilas ang dalawa kung anak. Nakadapa
ang dalawa sa sofa at salit-salitan niya iyong ginagawa habang umiiyak ang dalawa.

Muli niyang hahampasin sana si Hera ng pigilan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang
kamay at kinuha ang dalawa kong anak na nakadapa.

Gusto kong magmura, gusto kong magalit sa ginawa niya sa anak ko. Kahit kailan
hindi ko pinagbuhatan ng kamay ang mga anak ko, tapos siya makahampas parang bato
ang hinahampas niya.

"Tama na po!" sigaw ko at nilagay ang dalawa sa likod.

"Iyang mga anak mo, hindi mo ba tinuruan ng magandang asal? Ang babastos, lalo na
iyang anak mong lalaki. Huwag niyang sasaktan ang apo ko dahil ako ang makakalaban
niya." galit na sabi ni Senyora.

"Hindi po kayang saktan ni Hacov ang apo niyo." Sabi ko.

Apo niya rin naman ang kambal. pero ayos lang kung hindi niya tanggapin. Hindi ko
naman isisksik sa pamilya nila ang mga anak ko.

"Anong hindi? Sinumbong ni Dion na tinulak siya ng anak mong lalaki. Umiiyak si
Dion habang nagsusumbong sakin, Fayre."

"Pero sana hindi niyo po pinagbuhatan ng kamay ang mga anak ko."

"Wala akong pake sa mga anak ng katulong namin!" sigaw niya bago kinuha si Dyessie
na buhat buhat si Dion nakatingin lang sa akin.

Sabay na umalis ang tatlo. Lumisan na sila sa paningin at hinarap ko ang dalawa.
Kahit na masakit ang kamay kong namumula at namamaga ay binuhat ko si Hera. Umiiyak
parin silang dalawa, dinala ko sila sa silid.

"Diba sabi ko sa inyo huwag na huwag kayong umalis dito?" sabay lapag kay Hera sa
kama, binuhat ko din si Hacov paupo doon at hinarap silang dalawa.
"N-nanay g-gusto ko p-po kasing l-lumabas kasi n-nabuburyo ako dito s-sa loob."
Himihikbing sabi ni Hera.

"Ano bang nangyari?"

Kahit na nahihirapan sa pagsasalita dahil sa pag-iyak sinagot parin ni Hacov ang


aking tanong, "N-Nilapitan ni Hera ang bata Nanay. T-Tinanong siya ni Hera k-kung
gusto niyang maglaro kasama namin pero sunod niyang ginawa ay sinigawan niya si
Hera at tinulak." Huminto siya at kumuha ng hininga. "W-wala naman ginawa si Hera
sa kanya, tapos sunod sunod niyang sinabutan si Hera. N-nagalit ako sa kanya kaya
tinulak ko siya, hindi naman iyon malakas napaupo lang siya. Nakita niya si Senyora
doon siya umiyak at nagsumbong kaya pinadama kami ni Senyora at hinampas ng
hinampas."

Tumulo ang luha sa aking mata at kaagad ko namang pinaalis. Mas ako ang nasaktan sa
sinapit ng dalawa, ako 'yong nasaktan sa nangyari. Hindi ko kayang makikita silang
ginaganon, hindi ko nga silang kayang saktan tapos ang ibang tao sasaktan lang
sila? Hindi, hindi ako papayag.

Niyakap ko silang dalawa at doon na sunod sunod na tumulo ang aking luha.

"Sa susunod huwag na kayong lumapit sa batang iyon ha?"

Sunod sunod silang tumango sa akin. Pinahubad ko sa kanila ang kanilang damit para
makaligo, doon nakita ko ang namumula ng pwet. Muli gumuhit ang sakit sa akin puso.
Hindi ko nalang tinignan iyon dahil nasasaktan ako, dinala ko sila sa cr at
pinaliguan. Muli akong nagpaalam sa kanila na tatapusin ko ang paglalaba bago
tuluyang lumabas.

Habang nagbabanlaw ay umiiyak ako. Umiiyak ako sa sakit na dinanas ng mga anak ko,
umiiyak din ako mga nagyayari, parang parusa ang lahat sa akin. Hindi dapat ito
nangyayari sa dalawa, pwedeng ako nalang ang saktang huwag na ang dalawa.

Kinagabihan nasa silid kaming kaming tatlo, wala kaming balak na lumbas dito pwera
na lang kung dumating si Rihav. Ako nalang ang kasama ng dalawa sa paglalaro, kung
ano ang nilaro namin para lang makalimutan nila ang nagyari kanina.

Napahinto kami sa paglalaro ng tumunog ang pinto at bumukas, inuluwa doon si Rihav.
Kaagad na tumakbo ang dalawa sa kanilang ama at yumakap. Sinabihan ko na sila
kanina na huwag ng sabihin sa ama ang nangyari para walang gulo, ewan ko kung
naintindihan nila ang sinabi ko o hindi dahil kusa silang tumango kanina.

"Miss kita, Tatay." sabi ni Hera na parang walang nagyari kanina.

"Miss rin ni Tatay si Hera, makakapagligo na tayo bukas sa swimming pool. Wala ng
pasok si Tatay, hindi na ako busy, yehey!" sabay inalog-alog pa ang kambal sa
kanyang bisig.

Tumawa naman ang dalawa at yumakap sa kanilang ama. Inilapag sila ni Rihav ilang
minuto ang nakakalipas at pumunta sa gawi ko. Pinatakan niya ng halik ang aking
pisngi bago ako niyakap ng mahigpit.

"Miss kita, Angel. Buong araw tayong hindi nagkita." Bulong niya sa akin.

Hiyaan ko siyang yakapin ako bago nagsalita, "Nandito si Dyessie kasama ang anak
niyo." Mahinang boses kong sabi.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa at nagulat sa akin sinabi, "What?" aniya.


"Nandito sila, nandito ang pamilya mo."

Kinuha niya ang pagkapulupot ng kanyang kamay sa akin, "Sandali lang babalik ako,"
huli niyang sabi bago tuluyang lumabas ng silid.

Sana nga bumalik ka...

Kabanata 22

Kabanata 22

Hindi nga nagsinungaling si Rihav sa kanyang sinabi na babalik siya. Bumalik din
siya kinagabihan n'on, doon siya natulog sa amin kasama ang kambal. Wala akong
ideya sa namagitan sa kanilang pag-uusap ni Dyessie o nang kanyang ina. Basta basta
nalang itong lumagapak sa kama namin at niyakap kaming tatlo ng kambal. Hindi ako
umangal, natulog narin ako.

Kasalukuyan akong narito sa pool area kasama ang dalawa. Nagliligo sila at masayang
nagtatampisaw sa tubig. Narito parin sina Dyessie at Dion, maging ang ina ni Rihav
ay narito pa rin. Walang alam si Rihav sa mga nangyari kahapon, hindi ko sinabi sa
kanya dahil ayaw kong makasira ng pamilya. Kung hindi lang dahil sa dalawa ay aalis
na ako dito at babalik na nang La Meyanda, kaya lang ayaw kong mapunit ang
magagandang ngiti sa kanilang mga labi. Hanggang sa kaya kong tiniisin ay titiisin
ko.

Napatingin ako sa glass na dingding nila Rihav na tanaw ang kanilang hapag kainan.
Biglang gumuhit ang sakit sa aking dibdib ng makitang pinapakain niya si Dion
kasama si Dyessie. Nagkukuwentuhan sila habang nagtatawanan. Pakiramdam ko
nakikisawsaw na kami sa pamilyang ito. Hindi ko na alam kung totoo ba ang mga
pinagsasabi ni Rihav na mahal niya ako.

Nangilid ang luha ko at inilayo nalang ang aking tingin at sa dalawa nalang tinuon.
Bumuga ako ng hangin at pinunasan ang nangingilid na luha.

"Nanay, sama ka samin." Si Hacov, sabay paypay niya ng kamay sa akin.

Ngumiti ako bago nagsalita, "Hindi pwede si Nanay wala akong damit, kayo nalang
muna." sabi ko.

Ngumiti silang dalawa at muling lumangoy. Hindi sila marunong lumangoy ngunit sa
tulong ng floater sa kanilang mga beywang ay hindi sila malulunod. Lampas sa kanila
ang tubig pero kahit gan'on ay hindi naman kita sa kanila na natatakot sila, nag-
eenjoy pa nga sila.

"I miss swimming!" tiling sabi ni Dion sa gilid, nakasuot na ng swim suit niya.

Natapatayo ako sa aking pagkakaupo ng makita siya, hindi ko padin nakakalimutan ang
nangyari sa dalawa ng dahil sa kanya. Siya lang ang lumabas kaya napatingin akong
muli sa glass na tanaw ang hapag, doon ko nakita sina Dyessie at Rihav na
masinsinan na nag-uusap.

"Halika dito, gusto mong humiram?" natigil ang pagtitig ko kina Dyessie at Rihav
dahil sa pagsasalita ni Hera, kita ko kung paano umalis si Hera sa pool at hinubad
ang kanyang floater at binigay kay Dion.

Bumalik ako sa pagkakaupo at tinignan si Dion at Hera na ani mo'y magkaibigan.


Parang walang nangyari sa kanya at sa kanyang kapatid ng dahil kay Dion.

"Is this clean?" nag-aalangan pang kumanin ni Dion ang floater na binigay ni Hera.

"Yes, this is clean." Sabi pa nang anak ko.

Tumango si Dion at kinuha na nang tuluyan sa kamay ni Hera ang floater, kaagad niya
iyong sinuot. Tinulungan pa siya ni Hera na maisuot ng tama. Tinapik niya ang kamay
ni Hera at hindi man lang siya nagpasalamat bago tumundag sa pool. Malungkot na
ngumiti si Hera sa akin, umupo siya sa gilid ng pool at ang mga paa niya lamang ang
nababasa.

Pinanood ko nalang sila habang naliligo. Inilahad ko kay Hera ang gilid ng aking
inuupuan para doon siya maupo, umiling siya at muling tinignan si Dion.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Hera kay Dion.

"Dion," walang emosyon na sagot ni Dion.

"Ilang taon kana?"

"Four,"

"Hala, parehas tayo pero kaka-four lang namin ng kakambal ko, may kakambal kaba?"
usisa ni Hera.

Isang iling ang sagot ni Dion sa tanong ni Hera. Tumawa naman si Hera at pinakilala
si Hacov sa gilid ng pool, hindi tinapunan ng tingin ni Dion si Hacov basta tumango
lang ito.

"Kailang birthday mo kung gan'on?"

"April 30," sagot ni Dion at tingnan si Hera, "You're so annoying, you have a lot
of questions. Can you shout up your mouth for a while?" matigas ang bawat bigkas ni
Dion.

Natigilan si Hera at ngumiti parin, "Gusto kitang makilala, wala akong kaibigan
dito eh."

"I'm not, I don't want to be your friend." Sabi niya at lumanguy sa ibang parte na
malayo kay Hera.

Nakasimangot na napatingin si Hera kay Dion. Umalis na doon si Hacov at pumunta na


sa gawi ko. Kinuha ang juice at uminom bago kinain ang sandwich na ginawa ko.
Basang basa si Hacov kaya pinalupot ko ang towel sa kanyang katawan.

"Nanay, ang maldita niya. Gusto lang naman siya makilala ni Hera, gan'on din siya
noong isang araw kaya tinulak ko siya." aniya habang kumakain.

Napatingin ako kay Hacov, "Hacov, huwag ka nalang makisali sa usapan nila."
"Pero Nanay, inaaway niya si Hera."

"Alam ko, pero titigil din si Hera sa kanya kapag napuno na siya sa ugali ni Dion."
wika ko at ginulo ang kanyang buhok.

Kilala ko ang anak ko. Hindi pipilitin ni Hera ang kanyang sarili kung ayaw sa
kanya ng isang tao. Kusa siya aalis at tatahimik nalang sa isang gilid. Sa mga
nanunukso sa kanya sa La Meyanda, wala siyang kaaway na ginamitan niya ng kamay
pwera nalang kay Hacov na sinusuntok kaagad kapag napuno.

"Can you get me a water?" napahinto ako sa aking iniisip ng marinig ko ang boses ni
Dion.

"Po?" pag-uulit ko.

Hindi ko naman kinukwestion ang pagpapalaki sa kanya ni Dyessie, pero hindi ba siya
marunog gumalang? Magsabi ng po o opo? Kahit please wala?

"I said, can you get me a water?" inulit naman niya.

Bumuga ako ng hangin at tinignan siya ng mariin bago ako tumayo para kuhanan siya
ng tubig sa loob ng bahay. Pumasok ako sa loob, wala na doon si Dyessie, si Rihav
nalang mag-isa habang tutuk na tutuk sa kanyang laptop.

Hindi ko na siya inistorbo pa at kumuha nalang ng tubig sa kanilang malaking ref.


Mahina lamang ang galaw ko para hindi makalikha ng kahit anong tunog. Ngunit sa
paglapag ko ng baso sa kanilang lamesa ay tumunog, kaagad na nakuha ang atensyon ni
Rihav.

"Fay, ayos lang ang tatlo?" tanong niya sa akin.

"Oo, ayos lang naliligo sila do—Hera!" natigil ako sa pagsasalita at sinigaw na
lamang ang pangalan ng anak ko nakita ko siyang nasa gitna na nang pool.

Walang suot na floater kaya sinusubukan niyang makaahon doon. Nauuna ako sa
pagtakbo kay Rihav, lumagapak na ang tubig ng makarating ako malapit sa pool dahil
sa pagtalon ni Rihav. Kaagad niyang kinuha si Hera na hinahabol na ang kanyang
hininga. Inayos niya ang buhok ni Hera na nakatakip sa kanyang mukha at niyakap.

"N-Nanay!" kasabay ng kanyang pag-iyak.

Yakap yakap siya ni Rihav at pinatahan sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang
gagawin ko. Nangatog ang aking binti sa aking nasaksihan. Nanginginig na rin ang
aking mga kamay dahil sa nangyari kay Hera. Paano kung hindi ko iyon nakita?

Umahon si Rihav sa pool kasama si Hera. Umiiyak na umalis si Hera sa kanyang ama at
sa akin siya nagpabuhat, hindi ko pinansin ang basa niyang katawan, mas lalo ko
siyang niyakap ng nanginginig na siya sa takot at lamig. Dinig ko ang paghikbi
niya.

"Anong nangyari?" matigas na tanong ni Rihav.

Napatingin ako kay Dion na nakatitig sa kay Hera na nasa bisig ko. Malakas ang
kutob ko na may kasalanan siya kung bakit muntik ng malunod si Hera. Parang kanina
lang umuupo lang ang anak ko sa gilid ng pool tapos nasa gitna na siya? Ang bilis
ng pangyayari.

"Tinulak ng batang 'yan si Hera, Tatay." sumbong ni Hacov sa ama at itinuro pa si


Dion na suot suot pa rin ang floater ni Hera.

Kumalabog ang puso ko, namuo ang galit sa loob ko, kaagad kong kinuyom ang aking
kamay habang titig na titig kay Dion. Parang gusto ko siyang pagalitan sa ginawa
niya kay Hera, gusto ko siyang pagsabihan, gusto ko siyang saktan. Pero hindi ko
ginawa, dahil natatakot, natatakot ako sa susunod na mangyayari sa amin ng mga anak
ko. Nasa puder kami ni Rihav at baka mapaano pa ang kambal sa gagawin ko.

Isinanlabi ko ang galit ko sa bata, hinayaan ko.

Lumuhod si Rihav sa harap ni Dion, "Anong ginawa mo kay Hera, Dion?" bakas ang
galit sa boses ni Rihav.

"Anong ako? wala akong ginawa sa kan—"

"Sinungaling ka!" nagulat ako ng biglang tinulak ni Hacov si Dion.

Natumba si Dion na kaagad din kinuha ni Rihav, kita ko kung paano mariing na
pumikit si Rihav sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung sino ang papagalitan o
pipiliin niya sa dalawa. Hindi naman niya kailangang pumili, alam kung hindi naman
kami pipiliin kahit kailan.

Kinuha ni Rihav si Dion na umiiyak, hinubad niya ang floater at kaagad na pinatahan
ang ayak sa pag-iiyak. Binuhat niya iyon at pinatahan.

Sa pagkakataong iyon nagising ako sa katutuhan na, hindi kami ang importante sa
buhay niya. Na sampid lang talaga kami dito sa pamamahay niya.

"What's happening?!" umalingasaw ang sigaw ni Dyessie mula sa loob ng bahay.

Tumakbo siya papunta sa kanyang anak. Inalo niya si Dion na hawak hawak ni Rihav.

"Anong nangyari dito?" muling tanong ni Dyessie habang nakatingin sa umiiyak na


anak.

Walang sumagot sa kanyang tanong. Mariin akong tumitig kay Rihav na kitang kita ang
pag-aalala niya kay Dion pero kay Hera na muntik ng malunod ay hindi man lang niya
tinanong. Tipid akong ngumiti sa kanya bago ko kinuha si Hacov habang buhat buhat
si Hera. Pumasok kami sa loob ng bahay at dumersto sa silid.

Pinasok ko sila sa cr para mapaliguan. Inuna ko si Hera na iyak parin ng iyak.

"Hera, anong nangyari? Bakit ka napunta doon sa gitna? Nasa gilid ka lang noong
umalis ako ah, bakit kapunta doon? Diba sabi ko sayo huwag kang pupunta sa gitna
kapag walang kang floater dahil hindi mo abot ang lalim." Sunod sunod kong tanong
habang sinasabunan ang katawan niya.

Suminghap siya, "K-Kasi Nanay, t-tinanong ko si D-Dion kung sino T-Tatay niya. S-
sabi niya si T-Tatay din daw, t-tapos natuwa a-ako kasi pareho kaming T-tatay ibig
sabihin m-magkapatid k-kami." Huminto siya at kumuha ng hangin bago ulit magsalita.
"P-Pero siya h-hindi, p-pinilit niya na hindi ko T-Tatay si Tatay, h-hanggang sa u-
umahon siya doon sa swimming pool at t-tinulak ako, N-Nanay. H-Hindi ako m-marunong
l-lumangoy, hindi ko alam ang g-gagawin ko..." humikbi niyang sabi.

Nangilid ang luha ko sa kanyang sinabi. Kay bata bata pa ni Hera para masapit ang
gan'ong pangyayari. Pero bilib ako sa kanya dahil hindi siya nagalit dahil pareho
sila ng tatay ni Dion bagkus ay natuwa pa siya na kapatid niya si Dion. Maldita
talaga ang batang iyon, pero wala akong karapatan na gamitan siya ng kamay.
"Huwag ka na ulit lalapit sa kanya, Hera. Dalawang beses ka nang napunta sa
kapahamakan ng dahil sa kanya, hindi pa maayos ang kulay lilac sa pwetan niyo ni
Hacov dahil sa palo sa inyo ni Senyora tapos ngayon muntik ka na malunod. Hera,
sundin mo naman si Nanay, nag-aalala na ako sayo. Sa inyong dalawa ni Hacov."
Tumulo na ang luha na kanina ko pa kinikimkim.

Sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, hindi ko kakayanin kapag mawala ang mga anak
ko. Dalawang beses na akong naiwanan ng mga importante sa buhay ko, ayaw ko nang
mangyari ulit iyon. Hindi ko na kaya sa pagkakataon na 'to.

Puno na nang sakit ang puso. Kaunting saya ang naranasan ko nang kasama ko si
Rihav, tapos bigla bigla din pala iyon kukunin sa akin ng tadhana. Siguro doon na
tapos iyon, iyon na ang sampal sa akin ng katutuhanan na kahit mahal ko siya ay
hindi na talaga kami pwede dahil may pamilya na siya.

Ito na siguro ang huli, hindi na ako papayag pa na mas malala pa ang sasapitin ng
kambal dahil lang gusto nilang makasama ang kanilang ama. Kapag sa lumaki na sila
siguro doon na nila tuluyang makakasama si Rihav.

"Nanay, umalis na tayo dito." Naunahan ako ni Hacov sa aking sasabihin.

"Gusto mo bang umalis dito, Hera?"

Tumango si Hera, "Opo Nanay, ayaw ko na dito. Kahit hindi ko na kasama si Tatay,
aalis tayo dito."

"Ako din Nanay, babalik ko nalang kay Tatay lahat ng binigay niya. Mukhang...hindi
naman niya tayo mahal, si Dion ang importante sa kanya."

Nagulat ako sa sinabi ni Hacov, ayaw kong tintahan ng marumi si Rihav sa isip ng
mga bata kaya sinuway ko si Hacov sa kanyang binitiwang salita.

"Hindi totoo 'yan, Hacov. Mahal kayo ng Tatay niy—"

"Hindi man lang siya nag-alala kay Hera, Nanay? Sabi pa ni Dion kanina, hindi tayo
ang totoong pamilya ni Tatay dahil sila ang tunay."

Umuwang ang bibig ko. Saan pa ba magmamana si Dion kundi sa Nanay niya, hindi sila
marunong makiramdam at hindi nila alam ang salitang respeto.

Ngayon, hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sa kambal. Nagkatitigan lang kami,
naghihintay sila kung may sasabihin ba ako.

"Nanay, aalis na po tayo bukas." Si Hera.

"Oo, aalis tayo bukas kaya bilisan na natin ito para makapag-impake na." sabi ko at
mabilis na sinabunan ang dalawa.

Tinapos ko ang dalawa sa pagpapaligo, binihisan ko sila bago nag-impake. Sila na


mismo ang kumuha ng kanilang damit sa cabinet at naglagay sa mga bag na dala namin.
Hinayaan ko sila na mag-impake, inimpake ko naman ang aking damit. Ilang oras pa
ang nakakalipas ay walang Rihav na pumasok sa aming silid.

Sino ba naman kami?

Mahal ko man si Rihav pero tama na, hindi ko na kaya ang sakit. Ang dalawang anak
ko ang mangangalib sa bahay na ito kapag hindi pa kami tuluyang umalis sa pamamahay
na ito.
-SOCMED-

Twitter: 3rithrea

Facebook: Erithrea WP

IG: Threyaaaaa

Facebook Group: Byuls of 3rithrea

Facebook Page: 3rithrea Diaries

Labyou all, salamat sa pagsabaybay sa eme story na to AHAHAAHAH

Kabanata 23

Kabanata 23

Kinaumagahan ay nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana, hindi ko pala naayos
ng mabuti kagabi. Napatingin ako sa magkabilaan ko, nakita ko ang dalawa na tulog
na tulog parin. Hinalikan ko ang kanilang noo bago ako tuluyang tumayo sa aking
pagkahiga.

Inunat ko ang aking katawan at pumunta sa bintana para maisarado ng maayos dahil
natutulog pa ang dalawa. Lumabas ako ng silid at bumaba, doon nakita ko si Dion na
umiiyak. Hinawakan ng dalawang kasambahay si Dion habang nagpupumiglas at umiiyak.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Lily habang hawak hawak si Dion.

"Umalis si Sir Rihav kasama si Ma'am Dyessie kanina, naiwan si Dion kaya
nagwawala." Sagot ni Lily.

"Saan daw pumunta?" muli kong tanong.

"Hindi nila sinabi, basta umalis sila kanina."

"Bakit nila iniwan si Dion?"

Umiling si Lily, "Ewan ko, hindi naman nagsabi si Sir Rihav. Baka may pupuntahan
sila, mahilig kasi silang umalis ni Sir Rihav kapag napupunta dito si Ma'am
Dyessie. Mahal niya iyon, kahit masama ang ugali."

Umukit ang sakit sa aking puso sa sinabi ni Lily. Mahal talaga ni Rihav,
papakasalan niya ba kung hindi? Masakit, oo, pero hindi ako gaga para ipilit ang
sarili ko sa lalaking may asawa na.

Napatingin ako kay Dion na hinabol na ang hininga sa pagkakaiyak. Kung pwede namang
isama ang bata bakit pa nila iniwan? Alam naman nila sigurong iiyak si Dion diba?
Hindi ba sila naawa? Ganon na ba ka pribado ang kanilang pupuntahan para iwan si
Dion dito sa bahay?

Sinantabi ko ang aking galit kay Dion at lumapit sa kanya, hinawakan ko ang kanyang
mukha. Noong una ay ayaw pa niyang magpahawak, kinalaunan ay nagpaubaya na rin.
Naghalo na ang sipon at luha niya sa mukha. Pinunasan ko ang kanyang mukha gamit
ang aking kamay.

Sinabihan ko si Lily na ako na ang bahala kay Dion at gawin na nila ang kanilang
gawain. Sumang-ayon naman si Lily at sinama na ang dalawang kasambahay na nakahawak
sa kamay ni Dion kanina.

"Tahan na, Dion. Anong gusto mo?" magaan kong sabi.

"I want Mommy." sagot niya.

Binasa ko ang aking labi, "Mamaya dadating din siya, tahan na. Gusto mong kumain?"
tanong ko at umling siya, "Sige ka kapag hindi ka kumain sasakit ang tyan mo, tapos
manghihina ka at magkakasakit." sabi ko pa.

"Sige kakain ako." ngumiti ako sa kanyang sinabi.

Kaagad ko siyang dinala sa hapag, inayos ko mismo ang kanyang makakain. Hangga't
hindi nakikita ni Senyora ang mga nangyayari sa amin ng kanyang apo ay
pagsisilbihan ko muna si Dion. Naawa ako sa kanya kanina, dapat talaga sinama
nalang nila Rihav si Dion.

Nakatingin ako kay Dion na walang ganang kumakain, hawak hawak ang kutasara. "Gusto
mo subuan kita?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Isang tango ang ginawad niya sa akin kaya iyon ang ginawa ko. Kinuha ko ang kutsara
sa kanyang kamay at sinubuan siya. Bumuka naman ang kanyang bibig sa aking pagsubo.
Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang sinusubuan hanggang sa umayaw na siya sa
pagkain.

Iniligpit ko ang kinainan niya at hinayaan siyang nakaupo sa upuan. Matapos kong
maligpit ay inayos ko ang kanyang buhok, inayos ko din ang bangs na magulong magulo
na dahil sa kanyang magpupumiglas kanina. Wala namang ginawa si Dion at hinayaan
ako sa aking ginagawa.

"Gusto kong lumabas at maglaro samahan mo ko." dinig kong sabi niya habang inaayos
ko ang kanyang buhok.

Hindi pa naman gising ang dalawa, samahan ko muna itong si Dion para naman maging
masaya siya. Wala ng mga magulang niya at naawa ako sa bata. Pagkatapos nito ay
aalis na kami ng kambal para hindi na kami makaabala pa sa pamilya niya. Hindi pa
naiintindihan ni Dion ang lahat kaya siguro ganon ang reaksyon niya sa sinabi ni
Hera.

"Sige pagkatapos nito."


"Talaga?" hindi makapaniwalang saad niya.

"Oo naman, bakit?" usisa ko dahil sa reaksyong ng boses niya.

"Hindi kasi ako pinayagan ni Mommy, she doesn't want me to go out."

"Sa bakuran lang tayo ha, hindi pwede sa labas mismo." Pagtatama ko sa labas na
sinasabi niya kanina.

Tumango naman siya at ramdam ko ang excitement sa kanyang galaw. Natapos ko ang
pag-aayos sa kanyang buhok ay nagtungo na kami sa labas. Kinuha niya ang kanyang
laruang pala at isang maliit na timba sa gilid at tuluyan ng tumakbo papunta sa
bakuran.

Nilaro niya ang kanyang sarili habang ako naman ay nakatingin sa kanya. Kinakausap
pa niya ang kanyang sarili habang sinasandok ang bato sa sahig. Nasa parting
batuhin siya kasama ang mga matataas na bulaklak dito sa bakuran ni Rihav. Aliw na
aliw akong pinapanood si Dion dahil kumakanta pa ito habang naglalaro.

"This is your order, Ma'am." Sabi niya at binigay sa akin ang maliit na plato na
may lamang bato.

"Salamat po, Miss." Ani ko naman at sinakyan ang kanyang trip, nagkunwari akong
kumain habang nakatitig kay Dion na hindi matanggal ang ngiti sa labi.

"You're already full, Ma'am?"

"Yes, Miss." Sabay lahad ko sa kanya ng maliit na plato.

Tumawa si Dion at nagtungo muli sa kanina niyang pwesto. Muli siyang sumandok ng
panibagong bato at nilagay sa maliit na plato. Excited na tumayo siya at tumakbo
papunta sa akin. Hindi pa siya nakakarating ay lumagapak siya sa cementong sahig.
Umalingasaw ang kanyang pag-iyak. Nagmadali akong pumunta sa kanya, binuhat ko siya
mula sa pagkadapa. Napakagat ako ng bibig ng makitang dumugo ang kanyang bibig.

Dinala ko siya sa loob at pinaupo sa sofa. Kinuha ko ang emergency kit at nilapatan
ng lunas ang kanyang mga sugat. May sugat din pala siya sa kanyang binti at siko.
Pangit ang pagkadapa ni Dion dinig ko ang paglagapak ng katawan niya sa cementong
sahig.

Mas lalong lumakas ang kanyang iyak ng pinunasan ko ang kanyang sugat.

"What's happening here—oh my god apo!" dinig ko si Senyora. "Anong ginawa mo sa apo
ko? Sinaktan mo siya dahil hindi mo matanggap na ang mga anak mo ay bastardo sa
pamamahay na ito?"

"Hindi ko—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng kinuha niya ang aking buhok.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo dahil sa paghigit ni Senyora sa aking buhok.


Napadaing ako sa sakit dahil sa kanyang pagsabunot sa akin. Kahit matanda na si
Senyora ay ramdam ko parin ang lakas niya, sinukan kong kunin ang kamay niya sa
aking buhok ngunit bago ko pa magawa iyon ay itinulak niya ako. Nabangga ang ulo ko
sa hagdan, umiyak ako dahil sa sakit.

"Umalis na kayo dito! Hindi kayo welcome sa bahay ng anak ko!" sigaw niya bago
kinuha si Dion at pumunta sa itaas.

Pumikit ako sa sakit ng aking ulo. Inalalayan ako ni Lily at Nesya sa pagtayo,
nakita ko ang dalawa kong anak na nakatayo. Lumapit sila sa akin at niyakap ako,
nagsimula na silang umiyak sa aking bisig. Maging ako ay umiyak na rin, wala naman
akong ginawang masam kay Dion pero ito ang sinapit ko.

"Nanay, alis na tayo." Tumango ako sa sinabi ni Hacov.

NAGMAMADALI kaming umalis ng dalawa sa bahay ni Rihav ng marinig ko kay Nesya na


pauwi na sila. Binihisan ko ang dalawa at pinasuot sa kanila ang kani-kanilang
bago. Dala dala ko naman ang akin. Lumabas kami ng silid, hinawakan ko ang aking
ulo na masakit padin.

Luminga linga ako sa paligid bago kami lumabas sa paunang pinto ng bahay. Wala
naman akong nakitang kasambahay ni Rihav, nasa bakuran na kami malapit na sa
labasan. Hinawakan ko ang dalawa ng magtagumpay kaming lumabas. Hapon na at hindi
na medyo masakit ang araw, walang tao sa paligid. Naglakad kami kahit na hindi alam
ang daan papalabas sa village na ito.

"Sa labasan kayo Miss?" napalingon ako sa lalaking nagtanong, kakaiba ang kanyang
dalang motorsiklo, may nakaukit ding pangalan ng village sa kanyang sinakyan.

"Opo kuya, sa labasan po kami."

Sumakay kami kay Manong, yakap yakap ko ang dalawa na tahimik lang. Kumalabog pa
ang puso ko ng makita ang pamilyar na sasakyan, sasakyan ni Rihav. Kaagad akong
nagtago sa dalawa, inayos ko ang kanilang pagkakaupo para hindi kami makita. Nang
makalagpas ay nakahinga ako ng maluwag.

Nakarating kami sa labasan, hindi ako pinabayad ng lalaki dahil libre daw iyon.
Nakabayad ang lahat ng sakay kapag doon na ninirahan sa loob ng village, hindi na
ako umangal pa. Naghintay muna kami dito sa labasan, hindi ko alam kung ano ang
sasakyan pauwi. Ilang minuto pa ay nakaramdam ako na baka maabutan kami ni Rihav
kapag huminto kami doon kaya hinahawak ko ang dalawa at sinabihan an maglalakad
kami.

Habang naglalakad kinuha ang aking cellphone sa bag. Simula ng makarating kami sa
bahay ni Rihav ay hindi ko na ito nahawakan pang aking cellphone dahil gusto kong
maramdaman ng dalawa ang buong pamilya, ngayon tatawagan ko na si Amer para makuha
kami dito, baka maligaw pa kami.

Insakto sa pagkuha ko ay may nakita akong limang mensahe galing sa kanya, hindi ko
pa iyon nabubuksan ay tumunog na ang aking cellphone dahil sa tawag mula sa kanya.
Agad kong sinabot iyon.

"Amer ano nasa—" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Fayre, si Coleen..." umiiyak na sabi ni Amer sa kabilang linya kaya kaagad na


kumalabog ang puso ko. Napahinto kaming tatlo sa paglalakad, napatingin ang dalawa
sa akin.

"Anong nangyari sa kapatid ko? Anong nangyari kay Coleen? Bakit ka umiiyak, Amer?"
sunod sunod na tanong ko.

Ramdam ko ag pagyakap ng dalawa sa beywang ko dahil sa pagtanggal ko ng


pagkakahawak sa kanila. Hindi ko muna sila tinuonan ng pansin at muli kong
sinigawan si Amer. Natatakot ako sa ano mang sabihin niya. Huwag si Coleen please,
God...

"Amer!" sigaw ko, hindi siya sumagot at umiiyak lamang sa kabilang linya.

"Wala na siya...patay na..." umuwang ang bibig ko, kusang tumulo ang mga luha ko sa
aking mga mata.

"Nasaan ka ngayon? Nasaan ang kapatid ko?!"

"Naiilibing na siya, Fay. Kami ang kumuha sa bangkay niya, may tumawag kay Zoe
kaninang pulis, nalaman namin na nasunog ang sinasakyan niyang bus. Halos hindi
siya makilala dahil sunog din ang katawan niya, nandoon ang palatandaan sa balat sa
likod niya, Fay. Si Coleen nga iyong bangkay."

"Hindi...hindi patay ang kapatid ko Amer. Siya nalang ang mayro'n ako. Amer sabihin
mong nagsisinungaling ka sakin, na hindi patay ang kapatid ko!"

Hindi ko matanggap ang balitang iyon mula sa kanya. Hindi ko masyadong nakasama ang
kapatid ko sa mahabang panahon dahil sa pagtatrabaho ko sa Maynila, n'ong umawi
naman ako siya naman ang nagtrabaho dahil sa pagkamay ni Nanay para sa pambayad sa
burol. Ni hindi ko siya nakasama ng matagal tapos mawawala siya? Hindi ko nabigay
sa pamilya ko ang hiling kong magandang buhay, napatay sila ng hindi ko natupad ang
lahat ng iyon.

"Amer, puntahan mo kami dito sa La Fera Uno, nandito kami. Pupuntahan ko ang
kapatid ko."

Hindi ko na siya pinasagot ko at pinatay ko na ang tawag. Tinignan ako ng dalawa,


hindi alam kung bakit ako iyak ng iyak. Walang sabi sabi kong niyakap ang dalawa na
walang alam sa nangyari.

Wala sa sarili muli kaming naglakad. Hindi ko alam kung nasaan kami, basta ang
gusto ko ay mapuntahan ko ang aking kapatid.

Bakit ba ito nangyayari sa akin. May mali ba akong ginawa? Parusa ba ang lahat?
Sobra sobra naman ang parusa, masakit na hindi ko na kaya. Paano na ako ngayon?
Wala na akong kapatid, ang nag-iisa kong kapatid. Hindi ko pa natupad ang sinabi ko
sa kanya dati tapos kukunin na siya. Ganon na ba kamalas ang buhay ko?

Lord, tulungan mo ako. Hindi ko alam ang gagawin ko...

Napapikit ako habang naglalakad hanggang sa nakarinig ako ng malakas na busina


dahilan para matingin ako sa gawing iyon. Kumalabog ang puso ko ng makita ang isang
sasakyan na humaharorot papunta sa gawi namin, namuo ang kaba sa dibdib ko.
Natatarantang tinulak ko ang dalawa sa harapan bago ko sumalpok ang aking katawan
sa sasakyan. Umikot ang paningin ko hanggang tuluyan na akong nawalan ng malay.

SNS Account:

Twitter: 3rithrea

Facebook: Erithrea WP

IG: Threyaaaaa

Facebook Page: 3rithrea Diaries

Facebook Group: Byuls of 3rithrea


Kabanata 24

For, Byuls.

Kabanata 24

Masakit ang aking pangangatawan, para akong binugbog ng ilang katao sa sakit lalo
na sa aking tagiliran. Dahan dahan kong minulat ang aking mata kahit na medyo
mabigat pa ang aking mga talukap. Namulat ako sa isang hinding pamilyar na silid.
Kawayan lang ang nakapalibot sa lahat, maging ang bubong ay kawayan lang din.

Sinubukan kong maupo mula sa pagkakahiga ngunit hindi ko nakayanan ang sakit ng
aking katawan. Napaluha nalang ako sa aking kalagayan, biglang bumalik sa isip ko
ang lahat ng pangyayari bago nangyari sa akin lahat ng ito.

Ano bang ginawa kong mali para parusahan ako nang ganito? Namatay ang mga magulang
ko, tapos ang kapatid ko...

"Ang mga anak ko?!" napasigaw ako.

Isang kalabog ang narinig ko mula sa pinto kaya doon napunta ang aking atensiyon.
Pumasok ang isang ginang na sa tingin ko ay nasa 40s na, namumula ang kanyang mata
at may hawak na towel sa kamay. Nagmadali siyang nagtungo sa akin at nakaagad na
humunod habang humahagolgol.

"Huwag mo sanang ipakulong ang asawa ko, hindi niya sadya na masagasaan ka.
Humihingi ako ng tawad sa ginawa niyang kasalanan, gagawin ko ang lahat huwag mo
lang siyang ipakulong." humahagolgol na ani ng ginang.

"Ang mga anak ko po?" tanong ko sa kanya.

Umangat ang kanyang tingin, nagmadali siyang tumayo at agad na lumabas ng silid.
Ilang minuto pa ay bumalik na siya kasama ang dalawa, kaagad na tumakbo sina Hera
at Hacov papunta sa akin. Hindi ko ininda ang sakit ng kanilang pagyakap, mas lalo
ko pa silang niyakap dahil sila nalang ang mayroon ako. Hindi ko na talaga alam ang
susunod na mangyayari kung mawala pa sila sa akin.

Umiyak na ang dalawa sa aking bisig. Napuno ng iyak at hagolgol ang buong silid.
Sinubukan kong umupo para mas lalo kong mayakap ang dalawa ngunit hindi talaga kaya
ng katawan ko, napapaiyak pa ako sa sakit kapag pinilit ko.

"Nanay, ayos lang humiga ka lang muna huwag niyo pong pilitin." sabi ni Hera sa
akin ng maramdamang inangat kong muli ang aking likuran.

"Nanay, tatlong araw po kayong tulog. Sabi nang lalaking pumunta dito magigising
din kayo kaagad pero Nanay, tatlong araw po kayong hindi nagising. Akala ko po
iiwan niyo na ako, kami ni Hera." ani Havoc at muling umiyak.
Nilapit ko ang aking kamay sa kanyang pisngi at pinunasan ang luhang lumalandas
doon mula sa kanyang mga mata.

"Huwag ka nang umiyak Hacov, gising na si Nanay." malumanay kong sabi at dinikit
ang mukha niya sa aking leeg.

Ilang minuto kami sa gano'n gawi nang nagpaalam muna silang lalabas at maglalaro,
hindi na ako umangal at pinayagan sila para makausapa ng ginang nakausap ko kanina.
Pagkalabas ng dalawa ay hinarap ako nang ginang at muling nanghingi ng tawad.

Wala namang may gusto sa nangyari, may kasalanan din naman ako dahil hindi ako
tumingin sa dinadaanan namin at malalim ang iniisip ko noong mga araw na 'yon kaya
hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan.

Hinawakan ko ang kamay ng ginang at pinatawad ang kanyang asawa sa nangyari. Mabuti
nga at hindi ako iniwan ng asawa niyang nakahandusay doon sa kalsada, mabuti nalang
ay inuwi niya ako dito sa kanilang bahay kasama ang dalawa kong anak.

"Nasaan po tayo?" tanong ko, may naririnig akong hampas ng alon mula sa labas.

"Nasa La Azul kayo..."

"Fayre." pagpapakilala ko.

"Nasa La Azul kayo Fayre, nakilala ko narin ang dalawa mong anak si Hacov at Hera.
Hindi kasi sila nagsasalita noong unang araw kayong narito, umiiyak lang at
palaging tulala. Pero noong kinausap sila ng doctor mula sa munisipyo ay
nakakapagsalita na, na trauma daw sa mga nangyari lalo na ang babae mong anak."
paliwanag niya.

"Anong nangyari kay Hera?" kinakabahan kong tanong.

Kay bata bata pa nang mga anak koi to na ang nararanasan nila. Ginawa ko naman ang
lahat para maging maayos ang buhay nila, pero bakit gano'n, kulang ba lahat? O mali
ang mundong ginagalawan namin dati?

"Ayaw ni Hera mapunta malapit doon sa dagat, ayaw niya na daw maligo doon.
Sinubukan ko siyang dalhin doon sa gitna ngunit umiyak siya ng umiyak, natakot ako
ng hinabol na niya ang hininga niya sa pagkakahikbi kaya napatawag ako ng doctor.
Doon nalaman na baka na trauma siya sa malalalim na parti."

Napapikit ako nang maalala noong muntik na siyang malunod dahil sa tinulak siya ni
Dion sa swimming pool sa mansion ni Rihav. Mali talagang nanatili kami sa mansion
na 'yon, ang tahimik naming pamilya nagkadanleche-leche ng pumasok si Rihav sa
buhay namin.

Naaawa ako sa anak ko, paano na ngayon ang dadanasin niya? Natrauma ang anak ko
dahil sa batang iyon. Mabuti ang pinakita ko sa kanya para hindi na niya awayin ang
mga anak ko, naawa din ako sa kanya, pero pagdurusa ang kapalit ng lahat ng iyon.

Maling mali na nilapit ko ang sarili ko sa batang iyon.

"Gano'n ba..." hindi ko na alam kung ano ang sunod kong sasabihin. "Ano daw po ang
nangyari sa akin sabi ng doctor?" pang-iiba ko ng usapan, baka maiyak muli ako sa
mga malalaman ko tungkol sa dalawa kong anak.

"Hindi ka naman nabalian, wala naman daw problema halo lahat ng resultang ginawa
niya sayo ay normal naman daw. Natatakot lang ako na hindi ka pa gumigising, hija.
N-Natatakot ako baka ipakulong mo ang asawa ko..."
Kaagad akong umiling sa kanya at pinigilan ng magsimula ulit na umiyak. Hindi ko
mapigilan na hindi siya tanungin tungkol sa kanilang pamumuhay dito sa La Fera,
kilala ang lugar na ito sa pinakamababang lugar sa Isla Fera. Ito din ang
pinakadulo ng Isla, halos lahat ng nandito ay mangingisda. May kaunting resort dito
pero sa gitnang parti.

"Wala akong anak, hija. Hindi ako binigyan ng diyos ng pagkakataon bilang ina, mas
sakit ako sa matres kaya hindi ako pwedeng magkaanak. Ang asawa ko nagtatrabaho sa
La Fera Uno bilang private driver ng isang pamilya, nasagasaan ka niya kaya dinala
dito. Hija, humihi—"

"Ayos lang po may kasalanan din naman po ako, pwede po dito muna kami? Wala na kasi
kaming pamilyang mapupuntahan." nahihiya kong sabi.

Ayaw kong takbuhan sina Amer at ang kambal na Villafuerte dahil matutuntun talaga
kami ni Rihav lalo na't wala sila alam sa nangyari sa mansion na iyon. Simula
ngayon puputulin ko na ang mga koneksyon ko kina Amer, para ito sa ikakatahimik ng
lahat. Malala na ang nangyari sa amin, lalo na sa anak kong Hera.

Kahit na maghirap kami dito La Azul ay ayos lang, kakayanin kong palakihin sila sa
abot ng aking makakaya, basta huwag lang silang mapahamak ulit sa pamilya ni Rihav.
Hindi nila ako mapipilit na bumalik pa sa ama nila, hindi na.

"Oo, hija. Bayad ko narin sayo sa nagawa ng asawa ko, hindi pa siya pwedeng bumalik
dito dahil may trabaho pa siya tuwing unang araw ng buwan lang siya kung umuwi
dito." paliwanag niya na ikinatango ko naman, "Ako si Belline, tawagin mo nalang
akong Nanay Bell." Pakilala ng ginang.

"Ah, salamat po Nanay Bell. Di bale po magtratrabaho ako para may maiabot sa inyo
tuwing buwan para sa pagpapatuloy niyo sa akin dito."

"Nako huwag na, ilaan mo nalang 'yan sa mga anak mo. Ang makakain niyo nalang ang
intindihin mo, hinid rin kasi minsan dapat ang binibigay ng mister ko."

"Sige po, Nanay Bell." Sabay ng aking pagngiti.

Panibagong buhay malayo sa magulong nakaraan. Sana sa pagkakataong ito ay makamtan


na namin ang tahimik na buhay. Mahirap man pero walang gulo, hindi na dawit ang
dalawa kong anak.

Coleen, kung nasaan kaman ngayon, humihingi ng tawad si Ate. Hindi ko nabigay sayo
ang inaasam nating buhay. Nawa'y masaya ka sa piling ni Nanay at Tatay, hindi ko
kayo makakalimutan, pamilya ko. Palagi kayong nakatatak sa puso't isip ko...

UMAGANG UMAGA palang ay gising na ako, dalawang linggo na ang nakakaraan noong
nagising ako, hindi kagaya noong una na sobrang sakit ng katawan ko. Ngayon kaya ko
nang maglakad at magbuhat ng mga bagay, pinayuhan lang ako ng doktor na huwag
masyadong pagurin ang aking sarili dahil kagagaling lang ng aking katawan. Sinunod
ko naman iyon sa mg nakalipas an araw, pero kailangan ko nang bumalik sa
pagtatrabaho para may maipakain sa pamilya ko.

Inayos ko muna ang aking hinigaan bago lumabas ng silid, namataan ko agad si Nanay
Bell na nag-aayos na para makapagluto ng pagkain. Bumati ako sa kanya at tinugunan
naman niya iyon.

"Talaga bang kaya muna? Baka mabinat ka niyan, Fayre."

"Hindi ayos na po talaga ako, Nanay Bell. Ay oo nga pala, ano nga ulit ang gagawin
ko doon sa palingke?"

May pwesto daw sina Nanay Bell sa palingke dito sa La Azul, para may maitulong at
maipakain sa pamilya ko inako ko muna ang pwestong iyon. Isda ang kanyang
binibenta, kayang kaya ko naman ang mga iyon. Ito ang unang pagkakataon ko na
magbenta sa La Azul market kaya wala pa akong alam sa mga gagawin.

Magpapahinga daw muna si Nanay Bell dahil nitong mga nakaraang linggo ay puspus
siya sa pagtatrabaho, ngayon kabaliktaran ako ang magtatrabaho at siya ang
magbabantay sa dalawa kong anak.

Pinayuhan ako ni Nanay Bell sa lahat ng gagawin, may katulong naman daw akong
trabahante niya doon sa palingke. Naipundar daw nila iyong mag-asawa dahil sa sipag
at tyaga sa trabaho, kung tutuusin hindi naman gano'n kasalat ang buhay nilang mag-
asawa. Akala niya daw kasi ay nanggaling ako sa mayamang pamilya kaya iyon ang mga
nasabi niya noong una kaming nagkita na mahirap lang sila.

Natapos ako sa pag-inom ng kape ay nagpaalam na ako sa dalawa kong anak na


natutulog parin. Si Hera ang naapektuhan sa lahat, dinala ko siya sa dalampasigan
noong isang araw. Umiyak lang ng umiyak kaya wala na akong nagawa kundi ilayo siya
doon. Malalampasan din ni Hera ang lahat ng ito sa tamang pagkakataon.

Nagpaalam na ako kay Nanay Bell bago tuluyan ng lumabas ng bahay. Dumertso ako sa
palengke, hindi naman gaaano kalayo sa amin. Nasa harap lang namin ang dagat,
kaunting lakad nasa isang pribadong resort kana at katabi no'n ang palengke. Ang
mga turista doon bumili nang mga sariwang lamang dagat ayon kay Nanay Bell.

Nalapit na ako sa palengke dinig ko na agad ang nag-uumpugang mga bandeharang isda.
Namangha ako sa ibang lamang dagat na ngayon ko lang nakikita, ang La Azul ang
pinakamayaman sa mga lamang dagat dito sa Isla Fera. Hindi na ako nag-aksaya ng
panahon pa at nagtungo na sa pwesto ni Nanay Bell.

Nataw ko na kaagad ang isang morenang babae na nag-aayos ng isda sa mahabang mesa.
Lumapit ako sa kanya at binati niya ako.

"Fayre ka diba? Sabi ni Nanay Bell ikaw muna ang gagawa ng trabaho niya. Ako si
Girly, katuwang ako ni Nanay Bell simula bata pa ako." pakilala niya ng makita ako.

"Oo ako si Fayre, ano ba ang gagawin ko?" tanong ko sa kanya.

Tinuruan ako ni Girly sa lahat ng gagawin. Nanibago ako sa mga gawain kaya may
nagagawa pa akong mali, hindi naman ako pinagalitan ni Girly at mas lalo pang
ipina-intindi sa akin ang mga gawain. Mabait siya at mahaba ang pasensya, umiiling
iling lang kung may nagawa akong mali. Kinalaunan ay nakuha ko na ang mga gawain
hanggang sa dumami na ang mamimiling turista at taga rito din sa La Azul.

Doon ko binuhos lahat ng aking oras sa pagtatrabaho. Sa tulong ng bago kong mga
kakilala ay malalampasan ko lahat ng pagsubok ko sa buhay, sa tulong nila ay
makakamit ko ang tahimik na buhay na matagal ko nang gustong makamtam kasama ang
dalawang nagbibigay lakas sa akin sa araw araw.

Kabanata 25
Arlene, pilita pa ko ah!

Kabanata 25

"Magandang umaga, Nanay." bati sa akin ni Hera pagkamulat ng aking mga mata.

"Nanay, diba hindi ka pupuntang palengke ngayon? Wala kang trabaho diba, Nanay?"
tanong ni Hacov sa aking kabilang gilid.

Ngumiti ako sa kanila at umiling. Sa pitong buwan namin dito sa La Azul naging
maginhawa ang buhay namin. Mahirap, oo, pero nakakayanan naman sa tulong nina Nanay
Bell at Tata Tiyo. Kitang kita sa kanilang dalawa na kahit wala silang anak ay
nagmamahalan parin, na walang makakapaghiwalay sa kanila.

Napako ang tingin ko kay Hera na hanggang ngayon ay takot paring maligo sa dagat.
Pitong buwan na kami dito sa La Azul at halos araw araw niyang nakikita ang
karagatan pero ni minsan hindi niya pinadapo ang kanyang paa sa tubig. Umiiyak siya
noong pinipilit ko siyang dalhin sa dalampasigan, pinayuhan na lang kami ng doctor
na ipatingin si Hera sa isang ispesyalista.

Humihingi ako ng tawad kay Hera na hindi ko kaya siyang ipagamot, wala kaming sapat
na pera para sa kanyang medikasyon. Halos gabi gabi sinisisi ko ang aking sarili sa
nangyari sa anak ko, kung sana ay umalis na kami noong dumating sina Dyessie sa
mansion na 'yon sana hindi siya ganito. Kasalanan ko, pinairal ko pa ang paniniwala
kong totoong mahal kami ni Rihav. Dahil wala kaming pangmedikasyon kay Hera, tuwing
unang linggo dumadalaw na lang ang doctor mula sa munisipyo para matinginan ang
kalagayan niya na wala paring pinagbago.

"Ano bang gusto niyong gawin natin?" sabay haplos sa pisngi nilang dalawa.

"Nanay, matagal na noong naligo ako sa dagat. Gusto ko pong maligo sa dagat, hindi
niyo kasi ako pinapayagan kapag wala si Nanay Bell." Si Hacov na nakanguso.

Sa isang linggo, isang beses lang kung maligo si Hacov sa dagat. Linggo lang ang
araw na wala akong trabaho dahil may nakuhang bagong trabahante si Nanay Bell na
kapalit ko, para narin daw makasama ko ang dalawa kahit isang beses sa isang linggo
lang. Pero simula nitong nakaraan buwan hindi ako pwedeng lumiban, maraming bisita
ang La Azul dahil papalapit na kapistahan. Hindi pwede na si Girly lang maiwan at
ang isang trabahador dapat ay naroon ako para mas mapabilis ang gawain.

Ito ang dinadahilan ngayon ni Hacov na hindi siya nakapagligo sa dagat, ayaw kong
maligo sila ng walang kasama dahil natatakot ako sa posibilidad na mangyari sa
kanila. Ang kanilang dating mapuputing balat ngayo'y kayumanggi na dahil sa araw
araw na pagpipilad sa dagat. Tumangkad narin si Hacov na dati'y kasing tangkad lang
din ni Hera. Lumalaki silang ako lang ang kasama nila.

"Sige na, Nanay. Hindi pa masyadong masakit ang araw dahil maaga pa, gusto kong
maligo sa dagat." Pamimilit sa akin ni Hacov.

Hinaplos ko ang mahabang buhok niya. Hindi na siya angpagupit pa simula noong
lumisan kami sa La Fera Uno, ayaw niya rind aw magpagupit at mas gusto niya na
mahaba ang kanyang buhok kaya hinayaan ko nalang.

"Natatakot si Hera sa dagat, Hacov." Masuyo kong sabi.

Dinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Sa buhanginan lang po siya nanay kagaya
dati."

Napabuga din ako ng malalim na hininga at napatingin kay Hera. Nagtama ang aking
mata at ang kulay abo niyang mata na nagpapahiwatig sa akin ng kanyang ama.
Malamang masaya na ang pamilya niya ngayon, kagaya ng pamilya ko.

"Hera, ayos lang ba sayo?" tanong ko sa kanya.

Ilang beses ng naligo sa pitong buwan si Hacov sa dagat pero kailangan ko parin ng
pahintulot ni Hera. Ayaw kong makita siyang nanginginig habang papalapit kami ng
dagat dahil sa mga nangyari noon.

"A-Ayos lang nanay, gusto ni Kuya na maligo samahan natin s-siya."

"Talaga Hera?!" sambit ni Hacov at hinawakan ang magkabilaang braso ng kapatid.

"Opo, Kuya. Sasamahan ka namin ni Nanay."

"Yes!" sigaw niya sa kasiyahang naramdaman at niyakap ang kapatid, "Samahan mo


'kong maligo, Hera." aniya pagkatapos mayakap si Hera, sabay haplos pa sa buhok
nito.

Nanlaki ang mata ni Hera at kaagad na umiling-iling, "Ayoko, hindi ko kaya, ayoko
ko, Kuya." sunod sunod niyang sabi.

"Okay, okay kung ayaw mo hindi kita pipilitin."

Sabay kaming tatlo umalis sa aming higaan. Tama nga si Hacov at hindi pa gaano ka
sakit ang araw, mula dito sa bahay namin ay tanaw na tanaw na ang karagatan.
Sumasayaw ang mga alon at kumikinang dahil sa sinag ng araw. Sariwang hangin ang
malalanghap at malagkit na hangin ang dumadapo sa aking balat.

Isang sigaw ang pinakawalan ni Hacov at kaagad siyang tumakbo papuntang


dalampasigan. Humigpit naman ang hawak ni Hera sa suot kong palda. Kinuha ko ang
kanyang kamay na nakakapit sa akin at pinagsakop ko an gaming kamay bago ngumiti sa
kanya. Buong tiwala naman siyang tumingin sa akin.

"Huwag kang matakot, hindi ka hahayaan ni Nanay. Kailangan mong malagpasan ito,
Hera. Huwag kang magpapatalo sa takot mo, kung hindi ka pa talaga handa, humawak ka
lang kay Nanay." Pampalakas loob ko sa kanya.

Matamis na ngiti ang isinukli niya sa akin bago tinuon ang mata sa dagat. Sabay
kaming naglakad papalapit kay Hacov na masayang masaya naliligo kasama ang ibang
bata na taga dito lang din sa La Azul. Mabuti nalang at may dala akong malong, iyon
ang ipinangtakip namin ni Hera habang tinataw si Hacov na tinuturuan lumangoy ng
mga bata.

Umupo kaming dalawa ni Hera sa buhangin, gano'n nalang ang pagyakap niya sa akin ng
biglang umalon ng malakas. Napatingin ako kay Hacov, nasa mataas na parte lang sila
ng mga kasamahan. Pumulupot ang dalawang kamay ni Hera sa akin habang ang mga mata
ay nasa dagat.

"Balik tayo Her?" hindi ko na mapigilan ang sarili ko.


Parang sinasaktan ang anak ko kapag malapit siya dito sa dagat. Kitang kita sa mga
kulay abong mata niya na natatakot siya kahit na iba ang ikinikilos niya. Niyakap
ko siya gamit ang isang kamay ko.

"Hera?" muling pagtawag ko.

"H-hindi Nanay, a-ayos lang. Masaya si K-Kuya naliligo." Utal niyang sabi.

"Kung hindi mo kaya balik na lang tayo doon sa bahay Hera o di kaya doon tayo sa
malayo." Sabay turo ko sa aking likuran.

Umiling si Hera at tumingin sa akin. "Hindi na Nanay, kaya ko. Kaya ko."

"Kung 'yan ang gusto ng Hera ko." sabay halik ko sa kanyang pisngi.

Muli naming tinignan si Hacov, wala na siyang pang-itaas na damit at pawing shorts
nalang ang kanyang tapis. Inubos ni Hacov ang kanyang oras sa paglalangoy habang
kami ng kapatid niya ay tuwang tuwa kapag nakakaalis siya sa kanyang pwesti kapag
lumangoy.

"Nanay, nasan na kaya si Tatay?" natanggal ang ngiti ko sa tanong ni Hera.

Lumunok ako ng dalawang beses bago ako nagsalita, "B-Bakit mo n-naman na t-tanong
'yan, H-Hera?" hindi padin makapaniwala sa kanyang tanong.

Nilaro ng maliliit niyang paa ang buhangin, at ang kamay naman niya ay naglalaro sa
aking buhok.

"Masaya na siguro siya na umalis tayo doon sa bahay niya, hindi man lang niya tayo
hinanap. Talaga bang siya ang Tatay namin o kasing kulay lang ng mata?" tumingin
siya sa akin at natanaw ko ang kanyang mata.

Umiwas ako ng tingin at tinuon nalang sa karagatan na nakakasilaw dahil sa araw.


"Paglaki mo, doon mo na maiintindihan ang lahat. Ngayon, hindi na natin siya
kailangan." Tumango tango lamang siya habang nilalaro ang aking buhok. "G-Gusto mo
ba s-siyang m-makita?" kinakabahan kong tanong.

Isang tipid na iling ang tugon niya, "Hindi, ayaw ko na siyang makita. Siya may
kasalanan kung bakit tayo naaksidente. Hindi niya ako kinampihan ng muntik na akong
malunod, si Dion ang mahal niya at hindi kami ni Kuya." bumuka ang bibig ko sa
kanyang binitawang salita.

Hindi na lang ako nagsalita, hinayaan siya sa kanyang paniniwala. Maging ako 'yan
din ang iniisip ko, mas mabuting itikom ko na lang ang bibig ko. Ang dating ayaw
kong maipit sila sa gulo ngayon ipit na ipit na sila. Maging ako nasaktan din sa
mga pangyayari kaya ginagawa ko ang lahat maalis lang sa sistema ko si Rihav at ang
pamilya niya.

Katahimikan ang namuo sa amin ni Hera. Ang hampas ng alon, halakhak mula sa mga
kasamahan ni Hacov ang nagbibigay ingay sa amin. Ilang minuto pang paghihintay ay
umahon narin si Hacov kasama ang mga kaibigan. Basang umupo sila sa tabi namin at
nilaro laro ang maputing buhangin.

"Bakit kasi kulay gray ang kulay ng mata mo?" kanina pang pangungulit ng batang
lalaki kay Hacov.

Hindi sumagot si Hacov at parang walang narinig sa tanong ng kanyang kalaro. Muling
nagtanong ang bata kay Hacov tungkol sa kulay ng kanyang mata.
"Namana sa Tatay namin." Tipid niyang sagot.

"Nasaan ang tatay mo?" muling usisa ng kaibigan.

"Nalunod sa sabaw."

"Ha?" kuryoso ang bata sa sagot ni Hacov.

"Basta mahabang kwento," muling niyang pinagtuonan ang buhangin, "Akala ko ba


maglalaro tayo?"

Naalarma ang mga kaibigan ni Hacov at nagsilaro narin ng buhangin. Sinuway ko naman
siya sa kanyang inasta sa kanyang mga kaibigan, hindi niya ako pinaunalakan ng
kahit tingin lang sa pagsuway ko at todo laro lang siya sa buhangin.

Nagkwentuhan muli sina Hacov at kaibigan niya ng panibagong topic. Iniiwasan ni


Hacov na mapunta sa kanilang ama ang kanilang pag-uusapan.

"Gusto mong sumali, Hera?" tanong ng isang babaeng kaedad lang din nila.

Nag-aalanagan si Hera sa pagsagot. Nakatigtig lang siya sa batang nag-aya sa kanya.

"Hera, sali ka na. Hindi ka sasaya diyan sa gilid ni Nanay, sige ka." Sulsul pa ng
kapatid.

Palihim akong ngumi ng dahan dahang lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Hera.
Tumayo siya sa pagkakaupo at dumaan sa aking likuran para makapaglaro kasama nina
Hacov. Nakisali siya sa paglalaro kahit na may kaunting ilangan.

Ang sabi sa akin ni Nanay Bell, hindi daw masyadong umaalis ng bahay si Hera kagaya
ni Hacov na hanggang resort na napupunta. Wala din gaanong kaibigan si Hera dahil
ayaw niyang makihalubilo sa iba, kung wala si Hacov hindi siya mapapayag. Ang Kuya
lang niya ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat, wala ng iba.

"Nanay, ang saya ko ngayon." nakangiting ani Hacov habang naghahanda ako para
tanghalian namin.

"Mukhang masaya ka nga Hacov." Pagsang-ayon ko.

Sabay kaming tatlo na kumain. Wala si Nanay Bell dahil pinuntahan ang pwesto doon
sa palengke. Sarap na sarap si Hacov at kitang kita na masaya siya dahil panay
ngisi niya habang kumain.

"Nanay, pwede po ba kaming pumuntang kabilang resort?"

Ayon lang may kailangan pala kaya siya.

"Ano ulit sinasabi ko?" tanong ko sa kanya.

Sumimangot ang kanyang nakangiting labi kanina, "Bawal pumunta sa mga resort dahil
baka mawala." Dahan dahan niyang binibigkas habang ngumunguya ng pagkain.

Iyon ang parati kong sinabi sa kanya, pero minsan pinapayagan ko din. Malikot kasi
si Hacov, minsan tinatakasan pa ako. Pinapayagan ko nalang kesa tumakas siya dito
sa bahay.

Ngumuso siya habang nakatingin sa akin, si Hera walang karekla-reklamo habang


kumakain. Muling nagtanong sa akin si Hacov kung pwede ko siyang payagan pumunta sa
kabilang resort. May kalayuan kasi iyon, may pinupuntahan silang palaruan doon kaya
sa resort na 'yon siya palaging tumatambay.

"Papayagan kita sa isang kondensiyon." Muling bumalik ang ngiti sa kanyang labi,
"Umuwi ka ng walang galos sa katawan, walang sakit. Ayos ba, Hacov? Naiintindihan?"

"Opo, Nanay! Naiintidihan ko po. Maraming salamat, Nanay!" ginulo ko ang buhok
niya. "Gusto mong sumama Hera? Maganda do'n." pangkukumbinsi niya sa kapatid.

"Ayaw ko, walang kasama si Nanay mamaya." Pagdadahilan ni Hera.

Ngumisi si Hacov, "Ay, oo nga pala."

Natapos kami sa pagkain ay atat na atat ng umalis si Hacov papuntang kabilang


resort. Naglagay pa siya ng pabango bago ako niyakap.

"Mahal kita, Nanay. Ikaw din Hera. Dadalhan kita ng bulaklak pagbalik ko, Her."
Sabay kindat pa nito sa kapatid.

Inirapan lang siya ni Hera at tinaboy na. Muli siyang tumingin sa akin, binigyan ko
siya ng pangigil na halik sa pisngi bago pinakawalan.

"Ingat, walang galos pagbalik." Muling paalala ko bago siya sumama sa mga kaibigan
para makapunta sa kabilang resort.

*****

I still have an exam for tomorrow, pinilit lang talaga ako HAHAHAHA Frenny kami eh.

Kabanata 26

Kabanata 26

Dalawang oras palang ang nakakalipas no'ng umalis si Hacov ay karamdam kaagad kami
ni Hera ng pagkaburyo. Tinitirintas ko ang mahaba niyang buhok dahil
napagdisisyunan naming pumunta sa palengke. Hindi naman kami magtatagal doon,
pupuntahan lang namin si Nanay Bell. Isa pa para maikot-ikot ko dito si Hera.

"Tara na, Hera." aya ko sa kanya ng matapos akong makabihis.

Hawak kamay kaming lumabas ng bahay, habang naglalakad kami ay maraming bumabati sa
akin. Halos ng tao dito ay gano'n, mababait. Ang iba ay binabati din si Hera, tango
lang ang tugon niya habang tumatago sa aking likuran.

Malayo palang kami sa palengke ay tanaw na tanaw ko na ang maraming tao, mas lalong
humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Hera. Katabi lang din ng palengke ang
isang sikat na resort dito sa Isla Fera, walang ganang pumunta si Hacov sa katabing
resort dahil madami daw mayaman. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at
ayaw niya talaga sa resort na nandito lang.

"Kaya mong pumasok sa loob, Hera?" malambing kong tanong sa aking anak na
nakatingin sa maraming tao.

"Opo, 'nay. Pupuntahan po natin si Nanay Bell." Sagot naman niya.

Naglakad kami papunta doon at pumasok sa intrada ng palengke. Sigaw ng mga


nagtitinda at tinig ng mga bumibili ang sumakop sa aking tenga ng makapasok kami.
Dahil sa basa ang sahig ng palengke at binuhat ko na lang si Hera, hindi naman siya
umangal at nagpabuhat din.

Pumunta kami sa pwesto ni Nanay Bell. Ang ibang tindera ay binabati pa ako, sa
ilang buwan ko dito madami na akong nakilala. Madami akong nakaibigan dahil sa
pagtitinda ko dito sa palengke, bilang sumagi sa isip ko si Farah. Kamusta na kaya
siya? Simula umalis ako sa bar hindi ko niya naka-usap o nakita man lang, siguro
darating nalang ang panahin na makikita ko siyang muli.

Malapit na kami sa pwesto ni Nanay Bell ay inilapag ko na si Hera. Hinawakan niya


ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa gawi ni Nanay Bell. Noong una ay hindi pa
kami nakita dahil sa dami ng tao, napasigaw naman si Nanay Bell ng makita na kasama
ko si Hera.

"Hera!" wika niya at kita ang pagkagulat.

Kaagad siyang hinagkan ni Nanay Bell ng makalapit kami. Itinuring na niya kaming
kaamag-anak simula noong napunta kami sa kanila. Hindi niya kami pinabayaan kahit
na hindi niya naman kami ka-ano-ano. Wala siyang karekla-reklamo sa dalawang bata,
siya pa ang nagbabantay kapag may trabaho ako.

"Sandali lang Hera, madaming mamimili walang katulong ang dalawa." aniya at iniwan
kaming dalawa.

Pinaupo ko si Hera sa isang silya at tinulungan narin sina Nanay Bell sa pagbabalot
dahil sa dami ng tao. Doon ko inilaan ang aking sarili sa pagbabalot, hindi ko
naman pinapabayaan si Hera na kumakain ng sitsirya sa likuran namin. Paminsan-
minsan ay tinitignan ko ang kanyang gawi at sinisigurado, sa dami ng tao natatakot
akong mawala siya.

"Nako, anak. Hayaan mo na kami dito, wala kang trabaho magpahinga na muna ikaw."
Sabi ni Nanay Bell ng nagkaunti na ang tao sa pwesto namin.

Tumango naman ako at hinugasan ang aking kamay bago nagtungo sa gawi ni Hera.
Nilagyan ko ng bimpo ang kanyang likuran at pinunasan ang namumuong mga pawis sa
kanyang noo.

"Nanay, paano kung makita natin ulit si Tatay?" umuwang ang bibig ko sa biglaang
tanong ni Hera.

Natigilan ako sa pag-aayus ng bimpo sa kanyang likod. Hindi ko alam kung ano ang
pumapasok sa utak niya at ito ang kanyang mga sinabi. Itong mismong araw na 'to
parang si Rihav lang ang kanyang iniisip, hindi ko naman siya kayang pagalitan,
kahit kaunting oras lang niya nakasama ang ama alam ko na masaya siya habang nasa
piling nito.

"Gusto mo ba siyang makita?"

"Ayoko," agad niyang sagot.

"Bakit mo siya iniisip kung gano'n?" muli kong tanong sa kanya.

"Bakit hindi niya tayo pinili? Bakit pinabayaan niya tayo?"

Nanginig ang aking bibig maging ang aking mga kamay. Sa mura niyang edad ito na ang
nasa isip niya. Dahil ba siguro sa karanasan namin? Sa mga nangyari sa buhay namin
kaya siya naka-isip ng mga ganong bagay? Bakit siya ganito mag-isip? Hindi ko
gustong maramdaman niya, nilang dalawang magkakapatid ang ganong bagay. Na may ayaw
sa kanila...

"Hera, maging ako hindi ko din alam ang sagot sa mga tanong mo. Huwag mo na lang
siyang isipin, para walang may bumabagabag sa isip mo."

"Ayaw narin siyang makita ni Kuya, sabi ni Kuya, hindi niya tayo mahal kay hindi
niya tayo pinili. Pakunwari lang ang lahat ng nangyari sa amin dati, hindi totoo
ang pinapakita niya. Kase kung mahal niya tayo, hindi niya tayo hahayaang umalis sa
bahay niya." nagulat ako sa sunod sunod niyang pagsabi.

Umiwas ako ng tingin at pinalipad kung saan saan. May kirot sa puso ko sa mga
binitawan niyang salita. Maging si Hacov din pala ay ayaw ng makita ang ama, wala
naman akong sinabing masama sa kanila na tungkol sa kanilang ama. Napabuntong
hininga ako at muling tumingin sa aking anak.

"Kahit wala siya magpapatuloy tayo sa buhay natin, Hera. Hindi natin siya
kailangan, kaya hayaan mo na siya, alisin mo na siya sa isip mo." Saka ko hinaplos
ang kanyang noo.

Umalis na ako sa pwestong iyon para hindi na makarinig pa ng kung anong tanong
tungkol kay Rihav.

Nagsisisi ako. Nagsisisi ako sa lahat ng mga maling desisyong ginawa ko, nagsisisi
ako na muli ko siyang pinapasok sa buhay namin. Kung hindi ko 'yon ginawa, hindi
kami makakaranas ng ganito, hindi ako masasagasaan, hindi kami masasaktan at higit
sa lahat hindi sana nagkaroon ng trauma si Hera. Masaya sana siyang naglalaro sa
labas, walang takot.

Siya ang napuruhan sa amin. Ayos lang na masagasaan ako ng ilang beses, masaktan ng
ilang beses pero huwag lang 'yong anak ko. Ayoko silang makikita na nahihirapan,
ginagawa ko nga ang lahat para mabigyan sila ng kanilang gusto tapos sa isang iglap
nagkabaliktad lahat ng gusto ko.

Masaklap na pangyayari.

Kasalanan ni Rihav ang lahat.

Hindi ko siya kayang makita sa lahat ng nangyari sa buhay namin. Hindi ko kaya...

Kaya ko siyang patawarin dahil ayaw kong may galit ang puso ko, gusto maging
tahimik na ang buhay ko. Hindi niya deserve pero kailangan para sa ikatatahimik ng
buhay namin.

Muli kong tinulungan sina Nanay Bell sa mga sumunod na oras, dinadagsa parati ang
pwesto namin dahil maganda ang pwesto at sariwa ang lahat ng paninda. Kahit siguro
isda ang araw araw naming ulam hindi magsasawa ang dalawa basta iba iba lang ang
luto. Hindi naman sila mapili kung ano ang nasa hapag, 'yon ang kakainin nila.

Malapit na ang gabi at pinapauwi na kami ni Nanay Bell ngunit itong si Hera ay ayaw
umalis sa kanyang pwesto. Ilang beses ko siyang inaya na umuwi na, umiiling siya at
nagsasabi na ayaw niya pang-umuwi.

"Tara na, Her. Uwi na tayo." Pagpapamilit ko.

"Ayoko muna Nanay, dito lang muna ako. Sasama na lang po ako kay Nanay Bell mamaya
sa pag-uwi. Gusto ko po muna dito." Ngumuso siya pagkatapos niyang magsalita.

Napabuntong hininga ako, paano si Hacov? Wala akong ideya kung naka-uwi na siya o
hindi pa. Malapit ng lumubog ang araw kailangan kong umuwi para masiguradong naroon
nga si Hacov. Sinabihan ko na nalang si Nanay Bell at Girly na huwag nilang
pabayaan si Hera at babalik din ako kaagad. Kailangan ko pangmatingnan ang isa
konga anak.

Minadali ko ang paglakad, sa aking paglalakad ay natanaw ko ang mga kaibigan ni


Hacov na papauwi narin sa kani-kanilang mga tahanan. Sinalubong ko sila sa aking
paglalakad, nang nakalapit sila ay isa isa nila akong binati.

"Mukhang ang sasaya niyo ha," panimula ko, "Nasaan si Hacov?" tanong ko sa kanila.

"Nasa bahay niyo po, tita Fayre. Hinatid siya namin do'n." sagot ng isang bata.

Ngumiti ako sa kanila bago nagpaalam na pupuntahan ko muna si Hacov. Umuwi ako ng
bahay at nakita ko si Hacov doon. Dinahan dahan ko ang aking paglalakad at ginulat
siya mula sa likuran. Napahawak naman siya ng kanyang dibdib sa gulat.

"Nanay naman, ginugulat mo 'ko." at kumamot pa sa kanyang ulo.

"Kamusta ang paglalaro mo sa kabilang resort?" tanong ko.

Bikit balikat siya, "Ayoko na pumunta doon, daming mayaman kagaya diyan sa gilid ng
palengke. Baka sa dalampasigan na lang kami maglalaro sa susunod." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko, "Bakit? Anong mayroon kung may mga mayaman doon? Wala naman
masama sa mayaman, Hacov. Naglalaro ka lang din naman doon."

"Ayaw ko lang Nanay, umalis ako sa kabila dahil may mga batang mayaman na sumasali
sa amin. Noong una pinasali namin pero hindi na kinalaunan, masyado silang maarte
kaunting sagi sa kanila iiyak tapos magsusumbong e'di kami ang papagalitan."
Paliwanang ni Hacov.

Tipid akong tumango sa kanyang sinabi.

"Bakit pinagalitan ka na ba?" tanong ko sa kanyang.

Umiling siya, "Si Herbert, hindi naman niya sadya."

Sa gitna ng pagkukuwentuhan namin ay naisip ko si Hera na naiwan pala sa palengke.


Niyaya ko siyang pumuntang palengke at sinabing naroon si Hera. Nagdalawang isip pa
talaga siya kung sasama siya o hindi, kinalaunan sumama din dahil nagkunwari akong
malungkot.

Hinahawakan ko siyang palabas ng bahay, tahimik lang kaming dalawa. Lubog na ang
araw at madilim ang paligid. Ang musika mula sa alon ng dagat ang nagbibigay ingay
sa amin ni Hacov habang tinatahak namin ang daan papuntang palengke.

Nagkwentuhan pa kami ni Hacov, mukhang masayang masaya siyang pumunta sa kabilang


resort. Iyon nga lang naiirita siya dahil nga sa mga mayaman bata daw na sumasali
sa kanila. Pumasok na kami sa intrada ng palengke, kaagad kaming nagtungo sa pwesti
ni Nanay Bell.

Nasa malapitan na kami ng may nakita ako isang lalaking nakakulay puting polo. Itim
na pantalon at nakakulay itim din na sapatos. Likod palang pamilyar na sa akin kung
sino ang lalaking iyon, bigla akong nakabahan. Bimilis ang tibok ng aking puso,
natatakot din ako sa susunod na mangyayari.

Paano niya kami natuntun? Paano niya kami nahanap?

Nasa pinakadulo na kami ng Isla Fera. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari
ngayon, naistatwa ako sa aking kinatatayuan maging si Hacov ay gano'n din.
Napahinto din siya ng mapahinto ako sa paglalakad. Pumikit ako ng marinig at
kinagat ang aking bibig, dinadasal na sana panaginip lang ang lahat.

"Fayre! Nandyan ka na pala, may naghahanap sayo dito!"

Napamulat ako sa pagsigaw na 'yon galing kay Nanay Bell, napatingin ako sa pwesto
at tamang tama na lumingon din ang lalaki. Nagtama ang aming paningin.

"Sean..." bulong ko ng makita siya ng buo.

Kabanata 27

Hi, I would like to thank Ms. Alyssa Singalivo for her love and support! Thank you
very much, ILY❤

Kabanata 27

"Sean, anong ginagawa mo dito?" mariin kong tanong ng nasa pribadong parti na kami.

Iniwan ko muna ang dalawa sa pwesto ni Nanay Bell at hinila si Sean papalabas ng
palengke. Hindi dapat siya nandito, hindi kami dapat makita o matuntun ni Rihav.
Hindi ko na kaya kung may mangyari pa sa mga anak ko ng dahil sa kanya, tama na
pagod na ako.

"Sean!" nariita kong sabi.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakauwang lang ang kanyang mga bibig at parang
hindi makapaniwalang muli akong nakita. Ilang beses siyang kumurap bago tumalikod
sa akin, ginulo nito ang kanyang buhok bago muling humarap.

Bumuntong hininga siya, "Matalagal kitang hinanap, Fay." panimula niya, "Hinanap ka
namin ni Rihav, hindi mo alam kung saan saan na kaming naghanap nandito ka lang
pala sa pinakadulo ng Isla Fera." aniya.

"Bakit niyo pa ba kami hinahanap? Hindi niyo na dapat pa kami hinanap, Sean. Pwede
bang kalimutan mo na lang na nagkita tayo, huwag na huwag mong sabihin kay Rihav na
nagkita tayong dalawa." may diin sa aking mga salita.

"Fay, Ano na naman ba ang nangyari bakit nagkakaganito ka? Ayos na kayo, maayos na
kayo noong birthday ng kambal. I saw you smiling, you looked so happy. Now, what
happened? Even Rihav didn't tell the truth, he just said that you left him. I can't
abandon my friend that's why I helped him. Pero bakit galit na galit ka?" sunod
sunod niyang sabi, may halo ng pagtataka ang kanyang mukha.

Hindi ko alam kung sino ang papanigan ni Sean, ako ba o ang kanyang kaibigan. Kung
si Rihav man, sana'y na kaming hindi pinipili. Hindi ko siya pipilitin na
paniwalaan ako.

"Muntik ng malunod si H-Hera..." panimula ko, nanginig ang boses ko sa pagbigkas ng


pangalan ng aking anak, nakatingin lang ako sa mga mata niya. "Dumating ang asawa
ni Rihav sa mansion niya, maging ang nanay niya ay nandoon din. Doon ko naradaman
na hindi kami bagay sa mansion na 'yon. Pero ayaw kong umalis dahil nandoon ang
kasiyahan ng mga anak ko, si Rihav. Hindi pa man sila nagtatagal doon parang nasa
impeyerno na buhay namin, muntik ng malunod si Hera dahil sa anak ni Rihav. Pinalo
pa sila ni Senyora kahit wala silang kasalanan. Saan kami lulugar sa mansion na
'yon kung pasakit lahat ng mararanasan namin?" huli ko na naramdaman na tumutulo na
pala ang mga luha ko sa aking pisngi.

Ilang buwan narin simula noong umalis kami sa bahay ni Rihav, pero ang mapapait na
karanasan ay nakatatak parin sa akin, lalo na sa mga anak ko. Hindi ko naiisip na
mangyayari ang lahat ng 'yon. Hindi na naisip na ang dalawa kong anak ay madadamay.

Hindi ko na isiniwalat pa sa kanya ang nangyari sa akin bago kami umalis sa


mansion. Hindi ko narin sinabi na nasagasaan ako, hindi na 'yon importante pa. Ang
kambal iyong mas importante sa akin.

Bakas sa mukha ni Sean ang pagkagulat. Ang kaninang nakauwang na labi ngayo'y ay
bumuka pa lalo. Hinilamos niya ang kanyang mukha na parang hindi makapaniwala sa
mga nangyari. Kinabig niya ako at nilapit sa kanyang dibdib.

"K-Kamusta ang kambal?" tanong niya matapos akong pakawalan.

Pumikit ako ng mariin bago tumingin sa dagat na nasa bandang gilid namin,
"Nagkatrauma si Hera, ayaw na niyang lumangoy sa dagat, ayaw na niya sa malalalim.
Takot na takot na siya sa nangyari, kahit lumapit man lang ay ayaw niya. Naging
tahimik ayaw makipaglaro sa ibang bata. Nawalan siya ng tiwala sa mga tao." sagot
ko.

Ang laki ng pinagbago ni Hera simula noong umalis kami sa mansion na 'yon. Kahit na
malambing parin siya sa akin, hindi na siya gano'n kadaldal kagaya dati, hindi na
siya iyon bibong Hera na nakilala ko. Hindi na siya iyon Hera'ng nakasanayan namin
dati.

Gustong gusto kong sisihin si Dion sa mga nangyari sa anak ko, siya ang may
kasalanan ng lahat. Gusto ko siyang sakta, gusto kong maghigante sa kanya sa mga
ginawa niya sa anak ko. Siya ang dahilan kung bakit nagkagano'n si Hera, pero hindi
maipakaila na ako talaga ang may kasalanan ng lahat. Kung simula palang ay umalis
na kami doon, hindi na nangyari 'yon.

Kung hindi lang ako umasa na magkakaayos kami ni Rihav, kung inisip ko ang masamang
mangyayari noong una palang pagpasok ni Senyora hindi na nangyari 'yon. Ako talaga,
ako ang may kasalanan ng lahat.

Ramdam ko ang pagkilos niya at tumingin din sa dagat. Pinunasan ko ang mga luhang
dumadaloy sa pisngi ko. Ngayon, ito na naman ulit ako, umiiyak na naman.

Kailan kaya ang araw na puro saya ang mararamdaman ko at ng mga anak ko?

Bakit puro sakit nalang?

Gano'n na ba kalaki ang kasalanan ko para parusahan ako ng ganito?

Umiibig lang ako...sa maling tao.

"Pinapagamot mo ba siya?" dinig kong tanong niya.

Tumango ako, "Oo, may doktor na pumupunta sa amin sa unang araw ng buwan." sagot ko
bago ko siya hinarap, "Sean, umalis ka na. Tahimik na ang buhay namin dito, ayaw ko
nang gulo..." humina ang boses ko.

"Naaksidente si Rihav..." natigil ako sa sinabi niya, "Nasa hospital siya ngayon,
kaya ako ang humahanap sa inyo. Sa kakahanap niya sa inyo, kung saan saan na siya
nagpunta, naaksidente siya. Hindi bale, hindi ko sasabihin lahat sa kanya na
nandito kayo sa La Azul."

Tumungo ako, wala akong balak kamustahin ang kalagayan ni Rihav. Nandoon naman ang
pamilya niya, hindi na kami kailangan pa doon. Bakit niya pa kami hinahanap? Hindi
na namin siya kailangan.

"Maraming salamat, Sean." sabi ko, aasta na sana akong aalis ng hinawakan niya ang
aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.

"Pupuntahan ko kayo dito, Fay. Hindi ko kayo pababayaan, kasangga mo ako sa ano
mang laban pero bakit hindi mo man lang ako tinawagan. Sana natulungan ko kayo."
wika niya.

"Bakit kami ba ang paniniwalaan mo? Kami ba ang pipiliin mo, kahit na kaibigan mo
si Rihav?" napasinghap ako, pait akong ngumiti, "Ayaw ko nang umasa pa Sean, sawa
na ako na kami na lang 'yong parating pangalawa, parating iniiwan sa ere."

"Kilala mo ko, Fay. Alam na tutulungan kita kahit ano pa ang problema mo, hindi
kita iiwan sa ere kagaya ng sinasabi mo ngayon. I will not do that to you."
diniinan niya ang mga huling salita.

Kilala ko si Sean, siya iyong tipong kaibigan na nandiyan parati sayo. Pero
kaibigan niya din si Rihav, natatakot ako na baka si Rihav ang paniniwalaan niya.
Natatakot ako na hindi niya mapapanindigan ang kanyang mga salitang binitawan. Oo,
kaibigan niya ako pero kaibigan niya din si Rihav.

"Ano bang gusto mong gawin ko para paniwalaan mo? Fay, magkasangga tayo dati, ikaw
ang pinakapaborito kong kaibigan kaya hinding hindi kita ilalaglag kay Rihav o
kanina man." Ani pa niya.

Ngumiti ako sa kanya, hindi ko alam kung muli ko siyang papasukin sa tahimik na
buhay namin. Alam kong maglilikha muli ng gulo ang buhay namin kapag pinatuloy ko
siyang muli.

Natatakot man at puno ng pagdadalawang isip ang kaloob-looban ko ay tumango ako sa


kanya. Iyon ang senyales ng pagsang-ayon muli na pumasok siya sa buhay namin. Kahit
kailan, hindi ako nilaglag ni Sean kay Rihav pwera nalang kay Amer. Ang may
kasalanan kung bakit nalaman ni Rihav ang lahat.

"Babalikan ko kayo, ako ang magpapagamot kay Hera. Huwag kang matakot, Fay, hindi
kita pababayaan kagaya ng iniisip mo." sabi niya at inialis ang luha sa aking mata.

******

"Nanay, huwag na tayong umalis dito ha." sambit ni Hacov habang binibihisan ko
siya.

"Bakit naman tayo aalis?" nakanguso kong tanong kay Hacov.

Tinapos muna niya ang pagbihis bago muling nagsalita, "Kasi parati nang nandito si
Tito Semon, baka sa susunod papuntahin na niya tayo doon sa bahay ni Tatay. Ayaw ko
na po doon, dito na lang po tayo."

Nakakagulat man pero tinutoo talaga ni Sean ang kanyang sinabi isang linggo na ang
nakakaraan. Tatlong araw na siyang napupunta dito, mayroong mga araw na wala dahil
daw kailangan siya sa trabaho niya. Hindi naman ako nagrereklamo, nagugulat pa nga
ako na pumupunta siya dito.

Sa tatlong araw na punta niya dito hindi siya nakakalimut magdala ng grocery at
pasalubong para sa kambal. Maganda ang trato niya kay Hacov lalo na kay Hera, kahit
siya ay napapansin din ang pagiging tahimik at kakaiba ni Hera. Nanibago siya sa
gawi ni Hera, minsan kung tinatanong niya hindi na sumasagot pwera na lang kung
muli ko iyong itatanong.

Hindi na nagpapabuhat sa kanya si Hera kahit anong pilit niya. Ni pagtawag ng


pangalan niya ay hindi mabigkas ni Hera, mabuti na lang at naiintindihan din ni
Sean ang nangyari sa dalawa. Nagpadala pa siya ng isang espesyalista para
mapatignan si Hera, noong una ayaw ni Hera natatakot daw siya. Malambing ko siya
kinausap, inalo at ginawa ang lahat bilang ina na magpapakalma sa anak.

Sa aming lahat sa akin lang sumusunod si Hera, maging kay Hacov ay hindi na siya
minsan sumusunod. Ako na lang ang taong pinagkakatiwalaan niya sa lahat at iyon ang
ayaw kung mawasak.

"Dito lang tayo hindi tayo aalis dito." Sabi ko.

Bumaba na si Hacov sa kamang tinatayuan matapos niyang magbihis. Pumunta ako sa


gawi ni Hera na naglalaro ng manikang binigay ni Sean. Kagaya nang naunang doktor,
trauma daw talaga ang dinadanas ni Hera ayon sa espersyalistang dinala ni Sean.
Kailangan daw maingat siyang kausapin at huwag pagalitan.

"Ayos ka lang ba Hera?" malambing na ani ko.

Napahinto siya sa paglalaro at napatingin sa akin, "Nanay, natatakot po ako kay


Tito Semon." Wika niya sa maliit na boses.

"Bakit naman Hera? Hindi naman ikaw sasaktan ni Tito Semon, diba siya pa nga
nagsasabi sayo na magpagaling ka. Palagi ka niyang binigyan ng chokolateng gusto
mo." sabay kong hinaplos ang kanyang buhok.

"Baka sasaktan niya rin ako Nanay, kagaya ng ginawa nila sa akin. Natatakot po ako,
Nanay. Baka sasaktan nila ako, sasaktan nila ako." nagsimula na siyang humikbi.

Parang piniga ang puso ko. Kaagad ko siyang binuhat at pinaupo sa aking kandungan.
Pinalupot ko ang aking kamay sa kanyang likod at hinagod iyon para kumalma siya.
"Nanay, sasaktan nila ako. Sasaktan nila ako!" sunod sunod na pasigaw niya.

Umiling ako at mas lalo siyang niyakap ng mahigpit. "Hindi ka nila sasaktan,
nandito si Nanay hinding hindi ka na nila sasaktan. Tahan na..." pagpapatahan ko.

Inalo ko si Hera ng inalo hanggang tumahan siya sa pagkakaiyak. Malambing ko siyang


henele habang nasa bisig ko siya. Nakayakap lang siya sa akin habang sumisinghot
dahil sa namoong sipon. Nasa ganoong kaming posisyon ng marinig ko ang pagtunog ng
aking cellphone. Inabot ko iyon at kaagad na sinagot ang tawag.

"Fay, pasensya na. Kailangan ka namin dito sa palengke madaming bumibili, hindi
namin kaya ni Girly, wala penoy kaya ikaw ang tinawagan ko." dinig ko sabi ni Nanay
Bell kahit na kaguluhan na ang nasa background niya. Madami na talaga ang dayo
ngayon dahil bukas na ang kapistahan.

"Sige Nanay Bell pupunta po ako," sabi ko at pinutol na ang aming tawag.

"Gusto kong sumama sa palengke, nanay." Hindi pa man ako nakapagsabi sa kanya.

Isang tango at pangigil na halik ang iginawad ko bago ko siyang pinakawalan.


Nakalabas kami ng bahay ay doon ko naman nakita si Hacov na masayang naghahabulan,
hinihingal siyang napalapit sa akin. Nagpaalam na pupunta siya ng resort kasama ang
mga kaibigan, ngayon ang resort na pupuntahan niya ay ang pinakaayaw niya.

Noong una ay nagulat ako, huli na dahil nakipaghabol siyang muli pero patungo na sa
resort. Hinayaan ko nalang para maging masaya naman ang pagiging bata niya, dapat
iyon din ang ginagawa ni Hera, hindi iyong takot siya.

Papasok na kami ng palengke, hindi nga ako nagkakamali na madami ang tao. Mas lalo
kong hinigpitan ang hawak kay Hera. Nagtungo kami sa pwesto, hindi na ako nag-
aksaya pa ng oras. Nagmadali kaming pumunta doon, pinaupo ko si Hera at sinabihang
huwag umalis. Nagsimula na akong nagtrabaho. Madaming dayuhan at mga taga ibang
lungsod.

"Can I get your number?" umuwang ang bibig ko sa sinabi ng isang mamimiling
dayuhan.

"Sorry sir, I can't." hindi naman siya nagpumilit at umalis din.

Muli akong bumalik sa pagtatrabaho. Natataranta na minsan si Nanay Bell sa


pagsusukli dahil sa dami ng mamimili. Ilang oras din bago lumuwag ang pwesto namin,
ilang piraso nalang ng isda ang natira sa lamesa nami kaya pinaupo na ako ni Nanay
Bell.

"Ayos ka lang Hera?" sabay paghubad ko ng apron na suot.

Hindi siya sumagot sa tanong ko nakatuktok lamang ang kanyang mata sa isang
direksiyon, iyon ay nasa likuran ko. Hindi ko iyon pinansin at muli ko siyang
tinanong, mukhang wala siyang narinig sa aking tanong.

"Sir, ano po sayo?" dinig kong tanong ni Girly sa likod.

Nakatutok lang ako kay Hera at hinihintay ang kanyang sagot sa aking tanong. Sa
pangatlong pagkakataong ay tinanong ko siya ulit, hinawakan ko ang kanyang mukha
para makuha ang kanyang atensiyon.

"Tatay..." wala sa sariling sambit niya.

Aastang muli akong magtatanong ng makadinig ako ng pamilyar na boses mula sa aking
likuran. Ang kanina pang tinitignan ni Hera.

"Hera...Fayre..."

*****

I want to read y'all reaction and opinion about this story. Use the #HTBTwins27 and
post on twitter! Love y'all. Thank you for y'all support everyone!💜

Kabanata 28

Greetings for Ms.Bernadette Cadaing, thank you for love and support!

Kabanata 28

"Ah, Sir, ang dami niyo pong galos at pasa sa katawan. Napaano po kayo? Upo muna
kayo dito." Napapikit ako sa ani Nanay Bell.

Kinagat ko ang aking labi at ginigising ang sarili, nagdadasal na sana panaginip
lang ang lahat. Sa kakakagat ko ng aking labi ay nakaramdam ako ng sakit, doon ako
hinampas na totoo ang lahat ng nangyayari. Narito nga si Rihav, nasa likuran ko
lang.

Binasa ko ang aking mga labi, inayos ang buhok ni Hera na sagabal sa kanyang mukha
bago ako humarap. Kumidlit ang sakit sa aking puso ng makita ko siyang muli ngunit
nanibago ako sa aking nasaksihan. May benda ang kanyang ulo, may mga pasa nga ang
kanyang mukha, may mga galos sa kamay at ang iba ay tinatakpan pa.

Bumuga ako ng hangin, "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at hindi pinakita ang
masakit niyang presinsya.

Kita ang sakit sa kanyang mga mata, pinaghalong sakit sa katawan at sakit ng
kanyang dinadamdam. "Hinahanap kayo, umuwi na tayo, Fay." Tunog nakakaawa pero
hindi na kami babalik pa doon.

"Hindi kami sasama sayo, umalis ka na dito."

"Hindi ako aalis dito, hangga't hindi ko kaya kasama." Aniya.

Dinig ko ang pagtikhim ni Nanay Bell at Girly sa kanilang nasaksihan. Nagmadali


silang naglinis ng aming pwesto dahil sa tensyon na nangyayari. Tinalikuran ko si
Rihav at tinulungan na rin sina Nanay Bell, hinayaan ko siyang nakatayo doon habang
hawak hawak niya ang kanyang tagiliran.
Mukhang totoo nga sinabi ni Sean sa akin na naaksidente si Rihav. Kitang kita na
iniinda pa niya ang sakit ng kanyang tagiliran. Nakasimpleng t-shirt lang siya,
pants at slip on slippers. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at wala akong
balak tanungin siya.

Ilang minuto pang pagliligpit ay natapos narin kami. Binalikan ko si Hera sa


kanyang inupuan at inaya na uuwi na kami.

"Tara na Hera." Aya ko sa kanya, nakayuko lang siya.

Hinawakan niya ang aking kamay at nagpatianod sa akin paghila. Makalabas kami ng
pwesto ay naglakad papalapit sa amin si Rihav. Sumenyas naman si Nanay Bell at
Girly na mauuna na, tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanila. Bumalik ang
mata ko kay Rihav na nakaluhod sa harap ni Hera, nagtangka siyang hawakan ang mukha
ng anak ngunit kaagad itong inatras ni Hera.

"Hera, si Tatay ito. Miss na kita, p-payakap n-naman." Nautal na siya sa mga huli
niyang binigkas.

Aastang yayakapin niya si Hera ng umalis ito sa kanyang harapan at pumunta sa aking
likuran. Napayuko siya sa inasta ni Hera, sa kabilang kamay ko kinuha si Hera at
doon hinawakan. Lumunok ako at mariin na pumikit bago umalis, iniwan naming
nakaluhod si Rihav doon.

Nakalabas na kami ng palengke, ramdam ko parin ang sakit ng aking dibdib. May
tumulo na ring luha sa aking mata, nasa daan na kaming papuntang bahay ng narinig
ko ang pagtawag Rihav mula sa aming likuran. Walang lumingon sa amin ni Hera, tuloy
lang kami sa paglakad.

Sunod sunod na hakbang ang narinig ko sa likuran bago bumungad sa amin si Rihav sa
harapan. Kitang kita ang luha sa kanyang mga pisngi, ang kamay ay naroon parin sa
kanyang tagiliran. Nagmadali din ako sa pagpunas bago siya hinarap.

"Umalis ka na Rihav, hindi ka na namin kailangan. Masaya na kami kung ano ang
mayroon kami ngayon." Sabi ko.

"Paano ako? Hindi ako magiging masaya kung hindi ko kayo kasama."

"May pamilya ka na."

"Tanginang pamilyang 'yan, kayo nga ang pamilya ko!"

Napapikit ako sa kanyang pagsigaw. Mahigpit ang pagkakahawak ko kay Hera na


nakayuko lang. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko, walang lumalabas na
salita ang sa aking bibig.

"Hinanap ko kayo..." puno ng sakit ang kanyang boses, "Hinanap ko kayo, nilibot ko
ang buong Isla Fera para lang mahanap ko kayo."

Lumunok ako, "Hindi mo na sana kami hinanap pa, masaya na kami Rihav." Sabi ko.

Nalaman ba niya na narito kami dahil kay Sean? Si Sean lang ang nakakaalam kung
nasaan kami. Napakagat ako ng aking bibig, sana hindi nga si Sean ang nagsabi sa
kanya dahil kapag nagkataon na si Sean, hinding hindi na ako magtitiwala sa tao
kahit matagal ko na silang kilala pa.

Nawalan na ako ng tiwala...

"Dalawa kami ni Semon ang naghanap sayo, maging siya hindi niya rin alam kung
nasaan ka."

Umuwang ang bibig ko sa kanyang sinabi.

"Walang sinabi sayo si Sean?" kunot noo kong tanong.

Umiling siya, "Hindi niya din daw alam kung nasaan ka kaya pinahanap na lang kita
sa mga tauhan ko habang nasa hospital ako..." aniya at hinilod ang kanyang
tagiliran.

Pinagdudahan ko si Sean, mabuti nalang na hindi talaga siya ang nagsabi kay Rihav
na narito kami. Tinupad niya ang kanyang pangako na hindi niya sasabihin kahit
kanino kung saan kami naroroon ngayon.

Pero kahit na hindi sinabi ni Sean na narito kami sa La Azul ay natuntun parin kami
ni Rihav. Wala naman kaming pera paalis ng Isla Fera kaya matutunton talaga kami.
Mayaman siya, kaya niya kaming hinapahanap sa kanyang mga tauhan at babayaran niya
lang ang mga iyon.

Nakuha ni Hera ang atensyon ko ng hinila hila na niya ang aking kamay paalis doon.
Hindi naman kami nagtagumpay sa pag-alis dahil hinarang kami ni Rihav, muli siyang
lumuhod at hinarap si Hera.

"H-Hera, payakap naman si Tatay..." nagmamakaawa na ang boses niya.

"Umalis na po kayo dito, baka po hinahanap na kayo." Mahinang sabi ni Hera.

Nanlaki ang mga mata ni Rihav sa narinig mula sa anak. Ilang segundo ay bumalik
narin sa katutuhanan si Rihav, itinaas niya ang kanyang kamay para sana hawakan ang
pisngi ng anak ngunit muling inilayo ni Hera ang kanyang mukha.

"U-umalis n-na k-kayo." Pumipiyok na si Hera.

"Hindi aalis si Tatay hangga't hindi ko kayo nakakasama, Hera." Malumanay na wika
ni Rihav.

Umiba ang mukha ni Hera at nagsimula na siyang umiyak sa harap ni Rihav. Ngasitulo
ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi habang mahigpit na hinahawakan ang aking
kamay.

"Hindi niyo naman kami mahal, bakit pa kami sasama sayo? M-Muntik na akong m-
malunod, t-tatay. P-Pinalo pa kami ni Senyora dahil sa anak niyo. Ano pong ginawa
niyo? Wala, mas lalo niyo kinampihan ang anak niyo." Himikbi si Hera.

Nagulat ako. Si Rihav ay napatulala sa sinabi ni Hera. Pinroseso niya ang bawat
salitang binitawan ni Hera bago nag-iba ang kanyang mukha.

"Hindi totoo 'yan Hera. Mahal kita, mahal ko rin si Hacov. Mahal ko kayo."
Hinawakan ni Rihav ang braso ni Hera at nilapit sa kanya para yakapin.

Nagpatianod si Hera sa yakap ng ama. Doon siya humikbi sa braso ni Rihav, kahit na
yakap yakap ang ama ay hindi niya parin ako binibitawan, hawak hawak parin niya ang
aking kamay. Nakailang segundo siya niyakap ng ama at mahina niyang tinulak ang
ama.

"Umalis na po kayo." Nagawa niyang magsalita kahit na umiiyak siya ng umiiyak.

Muling magsasalita sana si Rihav ng may sumigaw sa likuran niya. Napatingin ako at
napalingon naman si Rihav, doon namin nakita si Hacov na papalapit sa amin. Tumayo
si Rihav para salubungin ng yakap sana ang anak ngunit iniba ni Hacov ang kanyang
direksyon at pumunta sa amin.

Napapikit na humarap sa amin si Rihav, may tumulong luha mula sa kanyang mata.
Pinutol ko ang pagkakatingin ko sa kanya at hinawakan ko ang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Hacov.

"Uuwi na tayo, Hacov. Sumama kayo sa akin." Puno ng emosyon niyang sabi.

"Hindi kami sasama sayo, kaya umalis ka na dito!" pasigaw na sabi ni Hacov sa
ama. .

"Hacov si Tatay 'to, sumama na kayo."

"Ayaw na kitang maging tatay, sana hindi na kita naging tatay!" kaagas kung sinuway
si Hacov sa mga pinakawalang salita niya ngunit hindi siya nakinig sa akin, hinila
niya ako mapapalis doon. Ngayon ay hinayaan na kami ni Rihav na makawala, tuloy
tuloy kaming naglakad hanggang sa nakarating kami ng bahay.

***

Sa tatlong araw na pagpunta punta dito ni Rihav ay hindi parin namin siya
kinakausap. Nadidinig ko siyang iniinda niya ang sakit ng kanyang tagiliran lalo na
sa tuwing sinusubukan niyang yakapin ang dalawa. Paminsan minsan kasi ay tinutulak
siya kapag nagtatangka, lalo ni Hacov. Wala siyang ginawa dito kundi sundan kami
nang sundan. Humingi din siya ng tawad pero hindi ko siya pinapansin.

Ngayon, natapos ang araw ay wala siya. Ni anino niya ay hindi namin nakita. Walang
Rihav na sunod ng sunod sa amin dito. Kaya ang dalawa ay nakalabas ng bahay dahil
wala ang ama sa labas.

"Nakalaro na din ako," hapong hapo na umupo si Hacov sa umupuan, katatapos lang
maglaro. "Walang sagabal, wala si Tatay na sunod ng sunod." Aniya pa.

"Hacov, masama parin ang sinabi mo sa kanya noong mga nakaraang araw. Dapat hindi
mo 'yon sinabi sa kanya." Pangangaral ko.

"Anong masama do'n nanay? Totoo naman, ayaw ko siyang makasama na, masaya na ako
dito. Tsaka, hindi ko parin siya napapatawad sa nangyari."

"Hacov—"

"Nanay, alam kong bastos 'yon pero hindi ako hihingi ng tawad sa kanya. Sayo po ako
magsosorry, sorry na." sabay hinagkan niya ang aking beywang.

Pinagigilan ko siya bago pinakawalan para muling maglaro sa labas. Tinanaw ko naman
si Hera na nanonood ng tv, tahimik lang siya. Hindi pa namin napag-uusapan ang
nangyari noong nakaraang araw baka umiyak na naman siya, ako 'yong nasasaktan kapag
nakikita siyang umiiyak.

Muli kong binalik ang aking sarili sa pagluluto ng hapunan namin. Ilang minuto pa
ay sunod sunod na katok ang narinig ko sa pinto. Hindi iyon si Hacov dahil papasok
nalang iyon ng walang katok katok. Nag-aalangan din ako baka si Rihav ang bumulaga
sa amin pagkabukas ko ng pinto.

Muling kumatok ang tao mula sa labas, hinintay kong pagsalita para malaman ko kung
sino. Maging si Hera ay nakuha ang atensiyon dahil sa sunod sunod na pagkatok nito.
"Fay, si Sean 'to." Nakahinga ako ng maluwag sa nagsalita.

Simula noong umalis siya dito sa La Azul ay hindi na siya bumalik, naging busy daw
siya sa kanyang trabaho at kailangan na niyang magfocus doon. Lumapit ako sa pinto
at dahan dahan na binuksan, bumungad sa akin si Sean na magulo ang buhok at mukhang
problemadong problemado.

Pinapasok ko siya sa bahay at pinaupo sa umupuan, "Naparito ka Sean," sabi ko.

"Pumunta dito si Rihav?" kaagad niyang tanong.

"Oo, ilang araw siyang narito, ngayong araw nga lang hindi." Sagot ko.

Bumalik ako sa aking ginagawa at hinayaan si Sean na magsalita.

Pinagsakop niya ang kanyang kamay, "Balik siya sa hospital, nawalan ng malay
kaninang umaga. Hindi pa talaga siya magaling, tumakas lang 'yon sa hospital noong
nalaman niyang narito kayo sa La Azul. Nagwala pa kanina, sa kanya ko nalaman na
nakita niya na kayo. Hindi ko sinabi sa kanya dahil iyon ang gusto mo." Seryoso
niyang sabi.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga narinig ko mula kay Sean. Napakagat
ako ng aking bibig. Tinapos ko ang aking ginagawa bago ako umupo sa kanyang
harapan.

"P-Pwede niyo ba siyang puntahan, Fay? Kahit ngayon lang, nagwawala siya, kung
hindi inuturukan ng pampakalma o pampatulog ay nagiging agresibo siya."

"Hindi na kami pupunta doon, naroon pamilya niya, Sean. Ayaw na namin ng gulo."

"P-Pinagalitan niya si D-Dion, pinaalis niya ng mansion ang mag-ina."

"A-ano?" hindi ako makapaniwala.

"Kahit sila hindi mapakalma si Rihav, waala ngayon ang nanay niya dito sa
pilipinas. Nagpapagamot dahil nagkasakit sa puso, noong umalis kayo sa mansion
palaging umiinom si Rihav. Hindi na pumapasok ng opisina, ang nanay niya ang nasa
tabi niya at sina Dyessie. Pero walang may makakapigil kay Rihav hanggang sa
inatake na lang si Senyora."

Nanginig ang tuhod at mga kamay ko. Malaki ang kasalanan ni Senyora sa akin,
sobrang laki pero hindi ako magdadasal na sana mamatay siya o kung ano man. Sina
Dyessie naman, kamusta na sila?

Ano na naman ang nangyayari, bakit ganito na naman? Palagi na lang ba magulo ang
buhay namin?

Aastang magsasalita ako ng may muling kumatok ng pinto. Nagkatinginan kami ni Sean,
muling kumatok kaya napatayo ako sa aking kinauupuan. Dahan dahan kong binuksan ang
pinto at nagulat ako sa aking nakita.

Kumalabog ang aking dibdib at nanginig ang aking bibig.

"D-Dyessie..."
*****

SNS Account:

Facebook: Erithrea WP

IG: Threyaaaaa

Twitter: 3rithrea

Facebook Group: Byuls of 3rithrea

Facebook Page: 3rithrea Diaries

Kabanata 29

Greetings, para sa active GC.

Justina, Ridalyn, Rose Marie, Matere, at Czarina na sobrang sipag! Ilyall!♥️

Kabanata 29

"Dyessie..." kinakabahan kong ani.

Dinig ko ang pagtayo ni Sean mula sa kanyang kinauupuan, hinawakan niya ang aking
kamay at nilagay niya ako sa kanyang likuran. Nagulat naman ako ng bigla akong
hagkan ni Hera mula sa aking likuran. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay at
dinikit naman niya ang mukha sa aking tagiliran.

"Anong ginagawa mo dito, Dyessie?" si Sean na ang nagtanong para sa akin.

"G-Gusto ko lang k-kausapin si Fayre." Nanghihinang sabi niya.

Umiling si Sean, "Huwag kang gumawa ng gulo dito, Dyessie." Matigas na ani Sean.

Napako ang tingin ko kay Dyessie na namumutla ang mga bibig. Napatingin siya sa
akin at nagtama ang aking paningin. Nakuha lang iyon ng may nakita akong pumalupot
na kamay sa kanyang beywang at lumabas ang ulo ni Dion sa kanyang likod.

Mas lalo kung niyakap si Hera ng makita si Dion. Mukhang kagagaling lang niya sa
iyak dahil namumula ang kanyang mata at ilong. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, pero
mas iintindihin ko muna ang mga anak ko. Masama ang nangyari sa amin noong huli
naming pagsasama.

"Semon, gusto ko lang talagang makausap si Fayre, wala akong gagawin sa kanya."
nagmamakaawa na ang boses ni Dyessie.
"M-Mommy, umalis na t-tayo." Hinila pa ni Dion ang damit ni Dyessie.

Hindi nakinig si Dyessie sa sinabi ng anak at muli siyang humarap sa akin. Binasa
niya ang namumutlang labi at dahan dahan na lumuhod sa harap namin. Naalarma ako sa
ginawa niya, naunahan ako ni Sean sa pagpapatayo sa kanya dahil hawak hawak ko rin
si Hera.

"I just want to talk to you, Fay. Ito lang, isang beses, h-hindi h-hindi na ako
magpapakita sa inyo." Aniya habang pinapatayo ni Sean.

Si Dion ay nagsimula naring umiyak sa likod ng kanyang ina. Dahan dahan kong kinuha
ang kamay na pumupulupot sa akin at hinarap ang aking anak. Kumuha ako ng hangin
bago siya sinabihan na bumalik sa kanyang pwesto kanina. Sunod sunod ang kanyang
pag-iling sa aking sinabi at mas lalo akong niyakap.

"Mag-uusap lang kami, please Hera bumalik ka muna. Kasama mo naman si Tito Semon,
hindi ka niya pababayaan dito." Malambing na ani ko.

Tumingin muna siya sa aking likuran bago tumango at kinuha ang kanyang kamay sa
akin. Tumalikod siya at tumakbo pabalik sa kanyang pwesto.

Hinarap ko si Sean at pinapunta muna kay Hera. Ako na mismo ang nagpatayo kay
Dyessie na hanggang ngayon ay nakaluhod parin. Nanginginig ang kamay ko habang
pinapatayo ko siya. Pinapasok ko naman si Dion sa loob ng bahay, umiiyak siyang
umiling at niyakap ang ina.

"Doon ka muna, Dion mag-uusap kami." Sabi niya sa anak.

Doon wala ng nagawa si Dion, nakayuko na pumasok siya ng bahay. Pinaupo siya ni
Sean sa upuan na malayo kay Hera. Binalik ko ang aking tingin kay Dyessie, dinala
siya sa isang pribadong lugar na kung saan kaming dalawa lang.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya at pinagsakop ang aking kamay.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito kami?" tanong ko sa kanya.

"Gusto kong humingi ng tawad sayo ng harap harapan, sa lahat ng huling nangyari sa
mansion. Kung gusto mong lumuhod ako gagawin k—" aniya at luluhod na sana ngunit
pinigilan ko siya.

Hindi ako santos para luhuran niya. Kaya ko siyang patawarin sa lahat ng gagawin
niya sa akin para matahimik na ang pamilya ko. Puno ng sakit ang nangyari sa mga
anak ko, gusto kong mapalitan iyon ng masasayang alaala. Kung pagpapatawad ang
unang paraan gagawin ko para matapos na ang lahat ng ito, kahit na nasasaktan ako.

"Bakit mo 'yon ginawa, Dyessie, ang pahirapan ako?" diretsahan kong sabi.

Pumikit siya at bumuga ng hangin "Binantaan ako ni Senyora, Fayre. Kung hindi ko
'yon gagawin, isusum—" huminto siya sa pag-iiyak at nagsimulang umiyak.

Hinayaan ko muna siyang umiyak habang ako ay pinigilan din ang pagtulo ng aking
luha. Sobrang babaw ng luha ko, hindi din ako 'yon klase ng tao na sobrang bato ang
puso. Pinalaki ako ni Nanay at Tatay na magpatawad, kung kaya ng Diyos na patawarin
tayo sa lahat ng kasalanan natin, paano pa kaya ako na simpleng tao lang?

Hindi naman tayo pinanganak na masama, tayo mismo ang humuhubog sa sarili natin
para maging masama.

Muli ko siyang tinignan, mukhang nanghihina siya. Hindi ko alam kung ano ang
pinagdaan niya bago siya napunta dito sa amin. Namumutla parin siya, na parang may
iniindang sakit.

"Kaya mo na bang magsalita?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya, "Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat, Fay. Gusto kong
humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa 'yo at sa dalawa mong anak. Sa pagsasabi
ko nang masasamang salita sa kanila." Sensero niya sabi.

"Paliwanang mo lang naman ang hinihintay ko, Dyessie. Alam ko sa sarili ko na kaya
kitang patawarin, pero gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong malaman kong bakit
ka narito at bakit ngayon ka pumunta para humingi ng tawad." Sabi ko.

Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi, "Kasi, nasa malayong lugar na si
Senyora." Aniya at nagkibit balikat, "O ito na din ang tamang oras na inilaan ng
panginoon."

"Sa totoo lang natatakot akong humarap sayo, sa lahat nahihiya ako. Pero kaya ko
nang sabihin lahat dahil..." huminto siya at may tumulong luha mula sa kanyang
pisngi. Huminga siya ng malalim at bumuga bago ulit nagsalita, "Isusumbong ako ni
Senyora kay Daddy, isususmbong niya na hindi totoo na anak ni Rihav si Dion."
Umuwang ang bibig ko sa kanyang sinabi, kumurap kurap ako.

"Oo, hindi niya anak si Dion. Anak ko si Dionna dati kong kasintahan na pinapatay
ni Daddy dahil hindi niya tanggap na 'yon ang mahal ko. I was so young that time
when I knew that I'm pregnant, hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa
nakita ni Senyora ang pregnancy test. Doon niya ako binalaan na sasabihin niya kay
Daddy na buntis ako." natigil siya sa pagsasalita at muling humikbi.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang likod. Hindi ko na napigilan pa ang
luha na kanina panggustong tumulo sa mga mata ko. Ito ang dahilan kung bakit gano'n
niya ako tratuhin, hawak siya ni Senyora sa leeg.

Kahit kailan talaga ang sama sama niya, sarili niya lang ang iniisip niya!

"Doon pinagkasundo ako ni Senyora kay Rihav, hindi ako pumayag dahil kaibigan ko si
Rihav. Pero wala akong nagawa napilitan ako, noong mga araw din iyon ay galit daw
sayo si Rihav. Oo, Fayre, kilala na kita nang mga araw na 'yon. Ginawa ko ang lahat
ng sinabi ni Senyora hanggang sa pinagkasundo kami para magpakasal. Pero hindi rin
iyon natuloy dahil ayaw ni Rihav, nagkunwari kami sa lahat na kasal kami hanggang
sa nalaman ni Senyora. Muli niya akong binantaan, sa pagkakatanong iyon nagalit na
si Rihav. Doon niya nalaman lahat, nalaman niya na buntis ako at iba ang ama. Alam
niya kung paano magalit si Daddy kaya kahit ayaw ni Rihav, inako niya si Dion. Para
maligtas ako, iyong hindi niya alam na ikaw naman ang masasaktan."

Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Matutuwa ako na hindi totoong anak ni
Rihav si Dion o maawa ako sa dalawa na napamahal na sa kanya. Ang bata ang maiipit
kapag nalaman niya ang lahat ng ito, iyon ang nakakatakot.

"Alam ni Dion ang lahat?" hindi ko mapigilang mapatanong sa kanya.

Ngumiti siya at umiling, "Hindi niya alam, hindi ko alam kung paano sabihin sa
kanya ang lahat. Natatakot ako na maging siya ay ayaw na rin sa akin."

"Mahal ka nang anak mo Dyessie, hindi niya gagawin 'yon." Ani ko.

Ngumiti siya habang umiiyak.

"Sana nga." Bulong niya, "Pwede bang balikan mo na lang si Rihav?" natigilan ako.
"Dalhin niyo na rin si Dion, hindi na ako magpapakita doon. Pwede mo bang tanggapin
ang anak ko?"

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon, "Malapit na ang katapusan ng buhay ko,
Fay. Noong araw na iniwan namin si Dion sa mansion umalis kami ni Rihav para
pumunta sa doktor ko, doon nalaman na malala na ang sakit ko. I have...a cancer in
blood, Fay. Hindi na daw magagamot dahil kumalat na, may taning na ang buhay ko,
Fay."

Hindi ko alam bakit nagsitulo ang mga luha ko sa aking mata. Humigpit ang hawak ko
sa kanyang kamay. Napakagat ako ng aking bibig at hindi mapigilan ang aking pag-
iyak.

Ang bata bata pa ni Dion para mawalan ng Nanay.

"Alam din ito ng anak mo?" nagawa ko pangmagtanong.

Suminghot siya at tumango, "Kanina niya lang nalaman, kaya umiyak siya ng umiyak.
Gusto namin pumunta sa hospital kong nasaan si Rihav para doon muna siya at gusto
ko na...magpahinga. Pero pinigilan kami, pinigilan kami ng mga tauhan niya."

"Tara, isasama ko kayo kay Rihav." Sabi ko at hinila siya pero pinigilan niya ako.

"Huwag na, kayo na lang. Uuwi ako ng bahay, doon na muna ako." aniya at ngumiti,
"Ikaw na ang bahala sa anak ko ha, mabait si Dion. Hihingi daw siya ng tawad kay
Hera sa nagawa niya, sana mapatawad niyo ang anak ko."

Hindi na ako nagsalita at hinila na siya papunta ng bahay namin. Doon ko namin
nakita na umiiyak si Dion habang inaalo ni Sean. Napatakbo si Dyessie at kinuha
doon ang kanyang anak at pinatahan.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila.

Walang may nagsalita, maging si Sean ay hindi rin sumagot sa aking tanong. Muli
akong nagtanong kong ano ang nangyari.

"Tinulak ni Hacov si Dion ng makita, nabangga ang baba niya sa mesa kaya nagdugo."
Sagot ni Sean.

Akmang pupuntahan ko na ang kambal ng hatakin ni Dyessie ang kamay ko para pigilan
sa aking pag-alis.

"Huwag na," napapikit ako.

Hinarap ko si Dion na dumudugo ang bibig at umiiyak. Pinunasan ko ang kanyang mukha
gamit ang aking kamay.

"Sorry po, Tita Fayre..." aniyang umiiyak.

"Tahan na huwag ka ng umiiyak, aalis tayo pupuntahan natin ang Daddy mo." Sabi ko.

Sunod sunod ang kanyang pag-iling, "Hindi kami papasukin doon, pinagalitan ako ni
Daddy."

"Ako bahala sayo,"

"Tama si Tita Fayre, siya na bahala sayo Dion. Aalis na si Mommy. " Mas lalong
lumakas ang iyak ni Dion at yumakap sa kanyang ina, "Napag-usapan na natin ito
anak, bitiwan mo na ako." sabi niya bago tumingin sa akin at kay Sean, "Kayo na ang
bahala sa anak ko, huwag niyo siyang pababayaan." Huli niyang sabi bago marahas na
kinuha ang kamay ni Dion sa kanya at dali daling umalis. Naiiwan si Dion na
umiiyak.

"Mommy! Mommy! Mommy!" sunod sunod na pagtawag niya sa ina.

Kinuha ko siya at niyakap. Muli akong naiyak dahil sa ginawa ni Dyessie. Nakaya
niyang ewan ang anak niya dito para hindi na siya makita ni Dion na manghina.
Kitang kita talaga sa mukha ni Dyessie na mahina na siya, putla putla na ang bibig
at parang may iniinda.

"Gusto ko si Mommy," hikbi ni Dion.

"Dadalhin kita sa Daddy mo, Dion." Sabi ko at hinarap si Sean, "Sean dalhin mo kami
kay Rihav, pupunta kami doon." Tango ang ginawad ni Sean sa akin at kinuha si Dion
sa akin.

Lumapit ako sa dalawa na nakatingin lang din sa amin. Lumuhod ako para magpantay sa
kanila. Sinabi ko sa kanila na pupunta kami sa kanilang ama, pupuntahan namin si
Rihav.

"Ayoko, nanay. Kayo nalang." Pagtanggi ni Hacov.

"Hacov, may sakit ang nanay ni Dion. Hindi na niya makakasama pa ang kanyang nanay,
si tatay niyo na lang ang mayroon siya." malambing na ani ko.

Muling umiling si Hacov sa sinabi ko. Ginawa ko ang lahat para ipaintindi sa kanya
ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nag-usap hanggang sa
sumama sila ni Hera sa akin. Kita ko ang matalim na pagtingin ni Hacov kay Dion, na
kaagad kong isinuway.

"Tara na, Sean." ani ko at umalis na ng La Azul.

*****

SNS Account:

Facebook: Erithrea WP

IG: Threyaaaaa

Twitter: 3rithrea

Facebook group: Byuls of 3rithrea

Facebook page: 3rithrea Diaries

Kabanata 30
Kabanata 30

Habang nasa daan kami ay kita ko ang pagsulyap-sulyap ni Dion kay Hera. Nasa
magkabilaan ko sila, nasa parteng kaliwa ko si Hera at Hacov habang nasa kanan ko
naman siya. Kailangan kung pumagitna para hindi sila mag-away-away dito.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, maging si Sean na nagmamaneho ay hindi


nagsasalita. Ilang oras din kaming nakaupo sa sasakyan hanggang nasa harapan na
kami ng isang pribading hospital dito sa La Fera Uno.

Binuksan ni Sean ang kanang pinto at kinuha si Dion. Siya ang nagbuhat kay Dion
habang si Hera naman ang aking binuhat, si Hacov ay nakahawak lang sa damit ko.

Nagsimula na kaming naglakad papunta sa loob ng hospital, humigpit ang yakap sa


akin ni Hera. Hinaplos haplos ko ang kanyang likod habang papasok kami ng elevator.
Sumakay kami doon at may pinindot na numero si Sean.

Ilang segundo pa ay bumukas na rin ang elevator. Si Sean ang sinundan namin dahil
siya lang ang nakakaalam kung nasaan ang silid ni Rihav, doon pala siya sa
pinakasulok ng palapag. May dalawang lalaki na nakatayo sa labas ng kanyang silid,
akmang pipihitin na ni Sean ang seradula ng pigilan kami ng isang lalaki.

"Bawal pong pumasok si Dion sa loob." Sabi ng lalaki.

Napasimangot naman si Dion at dinikit ang baba sa balikat ni Sean.

"Sabihan mo siya nakasama ko si Fayre," si Sean ang nagsalita.

May kung anong pinindot ang lalaki sa kanyang tenga at nagsalita siya. Huminto siya
saglit at tumango tango habang may kausap sa kabilang linya.

"Kasama po si Dion." Aniya at humito, muling nakinig sa kabilang linya, Ilang


segundong pag-uusap ay humarap siya sa akin, "Bawal po talaga si Dion, Sir." Aniya.

"Sabihin mo sa kanya, kung ayaw niyang papasukin si Dion, aalis na lang kami dito."
Sabad ko.

Muli niyang pinindot ang kung anong nasa tenga niya at sinabi sa kabilang linya ang
aking pinakawalang linya. Muli siyang tumango tango bago humarap sa amin.

"Sir, Ma'am, pwede na po kayong pumasok." Aniya at hinalad ang kanyang kamay.

Si Sean na ang pumihit ng seradula at nakita namin si Rihav na nakahiga. Nakasuot


ng damit na panghospital at may benda parin ang ulo. Napaupo naman siya ng makita
niya kami, nilapag ni Sean si Dion malapit kay Rihav ngunit nagmadali ring siyang
umalis doon at nagtungo sa akin.

Nilapag ko rin si Hera na at sa kabila ko naman siya nagtungo, malayo kay Dion.
Katahimikan ang nanaig sa amin sa loob ng silid.

"D-Daddy, s-sorry..." pagbabasag ni Dion.

Hindi nagsalita si Rihav, nakatuon laman ang kanyang mata kay Hera at Hacov na
nakayuko. Hindi ko alam kung saan sisimulan ang pag-uusap na 'to. Ang gusto ko
lamang ay maging maayos na sapagitan ni Rihav at Dion.

"Nandito si Dion para humingi ng lahat sa mga nagawa niya, pakinggan niyo muna
siya." sabi ko at hinarap siya. Lumabas naman siya sa aking likuran at unang
hinarap si Hera.

"Sorry, H-Hera." Pumiyok siya ng bangitin ang pangalan ni Hera, "Sorry, sa mga
nagawa ko sayo. It's my fault, dapat hindi kita tinulak sa pool. Sorry talaga, sana
mapatawad mo ako sa ginawa ko." aniya, hindi kumibo si Hera. Nakatingin lang siya
sa sahig. Bumuntong hininga si Dion at hinarap si Rihav. "D-Daddy, s-sorry. Hindi
ko na uulitin ang ginawa ko kay Hera, huwag niyo po akong ibigay kay Lolo,
natatakot ako..." humikbi na aniya.

"Nasaan si Dyessie?" tanong ni Rihav.

Hindi ko alam kung kami ba ang tinatanong niya o si Dion.

"N-Nasa hospital po, doon na daw muna siya. Kung ayaw niyo po akong nandito, balik
niyo na lang ako sa Mommy ko." si Dion na ang sumagot.

Lumambot ang mukha ni Rihav at bumaba sa kanyang kama. Kinuha niya si Dion at
niyakap, doon na binuhos ng bata ang kanyang pag-iyak. Pinatahan niya si Dion at
nilibot ko naman ang aking mata sa loob ng silid, doon ko nalang namataan na
sobrang gulo pala nito.

Nagkalat ang mga gamit, parang dinaanan ng bagyo sa gulo nitong silid.

Ramdam ko ang paghila ni Hera ng aking damit kaya napatingin ako sa kanya. Kinuha
niya ang kamay ko at nilagay sa kanyang pisngi. Binaba ni Rihav si Hera at pumunta
sa dalawa, lumuhod siya at tinaas ang kamay para mahawakan ang anak. Sa
pagkakataong ito hinayaan na siya ni Hera na mahawakan ang pisngi nito.

"P-Payakap a-ako, Hera?" tanong niya sa anak.

Isang tango ang ginawad ni Hera bilang pagsang-ayon sa tanong ng ama. Hindi na nag-
aksaya pa ng oras si Rihav at kaagad na niyakap ang anak. Kinuha ko ang aking kamay
sa kanyang pisngi at kinuha ko si Dion, nilagay ko siya sa harapan ko.

Maldito parin ang mukha ni Hacov, sinusubukan siyang kunin ng kanyang ama ngunit
umaabante siya para hindi mahawakan. Binihat ni Rihav si Hera at napahawak siya sa
kanyang gilid.

"I can handle," aniya kay Sean na lumapit sa kanya.

Binuhat niya si Hera at dahan dahan na sinayaw. Kinuha ko naman si Hacov papalapit
sa akin, isang matalim na tingin ang pinukol niya ng makita si Dion na nakahawak sa
akin. Kaagad ko siyang sinuway sa kanyang mga mata.

"Magiging kapatid ko na siya?" tanong niya at tinuro pa si Dion.

"Oo, magiging kapatid mo na siya."

"Inaway niya parin si Hera, hindi ko siya papatawarin." Sabay irap niya.

"Hacov." May banta na sa boses ko.

Napatingin siya sa akin, "Nanay naman, muntik ng malunod si Hera dahil sa pagtulak
niya. Hindi ko makakalimutan 'yon." Pagdadahilan niya.
"Alam ko, hindi naman madali ang magpatawad. Bigyan mo siya ng oras para ipakita
niya na nagbago siya, tayo na lang ang pamilya ni Dion, Hacov."

Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa. Pinapunta naman kami ni Sean sa isang
sofa at pinapaupo doon. Inayos ko ang buhok ni Dion na sumasagabal sa kanyang
mukha, tinirintas ko rin iyon para mas maging maganda.

"Salamat po, Tita Fayre." Pagkatapos kong ayusin ang kanyang buhok.

"You're welcome, Dion."

"Ahm..." aniya na parang nahihirapan sa pagsasalita, "Thank you po pala sa


pagpapalaro sa akin sa labas dati, sorry po kung hindi ko kayo naipagtanggol kay
Lola. Natatakot kasi ako sa kanya, baka ako 'yong pagalitan niya." sinabi niya
habang nakayuko na.

Hinaplos ko ang kanyang ulo, "Huwag na huwag mo na ulit gagawin lahat ng iyon ha,"

"Opo, sorry po ulit." Hindi na ako sumagot at hinagod ko nalang ang kanyang
likuran.

***

Sabay sabay kaming kumain kinagabihan. Wala na si Sean at nagpaalam na kanina na


uuwi na siya. Nagpaiwan naman kami dito dahil ayaw ni Rihav na umalis kami.
Hanggang ngayon hindi parin kami nag-uusap, ang mga bata muna ang iniintindi niya.

Katabi ko ngayon si Dion at Hacov habang sila namang dalawa ni Hera ay magkatabi sa
harapan namin. Paminsan minsan kita ko ang pagsusulyap-sulyap ni Dion kay Hera,
parang gusto niyang kausapin pero nakakaramdam siya ng takot.

Natapos kami sa pagkain ay iniligpit ko na lahat, iniwan ko silang apat sa sofa at


nag-uusap. Ewan ko, pero karamdam ako ng kaginhawan ngayon. Parang nabunutan ako ng
tinik ng nalaman kong hindi anak ni Rihav si Dion at mas lalong hindi sila kasal ni
Dyessie.

"Dito ba kami matutulog, tatay?" tanong ni Hera sa kanyang ama.

"Oo, pinakuha ko na ang matutulugan niyo dito kayo matutulog." Malambing na ani
Rihav.

"Pwede po ba kayong makatabi?" nahihiya pangsambit ni Hera, "Kung ayaw niyo—"

Pinutol ni Rihav ang kanyang sasabihin, "Oo naman, diba sabi ko sayo babawi si
Tatay sa lahat. Gusto gusto ko nga makatabi ka." Aniya pa.

"P-Pwede din po a-ako?" nagtaas pa ng kamay si Dion.

Sinakop silang tatlo ni Rihav gamit ang dalawa nitong kamay, "Pwedeng pwede, si
Hacov, gusto mo din ba?" tanong niya sa lalaking anak.

"Kay nanay ako tatabi." Masungit na sabi niya. "Akala ko ba Hera, hindi natin
papatawarin si Tatay, tapos ngayon gusto mo na siya maging katabi?" tanong niya sa
kapatid.

"Mahal ko si Tatay, Hacov."

Napangiti naman si Rihav ng marinig ang sinabi ni Hera. Kaagad niyang kinuha si
Hera sa pagkakaupo at kinandong bago pinagigilan. Parang hinaplos ang puso ko ng
marinig ko ulit na tumawa si Hera. Noong kailan lang ayaw niyang makita si Rihav
dahil sa mga nangyari, ngayon sa mismong ayaw niyang tao siya tumatawa.

Bumalik ako sa aking ginagawa hanggang sa natapos at bumalik ulit sa sofa inuupuan
namin. Doon naman ay may kumatok at binuksan ni Rihav, may dalawang katao ang may
hawak ng isang folding bed. May kasama narin unan at kumot.

Nagpresenta ako na ang gagawa ngunit pinigilan ako ni Rihav, "Umupo ka na lang
diyan hayaan mo sila ang gumawa." Tumango ako at bumalik sa aking inuupuan ko.

Hinawakan ko ang buhok ni Hera at hinagod hagod ko iyon. Nakuha ni Dion ang
atensyon ko ng umupo siya malapit sa akin, gaya ng ginagawa ko Hera ay hinagod
hagod ko rin ang buhok niya. Kita ko ang papapikit niya sa aking paghagod, naantok
na siya siguro.

"Inaantok ka na Dion?"

"Opo, ang aga aga namin nagising ni Mommy kanina. Sa kaibigan niya lang kami
nakitulog."

Kinuha ko ang kanyang ulo at nilagay ko sa aking dibdib para tuluyan na siyang
natulog. Napatingin ako kay Rihav na kanina pa palang nakatingin sa amin, lumapit
siya sa amin at kinuha na si Hera sa gilid ko. Nilapag niya si Hera sa kanyang
kama, sunod ay si Dion.

"Dito lang po ako, kay Tita Fayre, Daddy." Aniya ng kunin siya ni Rihav.

"Doon ka matulog sa tabi ng Tatay mo Hacov." Sabi ko kay Hacov.

"Ha? Ayoko nanay." pag-iinarte pa niya.

"Is—"

"Opo, baba na." bumaba na siya ng sofa'ng inuupuan namin at pumunta na kay Rihav.
Tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay na parang gusto din magpabuhat kay Rihav.
Pigil na tumawa si Rihav ng buhatin si Hacov at nilapag sa kama.

Ako naman ay dahan dahan na inangat si Dion. Siguro gusto niyang maramdaman na
kasama niya parin ang kanyang ina kaya gusto niya sa akin. Binuhat ko siya at
maingat na inilapag sa kamang ginawa ng mga tauhan ni Rihav. Inayos ko ang kumot
naming dalawa bago ako tumabi sa kanya.

"Good night, Nanay!" sabay na sabi ni Hacov at Hera na nasa kama ni Rihav.

"Good night din mga anak." Ganti ko.

Ramdam ko ang pagdikit ng mukha niya sa dibdib ko, Niyakap ng isa niyang kamay ang
aking katawan, pinalupot ko rin ang isa kong kamay sa kanya. Sa kabila ng ginawa ni
Dion sa amin hindi ko kayang magtanim ng galit sa kanya, mas lalo pa akong naawa sa
sinabi ng ina niya.

Ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ng isang ina, kahit na hindi siya ng galing
sa akin. Malaki ang kasalanan niya, sakit ang idulot niya pero alam kong magbabago
si Dion. Kita naman na mabait siya sadyang naimpluwensyahan ng lang siya ng
masasamang tao, lalo na ni Senyora.

Pinatakan ko ng halik ang kanyang noo bago ko pinikit ang aking mga mata. Hindi ko
alam kung ilang minuto na akong napikit ng maramdaman ko ang pagdampi ng halik sa
aking pisngi.
"Mag-uusap tayo bukas, good night. I love you." dinig kong bulong ni Rihav sa aking
tenga.

******

Ito ang pinakahuli kong update. Uuwi kaming Roxas City, pagalitan ako kung hindi
ako sumama😑

Balik din ako kaagad kung nakatapos na ako sa susunod na linggo kabanata.

******

SNS Account:

Facebook: Erithrea WP

IG: Threyaaaaa

Twitter: 3rithrea

Facebook group: Byuls of 3rithrea

Facebook page: 3rithrea Diaries

Kabanata 31

Sorry for the late update.

Kabanata 31

"Good morning, Nanay." bati sa akin ni Hera pagkagising ko kinabuksan.

Ngumiti ako sa kanya at ginantihan din ng bati, napatingin ako sa gilid ko at


namataan si Dion doon na mahimbing pangnatutulog. Mukhang antok na antok ang bata,
wala akong ideya kung ano ang pinagdaanan ng mag-ina bago nila natunton ang bahay
namin sa La Fera. Sa mukha niya kahapon kitang kita na pagod na pagod siya.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inayos ang kamang tinulugan. Dumeritso ako kina
Hacov at Hera na nasa kama ni Rihav, maging si Rihav ay tulog na tulog parin.
Kinuha ko ang dalawa na naka-upo sa kama, sabay kaming tatlong pumuntang CR para
makapag-ayos.

"Nanay, uuwi na po ba tayo?" tanong ni Hacov sa akin.

Tinapos ko ang pagpupunas ng kanyang mukha bago ko siya sinagot, "Gusto niyo na
bang umuwi?" sambit ko.

"Ayaw ko." si Hera

"Gusto ko." si Hacov.

Sabay nilang sagot sa aking tanong. Bumuntong hininga ako. Maging ako, hindi ko
alam kung gusto ko bang umuwi o hindi. Ang gusto kong sagot ay sakanila, dahil sila
naman ang rason kung bakit kami pumunta dito. Sympre, si Dion pa na natutulog.

"Kuya, ayaw ko pang-umuwi. Gusto kong makasama si Tatay." Sabi ni Hera sa kapatid,
kinukumbinsi si Hacov na manatili dito kasama ang kanilang ama.

"Hera, naman."

"Kuya, naman." Pangagaya niya sa kapatid. "Kunga ayaw mo dito, ikaw na lang ang
umalis. Sa akin sasama si Nanay, mahal ko si Tatay at masakit ang katawan niya
ngayon. Kailangan niya tayo." Dugtong ni Hera.

Walang nagawa si Hacov kundi sumang-ayon sa gusto ng kanyang kapatid na manataili


dito. Hanggang ngayon hindi niya padin napapatawad ang tatay niya. Si Hera, siya
ang batang malambot ang puso sa lahat ng batang nakilala ko. Kahit gaano kalaki ang
kasalanan mo sa kanya hindi siya magtatanim ng sama ng loob. Oo, sa una magtatampo
at magagalit siya pero mabilis iyon maglaho. Muling magpapatawad ang kanyang puso.

Ngayon, ang iniisip ko kung magiging mabuti ba sila ni Dion. Lalo na't malaki ang
naidulot niyang kasalanan kay Hera na humantong pa sa magiging matakutin niya sa
dagat. Nawalan din siya ng tiwala sa ibang tao dahil ang huling pinagkatiwalaan
niya ay ang mismong naglagay sa kanya sa kapahamakan.

"P-Pwede p-po m-makisali?" maliit na tinig mula sa aming likuran kaya napalingon
kaming tatlo.

"Bawal ka dito." Naunahan ako ni Hacov.

Kaagad ko siyang sinuway sa kanyang pagiging bastos kay Dion. Kinuha ko naman ang
bata na malapit sa pinto at dinala sa gawi namin. Binuhat ko siya para maabot niya
ang lababo, siya na mismo ang naglimos ng kanyang mukha.

"I'm done na po, Tita Fayre." Aniya ng makatapos.

"Sus, arte." Bulong bulong pa ni Hacov sa gilid.

Pinababa ko si Dion at pinunasan ang kanyang mukha gamit ang bimpo. Sunod ay inayos
ko ang kanyang mahabang buhok na medyo kulot ang dulo. Sa totoo lang ang gandang
bata ni Dion, mahahaba ang kanyang mga pilik mata, medyo bilugan ang mata, mapupula
ang mga labi at matangos ang kanyang ilong. Medyo may kalayuan siya sa kanyang ina,
kaya nakakasigurado ako na maganda ang lahi ng kanyang ama.
Ang pinagka-iba niya lang sa kambal ay ang kulay ng mata, ang hugis at ang medyo
makapal lang ang mga kilay ng kambal na nakuha nila kay Rihav. Bata palang naman si
Dion, hindi niya pa siguro napapansin iyon. Pinapaniwalaan niya na ama niya si
Rihav. Hindi ko naman babaliin ang kanyang pinapaniwalaan, ama niya parin si Rihav
kahit anong mangyari.

"Labas na tayo." Aya ni Hacov matapos kong maayos ang buhok ni Dion.

Sabay sabay kaming lumabas ng CR. Nakita kaagad namin si Rihav na nakaupo sa sofa
at may kinakausap sa kabilang linya. Nakuha naman namin ang atensiyon ni Rihav kaya
nagmadali siyang nagpaalam sa kabilang linya at pinatay ang tawag.

Naunang tumakbo si Hera sa kanyang ama at umupo sa kandungan nito habang ako naman
ay hawak hawak sa balikat si Dion papalapit sa kanilang gawi. Umupo kaming sofa at
doon sila binati ni Rihav, pinatakan din sila ng isa isa ng halik. Inilayo pa no'ng
una ni Hacov ang kanyang ulo pero hinawakan iyon ni Hera kaya nahalikan ni Rihav.

Kinagat ko ang aking bibig para mapigilan ang tawa dahil sa inasta ng magkapatid.
Si Rihav naman ay itinago ang pagtawa sa mapapagitan ng pagyakap sa kay Dion.

"Gutom na kayo? Nagpadeliver na ako ng pagkain." Sabi ni Rihav.

"Ako, tatay gustom na." sabi ni Hera.

"A-ako din d-daddy." Naiilang na sabi ni Dion, sabay sulyap nito kay Hacov na
mariin siyang tinititigan.

Hindi ko alam kung ano ang iniinit ng ulo ni Rihav kay Dion. Alam kung napahamak
ang kapatid niya dahil kay Dion pero hindi naman ganyan ang trato ni Hera kay Dion,
siya lang iyong galit na galit.

Hindi na nagsalita pa si Hacov at tumango nalang din. Binigay naman ni Rihav ang
kanyang cellphone kay Hera dahil gusto nitong hiramin. Umayos ako ng pagkakaupo at
hinaplos haplos ang buhok ni Hacov na nakasimangot.

"Hala, nanay ikaw 'to." Nakuha ni Hera ang aking atensyon. Ipinakita niya sa akin
ang lockscreen ng cellphone ni Rihav. Nanlaki ang mata ko ng makita ko nga doon ang
aking mukha kasama si Rihav.

Dati mahilig talaga kaming pumuslit ni Rihav sa mansion nila. Pumupunta kaming
beach na malapit sa kanila, doon kami nagpapalipas ng gabi. Pinaplano lahat sa
magiging kinabukasan namin. Ang nasa picture noong unang gabi naming pumuslit sa
mansion, naiilang pa ako at nagdadalawang isip kung sasama o hindi.

Ang larawan ay nakangiti ako habang hinalikan niya ang gilid ng aking ulo. Siya ang
may hawak ng cellphone habang ako ay nahihiya. Napangiti lang ako ng kilitiin niya
ang beywang ko, nawala pa ang mga mata ko sa tawa no'n.

Tumikhim ako at inalis ang aking tingin doon.

"Patingin," umalis si Hacov sa gilid ko. Kinuha niya ang cellphone sa kamay ni Hera
at binuksan na iyon ng tuluyan. "Hala, hanggang dito si Nanay. Akala mo talaga
makukuha mo sa amin si Nanay." Dugtong pa ni Hacov.

Pasimple kong tinignan ang litrato. Kumalabog ang puso ko, litrato ko habang ang
tingin ay nasa buwan. Hinihipan pa ang buhok ng malakas na hangin at insaktong
nakangiti ako. Kuha iyon sa gilid kung saan siya nakapwesto noon.

"Bakit po may picture kayo ni Nanay?" inosenteng tanong ni Hera sa ama.


Akmang sasagot na si Hera ng may kumatok mula sa pinto. Tumayo si Rihav at binuksan
ang pintuan. May nilahad sa kanya na mga paper bag. Kinuha niya iyon isa isa bago
isinirado ang pinto at bumalik sa aming gawi. Nilapag niya ang paper bag sa lamesa
sa harap at nilabas ang mga pagkain nasa loob.

"Oh! That's my favorite!" hindi matago sa boses ni Dion ang pagka-excite ng makita
niya ang paboritong pakain.

"Oh! That's my favorite!" panggagaya pa ni Hacov sa gilid ko na mukhang hindi


narinig ng iba dahil hindi sila nagreact.

Tinulungan ko na lang din si Rihav sa pag-aayos ng makakain namin para mapadali


iyon. Nang matapos ay nilagyan ko ang bawat plato para sa mga bata, pinaupo ko din
sila sa sofa at kami naman ni Rihav ay kumuha ng sarili naming upuan.

Sabay sabay kaming kumain, daldal ni Dion ang bumalot sa amin tungkol sa paborito
niyang pagkain. May mga bago din siyang natikman na ulam dahil hindi niya daw hilig
ang gulay.

"Ito subukan mo Dion, masarap 'yan." Napahinto ako ng pagkain at napatingin sa


dalawa, inalok ni Hera si Dion. Kinausap niya si Dion!

"T-talaga?" maging si Dion ay hindi din makapaniwala.

Simula makarating kami dito ay hindi pa kinakausap ni Hera si Dion. Ngayon lang
talaga kaya nakakagulat.

"Oo, masarap 'yan." Sabay ngiti ni Hera.

Dahan dahan naman kinuha ni Dion ang pagkain at sinubo. Matagal ang pagnguya niya
habang nagkakatitigan sila ni Hera, napapikit si Dion ng malasahan na ng tuluyan
ang ampalayang nakain niya.

"Ang pait, Hera." Kinuha niya ang baso at iniinom ang tubig.

"Ganyan talaga 'yan, kung masasanay ka na hindi na 'yan mapait."

"Kakain na ako para masanay ako." nguniti si Dion at muling sumubo ng pagkain.

Binalot ng kasiyahan ang puso ko sa aking nasaksihan. Ang ganda nilang panooring
dalawa, kahit noong nasa mansion pa kami ni Rihav alam kong magkakasundo talaga
sila ni Dion. Kaedaran lang sila at pareho pa silang babae, iyon nga lang
naimpluwensyahan ang bata kaya gano'n ang pag-uugali niya.

Natapos ang pagkain namin ay umalis na ang tatlo para maglaro ng cellphone ni
Rihav. Si Hera pa mismo ang nagyayaya kay Dion na sumama sa kanila kaya ayon sumama
narin si Dion sa kambal. Naiwan kami ni Rihav sa sofa'ng inuupuan kanina ng tatlo.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Napakagat ako ng labi at hindi ko alam
kung bakit ang lakas ng kalabog ng aking puso.

"Sinabi sa akin ni Dyessie na inamin niya na sayo ang lahat," dinig kong panimula
niya na, tumango lang ako habang ang mata ay nasa tatlo parin, "Lahat ng sinabi
niya sayo ay totoo. I was supposed to tell you the truth but you left me without
knowing my side. Natatakot din ako baka hindi mo ko paniwalan dahil sa mga
pagkakamali ko. I was scared, hindi lang ikaw mawawala sa akin maging ang mga anak
ko mawawala din."
"Dapat sinabi mo na sa akin noong araw na sinabi mo sa lahat na palabas lang pala
ang papakasal niyo Rihav, hindi iyong sinaktan mo pa ako. Hindi mo alam kung ano
ang pinagdaanan ko, namin ng mga anak mo dahil sa palabas na 'yan!"

Kung noong araw na 'yon ay sinabi niya na sa akin, hindi na hahantong pa ang lahat
sa ganito. Hindi ako sasang-ayon sa desisyon nila pero kung ang anak na ni Dyessie
ang nasa pelegro ay papayag akong magpanggap sila. Papayag ako para sa kapakanan ng
mag-ina.

Kung alam ko na iyon ang dahilan ng lahat kung bakit ginusto nilang maglabas ng
kasal ay papayag ako. Hindi ako magiging hadlang. Iyon nalang ang trabaho ko na
kayang tustusan ang gamot ni Nanay, ang tanging bumubuhay sa ina ko. Pero dahil sa
pangyayaring iyon, hindi ko na nadugtungan pa ang buhay ng ina ko. Naghirap pa kami
lalo hanggang sa naubos ang myembro ng pamilya namin, na ako na lang ang natitira
ngayon...

"Galit ako ng mga araw na 'yon Fay. Fuck." Huminto siya at mariin na pumikit,
"Tangina, binilog ni Mommy ang utak ko, siya ang nagsabi sa akin tungkol sa mga
pagtakas mo para makita mo si Amer. Siya ang nagsabi na hindi mo ako mahal at pera
ko lang ang habol mo. Nang nakita ko kayo ni Amer, mas lalong tumaas ng galit ko
dahil na kumperma ko iyon gamit ang dalawang mata ko. Pero..." muli siyang
napahinto at natawa nalang, "Bakla pala pinagseselosan ko dati..."

Hinarap ko siya, "Hindi ka kasi naniniwala sa akin, kahit kailan hindi ako
magsisinungaling sayo."

"Hindi ko alam kung bakit lahat ng ito ay ginawa ni Mommy, kung ang rason ay hindi
tayo pareho ng istado hindi niya ako mapipigilan mahalin ka kahit na ganyan ka
lang." tinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang aking pisngi, "I'm sorry, I
lied. I'm sorry kung hindi ako naniwala sayo at mas pinaniwalaan ko ang ibang tao.
Sa pagiging mahigpit ko sayo dati, hindi ko alam na nasasakal ka na pala sa
relasyon na natin. Natatakot lang din ako na baka makahanap ka ng iba. Fuck, ikaw
ang unang babae kung minahal ng totoo at lubos. Natatakot akong mawala ka sakin,
kahit kalabanin ko pa si Mommy gagawin ko, huwag mo lang akong iwan, Angel..." puno
ng emosyon niyang sabi.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Kita ko ang sinseridad sa mga iyon, tinaas ko
ang aking kamay at inabot ang kanyang pisngi. Alam kong daming magsasabi sa akin na
magpapagaga ulit ako sa lalaking nasa harap ko, na muli kong susundin ang puso ko
kesa sa utak ko. Pero sa pagkakataong ito, napatunay ko na hindi totoong nagtaksil
si Rihav sa akin.

Na walang nagtaksil sa amin, sadyang sinubukan lang kami ng tadhan para makatayo sa
kanya kanya naming mga paa. Na hindi sa lahat ng oras ay kasiyahan lang ang isang
relasyon, kailang din ng sakit para matuto at muling bumangon.

"Huwag na huwag ka na muling magtago ng sekreto, Rihav. Huwag na huwag." Hinaplos


ko ang kanyang pisngi.

Umiling siya at dinikit ang kanyang ilong sa aking pisngi, "Hindi na, hindi na.
Nakakatakot, natatakot akong iwan mo ulit."

SNS:

Facebook: Erithrea Wp
Twitter: 3rithrea

IG: Threyaaaaa

Facebook group: Byuls of 3rithrea

Facebook page: 3rithrea Diaries

To those pips who wanted to join sa GC, just pm/dm me.

Kabanata 32

Celebration sana 'to sa kaarwan ni Dion HAHAHAHA pero nalate lang. Sorry po.

Kabanata 32

Dalawang araw pa ang inilaan ni Rihav sa ospital bago tuluyang makalabas. Maayos na
daw ang pakiramdam niya at ang mga sugat na lang sa kanyang katawan ang kailangang
pagalingin.

Sa dalawang araw namin na mapapamalagi dito ay napakasaya, lalo na makita muling


tumatawa si Hera. Nakapakagandang marinig ang halakhak niya sa tuwing naglalaro
sila ng kanyang ama. Si Hacov naman ay paminsan-minsan nakabusangot dahil ayaw niya
parin sa kanyang ama, kahit anong lambing ni Rihav sa kanya ay wala iyong epekto.
Mabuti na nga lang ay nandoon si Hera para pagpalapitin silang muli, hindi naman
matangihan ni Hacov ang kapatid.

Si Dion naman ay kahit na may kaunting ilang ay nakikisalamuha naman. Iyon nga lang
ay inaasar at ginagalit ni Hacov kapag maganda ang mood ni Dion. Nag-uusap na din
sila ni Hera at masarap silang pagmasdan kapag magkasama sila.

"I'm so excited, Tita Fayre. Babalik na tayo sa house ni Daddy, ikaw Hera excited
ka na din ba?" tanong ni Dion ng makapasok kami sa sasakyan ni Rihav papunta sa
kanyang mansion.

Ayaw na sana naming pumunta pa doon, gusto ko bumalik nalang kami ng La Azul. Hindi
maganda ang pinagdaanan ni Hera at Hacov sa bahay na 'yon, maraming mga masasakit
na alaala sa mansion na 'yon. Sina Hacov at Hera ang pinagdesisyon ko kung sasama
ba kami sa tatay nila o hindi, sumang-ayon naman si Hera kaya ngayon doon kami
papunta.

"Excited na din ako, matagal na din noong nakapunta kami doon." Sagot naman ni Hera
na parang walang nangyari sa kanila na mansion na 'yon.
Hinawakan ni Dion ang kamay ni Hera at pinsilpisil ito bago niya nilapit ang
kanyang mukha kay Hera. Tumawa siya dahil sa excitement na nararamdaman niya,
nahawaan si Hera sa pagiging masayahin ni Dion kaya natawa na lang din siya.

Magkahawak kamay silang dalawa habang ako naman ay nakahawak sa kamay ni Hacov at
si Rihav naman ay nasa harap kasama ang driver. Mabuti nalang talaga binilhan kami
ni Rihav ng damit, lumuwas lang kami ng La Azul ng walang dala kundi ang sarili
lang namin.

"Paano kung nandoon si Senyora?" dinig kong bulong ni Hera kay Dion, nagbubulungan
silang dalawa.

Nag-uusap ang dalawa na silang lang ang nakakarinig at nakakaintindi habang


binabagtas namin ang daan papuntang La Fera Uno. Mas lalo akong dumikit kay Hera at
hindi pinahalata na nakikinig ako sa kanilang pag-uusap.

"Umalis na si Lola, wala na siya doon. Nag-away-away sila noong umalis kayo,
nagkasakit si Lola kaya umalis siya ng bansa para magpagamot. Hanggang ngayon hindi
parin siya bumabalik. Huwag kang mag-alala hindi na 'yon mauulit dati, sabi ni
Mommy stay away daw ako kay Lola, hindi daw ako sasama sa kanya." Sabi naman ni
Dion kay Hera na pabulong din.

"Huwag kang matakot, nandyan si Daddy. Papagalitan niya si Lola kapag sinaktan ka
niya, kagaya ng ginawa niya sa amin ni Mommy dati." Dugtong pa niya.

"Sinaktan kayo ni Tatay?"

Tumango si Dion, "It's my fault by the way, I guess ayos na pinagalitan niya din
ako. Muntik na ikaw malunod," huminto siya, "Kasi naman eh, sabi ni Lola ako lang
dapat anak ni Daddy tapos ikaw sinasabi mo din na anak ka ni Daddy kaya medyo
nagalit ako...Sorry ulit, hindi ko na 'yon gagawin ulit, promise Hera. Promise
talaga." Sabay taas ng kanan niyang kamay, nangangako.

Kita naman kay Dion na nagsisisi talaga siya sa ginawa niya dati. Tumango si Hera
sa kanya at ngumiti. Ako, hindi ko din mapigilan mapangiti. Pasimple kong hinaba
ang aking kamay para mahawakan ang braso ni Dion ay ilapit pa sila sa akin.
Napatingin ang dalawa dahil sa ginawa ko, agad akong ngumiti at nagkunwaring walang
narinig.

Unang binuksan ni Rihav ang pinto na malapit kay Hacov. Hinawakan niya si Hacov
para alalayan sa pagbaba pero ang suplado kong anak hindi nagpahawak at siya mismo
ang lumundag palabas ng sasakyan.

"Arte ha," napalingon ako sa tinig na 'yon mula kay Dion.

Nakuha ni Rihav ang atensiyon ko ng hawakan niya ang kamay ko para makababa ng
sasakyan. Nauna akong bumababa bago ang dalawang babaeng bata na naghahawakan parin
ng kamay.

"Hawakan mo lang kamay ko." sabay higpit ni Dion sa pagkakahawak niya kay Hera.

Parang hindi mapakali ang mata ni Hera habang nasa harap kami ng mansion.
Tumatakbong nauna si Hacov papasuk sa loob ng mansion. Napasinghap naman ako ng
maramdaman ko ang kamay ni Rihav na pumulupot sa akig beywang.

Sabay kaming pumasok sa loob, medyo nanibago ako sa loob nito. Hindi na ito ang
desinyo noong mga araw na nandito kami, nag-iba na siya. Mas maganda ngayon at mas
maaliwalas.
Nilibot ko ang aking mata sa buong paligid, biglang tumibok ang aking puso ng
makita ang isang larawan na nakadikit sa dingding ng mansion. Litrato ko na kagaya
sa wallpaper niya sa cellphone, hindi lang iyon. Ang katabi ng larawan ko ay
larawan naman ng kambal, kuha iyon sa silid namin dati dito sa mansion. Nakangisi
si Hera at parang napilitan namang ngumiti si Hacov.

"Dapat kasama din si Dion diyan, Tatay." Nakuha ni Hera ang aking atensiyon. Hindi
ko namalayan na sila din ay nakatingin sa mga litrato.

"H-Hala, h-hindi ayos l-lang." napipiyok na sabi ni Dion, parang kaunti nalang ay
maiiyak na.

"Hindi mas maganda kung nandyan ka rin. Diba Tatay?"

"H-Hindi naman ako p-part ng f-family niyo, ibinilin lang naman ako ni M-Mommy kay
Tita Fayre kasi walang m-mag-aalaga sa akin." Malungkot na aniya.

"Ngi, anak karin naman ni Tatay kaya kapatid kita." Sabi pa ni Hera, "Tatay, lagyan
niyo rin po ng larawan si Dion diyan para maganda po." Si Hera sa ama.

Kinuha ni Rihav ang kanyang kamay sa aking beywang at kinuha ang kanyang cellphone.
Namula ang aking pisngi ng masilayan muli ang aking mukha doon. Tinungo ni Rihav
ang camera bago niya nilapitan ang tatlo.

"Ngayon kukuhanan ko kayo para ididikit ko diyan, kasama si Dionna." Magaan na


sambit ni Rihav.

"Ayaw kung makasama siya sa litrato no." sabi agad ni Hacov.

"Mas ayaw ko na makasama karin, alam mo palagi mo nalang ako naaaway. Ang bad mo."
Sinagot na siya ni Dion.

"Wow! Ako pa ngayon ang masama, ikaw kaya sino ang nagtumulak ka—"

"Kuya, tama na. Kukuha lang ng litrato ang aarte niyo." Pumagitna si Hera sa
dalawa.

Muli, walang nagawa si Hacov sa kanyang kapatid. Puwesto siya sa kabila ni Hera at
doon sumimangot. Kinuhanan na sila ni Rihav ng litrato pero ang mukha ni Hacov ay
hindi nagbabago. Napatingin siya sa akin at pinanlakihan ko siya ng mata, doon ay
natinag ang pagiging suplado niya. Pilit siyang ngumiti at naki-ayon sa dalawa.

Hindi ko mabilang kung ilan ang nakuhang litrato ni Rihav bago kami naglakad
papunta sa dati naming silid. Nanibago din ako sa silid, wala na iyong mga laruan
nila dati dito. Kulay puti ang paligid, malinis at maputing kurtina, kama at isang
lamesa nalang ang naroon.

"Nasaan na ang mga laruan dito?" pabulong kong tanong kay Rihav, nahihiya ako.

Binasa muna niya ang kanyang pang-ilalim na bibig, "Nasa kabilang kwarto na 'yon. I
don't think kailangan pa nila ng laruan, malalaki na sila. Mukhang kailangan na
nating gumawa ng bagong baby."

Isang siko sa tyan ang natamo niya sa akin dahil sa kanyang mga tinuran. "Kababati
lang natin, Rihav. Baka gusto mo bumalik nalang kami ng La Azul." Banta ko,
pinipilit ang sarili na huwag mabulol sa pagsasalita dahil sa tindi ng pintig ng
aking puso.
"Kidding," aniya at tumawa, "I need to gain your trust first, I need you to love me
too the way I love you. Ayaw kong mapipilitan ka lang dahil sa kambal natin."

Palihim ang ngumiti, namumula ang pisngi. Dahan dahan ko siyang tinignan, "Bakit
nag-iba lahat dito?" tanong ko.

"Well, pinarenovate ko talaga ang buong bahay. Hindi pa natapos sa labas pero itong
loob ay talagang tapos na. Masasamang alaala ang naroon sa dating desinyo, lalo ng
makapasok si Mommy dati at kung ano ano ang pinanggagawa niya sa inyo lalo na sa
mga anak ko." huminto siya at luminga-linga. "No'ng nalaman kung pinalo niya ang
kambal gamit ang kamay niya nagalit ako sa kanya...sobra. Alam kung nanay ko siya
pero hindi ko inakala na magagawa niya 'yon sa mismong apo niya. Ang tindi ng galit
ko, simula dati nang pinagkasundo niya ako kay Dyessie nagalit na ako sa kanya mas
lalong lumaki dahil sa pinanggagawa niya sa mga anak ko." may galit sa kanyang
bawat pagbigkas.

"Rihav, ina mo parin 'yon. Walang magbabago do'n." komento ko.

Kahit anong galit niya sa ina niya, nanay niya parin 'yon. Nang namatay si Nanay
gusto kong maramdaman ulit ang yakap at pagmamahal ng isang ina na halos hindi ko
naramdaman dahil puspos ako sa trabaho. Namatay lang siya ng hindi ko nabigay ang
lahat ng ipinangako ko sa kanya, sa kanila ng pamilya ko, kay Tatay at sa kapatid
kong si Coleen.

Miss na miss ko na sila, pero sa pamamagitan ng dalawa kong anak nararamdaman ko


parin ang pagmamahal ng isang pamilya. Na sa pagkakataong ito kung hindi ko man
kaya na mabigyan sila ng mamahaling bagay mapupuno ko naman sila ng pagmamahal.

"Iyon nga Fayre, nanay ko siya pero daming kamalasan ang nangyari sa akin dahil sa
mga pansarili niyang desisyon. Inalis niya ang pangalan ko sa kompanya ng pamilya
namin kaya nagpatayo ako ng sarili ko gamit ang sarili kong pera, mapapalampas ko
pa 'yon. Pero ang pananakit niya sa inyo ay hindi ko matatanggap, Fay."

"Hindi lang talaga ako gusto ng nanay mo say—"

"Pero ikaw ang gusto ko at wala na siyang magagawa sa desisyon ko ngayon. Hindi na
ako pagpapahulog sa bitag niya muli."

"Inaaway mo Nanay ko?" natigil kaming dalawa at napatingin sa anak namin.

Umalis ako sa tabi ni Rihav at kinuha si Hacov para panggigilan. Kanina pa 'to eh,
kung hindi si Dion ang binabara, si Rihav naman. Binuhat ko siya at dinala sa kama
kung saan naroroon ang dalawang babae na nakahinga. Maingat ko siyang binaba bago
ko siya kiniliti.

Napuno ang silid ng halakhak. Ang dalawang babae at si Rihav ay nakisali narin sa
kulitan.

"Daddy,"

"Tatay," sabay na sambit nila Dion at Hera ng kilitiin silang pareho ni Rihav. Tawa
sila ng tawa at pilit na pinipigilan ang ama sa ginagawa sa kanila.

Ilang minuto kaming nagkuliitan bago nagpadesisyunang libutin muli ang buong bahay.
Nakakamangha talaga ang bahay, mas madami na ang silid ngayon. Iba iba ang desinyo
at may pangalan pa sa itaas kung sino ang nagmamay-ari ng silid.

Isa isa sa mga anak ko ang mayroon. Hindi pa gano'n kasanay ang dalawa na hindi ako
kasama sa pagtulog at baka sa akin din sila tatabi mamaya.
"Namiss kong maligo sa La Azul," maarteng sabi ni Hacov, "Nanay, gusto kong maligo
sa swimming pool." Sabay turo niya sa makintab na swimming pool dahil sa araw.

"Ako din gusto ko din, daddy." Humakap pa siya sa ama.

Napukaw naman ako na takot pala si Hera dito. Natanaw ko siya na may namumuong luha
sa gilid ng kanyang mata habang nakatanaw sa tubig. Nanginginig ang kanyang buong
katawan at kita ang takot doon. Kaagad ko siyang kinuha at binuhat, dinikit ang
kanyang mukha sa aking leeg.

"Ayos ka lang?" tumango naman siya, "Rihav, ikaw na lang magbantay sa dalawa. Doon
nalang kami sa silid ni –"

"Ayos lang nanay, gusto kong malampasan ang takot ko. Gusto kong lumangoy pero
natatakot ako, nanay gusto kong labanan ito." Bumabasa na ang leeg ko, hudyat na
umiiyak na siya.

Kumunot ang noo ni Rihav habang nakatingin sa akin, "Anong nangyari? Bakit umiiyak
si Hera?" tanong niya.

Hindi ko muna siya sinagot dahil nabibigatan na ako kay Hera. Naglakad ako papunta
sa umupan at doon umupo. Naglakad naman ang tatlo papunta sa gawi namin.

"Hacov, bakit ganyan ang kapatid mo?" hindi mapakali si Rihav.

"Takot siya sa tubig dahil sa nangyari noon. Sabi ng doktor meron sang phobia pa
'yon...basta gano'n takot siya sa ganyan kahit sa dagat ayaw niya akong samahan sa
pagliligo dahil ginawa ni Dion saa kanya dati." Ani Hacov.

Napakagat ng labi si Dion, titig na titig kay Hera. May lumabas na butil sa kanyang
mata dahil sa narinig. Sunod sunod ang kanyang hikbi at tumingin sa kanyang daddy.

"D-Daddy, sorry po. Patawarin niyo po ako, nagalit lang talaga ako daddy. H-Hindi
ko po sadya, d-daddy huwag niyo po akong ibigay kay L-Lolo parang-awa niyo na po."

Hindi ko na hinayaan na magsalita si Rihav kusa kong kinuha si Dion at niyakap sa


isa kong kamay.

"Tita, sorry po. Hera sorry, sorry talaga. Tita, huwag niyo po akong ibigay kay
Lolo." Nagmamakaawa na ang bata.

"Hindi kita ibibigay, dito ka lang." muli ko siyang niyakap.

"Ayaw ko na rin maligo, sasamahan ko nalang si Hera dito." Niyakap niya si Hera na
nasa kandungan ko.

Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Rihav bago umupo sa gilid ko. Hinarap niya si
Hera at pinunasan ang pisngi. Pinatakan niya din ito ng halik sa noo bago niya kami
niyakap kasama si Dion na umiiyak ding nakayakap kay Hera.

"Ipapagamot kita, Hera. Gagawin lahat ni Tatay magamot ka lang." muli niyang
pinatakan ng halik ang anak sa noo.

***********
Don't forget to vote and comment your thoughts about this story. Kung keri niyo
magfollow, pafollow na din HAHAHAHAHA walang pilitan dito kung ayaw niyo oks lang
mga sis! Have a nice day, keep safe!

**********

SNS:

Facebook: Erithrea wp

Twitter: 3rithrea

IG: Threyaaaaa

Facebook group: Byuls of 3rithrea

Facebook page: 3rithrea Diaries

Kabanata 33

Pinaka-light na chapter, tama na ang iyak.

Kabanata 33

"Ayaw niyo ba sa silid niyo kayo matulog?" tanong ni Rihav matapos kaming kumain.

Kasalukuyan kaming nasa sala ng bahay at nanonood ng mga pambatang palabas. Buong
araw ay halos kulitan lang ang aming ginawa. Hindi naman gano'n katagal ang inilaan
ni Hacov sa pagligo sa swimming pool dahil inaalala niya rin ang kapatid na
nanginginig na sa takot habang yakap ako.

Ilang beses kong sinabihan si Hera na pumasok na kami pero tinatangihan niya iyon.
Hinarap niya ang takot niya sa kagustuhang gumaling sa kanyang truma. Ako ang
nahihirapan sa kanya sa tuwing pinipilit niya ang kanyang sarili, pwede namang unti
untiin para mas maganda ang processo. Pero wala akong magawa siya ang sinusunod ko
dahil alam niya sa sarili niya kung kaya niya ba o hindi ang isang bagay.

"Gusto kong katabi si Nanay sa pagtulog, hindi ako sanay kung hindi ko siya
kasama." Ani Hacov, nakatuon ang mata sa telebisyon.

"Plan over..." dinig kong bulong ni Rihav bago niyang pinalupot ang kamay sa aking
beywang at dinikit ang mukha sa aking leeg. "Tapang ng anak natin, hindi ko siya
kayang suwayin. Ako pa ang takot sa kanya." Pagpapatuloy niya.

Siniko ko ang tyan niya at hinayaan siya sa ganoong posisyon. Tinutuon ko ang aking
tingin kay Dion, hanggang ngayon ay magkahawak parin sila ng kamay ni Hera. Hindi
din siya lumangoy kanina dahil wala daw kasama si Hera at ayaw niya ring makasama
si Hacov.

"Yakapin mo 'ko." nakuha ni Rihav ang atensiyon ko.

Siya na mismo ang kumuha ng kamay ko ay pinalibot sa kanyang batok. Inayos ko naman
ang aking pagkakaupo at inayos ko din ang aking kamay. Ngayon, sinasakop na ni
Rihav ang aking katawan habang ang kamay ko naman sinasakop siya mula sa leeg. Mas
lalo niyang dinikit ang kanyang mukha sa akin kaya nakaramdam ako ng kiliti sa
tuwing bumubuga siya ng hininga.

"Damn, I miss you so much."

"I miss you too..." bulong ko sa kanya.

Ramdam ko ang pag-inat ng kanyang bibig hudyat ng kanyang pagngiti. Dinampi-dampian


niya ng halik ang aking leeg. Inilalayo ko naman ang katawan ko dahil sa kiliting
dulot ng kanyang halik. Isang matunog na halik ang dinampi niya sa aking pisngi at
doon nakuha ang atensiyon ni Hera na katabi ko lang.

Kukunin ko sana ang kamay ko na nakapulapot sa kanyang leeg ngunit hindi niya ako
binigyan ng chansa na kunin iyon. Nakatingin si Hera sa kanyang ama na nakadikit sa
akin, alam kung nagkakatinginan sila ngayon.

Kinuha ni Hera ang kanyang kamay na nakahawak kay Dion, hindi naman namalayan ng
isa dahil titig na titig din siya sa kanyang pinapanood. Umupo si Hera sa kandungan
ko, binigyan niya ako ng halik at maging ang kanyang ama ay hinalikan din niya bago
idinikit ang mukha sa aking kabilang leeg.

"Are you okay, my princess?" tanong ni Rihav sa anak.

"Hinalikan mo si Nanay?"

Hindi ko inasahan ang tanong ni Hera kaya napakagat ako ng aking labi.

"Mahal ko Nanay mo, Hera." umalis si Rihav sa pagkakadikit sa akin at hinarap ang
anak.

Ngumuso si Hera, "Paano ang nanay Dion?" kuryuso niyang tanong.

"May totoong mahal din ang nanay ni Dion, hindi mo pa maiintindihan sa ngayon pero
kapag alam mo na ang sitwasyon at nasa tamang edad ka na. Ako mismo ang
magkukuwento sayo sa lahat ng nangyari, ako mismo ang magsasabi sayo ng
katutuhanan." Hinaplos niya ang pisngi ni Hera.

"Anong katutuhanan? Ibig pong sabihin hindi din ikaw ang mahal ng nanay ni Dion?
Bakit kayo magkasama? Bakit mo iniwan si Nanay?" sunod sunod niyang tanong.

Nagkatinginan kami ni Rihav dahil sa mga tanong ni Hera. Bumuga ako ng hangin at
inayos si Hera. Pinaharap ko siya sa amin ng mabuti, sa ganitong edad alam kong
kuryuso na siya sa mga bagay. Na andami niya ng tanong sa tungkol sa paligid.

Dama ko ang paghigpit ni Rihav sa kamay niyang nasa likuran ko. Inayos niya rin ang
pagkakaupo at hinarap ng mabuti ang anak.
"May mga hindi kami pagkakaintindihan ng Nanay mo dati, Hera. Madaming bagay ang
pumapasok sa aking isip noon kaya may mga nagawa akong mali sa Nanay mo. Ngayon na
alam ko na ang totoo at alam narin ng Nanay mo ang totoo hindi na kami magkagalit.
Hindi narin tayo magkakahiwalay pa." paliwanag ni Rihav, hindi niya na sinagot ang
ibang tanong ni Hera dahil malamang sa malamang mapupunta ang usapan sa pagkatao ni
Dion.

"Hindi mo na po kami iiwan? Kasi po parating umiiyak si Nanay dati, namatay din po
si Tata Coleen. Wala na po kaming pamilya kundi ikaw na lang po."

Umiling si Rihav, "Hindi na Hera, hindi ko na kayo iiwan pa. Pamilya tayo,
pamilya." masuyong sabi ni Rihav.

"Mahal kita, Tatay." Nakangiti si Hera habang binibigkas ang salitang 'yon.

Kinuha ni Rihav ang kanyang kamay na nakapalupot sa akin at kinuha ang anak niya sa
aking kandungan at sa kanya pinaupo si Hera. Dinikit niya ang ulo ni Hera sa
kanyang dibdib at pinatakan ng halik sa ulo.

"Mas mahal kita, anak ko."

Kay gandang pagmasdan ang aking mag-ama na nagyayakapan. Ang kulay ng kanilang mga
mata ay kumikisap dahil sa nagbabadyang luha.

"Ayoko ko nga!" isang sigaw mula sa aking likuran.

Napatingin kami sa gawing sumigaw. Si Hacov iyon habang inilalayo ang remote
control kay Dion, ang babae naman ay lumulundag para makuha ang remote kay Hacov.
Sinubukan muling kunin ni Dion ang remote kay Hacov pero sa pagkakataong ito ay
tinulak na niya ang babae dahilan matumba siya sa sahig.

Dali dali akong tumayo at kinuha si Dion. Pinipigilan nitong umiyak dahil sa
nangyari. Binuhat ko siya at dinala sa upuan namin kanina.

"Hacov, lumapit ka dito." Mauturidad kong sabi.

Tiniganan niya lamang ako at parang hindi nasindak sa boses ko.

"Isa!"

Sa pagkabilang ko ay kumaripas na siya ng takbo papalapit sa amin, hawak hawak


parin niya ang remote control.

"Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit kayo nagsisigawan?"

Nilapag ni Hacov ang remote sa crystal na mesa sa harap namin. "Kasi naman Nanay,
ayaw ko sa gusto niyang panuorin kaya kinuha ko ang remote control para maiba ko
ang channel. Ayaw niya rin sa pinapanood ko kaya nagtalo kaming dalawa." paliwanag
ni Hacov.

"Bakit mo siya tinulak?" muli kong tanong.

"Ayaw niya kasing makinig sa akin, hindi lahat ng gusto niya ay kaya niyang makuha
Nanay."

Napakagat ako ng bibig, napatingin na lang ako kay Dion na palihim ng umiiyak.

"Sa susunod, huwag mong gamitan ng kamay ang mga kapatid mo. Hindi naman kita
pinalaki ng ganyan ah, bakit mapintas ka?" napalunok ako.
Nanubig ang mata ni Hacov, tumayo naman si Rihav sa pagkakaupo niya sa gilid ko.
Nilapitan niya si Hacov at binuhat doon, lumabas na ang luha sa kanyang mata. Inalo
si Rihav na parang sanggol, nagulat ako ng hinayaan niya si Rihav. Hinalik halikan
din siya nito sa kanyang pisngi.

"Tahan na, tahan na." inaalis niya ang luha sa pisngi ni Hacov, "Huwag mo na ulit
gagawin 'yon, huwag mo nang awayin si Dion."

"Hindi na ako mahal ni Nanay, si Dion na mahal niya. Palagi niya na lang ako
pinapagalitan dahil kay Dion." Maluha luha niyang sambit.

"Hindi totoo 'yan, Hacov. Gusto ko lang na tratuhin mo si Dion kung paano mo
tratuhin si Hera, alam kong hindi madali na tanggapin siya sa buhay natin dahil sa
kasalanan niyang ginawa noon. Pero Hacov, lahat ng tao kayang magbago, bigyan mo
lang ng pagkakataon." Pinaupo ko si Dion sa gilid ni Hera at pinantahan si Hacov.

Minsan ko lang kung makitang umiiyak ang batang 'to. Kilala ko siyang palaban at
walang kinatakutan. Hindi siya basta basta umiiyak, ako lang talaga ang katapat
niya. Dinidisiplina ko lang naman siya, hindi dapat habang buhay na magtatanim siya
ng galit kay Dion lalo na sa amin na ang bata.

Magiging magulo ang buhay namin kapag nagpatuloy ang kanyang galit. Kung si Hera na
nagawa niya ng kasalanan ay napatawad siya, paano pa kaya si Hacov? Siguro
kailangan pa ng oras para maunawaan na talaga ni Hacov ang lahat.

Kinuha ko siya kay Rihav at niyakap, "Mahal kita, Hacov. Huwag mo na ulit awayin si
Dion dahil hindi tayo sasaya kapag inaaway away mo siya." tumango naman siya sa
akin.

Sobrang emosyunal ng araw ngayon. Kanina si Hera at Rihav ngayon si Hacov naman at
si Dion. Simula dumating sa amin si Dion wala ng ginawa si Hacov kundi kuntrahin o
'di kaya ay awayin ang bata. Ayaw ko namang lumayo ang loob niya sa akin kaya
palihim ko na lang iyon na kinikimkim, pero ang pagbuhatan niya ng kamay si Dion
kagaya noong nasa La Azul kami ay hindi dapat. Hindi niya dapat saktan ang dalawng
babae.

Pinatay na ni Rihav ang telebisyon at tinungo na namin ang silid kung saan kami
matutulog. Napagpasiyahan namin na sa silid na lang kami ni Rihav matutulog. Ito
ang kauna unahang pagtapak ko sa loob ng kanyang silid.

Dati hindi ako napupunta dito dahil natatakot ako, baka may makita akong ikakasakit
ng puso ko. Ngayon, na nasa loob na ako ay hindi ko mapigilang mapangiwi. May iilan
din akong litrato dito at ang kambal ay mayroon din.

Ang silid ay amoy talaga ni Rihav. Mas malawak ito kesa sa ibang mga silid na
pinasok namin kanina, malaki din ang kama at nakakasigurado ako na kasyang kasya
kaming lima na matutulog ngayon.

"Nanay, tatabi ako sayo." sabay ng pagnguso ni Hacov.

Tumango ako at nilagay siya sa kanan pwesto. Humiga ako at kaagad namang dumikit sa
kabila ko si Dion.

"I miss Mommy." Dinig kong bigkas niya.

Hinaplos ko ang buhok niya at niyaang yumakap sa akin. Katabi naman niya si Hera at
pinadulo si Rihav. Inayos ko na ang kumot namin ng maramdaman kong basa ang aking
damit doon ko nakita na umiiyak si Dion. Sa kanya ako bumaling at kinuha nalang ang
kamay ni Hacov para makayakap sa akin.

"Good night." Sabay halik ni Rihav kay Hacov. Sunod sa akin, kay Dion hanggang kay
Hera.

"Good night." Impit kong sabi.

Hinarap ko si Dion at pinunasan ang kanyang mukha. Dinikit ko ang ulo niya sa
dibdib ko at hinayaan siyang umiyak doon.

Bilang ina alam kong miss na miss na din ni Dyessie ang kanyang anak. Alam kong na
hinahanap hanap niya din si Dion. Pero pinilit niyang mapalayo sa anak para hindi
makita ni Dion ang paghihirap niya, na hindi niya makita na nanghihina na siya.

"G-Gusto ko p-pong makita si M-Mommy." Humihikbi siya.

Tumango ako, "Tatawagan ko bukas Mommy mo kung pwede kang pumunta sa kanya pero
ngayon kailangan mo ng matulog, tahan na."

Dahan dahan na nawala ang kanyang hikbi. Pinikit ko narin ang aking mata para
makatulog na. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap ni Dion sa akin. Hinayaan ko na lang
at tuluyan ng natulog.

Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog, nagising na lang ako dahil may
kinakausap si Rihav. Binuksan ko ang aking mata at nakita ko siyan hawak hawak ang
kanyang cellphone habang nakaupo sa kama.

"Nandito siya, nakatulog na." huminto siya at hinayaan siguro na makapagsalita ang
nasa kabilang linya, "Yes, hindi ko siya hahayaan. Aalagaan ko siya, hindi ko siya
bibigay kay Mommy."

Kinuha ko ang mga kamay na nakapulapot sa akin at umupo sa kama. Kita ko ang
pagkagulat ni Rihav, na kaagad ding nabawi.

"Gising si Fayre...oo bibigay ko na sa kanya ang cellphone." Aniya at inilahad sa


akin, "Gusto ka daw makausap ni Dyessie."

Kinuha ko iyon sa kanyang kamay, bumalik si Rihav sa pagkakahiga at niyakap si


Hera.

"Dyessie..." panimula ko.

"A-ayos lang ba si D-Dion diyan? F-Fay, kahit anong mangyari huwag na h-huwag niyo
siyang ibibigay ni R-Rihav kay S-Senyora at kay Daddy. Maawa... kayo sa anak k-ko."

"Hindi, hindi ko siya ibibigay kanino man." Buong puso kong sabi, "Gusto ka daw
niyang makita, Dyessie."

Dinig ko ang pagsinghap niya, "P-pwede niyo b-ba siyang d-dalhin dito b-bukas?
Na...hihirapan n-na ak, F-Fay. Ma...sakit na, h-hindi ko na k-kaya..." nanghihina
niyang tinig.

Napakagat ako ng aking labi at pinipigilang maluha. Sa bawat pagbigkas niya ng mga
salita halatang halata na nahihirapan na siya.

"Dadalhin ko siya bukas diyan, lumaban ka muna. Kailangan mo pa makita si Dion,


miss na miss ka na ng anak mo." Hindi ko na napigilang mapaluha.

"Ma...raming s-salamat, F-Fay. Hihintayin...ko ang a-anak ko. H-hihintayin ko


siya..."

Hindi ko na napigilan panghumikbi, napatingin si Rihav sa akin. Dumaan siya sa


paanan para mabigyan ako ng yakap. Kinuha na niya sa akin ang cellphone siya ang
kumausap kay Dyessie. Tinuon ko naman ang aking tingin kay Dion. Mamahalin ko siya
paano ko mahalin ang kambal, hindi ko siya hahayaan kahit na hindi pa ipagbilin ni
Dyessie.

Kamahal mahal ka Dion, tandaan mo 'yan.

*******

This coming May 9 is BYULS second monthsarry. May mini celebration tayo, it's a
selca day. Just post a picture of yours with a #BYULtiful2ndMonthsarry, don't
forget to tag me para makita ko kayo! Sa mga willing lang sumali, ayos na ayos.
Thank you, my stars, my byuls! I love you all!

Kabanata 34

Hi sa mga tao sa GC! Jerlyn, Kristine, Lionelle, Joyline, Maye and Veronica Faye!

Kabanata 34

"You woke up so early." napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Lumapit sa
akin si Rihav at hinalikan ang aking pisngi. "Good morning..." pagbati niya sa
akin.

Ngumiti ako at binati din siya pabalik. Inayos ko ang aking pagkakaupo sa mahabang
sofa, hindi pa lumalabas ang araw at tanaw ko pa ang ilaw mula sa labas ng ilang
bahay dito sa village. Maaga talaga akong nagising, hindi na ako nakabalik sa
pagtulog dahil iniisip ko ang kalagayan ni Dion. Naawa ako sa kanya, wala na siyang
ama at mawawala pa ang kanyang ina.

"Pwede ba ako magtanong tungkol kay Dyessie?" nahihiya kong sabi kay Rihav.

"Sure," aniya at tumayo. "You want coffee? I will make one for you."
"Okay." Sabi ko at hindi hiniwalay ang tingin sa kanya.

Kitang kita ko ang malapad na likod niya habang papunta siya sa kusina. Wala siyang
damit na pang-itaas, naka shorts lang at magulo ang buhok. Niyakap ko ang aking
tuhod habang titig na titig ako sa kanya.

Pumwesto na siya sa coffee maker at ginawa na ang kape naming dalawa. Napakagat ako
ng bibig ng inayos ng kanyang kamay ang magulo niyang buhok. Hindi talaga maitago
ni Rihav ang kanyang kagwapuhan kahit na bagong gising lang siya. Hindi din ako
makapaniwala na pinatulan niya ang isang kagaya ko. Isa lang naman akong katulong
nila.

"Why are you looking at me like that? May mali ba?" nakakunot noo niyang tanong.
Tunog kuryoso ang kanyang boses.

Umiling ako at tumikhim, "Paano pala kayo nagkakilala ni Dyessie?" binalik ko ang
pinag-uusapan namin kanina.

"Well, we are friends since college." Sagot naman niya.

Tumango tango ako, "Bakit ayaw ibigay ni Dyessie si Dion sa tatay niya? Nasaan din
pala ang ama ni Dion? Talaga bang...patay na?" sunod sunod kong tanong, medyo
nailing pa sa huli .

Niligpit niya muna ang kanyang ginamit at lumapit na sa akin dala dala ang dalawang
baso na pinaglagyan niya ng kape. Nilapag niya iyon sa isang babasagin na lamesa at
hinarap ako.

"Alam na ni Tito ang totoo, alam na niya na hindi ko anak si Dion. Nagalit siya,
galit na galit siya sa kanyang anak. He did something to Dion, hindi ko alam kung
ano dahil tinatago ng mag-ina sa akin. Kung kukunin ni Tito si Dion sa atin
malamang ay sasaktan niya ang bata—"

"Wala ba siyang puso? Apo niya si Dion." Hindi ko mapigilan ang aking sarili.

"Wala talaga siyang puso, pinapatay niya ang ama ni Dion. Iyon ang rason kung bakit
ako pumayag kay Mommy, naawa din ako kay Dyessie dahil buntis siya. Galit din ako
sayo dahil sa mga walang kwentang pinagsasabi sa akin ni Mommy."

"Talagang patay na ang ama ni Dion?"

"Yes," sabay tango tango niya.

Parang piniga ang puso ko dahil sa aking mga nalaman. Wala na talagang mag-aalaga
sa bata kung hindi ay kami. Bumuntong hininga ako at yumuko.

Ang malapad na kamay ni Rihav ay sumakop sa aking ulo at dinikit ang aking mukha sa
kanyang dibdib. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo at pinaupo ako sa kandungan niya
habang yakap yakap ng kanyang dalawang kamay.

"Tayo na lang ang mayroon siya." ani ko.

Dinampian niya ng halik ang aking ulo, "She's in good hands, you're her mother now.
Alam kong maalagaan mo siya kagaya ng pag-alaga mo sa dalawa nating anak." Masuyo
niyang sabi.

"Sana nga..."

"I'm here, sabay natin silang aalagaan."


ISA ISA silang nagsigisingan pagkalipas ng ilang oras. Dumiretso sa akin si Hacov
at niyakap ako. Pinatakan ko naman siya ng halik sa kanyang pisngi, maging ang
dalawang babae ay hinalikan ko din.

"Ayos lang ba ang tulog niyo?" tanong ni Rihav sa tatlo.

"Ayos lang po, Tatay. Malambot po kasi ang kama ninyo." Si Hera ang sumagot.

Sina Hacov at Dion naman ay umupo na sa lamesa, hindi na sila nagsalita pa. Hinanda
na namin ni Rihav ang aming makakain. Isa isa silang inasikaso ni Rihav, bumalik
naman ako sa pagkakaupo dahil iyon ang sabi niya.

Naguusap sina Hera at Rihav habang kumakain kami. Tahimik naman ang dalawa kaya
hindi ko mapigilan mapatanong sa kanila.

"Ayos lang po ako, Tita Fayre." Sagot ni Dion at tipid na ngumiti.

"Nagising sila Nanay na isa lang ang niyayakap nilang unan kaya tahimik silang
dalawa." biglang sabi ni Hera habang ngumunguya.

"Hindi kaya!" tangi ni Hacov.

Hindi na sumabad pa si Dion at pinatuloy niya ang pagkain. Natapos kami sa pagkain
ay sinabihan sila ni Rihav na maghanda at may pupuntahan kami. Walang ideya ang
tatlo kung saan kami pupunta. Sina amin na muna si Rihav para hindi mabigla si
Dion.

Ayos na ayos na ang tatlo. Nakadress ang dalawang babae habang si Hacov naman ay
naka-tshirt at shorts lang. Ako naman ay nakapantalon at kulay puti blousa, katulad
ni Hacov gano'n din ang suot ni Rihav.

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Si Rihav na ang nagmaneho, ako ay nasa harap
habang ang tatlo ay nasa likod. Nasa gitna si Hera dahil ayaw ni Hacov na naupo sa
gilid ni Dion.

Habang nasa daan kami ay hindi napigilan ni Hera na mapatanong, "Saan tayo pupunta
tatay?"

"Basta." Sabi ni Rihav.

Mabuti na lang at hindi na kumulit si Hera na magtanong sa kanyang ama. Papalapit


kami sa hospital na kung saan naroroon si Dyessie, nakita ko sa side mirror na
humahaba ang leeg ni Dion para makita ang nasa labas.

Inayos ni Rihav ang sasakyan bago siya lumabas at binuksan ang pinto sa tatlo.
Lumabas na din ako at sa kabilang pinto naman ang aking binuksan. Kita ko ang mata
ni Dion na nakadikit sa hospital, para bang pamilyar sa kanya ang lugar.

"B-Bakit tayo nasa h-hospital ni Mommy?" nauutal niyang tanong sa akin.

"Bibisitahin natin siya, diba gusto mo siyang makita?"

"Opo, pero baka ayaw niya."

"Sabi niya sa akin, puntahan mo daw siya." ani ko at ngumiti.

Isang tango ang ginawad niya at hinawakan ang aking kamay. Pumasok kami sa hospital
habang hawak hawak ko siya, ang dalawa naman ay nasa kay Rihav. Mabuti na lang at
nasa isang pribadong silid si Dyessie dahil kung hindi baka hindi makapasok itong
tatlo.

Alam ni Rihav kung ano ang numero ng silid ni Dyessie. Ilang pasikot sikot ang
ginawa namin ng tuluyan ay nasa harap na kami ng kanyang silid.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Dion, dinampi ko ang aking kamay sa
kanyang pisngi at himaplos iyon. Dahan dahan kung pinihit ang seradula at binuksan
ang pinto. Kita agad ng mata ko Dyessie, nakahiga siya at may mga kung anong
aparatos ang nakakabit sa kanya.

"Mommy!" sigaw ni Dion at lumapit siya sa kanyang ina.

Maingat na niyakap ni Dion ang ina at umiiyak na siya. Napalunok ako ng makita ang
kabuuang mukha ni Dyessie. Ibang iba na ang mukha niya noong huli naming pagkikita,
namumutla na ang kanyang bibig at namayat siya ng sobra.

"Di...on, anak...ko." nahihirap siya sa pagsasalita.

Naramdaman ko ang kamay ni Rihav na yumakap sa aking beywang at tuluyan na kaming


pumasok sa loob ng silid. Kinuha ni Dion ang isang silya at pinalapit para mas
lalong makita ang ina. Pinunasan ni Dion ang mukha ng kanyang ina at maingat na
hinalikan sa pisngi.

"Mommy, huwag mo 'kong iwan." Ani Dion.

Tinaas ni Dyessie ang kanyang kamay para mahawakan ang pisngi ng anak ngunit hindi
niya magawa ng makaramdam siya ng sakit. Kaya ang ginawa ni Dion ay siya na mismo
ang humawak sa kamay ng ina.

"Nan...diyan naman a-ang D-daddy mo at...si Tita F-Fayre mo. Hindi ka


nila...iiwan."

"Mommy..." sabay hagulgol ni Dion.

"Hu...wag mo silang p-pahirapan sa pag...aalaga sayo ha... Maging mabuti k-kang


bata, huwag m-mong hahayaan ang sarili mo... I...love you very much, anak." Umiiyak
na bigkas ni Dyessie.

Hindi ko mapigilan umiyak dahil sa kanilang dalawa. Pasimple kong pinunasan ang
aking luha na lumandas sa aking pisngi. Humihigpit naman ang pagkakawak ni Rihav sa
aking beywang at paminsan minsan ay hinahalikan ang aking balikat.

"I love you too, Mommy. Kung nahihirapan ka na, pwede na po ikaw matulog."

Hindi na nagsalita pa si Dyessie at pumikit nalang. Muli siyang niyakap ni Dion na


umiiyak.

Sobrang sakit ng pangyayari, ang kanina ko pangpagpipigil ng aking iyak ngayon ay


tuluyan ng nagsilabasan ang luha sa aking mata.

Ilang minuto pa ay umalis na sa pagkakayakap si Dion sa kanyang ina. Isang matagal


na halik sa noo ang ginawa niya bago bumababa sa silya. Tumakbo siya papalapit sa
akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Natulog na si Mommy...tuluyan na siyang natulog..." humikbi niyang sabi, dikit na


dikit ang mukha sa aking tiyan.
Let's be Friends:

Facebook: Erithrea Wp

Twitter: 3rithrea

IG: Threyaaaaa

Facebook group: Byuls of 3rithrea

Facebook page: 3rithea Diaries

Tiktok (yes mare nasa tiktok nako): Threyaaaaa

I really appreciated those people who created a stan account on twitter. Thank you
for reading my stories guys, Happy 11K sa atin! This journey is not just mine,
kasama na kayo doon. Ily, byuls.

Kabanata 35

THANK YOU FOR READING THIS STORY. HAVE A NICE DAY AND KEEP SAFE. ILY

Kabanata 35

Isang linggo na simula noong nilibing si Dyessie. Kahit papaano ay bumalik na ang
sigla ni Dion, sumasama na siya kay Hacov lumangoy sa swimming pool. Kahit takot si
Hera ay sumasama siya basta naroon ako o 'di kaya si Rihav na pwede niyang
makandungan sa pag-upo.

Sariwa pa ang lahat ng nangyari sa kanya pero alam kung nalalabanan niya ang sakit
na dinadamdam niya. Ibang iba na siya sa Dion na nakilala ko noon, maldita at hindi
marunong rumespeto pero ngayon lumalabas na ang tunay niyang ugali. Malambing siya
at magalang, hindi na siya pumapatol kay Hacov kung ano man ang asar nito. Kusa na
siyang umaalis at pumupunta kay Hera para maghanap ng kakampi.

Kasalukuyan kaming naghahanda ni Rihav ng makakain namin sa tanghalian. Wala na ang


mga kasambahay ni Rihav sa bahay, gusto ko sana na ibalik sila para may maka-usap
naman kami dito kahit paano. Pero nahihiya ako kay Rihav, nakikitira lang naman
kami dito tas demanding pa ako.

"Fay, I already process some documents para ma legalize na si Dion sa atin. She
already using my surname, pero inintindi ko lang ang sinabi ni Tito noong libing ni
Dyessie." Sabi ni Rihav.

Napakagat ako ng bibig ng bumalik sa aking isipan ang nangyari sa araw ng libing ni
Dyessie. Nakaramdam ako ng galit sa magulang ni Dyessie, hindi man lang nila
inasikaso ang pagkamatay ng kanilang anak. Kaming dalawa ni Rihav ang umintindi ng
lahat, hindi naman ako nagrereklamo pero sana isipin din nila na anak nila si
Dyessie. Na kahit anong mangyari ay nanalaytay ang dugo nila sa kanilang anak.

Ni isang dalaw para makita ang anak nila ay hindi nila ginawa. Gano'n na ba kabato
ang puso nila para hindi maisip ang anak nila?

Ang sama sama nila.

Mga walang puso.

Wala akong karapatan magalit sa kanila dahil labas ako sa pamilya nila pero sana
isipin din nila na may anak sila. Na nawalan sila ng mahal sa buhay at mismong anak
pa nila.

Mas lalo pangnagkagirian sa araw ng libing ni Dyessie ng pilit na kinuha ng ama


nito ang anak niya. Kung hindi nakita ni Hacov na kinuha ng ama ni Dyessie si Dion
ay talagang nakuha na sa amin ang bata. Mabuti na nga lang ay naayos sa pag-uusap
nila Rihav.

Kahit gano'n hindi parin ako kampante na ayos na ang lahat. Lalo na ang huling
binitawang salita ng ama ni Dyessie. Na kahit anong mangyari ay kukunin niya sa
amin si Dion, na walang makakapigil sa kanila dahil apo nila ang bata.

Simula no'n, sinabihan ko na si Rihav na ayusin na ang lahat sa pagkatao ni Dion.


Na saamin na talaga siya, parte na siya ng pamilya namin.

"Gawin mo ang lahat, Rihav. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para hindi siya
makuha sa atin, mapapahamak lang siya kapag napunta siya sa pamilyang 'yon.
Pinangako ko sa ina niya na aalagaan ko siya, hindi siya makukuha sa atin." Sunod
sunod kong sabi, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nakuha pa sa amin
si Dion.

Nilapag ni Rihav ang hinahawakang kutsara at tinidor, lumapit siya sa akin at


niyakap ako.

"Magtiwala ka sa akin, hindi nila makukuha si Dion sa atin." Masuyo niyang sabi at
malambing na hinaplos ang aking braso.

Napapikit ako at niyakap din si Rihav. Buong puso kong papaniwalaan ang kanyang
sinasabi. Magtitiwala ako sa kanya ng buo.

*****

Sabay kaming kumain lahat. Hindi ko matago ang ngiti ko habang ang tatlo ay
nagkukuwento tungkol sa kanilang pinapanood. Paminsan-minsan na lang ni Hacov
inaasar si Dion, nakikita ko na tanggap na ni Hacov na magiging kapatid na niya
talaga si Dion.

"Daddy, pwede po ba tayong pumunta nang Mall—" hindi pa natapos ni Dion ang kanyang
sinabi ng sumabat na si Hera. Mukhang excited din siya kagaya ni Dion.

"Oo tatay, punta tayo doon may gusto kaming bilhin ni Dion. Nakita namin sa
cellphone niyo, sobrang ganda. Diba Dion?" aniya pa kay Dion.

"Opo Daddy, bibili din tayo ng sapatos. Diba gusto mong magmodel? Gusto ko din!"
sabay higikhik ni Dion.
Sabay na tumili ang dalawa at naghawakan pa ng kamay.

"Sus, ang aarte niyo. Hindi kayo pwedeng magmodel, bawal mga panget do'n. Si Tata
Zav lang ang pwede kasi maganda siya." napatingin ang dalawa kay Hacov na
nagsalita.

Ramdam ko ang paghilig ni Rihav sa kanyang upuan, kagaya ko ay natigil na din siya
sa pagkain para tignan ang tatlo na nag-aasaran na naman.

Nakuha ni Rihav ang atensiyon ko ng hawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
Pinagsaklop na niya iyon pero ang tingin ay nasa tatlo parin.

"So you mean panget ka din? Kasi diba kambal kayo ni Hera? Kung sasabihan mo siyang
panget, e 'di panget ka din magkamuha lang kayo." Si Dion ang bumanat kay Hacov.

Tumaas ang gilid ng bibig ni Hacov at umiling iling, "Ampon kayong dalawa kasi
panget kayo, ako ang tunay na anak." Aniya na ikinainis ng dalawa

"Daddy,"

"Tatay," sabay ng dalawa habang nakasimangot.

Natawa lang ako sa reaksiyon ni Dion at Hera na nakasimangot sa harap namin. Inawat
ni Rihav ang tatlo na natatawa. Muli kaming bumalik sa pagkain pero hindi parin
sila huminto sa pagbabangayan. Itong si Hacov hindi talaga hihinto hangga't walang
iiyak na isa.

Dalawa kalaban sa isa, kahit isa lang si Hacov sa bangayan hindi siya matatalo ng
dalawa. Lalo na't nagsama pa ang dalawang pikon. Umiling ako at ngumiti habang
nakatingin sa kanila.

"Tatay, punta tayo mall please."

"Daddy, please..." nagpacute pa ang dalawa kay Rihav.

"Tatay, huwag na po nating isama si Kuya. Masama kasi ang ugali niya." si Hera
sinabayan niya pang-ilabas ang dila niya kay Hacov.

"Kung hindi ako isasama ni Tatay, hindi ulit kami bati." Ani Hacov.

"Damn..." bulong naman ni Rihav sabay pikit.

Wala ng nagawa si Rihav kundi isama silang tatlo. Sabay na sumimangot ang dalawa sa
disesyon ng ama, si Hacov naman ay pangiti-ngiti lang habang sinusubo ang kanyang
pagkain. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa isa isa na silang natapos sa
pagkain.

Kami ulit ni Rihav ang nag-ayos ng aming at silang tatlo naman ay nagsipuntahan sa
kanilang mga kwarto para magbihis. Matapos namin ni Rihav ang lahat ng gawain ay
nagtungo kami sa kanyang silid na kung saan naroon ang mga gamit ko.

"You go first," nilahad niya sa akin ang cr ng silid.

Pinalitan ko ang aking pambahay na damit at pinalitan ang iyon ng isang kulay
puting dress na binili ni Rihav. May kahabaan ang dress hanggang sa ilalim ng aking
tuhod, hindi naman gano'n kahaba ang manggas at hapit na hapit sa aking katawan.
Tinignan ko ang aking buong katawan sa isang malaking salamin, inayos ang aking
buhok at tuluyan ng nilisan ang cr.
Nadatnan ko naman si Rihav na nakaupo sa kama habang ang dalawa kamay ay nakatukod
sa kama. Tinignan niya ako ng buo mula ulo hanggang paa.

"Ano? Panget ba?" tanong ko sa kanya, makahulugan kasi ang kanyang tingin sa akin.

Umiling siya at tumayo. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking pisngi.

"Ang ganda mo." Bulong niya.

Umirap ako at umalis sa pwestong iyon. Tinungo ko ang lalagyan ng mga sapatos namin
at kinuha ang isang pares ng sandals. Isinuot ko iyon at lumapit sa kanya.

"Bilisan mo na, naghihintay na ang tatlo." Sabay halik sa kanya sa pisngi at


lumabas na nang tuluyan sa silid.

Ngumingiti ako habang baba ng hagdan. Nakita ko ang tatlo na todo parin sa
pagbabangayan habang nakaupo sa malaking sofa sa sala. Nang makita ako ni Hera ay
kaagad siyang nagsumbong sa akin.

"Tama na 'yan," awat ko at kinuha si Hera para ayusin ang kanyang buhok. Sinunod ko
si Dion na kagaya din ng kay Hera.

Ngayon ko lang napansin ang kanilang suot. Pareho silang nakasuot ng mahabang boots
at kulay pulang strapped dress na hanggang sa ibabaw ng kanilang tuhod. Para sila
'yung kambal, ang pinagkaiba lang ang kulay nang mata at buhok. Si Hera ay kulay
abo ang mata habang ang kay Dion naman ay kulay light brown. Ang kanilang buhok
naman ay light brown lang ang kay Dion keysa kay Hera.

"Ang gaganda niyo naman." Puri sa kanilang dalawa ng pinatayo ko silang dalawa sa
harapan ko.

"Si Tatay bumili ng damit namin at boots." Ani pa ni Hera.

Dumating na si Rihav at nilisan na namin ang bahay. Nagtungo kami sa Mall na


pinagmamay-ari ni Rihav. Habang nasa daan kami ay ramdam ko na ang excitement ng
dalawang babae. Kuwento sila ng kuwento at kaming dalawa ni Rihav ay sinasakyan
nalang sila.

Nang makarating kami sa parking lot ng mall ay una akong binuksan ni Rihav bago
sila. Magkabilaan ang binuksan namin ni Rihav. Kita ko ang paglundag ni Hacov kay
Rihav at nagpabuhat. Ang dalawa naman ay mahinhin na bumaba.

"Kay nanay ako." tumakbo si Hacov sa akin at hinawakan ang aking kamay. Sina Hera
at Dion naman ay kay Rihav na humawak ng kamay.

Pumasok kami sa loob ng mall, bumalot ang lamig sa aking katawan. Nilibot ko ang
aking mata at walang itong pinagka-iba, gano'n pa din ang kanyang itsura pwera lang
sa mga nakasabit sa tuktuk nito.

Una naming pinuntahan ang gusto ng dalawang babae. Sa mga damit sila pumunta at
kanya kanya silang pili. Maging si Hacov ay nakigulo sa dalawa.

"Ito kuya?" tanong ni Hera kay Hacov.

"Panget, parang si Dion." Sagot ni Hacov.

"Panget ka din except si Hera dahil kaibigan ko siya." sabi pa ni Dion ng marinig
ang sinabi ni Hacov.
Inirapan ni Dion si Hacov at muling pumili ng damit. Sinabayan na namin sila ni
Rihav. Kanya kanya silang lagay sa kani-kanilang cart. May mga damit pa na pareho
sila at gusto daw nila iyon. Hindi ko alam kung ilan na ang nailagay nilang damit
bago natapos ang aming pagpili.

"Done!" sambit ni Rihav matapos niyang mabayaran lahat.

Nilibot pa namin ang buong mall, may mga pinuntahan din kami na bago sa akin.
Madami silang nabili, si Rihav ay bumili din ng mga kakailanganin ng tatlo. Huli
kaming pumunta sa grocery, kumuha ako ng malaking cart at kumuha din si Rihav.

Makahulugan ko siyang tinignan, "Wala na tayong pagkain kaya dapat madami ang
bibilhin natin." Aniya at tuluyan ng pumasok sa loob.

Humahawak sa damit ko si Hacov at ang dalawa naman kay Rihav. Kanya kanya ulit
pili, sinusuway ko sila na tama na at madami ng candies at chocolate pero si Rihav
ang savior nila. Todo konsinte sa tatlo na maglagay lang ng maglagay.

Puno ang dalawang malalking cart, may mga pinili din kasi akong organizer para
magandang tignan ang kusina sa bahay. Hindi naman nagreklamo si Rihav at siya pa
ang nagsasavi na damihan at baka kulang.

Binayaran ulit ni Rihav ang lahat, wala siyang reklamo ng makita ang kabuuan ng
kanyang babayaran. Binigay niya lang sa cashier ang kulay itim niyang ATM card.

"I'm happy." Bulong ni Rihav sa akin habang hinihintay namin ang kanyang mga tauhan
na ipasok an gaming pinamili sa likod ng sasakyan. Nandito na kami lahat sa loob ng
sasakyan, busy naman ang tatlo sa kakanood sa cellphone ni Rihav.

"Masaya din ako." sabay ngiti ko.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ang tungkil ng aking ilong. Mas lumapit ako sa
kanya at hinalikan siya mismo sa kanyang labi. Kita ko ang pagkagulat niya sa aking
ginawa. Pinalupot niya ang kanyang kamay sa akin at muli akong hinalikan sa labi,
malalim.

"Tatay, nanay, nandito kami."

Natigil ako sa paghalik kay Rihav at dahan dahan na umalis dahil sa hiya. Napapikit
ako at nahihiya sa ginawa.

Hindi na pinansin ni Rihav ang sinabi ni Hera at binuhay na ang sasakyan. Nilisan
namin ang Mall at dumeritso kaagad sa bahay. Dahil pagod ang tatlo, tahimik lang
ang buong byahe.

Nakarating kaming bahay ay ako na mismo ang bumukas ng pintuan at pinuntahan ang
likod para mabuksan ang tatlo. Bumaba ang dalawa at si Hacov ay bumababa nadin.
Pumasok kami sa loob at magbibihis muna bago kunin ang mga pinamili.

Hindi pa kami tuluyan nakapasok sa loob ng bahay ay kumalabog na ang aking puso ng
makita ang isang pamilyar na mukha. Nakahawak siya ng pamaypay habang matalim
kaming tinititigan. Ang hawak ni Hacov sa akin ay biglang humigpit ng makita ang
ginang.

"S-senyora."

"Long time no see, Fayre."


Lets be friends mga mare:

Facebook: Erithrea Wp

Twitter: 3rithrea

IG: Threyaaaaa

Facebook group: Byuls of 3rithrea

Facebook page: 3rithrea Diaries

I just wanted to say thank you to those byuls who joined the selca day yesterday. I
really appreciated all of y'all love and support. Y'all pretty and cute, keep
slayin' everyone!

Kabanata 36

Hi Allyssa Marie Romero, salamat sa chika HAHAHA at kay Nicole Fradejas Esller.

Kabanata 36

"Long time no see, Fayre." Aniya habang matalim kaming tinititigan.

"What are you doing here, Mom?" matigas na tanong ni Rihav sa kanyang ina.

Hinawakan ako ni Rihav sa kamay at inilagay sa kanyang likuran kasama ang tatlo.
Hawak hawak ko ang tatlo na nakayakap na sa akin dahil sa mga nangyayari. Maging
ako nakakaramdam narin ng takot. Hindi dahil sa sarili ko kundi sa mga anak ko.
Malaki ang kasalanang ginawa ni Senyora sa mga anak ko, hindi maganda ang huling
nangyari sa kanila simula noong umalis kami dito.

"I'm here, para kunin si Dion. Sa akin ang batang iyan, kaya kukunin ko siya." ma-
utoridad na sabi ni Senyora.

Humigpit pa lalo ang yakap sa akin ni Dion ng marinig niyang ang tinuran ng
matanda. Huminga ako ng malalim at mas lalo silang niyakap ng mahigpit. Hindi ko
alam kung ano ang reaksiyon ni Rihav dahil nasa likuran niya kami pero ramdam ko na
nagagalit din siya sa sinabi ng ina.

"No, Ma. Hindi mo siya pwedeng kunin sa akin." May galit sa boses ni Rihav.

"She's my granddaughter. I have a right from her. Kukunin ko siya, sa akin siya
binilin ni Dyessie."

Sinubukan ni Senyora kunin si Dion sa akin. Hawak niya ang bata at kita ko sa mukha
ng bata ang sakit sa paghawak sa kanya ni Senyora. Hinila niya ng hinila si Dion
mula sa akin, ang mukha naman ni Dion ay parang nasasaktan na sa bawat hila sa
kanya.

"Bitiwan mo 'ko, Rihav. Ibigay mo sa akin ang apo ko!" sigaw niya at mas lalong
hinila si Dion kaya napa-aray na ang bata.

Ang kaninang pagpipigil ni Rihav ay hindi na niya napigilan pa. Buong lakas niyang
kinuha ang matanda mula sa amin at pinalayo ito. Nagsisigaw naman ang matanda dahil
sa ginawa ni Rihav. Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mag-ina pero hindi ko
iyon inalam pa at tinignan na si Dion.

Nagpipigil siya ng iyak, inayos ko silang tatlo at muling pinayakap sa akin.

"Akin na ang apo ko, Fayre! Hindi 'yan sayo!" sigaw pa sa akin ni Senyora.

"Sa akin siya binilin, kaya sa amin siya." hindi ako nakapagpigil at nagsalita
nadin.

Umirap ni Senyora at kita ang kanyang pagka-irita sa pagsali ko sa kanilang pag-


uusap. Dati nagtitimpi pa ako sa ugali ng matandang 'to pero ngayon na hindi
makatarungan ang ginagawa niya ay hindi na ako matatahimik. Hindi sa lahat ng oras
siya ang panalo, na siya parati ang masusunod.

"You poison my son's maid again, you bitch!" aniya at akmang muling susugurin ako.
Mabuti nalang ay humarang na si Rihav sa gitna.

Sunod sunod na sigaw naman ang narinig namin mula sa loob ng bahay. Nakita ko ang
kambal na narito rin pala sa Isla Fera, kaagad nilang dinaluhan ang kanilang ina at
kinuha papalayo sa amin.

"Mommy tama na! Diba binalaan na kita na bawal kang pumasok sa pamamahay ko?!"
umiigting na ang panga ni Rihav sa galit.

"K-Kuya, kami ang nagpapasok kay M-Mommy. Kasi sabi niya dito daw siya matutulog,
we have no choice, she's our Mom." Ani Zoe na natatakot.

"Hindi niyo alam kung ano ginawa ni Mommy sa pamilya ko. I know she's our Mom but
she is not doing her responsibility. Kung talagang mahal niya tayo susuportahan
niya tayo, pero ano ginagawa niya?" huminto siya at umiling bago nagsalita ulit.
"Ikaw Zoe, anong gusto mo dati? Diba ayaw mo naman talagang kunin ang kompanya kung
hindi ka niya binalaan na aalisan ka ng mana ay hindi mo hahawakan. Ikaw Zav,
naghirap ka muna sa kamay niya bago mo nakamit ang pangarap mo. We are under
control by our Mom, hindi na ako makakapayag na muli siyang manghimasok sa buhay
namin!" tumaas na ang boses niya.

Napapikit ako, kumakalabog ang puso ko sa kaba dahil sa kung ano ang gawin ni Rihav
sa kanyang ina. Ayaw ko naman humantong sa sakitan kung pwede naman daanin sa pag-
uusap.
Inaayos na namin lahat ng papeles ni Dion para sa amin na talaga siya. Hindi na
siya makukuha pa ng ibang tao. Ayaw kong magdusa si Dion sa mga lola at lolo niyang
mapamintas. Kung ilalaban sa korte, ilalaban namin.

"Zoe, Zav dalhin niyo muna si Mommy sa bahay niya. Hindi kayo makakapasok sa bahay
na 'to kung kasama niyo siya. Nasa kanya na kung tatanggapin niya ang disisyon ko o
hindi, basta hindi ko iiwan ang pamilya ko."

Dali dali namang inalalayan ng dalawa at kinausap ang kanilang ina na umalis na ng
bahay ni Rihav. Noong una ay hindi matinag ang matanda, ayaw niyang umalis ng bahay
at sinasabi sa kanya ang lahat ng ito.

"Umalis na kayo, Mommy. Kung maganda lang pakikitungo mo sa kambal ko at kay Fayre
hindi tayo hahantong sa ganito. At isa pa, wala kang karapatan sa bahay ko. Akin
ang lahat ng nakikita mo, pinaghirapan ko ito simula noong pinaalis mo 'ko sa
kompanya ng pamilya natin."

Isang matalim na tingin ulit ang iginawad sa akin ng matanda bago nagpatianod kay
Zoe at Zavia na takot sa kanilang kuya, hindi sila makatingin kay Rihav habang
papalabas. Nang tuluyan na silang makalabas ng bahay ay doon na nagsi-iyakan si
Dion at Hera. Parang kanina pa nila pinipigilan ang kanilang pag-iyak.

"Awww, my babies..." umiba ang boses ni Rihav at naging malambing ito.

Kinuha niya ang dalawa sa akin at binuhat sa magkabilaan niyang braso. Hinawakan ko
naman si Hacov at pumasok na kami sa loob ng bahay. Umupo si Rihav sa malambot at
mahabang sofa, pinaupo niya sa kanyang kandungan ang dalawa. Malambing niyang
hinaplos ang mga pisngi nitong dinadaluyan ng kanilang mga luha.

"Tahan na," pag-aalo niya sabay halik sa dalawa na hindi parin natigil tigil sa
pag-iyak.

"D-Daddy, huwag m-mo 'k-kong ibigay kay L-Lola." Humihikbi si Dion.

Umiling si Rihav at muli silang niyakap ni Hera, "Hindi, hindi kami papayag ni Tita
Fayre." Sabay tingin sa akin ni Rihav.

Ngumiti ako kay Dion at umupo sa gilid niya. Inalis ko ang luha at inayos ang
kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha.

"Hindi ka namin ibibigay." Puno ng seguridad kong sabi. "Ayos ka lang ba? Wala bang
masakit sayo?" nag-aalalang tanong ko, sa hila ba naman sa kanya ni Senyora
siguradong nasaktan siya.

"Masakit po dito ko," tinuro niya ang bantang braso na hinila ng matanda, kinuha
iyon ni Rihav at marahabang hinilod.

Niyakap ako Dion habang hinahawakan ni Rihav ang kanyang kabilang kamay. Si Hacov
ay nakisali sa aming yakapan. Kanina pa 'to hindi kumikibo at nagsasalita. Pero
alam kung nakikiramdam siya sa paligid, naaawa siya siguro kay Dion kaya nakisali
din.

"Sa pagkakataong ito, hindi na kita iiwan pa." dinig kong bulong ni Rihav sa akin
at hinalikan ang gilid ng aking ulo.

****

"Gago, takot na takot ako kay Kuya, Fay. Halimaw pa naman 'yon pagnagagalit, mabuti
nga natiis mo pa siya." sambit ni Zav, dumalaw silang dalawa ni Zoe dito sa bahay
ni Rihav.

Tatlong araw na ang nakalipas sa pangyayaring iyon, hindi na nakapunta pa ang


matanda dito sa bahay. Naglagay na rin ng seguridad si Rihav sa labas ng mansion at
pinagsabihan sila na hindi papasukin si Senyora dito sa loob lalo na't umaalis alis
na siya para magtrabaho.

"Pero may point si Kuya sa lahat ng sinabi niya." bumuga si Zoe ng hangin, "I
realized that Mom controlled my life since day one. Hindi ko mabuti na-enjoy ang
buhay ko dahil sa kanya, pero may ibang parte sa katawan ko na naawa kay Mommy.
Siya parin ang rason kung bakit ako nabuhay, bakit kami nabuhay—" pinutol ni Zavia
ang pagsasalita ng kanyang kakambal.

"Girl, gumising ka nga. Ipapakasal ka na ni Mommy at lahat na, hindi mo parin


ramdam—"

Umuwang ang bibig ko sa sinabi ni Zavia. Sila din palang dalawa ay kontrolado ni
Senyora.

Wala ba siyang nararamdaman para sa mga anak niya?

Hindi niya ba naiisip na may sariling buhay at isip din ang mga anak niya?

"Alam ko naman 'yon, pero kasi—"

"Bahala ka nga. Sinabihan na kita na umayaw ka naman kahit isang beses lang, anak
ka niya at hindi ka robot. Sa tingin mo ba magiging model ako kung sinunod ko si
Mommy na ipagkasundo sa lalaki na hindi pa ako nasa tamang edad? Gago ka ba?"

Sabay na nag-irapan ang dalawa. Hindi pa din sila nagbabago. Sila parin ang Zavia
at Zoe na nakilala ko. Muli kaming nagkuwentuhan hanggang sa umabot na sa mga
pinagdaanan namin. Mula sa pinaka-umpisa ng kwento ay sinabi ko hanggang sa muli
kaming napadpad sa Kuya nila.

Napapasinghot singhot pa si Zavia habang nagkukuwento ako. Ako naman ay pinipigilan


kong lumandas ang aking luha. Sa lahat ng nangyari sa amin, hindi ako nakaramdam ng
pagod. Hindi pumasok sa isip ko na iwan ang mga anak ko sa tindi ng pinagdaan
namin.

Iyon siguro ang hamon ng buhay, kailangan munang maramdaman ang paghihirap bago ang
sarap.

"Okay ka na ba? Wala namang nabali sayo? Sa mga buto mo?" nag-aalalang tanong ni
Zavia.

"Wala, ayos ako." sinabayan ko ng ngiti para ipakita na totoo ang sinasabi.

Dumalo na ang mga bata sa amin. Niyakap nila si Zavia at Zoe, naiilang pa si Dion
na makihalamuha kina Zoe pero kinalaunan ay niyakap niya rin ang dalawa.
Nagkwentuhan silang sa sala. Umalis naman ako para makapaghanda ng tanghalian
namin. Insakto naman na papunta din si Rihav sa kusina.

"May trabaho ako bukas." Aniya at pinatakan ng halik ang aking pisngi.

"Ayos lang baka hindi rin uuwi sina Zoe at Zav, may kasama ako dito sa bahay."

"Uh-huh," tumango siya at ngumiti sa akin.

Nag-uusap kaming dalawa ni Rihav habang naghahanda ng pagkain hanggang sa napunta


sa custody ni Dion ang aming pag-uusap.

"She will going to be twins sister. Nakuha ko na ang lahat ng dokumento kaya wala
na silang karapatan kay Dion." Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi.

Hindi ko na talaga tinantanan si Rihav tungkol sa custody ni Dion. Hindi ako


kampante hangga't wala kaming nahahawakang dukomento na nagpapatunay na saamin lang
siya. Hindi ako makakapayag.

"Paano kung ayaw parin nila? Paano kung gusto parin nilang kunin si Dion?"

"Kilala mo naman siguro kung sino ako diba? Kung iyon ang gusto nila e'di
ipapatikim ko sa kanila ang gusto nilang makuha." Aniya at ngumisi pa.

"A-anong gagawin mo?"

"Papabagsakin ko ang lahat ng kompanya nila, maging ang kay Zoe ay gagawin ko din.
Under kay Mommy 'yon, para malaman nila kung sino kinakalaban nila. Hinamon pa
talaga nila ako, tignan natin ngayon kung sino binabangga nila."

Napakagat ako ng bibig, "Maging ang kay Zoe?"

Tumango siya, "Sa amin na 'yon ni Zoe kung paano namin magagawa. Huwag ka nang mag-
aalala, hindi na tayo masisira pa ni Mommy." Masuyo niyang akong niyakap.

Dinikit niya ang kanyang mukha sa aking leeg at pinapatakan ng mumunting halik.
Hindi ko alam kung kailan ang huli naming lambingan ni Rihav. Mukhang noong umalis
pa ata ako sa mansion nila. Wala nakakamiss lang...

"Kuya, sorry for interrupting sa lambingang moments niyo. Pero nasa labas magulang
ni Dyessie."

Nanlaki ang mata ko. Tangina, kailan ba kami matatahimik?

Ngumisi lang si Rihav sa gilid ko, "At talagang sinugod pa ako, tignan natin kung
sino ang may kapangyarihan. Talagang mamumulubi kayo." Bulong niya at hinawakan ang
kamay ko. Hinila ako papalabas para harapin ang magulang ni Dyessie.

Lets be friends mga mare:

Facebook: Erithrea Wp

IG: Threyaaaaa

Twitter: 3rithrea

Kabanata 37
I'm back, medyo gigil parin sa Ms. U HAHAHAHA

Kabanata 37

Magkahawak kamay kami ni Rihav papuntang sala. Madilim ang kanyang mukha at ang
kanyang kilay ay magkadugtong na. Hinaplos ko ang kanyang braso at napatingin naman
siya sa akin. Isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya at pinatakan niya ng
halik ang aking ulo.

"Zoe, Zavia, dalhin niyo muna ang tatlo sa taas. Bumalik ka Zoe, ikaw naman Zavia
bantayan mo ang tatlo mong pamangkin." Mautoridad na sabi ni Rihav sa kanyang
dalawang magkapatid.

"Nakakatakot ka Kuya, umayos ka nga. Nandito pamilya mo, baka matakot ang tatlo
sayo." si Zavia na nakasimangot.

Hindi siya pinansin ni Rihav at muling inulit ang kanyang mga sinabi kanina. Ang
tatlo na walang kaalam-alam na naglalaro ng cellphone ay nagulat ng kuhain sila sa
kanilang pwesto para makapunta sa itaas.

"Saan pupunta, Tata Zoe?" inosenteng tanong ni Hera.

"Sa taas muna tayo, lalagyan natin ng bahay bahayan ang kuwarto niyo, diba sabi
niyo sa akin ni Dion gusto niyo maglaro? Atsaka, tuturuan kayo ni Zavia kung paano
ang mga pose ng mga model." Alibi ni Zoe kay Hera.

Nanlaki ang mata ng dalawa sa kanilang narinig. Tumakbo sila sa direksyon ni Zavia
at kinulit tungkol sa sinabi ni Zoe. Nagpatianod si Zavia paalis sa kanyang
kinauupuan at pumunta sila sa itaas. Sumunod naman si Hacov na ang mata ay
nakatutok parin sa cellphone habang hawak hawak siya ni Zoe.

Bumuga ako ng hangin bago tinignan si Rihav. Nakakaramdam ako ng takot, hindi ko
alam kung bakit. Nasa amin naman ang lahat ng papeles na nagpapatunay pero ang
kalabog ng puso ko ay subra sobra.

"Rihav, paano kung talagang makuha nila si Dion? May karapatan din kasi sila dahil
sila ang totoong pamilya." Hindi ko mapigilang mapatanong.

Sa mga nakaraang araw na kasama ko si Dion dito sa bahay ay nakikilala ko na siya.


Magkasangga na sila ni Hera kahit na hindi maayos ang kanilang unang pagkikita.
Kahit papaano ay napapalamit narin si Dion sa amin at maging sa dalawa kung anak.

Tinuring ko narin siyang anak ko kahit na hindi ko pa siya sapat na nakasama ng


matagal. Hindi ko pa alam kung ano ang hilig niyang gawin, kung ano gusto niyang
paglaki. Gusto kong masaksihan lahat ng iyon, kasama niya ang kambal.

"Don't think negatively, Fay. Trust me and I will do everything."

Isang tango ang tinugon ko. Sumunod ako kay Rihav na nagsimula ng maglakad
papuntang gate sa labas. Hawak hawak niya parin ang aking kamay na nagpapawis na
dahil sa kaba.

Papalapit na kami sa gate, may isininyas si Rihav sa mga nagbabantay ng gate at


kaagad nilang binuksan iyon. Bumungad sa akin ang mga hindi pamilyar na mukha pero
nakakasigurado na sila ang pamilya ni Dyessie.
"What are you doing here, Mr. Gomez?" matigas na engles ni Rihav.

"I'm here to fetch my granddaughter. Where is she?" tinignan tignan pa ng matanda


ang loob ng bahay.

"She got my name, Mr. Gomez. I have a rights on her. But, if you want to discussed
all this. Come inside." Kalmadong ani Rihav.

Lumaki ang bibig ko dahil sa gulat. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya, wala
siyang sinabi sa akin na papasukin niya ang mga ito. Natatakot ako at baka
magkagulo sa loob. Ayaw ko nang masaktan pa si Dion, natatakot din ako baka maging
ang dalawang anak ko ay madamay sa gulong ito. Iyon talga ang hindi ko makakaya.

Nilahad ni Rihav ang kanyang kamay para makapasok ang dalawa. Hindi naman umangal
ang mag-asawa at kalmado ding pumasok sa loob. Hinigpitan ko ang pagkakahawak kay
Rihav, napatingin naman siya sa akin.

"Akong bahala, hawakan mo lang kamay ko." aniya at muling tinignan ang dalawa na
nauna sa amin.

Pumasok kami sa loob ng mansion, pinaupo sila ni Rihav sa sofa. Maging si Zoe ay
nanlaki din ang mga mata ng makita ang mag-asawa na pumasok dito sa loob. Umupo din
kami sa harap ng magulang ni Dyessie.

May kinuha si Rihav sa kanyang pang-opsinang bag at nilapag ang kinuha sa


babasaging lamesa na nasa harapan namin.

"What's this?" tanong ng babaeng Gomez. Kinuha niya ang mga papel at isa isang
sinuri. "Sa amin mapupunta ang apo namin Rihav!" aniya at tinapon ang mga papel sa
lamesa.

"Nakasaad sa mga papeles na kami na ang pamilya ni Dion. Isa pa, naririnig niyo ba
ang mga sinasabi niyo na apo niyo siya? Pagkatapos niyo siyang saktan sa bahay
niyo?" bakas na ang irita sa boses ni Rihav.

Naramdaman ko agad ang tensiyon sa pagitan ni Rihav at ng dalawang Gomez ng


pagkatinginan sila. Ang babaeng Gomez naman ay tinapunan ako ng tingin, binali ko
ang aming tinginan at yumuko na lang.

"Kahit anong gawin mo Rihav apo parin namin si Dion!" mataas na boses ng babaeng
Gomez.

"Hindi mo alam kung anong kaya kung gawin, Mrs. Gomez." Tumikhim pa si Rihav.

"Hindi mo rin alam kung anong makakaya kung gawin, Rihav. Pinagkatiwalaan kita sa
anak ko, bagay na bagay kayo. Pero anong ginawa mo? Pinili mo ang kabet mo keysa sa
anak ko." napalunok ako sa mga tinuran ni Mr. Gomez.

Kita ko ang pagyukom ng kamay ni Rihav. Ang kaninang mahinahon na usapan ngayon ay
nagkakagulo na. Kahit ano pangsabihin ng tao sa akin, wala akong paki-alam. Hindi
nila alam kung sino ako, ako lang ang nakakaalam kung sino talaga ako at mga tao
matagal ng nakapaligid sa akin.

"Ang masaklap pa hinayaan mong mamatay ang anak ko." dugtong niya.

Binasa ni Rihav ang kanyang labi, "Minsan ba natanong niyo sa mga sarili ninyo kung
naging mabuting magulang kayo sa anak at apo niyo? Buhay ang anak niyo pero
pinapatay niyo. Diba pinatay niyo din ang boyfriend niya? Galit na galit sa inyo si
Dyessie, pero hindi niya kayo kayang sumbatan dahil alam niyang makakatikim din
siya ng bagsik niyo. Oh come on, huwag kayong magmalinis sa harap ko."

"We did that for her future, Ri—"

"Ang pumatay ng inosenteng tao? Na nagmahalan lang? Tangina niyo!"

Naalarma ako ng tumayo si Rihav, kaagad din akong tumayo at pinigilan sa kanyang
gagawin. Tinawag ko ang kanyang pangalan, nakatatlong beses pa akong tawag sa kanya
bago niya ako tinignan. Umiling ako bilang senyales na huwag niya ng gawin ang
kanyang binabalak.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng bumalik siya sa pagkakaupo. Nakakatakot siya,


natatakot din ako sa magawa niya sa dalawang matanda. Ayaw ko siyang makulong dahil
sa pag-uusap na 'to.

"We are here for our granddaughter Rihav, hindi para pag-usapan ang pagkamatay ng
nag-iisang anak namin."

"Isa lang din ang sinasabi ko, Mr. Gomez. Hindi ko ibibigay sa inyo si Dion."

"At sino gusto mong mag-ina ng apo namin? Iyang kabet mo? Iyan ba ang ginawa niya
sa iyo para sagut sagutin mo kami ng ganyan Rihav?"

Napasigaw kaming dalawa ni Zoe ng kwelyuhan ni Rihav ang lalaking Gomez. Matulis
ang kanyang matang nakatingin sa matanda na nagulat naman sa ginawa ni Rihav.
Sinubukan kong kunin ang kamay ni Rihav sa kwelyo ng matanda, maging si Zoe ay
nakitulong narin ngunit hindi matibag-tibag si Rihav sa pagkakahawak.

"Rihav..." bulong ko, ngunit mukhang walang narinig si Rihav.

"Huwag na huwag mo siyang masabihan ng ganyan dahil hindi mo kilala ang kinakalaban
mo. Kung siya man ang gusto kong maging ina ni Dion wala na kayong magagawa doon.
You really pushed my button Gomez." Sambit niya at binitawan ang matanda na hinabol
habol na ang kanyang hininga.

Kita ko ang pagdalo ng babaeng Gomez sa kanyang asawa. Binalingan ko si Rihav na


kinakalma ang kanyang sarili. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Aalis na kami Rihav, pero ito ang tatandaan mo. Hinding hindi kami titigil
hangga't hindi namin makukuha si Dion, amin ang apo namin. Ikaw naman babae ka, ang
landi mo!" sigaw ng babae papalabas.

Akmang tatayo pa si Rihav sa kanyang kinauupuan ng pinigilan ko siya. Tuluyan ng


makalabas ang dalawang matanda ay sumunod si Zoe doon para matignan kung tuluyan ng
nakalabas ng gate.

Hinarap ko naman si Rihav, hindi maipinta ang galit dahil sa kanyang galit.

"Ano ka ba, bakit mo 'yon ginawa? Matanda na 'yon, paano kung hindi na siya
makahinga at bawian ng buhay gamit ang kamay mo?" sunod sunod kung sambit sa kanya.

Umiling siya at kinuha ang mga kamay ko. "Hindi ako makakapayag na tawagin ka nila
ng gano'n dahil hindi naman naging kami ng anak nila. Isa pa wala kang inagaw,
hindi ka mo rin ako nilandi, kaya wala silang karapatan na pagsabihan ka ng gano'n
lalo na nasa pamamahay ko sila."

"Kahit na, sana—"


"Pwede bang huwag ka munang maging mabait kahit na ngayon lang? Ipaglaban mo naman
sarili mo, huwag kang papayag na pagsabihan ka ng ibang tao ng ganyan. Dahil ako
hindi talaga ako papayag, hinding hindi. Kaya please lang, Fay. Tama na, mamaya na
natin silang pag-usapan. Umiinit ang ulo ko, binantaan pa ako ng matandang 'yon.
Akala niya siguro matatakot ako." sabay halik niya sa pisngi ko.

********

Kinakabihan ay parang walang nangyari. Normal ang kilos naming lahat sa loob ng
bahay kahit na may nangyaring kaninang hindi maganda.

Kasalukuyan kaming nasa hapag kasama ng tatlo at sina Zoe at Zav. Walang ganang
bumalik ang dalawa sa Maynila dahil daw namiss nila ang Isla Fera. Tinanong ko nga
sa kanila kung nasaan si Amer, bakit hindi siya sumama sa dalawa. Busy daw ang
bakla at maramng kleyente kaya hindi siya nakasama.

"Tatay, marami kaming kinuhang picture kanina. Magaganda po, gusto ko po talagang
maging model." Basag ni Hera sa katahimikan habang kami ay kumakain.

"I will support you, Hera." Sabi naman ni Rihav sa bata.

Muli kaming kumain at nagsimula ng magkwentuhan sina Hera at ang kambal na Madreal.
Tungkol sa pagmomodelo ang kanilang pinag-uusapan. Wala naman akong balak na
pigilan si Hera sa kanyang gusto pero alam kung mahirap at nakakatakot ang
papasukin niya. Lalo na may media at dudumugin siya ng mga tao kapag nagkataon na
magiging modelo siya.

"Tatay, pwede ba tayong bumalik ng La Azul? Miss ko na kasi mga kalaro ko, gusto ko
rin maligo sa dagat." Si Hacov naman sa kanayang ama.

Huminto si Rihav sa pagkain at pinunasan ang kanyang bibig, "Kailan mo ba gusto


para maayos ko ang trabaho ko."

"Kung kailan po kayo walang trabaho, Tatay."

"Sasabihan kita bukas kung kailan."

Nagpasalamat si Havoc sa kanyang ama at napatingin kaming lahat ng yakapin niya si


Rihav. Agad siyang inasar ni Hera, hindi niiya pinansin ang kapatid at tinuloy ang
pagkain.

******

"Masaya ka ba?" tanong ni Rihav sa akin, ngayon ay nasa kama na kami at naghahanda
ng matulog.

Dalawa lang kami ngayon ang matutulog sa silid na 'to dahil ang tatlo ay doon
natulog sa ginawa daw nilang bahay bahay sa kabilang silid. Nakayakap ako sa kanya
habang ginagawa ko namang unan ang kanyang matigas na braso.

"Oo naman, ikaw?"

"Masayang masaya." Ngumingiti niyang sabi sabay kiliti niya pa sa akin.

Humiyaw ako at sinuway siya na tigilan niya ang pagkiliti sa akin.

Ano magkikilitian na lang tayo dito?

"Rihav, ano ba." Natatawang sabi ko.


Tumigil siya sa pagkikiliti sa akin at niyakap ako, "Huwag mo 'kong iwan...."
Bulong niya.

Umiling ako, "Hindi kita iiwan, huwag mo 'din akong iiwan ha." Pabalik ko.

Dumikit ang kanyang kamay niya sa aking bibig at pinaharap niya ako sa kanya.
Nilapit niya ang kanyang mukha at dahan dahan nilapat ang kanayng labi sa akin.

"Kailangan na nila ng baby sister or baby brother, Fay. Pabigyan na natin." Aniya
at muli akong siniil ng malalim na halik.

Let's be friends:

Facebook: Erithrea Wp

IG: Threyaaaaa

Twitter: 3rithrea

Kabanata 38

Kabanata 38

"Maliligo din naman ako pagkarating ko nang La Azul, Nanay. Bakit pa ako maliligo
dito?" saad ni Hacov, pinipilit ko siyang maligo muna bago kami magtungo sa La
Azul.

Kanina pa reklamo nang reklamo na ayaw niyang maligo dito dahil maliligo din naman
daw siya sa La Azul kapag nakarating kami. Pero iba parin kung presko paalis dahil
masyadong mainit na ang panahon ngayon.

"Kailangan mo parin maligo, Hacov. Sige na." malambing kong ani.

Napabuntong hininga si Hacov at nagtungo na sa itaas para maligo. Ngayong araw na


kami aalis ng La Azul. Tatlong araw narin simula noong nagtungo ang pamilya ni
Dyessie dito sa bahay. Kahapon pumunta din sila dito, natakot ako dahil wala si
Rihav dito sa bahay dahil nasa trabaho siya. Ayaw ko rin silang harapin dahil baka
kung ano pang gagawin nila sa akin at sa mga batang naririto, hindi ko nalang
silang hinarap.

Alam narin naman ni Rihav na nagtungo sila dito dahil sinabi ni Zoe sa kanya.
Palagi din kasing may kung anong pinag-uusapan sin Zoe at Rihav na sila lang ang
nakakaintindi, maging si Zav ay nagtataka din sa kinikilos ng dalawa. Kaya nagulat
ako na pumayag siya na pumunta kaming La Azul kahit na marami siyang ginagawa sa
trabaho niya.

"Ay!" sigaw ko sa sulat ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Si Rihav...

"Are you done?" tumango ako, "How about our kids?"

"Inaasyusan sila ng kambal mong kapatid, si Hacov naman ay inayusan nadin ang
sarili niya," sagot ko. Nagpresenta sina Zoe at Zav na sila na ang mag-aasikaso sa
dalawa dahil masaya daw silang kasama, hinyaan ko na dahil kita ko naman na gusto
din ni Dion at Hera.

Ramdam ko ang pagtango niya. Ang panga niya ay nasa balikat ko habang ang dalawang
kamay naman ay nakapalupot sa aking beywang. Uminit ang aking pisngi ng bumalik sa
aking diwa ang nangyari tatlong araw na ang nakalipas. Hindi ko inakala na muli
kong ibibigay sa kanya ang aking katawan pagkatapos ng lahat ng nangyari. Parang
isinampal sa aking ng katutuhanan na mahal ko pa din siya, na walang nagbago...

Pero bago muna kaming magsaya ng tuluyan, kailangan munang ayusin ang lahat. Iyong
wala ng mga taong gustong sumira pa sa amin. Hindi tuluyan na tatahimik ang aming
buhay kung mayroon pang hadlang sa mga tinatahak namin.

"R-Rihav?" pagtawag ko.

"Hmmm?"

"Bakit nga pala pumunta ang magulang ni Dyessie dito kahapon? Hindi parin ba nila
matanggap?" malumanay kong sabi.

Inikot ako ni Rihav para magkaharap kaming dalawa, dinala niya ako sa sofa para
makapag-usap kami ng mabuti. Para akong matutunaw ng muli kong masilayan ang
kanyang kulay abong mata. Isa sa rason kung bakit parati ko siyang tinitignan noong
unang araw kong pagtungtung sa bahay nila,

Nakakamangha, iyon ang unang magkakataong kong makakita sa personal ng ganoong


kulay na mata. Sa mga pelikula ko lang dati iyon nakikita, ngayon nasa harap ko
lang ang taong may abong mata.

"Kahit anong araw ay muling babalik ang dalawang iyon, pero huwag kang mag-aalala
sa susunod na balik nila dito..." huminto siya at umunat ang kanyang bibig,
bahagyang ngumisi. "Mapipilitan silang permahan ang kasunduan na sa atin na si
Dion, huwag ka ng mag-aalala doon ako na ang bahala, alagaan mo lang kami." Aniya
at hinalikan ang pisngi ko.

Muling naglambing si Rihav sa akin hanggang sa dumating na ang mga bata at sina Zav
at Zoe. Umalis na kami ng mansion at nagtungo sa La Azul. Ingay nina Dion at Hera
ang bumalot sa loob ng sasakyan, may kung ano silang pinag-uusapan na sila lang
dalawa ang nakakaintindi.

Nakarating kami ng La Azul, kita ko ang pagnguwi ni Hacov ng ihinto ni Rihav ang
sasakyan sa resort na pinakaayaw niyang puntahan. Dito daw kami mamamalagi dahil
kaibigan ni Rihav ang may-ari.

Lumabas na kami ng sasakyan, si Hacov parang wala pang balak. Kung hindi siya
binuhat ni Rihav ay ayaw talagang lumabas, hanggang ngayon dinidibdib parin ang mga
nangyari sa kanya sa resort na 'to.

"Pwede naman tayo sa iba, Tatay. Bakit dito pa?" nakanguso niyang sabi.
Tumawa si Rihav kay Hacov, "Bakit wala naman problema dito, isa pa maganda dito
keysa sa ibang resort."

Umiling si Hacov, "Maganda nga dami naman panget na ugali." Inikot pa ang mata.

Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatianod na lang sa hawak ni Zavia papasok sa


loob ng resort. Kahit na namalagi ako dito sa La Azul ng ilang buwan ay hindi pa
ako nakakapasok dito, ni hindi ko nga napuntahan ang ibang distinasiyon dito dahil
trabaho ang palagi kung inatatupag.

Pagkapasok namin ay binati kami ng isang babae, hinarap siya ni Zoe at kinausap.
Napalingon naman ako para makita ang apat sina, Dion, Hera, Hacov at Rihav na
maghawak kamay. Kasiyahan ang bumalot sa puso ko ng masilyan sila.

Ilang minutong pag-uusap ni Zoe sa babae ay pina-upo kami para magsimula ng mag-
almusal. Nilibot ko ang aking mata sa loob nitong pagkainan ng resort, nanliit ang
mata ko ng makita ang isang pamilyar na babae. May kausap siya sa kanyang cellphone
habang kumakain.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at napatingin naman sila sa akin, "Sandali lang may
pupuntahan lang ako."

Tumayo din si Rihav, nagulat ako. "Sasamahan na kita, saan ka pupunta?"

"Huwag na, diyan lang naman ako. Mabilis lang, tanaw niyo naman kung saan ako
pupunta." Sabi ko.

Tumango si Rihav at bumalik sa pagkakaupo. Muli akong nagpaalam at nagtungo sa


lamesa ng babae. Nasa likuran na niya ako ay marahan kong hinawakan ang kanyang
balikat, ramdam ko ang pag-alarma niya at lumingon patingin sa akin.

"Fayre!" nanliki ang kanyang mata, kita ang pagkagulat ng makita ako.

"Farah!" ginaya ko rina ng kanyang boses.

Tumayo siya sa pagkakaupo at nangigigil na niyakap ako. Napatili pa siya habang


ginagawa iyon sa akin. Muli siyang umupo at hinila din ako paupo. Hinahawak niya
ang kamay ko, kita sa kanyang mukha na masaya siya na muli kaming nagkita.

Hindi ko na mabilang kung ilang buwan na o taon simula noong umalis ako sa club.
Wala din akong komikasiyon sa kanya dahil hindi ko alam number niya. Sabik akong
makita muli si Farah, kaisa-isang kaibigan.

"Uy, matagal tagal na din simula noong huli nating pagkikita. Saan ka na nakatira
ngayon, huling balita ko. Umalis ka na sa Club, dinig ko naman kay..." huminto siya
at nag-aalanganan sa susunod na sasabihin, "Fabio na sumama ka daw kay Mr. Madreal,
totoo ba 'yon?" usisa niya.

Hindi ako nagsali at tinuro na lang ang lamesa namin na kung saan naroon sina Rihav
at mga anak namin.

Impit namang napatili si Farah, "So, totoo... Siya din ang daddy ng mga anak mo."

Tipid akong tumango, "Kumusta ka na?" seryoso kong tanong.

Ngumisi si Farah, "Ito maganda pa din, kagaya mo umalis na din ako ng club. Boring
na doon, wala ng mga papi." Biro pa niya. "Isa pa madami ng mean girls sa club na
'yon, sinabihan ako ng bitch. Tapos sinabihan ko ng korbet korbet bigla na lang
akong sinabunutan, kaya umalis na ako masyado silang feeling maganda." Tumawa pa
siya, "Nawalan si Sir Haiden ng maganda at masipag na empleyado." Sabay niyang
inikot ang kanyang mata.

Natatingin lang ako kay Farah habang siya ay busy sa pagkukuwento tungkol sa buhay
simula noong umalis ako. Madaldal parin si Farah at litaw na litaw parin ang
kanyang angking ganda niya.

"Kayo ni Fabio, kumusta na?" tanong ko sa pagitan ng kanyang pagkwento.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, nag-aalinlangan na sagutin ang aking tanong.
"Pwede change topic muna? Gusto ko good vibes lang, huwag na natin isali ang ibang
tao dito." nag-iwas siya ng tingin.

Muli sana akong magtatanong ng biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw
ng lamesa. Tinignan niya ito at sinagot.

"Ha?" huimito siya, "Nandito sila?...okay okay...oo aalis na ako dito." Naalarma na
si Farah, tumataas na ang boses sa pagsagot sa kabilang linya.

Tumayo siya kaya kumunot ang noo ko, "Farah, saan ka pupunta?" tanong ko.

Binuksan niya ang kanyang maliit na wallet at kinuha ang isang card. Binigay niya
sa akin, "Tawagan mo na lang ako, Fay. Kailangan ko ng umalis, sa susunod na lang.
Gustuhin ko man, mamamatay ako kapag nagtagal pa, Fay. Sige na aalis na ako."
hinalikan niya ang aking pisngi at tuluyan ng tumakbo paalis.

Bumuka ang bibig ko at nagulat sa kanyang tinuran.

Mamamatay siya? Paano? Naguguluhan ako.

Talaga ngang madaming nangyari simula noong umalis ako. Sana gabayan siya ng
panginoon, ayaw kong mawalan ulit ng malapit sa buhay. Si Farah lang ang tinuturing
kong tunay na kaibigan.

Muli akong bumalik sa kinauupuan namin, kumakain na ang mga bata at ang kambal na
Madreal pero si Rihav ay wala pang laman ang kanyang plato. Tumabi ako sa kanya,
sinasikaso naman niya ako at nilagyan ng pagkain.

"What's wrong? Something bad happen?" nag-aalala niyang tanong ng hindi ko pa


ginalaw ang aking pagkain.

Nag-aalala ako kay Farah...

"Wala naman, kain na tayo." Sabi ko at nag-aktong walang iniisip.

Ngumiti at tumango naman siya at kumain na.

Gusto kong mag-enjoy ngayon kasama ang pamilya ko pero hindi ko maiwasang isipin si
Farah, sana nasa mabuting kalagayan na siya kung nasaan man siya ngayon. Kailangan
kong alisin ang mga maling pag-iisip para maenjoy ang araw na 'to kasama ang
pamilya ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kamisa silid na inakupa ni Rihav. Dalawang


silid iyon dahil may sariling silid din ang kambal niyang kapatid. Nagsimula ng
magbihis ang lahat para makapagligo na. Sina Dion at Hera ay nakahiga lang sa kama.

"Sasama ka anak?" tanong ni Rihav kay Hera.

"Sasama kami ni Dion pero ayaw kong maligo, Tatay. Natatakot ako baka bigla akong
hilahin sa baba at malunod ako."

"Nandito naman ako, hindi kita hahayaan malunod."

"Ayaw ko, Tatay. Ayaw ko..." umiiling pa si Hera sa ama.

"Oo na, ayaw na ni Hera." Sabi ni Rihav at hinalikan ang kanyang anak.

Tinungo na namin ang dalampasigan. Maliligo na muna kami dito bago kami pupunta sa
bahay ni Nanay Bell, gusto ko rin siyang kumustahin. Malapit lang naman ang bahay
pero ayaw kong iwanan ang pamilya ko dito, pwede naman kaming pumunta doon ng
sabay.

Tinakbo kaagad ni Hacov ang distansya namin at ng dagat. Lumangoy siya at enjoy na
enjoy sa pagliligo. Dinaluhan din siya nina Rihav at kambal niyang ready nadin sa
pagliligo dahil na ka two piece bikinis na.

Ang dala-dala ko namang malong ay ang ginawa naming pantabon sa araw ng dalawang
babae na hindi maliligo. Masayang naliligo ang dalawa habang ang dalawang babae
naman ay nilalaro ang buhangin, may dala silang laruan na pwede nilang
magkaabalahan.

"Talaga bang ayaw mong maligo? Mas masaya doon keysa dito." Si Hera kay Dion habang
hinahakot ang buhangin gamit ang laruan na sandok.

Umiling si Dion, "Ayaw kong maligo, gusto ko kasama kita."

"Paano kung matatagalan pa bago ako makaligo sa dagat."

"E'di hihintay ko kung kailan 'yon, ako naman may kasalanan kung bakit ka natatakot
sa dagat." Malungkot na ani Dion.

"Kalimutan mo na 'yon, Dion. Kapag magaling na ako, samahan mo 'ko maligo ha."
Nakangiti ng bigkas ni Hera.

Tumango si Dion at inayos ang buhok ni Hera na sumasayaw dahil sa hangin. Muli
silang naglaro at muling nagkwentuhan. Magaan sa pakiramdam na ganito na lang
parati ang makikita ko araw-araw na sana masaya ang lahat at wala ng sakitan na
magaganap pa.

Kaunti na lang, kapag natapos na ang lahat doon na tuluyang sasaya ang pamilya
namin. Sa pagkakataon iyon, sama-sama na kami at buo. Wala ng hadlang pa.

Kabanata 39

Kabanata 39

Kinahapunan ay naghanda na kami para puntahan si Nanay Bell sa kanyang bahay, sa


dati naming tinitirhan dito. Wala akong sinabi sa kanya noong umalis ako kaya
nararamdaman kong nag-aalala siya sa amin noong umalis kami dito. Isang mensahe
lang ang ipinadala ko sa kanya noong nasa hospital kami, na nasa maayos na lugar
kami.

Alam kong nag-aalala parin siya sa amin at iyon ang kasalanan ko kung bakit hindi
kaagad ako nagpaalam sa kanya.

"Miss ko na mga kaibigan ko dito, mapupuntahan ko na sila." Dinig kong sabi ni


Hacov habang nagsusuot ng damit.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naglakad na kami papunta doon sa bahay ni Nanay
Bell. Nagpaiwan naman sina Zav at Zoe dahil gusto daw nilang namnamin ang dagat.
Kasama ko ngayon ay mga bata at si Rihav.

Medyo naiilang ako habang naglalakad kami. Ang ibang mga tao ay sumusulyap at
nakatitig sa akin. Iyong iba mga kasamahan ko dati sa pagtitinda sa loob ng
Mercado, iyong iba ang mga may galit pa sa akin. Nanlilisik ang mga mata nila at
tila hindi makapaniwala na may iba akong kasama.

Ang ibang kababaehan naman, makatitig kay Rihav akala mo biglang hahalikan eh. Ito
namang si Rihav parang artista, pangiti-ngiti pa sa mga babaeng makakasubong namin.

Umiling ako at hinayaan na lang sila, tinuloy ko ang aking paglalakad hawak-hawak
si Hacov. Papalapit na kami sa bahay ni Nanay Bell ng insaktong bumukas ang pintuan
nito at lumabas siya. May hawak hawak na bayong.

"Nanay Bell!" sigaw ni Hacov at humiwalay sa akin. Tumakbo siya papunta kay Nanay
Bell at niyakap niya ito sa beywang.

Nanlaki naman ang mata ng matanda at nagulat ng makita kami. Sinalubong naman niya
ang yakap ni Hacov sa kanya. Sunod na tumakbo si Hera at katulad ni Hacov ay
niyakap niya din ang matanda.

Nang tuluyan na akong makalapit ay niyakap ko din siya. Mukhang papunta na siya ng
Mercado para magbantay sa tindahan niya.

"Fayre, pinag-alala niyo ako. Mabuti na lang may pununtang Semon dito at sinabing
nagkita na daw kayo ng asawa mo." Aniya na ikinagat ko ng bibig.

Masasakal ko talagang si Sean, ayus na sana na sinabihan niya si Nanay Bell eh,
pero mali mali pa!

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Nanay Bell. Naglinga-linga naman siya at
napatingin sa aking likuran na kung saan naroon si Rihav kasama si Dion.

Nanliit ang kanyang mga mata at parang may inaalala, "Ay hijo, ikaw ba iyong
pumunta ditong may sugat-sugat? Ikaw ba ang asawa nitong ni Fayre? Ay nako, bakit
mo pinabayaan ang asawa mo dati, muntikaan na siyang mawalan ng buhay. Pasensya na
din sa nagawa ng asawa ko, alam ko naman na kasalanan niya." walang prenong sabi ni
Nanay Bell.

Napakamot ako sa aking noo ng makita ang reaksiyon ni Rihav. Kagat niya ang kanyang
labi at parang natigil ang kanyang munod sa sunod-sunod na tinuran ni Nanay Bell.
Parang ako ang nahiya dahil una sa lahat hindi ako asawa ni Rihav at hindi niya
naman kami pinabayaan, kami mismo iyong umalis para wala ng gulo pa.

"Pasensya na po, may hindi pagkakaunawaan po kami dati. Kasalanan ko naman po kung
bakit sila naghirap dito, salamat sa pagpapatuloy sa kanya at sa mga anak namin."
Magalang na ani Rihav.
"Ay nako! Wala iyon, isa pa may kasalanan din kami sa kanya. Mabuti nga hindi kami
pina-police nito ni Fayre, baka hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag
nagkataon."

"Ayos lang po ako, Nanay Bell." Sabi ko sa kanya. "Ah, Nanay Bell, si Rihav nga po
pala. Rihav si Nanay Bell." pakilala ko, hindi ko pa pala sila napakilala ng maayos
sa isa't isa.

"Rihav Madreal po." Nilahad ni Rihav ang kanyang kamay.

Umuwang ang bibig ng matanda, "Rihav Madreal? Iyong may ari ng Mall sa La Fera?!"
tipid na tumango si Rihav. "Ay jusko Fayre! Bakit hindi mo sinabi na asawa po pala
si Sir Madreal sana dinala ko na kayo sa Mall at hindi ka na nagbinta dito sa
Mercado."

Ito na naman siya, "Hindi po kami mag-asawa—" hindi ko na natapos pa ang aking
sinabi.

"Magpapakasal po kami, kaya po kamu pumunta dito para imbitahan kayo." Pinutol ni
Rihav ang sasabihin ko.

Palihim ko siyang kinurot sa kanyang tagiliran sa kanyang sinabi ngunit hindi niya
ako binigyan ng pansin. Nakatingin parin siya sa matanda na impit pangtumili sa
kanyang sinabi.

"Talaga hijo?! Pupunta talaga kami ng asawa ko!" aniya pa.

"Rihav!" patago kong suway sa kanya ngunit hinalikan lamang niya ang aking noo at
muling ngumiti sa matandang nasa harapan namin.

*****

Isa pang-araw ang ginugol namin sa La Azul bago kami tuluyang umuwi ng La Fera Uno.
Kita ko ang hindi maalis alis na ngiti sa tatlong bata na tumatakbo papasok ng
bahay. Kahit na puro laro at paglalangoy naman si Hacov ay hindi makitang napagod
sila sa pagpunta namin sa La Azul.

Kinabukasan din ay pumasok na si Rihav sa kanyang trabaho. Sina Zav at Zoe naman ay
bumalik na nang Manila dahil mayroon daw silang aasikasuhin. Nakisali na lang ako
sa tatlo sa paglalaro, nilinisan ko din ang bakuran at ang kusina.

Natapos ang paglalaro ng tatlo tumulong sila sa akin para maayos ang isang sulok na
kung saan naroroon ang lahat ng pagkain na para sa kanila. Hindi pa maiwasan ang
pag-uunahan at may inisan pang nagyayari sa pagitan ni Dion at Hacov.

"Can we bake cookies?" si Dion habang naagliligpit kami.

"Oo nga nanay, hindi pa tayo nakagawa ng gano'n, nakita ko sa pinapanood namin na
masarap daw kapag ginawa ng sarili keysa binili sa mga bakery." Pagsang-ayon ni
Hera sa sinabi ni Dion.

"Paano kung pangit kinalabasan? Sayang pera ni Tatay." Si Hacov naman.

"Nagreklamo ba kami noong nagpabili ka ng cellphone? Nag-inarte ka pa nga."


Pangbabara ni Hera sa kapatid.

Ito na naman, nagsisimula na naman silang magbangayan.

Tumahimik si Hacov at parang hindi narinig ang sinabi ni Hera. Ginawa niya lamang
ang nakatoka sa kanyang ginagawa. Naramdaman siguro iyon ni Hera kaya muli niyang
inasar si Hacov. Maging si Dion nakisama na sapag-asar sa kanya.

"Stop, you too are irritating."

"Woah!" sabay ng dalawa at tumakip pa nang kanilang mga bibig, "May pa-english ka
pa Kuya, hindi bagay sayo!" sabay irap ni Hera.

Nag-asaran pa sila at ako naman ay inintindi na ang aking ginagawa. Natatawa ako sa
tuwing napipikon na si Hacov, hindi naman siya makaalis alis dahil nandito kami at
wala siyang kasama kapag umalis siya dito sa amin.

Hinayaan niya ang dalawa na asarin siya hanggang sa pumasok ang isang tauhan ni
Rihav na nagbabantay sa labas.

"Ma'am nandito po sina Mr. and Mrs. Gomez, gusto niya daw po kayong makausap."
Natigil kami sa aming ginawa.

Kita ko ang paghawak ni Hera sa kamay ni Dion.

"Pakisabi, hindi ako lalabas. Si Rihav na lang ang kausapin nila kapag bumalik na."
sabi ko, tumango naman ang guard at lumabas na sa labas.

Muli akong nagpatuloy sa aking ginagawa pero ang dalawang babae kong anak ay
napahinto at tumingin sa akin. Nawala ang kaninang magagandang ngiti sa kanilang
mga labi dahil sa tinuran ng isang guard na nagbabantay sa labas.

Magsasalita na sana akong muli ng bumalik ulit ang guard, "Ma'am, ayaw daw nilang
umalis hangga't hindi ka nila nakakausap." Aniya.

Bumuntong hininga ako. Nagdadalawang isip kong haharapin ba sila o hindi.

Natatakot ako.

Baka kung ano ang mangyari kapag hinaharap ko sila. At, baka mapahamak pa ang mga
bata sa gagawin ko. Tanga tanga pa naman ako sa mga desisyon sa buhay. Ayaw ko na
ulit mangyari na may masaktan pa sa mga anak ko.

Umiling ako, "Pake sabi po na hindi ko sila makakausap si Rihav na lang po ang
hintayin nila. Kung ayaw parin nila, tawagan niyo na lang si Rihav para makaharap
sila." Paliwanag ko sa guard na agad naman niya ikinatango at umalis din.

Sinakop ko ang tatlo, hinayaan muna namin ang mga kalat at dinala ko sila sa
ikawalang palapag ng bahay. Kinuha ko ang ipod na binili ni Rihav para sa kanilang
tatlo at binigay sa kanila.

"Manood muna kayo dito, huwag na huwag kayong lumabas hangga't sa hindi pa ako
nakakabalik." Paalala ko sa kanila.

"Opo nanay." Ani naman ni Hera.

Ginulo ko ang buhok nila isa isa at lumabas na nang silid. Binalikan ko ang aking
ginawa at tinapos na iyon. Inubos ko ang aking oras sa pag-aayos hanggang sa
narinig ko ang pagbukas n gaming pintuan.

Niluwa si Rihav doon na tinatanggal na ang kanyang necktie. Tumayo ako at lumapit
sa kanya. Napapikit ako ng pinatakan niya ng halik ang aking noo at sinalubong ng
yakap.
"Ang aga mo ata ngayon." Komento ko.

Kadalasan nakip-silim na siyang umuuwi pero ngayon tirik na tirik pa ang araw sa
labas ay nandito na siya. Tuluyan na niyang kunin ang kanyang necktie, kinuha ko
naman iyon at hinawakan.

"Where's our children?" sabay linga-linga niya sa aking likuran.

"Nasa taas sila, nanonood." Sagot ko.

Muli niya akong niyakap gamit ang dalawa niyang kamay, "May gagawin ako ngayon na
ikakatutuwa mo." Aniya at hinalikan ang ako sa pisngi.

Kumunot ang noo ko. Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at kinuha ang bag na nasa
sofa. Nilapag niya ang dalang bag sa lamesang babasagin, isa isang kinuha ang mga
papales at sinuri ang mga iyon. Lumapit ako sa kanya at tinignan tignan din ang
kanyang pinagkakaabalan. Kumalabog ang puso ng makita na ang mga papeles ay tungkol
kay Dion.

Akmang magtatanong ako ng tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at
sinagot, hindi na ako nakinig sa kanyang katawagan dahil dumikit ang aking mga mata
sa mga papeles. Kinuha ko ang isa at binasa ang nakalagay.

Nakuha ang atensiyon ko sa pintuan ng bumukas iyon at bumungad sa amin si Mr. at


Mrs. Gomez na magkahawak ang kamay. Ang matandang babae ay kitang kita kagagaling
sa iyak.

"Maupo kayo." Saad ni Rihav sa dalawa.

"Rihav, ibalik mo na ang mga investors namin. Lumulubog na kami sa utang, hindi ka
man lang ba nahiya sa amin? Naging magkasama tayong ipatayo ang kompanya pagtapos
tinraidor mo kami." Wala patumpik tumpik na sambit ni Mrs. Gomez.

Hinarap sila ni Rihav, "I told you two, na mahirap akong kalabanin. I use my powers
kapag napuno ako. Ilang araw pa nga lang lubog na kayo sa utang? Ambilis naman
ata." Ngumisi pa siya.

Ano?!

Ito na ba ang sinasabi niyang gagawin niya para mapasaamin si Dion?!

Ito rin ang rason kung bakit bumalik ang mag-asawang Gomez dito dahil pinalubog
sila ni Rihav?!

Ang lala naman ata...

Dahan-dahan kong kinalabit si Rihav, napatingin naman siya sa akin. Pinanlakihan ko


siya ng mata ngunit hindi siya natinag at muling tumingin sa dalawa.

"Hindi na kami natutuwa sa mga ginagawa mo Rihav."

"Hindi din ako natutuwa sa mga pinangagawa niyo." Bakas sa boses niya ang pagkapuno
sa dalawa. "Ako pa ang pinagbantaan niyo pero kayo ngayon ang sumusugod dito para
ibalik ko sa inyo ang mga investor niyo? Ang galing ah." Sakrasmong saad ni Rihav.

"Hindi kami naglalaro dito, Rihav. Ibalik mo na sa amin alam kong may ginawa ka
kung bakit sila nagsi-alisan sa kompanya namin." Si Mr. Gomez.

Inayos ni Rihav ang kanyang pagkakaupo at kinuha ang isang papeles. Nilagay niya
iyon sa harap ng dalawa. Kinuha nila iyon at binasa.

"Alam niyo naman siguro ang kapalit kung gusto niyo ibalik ko sa inyo ang investor
ng kompanyo 'di ba?"

Kitang kita ko ang galit sa mukha ng babaeng Gomez. Parang gusto na niyang
sunggaban si Rihav pero hindi niya magawa dahil hawak siya sa leeg.

"Just sign this papers, para bumalik na sa inyo ang investors niyo."

Nanlisik ang mata ni Mrs. Gomez, "Ang daya mo maglaro Rihav! Hindi ka marunong
lumaban ng patay. You're so unfair." Hindi siya makapaniwala na naisahan sila ni
Rihav.

"Told you don't mess with me. Utak ang labanan dito, Mrs. Gomez. Sana ginamit niyo
ang sa inyo para hindi kayo maisahan." Kinurot ko ang kamay ni Rihav, parang
sasabog na ang dalawa sa galit.

Nilahad ni Rihav ang isang ballpen sa kanila at parang inaasar talaga ang dalawa na
pirmahan ang mga papel na hinahawakan. Nagtinginan ang dalawa at ilang segundo pa
ay kinuha nila ang ballpen. Isa isa nilang pinermahan ang mga papel.

Naramdaman ko ang pagkuha ni Rihav ng kamay ko. Pinagsakop niya ang kamay namin at
hinalikan ang likuran nito. Tinignan ko siya, sinalubong ng mata ko ang mga
makasalanan niyang kulay abong mata.

"Here, bring back our investors."

"Good, bilis niyong kausap." Niligpit ni Rihav ang mga papeles. "Sa oras na kunin
niyo si Dion, alam niyo kung saan kayo mapupunta. Salamat sa inyong kooperasyon,
babalik na sa inyo ang mga investors niyo. Nawa'y napanatag na kayong dalawa."
tunog sarkasmo parin ang boses ni Rihav, sinabayan niya pa nang kanyang pagngisi.

Hindi na nagsalita ang dalawang matanda at lumabas na nang bahay. Sinalubong naman
sila ng mga nagbabantay sa labas, nang tuluyan ng makalabas ay niligpit na ni Rihav
ang mga papeles. Nakangiti pa siya habang ginagawa iyon.

"Are you happy?" tanong niya matapos maligpit lahat.

"Masaya, pero hindi padin maganda ang ginawa mo sa dalawa."

Kinulong niya ako ng yakap, "Sabi ko nga kanina, utak ang gamitin. That little
trick of mine made Dion happy." Nakangiti niyang sinabi. "We need to celebrate, I
will order food for our mini celebration." Sabay halik niya sa akin. "Bago iyon
puntahan muna natin ang mga anak natin." Bakas ang kasiyahan sa kanyang boses.

Hindi ko mapigilang mapangiti, nahawa ako sa kasiyahan ni Rihav. Hawak-hawak niya


ang beywang ko, sabay namin tiningo ang ikalawang palapag na kung saan naroroon ang
tatlong bata.

*******

Malapit ng matapos.
Kabanata 40

This is the final chapter of Hiding the Billionaire's twins. Thank you for all your
love and support. Thank you for reaching until here. My writing carrier was
unexpected. I have a lot of errors but still you love my stories.

To my Byuls, thank you for inspiring me! I love you...

Next will be the Wakas, Rihav's POV.

Kabanata 40

Nakatingin ako sa salamin, kita ang buo kong katawan. Suot-suot ko ang dress na
binigay ni Rihav sa akin noong isang linggo. Aalis ako ngayon at pupunta ako sa
kompanya ni Rihav, naroon na rin ang tatlong bata nauuna silang pumunta doon kasama
ni Rihav. Excited pa sila kaninang sumama sa trabaho ni Rihav dahil iyon daw ang
kauna-unahang punta nila doon.

Ako na lang ang hinihintay nila dahil ginawan ko sila ng tanghalin. Request nila
ang lahat ng ginawa ko kaya sana magustuhan nila ang niluto ko.

Dadalhin ko lang naman sa kanila ang tanghalin nila at dederetso din ako sa RMall
dahil doon naman kami magkikita ni Farah. Ako pa ang naunang nagsabi sa kanya na
magkikita kami, madami akong gustong malaman tungkol sa kanya noong hindi na kami
nagkita. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niyang sabihin.

Dala ko ang tanghalian ng pamilya ko ay pumasok ako sasakyan. Ayaw ni Rihav na


sumakay ako sa pampublikong sasakayan dahil daw baka may mangyari sa aking masama.
Isa pa hindi ko din kabisado ang La Fera, baka hindi pa ako makauwi kapag ako lang
mag-isa kapag hindi ko siya sinunod.

Nakarating ako sa kompanya ni Rihav, nanibago ako at nahihiya. Ito din ang kauna-
unahang punta ko dito at hindi ko kabisado ang lahat. Linga-linga ako sa paligid,
makikitang sobrang mahal ng mga materyales na ginawa sa gusaling ito.

Ang mga empleyado ay bihis na bihis at ginagampanan talaga ang kanilang trabaho.
Akmang magtatanong na sana ako ng may kumalabit sa aking babae, na pawing empleyado
ni Rihav.

"Mrs. Madreal?" nakuha ng babae ang atensiyon ko.

Lumingon pa ako sa likod para kumpermahin kung ako ba talaga ang tinatawag niya.
Wala namang naroroon kaya lumapit ako sa kanya.

Napakagat ako ng aking bibig, "Hmm, saan po ang opisina ni Rihav?" nahihiya kong
tanong.

"I will guide you, Ma'am." Pormal niyang sabi.


Tumango ako sa kanya at sumunod sa likuran. Sumakay kami sa elevator, nalula ako ng
makita ang pinakasatuktok nitong building ang kanyang pinindot.

Ibig sabihin doon ang opisina ni Rihav?!

Pumikit ako at parang nahilo. Hinawakan ko ang aking bibig, nakaramdam ako na
parang masusuka ako dahil sa hilong nararamdaman ko. Napahawak ako sa metal na
bagay sa gilid, nakapikit ako buong sakay sa elevator hanggang sa tumunog. Dumilat
ako, bumukas naman ang pintuan. Pinauna ako ng babae sa paglabas.

Hawak ko ang aking noo papalabas, nahilo ako doon ah.

Napakataas ng opisina ni Rihav.

Nilahad na sa akin ng babae ang silid ng opisina ni Rihav. Nagpasalamat ako sa


kanya at tuluyan na siyang umalis. Pinihit ko ang seradula at nakita ko silang
apat. Parang nawala ang hilo ko ng makita ang mukha ni Rihav.

Nakaupo sa kandungan niya ang dalawang babaeng na ang isa ay may hawak na lipstick
habang ang isa naman ay may hawak na brush. Si Hacov naman ay nakatuon sa
cellphone.

Napatingin naman sa akin ang lahat ng marinig na bumukas ang pinto. Muli akong
bumaling kay Rihav na nakatali ang buhok sa dalawa at may kulay pink na head band
pa. May kulay pulang lipstick at puno ang mukha ng kolorete.

Natatawa akong pumasok, sinalubong ako ng tatlo at niyakap. Hinalikan ko sila sa


pisngi isa-isa bago ako lumapit kay Rihav. Hinalikan ko din siya sa pisngi nitong
mapupula dahil sa kagagawan ni Dion at Hera.

"Look, Nanay. Tatay is pretty." Proud na sabi ni Dion, nakangisi pa silang dalawa
ni Hera.

Ngayon, tinatawag na niya akong Nanay at Tatay naman kay Rihav. Ayaw na niya daw ng
Daddy at gusto niya na ang Tatay dahil iyon daw ang tawag ng dalawa kay Rihav.

Noong una naiilang pa siyang tawagin akong Nanay, itong kasi si Hacov ay inaasar pa
siya. Pero kinalaunan ay nakasanayan na din niya. Dalawang buwan na niya akong
tinatawag na Nanay kaya ngayon sanay na siya, parang hinahaplos ang puso ko sa
tuwing tinatawag niya akong gano'n.

"Ang ganda nga ni Tatay." Sakay ko sa trip nila nilang dalawa.

Napasimangot naman si Rihav at parang naiirita na sa mga koloreteng nasa mukha


niya. Sinakop ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. Tumayo na ako at tinawag
na ang tatlo para makakain. Hinanda ko ang kanilang paborito sa kanilang harapan.

Kumain sila pagkatapos kong maayos ang kanilang pagkain. Binalikan ko naman si
Rihav, kinuha ko ang wipes sa bag ni Hera.

"Kukunin ko muna ang make-up ni Tatay para makakain siya." paalam ko sa dalawa.

"Okay, nanay." Sagot ni Hera.

Binalingan kong muli si Rihav at dahan-dahan pinalandas ang wipes sa kanyang mukha.
Tawa ako ng tawa habang kinukuha iyon sa mukha niya. Mas lalong kumalat ang pulang
lipstick sa kanyang labi.

"Those two girls. Kailan ko nang lalaking anak, tama na ang babae." Aniya pa habang
pinupunasan ko siya, tumawa lang ako sa mga pinagsasabi niya.

Pinalupot niya ang kanyang kamay sa akin at mas lalong dinikit ako sa kanya,
pinatakan niya ng halik ang tungkil ng aking ilong. Hinampas ko naman siya dahil
nandito lang ang tatlo at baka kung anong isipin ng mga bata.

"Sanay na silang maglambingan tayo, nakikisali pa nga." Inirapan ko siya sa kanyang


sinabi.

Tinuloy ko ang pagkuha hanggang sa natapos at sumunod siya sa pagkain sa tatlo na


hanggang ngayon ay hindi pa tapos sa pagkain. Nang masaluhan sila ni Rihav sa
pagkain ay doon na ako nagpaalam para mapuntahan si Farah. Muli ko silang hinalikan
isa-isa.

"Don't forget to text me, Angel. I love you!" pahabol pa ni Rihav ng nasa pintuan
na ako.

"I love you, Nanay!" sabay ng tatlo.

Ngumiti ako, "Mahal ko din kayo!" saad ko bago sinirado ang pinto.

Dala ko ang isang wallet at cellphone papalayo sa silid. Muli akong sumakay ng
elevator, naramdaman ko ulit ang kanina kong naramdaman pero sa pagkakataong ito ay
parang may kung ano akong naramdaman sa aking tiyan.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay kaagad kong hinanap ang cr, mabuti na lang
ay may mga sign na nakalagay. Tinakbo ko papuntang cr at pumasok sa isang bakanteng
cubicle. Doon ako sumuka ng sumuka hanggang sa wala na akong mailabas.

Inayos ko ang aking sarili at winala ang nangyari dahil baka hindi lang ako sanay
sa pagsakay ng elevator. Lumabas na ako ng building sinalubong ako ng tauhan ni
Rihav, pumasok ako sa loob ng sasakyan at tinahak ang papuntang RMall.

"Akala ko bukas ka pa dadating." Bungad ni Farah ng makarating ako.

Umupo ako sa harap niya. Napagdesisyunan namin na kumain na muna dahil iyon din ang
gusto niya at gutom din ako hindi ako nakakain kanina paalis ng bahay.

"Bongga mo girl, may tagabantay ka pa. Para kang anak ng presidente dahil diyan."

Hindi ko na siya pinansin at tiningnan na lang ang menu. Isang putahe lang ang
inorder ko, ang ibang pagkain kasi parang feeling ko hindi ko kayang kainin. Si
Farah naman turo ng turo sa gusto niya.

Matapos kaming nag-order ay nagsimula na kaming magkwentuhan.

"Pagkaalis ko ng Club Highden, umalis ka din?" tanong ko.

Umiling siya, "Hindi naman, nagtagal pa ako ng dalawang buwan bago umalis.
Nagkanda-leche-leche kasi buhay ko." kita ko ang pagkagat niya ng kanyang labi.

"Ayos ka lang ba talaga?"

Nag-aalala ako sa kanya. Kahit na hindi gaanong katagal ang pagsasama namin ni
Farah itinuring ko siyang tunay kong kaibigan. Hindi niya ako pinabayaan sa Club
highden dati.

"Oks na oks ako, don't worry." Pilit siyang ngumiti.


"Kayo ni Fabio?" kuryoso kong tanong.

Napapansin ko kasi dati noong nasa club pa ako. Kahit na init ang pinagsasaluhan
nila alam kong higit pa doon ang nararamdaman ni Farah. Ramdam ko sa bawat tingin
niya kay Fabio, ramdam kong iba 'yon. Ibang iba sa mga babaeng mga kasamahan niya
kapag may kasamang ibang lalaki.

Siya din ang parating gusto ni Fabio, walang ibang pinipili kung hindi ay siya.

Umingos siya at parang ayaw akong sagutin, "Pwedeng change topic? Huwag na natin
siyang pag-usapan? Masakit pa eh, sariwa pa sa heart ko. Kapag nakamove on na ako,
cheka ko kaagad sa 'yo."

Hindi ko na siya pinilit na sagutin ang tanong ko. Tamang tama ding dumating ang
order namin. Isa isang nilabag ng babaeng waitress ang lahat ng pagkain ngunit
hindi niya pa nailapag lahat ng pagkain ay may nalanghap akong hindi kinaya ng
aking sikmura.

Tumayo ako sa pagkakaupo at tinungo ang cr ng restaurant. Muli akong nagsuka. Wala
naman akong kinain, hindi din masama ang pakiramdam ko.

Kasalanan talaga 'to ng elevator!

Bumalik ako ng inuupuan namin. Kita ko kaagad ang makahulugang tingin ni Farah bago
siya tumuwa ng tumawa.

"Girl, PT PT din pag may time. Simula noong mga nakaraang araw ko pa 'yan
nararamdaman, habang nagvivideo call tayo palagi kang nasusuka. Iba talaga sperm ni
Rihav, makamandag." Asar pa niya.

Umiling ako, "Hindi baka nanibago lang ako sa elevator kanina." Depensa ko.

"Chaka, maging sa bahay niyo may elevator? Nako, Fayre huwag mo nang ipagtaggol ang
sarili mo. Kulong ka na kay Rihav at alam kong araw-araw."

Tumayo ako at nilagyan ng puto ang kanyang bibig. Napakabastos!

Itong bibig ni Farah walang preno-preno paano kapag may nakarinig sa mga sinasabi
niya!

Isa pa hindi naman araw-araw...

Possible din na nagdadalang tao ako, hindi pa ako nadadatnan. Dapat ngayong araw
nga mismo ako dadatnan pero wala...

Nagsimula na kaming kumain. Ang pagkain na ayaw kong malanghap ay pinalitan ni


Farah. Kuda siya nang kuda habang kumain kami, pinipilit niya din akong
magpregnancy test.

Natapos kami sa pagkain ay lumabas kami ng restaurant hawak-hawak niya ang kamay
ko. Dinala niya ako sa botika at siya na mismoa ng bumili ng pregnancy test.
Nagulat ako ng bumalik siya, tatlong pregnancy test ang binili at iba ibang brand
ang mga iyon.

"Sigurista ako kahit may tiwala ako sa sperm ni Rihav." Hinigit niya ako at dinala
sa cr ng mall.

Marahan pa akong tinulak papasok sa cubicle, "Ninang ako." dinig ko pangsabi niya.
Umiling iling ako sa pinanggagawa sa akin ni Farah. Nilabas ko ang lahat ng
pregnancy test, umupo ako sa inidoro at sinubukang umiihi ngunit nakailang minuto
na ako ay wala pa ding lumalabas.

Lumabas ako ng cubicle at sinalubong ako ni Farah, "Ano?! Positive lahat?!" excited
niyang sabi.

Sumimangot ako, "Hindi ako makaihi."

Nadismaya siya, "Ano ba 'yan, akala ko tapos na. Sige tutulungan kita." Muli niya
akong tinulak papasok.

Muli akong umupo sa inidoro. "Ssssssssssssssss..." pinigilan ko ang aking tawa sa


ginawa ni Farah.

Ginawa niya akong bata na nahihirapan sa pag-ihi!

Mukhang effective naman ang ginawa niya at ilang segundo ay nagtagumpay din. Isa-
isa kong pinatakan ang lahat ng pregnancy test. Hindi ko muna iyon tinignan, inayos
ko ang aking sarili at lumabas dala-dala iyon.

Ipinakita ko kay Farah ang tatlong pregnance test, nanlaki ang mata niya at tumili.
Mabuti na lang at dalawa lang kami ang tao dito. Tumalon siya at niyakap ako.

"OMG! I believed in Rihav' sperm supremacy!" aniya pa at muling tumili.

Tinignan ko din ang tatlong pregnancy test, lahat ng iyon ay may dalawang guhit na
ibig sabihin ay buntis ako.

"Congrats girl," naiiyak na niyakap akong muli ni Farah.

***

Natapos ang araw ko kasama si Farah. Mas naging masaya kaming dalawa dahil mas
excited pa siya sa akin na bumili ng damit ng bata. Turo siya ng turo na iyon daw
ang bibilhin ko. Ako naman ay tango nang tango sa kanyang mga sinabi.

Ngayon pauwi na ako ng bahay. Papalubog na ang araw, sina Rihav ay naroon na sa
bahay. Excited akong sabihin sa lahat na muling madadagdagan ang aming pamilya.
Kumalabog ang puso ko sa magiging reaksiyon nila kapag nalaman ang balitang iyon.

Papalapit na kami sa gate ng makita ko ang isang babaeng nakatayo doon. Habang
papalapit ang kotse ay mas lalo kong naaninag ang kanyang mukha. Kita ko ang
paghabol niya ng kanyang hininga at nag-iiba na ang kulay ng kanyang bibig.

"Manong, pakihinto po ng sasakyan." Sabi ko sa driver.

Inihinto naman ng driver ang sasakyan at dali-dali akong lumabas doon. Akmang
matutumba na ang matandang babae at mabuti na lamang ay nasalo ko siya. Namumutla
na ang mga labi nito at basa basa ng pawis ang kanyang katawan.

"Senyora, anong nararamdaman niyo?" nag-aalala kong tanong.

Napahawak siya sa kanyang dibdib, "N-Nahihirapan akong...humininga..." nanghihina


na siya.

Bigla akong natakot sa kalagayan ni Senyora. Tinawag ko ang dalawang lalaking


nagbabantay ng gate. Humingi ako ng tulong sa kanila, hindi ko kayang buhatin si
Senyora. Hindi ko siya kaya, inaalala ko din na may laman ang sinapupunan ko.
Hindi sumagot ang dalawang tauhan ni Rihav sa akin. Parang wala silang balak na
tulungan ako. nahihirapan na si Senyora at parang wala silang pakealam. Nakatitig
lang sila sa akin.

"Tulungan niyo ko!" sigaw ko sa kanila.

"Ang sabi ni Sir Rihav—" pinutol ko ang sasabihin niya.

Wala akong pake sa sinabi ni Rihav!

"Kapag hindi niyo ako tinulungan ngayon isusumbong ko kayo kay Rihav na pinabayaan
niyo ako." Banta ko sa kanila, mabuti akong tao pero ngayon buhay na ni Senyora ang
nakataya. At, nanay siya ni Rihav.

Nataranta ang dalawa sa sinabi ko. Lumapit silang dalawa sa akin at binuhat ng isa
si Senyora. Dinala siya sa loob ng kotse, sinabihan ko ang driver na deretso muna
kaming hospital para matignan ang matanda.

"Kanina pa po ba kayo sa labas?" tanong ko, sinagot niya naman ako ng isang tango.
Nakikita kong nahihirapan na siya. "Pakibilisan po, manong." Pakiusap ko sa driver.

Nang makarating kami ng hospital ay kaagad naman siyang inasikaso dahil kilala ang
kanilang pamilya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa kay Senyora bago siya
ipinasok sa isang pribadong silid. Naiwan ako sa labas at pinagsabihan ang mga
tauhan ni Rihav na ipaalam sa kanya na nasa hospitan ako ngayon.

Ayaw kong ako mismo ang magsasabi sa kanya baka mag-away pa kaming dalawa. Muli
kong sinuway ang utos niya—ang kaisa-isahang utos niya.

Tinignan ko ang loob ng silid ni Senyora. Kinakausap na siya ngayon ng kilala


niyang doktor at mukhang maayos na ang pakiramdam niya. Alarma akong umalis sa
pintuan ng lalabas na ang doktor.

"Pasok daw po kayo sabi ni Mrs. Madreal." Ani Doktor.

Kinakabahan na pumasok ako silid ni Senyora. Ngayon ang unang pagkakataon na hindi
nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin. Naluluha ang mga iyon at puno ng
pagsisisi. Inilahad niya sa akin ang upuan sa gilid ng kama niya at umupo naman ako
doon.

"Maraming salamat sa tulong mo, Fayre. Kung hindi mo ako dinala kaagad sa hospital
baka nabawian na ako ng buhay..." huminto siya sa pagsasalita at may tumulong luha
sa kanyang mata. "Ilang beses kitang sinaktan at maraming beses akong ginawang mali
sayo pero tinulungan mo parin ako..."

Ayaw kong maramdaman ni Rihav ang naramdaman ko noong nawala si Nanay. Pakiramdam
ko nawalan ako ng isang lakas ng nawala siya, sinundan pa ni Tatay kaya mas lalo
akong nasaktan. At, ang nag-iisa kong kapatid. Hindi ko matanggap ang nangyari sa
kanila.

Hindi ko naibigay ang mga ipinangako ko...

"Hindi naman po ako nagtanim ng galit sa inyo, Senyora."

"Pasensya na sa lahat ng nagawa at nasabi ko sayo, Fayre." Kinuha niya ang kamay ko
at hinawakan, "Alagaan mo anak ko, alagaan mo si Rihav." Umiiyak na sabi niya.

Ngumiti ako at tumango, "Makakaasa po kayo, Senyora." Buong puso kong sabi.
Nanalagi muna ako sa silid ni Senyora at inasikaso siya habang hinihintay namin ang
pagdating ng mga kasambahay na ipinatawag niya. Hindi ko ma-contact ang kambal
niyang anak, madami siguro silang inaasikaso, nakakasigurado din ako na dadating
din si Rihav ano mang oras.

Pumasok ang isang nurse at may kung anong tinurok kay Senyora. May pinaalala ang
nurse at si Senyora na mismo ang kumausap dahil wala akong alam tungkol sa sakit
niya. Pagkalabas ng nurse, iyon naman ang pagpasok ni Rihav. Agad niya akong
pinatayo at dinala sa kanyang likuran.

"Diba sabi ko, huwag na huwag ka nang pumunta sa bahay?" aniya sa ina.

"Rihav, masama ang pakiramdam niya." awat ko, baka mas lalong madagdagan ang sakit
ni Senyora.

"Gusto ko lang naman humingi ng tawad sa mga nagawa ko, Anak...Aalis na ako, hindi
na ako babalik dito kung ayaw mo.... Gusto ko lang talaga kayo makausap. Ngayon, na
nakapag-usap na kami ni Fayre. Pwede na kayong umuwi..." Nahihirapan pa ang
matanda.

"Anong ginawa mo sa kanya?" matigas na saad ni Rihav.

Muli ko siyang inawat, "Wala siyang ginawa sa akin, dinala ko siya ng hospital
dahil nahihirapan na siyang huminga at namumutla na ang nanay mo Rihav. Ang nanay
mo." Pinagdiinan ko talaga ang mga huling salita para gumising siya na sinasaktan
niya ang kanyang ina.

"Ayos lang, Fayre." Huminto ang matanda at tinignan ang anak, "Alagaan mo ang
pamilya mo, Rihav. Pakisabi na din sa dalawa kong...apo...humihingi ako ng tawad sa
kanila..."

Hindi nagsalita si Rihav kaya ako na ang sumagot kay Senyora, "Asahan niyong
sasabihin ko iyon, Senyora."

"Be a good father and husband, my son. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sayo at
sa pamilya mo." Senserong ani Senyora.

Hindi sumagot si Rihav sa tinuran ng ina. Hinigit na niya ako papalabas ng silid.
Nang makalabas kami doon ko nakita siyang umiyak, parang pinipigilan niya ang
kaninang emosiyon niya.

"Patawarin mo na siya Rihav para matapos na ang lahat. Magiging masaya na tayo,
tanggap na niya tayo." Sabi ko habang niyayakap siya.

Niyakap niya din ako pabalik at unti unting tumango. Napangiti ako, alam ko namang
hindi niya din kayang magtanim ng sama ng loob sa kanyang ina. Iyon lang ang
reaksiyon niya kanina dahil inaasahan niyang may gagawing masama si Senyora sa
akin.

"Tahan na Rihav, malulungkot din si Baby kapag umiiyak si Tatay." Malambing kong
sambit.

Natigil siya at humiwalay ng pagkakayakap sa akin. Kinuha ko ang tatlong pregnancy


test sa hawak kong paper bag at pinakita sa kanya. Mas lalo siyang naiyak ng makita
iyon, hindi ko inasahan ang kanyang reaksiyon kaya maging ako napaiyak na din.

"May kakampi na ako." umiiyak niyang sabi at muli niya akong niyakap.
"Ipagdasal mo na sana lalaki siya." natatawa kong sabi habang may tumutulong luha
sa mata ko.

Sa lahat ng pinagdaan kong sakit may kapalit din pala itong saya.

Nawalan man ako ng lakas dahil sa pagkawala ng mga taong pinakamamahal ko, binigyan
naman ulit ako ng panginoon ng panibagong lakas at iyon ang sarili kong pamilya—
kasama ang lalaking pinakamamahal ko, si Rihav...

Maraming pagsubok ang aming hinarap. Maraming hadlang ang pumagitna. Pero hindi
nito kayang wasakin ang aming pagmamahalan.

"Mahal kita Rihav, mahal kita." Buong puso kong sabi.

"Mas mahal kita, mahal ko kayo. May this family filled with love and happiness,
stay with me forever, my Angel." Aniya at siniil ako ng halik.

WAKAS 1

WAKAS 1

"Damn, I'm so tired." I moaned when I entered my room.

I'm so tired, kagagaling ko lang sa isang business trip. This is my very first time
that I am very exhausted in a trip. Not just my body but my whole system. Now, I'm
planning to take a break, a week or a month vacation. Masyado na akong nalunod ng
pagtatrabaho.

Kinalas ko ang aking neck tie at hinubad ang lahat na nakatakip sa katawan ko bago
tinungo ang comfort room ng aking silid para makaligo. When I entered business
world, I promise myself not to be stressed. Nakakabawas ng kagwapuhan, pero ngayon
parang gusto kong magmura nang magmura sa dami ng mga gagawin ko.

I took a bath and changed my clothes into a pajamas. I snatched the box of
cigarette on my bag and walk towards my balcony. My wet dance because of the wild
wind. I sat on the chair and watch the relaxing view of sunset.

Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at pinalandasan ng amoy. Nakailang buga ako
ng usok ng marinig ko ang sunod sunod na tunog ng sasakyan mula sa labas ng bahay.
Tumayo ako sa aking kinauupuan para sana ay pagsabihan ang mga kasambahay na
pagbuksan kung sino man ang naglilikha ng tunog na 'yon.

They fucking ruined my beautiful mood!

Kita ko ang pagtakbo ng isang kasambahay papuntang gate at binuksan iyon. May kung
sino siyang kinausap hanggang sa pumasok ang isang babae. She was smiling while
holding her old bag. Wearing a plain gray dress and a pair of doll shoes. She looks
good though...

Papalapit na siya ng bahay ng sinalubong siya ni Mommy. She smiled again and
greeted my mom. May kung anong sigurong sinabi si Mommy kaya napatingin siya sa
gawi ko. I maintained my serious face, I felt a little bit of pain when her smile
gone.

Bakit hindi niya ako nginitian?

Ako na mismo ang pumutol ng tingin at bumalik sa aking kinauupuan. I spent my time
with smoking.

Sunod sunod na katok ang aking narinig kinagabihan. Tumayo ako para mabuksan kung
sino man ang kumakatok. I opened the door and my jaw dropped when I saw the girl a
while ago.

"S-Sir, kakain n-na d-daw kayo." Aniya habang nakayuko.

"Face me," I sounded like a strict boss, hindi naman ako nadismaya dahil hinarap
niya ako. Kita ko ang nanginginig niyang labi, maging ang kamay ay gano'n din.
"Tell them, susunod ako." mahinahon kong sabi. Mukhang natatakot siya sa akin.

"Sige—"

"Face me every time you talk to me."

That time I didn't knew I fall for a girl very hard. The first time I saw her, it
feels like someone opened the heaven for me especially when she smile. I felt my
heart melted.

My one week vacation became three months para mas lalo ko siyang makilala. Noong
una ay hindi niya ako kinakausap, hindi siya pala kaibigan sa ibang kasambahay, at
hindi siya mahilig magsalita. Pwera na lang kung si Mommy ang kausap niya.

I can feel na natatakot talaga siya sa akin. Hindi naman ako nakakatakot dahil
iniba ko na talaga ang mukha ko para hindi niya ako katakutan. Kahit ang kambal
kong kapatid ay nanibago sa akin dahil hindi daw ako mukhang galit.

Mga sumunod na linggo sa bahay, nalaman kong magkakaibigan na ang kambal at si


Fayre Aphrodite. Doon ko din nalaman sa kambal ang buo niyang pangalan. She deserve
her name, from Fayre who sounded like a Queen and an Aphrodite from the greek
methology means Beauty.

Bagay talaga kami, a Rihav like King and a Fayre like a Queen.

Sounds chessy. Pagtatawanan talaga ako ng kakambal kong kapatid kapag nalaman nila
na may gusto ako sa isang kasambahay namin. Maging ako hindi din ako makapaniwala.
I fell from other girls and do girlfriends but I never felt the love at first
sight.

Fayre Aphrodite made me felt that. Kahit kakakita at kakakilala ko pa lang sa kanya
gusto ko na agad na mapalapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko
talaga siyang makilala ng lubos.

I'm on my way to pool area where she usually clean at night. Simula ng araw na
dumating siya sa bahay kinakabisado ko na mga gawain niya. Kahit alam ko na hindi
ko naman siya tinatakot, I'm not that scary stalker.

Nang makita niya ako ay kaagad siyang yumuko, pinagpatuloy niya ang kanyang ginawa
nang hindi na muli akong tinapunan ng tingin.

Ano ba ang kailangan kong gawin para pansinin niya? I tried everything!

"Am I scaring you?" I asked her, para ako ang kinakabahan baka hindi niya ako
sagutin.

Umiling siya, "H-Hindi naman, S-Sir." Mahinang boses niyang sagot.

Lumapit ako sa kanya at kita ko ang pagpikit niya ng kanyang kamay sa kanyang
ilong. Naalarma ako at kaagad kong inamoy ang aking katawan. Hindi naman ako mabaho
at parati din naliligo.

"Why are you covering your nose?" muli kong tanong.

Siya naman ngayon ang naalarmang kunin ang kamay sa ilong at pinapatuloy ang
kanyang ginagawa. I waited for her respond but she didn't answer my question. I
asked her again and this time she answer.

"Ahmm..." nahihiyang hinarap niya ko, mukhang natututo na siyang harapin ako sa
tuwing kakausapin niya ako. "K-Kasi...ayaw ko ng amoy nang...sigarilyo..." nag-
aalangan niyang sabi.

"You don't want me to use cigarette?"

Sunod sunod siyang umiling, "Hindi. Hindi po Sir. Kung gusto niyo po ay ayos lang
basta huwag na lang po...kayong lumapit sa akin..." I saw her bite her lips.

She fucking kidding me?!

Gusto ko nga siyang makilala tapos ayaw niya akong papalapit sa kanya?! No. no.

I can adjust. Simula nang gabing pag-uusap na iyon ay tinigil ko ang paninigarilyo.
Pinilit ko ang aking sarili na sanayin na walang iyong. Ang dating kinaadikan kong
paninigarilyo napalitan naman ng bago kong kinaadikan tuwing gabi naming pag-uusap.

Naiisip ko na iyon talaga ang dahilan kung bakit ayaw niyang lumapit sa akin. She
doesn't want me to use that, so I stop. Naging malapit kami ni Fayre, ang tatlong
buwang leave nagtagal pa nang dalawang buwan. Mabuti na lang talaga at nagsisimula
na ding pumasok sa business si Zoe.

Our format was like, courted, busted, courted, busted. I courted her again and
again. I didn't stop, no one can stop me anyways. Palagi niyang sinasabi sa akin na
hindi kami pwede. Palagi niyang pinapasok sa usapan namin na mahirap lang siya,
hindi siya kakasya sa buhay ko. She's just a maid and I'm her boss.

"Hindi tayo pwede, ayaw kong masira ang reputasiyong iniingatan mo, Rihav. Hindi mo
ba naiisip na pagkasira mo ang magiging bunga kapag pumasok tayo sa isang
relasiyon?" aniya, isang gabi. Muli kaming nag-usap tungkol sa panliligaw ko.

She didn't know what I felt every time I heard that from her. It was all pain...

She has a lot of insecurities from herself. She doubting my feelings for her.

"Naiisip ko din kung ano ang kakalabasan kapag naging tayo, Fayre. Ano naman kung
bumagsak o masisira ang reputasiyon ko?" gusto kong patunayan sa kanya na gusto ko
siya.

Na hindi ito isang pagkukunwari o laro. Nahihirapan na akong maabot siya, parang
siya iyong mataas sa amin at hindi ako.

"Rihav naman..." she was frustrated.

"Alam ko na ang kakalabasan, Fay. Wala akong pake kung ano man ang mangyari basta
kasama kita. I know, hindi ka naniniwala sa akin. Alam ko din na bago lang tayo
nagkakakilala pero hindi kita tatantanan hangga't hindi ka mapapasaakin."

Napatayo ako sa aking kinauupuan ng makita ko siyang umiyak. Kaagad ko siyang


nilapitan at hindi na ako nagdalawang isip pangyakapin siya. She cried on my chest
and it feels so good. Mahigpit ko siyang niyakap at pinapatahan sa pagiiyak.

Kasalanan ko, naguguluhan siya at natatakot pero pinipilit ko parin ang gusto ko.

Naging madalas ang pag-uusap at pagkikita namin ni Fayre tuwing gabi. Kahit na may
pasok ako kinabuksaan ay matiyaga ko siyang hinihintay sa pool area para makita
siya araw araw. Nasa isang bahay kami pero tinutupad ko ang pangako ko sa kanya, na
bawal naming ipakita o iparamdam sa iba na may relasiyon kaming dalawa.

Yes, she finally welcomed me to enter her life. She said yes to my courtship,
finally.

Grabe ang sayang naramdaman ko nang sinagot niya ako. I never courted any girls
back in my teenage years up until now, kaya pursigido talaga akong makuha ang oo
niya. Palagi naming tambayan ang isang beach resort na malapit lang dito sa
mansion. Madalas gabi na kaming lumabas dahil iyon lang ang pwede siya, ayaw kong
baliin ang pinangako ko.

"One picture lang please." I pouted as I asked her to take a photo.

Palagi niya ako tinatanggihan, kapag walang sabi naman ay nakikita niya din at
tinatakpan ang camera ng cellphone ko. Muli kong tinutok ang camera ko sa kanya,
sunod sunod ang kuha ko ng litrato habang siya ay tumatawa dahil sa pagpapatawa ko.
I love her!

I grabbed her waist and place her in front of me. I hugged her from her back and
planted a kissed on the back of her head. Sinukop niya ang mahaba niyang buhok at
nilagay sa kanyang harapan. Muli kong kinuha ang aking cellphone at kinuhanan siya
ng larawan habang nasa harap siya ng magandang buwan.

"You and the moon looks beautiful, perfect combination." I whispered on her ears.

I can't see her reaction because I'm at her back. I continued hugging her, this is
my favorite place. My new addicting hobbit, hugging her.

"I love you."

I stiffened and my eyes immediately opened because of what she said. Kaagad ko
siyang hirap at muling pinaulit sa kanya ang kanyang sinabi. Ako ang palaging
nauunang magsabi sa kanya ng tatlong katagang iyon. She replied naman pero
nagugulat parin ako sa tuwing siya ang mauunang magsabi sa akin ng gano'n.

"I love you nga." Aniya at tinakpan ang kanyang mukha.

Kumalabog ang puso ko at muli ko siyang niyakap. Pinatakan ko ng halik ang kanyang
labi, "Mahal din kita."

*****
Hindi ko inakala na magtatagal ang relation namin ni Fayre, we celebrated our first
anniversary. Mayroon kaming hindi pagkakaunawaan, nag-aaway kami at alam kong
normal lang iyon sa isang relation. But this past few weeks, napapdalas na ang
pagtatalo namin.

She didn't follow my rules. Lahat ng mga sinasabi ko parang wala lang sa kanya at
palagi ko ding napapansin na parang may kung anong gumagambala sa isipan niya.
Hanggang sa natagpuan ko siyang may kinakausap sa labas ng bahay namin na lalaki.
Mas lalong kumulo ang dugo ko ng makita ko silang nagyakapan sa harapan ko.

Hindi na ako nakatiis at nilabas ko sila. Mabilis na humiwalay ang pagyayakapan


nila, matalim kong tinitigan ang lalaki na binabangga din ang tingin ko.

"Who is he?" I asked Fayre without breaking sight with this man.

"Ah, kababata ko si Amer. Amer si Sir Rihav." Pakilala niya sa amin ng lalaki.

My jaw clenched, so now she didn't mention me as her boyfriend in front of this
boy.

Akmang magsasalita na ang lalaking nagngangalang Amer pero hindi niya natuloy dahil
hinigit ko papasok ng bahay si Fayre. Kahit na nag-aaway kami at nagsisigawan kami
mahinhin parin ang boses niya. Parang hindi siya nagagalit pero ang masakit naman
ay hindi ka niya papansinin at kaya niya iyong tiisin kahit matagal pa.

We argued again and again. Lumalala pa ang pag-aaway namin dahil sa mga sumbong ng
ibang kasambahay sa akin. Maging si Mommy ay nakikitang muling nagsasama ang
dalawa. Ang mas masaklap pa ay umuwi na siya kinagabihan dahil sumama siya sa Amer
na 'yon.

"I told you son, she is a bitch. Pinipirahan ka lang niyang babaeng 'yan, Huwag
kang uto-uto Rihav, may pinag-aralan ka, siya wala." My mom said, she visit me
inside my office because the man visited Fayre again in our own mansion.

Hindi ba sila nahihiya? Sa mismong bahay pa talaga namin?!

I think my mom was correct, pinipirahan lang ako ng babaeng iyon at ginagamit. Ako
talaga ang ginagalit niya, hindi niya alam kung paano ako magalit.

Niligpit ko ang aking mga gamit para makauwi na din ng biglang bumukas ang pintuan.
Pumasok si Dyessie, isang kaibigan ko simula noong college kami. Nagulat ako ng
bigla niya akong niyakap at nagsimula na siyang umiyak nang umiyak.

"What happened Dyessie?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

She was sobbing. I grabbed the chain at inalalayan siya paupo doon. Iniwan ko siya
saglit para kuhanan siya ng tubig. Uminom naman siya at hindi matigil tigil ang
pag-iyak.

"Buntis ako, Rihav." She fired, my eyes widen. "Buntis ako..."

Naguguluhan ako, matagal-tagal na rin noong nagkita kami ni Dyessie. She inherit
her parents company pero ni isang achievement niya ay wala akong narinig mula sa
pamilya niya. Wala akong alam kung ano ang nangyayari sa kanya.

"W-who's the father?" nagugulahan kong tanong.

"My first love. Rihav help me, pinapatay nila si Daniel. Wala na siya, wala ng ama
ang anak namin. Hindi alam nina Daddy ang dinadala ko, wala silang alam. Rihav
tulungan mo ako, tulungan mo ako..." humikbi sambat ni Dyessie.

Paano ko siya matutulungan? May girlfriend ako, I don't cheat...

I didn't utter any words, I just hugged her so that she felt comfortable. I won't
judge her, I knew how much she love Daniel. Since college, they hide their
relationship. Hindi tanggap ng pamilya ni Dyessie na isang simpleng tao lang ang
mapapangasawa nito, kailangan ay makapangyarihan din kayaga nila.

Hinatid ko siya sa bahay ng kaibigan niya, ayaw niyang umuwi baka daw may kung ano
ring mangyari sa kanya lalo na't may dinadala siyang bata. I'm on my way home when
my phone rang, I answered the call and it was my mom.

"She's with the man again, they are kissing. I'm just hiding, but I can see they
have a relationship. May kung anong inabot na sobre din si Fayre sa lalaki. Anak,
she is cheating on you. She is just using you, that girl is whore, a bit—"

I ended the call. Mas lalo kong pinatakbo ang aking sasakyan hanggang sa makaabot
ako sa loob ng bahay. Hinanap ko agad siya at nasa loob siya ng silid ko,
naglilinis na. Parang napuno ang galit ko sa kanya.

That time I made the biggest mistake that I made to her. Doon ko binuhos lahat ng
galit ko sa kanya. I wanted to hurt her, gusto kong iparamdam sa kanya ang sakit na
naramdaman ko. She is a cheater, a whore and a bitch.

I wanted to hurt myself more dahil nagpadalos-dalos ako sa aking disisyon. I helped
Dyessie's problem, I face her parents. Tinanggap ko ang alok nilang ipakasal kami
dahil magkakaanak na daw kami. Nakokonsensiya din ako kapag hindi ko natulungan si
Dyessie, mapapahamak ang bata. And, I don't want that day will happened. That baby
is innocent.

Helping Dyessie while hurting my girlfriend. I didn't knew, that was the last time
I saw my Angel's face.

WAKAS 2

WAKAS 2

I hurt Fayre but I still fucking love her. Hinahanap hanap ko pa din siya kahit na
alam kong iniwan na niya ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Binuhos ko na lang ang
oras ko kay Dion. How I wish that Dion was our baby. Na sana may sarili din akong
anak.

Time flies so fast. Pinaalis ako ni Mommy sa kompanya namin dahil nalaman niyang
pinapahanap ko si Fayre. I shouted her face that I love Fayre so much, kaya mas
lalo siyang nagalit sa akin.
Ngayon naiisip ko na baka gawa-gawa niya lang ang mga sinasabi niya sa akin dati
para paglayuin kami ni Fayre. Dinig ko din sa mga kasambahay dati na sinasaktan
niya si Fayre, hinihintay ko lang nasabihin mismo ni Fayre sa akin. Nagtagal kami
pero ni isang sumbong wala siyang sinabi sa akin.

Umalis ako sa kompanya ng pamilya namin. I build my own name and empire. Thanks for
my dad for teaching me. Nagpatayo ako ng iba't ibang malls all over Asia. I named
it RMall, I used the first letter of name. Nothing special just a RMall.

I have a trip to Isla Fera, my main purpose there was to visit my new Mall but I
was surprise when I saw my Angel. Biglang bumalik lahat ng mga pinagagawa ko sa
kanya, hindi ko na siya nahabol at nakita pa dahil sa dami ng tao. Opening din ng
araw na iyon kaya aasahan talagang madaming tao.

"Rihav my friend," sabay akbay sa akin ni Stell, nalaman nilang nasa Isla Fera ako
kaagad nila akong binisita. Ang mga gago dito na tumatambay dahil ginawang dating
app ang baying ito. Naghahanap ng mga babae! "Inuman tayo sa club ni Haiden. Daming
babes daw doon, kapag hindi ka dumating ipapapublish namin na ampanget ng Mall mo
dahil panget ka din."

Agad kong siniko ang kanyang sikmura. Ayaw kong pumunta doon dahil hahanapin ko si
Fayre. Ayaw kong magsayang ng oras, gustong gusto ko na siya makita.

"I'm busy."

"Minsan nga lang tayo mag-inuman. Alam mo naman na hindi na natin makakasama si
Rihav, tapos si Cole naman napakabusying tao. Madami siyang hinahanap, hay buhay
Mafia." Bumuga pa siya ng hangin.

May oras pa naman ako siguro na mahanap si Fayre. Hindi ako tatantanan ng gagong
Stellvester na 'to kung hindi ako sasama sa inuman nila. Nagpunyagi naman siya nang
sinabi kong sasama ako.

*****

Hindi ko inaasahan na ang pagsama na iyon pala ang mas lalong magpapabilis sa akin
sa paghahanap kay Fayre. I saved her, I didn't know that she was the girl that
bullied by this shitty girls. Gusto kong mapalapit sa kanya, gusto kong bumawi sa
lahat ng mga sinabi ko.

I said sorry, many times. Ginawa ko ang lahat para muling makuha ang loob niya, na
mapatawad niya ako. Pero hindi ko inaasahan na pagkabalik ko ng Manila ay muli niya
akong hindi kakausapin. Dion was fell in the stares, her left foot was broken.
Hinahanap din ako ng bata, hindi ako makahindi sa kanya. Dion save me from my
lonely days, she was my happiness.

"Nanay, nasaan ka na nanay ko... Nanay." I saw a boy crying while roaming around my
Mall.

Nakaupo siya sa sahig habang lumilinga-linga, hinahanap ang kanyang ina. Hindi ko
alam kung ano ang nag-udyok sa akin para lapitan ang bata. I froze when I saw his
eyes was the same color as mine.

"S-Sir, nakita niyo ba si Nanay ko?" tanong ng bata sa akin.

Hindi ko siya sinagot dahil parang nanuyo ang lalamunan ko. Binuhat ko siya, parang
may humahatak sa akin na buhatin ko siya. Doon ko siya inalo habang nasa kamay ko
na siya. Napakagaan sa pakiramdam, ang sarap niyang yakapin.
Nagulat ako dahil habang inaalo ko siya ay may kung sino ang kumuha sa bata mula sa
akin. My dropped jaw and my eyes widen when I saw Fayre and Sean. Fayre was holding
the boy while Sean was holding a girl, they are the same eyes with me. I felt my
heart was stubbing my a knife multiple times.

I want to confirm if that twins was mine. Doon ko nakausap si Amer, ang dating
pinapaniwalaan kong kalaguyo ni Fayre. He tell me truth, he even tell me that is a
gay... I want to fucking punch myself!

Mas naniwala ako sa iba keysa sa kay Fayre.

"Kuya, mas bet ka pa nang baklang 'yan kesa kay Fayre!" Zoe said.

"Ayaw ko kay Fayre, ikaw ang aking gusto. Rawr!" napangiwi ako sa sinambit ni Amer.

My twin sister knows everything and they didn't bother to tell me the truth. Parang
binuhasan ako ng malamig na tubig sa lahat ng nalaman ko. My eagerness to have my
own child became true. Hindi ko inakala na talagang tatay na ako.

Walang pagdadalawang isip ay tinungo ko ang address na binigay ni Amer sa akin.


Galit si Fayre, hindi niya ako pinapasok sa loob ng bahay nila. I waited until I
felt the rain on my body. Hindi ako nagpatinag sa ulan, gusto kong makita ang mga
anak ko. Gusto ko silang mayakap at mahalikan.

Hindi na nakayanan ng buong systema ko ang lamig, yakap-yakap ko ang aking sarili
hanggang sa naramdaman kong may humuhubad ng damit ko. Minulat ko ang aking mata at
doon ko nakita muli ng malapitan si Fayre. Nilapat niya ang kanyang kamay sa aking
noo.

"Rihav, kaya mo bang tumayo? Mas lalong sasakit ang katawan mo kapag dito ka
matutulog lalo na't hindi ka sanay sa ganitong higaan. Rihav?" tanong niya sa akin.

"M-masakit a-ang buong k-katawan ko." sabi ko.

"Ngunit, kaya mo bang lumakad? Dadalhin kita sa taas para maayos ang tulog mo at
makauwi ka na bukas ng umaga." Natigilan ako sa sinabi ni Fayre.

"A-ayaw kong u-umuwi, g-gusto kong t-tumabi sa mga a-anak ko." determinado kong
ani.

Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita ang dalawa. I want to hug them so bad.
Masayang masaya ako ngayon, ayaw ko nang umuwi at ipabukas pa ang mga nagyayari.

Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Fayre, "Rihav, sinabi ko na sa iyo diba na hindi
pwede." Matigas na ang kanyang boses, nagagalit na siya pero ang lambing parin.

Gusto ko siyang yakapin. Matagal ko na nang hinahanap hanap ang mga haplos niya. I
miss her so bad.

"Gusto ko lang naman sila makasama at makilala, Fay. Bakit ba ayaw na ayaw mo?" ani
ko, dinadaing parin ang mainit kong katawan. Parang lalagnitin ako.

"Dahil may pamilya kana, Rihav!"

"Kayo ang pamilya ko, Fayre Aphrodite."

"H-Huwag kang m-magsinungaling Rihav. Hindi mo alam kong ano ang pinagdaan ko para
lang mabuhay ang d-dalawa kong anak, hindi mo alam kong anong s-sakit at p-
paghihirap ang nangyari sa akin pagkatapos kong m-makaalis sa inyo. Hindi mo kami
pamilya, iba ang pamilya mo."

"I'm not lying on you, Angel. Enlighten me, tell me everything what you've been
come through for the past five years without me, Angel. Enlighten me..."

"Diba masaya kana? Sabi mo sa akin noon na kapag may sarili ka nang pangalan sa
business world, sunod mong gusto ay maging ama? Tatay kana ni Dion, Rihav. Tatay ka
na..." umuwang ang bibig ko sa kanyang mga sinabi.

I'm a father now, I'm the father of our twins. Hindi ni Dion, tinuring kong anak si
Dion pero gusto ko din makasama ang mga anak ko sa kanya. They are my real family,
kung papapiliin man ako, sa kanila parin ako uuwi.

"Yeah, I'm now a father...of our twins."

Buo ang loob ko na gagawin ko ang lahat para mapatawad ako ni Fayre. I made a
mistake, sinaktan ko siya at napagsabihan ng masasamang salita. But I can correct
all of that. Kahit na maghintay pa ako ng mahabang tao kakayanin ko basta makasama
ko lang sila.

"Please, give a chance to be a father of our twins Angel. Pakilala mo ako sa kanila
bilang ama, gusto kong kilalanin nila akong ama..." I said while cupping his
cheeks.

Kita ko ang pag-uunahan ng mga luha niya sa kanyang pisngi. She wiped her tears
using her hand and said, "Sige, kung iyan ang gusto mo papayagan kita kilalanin ang
kambal. Pero pagkatapos no'n ay hindi kana magpapakita pa kailanman sa amin."

Since that day, I made my one hundred percent best to make them happy. Unang kita
ko sa dalawa masasabi kong akin talaga sila. May mga panggawi sila na sa akin nila
makuha, lalo na ang kulay abong mata nila.

Dinala ko sila sa bahay. My own mansion where I can live with my family. I want
this house filled with new and happy memories with my twins and of course, my
Angel. Hindi lang isa ang anghel ko ngayon, I have three angels.

I thought that day was the happiest day of my life. We celebrate twins birthday and
slowly Fayre welcoming me into their life. But all that was vanished when my mom
and Dyessie came here. Sinamahan ko pa siya dahil bigla siyang nawalan ng malay
habang naliligo, doon namin nalaman na lumalala na ang sakit niya. She has a
cancer, stage four. We are shocked when her doctor told us that she was in stage
four cancer.

Pagkabalik ko ng bahay, wala na ang mag-ina ko. Muli nila akong iniwan at parang
mababaliw ulit ako. Sa panahon na kasama ko sila naramdaman ko na kompleto ako, na
sila ang bumubuo ng buhay ko.

Lahat ng galit ko binuhos ko sa aking sarili, sa mga taong nakapaligid sa akin.


Nalaman ko rin ang lahat, na pinagawa nila ng labahin si Fayre, sinaktan nila ang
mga anak ko na walang kalaban laban sa kanila. I love Dion, tinuring ko siyang
sarili kong anak. I can't accept the fact na muntik na niyang lunurin ang malambing
kong anak.

Si Hera pa talaga na gusto lang siyang maging kaibigan. Kahit siguro malaki ang
kasalanan mo sa batang iyon hindi siya magtatanim ng loob sayo. Ramdam na ramdam ko
na mabuti siyang tao. She was pure, innocent and fragile.

Nagalit ako sa kanilang lahat. Muntik ko nang pagbuhat ng kamay sina Dyessie at
Dion dahil sa mga nangyari sa mag-ina ko. Nasa isang bahay kami pero wala akong
kamuwang muwang na gano'n na pala ang nararamdaman nila.

And, Dyessie told me everything. My mom hit my twins using her hand! Mas lalong
kumulo ang dugo ko sa kanya. She is my mom, but she has no right to her my twins.

Dami na niyang atraso sa akin tapos dadagdagan niya pa! Hindi niya ba naiisip na
sinasaktan niya ang dalawang apo niya?!

Sa tulong ni Semon ay hinanap ko si Fayre. Alam kong hindi sila lalayo nang Isla
Fera. Nilibot ko ang buong Isla Fera, ang mga tauhan ni Semon ay nagkalap din ng
impormasyon kung nasaan ang mag-iina ko.

Sa paghahanap ko sa kanila hindi ko namalayan ay may nakasalubong na pala akong


sasakyan. My mind was occupied how can I meet them again. Kung babalik pa ba sila
sa buhay ko. If they will accept me again or they will gone forever.

Paano kung ayaw na nila akong makita?

Paano kung ayaw na sa akin ng mga anak ko?

Paano kung hindi nila ako mapapatawad dahil naging pabaya akong ama sa kanila?

Paano kung isipin ng dalawa na hindi ko sila pinili?

Paano kung...ayaw nila ako maging ama?

Lahat ng mga tanong ko ay nasagot ng malaman ko sa isa kong tauhan na nasa La Azul
sila. Kahit na hindi pa mabuti ang katawan ko at sariwa pa ang mga sugat ko sa
aking katawan ay pinilit ko ang aking sarili na makapunta doon.

Walang kasiguraduhan kong makikita ko ba sila o wala ay tinungo ko parin ang lugar
na 'yon.

Mag-isa na pumunta akong La Azul, ramdam ko ang kirot ng aking katawan bawat
hakbang. My head who damaged a lot and now it's aching so bad. Nilibot ko ang La
Azul hawak hawak ko ang kanang kamay ko, ramdam ko ang kirot. Pero kailangan ko
muna silang makita bago ako umuwi, gusto kong masigurado kung narito ba talaga
sila. Nanghihina na nilibot ko ang La Azul hanggang sa nakita ko si Hera sa isang
palengke.

I wanted to hug Hera so bad when I first saw her. I miss her so much, I wanted to
kiss her.

I was hurt. Not just my body but my heart when I asked her if I can hug her. She
refused me. Akmang yayakapin ko siya ngunit umiwas siya sa akin. Parang ayaw niyang
makita ulit ako. Nadudurog ang puso, mas masakit pa ito keysa sa mga sugat sa
katawan ko.

Gusto ko siyang yakapin dahil miss na miss ko na silang dalawa ni Hacov.

Nagulat ako ng malaman kay Fayre na nanggagaling din pala dito si Semon. Ang gago
hindi man lang pinaalam sa akin na nakita na niya ang mag-ina ko. Sabay naming
sinuyod ang buong Isla Fera, pero ni wala siyang sinabi sa akin.

"H-Hera, payakap naman si Tatay..." I begged. I miss my princess so much.

"Umalis na po kayo dito, baka po hinahanap na kayo." Mahinang boses na sabi ni


Hera. "U-umalis n-na k-kayo." Pumipiyok si Hera.
Gusto niya akong paalisin.

"Hindi niyo naman kami mahal, bakit pa kami sasama sayo? M-Muntik na akong m-
malunod, t-tatay. P-Pinalo pa kami ni Senyora dahil sa anak niyo. Ano pong ginawa
niyo? Wala, mas lalo niyo kinampihan ang anak niyo." Nagsimulang humikbi si Hera.

Nagulat ako. Ilang minuto bago ako nakaahon. Alam ko na ang lahat ng iyon pero mas
masakit pala kung galit mismo sa bibig ni Hera. Gustong gusto ko siyang yakapin.
Iparamdam sa kanya na wala akong kinakampihan gaya ng iniisip niya. Mahal ko sila,
mas mahal pa sa buhay ko.

Wala akong napala sa pakikipag-usap ko kay Hera. I can't stand seeing her crying
because of me. Kung galit si Hera sa akin mas galit pa si Hacov. Wala na, dalawang
anak ko na ang ayaw akong makita.

Umuwi ako at bumalik ng bahay. Naabutan ko si Semon na pawing hinihintay ako.


kaagad ko siyang kinuwelyuhan.

"Alam mo kung nasaan sila pero bakit hindi mo sinabi sa akin?!" galit ako sa kanya.

Hindi siya nanlaban pabalik, nakatingin lang siya sa akin. "Nakiusap ang mag-ina sa
akin Rihav, awang awa ako sa anak mong babae. Na trauma ang anak mo, ayaw niyang
lumapit sa dagat. Ni hindi na niya ako kinakausap kagaya ng dati. Isa lang ang
gusto niya, huwag sabihin sa iyo kung nasaan sila."

Kinuha ko ang kamay ko sa kanya at binasag lahat ng gamit sa bahay. Hindi ko alam
kung ano ang pumasok sa isip ko noong araw na mga iyon.

Ngayon, masayang masaya ako. I'm completed again, lalo na muli ko silang kasama sa
iisang bubong. My twins and Dion hugging me every day and also my wife who always
there for me. I'm happy with this four angels, soon to be five.

"Bakit ka naman ngumingiti ngiti diyan?" my wife asked while I am doing our dishes.

Since we moved again here in our house in La Fera Dos kami ng dalawa ni Fayre ang
nag-aasikado dito sa loob ng bahay. Sometimes, if we really need maids pinapatawag
lang namin. Gusto ko kasi mas lalo kaming magkakalapit, malaki itong bahay kaya
ayaw kong mawalan kami ng time sa isa't isa.

"I'm just happy, so are now my wife." I said and kissed her lips.

"Sus, ilang buwan pa lang naman tayo kasal ah."

"Kung walang naganap na mga hadlang sa tingin mo magtatagal bago kita maging
asawa?" she made face and I kissed her again. "Hindi tatagal Fayre, baka kung wala
nangyari papakasalan na kita sa ikalawang anibersaryo natin."

I saw her rolled her eyes. I chuckled because of her reaction and back my attention
on what I'm doing. Bumalik naman siya sa itaas na kung saan naroroon ang tatlo at
nanonood. Matapos ko ang aking ginagawa ng marinig ko ang sunod sunod na yapak ng
tatlo galing sa itaas.

"Tatay, si Nanay manganganak na!" sabay na sigaw ng tatlo sa akin.

Agad akong nalarma, kasama ko ang tatlo, tinahak namin papunta sa itaas. When I
entered the room, I saw Fayre biting her lips and holding her belly. Namimilip siya
sa sakit habang nakahiga. I scooped her and bring in the car.

Ang tatlo parang alam na kung ano ang gagawin. Dala dala nila ang isang bag na
malaki, puno ng damit at kakailanganin ng kanilang kapatid. Pumasok sila sa loob ng
sasakyan ako naman ang nagmaheno. Gusto ko nang liparin ang daan dahil nakikita
kong nasasaktan na si Fayre pero kailangan kong mag-ingat lalo na't kasama ko sila.

Buhat-buhat ko si Fayre ay pumasok kami sa loob ng hospital. Ang tatlo ay sunod


nang sunod kong saan ako pupunta. We waited for an hour until we saw Fayre, she was
sleeping. Ang sabi ng doctor normal lang dahil nawalan siya ng lakas.

"It's a twin girls for me." Sambit ni Hera habang papunta kami ng silid.

"It's a girl and a boy for me, just like Hera and Hacov." Si Dion naman sabay turo
niya pa sa dalawa.

"Two boys for me." Si Hacov.

Kanya-kanya silang opinyion sa kanilang kapatid. I felt proud of myself, it's


another twins. We are all shocked when we knew that our next baby will be twins.
Sina Zoe at Zav ay umuwi pa ng Isla Fera para kumpermahin talaga kung totoo o hindi
galing kay Fayre. Ayaw maniwala ng dalawa sa akin.

Mukha ba akong nagbibiro?

Baka pagkatapos ng huling kambal na 'to ay tama na. Giving birth wasn't easy. I'm
afraid that may happened on Fayre, kapag muli siyang mabubuntis. Kay liit-liit
niyang babae tapos sobrang laki ng tiyan, parang ako ang nahihirapan sa kanya.

Dion, Hera and Hacov guessing the gender because I wanted to surprise. I guessing
too that the twins are boys. Sa dalawang makulit na babaeng ito ay hindi ko na kaya
ano pa kaya kapag mga babae ulit?

Wala na akong kakampi kundi si Hacov na lang.

We are heading to Fayre's room, I can see how our kids are excited. Nagbabangayan
pa kung ano ang gender ng kanilang magiging kapatid.

"Two girls kapag ako ang nanalo, ako ang mauunang hahalik sa mga babies." Hamon pa
ni Dion sa dalawa.

"Kapag ako, ako rin." Si Hera.

"Bahala kayo." Naiinis na si Hacov sa dalawa.

Pumasok na kami sa loob ng silid. I smiled when we saw Fayre. Lumapit ang tatlo sa
kanya at hinalikan siya. Ako naman ang panghuli. I'm holding her hands while
waiting...

Ramdam ko talaga na dalawang lalake, malaki ang tyan ni Fayre.

I stood up when I saw the two nurse entering while pushing the cart. Hindi ako
umalis sa aking kinatatayuan. Nagpasalamat ako sa nurse at nagsitakbuhan na ang
tatlo para makita ang dalawa nilang kapatid.

Kita ko kaagad ang pagsimangot ni Hacov, doon na ako nakaramdaman ng kaba.

"Two girls, yehey!" nagdiwang si Dion ng mahulaan niya, napapikit naman ako.

Lord, this time I really really need your help.

Apat na babae ang magiging anak ko. I gulped.


Kaya mo 'yan, Rihav. Magpalagay ka na lang ng make-up kung kailangan.

"Masaya ka?" nakuha ni Fayre ang aking atensiyon.

Bumalik ako sa pagkakaupo. "Oo naman, masayang masaya. Natatakot din baka...hindi
ako magiging mabuting ama. Apat na babae ang anak natin Fay, hindi ako marunong
magtali ng buhok, hindi ako—"

"Ako ang gagawa. Huwag kang mag-alala." She smiled.

Gumaan ang loob ko kahit papaano. Fayre is here, she would not leave me again.
Hindi niya ako iiwan, magtutulungan kaming dalawa para sa mga anak namin.

I will do my best to be a good dad and husband.

I kissed Fayre on her lips, "Mahal kita, huwag mo 'kong iiwan. Hindi ko kaya."

"Mas lalong hindi ko kaya, limang bata ang dadalhin ko kapag aalis ako?" nagbiro pa
at tumawa.

Lumapit ang tatlo at niyakap si Fayre. I hugged them too. I love my Angels very
much. Walang iwanan sa pagkakataong ito, walang mapapagod, lahat ay lalaban. Kung
mapapagod man, magpapahinga lang at muling lalaban.

Kahit anong mangyari sa kanila parin ako uuwi. They are my home and my safe place.
I'm Fayre's husband. Dionna Kylie, Ariadne Hera, Adonis Hacov and our two babies
father, Rihav Madreal signing off...

Special Chapter

HAPPY FATHER'S DAY sa mga Tatay, Daddy, Dada and Papa! Happy father's day sa mga
fictional daddy at sympre sa Papa ko!!!

Hope y'all enjoy this special chapter, mabilisang gawa lang 'to.

SPECIAL CHAPTER: A Father's Day Special

"Thank you for fetching us, Tatay." Si Dion at pinatakan ako ng halik sa pinsgi,
sunod gano'n din ang ginawa ng kambal.

"Tatay, dapat po hindi ka na pumunta dito. Alam namin na pagod po kayo sa trabaho."
Sabi ni Hera habang naglalakad kami papalabas ng school nila.

They grew so fast, parang kailan lang ang liliit lang nila. Now, they are grade
two. Mas madami na silang natutunan ngayon at mas nakakaintindi na sila ng mga
bagay-bagay. They are smart kids, since they enter in school walang taon ata na
hindi ako pumupunta sa itaas ng entablado para isabit ang mga medalya at awards
nila.

I can't compare them, they have their own weakness and strength when it comes in
academics. Si Hacov may kaunting ginawang karantadohan lang noong unang tungtung
nila dito pero pinagsabihan naman ni Fayre kaya umayos din. Hindi lang ako
makapaniwala na unang taon niya na guidance kaagad siya sa mura niyang edad. Mabuti
lang, nakipag-ayos naman ang parents ng kaklase niya.

"Ayos lang naman si Tatay, Hera." Sabay haplos ko ng pisngi niya, "How was school?"
I asked them, now we are inside the car.

I heard Hera giggled, "Tanungin niyo po si Kuya tatay kung ano ang ginawa niya
kanina." Tumatawang sabi ni Hera.

"Anong ginawa mo kanina Hacov?"

"Wala akong ginawa kanina, huwag po kayong maniwala kay Hera Tatay, pinagt-tripan
niya lang po ako." sagot ni Hacov, bakas sa tuno niya ang pagkairita.

"Anong wala? I saw you writing a love letter for—" napahinto si Hera sa
pagsasalita, tinignan ko sila sa mirror at nakita kong tinakpan ni Hacov ang bibig
ng kakambal.

Napailing ako habang nagmamaneho, kailangan mahina ang pagpapatakbo. Nandito ang
tatlo ayaw kong mapahamak sila sa kamay ko.

"Para kay— sasabihin ko ba kay Tatay Hera?" nakisama narin si Dion para inisin si
Hacov. Tumango-tango si Hera bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Dionna, "Dear,
Eternity—" napahinto na din si Dionna ng takpan ni Hacov ang kanyang bibig.

"Tatay ho!" pasigaw na sumbong niya.

"Stop girls, huwag niyo ng asarin ang Kuya niyo."

Si Hacov lang ang nag-iisang anak kong lalaki, balak ko sanang sundan ang kambal na
babae kaya lang baka mahirapan si Fayre. She's very hands on now sa ibang naming
negosyo, hands on din siya sa amin.

Ayaw kong maging hadlang sa kasiyahan niya ngayon. Ramdam ko na mahal na mahal niya
ang trabaho niya. Kung si Havoc lang talaga, ayos lang.

Kahit na pinagsabihan ko na ang dalawa na huwag asarin si Hacov, dinig ko padin ang
bawat pagdaing niya sa dalawa. This two girls are always partner in crime. One day
they used my phone to watch movies kahit na may sarili silang ipod, wala namang
kahina-hinala kaya pinahiram ko din. Two weeks later, we received a package from a
luxury brand, the two girls ordered a two pair of boots and two bags without my
permission.

Hindi ako makapaniwala na nakaya nila 'yon, nakaconnect ang bank account ko sa
phone kaya madaling ma-access, iyon ang ginalaw nila para makapagbayad.

Si Fayre naman parang gusto niyang pagalitan ang dalawa, pero no'ng nakita niya
kung gaano kasaya ang dalawa sa binili nila parang naglaho ang galit niya. Maging
ako ay gano'n din, mautak sina Hera at Dion.

Madami pa silang ginawa na sobra akong nagulat. Simula noon hindi ko na pinapahiram
ang phone ko sa kanila.

"Saan tayo pupunta Tatay?" tanong ni Hacov, iniba ko ang direksyon pauwi sa bahay.
"Sa Mall, nandoon ang Nanay niyo kasama sina Rhia at Rina."

Sumaya ang tatlo sa likod ko. I heard giggles at the back, parang hinaplos na din
ang puso ko sa tawanan nila. Dumiretso kaming RMall. I parked my car and opened the
door for my kids.

Isa-isa silang lumabas ng sasakyan, hinawakan ko ang dalawang babae sa kamay at si


Hacov naman ay pinauna ko sa paglalakad. My staffs greeted me as we enter the mall,
sina Hera at Dion ang nagrereply ng greet nila sa akin. Ang dalawang ito, ang
dadaldal.

My phone rang, I snatched it on my pocket and answer the call from my wife.

"Nasa opisina kami ngayon hinihintay ka na nina Rhia at Rina." Malambing na boses
kaagad ang bumalot sa tenga ko.

"Tatay! Tatay!" dinig ko ang dalawa sa kabilang linya.

My lips formed a smile while we are walking, wala na ang dalawang babae sa akin at
magkaakbay na habang naglalakad at nagbubulungan pa. Parang may binabalak na naman
sila.

Hinayaan ko ang dalawa at tinuon ang aking atensyon sa aking telepeno.

"We are coming, kailangan niyo ba ng pagkain bago kami pumunta diyan?" I asked.

"Hindi na, busog pa naman kami. Bilisan niyo na ang pagpunta dito."

"Okay okay, mahal na mahal kita."

"Mahal din kita...alab you tatay...alab you tatay." Ang cute nina Rhia at Rina.

Pinaghiwalay ko sina Dion at Hera, nakakapanghina na kasi ang galawan ng dalawa. We


rode an escalator, this two talking some stuffs and I can't understand what they
are talking about.

When we reach the highest floor bininitawan ko sila para malayang makapaglakad.
Kabisado na nila ang daan dahil palagi silang nandito kapag walang pasok. Pumasok
sila sa pintuan papunta sa opisina.

Ako ang pinauna nila at pinagbukas ng pinto sa mismong opisina ko dati na ngayon
kay Fayre na. When I opened the door, I saw Fayre and our kids.

"Happy Father's day!" sabay sabay nilang sabi, maging ang tatlo ko sa likuran ay
sumigaw din.

Kaya pala kanina hindi man lang ako nakakatanggap ng greetings sa kanila dahil may
pinaplano silang ganito. I smiled and went to Fayre, I hugged her tight and kissed
her lips.

"Tatay, hug Rina!" my three year old baby girl said, her hands was on the air.

Kinuha ko siya at binuhat. I kissed her cheeks as I heard her giggled. She kissed
my cheeks to and caress my stubbles. Rina loves doing that every time I carrying
her.

"How about me? I want hug too." Rhia pouted and her hands was on the air too.
Gamit ang isang kamay ko ay kinuha ko rin siya. Ngayon dalawa ang kambal ay hawak
hawak ko na. Lumapit ang tatlo sa kanilang ina at hinalikan isa-isa. I roamed my
eyes around this room. I can't but smile, may nakalagay na Happy father's day sa
dingding at mukhang ang sina Hera at Dion ang gumawa dahil sa sulat kamay.

May mga balloons na kulay blue at white na nakasabit. May mga drawing pa at pawang
ako daw dahil nakalagay ang ngalan ko.

"My Tatay," basa ko sa nakalagay, "Hera pretty," natawa ang sunod sa nakasulat sa
ibaba mukhang si Hera ang gumawa. "Dionna pretty din, mwah."

Binasa ko ang lahat na nakadikit habang buhat-buhat ang dalawa na hinahaplos ang
panga ko. Binalik ko ang tingin ko sa tatlo, kinuha nila ako at pinaupo sa upuan.
Kukuhanin sana ni Fayre ang kambal sa akin ngunit mas lalo nilang hinigpitan ang
pagkakayakap sa akin.

"Hayaan mo na," ani ko kay Fayre. Inayos ko ang pagkakaupo ng dalawa sa kandungan
ko.

"So, today is father's day. We prepare a little celebration for you Tatay with the
help of Nanay, we made a letter for you." panimula ni Dionna. "I'll go first," she
said and cleared her voice, akala mo talaga kung ano ang sasabihin.

"First of all, happy father's day Tatay. Thank you for accepting me, kahit na
marami akong ginawang hindi maganda dati. I'm sorry for all that I did before, I
know that I am a bad girl." Napasingot si Dion at pinunasan ang luha na tumulo mula
sa kanyang mata, "Hindi ko na po ulit gagawin iyon, mahal ko po kayong lahat." Muli
siyang suminghot sa akin at binigay ang letter niya.

Niyakap niya ako at niyakap ko din siya. Pinatakan ko ng halik ang kanyang ulo at
pinunasan ang kanyang pisngi.

Sumunod naman si Hera, binuksan niya ang letter niya at binasa. "Una sa lahat
Tatay, magsosorry kami ni Dion dahil may inorder ulit kaming...bag..." nakangiwi
niyang sabi.

"Hera," si Fayre sa likod sa ko.

"Nanay, maganda kasi. Mura lang siya hindi kagaya no'ng dati. Gusto kasi namin
'yon, ginamit namin ulit ang account ni Tatay sa pagbayad." And she pouted.

"It's okay, sa susunod huwag kayong oorder kung wala kayong sinabi sa akin, okay?"
sabi ko.

"Okay Tatay, salamat po!" sabay finger heart sa akin ni Hera, "Dear, Tatay. I love
you po, salamat po sa pagiging best tatay in the world. I will make you and nanay
proud always, love Hera." Tumakbo siya sa akin at binigay sa akin ang letter.

Hinalikan ko din siya at niyakap kagaya ni Dion. Sumunod naman si Hacov, he opened
his letter and show to us. Hindi namin makita kaya pinabasa sa kanya ni Hera kung
ano ang sinulat niya.

"I love you Tatay." He said and gave his letter to me.

Kumunot ang noo ko at tinignan ang letter. Iyon nga ang nakalagay doon at pangalan
niya. Umiling ako habang yakap yakap siya.

"Gave me a hug," lumapit naman silang lahat at niyakap ako.


Sa likod ay yakap-yakap ako ni Fayre, parang nawala ang pagod ko dahil sa ginawa ng
mag-iina ko. I can't explain the happiness inside my heart right now. Simula noong
kinasal kami ni Fayre parang ang ganda na palagi ng buhay ko.

All of the struggle that we faced back then was a challenge for us to reach this
happy life. Kung may sumuko dati malamang hindi namin ito maabot. Kahit anong pagod
ko, hindi ako mapapagod hanggang hindi sila mapapasaakin.

Now, that they are here in my arms. I will cherish each day, I will show them hoe
much I love them. Hindi ako mapapagod mahalin sila, sila ang tahanan ko...

"I love you." Fayre whispered on my ear as she hugged me tightly.

Now, our kids busy eating. Nakikisali din sina Rhia at Rina na sinusubuan ni Hacov
ng cupcake.

"Mas mahal kita." I replied as I kissed her hand.

THREYA loves YOU

You might also like