Professional Documents
Culture Documents
MELC 4: Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda ( Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang) F10PB-IVd-e-88
MELC 5: Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng
nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa. F10PT-IVb-c-83
MELC 6: Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa
akda. F10PN-IVd-e-85
MELC 7: Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata. F10PU-IVb-C-86
Aralin: Panitikan: EL FILIBUSTERISMO
(Kabanata I-XIII)
Sanggunian: Pinangyamang Pluma 10 Pahina: 463-609
Layunin: Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda ( Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang)
Kasanayan Bilang: 1 El Filibusterismo: Pagsusuri sa mga Kaisipang Lutang sa Akda Araw: 1
KONSEPTO:
Ang El Filibusterismo o “ Ang Paghahari ng Kasakiman” ay isang nobela na karugtong ng isa pang nobela na Noli
Me Tangere. Ito ay sinimulang isulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna. Narito ang
ilang bahagi ng buod ng nobelang El Filibusterismo.
BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
(Kabanata 1-4)
Kabanata I: SA KUBYERTA
Umaga ng Disyembre. Sa ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don
Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.
Napag-usapan ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio, mag-alaga ng itik. Ani
Simoun naman, kilalang tagapayo ng Kapitan Heneral, gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng
Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na
matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
1
May magkasintahan sa Espanya. Naging Arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbalatkayo ang babae, naparito at
hinihiling sa Arsobispo na sundin nito ang pangako, pakasal sila. Iba ang naisip ni Arsobispo. Itinira ang babae sa
isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Naiinggit si Donya Victorina na ibig din manirahan sa kweba. Tinanong ni
Simoun si Padre Salvi. “Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?”
Ayon kay Padre Salvi, hindi raw siya makahahatol sa mga ginawa ng isang Arsobispo at upang mabago ang
paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging
bato nang dasalan ng Intsik ang santo. Nang madaanan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan
sa lawa napatay ang isang “Guevarra”, “Navarra”, o “Ibarra”, itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng
bakas ng pagkamatay ng tubig labing tatlong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng
anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ang iba maliban kay
Simoun na namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakbay.
2. Pagmamahal sa:
A. Diyos-
B. Bayan-
C. Kapwa-tao-
D. Magulang/Pamilya-
2. Masasalamin ba ang pagpapahalaga at paniniwala ng mga tauhan sa Diyos, bayan at kapwa-tao, sa
pamamagitan ng ipinakitang kilos o gawi sa nobela? Sa paanong paraan? Patunayan.
Sagot:
_________________________________________________________________________________________

2
Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng
nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.
3
dalawandaan at limampung piso na sa isalilim nito. Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen kaya
inalaiw na lamang niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang. Dahil
Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang magara ang kanilang mga anak upang magsimba at pagkatapos ay
dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang upang mamasko. Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga
kamag-anak upang mamasko ngunit nang babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang lumabas
sa kaniyang bibig. Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa ngunit kumibot-kibot
lamang ang kanyang mga labi. Ang ingkong ni Juli ay napipi.
Pagsasanay
PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na matatalinghagang pahayag sa pamamagitang ng pagbibigay
halimbawa.
Layunin: Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga binasang namayani sa akda.
4
Kabanata X: KAYAMANAN at KARALITAAN
Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani.
Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban
ng mga alahas. Ipinagmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili
ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing
na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang alahas na may iba’t-ibang uri, ayos at
kasaysayan.
Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisip niyang parang sa tulong ng
kayamanang iyon sy tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng
kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay
Juli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Walang namimili isa man sa mga nagsitawad sa
mga luma at makasaysayang alahas ni Simoun. Inilabas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at
iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani ni Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may ipagbibili.
Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng
kasintahang nag mongha. Limandaang piso o ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si
Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabitu pa ni Juli ang mag paalila kaysa
ipagbili iyon. Isangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun.
Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng
lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na
kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatawanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng
bahay si Kabesang Tales at sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak. Kinabukasan, wala si Kabesang Tales.
Gayundin ang rebolber ng mag-aalahas, wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara..
Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakakuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mga
tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pag nahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga
tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga
ito marunong tumupad sa mga pangako.
Dinakip ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo ng hindi makita si Kabesang Tales. Natutuwa si Simoun.
Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa at ang asawa nito ay
nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may
papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
pagtuturo. Makikilala rito ang iba’t ibang uri ng mag-aaral sa pagharap nila sa kakaibang sistema ng edukasyong na
ipinakilala ni Padre Millon.
Pagsasanay
Panuto: Sagutin ang mga tanong at ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga batay sa akdang El
Filibusterismo.
1. Sa iyong palagay ano ang sakit ng lipunan na makikita sa bawat kabanata? Bakit kaya nangyayari ang ganitong
suliranin sa bansa? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Ano ang nais ipahiwatig ng may akda sa Kabanata 9? Ano ang nais nitong ipabatid sa mambabasa?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
3. Sa kabanata 10, bakit kaya pumayag si Simoun na kunin ni Kabesang Tales ang kanyang baril gayong alam
niyang may masamang binabalak ito? At bakit natuwa pa si Simoun ng malaman niyang dinakip ng guwardiya
sibil si Tandang Selo?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
4. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Jose Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez? Ano kaya ang kahalagahan nito sa
nobelang El Filibusterismo?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
5. Ilarawan ang uri ng pag-aaral ng karaniwang kabataan noon na nakasaad sa nobela. Sang-ayon ka ba dito?Bakit?
Kung hindi naman, bakit? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Rubriks
Pamantayan 1 2 3 4
A. Makatotohanan
B. Masining
C. Kaalaman sa paksa
D. Maayos ang paglalahad
Gabay sa Pagmamarka
5 ……………………………......................... Napakahusay
6
4 ……………………………………………… Mahusay
3………………………………………………...Katamtamang Husay
2……………………………………………...May husay subalit kailangan dagdagan pa.
1………………………………………………... Maraming kulang sa nagawa
__________________________________
___________________________________________________________

7
Susi sa Pagwawasto
8
Pagsasanay 4: Ikaapat na araw (Nakadepende sa guro ang pagbibigay ng marka gamit ang rubriks bilang batayan)