You are on page 1of 3

OFW: Bayani sa Labas

 S
            a hirap ng buhay ngayon, marahil palaisipan sa ating mga Pilipino kung paano
umangat at umunlad ang katayuan sa lipunan? Marami sa atin ay nangangailangan ng sagot
upang masagot ang mga katanungang ito. Kung pagbabatayan ang katayuan ng isa rito sa
Pilipinas kumpara sa isang bansa maaaring napakalaki ng agwat sa pagitan nito. Dahil sa mga
pangyayari at mga patunay na ito sapat na ba ang tinatawag nating “Migrasyon” upang
makaahon sa pamumuhay?

            Sinasabing ang migrasyon ang tawag sa pagpunta o pagdayo ng isang tao o grupo ng tao
sa isang lalawigan, barangay, bayan, ibang bansa o isang mas malayong lugar. Sa pananaw ng
maraming Pilipino, talagang isang oportunidad ito para sa kanila. Maraming maaaring
benepisyong hatid ang pagpunta o paglipat ng isang tao sa isang pook. Ngunit kabila ng
maraming maganda at mabuting epekto nito, may nakaabang din itong masamang resulta o
panganib sa buhay. Subalit marami pa rin ang nakikipagsapalaran at sumusubok sa pagnanais na
gumanda ang buhay. Ang iba nga ay gumagawa na ng kasamaan o pilit na kumakapit sa patalim
kapalit ng magandang kinabukasan. Pangunahin na sa ating mga Pilipino ang paghahanap ng
maayos at de-kalidad na trabaho. Bunsod ng kakulangan ng hanapbuhay dito sa bansa,
humahanap ang mga kababayan natin o tinatawag na OFW upang doon makilala at makatagpo
ng kabuhayan. Bagama’t mahirap, pilit na tinitiis para sa mga mahal sa buhay.

            Katunayan may mga OFW na umunlad ang buhay dahil sa migrasyon. Yumaman ang iba
at nakilala dahil sa kanilang angking husay at galing. Kung dito sa bansa hindi sila mapansin, sa
iba naging matagumpay at naging propesyunal sila. Para sa akin, isang magandang pangitain
kung saan ito ang magsisilbing daan pa sa mas maraming Pilipino na mangibang bansa
Nakakatuwang isipin na mayroong mga kababayan natin na nabibigyan ng pangaral dahil sa
kabutihan, pagpupunyagi, pagsisikap, at pagiging determinado nila sa kanilang hanapbuhay.
Dagdag pa rito, hindi lang sila ang nakikilala kundi pati rin ang bansang kanilang sinasagisag.
Dito nasasalamin kung anong uri ang mga tao nito at mismong pinanggalingan niya. Talaga
namang maipagmamalaking tunay ng Pilipinas ang mga OFW dahil sa karangalang dinadala
nito.

            Sa kabilang banda, ang mga tagumpay na ito ay may masamang dulot sa kanila. Lingid sa
kaalaman ng ilan, hindi sa lahat ng pagkakataon masasabing ang OFW ay may masarap na
kinahihinatnan. Ang iba’y nasasangkot sa iba’t ibang krimen lalo’t sa ibang bansa pa gaya ng
sindikato ng droga, trafficking, pagpatay, at marami pa. Sa halip na trabahong legal ay ilegal at
nagiging mista pa ng pagkakakulong, mas malala pa ay napaparusahan ng bitay dahil sa krimeng
nagawa. Kung may nakakatuwa, meron ding nakakalungkot. Sa aking sariling pananaw,
maaaring hindi sila nakahanap ng maayos na trabaho sa ibang bansa. Siguro sa pag-aakalang
maganda agad ang kalalabasan, naging desperado at nabigo.

Ngunit sa kabutihang palad, mas marami pa rin ang mabuting balita tungkol sa OFW.
Batay sa aklat ng Araling Panlipunan – Mga Kontemporaryong Isyu Gr. 10, ang may-akda,
Ruben M. Milambiling, may 10 455 788 na OFW noong 2011 at patuloy pa itong tumataas.
Resuta nito noong 2013, nagbigay ito ng $ 22.98 B na remittances na katumbas ng 10% ng GDP
ng Pilipinas.

               
            Base rito, ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kundi dahil sa kanila. Ang mga
OFW ang siyang nagbukas sa ibang bansa na kilalanin ang Pilipinas. Hindi mapapalitan ng
anumang materyal na bagay ang kabayanihan nila. Ang kanilang pagod, pawis, dugo, puyat, at
sakripisyong mawalay sa minamahal sa buhay, ang siyang dapat nating pahalagahan. Sila ang
itinuturing kong bayani ng bansa sa labas – OFW.
Ipinaskil ni Paul Christian Tanguilan sa 6:45 AM 

Ang migration ay iisang kawing sa pambansang kalagayan ng Pilipinas: salamin ng pagnanasa ng


mamamayan na takasan ang malubhang pagsasalat sa kabuhayan ng mga pamilya. Isang suliraning sa
halip na mabigyan ng solusyon mula sa sapagsisimula ng ating Republika, ay naging parang isang
umaantak na sugat, lumalala, lumulubha sa ilalim ng bawat rehimeng naupo sa kapangyarihan na ang
hinarap ay ang pagpapaalipin ng bansa sa mga dayuhang kapangyarihan at sa mga dambuhalang
korporasyon na sumisipsip sa kabuhayan ng mga Pilipino.
Ang mapait na bunga ng kapabayaang ito ay inaani ng mga manggagawang napipilitang mapalayo sa
kanilang pamilya upang ihanap ng ikabubuhay sa ibayong dapat ang kanilang asawa't anak, magulang at
kapatid. Lunas na hindi maidulot ng pamahalaang nakatali sa pagka-alipin sa makasalaping layunin ng
naghaharing uri.

Belarmino Dabalos Saguing 


20.,10.2011

You might also like