You are on page 1of 1

H O L Y T R I N I T Y U N I V E R S I T Y

Puerto Princesa City


Name: Kenn Rodney B. Edem School Year: 2022-2
Course: BSED major in Filipino Subject: TMEW 304

Takdang Aralin I
Sampong magkatulad sa baybay na salita na ginamit sa talata.

Ang Ginataang ulam ni Ina


Likha ni Kenn Rodney B. Edem

Isang gabi naisipan ni Ina na magluto ng ulam. Ang kanyang niluto ay mula sa gulay na gabi.
Naging hamon sa kanya ang pagluluto niyang iyon sapagkat sanay ang kanyang mga anak sa ulam na
hamon. Nag-aalinlangan siya baka hindi ito magustuhan buti na lang naibigan naman nila, na itinulad pa sa
nilagang baka. Ang saya sa pakiramdam ni Ina. Dahil sa kasiyahang iyon, napasayaw at iwinawasiwas niya
ang suot sa saya. Patunay na puno nang kagalakan sa puso niya, na mula sa puno ng gabi napasaya ang
pamilya.
Simula noon naging sikat sa kanilang tahanan ang ginataang ulam ni Ina na sinsikat ng pagsikat ng
araw. Kapag ganoon ang kanilang ulam, makikita ang kakinangan sa labi nila. Dahil sa kabusugan ni Juan,
napahimbing ang tulog tulad sa kaayusan ng isang labi. Patuloy na pina-uulam ni Ina sa mga anak ito.
Nakaugalian na niya na lutuin at ibaon sa mga anak sa eskwela. Walang nasayang o ibaon sa lupa dahil sa
sobrang sarap. Tayo na, at tayo na para pasalamatan si Ina. Napaso ang kamay niya sa pagluluto. Atin itong
suklian ng pagmamahal na tulad sa pag-aalaga ng isang bulaklak na nakapaso.

You might also like