You are on page 1of 2

Title: Karaniwang problem ana hinaharap ng mga estudyante sa DWCB HUMSS B sa

Modyular Distance Learning

Sa usapang distance learning, ang mga estudyante ang higit na nakakaalam kung ano ba ang
realidad sa loob ng sistema na ito. Sila ang pinakasentro ng implementasyon na humaharap sa
pagbabagong dala nito sa sektor ng edukasyon. Nararapat din na malaman na ang bawat estudyante
mula sa iba’t ibang katayuan at kalagayan sa buhay ay may mga sarili at naiibang kwento na
nararapat mapakinggan.
Isa sa mga estudyante na ito ay ang 19 taong gulang na si Burek, mula sa Brgy.Mayondon na
kasalukuyang nasa Senior High School at kumukuha ng General Academic Strand sa Colegio de Los
Baños. Isa sa mga pagsubok na kinakaharap niya sa distance learning ay sa tuwing may pagkakataon
na hindi niya maintindihan kung paano gagawin ang ibang mga assessment sa kanyang mga modules
kaya’t hindi niya na lang ito sinasagutan. Ngunit ayon sa kanya, kahit nahihirapan siya ay kakayanin
niya para sa kanyang mga pangarap.
Sa pagtaas ng mga kaso ng COVID 19 sa bansa ay naniniwala si Burek na okay lang na ipagpatuloy
ang distance learning. Ngunit hiling niya na nawa’y mabawasan ang mga pinapagawa sa kanila, at sa
pagdating ng panahon na umayos na ang sitwasyon, ay makabalik na sila sa face to face setup dahil
sa tingin niya ay magiging mas madali ito para sa mga estudyante.
Ganito rin ang nais ni Coleen Paner, 21 taong gulang, mula rin sa Brgy. Mayondon, at kasalukuyang
kumukuha ng kursong BS Agribusiness Management and Entrepreneurship sa University of the
Philippines Los Baños at isa rin sa mga estudyante na nasa distance learning.
Ilan sa mga hamon na kinakaharap ni Coleen ngayon sa pag-aaral ay ang mahinang internet
connection na kadalasan niyang hinaharap kapag kinakailangan niyang pumasok sa mga synchronous
online classes na nakakadagdag sa kanyang anxiety. Nagiging pagsubok din sa kanya ang time
management at pagkakaroon ng short attention span na dahilan kung bakit nahihirapan siya
magpokus sa mga gawain.
Hindi rin maitanggi ni Coleen na mahirap talaga ang kakulangan ng personal space sa bahay. Hindi
niya alam kung saan siya maaaring lumugar para makapag-aral habang pumapasok sa mga klase.
Idagdag pa rito ang hindi maiiwasang ingay sa paligid na nakakagambala rin sa kanyang pag-aaral.
“At some points, siguro oo. Seryoso rin naman kasi ako sa pag-aaral kaya sineseryoso ko kapag may
kailangan talaga intindihin or i-absorb pero may times talaga na kahit anong pakinig ko sa synch
class di ko talaga siya magets,” ayon kay Coleen nang tinanong siya patungkol sa pagiging epektibo
ng distance learning.
Isinaad din ni Coleen na nagbibigay naman ng tulong ang kanyang paaralan upang masolusyonan
ang mga problema niya katulad ng mga seminar tungkol sa time management. Gayunpaman ay hindi
naman siya makadalo at kung dumalo man siya, hindi siya nakakatiyak kung ito ba ay may epekto sa
kanya. Kung kaya’t para sa kanya ay hindi na niya kakayanin pa ang posibilidad na distance learning
muli ang ipapatupad sa susunod na academic year.
Higit na sinasamo ni Coleen na mas mabigyan ng pansin ang mga estudyante na naghihikahos
ngayon sa buhay. Sa tingin niya ay mas mahirap ang dinadanas ng mga ito dahil na rin sa kahirapan
na humahadlang upang makasabay sila sa klase pati na rin sa mga kailangan dito katulad ng mga
gadget at iba pa.
Hiling din niya na nawa’y mas pabilisin at isaayos ng gobyerno ang vaccination program nito sa
bansa nang sa ganon ay maisulong na ang ligtas na balik eskwela. Para naman sa mga guro ay
umaasa siya na nawa’y maintindihan nila ang sitwasyon ng mga estudyante, at mas pagaanin ang
mga requirements. Alam niya rin na nahihirapan din ang mga guro sa sitwasyon ngayon kung kaya’t
sa tingin niya ay kinakailangan talaga ng pag-unawa at kooperasyon ng bawat isa upang makaahon
ang lahat.

You might also like