You are on page 1of 7

1. Ano ang mangyayari sa isang lipunan kung walang pagkakaisa?

A. Magtutulungan
B. Magbibigayan
C. magkakawatak-watak
D. magkakasama

2. Aling pagpapasya ang pinaiiral ng isang namumuno sa Lipunang Politikal?

A. kapakanan ng iilan
B. kabutihang panlahat
C. sariling interes
D. mahigpit na pamamalakad

3.Paano mo masasabi na pinamamahalaan nang mahusay ang isang lipunan?


A. laging nangongolekta ng buwis
B. inuuna ang kapakanan ng sarili
C. isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat
D. isinasantabi ang mga suliranin kinakaharap ng lipunan

4. Bakit pinaiiral ng pamahalaan ang mga batas na dapat sundin ng mamamayan?


A. upang magkaroon ng sistema at kaayusan sa lipunan
B. upang maisakatuparan ang iminungkahing batas
C. para magkaroon ng pagbabago sa lipunan
D. para maging alerto ang lahat

5. Anong katangian mayroon ang isang mahusay na pinuno?


A. mapagkakatiwalaan ng pamayanan
B. may angking talino at kakayahan
C. may higit na tiwala sa sarili
D. nakagagawa ng mga batas

6. Ano ang magyayari sa isang baranggay na apektado ng lockdown ng halos isang buwan dahil sa
paglaganap ng COVID-19 Pandemic kung walang tulong na matatanggap mula sa gobyerno?
A. maghahanapbuhay ang mga tao
B. maghihintay ang mga tao
C. magbibigayan ang mga tao
D. mag-aalsa ang mga tao

7. Aling gawain ang tumutukoy sa prinsipyo ng pagkakaisa?


A. pagbabayad ng buwis
B. bayanihan
C. pag-aaklas
D. 4Ps

8. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity sa loob ng lipunan?


A. magkaroon ng kapayapaan
B. para maiwasan ang pagkawatak-watak
C. upang maging matiwasay ang pamamalakad
D. pagkakaroon ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad
9. Sa paanong paraan uunlad ang isang lipunan?
A. pag-aambag ng talino at lakas ng bawat kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan
B. pagsisikap ng mga kasapi lamang na mapaunlad ang lipunan
C. pagpupunyagi ng mga tao na makapaghanapbuhay
D.pagsisikap ng pangulo na umunlad ang lipunan

10. Ang sumusunod ay ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa, MALIBAN sa:


A. pagkakaroon ng kaalitan
B. bayanihan at kapit-bahayan
C. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
D. D.pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

11. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng
mamamayan?
A. batas
B. mamamayan
C. kabataan
D. pinuno

12. Aling pagkilos ang nagpapakita ng mahusay na daloy ng pamamahala sa isang lipunan?

A. mula sa mamamayan patungo sa namumuno


B. mula sa namumuno patungo sa mamamayan
C. sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan
D. pagkilos para lamang sa mga namumuno sa bayan

13. Saan maaaring ihambing ang isang pamayanan?


A. Pamilya
B. barkadahan
C. organisasyon
D. magkasintahan

14. Ano ang pinagbabatayan upang maging isang pinuno ang isang indibidwal?
A. personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
B. kakayahang gumawa ng batas
C. angking talino at kakayahan
D. pagkapanalo sa halalan

15. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng
pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?
A. lipunang political
B. pamayanan
C. komunidad
D. pamilya

16. Alin ang kinikilala na tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika?


A. mamamayan
B. pangulo
C. pinuno ng simbahan
D. kabutihang panlahat
17. Sino ang isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa
tao lagpas sa kulay ng balat?
A. Ninoy Aquino
B. Martin Luther King
C. Malala Yuosafzai
D. Nelson Mandela
18. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, mga nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasiya,
at mga hangarin na pinagbabahaginan sa paglipas ng panahon ng isang pamayanan?
A. politika
B. kultura
C. pamayanan
D. panlipunan

19. Alin ang HINDI halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity?


A. pagsisingil ng buwis
B. pagbibigay daan sa Public Bidding
C. pagsasapribado ng mga gasolinahan
D. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

20. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
A. Nagbibigay tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya
B. Napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan
C. Natutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa
D. Nagsisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa
kakayahan

21. Alin ang nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan?


A. Bansa
B. Estado
C. Komunidad
D. Lipunan

22. Bakit magkakaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?


A. Nakilala at sumikat ang mga taong umuunlad
B. Nagsisikap sa paghahanapbuhay ang tao at may mabuting dulot ito sa pag-unlad ng bansa.
C. Nagkakaroon ng maraming opurtunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang
sariling kakayahan
D. Nakatutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao ay may mabuting dulot sap ag-
unlad ng bansa

23. Pantay na benepisyo - ang angkop na salita sa pagbibigay ng parehong benipisyo sa lahat ng tao sa
lipunan.
TAMA
MALI

24. Sa lipunang pang-ekonomiya, Ang pantay ay pagbibigyay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng


tao sa lipunan. Ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang kakayahan.
TAMA
MALI
1. Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng komunidad?
a. pamilya
b. simbahan
c. paaralan
d. bansa
25. Paano makatutulong ang institusyong paaralan sa paghubog ng moralidad sa
mga kabataan?
a. Hikayatin sumali sa mga paligsahang lokal.
b. Magsagawa ng mga adbokasiyang naglalayon sa positibong pananaw
sa buhay.
c. Hikayating mag-aral sa semenaryo.
d. Hubugin ang mga mag-aaral para sa pampulitikang adhikain.

26. Alin sa mga salita ang nagpapakita sa tunay na kahulugan ng pamayanan?


a. institusyong pinapairal ng batas
b. institusyong binubuo nga prinsipyong pulitikal
c. isang pangkat na nag-uugnayang tao
d. isang pinaka importanteng institusyon sa lipunan

27. Bakit tinaguriang mas higit pa sa kayamanan at salapi ang lipunan?


a. Ito’y dahil sa natatanging nakabaon na mga ginto sa mga lupain.
b. Ang mga tao ang siyang nagbigay buhay sa panlipunang pagkakaisa.
c. Nakasalalay ang adhikaing pang ekonomiya sa katatagan ng
pagkakaisa.
d. Adhikaing moral ang nagbigay buhay sa malakas na lipunan.

28. Ano ang prinsipyo ng subsidiarity?


a. ang pagtulong sa paaralan
b. ang pagpapatayo ng mga pampublikong gusali
c. ang pag kupkop sa mga dukha
d. ang pagtulong ng pamahalaan sa pamayanan

29. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong tungkulin para sa mga Out of School
Youth?
a. Hikayatin silang mag-aral sa pamamagitan ALS program.
b. Imungkahi sa kanila na makilahok sa panlipunang protesta.
c. Hikayating mag apply ng trabaho sa ibang bansa.
d. I-suggest na makilahok sa pang komunidad na Gawain.

30. Alin ang higit na mahalaga sa lahat kapag lipunan ang pinag-uusapan?
a. kabuuan ng dignidad
b. kabutihang panlahat
c. kaangkupan sa iba
d. may takot sa batas

31. Anong dahilan bakit mananatiling buo ang isang samahan? Mayroon
silang______
a. kontribusyon
b. gampanin
c. pagmamahalan
d. katalinuhan

32. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip


ang ___________.
a. kabutihan para sa sarili
b. kabutihan para sa iba
c. kakainin sa susunod na araw
d. maka-mundong Gawain
33.Alin sa mga sumusunod ang hindi masasabing katuwang sa lipunan?
a. paaralan
b. pamilya
c. bahay-aliwan
d. simbahan

34. Isa sa magandang epekto ng sistemang pulitikal na ginagamit ang


prinsipyong subsidiarity ay ang inisiyatibo ng indibiduwal at grupo ay
nabibigyan ng pinakamataas na saklaw upang malutas ang mga
problema.
TAMA
MALI

35. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong
sa iba?
A. Iba-iba ang ating kakayahan.
B. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
C. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
D. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa

36. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at


kinabukasan ng pamayanan?
A. batas
B. pinuno
C. kabataan
D. mamamayan

37. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na


___________.
A. Walang nagmamalabis sa lipunan.
B. Ang lahat ay magiging masunurin.
C. Matugunan ang pangangailangan ng lahat.
D. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.

38. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng


nakararami?
A. Sa ganitong paraan natin maipakikita ang ating pagkakaisa.
B. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
D. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.

39. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang
panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
B. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
C. itaguyod ang karapatang-pantao
D. ingatan ang interes ng marami

40. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa
karapatan ng bawat mamamayan?
A. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga
karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan
B. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales
ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
C. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sagot sa
pangangailangan ng bawat mamamayan
d. sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga bata.

41. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya?


A. magdudulot ito ng kasiyahan
B. makapagpapabuti sa tao
C. ito ay ayon sa Mabuti
D. walang nasasaktan

42. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay


nakikilahok?
A. pag-unlad
B. pagkakaisa
C. kabutihang panlahat
D. pagtataguyod ng pananagutan

43. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?
A. Pangulo
B. Mamamayan
C. pinuno ng simbahan
D. kabutihang panlahat

44. Ang layunin ng politika ay upang paganahin ang mga miyembro ng


isang lipunan na kolektibong makamit ang mga mahahalagang
layunin ng tao na hindi nila makamit nang paisa-isa.
TAMA
MALI

45. Ang ating mga pinuno ang siyang tagagawa nang mga hakbang at
plano ukol sa mga programang makatutulong sa mga mamamayan na
magkaroon nang matiwasay na pamumuhay.
TAMA
MALI

46. Pag wala ang lipunang pulitikal kaya pa ring makamtan ang
kapayapaan at matiwasay na pamumuhay sa isang baryo o lungsod.
TAMA
MALI

47. Isa sa magandang epekto ng sistemang pulitikal na ginagamit ang


prinsipyong subsidiarity ay ang inisiyatibo ng indibiduwal at grupo ay
nabibigyan ng pinakamataas na saklaw upang malutas ang mga
problema.
TAMA
MALI

48. Marami ang hindi nakakaintindi sa tunay na halaga ng lipunang


pulitikal dahil sa mga maling hakahaka ukol sa mga kontribusyon nito
sa pamayanan.
TAMA
MALI
49. Ang lipunang pulitikal ay laging nauugnay sa salitang kapangyarihan.
TAMA
MALI

50. Sa isang lipunan maaring sundin natin ang kahit sinong magbibigay
ng panuto, gabay o batas at opinyon nang kahit sinong miyembro nito
kahit na ito ay magdudulot ng kaguluhan.
TAMA
MALI

You might also like