Sa walang tigil ng pagtaas ng langis sa ating bansa, tayong mga mamamayang
Pilipino ang nagdudusa. Ito ay may kakambal ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin na sadyang nagpapahirap sa bawat pinoy. Dagdag pa ang sahod na hindi sapat sa araw ‐araw na gastusin sa pamilya. Pahirap talaga na halos ikandarapa na ng bawat Pilipino ang pagtaguyod ng buhay ng pamilya. Sa ngayon nakakatakot isipin na ang katotohanan ng pagkalam ng sikmura ay nagsisimula na.