You are on page 1of 1

La Salette of Quezon

Samonte Quezon Isabela


S.Y 2021-2022

Masusing Banghay Aralin


sa Filipino 8

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng limampung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala ang kahulugan ng matatalinhagang pahayag at nagagamit sa pangungusap.
B. Nabibigayang-halaga ang talambuhay at ambag ni Francisco Balagtas sa Panitikang Pilipino.
C. Nasasagot ang mga pagsasanay tungkol sa akdang binasa.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: ANG TALAMBUHAY NI FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR
Sanggunian: Pinagyamang Pluma pahina 483-488
Kagamitan: Laptop, TV, Graphic Organizer, Mga Larawan
Pagpapahalaga/Values Integration: Pagiging Masipag, Matiyaga at Tapat
Pagka-maka Diyos, maka-Bansa

III. PAMAMARAAN:
A. Panimula
Magandang araw Saletinong mag-aaral.
G. Fernandez maaari mo bang pangunahan
ang ating pagdarasal. Opo Mam.

Maraming Salamat.
Tayo po ay manalangin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak,
at ng Espirito Santo. Amen
(Nanalangin nag mga mag-aaral kasama ang guro)
Magandang umaga klas!
Magandang umaga din po Guro.
Bago kayo umupo ay pakiayos ang inyong
mga upuan at pulutin ang inyong mga kalat.
(Aayusin ng mga bata ang upuan

You might also like