You are on page 1of 2

16

Ang mga taga-sagot ay bibigyan ng hindi hihigit sa isang oras para

matapos ang interbyu at sarbey. Pagkatapos makolekta ang mga kwestyuneyrs,

ang mga tugon ay tatahain, ikokompyut, itatala at susuriin.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang gagamiting instrumento ng pananaliksik para sa pangangalap ng mga

datos ay sarbey at interbyu.

Panayam (Interbyu). Sa pagsasagawa ng sarbey, magkakaroon ng idirektang

panayam kung saan ang mga mananaliksik ay magbibigay ng interbyu sheet at

doon mismo sasagutan ng mga respondante.

Sarbey. Maghahanda ng talatanungan ang mga mananaliksik na siyang ibibigay

din sa mga respondante

Ang interbyu sheet ay nahahati sa dalawang parte. Ang Profile ng

Respondante at ang Interbyu Proper. Ang unang parte ay tumatalakay sa profile

ng respondante kasama na ang pangalan, taon, kasarian, strand/sekyon.

Ang ikalawang parte ng interbyu sheet ay ang interbyu proper o actual na

pakikipanayam kung saan ito ay naglalaman ng mga katanungan na sasagutin

ng mga respondante. Ito ay mayroong tatlong mga tanong. Ang unang tanong ay

tungkol sa mga dahilan ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral sa klase. Ang

ikalawang tanong ay sumasagot sa kung ano ang mga psoblemg solusyon para

matigil ang madalas na pagliban sa klase ng mga mag-aaral. Ang ikatlong

tanong ay patungkol sa kahalagahan ng palagiang pagpasok sa paaralan sa

akademik, emosyonal at sosyal na aspeto.


17

Ang magiging resulta ng sarbey at interbyu ay maproproseso sa

pamamagitan ng tally at pagpupursiyento ng bawat tanong at ang nakompyut na

halaga ay gagamitin para sa interpretasyon ng datos. Gagamitin din ng mga

kaugnay na literatura upang suportahan ang mga nakalap na datos.

Tritment ng mga Datos

Ang kredibilidad ng mga matutuklasan at konklusyon ay higit na

nakadepende sa pangongolekta ng datos, pag-oorganisa ng datos, at analisis o

pagsusuri ng datos. Upang maipahayag ang ebalwasiyon na gagawin ng mga

respondante sa mga pahayag na nasa sarbey at interbyu, ang mga mananaliksik

ay napagpasiyahang gagamit ng pagtatally at pagkuha ng porsiyento upang

malaman ang bilang ng sumang-ayon sa bawat pahayag ng sarbey at interbyu.

Ganitong paraan ang gagamitin ng mga mananaliksik sa kadahilanang binigay

na limit upang maipasa ang pamanahong papel sa takdang oras.

Ang mga tugon ay base sa mga sagot ng mga taga-tugon sa bawat

tanong. Lahat ng nakasulat sa parteng ito ay makakatulong sa pahpo-proseso ng

datos at sa pagbuo ng konklusyon.

You might also like