You are on page 1of 2

1 Corinto 14:33

Dahil ang Diyos ay Diyos ng kapayapaan at hindi ng kaguluhan. Gaya ng sa lahat ng


kongregasyon ng mga banal,
Efeso 5:23
dahil ang asawang lalaki ang ulo ng kaniyang asawang babae kung paanong ang Kristo ang ulo
ng kongregasyon, na katawan niya, at siya ang tagapagligtas nito.
Mateo 24:45-47
“Sino talaga ang tapat at matalinong alipin na inatasan ng panginoon niya sa mga lingkod ng
sambahayan nito, para magbigay sa kanila ng pagkain sa tamang panahon?46Maligaya ang
aliping iyon kung sa pagdating ng panginoon niya ay madatnan siyang gayon ang ginagawa!
47Sinasabi ko sa inyo, aatasan siya ng panginoon sa lahat ng pag-aari nito.
Gawa 15:2
2Pagkatapos magkaroon ng mainitang pagtatalo at di-pagkakasundo sa pagitan nila at nina Pablo
at Bernabe, napagpasiyahan na papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang iba pa
para iharap ang usaping ito sa mga apostol at matatandang lalaki.
1 Pedro 5:1, 2
Kaya nga, bilang isa ring matandang lalaki, isang saksi sa mga pagdurusa ng Kristo at kabahagi
ng kaluwalhatiang isisiwalat, nakikiusap ako sa matatandang lalaki sa inyo: 2Pastulan ninyo ang
kawan ng Diyos na nasa pangangalaga ninyo bilang mga tagapangasiwa, na naglilingkod nang
hindi napipilitan, kundi ginagawa ito nang maluwag sa loob sa harap ng Diyos; hindi dahil sa
kasakiman sa pakinabang, kundi nang may pananabik;
1 Timoteo 3:1-10
Mapananaligan ito: Kung nagsisikap ang isang lalaki na maging tagapangasiwa, magandang
tunguhin iyan.2Kaya dapat na ang tagapangasiwa ay di-mapupulaan, asawa ng isang babae, may
kontrol sa kaniyang paggawi, may matinong pag-iisip, maayos, mapagpatuloy, kuwalipikadong
magturo,3hindi lasenggo, at hindi marahas, kundi makatuwiran, hindi palaaway, hindi maibigin sa
pera,4isang lalaking namumuno sa sarili niyang pamilya sa mahusay na paraan, na may mga
anak na masunurin at mabuti ang asal5(dahil kung hindi kayang mamuno ng isang lalaki sa sarili
niyang pamilya, paano niya aalagaan ang kongregasyon ng Diyos?),6at hindi bagong kumberte,
dahil baka magmalaki siya at tumanggap ng hatol na katulad ng sa Diyablo.7Dapat na maganda
rin ang reputasyon niya sa mga di-kapananampalataya para hindi siya magdala ng kahihiyan at
mahulog sa bitag ng Diyablo.8Ang mga ministeryal na lingkod ay dapat ding maging seryoso,
hindi mapanlinlang ang pananalita, hindi malakas uminom ng alak, hindi sakim sa pakinabang,9at
nanghahawakan sa sagradong lihim ng pananampalataya nang may malinis na konsensiya.10Isa
pa, subukin muna sila kung karapat-dapat sila; at kung malaya sila sa akusasyon, hayaan silang
maglingkod bilang ministeryal na lingkod.
1 Timoteo 3:12
Ang mga ministeryal na lingkod ay dapat na asawa ng isang babae at namumuno sa kanilang
pamilya sa mahusay na paraan, lalo na sa kanilang mga anak.
Tito 1:5-9
Iniwan kita sa Creta para maayos mo ang mga bagay na kailangang ituwid at makapag-atas ka ng
matatandang lalaki sa bawat lunsod, ayon sa tagubilin ko sa iyo:6isang lalaki na malaya sa
akusasyon, asawa ng isang babae, at may nananampalatayang mga anak na hindi
mapaparatangan ng masamang pamumuhay o pagrerebelde.7Dahil bilang katiwala ng Diyos, ang
isang tagapangasiwa ay dapat na malaya sa akusasyon, hindi arogante, hindi mainitin ang ulo,
hindi lasenggo, hindi marahas, at hindi sakim sa pakinabang,8kundi mapagpatuloy, laging
gumagawa ng mabuti, may matinong pag-iisip, matuwid, tapat, may pagpipigil sa sarili,9at
mahigpit na nanghahawakan sa mapananaligang mensahe pagdating sa kaniyang paraan ng
pagtuturo, para magawa niyang magpatibay sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang na turo at
sumaway sa mga kumokontra dito.
Awit 148:12, 13
Kayong mga binata at mga dalaga, Kayong matatandang lalaki at mga kabataan.13Purihin nawa
nila ang pangalan ni Jehova, Dahil ang pangalan lang niya ang di-maabot sa kataasan. Ang
dangal niya ay mas mataas sa lupa at langit.
Mateo 11:28-30
Lumapit kayo sa akin, lahat kayo na pagod at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo.29Pasanin
ninyo ang pamatok ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay mahinahon at mapagpakumbaba, at
magiginhawahan kayo.30Dahil ang pamatok ko ay madaling dalhin, at ang pasan ko ay magaan.”
Isaias 32:2
At ang bawat isa ay magiging gaya ng taguan mula sa ihip ng hangin, Isang kublihan mula sa
malakas na ulan, Gaya ng mga batis sa lupaing walang tubig, Gaya ng lilim ng malaking bato sa
tuyot na lupain.
1 Pedro 5:1-3
Kaya nga, bilang isa ring matandang lalaki, isang saksi sa mga pagdurusa ng Kristo at kabahagi
ng kaluwalhatiang isisiwalat, nakikiusap ako sa matatandang lalaki sa inyo:2Pastulan ninyo ang
kawan ng Diyos na nasa pangangalaga ninyo bilang mga tagapangasiwa, na naglilingkod nang
hindi napipilitan, kundi ginagawa ito nang maluwag sa loob sa harap ng Diyos; hindi dahil sa
kasakiman sa pakinabang, kundi nang may pananabik;3hindi nag-aastang panginoon sa mga
mana ng Diyos, kundi nagsisilbing halimbawa sa kawan.
Mateo 23:8-12
Pero kayo, huwag kayong patawag na Rabbi, dahil iisa ang inyong Guro, at lahat kayo ay
magkakapatid.9Huwag din ninyong tawaging ama ang sinuman sa lupa, dahil iisa ang inyong
Ama, ang nasa langit.10At huwag kayong patawag na mga lider, dahil iisa ang inyong Lider, ang
Kristo.11Sa halip, ang pinakadakila sa inyo ay dapat na maglingkod.12Sinumang nagtataas ng
kaniyang sarili ay ibababa, at sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.
Hebreo 13:17
Maging masunurin kayo sa mga nangunguna sa inyo at maging mapagpasakop, dahil patuloy nila
kayong binabantayan na isinasaisip na mananagot sila, para magawa nila ito nang masaya at
hindi nagbubuntonghininga, dahil makapipinsala ito sa inyo
Lucas 16:10
Ang taong tapat sa pinakamaliit na bagay ay tapat din sa maraming bagay, at ang taong di-
matuwid sa pinakamaliit na bagay ay hindi rin matuwid sa maraming bagay.

You might also like