You are on page 1of 1

EPHESIANS 5: 18

“BEING FILLED BY THE SPIRIT”

 Text: At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu.

I. HUMAN VESSELS
 Luke 18:11 Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao,
na mga manglulupig, liko, mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito.
 Psalm 10:6 Sinasabi niya sa kaniyang puso, Hindi ako makikilos: sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa
karalitaan.
 1 John 3:15 Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa
sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
 Luke 11:24 Pag ang karumaldumal na espiritu ay lumabas sa isang tao ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na
humahanap ng kapahingahan at pag hindi makasumpong ay sinasabing, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko. 25 At
pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan. 26 Kung magkagayo'y yumayaon siya at nagsasama ng pito pang
espiritu na lalong masasama pa kay sa kaniya; at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang
huling kalagayan ng taong yaon kay sa una.
 Isaiah 55:1 Oh lahat na nauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili ng alak
at gatas ng walang salapi at walang bayad.
 1 Corinthians 3:16 Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?
 Luke 24:49 ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan hanggang sa kayo'y
masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.

II. WEAK VESSELS


 Ephesians 6:10 …patuloy kayong magpakalakas sa Panginoon at sa kapangyarihan ng kanyang lakas. 11  Isuot ninyo ang
buong kasuotang pandigma ng Diyos upang kayo'y makatagal laban sa mga pakana ng diyablo. 12  Sapagkat ang ating
pakikipaglaban ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pinuno, laban sa mga may kapangyarihan, laban sa mga
kapangyarihang di-nakikita na naghahari sa sanlibutan sa kadilimang ito, laban sa hukbong espirituwal ng kasamaan sa
kalangitan.
 Mark 2:22 At walang taong nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma; sa ibang paraan ay pinupunit ng alak ang mga
balat at nabububo ang alak at nasisira ang mga balat: kundi ang alak na bago ay isinisilid sa mga bagong balat.
 Ephesians 4:30 …huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan
ng pagkatubos. 31 Ang lahat ng kapaitan, kagalitan, pagkakaalit, kadaldalan, at panglilibak ay maalis nawa sa inyo, pati ng lahat
ng masasamang akala.
 2 Corinthians 13:5 Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong mga
sarili. Hindi ba ninyo nalalaman na si Jesucristo ay nasa inyo?
 Psalm 51:11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.

III. NEW VESSELS


 Ezekiel 18:31 Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang… at kayo'y magbagong loob at magbagong diwa…
 Quote (D.L Moody): “I believe firmly that the moment our hearts are emptied of pride and selfishness and ambition
and everything that is contrary to God's law, the Holy Spirit will fill every corner of our hearts. But if we are full of pride
and conceit and ambition and the world, there is no room for the Spirit of God. We must be emptied before we can be
filled.“
 Acts 1:8 you’ll receive power when the Holy Spirit comes on you to be My witnesses.
 Ephesians 5:1 Kayo nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal… 8 Sapagka't noong panahon kayo'y
kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan.
 Ephesians 5:21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo…
 Romans 5:3 nagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; 4 Ang
katiyagaan ng pagpapatunay; ang pagpapatunay ng pagasa: 5 At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay
nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

You might also like