You are on page 1of 14

LUKE 2:41-52

Lucas 2:41-47

Taun-taon ay pumupunta ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem para sa pista ng Paglagpas.
Nang si Jesus ay labindalawang taong gulang na, sila ay umahon sa Jerusalem ayon sa
kaugalian ng kapistahan. Sila ay bumalik nang mabuo na nila ang mga araw ng kapistahan. Sa
kanilang pagbabalik, ang batang si Jesus ay nanatili sa Jerusalem na hindi nalalaman ni Jose at
ng ina ng bata. Sa pag-aakala nilang siya ay nasa kasamahan nila, sila ay yumaon at naglakbay
ng isang araw. Pagkatapos nito, hinanap nila siya sa mga kamag-anak at mga kakilala. Nang
hindi nila siya natagpuan, bumalik sila sa Jerusalem at hinanap siya. Pagkalipas ng tatlong araw,
natagpuan nila siya sa templo. Siya ay nakaupo sa kalagitnaan ng mga guro, nakikinig at
nagtatanong sa kanila. 47 Ang lahat ng mga nakarinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang
pang-unawa at mga sagot.
Your paraLucas 2:48-52

Nanggilalas ng labis ang kaniyang mga magulang nang makita siya. Sinabi sa
kaniya ng kaniyang ina: Anak, bakit mo ginawa sa amin ang ganiyan? Ako at
ang iyong ama ay naghanap sa iyo ng may hapis.
49 Sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo ako hinanap? Hindi ba ninyo alam na
kinakailangan kong gawin ang mga bagay na may kinalaman sa aking Ama? 50
Hindi nila naunawaan ang mga salitang sinabi niya sa kanila.
51 At siya ay lumusong na kasama nila at dumating sa Nazaret. Siya ay
nagpasakop sa kanila. At iningatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat
ng mga bagay na ito. 52 At si Jesus ay lumago sa karunungan, at
pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Diyos, at sa mga tao.
ὑποτάσσω
Transliteration: hupotassó
Phonetic Spelling: (hoop-ot-as'-so)
Definition: to place or rank under, to subject, mid. to obey
Usage: I place under, subject to; mid, pass: I submit, put
myself into subjection.
Efeso 6:1-3

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa


Panginoon dahil ito ay matuwid. Igalang ninyo ang
inyong ama at ina. Ito ang unang utos na may
pangako: Gawin ninyo ito upang maging mabuti para
sa inyo at kayo ay mamuhay nang matagal sa lupa.
Efeso 5:22-23

Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyo-inyong


asawa gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Ito
ay sapagkat ang asawang lalaki ay siyang ulo ng
asawang babae, tulad ni Cristo na ulo ng iglesiya at
tagapagligtas ng katawan.
Efeso 5:21
Ipasakop ninyo ang inyong mga
sarili sa isa’t isa sa pagkatakot sa
Diyos.
Hebreo 13:17

Sundin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo at magpa­


sakop kayo sa kanilang pamamahala sapagkat iniingatan
nilang patuloy ang inyong mga kaluluwa bilang mga
magbibigay sulit para sa inyo. Sundin ninyo sila upang
magawa nila itong may kagalakan at hindi nang may
kahapisan, sapagkat ito ay hindi magiging
kapakipakinabang sa inyo.
2 Timoteo 4:3-4

Ito ay sapagkat ang panahon ay darating na ang mga tao ay


ayaw nang tumanggap ng mabuting katuruan. Sa halip,
ayon sa kanilang mga sariling pagnanasa, mag-iipon sila ng
mga guro para sa kanilangmga sarili. Magtuturo sila kung
ano ang nais ng kanilang nangangating tainga. Itatalikod
nila ang kanilang mga tainga mula sa katotohanan.
Babaling sila sa mga alamat.
1 Corinto 11:1
Tumulad kayo sa akin gaya ko
na tumulad din kay Cristo.
Colosas 3:22-23

Mga alipin, sundin ninyo sa lahat ng bagay ang inyong


mga amo dito sa lupa, hindi lamang kung sila ay
nakatingin bilang pakitang-tao, kundi sa katapatan ng
puso na may takot sa Diyos. 23 Anuman ang inyong
gawin, gawin ninyo ito ng buong puso na para sa
Panginoon at hindi para sa mga tao.
Efeso 6:5-6
Mga alipin, maging masunurin kayo sa inyong
panginoon ayon sa laman at sundin ninyo sila nang
may pagkatakot at panginginig at sa katapatan ng
inyong mga puso tulad ng pagsunod ninyo kay Cristo.
Sumunod kayo hindi upang magbigay lugod sa kanila
tuwing sila ay nakatingin sa inyo, kundi bilang mga
alipinni Cristo na gumagawa ng kalooban ng Diyos
mula sa inyong kaluluwa.
Roma 13:1

Ang bawat isa ay dapat magpasakop sa nakakataas na


kapamahalaan sapagkat walang kapamahalaan maliban
doon sa nagmula ng Diyos. Ang mga kapamahalaang
iyon ay itinakda ng Diyos.
Gawa 4:19

Ngunit sina Pedro at Juan ay sumagot at sinabi sa kanila: Kung magiging matuwid
sa harapan ng Diyos na pakinggan namin kayo nang higit kaysa Diyos, kayo ang
hahatol.
Gawa 5:29

Si Pedro at ang mga apostol ay sumagot at sinabi:


Kinakailangan naming sundin ang Diyos kaysa ang
mga tao.

You might also like