You are on page 1of 3

PAGBASA

Oseas 11, 1-4. 8k-9


Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas
Ito ang sinasabi ng Panginoon “Nang bata pa ang Israel siya’y aking minahal na
parang tunay na anak, at inilabas ko siya sa Egipto. Ngunit habang siya’y
tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo. Lagi na lamang syang naghahandog sa
mga diyus-diyusan. Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, kinalong ko siya;
subalit hindi nila alam na ako ang nangangalaga sa kanila. Pinatnubayan ko sila
nang buong pagmamalasakit at pagmamahal; ang katulad ko’y isang nag-aalis ng
busal sa kanilang bibig, at yumuko ako upang sila’y mapakain. Nagtatalo ang loob
ko at nanaig sa aking puso ang malasakit at awa. Hindi ko ipadarama ang bigat ng
aking poot. Hindi ko na muling sisirain ang Efraim; sapagkat ako’y Diyos at hindi
tao, ang Banal na nasa kalangitan ninyo, at hindi ako naparitp upang magwasak.”

Ang Salita ng Diyos.

PAGBASA
Ezekiel 34, 11-16
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel
Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa
aking mga tupa. Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala,
gayun ko hahanapin ang aking tupa. Kukunin ko sila saan man sila itinapon noong
panahong ng kanilang kasamaan. Titipunin ko sila mula sa iba’t ibang dako upang
ibalik sa sarili nilang bayan. Doon ko sila aalagaan sa kaparangan ng Israel, sa tabi
ng mga bukal ng tubig at sa magagandang pastulan. Aalagaan ko sila sa sariwang
pastulan sa tahimik na kaburulan ng Israel. Mamamahinga sila sa sariwang
pastulan at manginginain ng sariwang damo sa kaburulan ng Israel. Ako mismo
ang magpapastol sa kanila at hahanap ng kanilang pahingahan. Hahanapin ko ang
nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina,
at babantayan ang malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang kailangan
nilang pagkain.”

Ang Salita ng Diyos.


PAGBASA
1 Juan 4, 7-16
Pagbasa mula sa unan sulat ni Apostol San Juan
Mga pinakamamahal, magibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang
bawat umiibig ay anak ng Diyos, at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay
hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Inihayag ng Diyos ang
kanyang pag-ibig sa atin nung suguin niya ang kanyang bugtong na Anak upang
magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig
natin and Diyos kundi tayo ang inibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang
maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.

Mga pinakamamahal, yamang gayon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat
din tayong mag-ibigan. Walang taong nakakakita sa Diyos kailanman, ngunit kung
tayo’y nag-iibigan, nasa atin siya at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat


pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. Nakita naming at pinatotohanang
sinugo ng Ama ang kanyang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. Ang
nagpapahayag na si Hesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa kanya. Nalalaman
natin at pinanaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at


nananatili naman sa kanya ang Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Mateo 11, 25-30
Ang Mabuting Balita ng Panginnon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng
langit at lupa, sapagkat inilihim moa ng mga bagay na ito sa marurunong at
matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat
gayon ang ikinalulugod mo.
“Ibinigay sa akin ng akin Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak
kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong
marapating pagpahayagan ng Anak.
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong
pasanin, at kayo’y pagpapahingahim ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at
mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob, at makakasumpong kayo
ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang
aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

You might also like