You are on page 1of 3

Readings for the 24th Parish Foundation Anniversary Eucharistic Celebration

Unang Pagbasa: 1 Mga Hari 8, 55-61

Maririnig natin ang isang panalangin ng pagbababasbas ni Haring Solomon na may


pagpupuri at pasasalamat sa Panginoon na siyang tumupad ng pangako sa bayang
Israel - ang Unang Pagbasa.

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, tumindig si Haring Solomon at malakas na binasbasan ang
buong Israel na nagkakatipon doon. “Purihin ang Panginoon! Tinupad niyang lahat
ang kanyang mga pangako, at binigyan ng katahimikan ang bayan niyang Israel. Sa
lahat niyang mga pangako kay Moises, wala isa mang nasira. Sumaatin nawang lagi
ang Panginoon, ang ating Diyos gaya ng ginawa niya sa ating mga ninuno. Huwag
nawa niya tayong pabayaan o itakwil kailanman. Tulungan nawa niya tayong maging
tapat sa kanya, upang mamuhay ayon sa kanyang kalooban, at sundin ang kanyang
mga batas, tuntunin at hatol, gaya ng ipinag-utos niya sa ating mga ninuno. Manatili
nawa araw-gabi sa harapan ng Panginoon itong aking panalangin upang sa bawat
araw ay pagkalooban niya ng katarungan ang kanyang alipin, at ang kanyang bayang
Israel ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sa gayun, malalaman ng lahat ng tao sa
balat ng lupa na Diyos ang Panginoon, at liban sa kanya’y wala nang iba. Manatili nga
kayong tapat sa Panginoon, na ating Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos,
tulad ng ginagawa ninyo ngayon.”

Ang Salita ng Diyos.

Salmo Responsorio:

“Araw ngayon ng Maykapal, magalak tayo’t magdiwang” (Aawitin ng Kantor at


Koro)

Ikalawang Pagbasa: Efeso 1, 3-14

Sa Ikalawang Pagbasa, inilalarawan ni Apostol San Pablo ang ating pakikipag-isa kay
Kristo dahil sa pag-ibig ng Diyos. Tayo’y hinirang na Niya noong una pa upang
maging isang bayang sumasampalataya at tumatalima sa kanyang kalooban sa
tulong ng Espiritung Banal na ipinagkaloob niya sa ating lahat.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo! Pinagkalooban


niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo.
At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang
sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-
ibig ng Diyos, tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan
ni Hesukristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa

Prepared by: CJ Perez, Parish Worship Ministry 2022


Readings for the 24th Parish Foundation Anniversary Eucharistic Celebration

kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang


minamahal na Anak! Tinubos tayo ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan
at sa gayo’y pinatawad na ang ating mga kasalanan. Gayun kadakila ang pag-ibig na
ipinadama niya sa atin! Binigyan niya tayo ng karunungan at kabatiran upang lubos
nating maunawaan ang kanyang lihim na panukala na isasakatuparan sa
pamamagitan ni Kristo pagdating ng takdang panahon.. Ang panukalang ito ay pag-
isahin kay Kristo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. At dahil kay Kristo, kami’y
naging bayan ng Diyos na nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa kanyang panukala at
kalooban. Nangyari ito nang kami’y hirangin niya noon pang una – kaming mga
unang umasa kay Kristo – sa lalong ikadadakila niya. Kayo ma’y naging bayan ng
Diyos nang kayo’y manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang salita ng
katotohanan – ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Kaya’t ipinagkaloob
sa inyo ang Espiritu Santong ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo.
Ang Espiritu ang katibayan ng mga pangako ng Diyos sa ating mga hinirang hanggang
kamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kadakilaan!

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA

KORO : Aleluya, Aleluya!


Bayan : Makikilala ng sanlibutan ang isinugo Mo,
upang tanan ay matulad sa pag-ibig Mo.
KORO: Aleluya! Aleluya!

Ebanghelyo: Juan 17, 20-26

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, “Amang banal, hindi


lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa
akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong
ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang
maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo
sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa:
ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun,
makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo
sa akin.”

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin,
upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako
bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng
sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw
ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig
mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”

Prepared by: CJ Perez, Parish Worship Ministry 2022


Readings for the 24th Parish Foundation Anniversary Eucharistic Celebration

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Prepared by: CJ Perez, Parish Worship Ministry 2022

You might also like