You are on page 1of 2

ARALIN 57

1 Corinto 6:9, 10
9Hindi ba ninyo alam na ang mga di-matuwid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos?
Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral, sumasamba sa idolo, mangangalunya, lalaking
nagpapagamit sa kapuwa lalaki, lalaking nagsasagawa ng gawaing
homoseksuwal,10magnanakaw, sakim, lasenggo, manlalait, at mangingikil ay hindi
magmamana ng Kaharian ng Diyos.
Isaias 1:18
18“Halikayo ngayon at ituwid natin ang mPga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni
Jehova. “Kahit na ang mga kasalanan ninyo ay gaya ng iskarlata, Mapapuputi ang mga ito na
gaya ng niyebe; Kahit na simpula ang mga ito ng telang krimson, Magiging simputi ng lana ang
mga ito.
Isaias 55:6, 7
6Hanapin ninyo si Jehova habang makikita pa siya. Tumawag kayo sa kaniya habang malapit
siya.7Iwan ng masama ang landas niya, Alisin ng masama ang mga kaisipan niya; Manumbalik
siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya, Sa ating Diyos, dahil magpapatawad siya nang lubusan.
Santiago 5:14, 15
14Mayroon bang sinuman sa inyo na may sakit? Tawagin niya ang matatandang lalaki sa
kongregasyon, at ipanalangin nila siya at pahiran ng langis sa pangalan ni Jehova.15At ang
panalangin na may pananampalataya ay magpapagaling sa maysakit, at ibabangon siya ni
Jehova. At kung nakagawa siya ng mga kasalanan, patatawarin siya.
Galacia 6:1
6Mga kapatid, kung ang isang tao ay makagawa ng maling hakbang nang hindi niya
namamalayan, kayong may-gulang na mga Kristiyano ay magsikap na ibalik sa ayos ang gayong
tao sa mahinahong paraan. Pero bantayan ninyo ang inyong sarili, dahil baka matukso rin
kayo.
Awit 32:1-5
32Maligaya ang taong pinagpaumanhinan sa pagkakamali niya, na ang kasalanan ay
tinakpan.2Maligaya ang taong sa paningin ni Jehova ay hindi nagkasala At hindi
mapanlinlang.3Nang manahimik ako, nanghina ang mga buto ko dahil sa paghihirap ng loob ko
buong araw.4Dahil sa araw at gabi ay mabigat ang kamay mo sa akin. Ang lakas ko ay gaya ng
tubig na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah)5Sa wakas ay ipinagtapat ko sa iyo ang kasalanan
ko; Hindi ko itinago ang pagkakamali ko. Sinabi ko: “Ipagtatapat ko kay Jehova ang mga
kasalanan ko.” At pinatawad mo ang mga pagkakamali ko. (Selah)
Santiago 5:16
16Kaya ipagtapat ninyo sa isa’t isa ang mga kasalanan ninyo at ipanalangin ninyo ang isa’t isa,
para mapagaling kayo. Napakalaki ng nagagawa ng pagsusumamo ng taong matuwid.
1 Corinto 5:6, 11
6Hindi kayo dapat magmalaki. Hindi ba ninyo alam na ang kaunting lebadura ay nagpapaalsa
sa buong masa? 11Pero ngayon ay sinusulatan ko kayo na tigilan ang pakikisama sa sinumang
tinatawag na kapatid pero imoral, sakim, sumasamba sa idolo, manlalait, lasenggo, o
mangingikil, at huwag man lang kumaing kasama ng gayong tao.
2 Juan 9-11
9Ang bawat isa na lumalayo sa turo ng Kristo at hindi nananatili rito ay hindi kaisa ng Diyos.
Ang nananatili sa turong ito ay kaisa ng Ama at ng Anak.10Kung may magpunta sa inyo at hindi
niya dala ang turong ito, huwag ninyo siyang tanggapin sa tahanan ninyo at huwag ninyo
siyang batiin.11Dahil ang babati sa kaniya ay magiging kasangkot sa masasamang ginagawa
niya.
Awit 141:5
5Kung saktan ako ng matuwid, ituturing kong tapat na pag-ibig iyon; Kung sawayin niya ako,
magiging gaya iyon ng langis sa ulo ko, Na hindi tatanggihan ng aking ulo. Patuloy akong
mananalangin kahit sa panahon ng kapahamakan nila.
Lucas 15:1-7
15Ang lahat ng maniningil ng buwis at makasalanan ay laging lumalapit sa kaniya para
makinig.2At nagbubulong-bulungan ang mga Pariseo at mga eskriba: “Tinatanggap ng taong
ito ang mga makasalanan, at kumakain siyang kasama nila.”3Kaya sinabi niya sa kanila ang
ilustrasyong ito:4“Kung ang isang tao ay may 100 tupa at mawala ang isa, hindi ba niya iiwan
ang 99 sa ilang at hahanapin ang isang nawawala hanggang sa makita niya ito?5At kapag
nakita na niya, papasanin niya ito sa mga balikat niya at magsasaya siya.6Pag-uwi niya,
tatawagin niya ang mga kaibigan niya at kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo
sa akin dahil nahanap ko na ang nawawala kong tupa.’7Sinasabi ko sa inyo, mas magsasaya rin
sa langit dahil sa isang makasalanan na nagsisisi kaysa sa 99 na matuwid na hindi kailangang
magsisi.
Ezekiel 33:11
11Sabihin mo sa kanila, ‘“Tinitiyak ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ng Kataas-taasang
Panginoong Jehova, “hindi ako natutuwa kapag namatay ang masama. Mas gusto kong
magbago siya at patuloy na mabuhay. Manumbalik kayo, talikuran ninyo ang masamang
landasin ninyo, dahil bakit kailangan ninyong mamatay, O sambahayan ng Israel?”’

You might also like