You are on page 1of 4

Youth Impact Online

February Series
Week 2
Title: Relationshift
3 THINGS TO SHIFT OUR RELATIONSHIP WITH GOD
Text: John 16:24 (NIV)

“12 Until now you have not asked for anything in my name. Ask and you will
receive, and your joy will be complete..”

Introduction: Isang mapagpalang araw sa lahat. Tayo ngayon ay nasa ikadalawang linggo
na ng buwan ng February. Sa buwan na ito maraming gustong ito ang Panginoon sa atin
lalo na sa usaping pag-ibig o relasyon. Kapag ito ang usapan buhay na buhay ang mga
kabataan. Pero sa hapon na ito tuturuan pa tayo ng Panginoon patungkol sa pagsasaayos
hindi lamang ng relasyon natin sa ibang tao higit sa lahat ang relasyon natin sa kaniya.

- Again, welcome po sa panibagong series sa month of february entitled “All you need is
love: Experiencing God’s love”
- Alam ninyo isa sa pinakamagandang naging regalo sa atin ng Panginoon ay hindi yung
magkaroon ng relihiyon kundi magkaroon ng relasyon. Isa ito sa pinakamagandang
opurtunidad na ibinigay sa atin. Bakit? Kasi hindi naman lahat ng tao sa mundo binigyan
ng karelasyon.
- Sino dito ilang beses na nabasted? Diba nga may tinatawag na hari ng mga basted?
Ilang babae na ang niligawan wala man lang isang sumagot. Yung iba nareject. Kasi ibig
sabihin ayaw siyang maging parte ng buhay ng mga tao na ito.
- Pero sa totoo lang lahat tayo binigyan ng pagkakataon ng Panginoon magkaroon ng
relasyon sa kaniya.
- Yung hanap kapa ng hanap magiging karelasyon pero may Diyos namang nagmamahal
sayo ayaw mo lang tumugon.
- Kaya naman sa hapong ito tuturuan ka/tayo ng Panginoon kung paano tayo
magkakaroon ng intimacy/relationship sa kaniya.
- Just ready your heart dahil handa kang yakapin at handa kang tanggapin ng Panginoon.
- Siya yung karelasyon na hindi mo mararanasan yung pagiging brokenhearted. Dahil ang
Diyos ay sapat na.
- Kaya ka niyang I-handle, dahil ang buong universe nga na handle Niya ikaw pa kaya?
- Yung magkaroon ka ng masayang pamilya, mataas na grado, magandang buhay
magandang opurtunidad ito sa ating lahat pero hindi ito yung pinakamaganda. Ang
pinakamagandang opurtunidad ay yung binigyan ka ng pagkakataon na magkaroon ng
relasyon sa Diyos.
- Gusto ng Panginoon magkaroon tayo ng relasyon sa kaniya.
John 1:12
But some people did accept him. They believed in him, and he gave them the right to
become children of God.
- Ang pagkakaraoon ng anak or pagiging anak ay hindi relehiyon ang tawag dito ay
relasyon.
- Napagandang oppurtunity ito na dapat hindi sinasayang o binabaliwala ng mga tao.
Kaya lang hindi lahat ng pumasok sa relasyon hindi na natili sa relasyon.Dahil hindi
naalalagaan.
- Ang relasyon ay dapat inaalagaan lalo’t higit sa Panginoon.
- sa isang daang kinakasal sa Pilipinas 48 ang naghihiwalay. Why? Maybe yung iba
sadyaan at hindi naalagaan.
- Hindi kailangan relasyon lang ang meron tayo dapat inaalagaan natin ito.
- Kailangan lumalago tayo sa relasyon natin sa Panginoon.
- Aanhin natin ang yaman sa mundo kung wala naman si Hesus sa ating buhay. Baliwala
lahat ng pinaghirapan kung wala si Jesus.
- Kapag nagpabaya maaring mawala. Pwedeng mayaman ka pero malayo ka naman sa
Diyos.
So paano lalago ang relasyon natin sa Panginoon?
- hindi garantisado na may relasyon ka ngayon tapos meron pa bukas.
- kapag ang relationship hindi na nagogrow diyan na magsisimula ang pagkasira nito.
- This year we need to shift our relationship with God into a new higher and exciting
level. Kinakailangan lumalago ito. Kapag lumalago ang relasyon natin sa Panginoon ang
dami nating pwedeng mapagtagumpayang bagay at mga pagpapala na pwedeng
maranasan.
- Meron tayong dalawang blessing na tinatawag. Lahat tayo may common blessing na
tinatawag. For example ang araw, hininga at iba pa. Mabait o masama nakakaranas nito.
Pero hindi lahat ng humihinga nagtatagumpay at tinatamaan ng matinding pagpapala. Iba
talaga yung close.
- Merong mga espesyal na pagpapala yung mga taong close sa Panginoon.
- Kaya kung meron tayong pagtatrabahuhan ito yung maidevelop ang relasyon natin sa
Panginoon.
- Naniniwala po ba kayo na isang relasyon pinagtatrabahuhan?
Ex. Pag-aalaga ng aso/pusa binubuhay mo, pinaglalaanan mo ng panahon at pera.
- Iba ang pagpapala kapag may maayos na relasyon sa Panginoon.

Text: John 16:24 (NIV)

“12 Until now you have not asked for anything in my name. Ask and you will
receive, and your joy will be complete..”

- Now how to have an exciting relationship with God? Paano pa ba natin mas mapaglalim
ang relasyon natin sa Kaniya?
- Now let me share with you are topic for this afternoon entitled “RELATIONSHIFT”
- We need to shift our relationship with God into a higher,deeper and exciting level.
- Ang tanong paano ba natin ito I-shishift? Paano natin itataas ang level ang relasyon
natin sa Panginoon?
- Hindi ka man sinagot ng nililigawan mo o hindi nagopen ng relasyon ang ibang tao
sayo, goodnews ang Hari ng mga hari ay nagooffer ng relasyon sayo ngayon. At sinasabi
Niya na mahal kita.
- Sino po ready dito? Magsabi ng “Amen”

I. IT TAKES TIME v. 24
“Until now you have not asked for anything in my name.”
- The word “until” in this passage is related to time and place.
- Kailangan ng oras. Basic diba? Pero kailangan maulit at kinakailangan malaman ulit
natin.
- It takes time to know somebody right? Para makilala mo ang isang tao nagdedemand ito
ng mahabang oras.
- Lahat ng gusto mong makilala nagdedemand ito ng oras. Paglalaanan mo ng panahon.
Hindi pwedeng nagkatitigan lang kayo magkakilala na kayo. Kailangan may paguusap.
- May oras ka na iispend sa kaniya. Para makilala mo siya ng lubusan.
Example: pagaapply sa trabaho. Nireresearch mo muna kung ano bang kompanya ang
papasukan mo. Hindi naman kasi pwede magaapply ka lang basta-basta. Dapat malaman
mo yung nature ng magiging trabaho mo. Mag aalot ka parin ng time.
- The more na nagbibigay ka ng oras sa Panginoon, mas nakikilala at napapalapit ka sa
kaniya. It takes time to know somebody lalo na ang Diyos.
- Hindi kasi pwedeng nakita mo lang ng isa o dalawang beses ay kilalang kilala mo na.
- Kailangan mong maglaan ng panahon para kilalanin pa ng husto ang Panginoon.
- Ang mundo ay isang constant change, nagbabago. Kaya dapat kinikilala mo nasa
paligid mo. Lalo’t higit ang Panginoon.
- Ang pagkilala ay nagbabago. Iba ka nung 2 years old ka sa 16 years old ka. Naiiba ang
pananaw at pagkakilala mo. Kaya it takes time to know somebody. It takes to know God
more.
- TIME: Kailangan ng oras nito. Dahil ang panahon at ang mundo ay nagiiba.
- Ang mga taong hindi nag iispend ng time kay Lord maraming nawawala sa kanila.
- Pagsinabing “spend” may pinaglalaanan ka pwedeng oras o pera.
- pag nagspend ka for your growth iba ang magiging epekto nito.
- Kapag kay Lord ka nag spend/invest ang taas ng return of investment nito.
- dahil yung time na nilaan mo kay Lord hindi ka nawalan kundi mas lalo kang
nagkaroon.
- Kapag naglaan ka ng time and effort sa Panginoon makikita mo ang pinaghirapan mo.
- yan ang pinakamataas na return of investment na gagawin natin yung maglaan ng oras
at panahon sa Panginoon.

Quote by William Penn: “Time is what we want most,but what we use worst.”
- yung gusto mabigyan ng maraming time, pero nagagamit sa maling kapamaraanan.
- hindi lahat ng panahon pwede nating mga gawa ang dapat. Kasi hindi habang panahon
malakas ka. Kaya hanggat may lakas at buhay ka pa use it wisely.
- Yung oras mo, pwede mong magamit para sirain ang buhay mo pero pwede mo ring
magamit ito para maayos ang buhay mo.
- If you want to be a friend of God, spend time with God.
- Ito ang pinakamagandang date na gagawin natin ay yung magspend ng time kay Lord.

II. IT TAKES TALK v. 24


Ask and you will receive, and your joy will be complete..”
- napakasimple, matuto kang kausapin ang Panginoon.
- Relationship require communication. A good relationship starts with a good
communication.
- Paano lalalim ang pagkakilala ninyo sa isa’t- isa kung hindi naman kayo naguusap?
- You have to communicate yourself to God.
- Ito yung pinakamaganda mong magagawa yung magspend ka ng time sa kaniya.
- Hindi lahat ng tao nakakausap mo. Pero ang Diyos pwede mong kausapin anytime and
anywhere.
- Let’s grab the opportunity to talk to God.
- Kaya maraming namamatay na relasyon kasi nawala na ang communication.
- nakipagrelasyon kapa ayaw mo namang umimik.
- Kinakailangan naririnig mo ang Panginoon in a daily basis.
- wag nating kakatamarang kausapin ang Diyos.
- Kung may una kang kakausapin, si Lord muna.
- Dapat constant/regular mo Siyang kausap. Kahit nasaan ka man manalangin ka.
- If you have a personal relationship with the Lord you can talk to Him anytime and
everywhere.
- Gusto ng Panginoon meron tayong communication sa kaniya.
- Prayer is a two way communication. Ang preaching communication din yan.
- Dapat naguusap ang magkarelasyon. Hindi lang yung isa yung nagsasalita.
- Kapag nananalangin tayo kailangan kausapin mo ng maayos si Lord.
- Maging totoo ka kay Lord. Aminin mo kay Lord ang nararamdaman mo, dahil gusto
niya yun.
- Although alam niya yung nararamdaman at iniisip mo, gusto niya kausapin mo Siya.
- Ang relasyon kinakailangan ng paguusap. Mas lalo mo nakikila si Lord kapag lagi kang
nakikipagusap kay Lord.

III. IT TAKES TRUST

Ask and you will receive, and your joy will be complete..”


- Relationship are built on trust. Mahirap umasa sa taong hindi mo naman talaga kilala.
- Mahirap umasa sa produktong hindi mo kilala. Kaya importante ang tiwala sa isang
relasyon.
- Maaring walang “joy” sa isang relasyon kung walang pagtitiwala.
- Itong verse na ito ay sinabi ni Hesus sa kaniyang mga desciple noong time na nalalapit
na ang resurrection niya. Itong mga disciple ni Jesus that time napapanghinaan na ng loob
at faith dahil mawawala na ang master nila. Pero Jesus reminds them, hindi pwedeng may
relasyon tayo sa kaniya pero wala namang pagtitiwala.
- Sinabi Niya Ask and you will receive, and your joy will be complete..” ibahin mo
ang Diyos kapag pinagkatiwalaan mo. Hindi ka bibiguin ng Diyos kahit kailanman.
- Ang relasyon wala ng trust ay malapit ng masira. Kaya napakaganda ng message na ito
para sa ating lahat.
- It serves as reminder for us to strengthen our faith/ trust in God.
- Kaya maraming nawala kasi hindi na nagtiwala.

- example: nag advice ang leader/mentor patungkol sa pagpasok sa relasyon ng wala sa


tamang timing. Hindi pinaniwalaan at feeling ng disciple nito na hindi naman tamang
pigilan siya sa nararamadaman at tinitibok ng puso niya. Anong nangyari? Mas piniling
samahan ang boyfriend/girlfriend kaysa sa leader. Nasira na ang relasyon kasi hindi
nagtiwala. Once na hindi ka na nagtitiwala dito na nagsisimula ang pagkasira.
- Wala kang tiwala, lagi kang paranoid. Hindi sa lahat ng panahon magkasama kayo ng
tao. Mahirap samahan ang taong wala ka namang tiwala. Kaya hanggat maari hiwalayan
mo na. Wag kang makikipagrelasyon sa taong wala ka namang tiwala.
- Hindi porket pogi/maganda pagtitiisan mo na.
- Lalong tumitibay ang relasyon kapag may pagtitiwala.
- God wants you to learn to trust Him. Hindi mababasag ang tiwala mo sa Diyos.
- Kung gusto mong maging kumpleto, palalimin mo yung relasyon mo sa source of love,
joy and happiness and that is JESUS.
- You cannot be complete without Jesus in your life. Si Lord lang ang buhay natin. Paano
na lang kung wala si Jesus sa buhay mo. Walang true joy/happiness doon. Mapapansin
mo lagi kang malungkot,nakasimangot at tila baga parang pasan mo lagi ang daigdig.
- No can complete your life, dahil si Lord ang kukumpleto sayo.
- Hindi kayang kumpletuhin ng mundo ang buhay mo. Si Lord ang SAKALAM.
- Ang isang relasyon napapatibay yan ng tiwala. Kaya lang dumadating ang panahon ang
irelasyon natin sa Diyos gumegewang gewang.
- dumadaan tayo sa mgapagsubok pero ito yung pinakamagandang pagkakataon para
sabihin sa Panginoon na nagtitiwala ka sa kaniya. Sa panahon na mahirap ang sitwasyon
at sa panahon na nalulungkot ka ang sarap makipagusap at magtiwala kay Lord. Bakit?
Doon natin mararamdaman yung tunay na kabutihan,kadakilaan at pagsama Niya.
- Hindi tayo kahit kailanman pinabayaan o iniwan ng Diyos.
- The time na sinusubok ka at nararanasan mo yung paghihirap pero nagpapatuloy ka pa
rin kay Lord. Pambihira yon! Ibig sabihin nandoon yung pagtitiwala.
- Ibang himala ang nararansan ng taong may pagtitiwala sa Diyos.
- Napapatunayan ang isang tibay ng relasyon kung nandoon yung pagtitiwala.?

Again. How to to shift our relationship with God into a new higher and exciting
level?
I. IT TAKES TIME
II. IT TAKES TALK
III. IT TAKES TRUST

CONCLUSION:
- Kabataan, from now on talk to Jesus. Ang sarap makipag usap sa Diyos.
- May healing, freedom at love kang mararanasan kung pipiliin mong kausapin si Jesus.
Kung pipiliin mo na mas palalimin ang relasyon mo sa Kaniya.
- May comfort na kasama ang pakikipagrelasyon kay Lord. Pero let us always remember
na part din dito ay ang correction. Pero wag mo itetake na pangit ang correction sayo ng
Panginoon.
- Kaya ka kinocorrect dahil gusto Niya maging maayos ka.
- Ang relasyon natin kay Lord dapat balanse. Minsan ikokorek ka niya kasi ayaw niya na
maging katawa-tawa ka.
- Love na love ka ni Lord, kapag itinatama ka nito.

PRAYER:

Numbers 6:24-26
New International Version
24 “‘“The Lord bless you
    and keep you;
25 the Lord make his face shine on you
    and be gracious to you;
26 the Lord turn his face toward you
    and give you peace.”’

Prepared by:
Michaela Janne G. Vegiga
02 - 10 - 2022

You might also like