You are on page 1of 1

Ang badget ng pamilya ay isang mahalagang tool para kontrolin ang ekonomiya ng pamilya.

Ang
paggawa ng isang pagsusuri sa kasalukuyang sitwasyong pampinansyal ng isang pamilya ay susi sa
paggawa ng isang tamang pagpaplano. Makikita sa pie graph ang isang uri ng pag paplano ng buget sa
ibat ibang pinaglalaanan nitong isang pamilyan sa isang buwan. Ang pagkain ay pinakamalaking pinag
lalaanan ng buget ng pamilya na may 50% . Ang pagkain ay isa sa pinaka mahalagang pangangailangan
ng isang pamilya dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng lakas. Pangalawa naman ang
trasportasyon. Ang transportasyon ang ikalawang pinakamaking pinaglalaanan na ng pamilya may 20%.
Ito ay kasali sa buget marahil ang ibang miyembro ng pamilya ay nag commute lamang papuntang
paaralan o di kaya sa trabaho dahil walang sariling sasakyan. Ang pangatlo naman ay ang gamot na may
15%. Ang gamot ay mahalaga sa isang pamilya upang labanan ang mga sakit, lalo na sa panahon ngayon
na madali nalang matamaan ng kasit ang isang miyembro ng pamilya dahil sa pabago bagong panahon
dito sa ating bansa. Ang tubig naman ay ika apat na pinaglalaanan ng buget na may 5%. Ang tubig ay isa
sa pinakamahalagang bagay na ginagamit pang araw-araw lalo na sa gawaing bahay gaya na lamang ng
pagluluto, paglalaba, pagligo,at pang diling ng halaman. Kasali na rin sa badget ng isang pamilya ang ilaw
na may 5%. Ang ilaw ay isa rin sa pinakamahalagang bagay na kinakailangan ng pamilya dahil nag bibigay
ito ng liwang. Ganoon din ang impok na may 5%. Ito rin ay mahalagang paglaanan ng buget dahil ito may
maaring gamitin kung may darating man na sakuna na hindi inaasahan ng buong pamiya.

Makikita sa datos ang porsyento nga mga pumasa sa LET exam mula sa departamentong CTE sa iba't
ibang taon. Sa taong 2016, mas marami o mas mataas ang pumasang BSED na may porsyentong 66.67%
kaysa sa BEED na naka kuha lamang ng 35.43%. Taong 2017 ay nakakuha parin ng pinakamataas na
porsyento ang BSED na may 58.43% ngunit mas mababa kaysa sa nakaraang taon, at ang BEED naman ay
naka kuha lamang ng 37.79% na higit mas malaki sa nakaraang taon. Sa taong 2018 naman ang BSED ay
nakakuha pinakamataas na porsyentong 73.01% na naitala mula sa mga nakaraang mga taon, at ang
BEED naman ay naka kuha lamang ng porsyentong 26.6% lamang at higit itong mas mababa kaysa sa
mga nakaraang taon.

You might also like