You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV – A CALABARZON
Division of Rizal

INDIVIDUAL RECORD SHEET IN FILIPINO 10


REMEDIATION
Pangalan ng Mag-Aaral: ___________________________ Pangkat:_______________
Guro sa Filipino: ___________________________________ Modality: Modular Print
Learning Task / Worksheet
Q1 #1 Q2 #1 Q2#2 Q3#1 Q3#2 TOTAL
No.
NO. OF ITEMS 15 5 5 5 10 40
SCORE

Remarks:_________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Unang Markahan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa unang markahan. Isulat ang letra ng
sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ito’y isang agham o pag-aaral ng mito at alamat.
A. maikling kuwento C. mitolohiya
B. dula D. parabula
2. Saan hinango ang salitang mito?
A. Romano B. Griyego C. Latin D. Niponggo
3. Ito’y paglalahad ng kasaysayan ng mga diyus-diyosan noong unang panahon.
A. mitolohiya C. maikling kuwento
B. sanaysay D. kwentong bayan
4. Ang akdang Romulus at Remus ay nasa anong uri ng akdang pampanitikan?
A. nobela C. sanaysay
B. maikling kuwento D. mitolohiya
5. Ang mitolohiya ay orihinal na kalinangang nagmula saang lupain?
A. France B. Barcelona C. Roma D. Greece
6. Anong katangian ng tiyuhin ang masasalamin sa akdang Romulus at Remus?
A. makasarili C. matapang
B. mapagmahal D. may malasakit sa kamag-anak
7. Sino ang kinikilalang Latinang prinsesa?
A. Rosa B. Rona C. Rhea D. Riza
8. Sino ang inatasan ng tiyuhin para isakatuparan ang maitim na balak sa
dalawang kambal?
A. mangangaso C. pastol
B. alipin D. mangangalakal
9. Ano ang relasyon ng tiyuhin sa dalawang kambal na ipinatapon nito?
A. ama B. tiyuhin C. kuya D. lolo
10. Saan hinango ang pangalan ng Rome batay sa kasaysayan ng mitolohiyang
tinalakay?
A. Roma B. Romulus C. Romulus at Remus
Para sa bilang 11-14:
A. Pokus na Sanhi C. Pokus na Karanasan
B. Pokus na Pangyayari D. Pokus na Karanasan
1
11. Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyangsuliranin.
12. Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas.
13. Naggagala si Dora dahil isa siya sa gumagawa ng travel blog.
14. Nalungkot si Darwin dahil suspendido siya sa eskuwela.
15. Ginawa lahat ni Enrique ang lahat upang ipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Paula.

Ikalawang Markahan
I. Panuto: Tukuyin ang dalawang salitang magkaugnay sa bawat pahayag. Isulat ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Iniwan ako ng aking ina sa isang mayamang pamilya ngunit kahit sila ay maraming pera ay
nakaranas ako ng matinding paghihirap.
2. Ako’y pitong gulang nang mahiwalay sa pamilya at sa edad kong ito, nakaranas akong magbanat
ng buto.
3. Nagmula ako sa mahirap na pamilya kaya tingin nila sa akin ay batang yagit.
4. Banas na banas siya sa akin habang hinuhugasan ko ang paa ng aking amo at sinampal niya ako
dahil sa galit.
4. Ang mga salitang tuwang-tuwa, naiinis, nananabik, naguguluhan ay mga salitang nagpapahayag ng
damdamin.
5. Ang mga salitang narinig ko, nasaksihan ko, noong ako’y maliit pa, kagabi lamang ay mga salitang
ginagamit upang maglarawan ng mga pangyayari.

II. Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pahayag. Lagyan ng tsek
(/) kung tama at ekis (X) kung mali ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang dagli ay may twist o punchline sa dulo.
2. Ang pamagat ng dagli ay double blade.
3. Ang dagli ay mga sitwasyong may nasasangkot na mga tauhan at may maayos na banghay.
4. Ang mga salitang tuwang-tuwa, naiinis, nananabik, naguguluhan ay mga salitang
nagpapahayag ng damdamin.
5. Ang mga salitang narinig ko, nasaksihan ko, noong ako’y maliit pa, kagabi lamang ay mga
salitang ginagamit upang maglarawan ng mga pangyayari.

Ikatlong Markahan
I. Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di-tuwiran ang pahayag na
ginamit.
1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino.
2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang magutom.
3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa
Senado.
4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na kakayanan
ng kapwa.
5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin na
dinarayo ng mga turista.

II. Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay naglalarawan ng katangian ng PORMAL o DI-
PORMAL na sanaysay.

1. Nagbibigay ng impormasyon.
2. Nagsisilbing aliwan o libangan.
3. Maingat na pinipili ang pananalita.
4. Ang tono ay mapitagan.
5. Ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.
6. Pakikipagkaibigan ang tono.
2
7. Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda.
8. Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-
araw=araw at personal.
9. Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda.
10. Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at
lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay.

You might also like