You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Panunuring Pampanitikan

(Pagbasa)

Mag-aaral: Shannen A. Pabunan BSEd 2-8

I. Mga Layunin

Inaasahan ang mga mag –aaral sa ika-sampung baitang na maisagawa


ang mga sumusunod na may 85% na kawastuhan;

A. natutukoy ang elemento ng pabula;


B. nabibigyang katauhan ang mga aral mula sa pabulang binasa; at
C. nakapagtatanghal ng sariling pabula sa klase.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Elemento ng Pabula
Tatalakaying Genre: Pangpamilya at Paglalakbay
Teksto: "Ang Puting Tigre"
Mga Kagamitan: Kopya ng Pabula o Libro
Manila Paper
Laruan
Kasanayang Pampanitikan: Pagsusuri sa mga elemento ng pabula sa
babasahing akda.
Kasanayang Pampag-iisip: Pagkatha nang sariling pabula ayon sa paksa.
Pagbasa sa sariling kathang pabula.
Halagang Pangkatauhan: Pagbibigay-katauhan at pagsasabuhay ng mga
aral na nakuha sa pabula.

III. Proseso ng Pagkatuto

a) Panimulang Gawain
1. Pangganyak

-Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral .

Nakapagbasa na ba kayo ng mga akdang hayop ang mga tauhan?


Ano ito? Ilahad sa klase.

-Tatawag ang guro nang mga sasagot na mga mag-aaral.

2. Paghahawan ng Balakid

-Ang guro ay bibigyan ng talasalitaan ang bawat mag-aaral.

Panuto: Ang bawat mag-aaral ay maghahanap sa diksyunaryo at


magbibigay ng kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita.

Mabagsik. Paghahasik

Nagsanay. Hustisya

Pinag-igihan. Paglalayag

Inaksaya. Nakatalungko

Walang sinasanto. Kikitil

b) Panlinang na Gawain
1. Paglalahad

-Ang guro ay maglalahad nang dalawang laruan at tatawag ng mga mag-


aaral na sasagot sa mga sumusunod na katanungan.

Ano ang iyong nakikita sa dalawang larawan?

Ano ang sinisimbolo ng tigre at binata?

Sa iyong palagay, ano ang ating pag-aaralan ngayon?

2. Pagbasa ng panitikan

-Ang guro ay magbibigay ng mga kopya ng Pabula sa mga mag-aaral


"Ang Puting Tiger" at babasahin ng mga mag-aaral nang malakas ang
bawat pangungusap na dudugtungan ng kasunod hanggang matapos ang
akda. Samakatuwid, magkakaroon nang dugtungang pagkwekwento sa
pamamagitan ng pagbabasa.
3. Pagsusuring Pangnilalaman

-Ang guro ay magtatanong nang mga sumusunod ayon sa pabulang


binasa pagkatapos ipaliliwanag ng guro ang mga elemento ng pabula
(tauhan,tagpuan,banghay, at aral).

Sino ang mga pangunahing tauhan sa pabula?

Anu-ano ang mga katangian ng binata sa pabula?

Ano ang pakay ng binata sa kabundukan?

Sinu-sino ang mga pumipigil sa binata?

Bakit kinakatakutan ang puting tigre?

Ano ang sikreto ng binata kung bakit siya nagtagumpay?

Ano ang mahalagang aral na iyong napulot mula sa pabula at paano mo


ito maipakikita?

-Tatawagin ang mga mag-aaral upang sagutin ang mga katanungan.

4. Pagsusuring Pampanitikan

-Ang guro ay aatasan ang mga mag-aaral na maghanap nang kapareha.

Panuto: Suriin ang pabulang pinamagatan na "Ang Puting Tigre" at


tukuyin ang mga elemento ng pabula.

c) Pangwakas na Gawain
1. Sintesis

-Bilang paglalagom, ang guro ay magbibigay ng gawaing pang-indibidwal.

Panuto: Maghanap ng ibang pabula at suriin ang mga elemento nito.

I. Tauhan

II. Tagpuan

III. Banghay o Buod

IV. Mahalagang Aral


2. Ebalwasyon

Panuto: Gumawa ng isang pabula at basahin as harap ng klase na


malakas.

IV. Pagpapayamang Gawain

Panuto: Basahin ang akda para sa susunod na talakayan.

1. Ako si Jia Life, Isang ABC (sanaysay)

You might also like