You are on page 1of 1

Tuloy kayo sa MRDA at matuto,

pagpasok n'yo rito kayo ay matututo.

Tuloy kayo at malinang, lalong maging talentado,

sa gabay ng mga guro, lalong magiging bibo.

Sayaw, awit, sining, ano man ang iyong talento,

siguradong mahuhubog, gagaling dito.

Tuloy kayo at malinang, lalong bubuti sa kapuwa,

malaman ang wastong paraan ng pakikisalamuha.

Matutuklasan disiplina at magagalang na salita,

tiyak na lahat sila sa iyo ay mapapahanga.

Tuloy kayo at malinang, tara sa ikalawang tahanan.

Dito kung saan marami kang matututuhan.

Makakikilala rin ng mga bagong kaibigan,

lagi tayong pumasok sa ating minamahal na paaralan

Paaralan na ginabayan ka

Paaralan na tinulungan ka

Paaralan kung sa'n nagsimula

Paaralan, lugar na nagbigay saya

MRDA, katuwang sa pagsulong ng dekalidad na Edukasyon

Kaagapay sa kabataan sa magandang kinabukasan

You might also like