You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Oriental Mindoro
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL

Agosto 08, 2022

Eleanor N. Nieva
Senior Education Program Specialist
Social Mobilization and Networking Section
Schools Division Of Oriental Mindoro

Madam:

Pagbati ng kapayapaan!

Ang Kagarawan ng Edukasyon ay naglunsad ng programa bilang bahagi ng Brigada Eskwela


2022, ito ay ang Brigada Pagbasa. Kaugnay nito, ang bawat paaralan ay naatasang magsagawa
ng sariling programa kaugnay ng pagbasa sa asignaturang Ingles at Filipino. Kasabay nito, ay
maglulunsad din ang paaralan ng programa para sa kasanayan sa pagbilang sa larangan ng
Matematika.

BIlang pakikiisa, ang paaralan ng Fe del Mundo National High School ay ipagpapatuloy ang
nasimulang programa nang nakaraang taon at ilulunsad ang bagong bersyon, ito ay ang Project
AGAP 2.0 “Anak Gagabayan at Aalalayan Kita sa Pagbasa at Pagbilang”. Ito ay naglalayong
matukoy ang mga mag – aaral na nangangailangan ng interbensiyon sa larangan ng pagbasa sa
asignaturang Ingles at Filipino gayundin sa kasanayan sa pagbilang sa Matematika at matulungan
silang mapaunlad ang kanilang kasanayan.

Kaya naman, malugod po namin kayong inaanyayahan upang makiisa sa makabuluhang proyekto
na aming ilulunsad. Ito po ay gaganapin sa ika – 15 ng Agosto, 2022 araw ng Lunes sa ganap na
ika – 8 :00 ng umaga sa ating paaralan.

Inaasahan po namin ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.

Maraming Salamat po.

Sumasainyo,

GERMELIN M. CASAO
Principal III

FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: B. del Mundo, Mansalay, Oriental Mindoromailto:oriental.mindoro@deped.gov.ph
Contact Numbers:09685235341,09685235427,09685235418, and 09125267681
Email Address: 301631 @deped.gov.ph
Social Media Page: a. Facebook - https://www.facebook.com/fdmnhs
b. YouTube- Fe del Mundo NHS (Region IV-B - Oriental Mindoro) - YouTube

You might also like