You are on page 1of 2

Score Weight Ave.

Buwanang Pagsusulit: Unang Markahan K 15%


P 25%
Pangalan: _____________________ U 30%
P 30%
Seksyon: _____________________
Gen. Ave.
Tagapagsulit: _____________
Lagda ng magulang __________________

Unang bahagi: Pagtamo


A. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng nakasalunguhit na matalinghagang salita sa bawat pangungusap.
_____ 1. Halos lumiyad ang dibdib ni Pedro sa mga papuring naririnig niya sa kanyang mga kakalse.
a. nagmamagaling b. madurog ang puso c. nagmamalaki d. lumaki ang ulo
_____ 2. Ang mga papuri ni Karla ay labis na nakapagpapataba ng puso ng kanyang ina.
a. a. nakapagpapagana b. nakapagpapalusog c. nakapagpapasaya d. nakakabighani
_____ 3. Naiwang nagkakamot ng ulo ang bata dahil sa pagkawala ng kanyang pagkain.
a. nasiraan ng ulo b. nangangati ang ulo c. walang nagawa d. sumakit ang ulo
_____ 4. Sa isang kisap mata ay nawala ang perang pinaghirapan niya.
a. iglap b. kislap c. kurap d. sandali
_____ 5. Umuwing lulugo-lugo ang kawawang bata.
a. lokong-loko b. malungkot c. may sakit d. naghihinayang

B. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
may tamang pagkagamit ng salitang nakasulat ng madiin.
_____ 1. a. Nagpunta sa parang ang mga magkakapatid upang mamitas ng bulaklak.
b. Si Marko ay parang nilalagnat.
c. Lulugo-lugo si aso na parang nalugi.
d. “Parang hindi ka kumain?” tanong ni Ana sa kaibigan.

_____ 2. a. May galak sa pisngi ng sanggol nang makita niya ang ina.
b. Nawawala ang galak ni tatay na ginagamit niya sa bukid.
c. Ang sulat ay nagalak sa mga sinabi ng binata sa dalaga.
d. Nakaramdam siya ng galak nang lusubin siya ng mabangis na aso.

_____ 3. a. Dinagit ni Aling Miling ang kanyang anak sa paaralan.


b. Nawala sa saliri ang ina nang madagit ng mga kidnaper ang kanyang anak.
c. Tuwang-tuwa ang ibon sa kanyang bagong nadagit na pugad.
d. Nadagit ni Asyong Agila ang tipak ng karne sa likod ng bahay.

_____ 4. a. Naglalaro si Alfred nang patibong siyang nalaglag sa hukay.


b. Ang pambobola ni Rico sa kaklase ay patibong lang pala upang makuha ang pagkain.
c. Hindi masarap ang patibong na tinitinda ni Aling Bebot.
d. Nahulog sa patibong si Mando habang kumakanta sa paligsahan nang pag-aiwt.

_____ 5. a. Sakmal sa galit ang tatay nang malamang nadaya siya ng nagtitinda.
b. Sakmal ng aso ang karne habang mabilis itong tumakbo palayo.
c. Sinakmal ng bubuyog si Andoy habang nagpapahinga sa ilalim ng puno.
d. Sa sobrang uhaw, dali-daling sinakmal ng bata ang malamig na tubig sa baso.

Pangalawang bahagi: Pagpapakahulugan


B. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang
pinakamalapit na paliwanag tungkol dito.
_____ 1. Sinasabing nabiktima ni aso si uwak para makuha ang pagkain. Totoo kaya ito?
a. Oo, dahil napunta sa kanya ang pagkain.
b. Oo, dahil malungkot na umuwi sa uwak.
c. Oo, dahil patibong lang pala ang mga papuring sinabi niya kay uwak para mamuka ang pagkain.
d. Hindi, dahil nag-isip siya ng paraan para makuha ang pagkain.

_____ 2. Makatwiran ba ang paggamit ng mga hayop bilang pamalit sa tauhan ng mga kwento?
a. Oo, upang maitago ang personalidad ng tao sa hayop at magising sa maling gawain
b. Oo, upang magkaroon naman ng bahagi ang mga hayop sa panitikan
c. Hindi, dahil kawawa naman sila
d. Hindi, dahil wala silang kinalaman sa kwento para sa tao
_____ 3. Anong katangian ang ipinakita nn uwak nang mapaniwala siya sa mga matatamis na salita ni aso?
a. madaling bumigay ang kanyang damdamin
b. madaling mapanilawa sa pambobola
c. sadyang mabait lamang ito
d. maawain sa mga kapwa hayop na nagugutom
_____ 4. Ano ang maaaring mangyari kung hindi agad naniniwala sa matatamis na salita ang isang dalaga?
a. maiiwasan ang mga mambobola
b. maiiwasang mabiktima ng mga manloloko
c. matututong mangatwiran sa maling paraan
d. magtatagumpay sa mga pangarap sa buhay
_____ 5. Ano ang naramdaman mo nang malaman mong nawala din kay aso ang karneng inagaw lamang niya?
a. natuwa dahil parang nakabawi na rin si uwak
b. natuwa dahil madali din pala siyang maloko
c. natuwa adahil parehong walang napala sa pagkain
d. natuwa dahil naagaw di sa kanya ang pagkain

Pangtlong bahagi: Paglilipat


Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Piliin ang pinakamainam na mabubuong solusyon
sa mga sumusunod na sitwasyon.
_____ 1. Ikaw ay naiwang mag-isa sa inyong bahay. May lalaking tumawag sa inyong telepono at nagsasabing
ipadala sa LBC ang pera ng nanay mo na nasa aparador dahil naaksedente siya. Sabi pa ng lalaki, dapat
ipangalan sa kanya ang pera upang mailabas nito kaagad. Ano ang una mong gagawin?
a. Tatawagin ko ang aking kapatid upang magpatulong sa paghulog.
b. Magpapasalamat sa kanya sa impormasyon.
c. Hindi ko sya papansinin dahil parang nanloloko siya.
d. Tatawagan ko ang aking ina o ama upang alamin ang totoong nangyari.
_____ 2. Inutusan kang magdeposito ng nanay mo ng pera sa banko. May nakatabi kang tao na nagsasabing
hihiramin sandali ang pera mo para pangdeposito para makuha niya ang mas malaking pera na ipapalit sa pera
mo. Ano ang gagagwin mo?
a. Hindi ko ipapahiram ang pera ko dahil hindi ko sya kilala.
b. Hindi ko na lang siya papansinin.
c. Sisigaw ako ng saklolo sa mga gwardya.
d. Tutulungan ko siya dahil kawawa naman.
_____ 3. Ikaw ay namamasyal sa bago ninyong nilipatang lugar gamit ang iyong “bike”. May nakilala kang
kapwa mo bata at gusto niyang subukan ang “bike” mo dahil gandang-ganda siya rito. Ano ang gagawin mo?
a. Ipapahiram ko sa kanya dahil gusto kong magkaroon ng bagong kaibigan.
b. Hindi ko sya papahiramin dahil baka itakas niya ito.
c. Sasabihin kong na lang na hinahanap na ako ng nanay ko kahit hindi naman.
d.Ipagpapaalam ko muna sa nanay ko bago ko ipahiran ang aking “bike” sa sinu man.
_____ 4. Nalaman mo na isa sa mga kaklase mo ay mahilig manghiram ng gamit pero hindi na niya ito
ibinabalik. Nalaman mo rin na puring-puri niya ang mga gamit mo. Ano ang gagawin mo kung sakaling
hihiramin niya ang mga ito?
a. Hindi ko siya papahiraman kahit kalian.
b. Sasabihin kong gagamitin ko mamaya kahit hindi pa naman.
c. Ipaaalam ko muna sa aming guro ang nabalitaan ko bago ako gagawa ng hakbang.
d. Kakausapin ko siya at sasabihing mali ang ugali niya.
_____ 5. Naglalaro ka sa inyong bakuran nang may nagtanong sayo at hinahanap ang nanay mo subalit kaaalis
lamang nito. Nagpakilala siyang kababata niya ang nanay mo at gusting-gusto na niyang makita ito kaya
nakiusap na hintayain nalang niya ang nanay mo sa loob ng bahay nyo. Papapasukin mo ba sya?
a. Oo, dahil kilala niya ang nanay ko.
b. Oo, baka pagalitan ako ng nanay ko kapag hindi ko siya pinapasok.
c. Hindi, baka siya ay magnanakaw.
d. Tatawagan ko muna ang nanay ko upang malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo.

You might also like