You are on page 1of 2

ANG MALAKING PASASALAMAT SA MUSIKA

Nagkaroon ng matinding problema ang bayan nina laura, ang mga tao ay

nagkakagulo, hindi nagkaka-isa, hindi nagkakaunawaan, nagtatalo-talo dahil sa iba’t-

ibang opinion. Magkaka-away at hindi nagpapansinan ang halos sa kanyang mga

kababayan. Isang gabi, napaisip si laura kung papaano nila masosolusyunan ang hindi

pagkaka-isa ng kanilang buong kumunidad, nanalangin itosa diyos at kinabukasan

habang naglilinis si laura ngkanilang bahay, natapik niya an regalo sakanya ng

kanyang tatay na guitar, lumabas siya sakanilang bahay at naisipang patugtugin ito.

Namangha ang kanyang mga kapit bahay sa musikang kanyang nabuo, ang tunog nito

ay nakaka-indak, sa sandaling iyon nagpalakpakan ang lahat at nakalimutan ang

kanilang mga galit.

Sa sumunod na araw pumunta sa bahay nina laura ang kanyang kaibigan na si

caloy, bitbit ang kanyang beatbox at ipinadinig ni caloy angkanyang tugtog kay laura,

na inaral niya dahil sa nabalitaan niyang magandang tunog na ginawa ng kanyang

kaibigan. Nagustuhan ito ni laura at agad narin niyang kinuha ang kanyang gitara

upang sabayan si Caloy sa pagtugtog, nag-ensayo ng nag-ensayo ang magkaibigan at

nagresulta ito ng isang napakagandang musika. Nagging katuwaan nina Laura at Caloy

ang pagtugtog ng kani-kanilang mga instrument at naisip nila ibahagi sa lahat ang

kanilang talento.

Nagsimula silang mag-gitara at magbeatbox sa labas ng bahay nina laura,

parami narin ng parami ang mga nakikinig sa kanila. Habang tumutugtog ang

magkaibigan naisipan ni clarita na sabayan ang kanilang tugtog ng isang kanta kasama

ang napagandang niyang tinig. Ang lahat ay hangang-hanga sa ipinakita sa ipinakita

ng tatlo, nagsimula narin sumayaw ang lahat ng tao. Ang lahat ay napakasaya,

nagsasayawan at nag-aawitan, nilabas narin nila ang kanilang mga pagkain para

ibahagi sa lahat. At ditto nagsimula ang kanilang pagkaka-isa, laking tuwa nina

Laura,Caloy at Clarita dahil sa kanilang ginawa ay nasolusyunan ang problema ng

kanilang bayan. At simula noon taon-taon na nila ginagawa ito.


FILIPINO

You might also like