You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

SUMMATIVE TEST IN ESP 7


I. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag at punan ng tamang sagot ang bawat bilang.

Kapayapaan konsiyensiya likas na batas moral


Universal eternal puso
Kaalaman edukasyon objective
immutable

1. Ang __________ay nakaangkla sa isip ng isang tao.

2. Ang ______________ay taglay mo at ng lahat ng tao mula nang ikaw ay likhain.

3. Nakatanim ang batas na ito sa iyong __________ at isip na siyang tumutulong upang maunawaan mo ang tama at
mali.

4. Ang batas moral ay hindi nangangailangan ng pormal na ____________ o pag-aaral upang malaman ang mga
nakasaad dito.

5. Ang katangiang _______________ ng Likas na Batas Moral ay hindi nagbabago.

6. Ang katangiang____________ ay hindi naapektuhan ng pagsunod o hindi pagsunod ng tao dahil nakasalig ito sa
realidad at sa katotohanan.

7. Ang konsensiya ay nangangahulugang “with knowledge” o may ______________.

8. Ang katangiang __________ ng batas na ito ay walang katapusan.

9. Ang katangiang __________ ng batas moral ay sumasakop sa lahat ng tao, ano man ang pinanggalingang lugar,
kultura, lahi o komunidad. Nagaganap ito sa lahat ng panahon.

10. Makapamumuhay ka nang may pag-ibig, kagalakan at __________kung palaging pakikinggan ang konsiyensiya.

II. PANUTO: Basahing mabuti at isulat ang TAMA O MALI.

_________11. Ang tao ay may likas na hilig na ingatan ang kanyang buhay.

_________12. Ang tao ay nagtataglay ng kakayahan na alamin ang mabuti at masama.

_________13. Ang konsensiya ay nangangahulugan na kung ang isang tao ay may kaalaman sa isang bagay, naipakikita
niya ito sa pamamagitan ng kaniyang kilos.

_________14. Ang Likas na Batas Moral ay kusang bumubukal sa taong tulad mo.

_________15. Ang konsensiya ay ang batayan ng Likas na Batas Moral sa pag-alam ng tama o mali.

_________16. Ang kalayaan ay isa sa mga dahilan kung bakit mayroong Likas na Batas Moral.

_________17. Ang layunin ng Likas na Batas Moral ay ang magsilbing patnubay sa pagpili nang tama at mabuting
desisyon sa buhay.

_________18. Napakahalaga na sa bawat pagpili mo sa mga bagay na dapat gawin ay laging isaalang-alang ang gawaing
patungo sa kabutihan.

_________19. Ang batas moral na ito ay naglalayon na ikaw ay mapabuti at makaiwas sa masama.

_________20. Ang katangiang universal ng Batas Moral ay nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.

Submitted by: Checked by:

HEIDEE S. MATIAS LIGAYA T. CASTILLO


Teacher I Principal I

You might also like