You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

Department of Languages
PANGHULING PASULIT sa Fil. 101

Pangalan: ____________________ Iskor: ___/65_


Instruktor: EMMANUEL R. WALES, LPT, MAFLT (CAR) Petsa: 06/10/2022

I-Panuto: Isulat ang NEMSU kung ang pahayag ay may magandang idudulot.
TANDAG CAMPUS kung walang kabuluhan ang pahayag. (x2)

1. Ang sawikaan ay isang mahahalagang proyektong nagtatampok sa pamimili ng


pinakamahahalagang salita na namayani sa diskurso ng mga Filipino sa nakalipas
na taon.
2. Ayon sa DepEd Advisory Order No. 61 s. 2016, kung saan ang Komisyon ng
Wikang Filipino ay magsasagawa ng Pambansang Kongreso sa
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.
3. Mapalawak ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang at mapalakas
ang wika.
4. Makapagpamalas ng mataas na modelo ng pagsasagawa/paghahanda ng
kagamitang panturo.
5. Ayon sa mga linggwist at edukador, hindi posibleng makakuha ng karunungan sa
pamamagitan ng isang wikang hindi intelektwalisado.
6. Ayon sa mga pangkat akademik, ang guro ang kailangang intelektwalisahin para
magamit niya ang wika sa pagtuturo at pagkatuto.
7. Sa taong 1937, Idineklara ang Tagalog bilang batayang wikang pambansa.
8. Sa taong 1976, Pagrebisa ng ABAKADA at Patnubay sa Pagbaybay.
9. Sa taong 1987-2001, Pagbuo ng mga diskyunaryo at glosaryo.
10.Huwag magturo ng Filipino kung walang libro o material na nakasulat sa Filipino.

II-Panuto: Basahin ang pahayag na may malalim na pag-unawa. Ibigay o Ipaliwanag


ang mga sumusunod na may husay at talino.
1. Isang hamon sa kasalukuyan sa mga Pilipino ang pagpapayaman ng
wikang Filipino. Bilang isang mag-aaral na nagpapadalubhasa sa Filipino, Ano
ang iyong imumungkahi upang maiintelektwalays ang wikang Filipino? Magbigay
ng limang mungkahi at Ipaliwanag ang bawat mungkahi. (2 pts. Bawat mungkahi
na may paliwanag)
2. Sa Kasalukuyan, ang Filipino ay kinakaharap ang napakaraming
problema, kung kaya, hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak
nitong landas tungo sa intelektwalisasyon. Magbigay ng limang problema
at ipaliwanag ang bawat problema. (2 pts. Bawat problema na may paliwanag)
3. Para maisakatuparan ito, pangunahing pangangailangan sa
intelektwalisasyon ang manunulat sa kurikulum at mga teksbuk at
isang idyomang pedagojikal sa Filipino. Ano ang inyong sariling
pagpapakahulugan sa IDYOMANG PEDAGOJIKAL? Palalimin ang iyong pagbibigay
kahulugan. (10 pts.)
4. Ipaliwag ang mga sumusunod at magbigay ng isang halimbawa: (5 pts. Bawat
isa)
a. Intellectualized Languages of Wider Communication
b. Confined, Independent and Intellectualized National Languages
c. Developing National Languages

You might also like