You are on page 1of 40

FILIPINO

GRADE 7

Key Stage 3 SLM

1 PIVOT 4A CALABARZON Filipino


G7
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning
Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na
walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property
Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


PIVOT 4A Learner’s Material
Ikatlong Markahan
Unang Edisyon, 2021

Filipino
Ikapitong Baitang

Job S. Zape, Jr.


PIVOT 4A SLMs Development Lead
Renante R. Soriano & Adelia Malitao
Content Creator & Writer
Elena L. Lopez & Jedie A. Mendoza
Internal Reviewer & Editor
Jedie A. Mendoza
Language Editor
Maria Reyell S. Zacal, Maricel P. Sotto & Joseph E. Jarasa
SDO Reviewer
Fe M. Ong-Ongowan, Johncris V. Sabado & Roy C. Escalon
Layout Artist & Illustrator
Jhucel A. del Rosario & Melanie Mae N. Moreno
Graphic Artist & Cover Designer

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Patnugot:


Francis Cesar B. Bringas

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na


madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang Filipino. Ang mga bahaging
nakapaloob dito ay sinigurong naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito.
Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang may
tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga sumusunod na aralin.
Salamat sa iyo!

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang
sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong sa iyong magulang o tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng aralin,


Panimula

pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita


ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at
kasanayang kailangan para sa aralin.
Suriin

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa mag-aaral. Ang
(Development)
Pagpapaunlad

karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong


magpapaunlad at magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC.
Tuklasin Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi
pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan.

Pagyamanin

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-


aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad sa
pagbuo ng kanilang mga Knowledge Skills at Attitudes (KSA) upang
Isagawa
makahulugang mapag-ugnay- ugnay ang kaniyang mga natutuhan
Pakikipagpalihan
(Engagement)

pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng


bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain sa buhay na
magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang
produkto o gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga
Linangin
kasanayan at konsepto.

Iangkop

Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa


proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon, pananaw, o
Isaisip pagpapahalaga upang makalikha ng mga piraso ng impormasyon na
(Assimilation)

magiging bahagi ng kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong


Paglalapat

repleksiyon, pag- uugnay o paggamit sa alinmang sitwasyon o


konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha ng
mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng
pagkakataong pagsama-samahin ang mga bago at dati ng natutuhan.
Tayahin

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng


mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at
mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang
kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran
ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at
TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


WEEK
1 Ponemang Suprasegmental
I Aralin

Inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay maipaliliwanag mo ang kahalagahan ng paggamit


ng ponemang suprasegmental at ang kaibahan nito sa ponemang segmental.
Ang mga ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga yunit ng tunog na
karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong
ponemiko upang makahulugang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang
suprasegmental ay ang diin, intonasyon at hinto.
Diin. Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin. Sa
Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding
kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig. Tulad nito:
/ba:hay/ - tirahan /kaibi:gan/ - friend
Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na dinidiinan,
karaniwang nababago ang kahulugan ng salita. Tulad nito:
/ba:lah/ - bullet /kaibi:gan/ - companion
/bala/ - threat / ka:ibigan/ - lover

Intonasyon. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na


maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa, kung
saan ipinahihiwatig ng pagtaas o pagbaba ng tinig.

 Pagsasalaysay/paglalarawan
Dumating sila kanina.Maganda talaga si Rona.
 Masasagot ng OO o HINDI
Totoo?
Sila iyon, di ba?
 Paghahayag ng matinding damdamin
Naku, may sunog!
Hoy! Alis dyan!
 Pagbati
Kumusta ka?
Magandang umaga po
 Pagsagot sa tanong
Oo, aalis na ako.
Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 6


Hinto o antala. Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaaring huminto nang
panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap, at maaari rin sa katapusan na ng pangungusap
ang paghinto. Sa pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang
katapusan ng pangungusap. Sa mga pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang
saglit na paghinto at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang
kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa pangungusap.

Tito Juan Anton ang pangalan niya.//


(Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.)
Tito/ Juan Anton ang pangalan niya.//
(Kinakausap si Tito, o kaya’y isang tiyo, at ipinakikilala Si Juan Anton)
Tito Juan/ Anton ang pangalan nya.//

Basahin at unawain ang teksto sa pahina 198-199 mula sa Panitikang Rehiyunal-Ikapitong


Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2017, Muling Limbag 2020. Sagutan ang mga
katanungan na makikita sa pahina 199 sa iyong sagutang papel.

Basahin at unawain ang teksto sa pahina 200-201 mula sa Panitikang Rehiyunal- Ikapitong
Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2017, Muling Limbag 2020. Gawin ang
pagsasanay 1 sa pahina 201-201. Sagutan ang mga katanungan sa iyong sagutang papel.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang
tamang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

/bu:kas/, /bukas/
1. na tayo maligo sa ilog.
2. pa kaya ang simbahan hanggang mamayang gabi?
/bu:hay/, /buhay/
3. Ang wika ay kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.
4. Kumain ng gulay upang humaba ang .
/sa:ya/, /saya/
5. Hanggang ngayon ay nagsusuot ng ang lola ko.

7 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Piliin ang titik ng wastong sagot. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang angkop na pahayag gamit ang tono bilang


patunay na masaya ka sa iyong pagbabago?
A. Nagbago na ako. C. Nagbago na ako!
B. Nagbago na ako? D. Nagbago na, ako.
2. Ipinakikilala mo ang iyong ama sa iyong mga kasama.
A. Tinyente Juan Tomas ang aking ama. /
B. Tinyente Juan Tomas? / ang aking ama.
C. Tinyente Juan/Tomas/ang aking ama.
D. Tinyente Juan, Tomas, ang, aking, ama.
3. Itinuturo mo na si John Carlo ang kumain ng tinapay.
A. Hindi si John Carlo, ang kumain ng tinapay.
B. Hindi si John, Carlo, ang kumain ng tinapay.
C. Hindi, si Julie Pearl, ang kumain ng tinapay.
D. Hindi si John Carlo ang kumain, ng tinapay.
4. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na
maaaring maghudyat ng kahulugan sa pahayag.
A. tono B. diin C. haba D. intonasyon
5. Ito ang nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipahatid sa kausap.
A. tono B. diin C. haba D. intonasyon

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng intonasyon, tono at punto sa pagbigkas?


2. Bakit kailangang isaalang-alang ang haba at diin sa pagsasalita?
3. Bakit mahalagang magamit ng tama ang ponemang suprasegmental? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalaga ang tamang paghinto kapag nagsasalita o nagbabasa?
5. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga simbolo gaya ng kuwit at tuldok?

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 8


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin ang uri ng bigkas sa patinig ng pantig batay sa
kahulugang nakatala. Gamitin ito sa pangungusap. Sundan ang
halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
kaibigan (friend) /kaibi:gan/

Pangungusap: Maasahan sa oras ng pangangailang ang tunay na kaibígan 1.kasama

(companion)
Pangungusap:

2. paso (flower pot)


Pangungusap:

3. paso (expired)
Pangungusap:

4. manonood (watcher)
Pangungusap:

5. manonood (to watch)


Pangungusap:

A
Ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala o hinto) sa
pamamagitan ng isang diyalogo. Gumamit ng wastong bantas upang maipakita ang wastong hinto o
antala sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

————————————————————————————————————————-

————————————————————————————————————————-

————————————————————————————————————————-

————————————————————————————————————————-

9 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


Mga Tula/Awiting Panudyo, Tugmaang de Gulong,
Palaisipan at Bugtong
Aralin
I
Hangad ng aralin na ito na magabayan ka upang maunawaan ang mga
aralin sa linggong ito. Sa pagpapatuloy ng aralin, ikaw ay inaasahang:
- Makapagbibigay ng mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at
palaisipan, at
 Makapaghahambing ng mga katangian ng tula/awiting panudyo,
tugmang de-gulong at palaisipan.
Bilang panimula, basahin mo ang sumusunod na tugmaan nang may
wastong ritmo.
1. Santo Niño sa Pandakan Puto
seko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang Uubusin ka ng
langgam
2. Bata, batuta, nagsuot sa lungga Hinabol
ng daga
3. Ano ang nakikita mo sa gitna ng dagat?
4. Di matingalang bundok
Darak ang nakakamot Sagot.Basahin at unawain ang sumusunod:
Karunungang Bayan
Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipaha- yag ang mga
kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Nakatutulong ito sa pag- angkin ng kamalayang
tradisyunal na nagpapatibay ng pagpapa- halagang kultural.

Tula/Awiting Panudyo, Tugmang De Gulong at Palaisipan


Tula/Awiting Panudyo
Ang awiting panudyo o tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan
na ang kayarian ay mga sukat (measure) at tugma (rima). Layunin nitong uyamin o manudyo. Ito rin
ay nagpapahayag na ang mga ninuno natin ay may makulay na buhay nang bata pa sila.

Halimbawa:

Sitsiritsit alibangbang Mama, Mama, namamangka


Salaginto Salagubang Ang Pasakayin yaring bata Pagdating
babae sa lansangan sa Maynila Ipagpalit ng manika.
Kung gumiri’y parang tandang. Ale, Ale, namamayong
Santo Nino sa Pandacan, Pasukubin yaring sanggol
Puto seko sa tindahan Pagdating sa Malabon Ipagpalit
Kung ayaw kang magpautang ng bagoong.
Uubusin ka ng langgam.

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 10


Tugmang de gulong
Ang tugmang de gulong ay mga paalalang makikita sa mga pampublikong sasakyan gaya
ng dyip, traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang nakatutuwa, nanunudyo,o
di kaya naman ay mayroon talagang makabuluhang mensaheng nais iparating sa mga pasahero.
Karaniwan ding inihahango ang mga tugmang ito sa mga kasabihan o salawikaing Pilipino.

Halimbawa
1. God knows Hudas not pay.
2. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto,
3. Sambitin ang ‘para’ para ang dyip ay huminto.
4. Basta drayber, siguradong sweet lover.
5. Bayad muna, bago sukli

Bugtong at Palaisipan

Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na


nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).
May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman
tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-
alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa
kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit
sa tanong o sa sagot.

Halimbawa:
Hindi hari, hindi pari ang suot ay sari-sari.
Sagot: Sampayan

Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang


katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa
pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.
Kadalasang nililikha ang mga palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang
magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin — sa mga ganitong kaso, ang
kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagang ambag sa pagsaliksik sa matematika.
Halimbawa
Anong mayroon sa aso na mayroon din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit
mayroon sa manok, na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka?

11 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang mga katangian ng sumusunod batay sa iyong binasa sa itaas
a. Tula/ Awiting Panudyo-
b. Tugmang de Gulong-
c. Bugtong-
d. Palaisipan-
2. Anong kultura ng mga Pilipino ang ipinakikita sa mga karunungang bayang nabanggit?
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo mapananatili ang mga kulturang bayan na
mayroon tayo?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang sumusunod na bugtong at palaisipan.


1. Heto na si Kaka, Pabuka-bukaka Sagot:
2. Isang supot ng uling, Naroroo’t bibitin bitin. Sagot:
3. May ulo’y walang buhok,
May tiyan, walang pusod Sagot:
4. May sampung aso sa itaas ng gusali, May
nakita silang pusa sa ibaba, Tumalon sila sa
gusaling iyon.
Ilan ang natira? Sagot:
5. Anong tinapay ang hindi kinakain ang gitna? Sagot:

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Paghambingin ang mga katangian ng sumusunod na
karunungang bayan. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito at ilagay sa venn diagram sa
ibaba.

Tula/ Awiting Panudyo Tugmang de Gulong

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

PAGKAKATULAD

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 12


Bugtong Palaisipan

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

PAGKAKATULAD

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Bakit mahalagang pag-aralan at matutuhan ang mga akdang pampanitikan na tulad ng mga ito?
2. Paano sumasalamin sa kultura at uri ng pamumuhay ng mga tao at sa kalagayang panlipunan
ang nilalaman ng tugmang de gulong, tulang panudyo, palaisipan at bugtong?
3. Masasabi mo bang may likas na talinong taglay ang ating mga ninuno
batay sa mga anyong ito ng panitikan? Paano mo ito mapatutunayan?

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magsaliksik at pumili ng tig-iisang tulang panudyo,
tugmang de gulong, palaisipan, at bugtong sa bawat bilang. Alamin ang kahulugan ng pangunahing
ideya o mensahe na ipinapahayag ng mga tulang ito? Isulat sa nakalaang espasyo sa ibaba.

1. Tulang Panudyo
Pangunahing ideya o mensahe

2. Tugmang de Gulong
Pangunahing ideya o mensahe

3. Palaisipan
Pangunahing ideya o mensahe

4. Bugtong
Pangunahing ideya o mensahe

13 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


WEEK
3 ng Salita sa Paraang Pagpapangkat, Denotasyn/Konotasyon at Kasin
hulugan

Aralin
I
Inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay maipaliliwanag mo ang
kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, ayon sa kasingkahulugan at kasalungat nito. Masusuri mo sa larawan sa
ibaba ang isang madalas na mababasa na pahayag, ang kahulugan nito at maging ang
pagkakapangkat ng mga ito.

Inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay makasusulat ka ng sariling tula/awiting panudyo,


tugmang de gulong, at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

Bahagi na ng matandang panitikan ng Pilipinas ang panitikang pasalita. Ito ay may anyong
panulaan, tuluyan, at dula. Nahahati sa dalawang kategorya ang tradisyong patula: panugmaang
bayan at kantahing-bayan.

Ang anyong panugmaang-bayan ay taludturan o dadalawahing taludtod lamang, dili


kaya’y apaludturan o aapating taludtod lamang ang bumubuo sa isang saknong.

Bawat taludtod ay may sukat (bilang ng pantig) at tugma (ang hulihan ay


magkakasintunog). Mula rito ay nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo,
tugmang de-gulong, bugtong at palaisipan, at iba pang kaalamang- bayan.

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 14


Basahin ang bawat pahayag, ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang nakalimbag ng
pahilis sa pamamagitan ng pagpapangkat sa mga ito. Gayahin ang anyo at isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Aleng maganda, mamang matikas,


sa dyip ko'ymagsiksikan nang mapadali sa pupuntahan.
Pagpapangkat:

2. Pasaherong masaya, tiyak na may pera.


Si mamang drayber swerte siya,
pag-uwi maligaya,
may pagkaing dala-dala para sa pamilya.
Pagpapangkat: .

Basahin mong mabuti ang mahalagang impormasyon tungkol sa pagpapangkat upang mas
maunawaan ang aralin.

Maaaring mapalawig pa ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pangpapangkat


ng iba pang salita na may kaugnayan dito. Nakatutulong ito upang lumawak pa ang ating
bokabularyo o kaalaman sa iba’t ibang salita. Sa paraang ito, ang mag-aaral ay
nagkakaroon din ng pagkakataon na magamit ang dating kaalaman o madagdagan pa sapagkat
maaaring makabuo ito ng bagong konsepto o kaisipan bilang kahulugan sa mga salita o pahayag.
Gayundin, maaaring isaalang-alang ang pagkakategorya ng salita upang mapadali ang pagpapangkat
sa mga salita.
Suriin ang sumusunod na salita. Magtala ng dalawa pang salitang kapangkat nito ayon sa
kahulugan at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa: haraya- imahinasyon, ilusyon
Paliwanag: Ang salitang haraya ay likha ng isip. Ang imahinasyon at ilusyon ay
parehas na likha din ng ating malikot na isipan.

1) paalala-

2) mensahe-

3) paglalakbay-

4) panunudyo-

5) makita-

15 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang isang halimbawa ng awiting panudyo.
Ipaliwanag kung ano ang kahulugan ng mga salitang nakalimbag sa sumusunod na pahayag batay sa
konotasyon at denotasyon. Magtala ng tig-isa lamang sa bawat bilang.

Denotasyon – literal na kahulugan ng salita


Konotasyon – malalim na kahulugan ng salita.

Bakya mo, Neneng, luma at kupas na Ngunit


may bakas pa ng luha mo, Sinta; Sa alaala’y
muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.
Ngunit, irog ko, bakit isang araw ,
Hindi mo ginamit ang bakya mo, aking hirang
Sa wari ko ba’y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.
Ang aking pag-asa’y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan. Kung inaakalang ‘yan ang
munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang, Ang aliw ko kailan man.

1. luha Denotasyon:
Konotasyon:

2. pumanaw Denotasyon:
Konotasyon:

3. hirang Denotasyon:
Konotasyon:

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 16


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pahayag batay sa
denotasyon at konotasyon.
1. Ako ay isang lalaking matapang. Huni ng tuko ay kinatatakutan. Ano ang
denotasyon ng pahayag?
A. duwag
B. matapang
C. nagbabalat-kayo
D. nagtatapang-tapangan

2. Kung ayaw kang magpautang, uubusin ka ng langgam. Ano ang konotayson ng pahayag?
A. kasakiman
B. kawalan ng tiwala
C. pagiging madamot
D. pagmamalasakit sa kapwa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin ang angkop na kasingkahulugan o kasalungat ng


mga nakasalungguhit na salita. Ipaliwanag naman kung ano ang kahulugan nito.
Kasingkahulugan- katulad o kapareho ang ibig sabihin
Kasalungat- ang ibig sabihin ay kabaliktaran

1. Magandang binibini, ikaw ay bulaklak sa mata ko, diyosa ng puso ko, sakit ng bulsa ko.
A. makapangyarihan
B. bathala
C. maganda
D. matalino

2. God knows Hudas not pay.


A. taksil
B. masama
C. tuso
D. mayabang

3. Sa alaala’y muling nagbalik pa, ang dating kahapong tigib ng ligaya.


A. kalungkutan
B. kahirapan
C. pagdurusa
D. pag-iisa

17 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Matapos na basahin at unawain ang mga
impormasyon tungkol sa aralin ay subukan mong bumuo ng sarili mong
halimbawa ng tula.

TULA TUGMANG DE GULONG PALAISIPAN

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: May paligsahan ang inyong paaralan para sa pagsulat ng
tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. Bahagi ito ng proyekto ng Departamento ng
Filipino sa inyong paaralan na makapagtipon ng iba’t- ibang panitikang naglalarawan sa
pagkakakilanlang Pilipino. Lahat kayo sa inyong klase ay naatasan ng inyong gurong
lumahok sa paligsahan kaya’t kailangan mong paghusayan ang iyong paggawa. Gamitin lahat
ng kaalamang natutuhan sa pagbuo ng sariling akda gayundin ang rubrik na makikita sa ibaba.

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos

May orihinalidad 5 puntos

Akma sa paksa ang mga saknong na na- buo 5 puntos

May maayos na paglalahad ng kaisipan 5 puntos

Gumamit ng masining na mga salita 5 puntos

Kabuuang Puntos 20 puntos

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 18


Katangian at Elemento ng Mito, Alamat,
at Kuwentong Bayan
Aralin

I
Inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay masusuri mo ang mga katangian at elemento ng
mito, alamat, at kuwentong bayan mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga
tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspetong pangkultura.
Basahin ang mga impormasyong makatutulong upang lubos na maging malinaw ang aralin.

Kahulugan at Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan

Alamat-ito ay mga salaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay o pook.

Kuwentong-bayan- ito ay mga pasalin-salin na salaysay tungkol sa kultura,


pamumuhay, at karanasan ng isang lugar o pangkat.

Mito- ito ay mga kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.

Mga Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong Bayan

Panimulang pangyayari - dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin.
Ang Tauhan – karakter sa kuwento
Tagpuan – lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kuwento Suliranin – problemang kinaharap ng mga karakter sa kuwento
nguni biglang papawiin ng isang masamang pangyayari.

Papataas na pangyayari - sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning nagpapasidhi sa interes o
kapanabikan.

Kasukdulan-pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.

Pababang pangyayari - sa bahaging ito nalutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.

Resolusyon - sa bahagi ng mga ito nagkakaroon ng kuwento ng isang


makabuluhang wakas.

19 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


Pangunahing Katangian ng mga Alamat

1. Fantasy
Ang genre ng panitikan na ito ay puno ng pantasya na sinabi bilang katotohanan, ang katangiang
ito ay nagbibigay ng maraming kahulugan sa mga alamat at kung bakit sila. Pinapayagan nitong
mag-alinlangan ang taong may pag-aalinlangan sa katotohanan ng impormasyong isinalaysay sa
alamat, at ginagawang higit itong hindi matanggal sa mga kultura.
2. Tradisyon
Naihatid ang mga ito mula sa henerasyon hanggang sa henerasyon bilang isang lokal na
tradisyon, ang mga anak ng mga bata ay palaging malalaman ang parehong alamat salamat sa
pananatili ng pareho alinman sa pamilya o sa lokalidad kung nasaan sila.
3. Kasaysayan
Palaging may isang kuwentong sasabihin, ang parehong isa ay pinalaki at manipulahin ng mga
pangyayaring hindi pangkaraniwan at ang isa na nagiging puntong pagbabago sa loob ng
salaysay.

Ang kabalintunaan ay ang mga pangunahing kuwento ng mga alamat ay naganap sa


pagkiling, lamang na sila ay pinalalaki ng mga kamangha-manghang elemento.

Katangian ng Mito
Narito ang mga katangian na pumapaloob sa mga kuwentong mitolohiya:
1. Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.
2. May mga hindi ordinaryong karakter.
3. Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.
4. Ang mga pangyayaring nagaganap ay taliwas o iba sa mga pangyayaring nagaganap sa tunay na
buhay.
5. IIto ay nag uudyok ng pagbabago sa kaasalan o pagkilos.
6. Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.
7. Ito ay balot ng hiwaga.
8. Mahalaga sa mito ang tapatan ng mga bagay, gaya ng araw at gabi.
9. Ito ay nagbibigay tuon sa wika. Ang mga bayani ng mito ay naglalahad ng kuwento gamit ang
sopistikadong wika.
10. Ito ay karaniwang nakabatay sa metapora. Nagpapakita ito ng paralelismo sa tunay na buhay.

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 20


Apat na Katangian ng Kuwentong Bayan

1. Ito ay lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila.


Pasalindila -> paraan ng pagsasalita o pagkukuwento
2. Ito ay nása anyong tuluyan (dire-diretso o hindî patula) at naglalaman ng kaugalian at tradisyon
ng lugar kung saan ito nagmulâ.
3. Ito ay naglalahad ng mahihiwagang bagay o pangyayari katulad ng isang ibong nangingitlog ng
ginto, diwata, Diyos o Diyosa, anito, kapre at iba pang elemento, sirena, syokoy, atbp.
4. Ito, higit sa lahat, ay naglalaman ng gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nangyayari
sa paligid.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang tamang terminolohiya para sa grupo ng
larawan pagkatapos ay ilahad ang katangian ng salitang iyong mabubuo.

1.

2.

3.

1. Ano ang iyong naging damdamin sa natapos na gawain?


2. Sa anong akdang pampanitikan makikita ang mga tauhan at kaisipan sa
ating gawain?

21 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang alamat. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.

Si Mangita at si Larina
(Buod ng Alamat ng Water Lily)

Maraming taon na ang nagdaan mula nang manirahan ang isang mangingisda sa pampang
ng Laguna de Bay. Mayroon siyang dalawang anak. Si Mangita at Larina. Kapwa napakaganda ng
dalawa. Si Mangita ay isang mabait na dalaga na mahal ng lahat, siya ang katulong ng ama sa
pagtatahi ng lambat nito. Si Larina naman ay isang tamad na dalaga, na walang ginawa kundi
mag- suklay ng kanyang buhok. Hindi maganda ang kanyang ginagawa sa mga paruparo. Dahil sa
kanyang masamang ugali siya ay iniwasan ng mga tao.
Isang araw mayroong dumating na pulubi sa kanilang bakuran na humi- hingi ng makakain.
Ngunit ito ay tinulak at sinigawan ni Larina. Natumba ang matanda at nasugatan. Nang marinig ni
Mangita ang ingay ay agad siyang pu- munta. Doon, nakita niya ang matandang pulubi na sugatan,
kanya itong ginamot at binigyan ng makakain. Sinabi ng pulubi kay Mangita na di niya ma-
kalilimutan ang tulong na binigay nito sa kanya at ito ay umalis na.
Pagkaraan ng ilang taon ang kanilang ama ay pumanaw dahil sa sakit na lumalaganap. Si
Mangita ay naghanapbuhay upang silang magkapatid ay may- roong makain. Nakiusap siya kay
Larina na tumulong sa kanya upang lumaki ang kanilang kita ngunit wala itong ginawa. Ang
paglaganap ng sakit ay nagpat- uloy pa rin kung kaya si Mangita ay nagkasakit din. Lumala nang
lumala ang kanyang sakit. Hindi siya inalagaan ni Larina kung kaya patuloy siyang nanghina.
Ngunit nang siya ay malapit ng mamatay, ang matandang pulubi ay bumalik at siya ay sinubuan
ng buto at bahagyang gumaling. Bago umalis ang matanda binilinan nito si Larina na subuan si
Mangita ng buto oras-oras upang ito ay tuluyang gumaling. Ngunit itinago ni Larina ang buto sa
kanyang buhok. Hinayaan niyang lumala muli ang sakit ni Mangita.
Muling bumalik ang matandang pulubi, tinanong niya si Larina kung gina- wa nito ang
ipinagbilin niya. Sumagot ito ng oo. Noon sumabog ang liwanag ng matandang pulubi at naging
diwata. Sinabi nito ang ginawang mali ni Larina kung kaya ito ay kanyang parurusahan. Mula sa
araw na iyon siya ay luluhod sa ilalim ng lawa upang magsuklay nang masuyod ang mga buto na
tinago niya sa kanyang buhok. Si Mangita ay isinama ng diwata sa kanyang tahanan. Mula nga
noon dahil sa walang tigil na pagsuyod ni Larina ng kanyang buhok sa ilalim ng lawa ang mga buto
ay sumibol at lumutang sa lawa.

(Julian, Ailene B. et al. Pinagyamang Pluma 7, Phoenix Publishing House 2015)

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 22


Suriin ang mga elemento ng alamat ayon sa mahahalagang pangyayari sa akda. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
A. tauhan
B. tagpuan
C. suliranin
D. kasukdulan
E. katapusan
_ 1. Maraming taon na ang nakalilipas, sa pampang ng Laguna de Bay ay may
naninirahang isang mahirap na mangingisda at ang kanyang pamilya.
2. Nagkasakit si Mangita at walang ginawa si Larina para gumaling ang kaniyang
kapatid sa halip ay hinayaan niyang lumala ang kalagayan nito.
3. Dahil sa pagkamuhi ni Larina sa kanyang kapatid ay itinago nito ang mga buto sa
kanyang buhok. Lumala nang lumala ang sakit ni Mangita hanggang sa tuluyan
itong nanghina.
4. Kapwa napakaganda ng dalawang anak bagama’t magkaibang- magkaiba
ang kani- kanilang mga katangian. Si Mangita ay mabait at mapagbigay habang ang
kanyang kapatid na si Larina ay ubod ng tamad at malupit.na mangingisda at ang
kanyang pamilya.
5. Pinarusahan ng diwata si Larina dahil sa ginawa nitong masama at
isinama naman si Mangita sa kanyang tahanan upang doon na tumira.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriin ang mga pangyayari sa akda ayon sa katangian ng
alamat at magbigay ng patunay. Magsulat ng patunay sa iyong sagot.

Pangyayari Katangian ng Alamat Patunay

1. Tumindi ang inggit at selos na


nararamdaman ni Larina sa
kanyang kapatid na si Mangita.

2. Ang pang-aalipusta sa kapwa


tulad ng ginawa ni Larina sa
pulubi.

3. Bilang parusa, si Larina ay


nasadlak sa ilalim ng lawa at
walang tigil na sinusuyod ang
mga tinagong buto sa kanyang
buhok.

23 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


WEEK 5

Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at Wakas


Aralin

I
Hangad ng aralin na ito na magabayan ka upang lubusang maunawaan ito. Inaasahan na
nagagamit ng wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, git- na at wakas.

Mga salita para sa Simula:


Alam Nyo ba? Sabi ng ilan..
Isang Araw… Isang pahayagan ang nagsabi..
Naranasan ninyo na ba ito? Kung Alamin natin ang mga sagot sa..
ikaw ay nasa..

Mga salita para sa Gitna:

Ito ang ilan sa … Ito ang mga paraan..


Ayon sa.. Kabilang sa..

Mga salita para sa Wakas


Tunay na Determinado
tayong.. Repasuhin natin.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang pagkakagamit ng salitang hudyat sa panimula,
gitna at wakas sa mga pahayag. Lagyan ng bilang 1-3.
Ang sumunod na pangyayari sa buhay ni Maria ay lubhang masaya. Sa gayong
pagkakasabay ay nagkabunggo sila ni Gat Dula at nagkatama ang ka- nilang mga mata. Subali't sa
taglay na kayumian ni Maria'y nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng paggalang. Buhat noo'y
naging matalik na silang magka- kilala hanggang sa nakaraan ang ilang pagbibilog ng buwan ay
nahiwatigan nilang sa ubod ng puso'y may tinitimpi silang pagmamahal.
Noong unang panahon ay may engkantadang naninirahan sa Makil- ing. Si Maria
na kaisa-isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon. Si Maria'y hindi taga-lupa, bagama't
siya'y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal.
Ang pagsusuyuan, sa nilakadlakad ng mga araw ay hindi nalihim sa kaalaman ng
ama ni Maria. Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging tunay na
kinapal. Sa wakas ay nagsimula ang pagka- kahiwalay ng mga bathala at madlang tao.

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 24


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahing mabuti ang mito ng mga Ifugao. Tukuyin ang
mga salitang hudyat sa panimula, gitna at wakas at isulat sa sagu- tang papel na katulad ng graphic
organizer sa ibaba.

Bakit Kulang ang Liwanag ng Buwan?


Noong una’y matalik na magkaibigan sina Buwan at Araw.
Alam ni Buwan na maraming humahanga at nagmamahal sa kanya at ito’y naging
daan ng pagiging palalo niya. Sinasabi niyang lagi kay Araw na mas mahal siya ng mga tao dahil
siya ang hinihingian ng mga ito ng tulong samantalang siya ay di matitigan ng mga ito. Lihim na
nainis si Araw sa kayabangan ni Buwan, Nag
-isip siya kung paano makakaganti kay Buwan. Naanyayahan ang dalawa sa isang kasayahan
sa Nundaul at sila’y nagpaunlak. Maraming nainom ang Buwan kaya’t siya ay
nalasing. Niyaya siya kunwari ni Araw para umuwi ngunit dahil nga sa kalasingan ay
di na nakaya ni Buwan ang sarili. Pinauna na niya si Araw.
Nanguha ng maraming kabibe sa dalampasigan si Araw at ang mga iyon ay
kanyang dinurog mabuti. Inilagay nya ang mga ito sa isang sako. Ibinitin ni Araw ang sako sa isang
punong kahoy na alam niyang uusyusuhin ni Buwan pagdaan nito.
Tulad ng inaasahan ni Araw, naintriga si Buwan sa nakitang nakabiting sako. Pinilit
niyang kalagin yaon ngunit di niya makalag-kalag kaya’t tinusok niya ang ilalim ng
nakabiting sako. Bumuhos ang laman ng sako sa mukha niya. Humingi siya ng saklolo at
dinaluhan naman ng mga anak niyang bituin at tala. Labis na napinsala ang isang mata ni
Buwan at di na ito makakita.
Mula noon, lumamlam na ang liwanag ng Buwan sapagkat iisa na ang
kanyang matang nagbibigay ng liwanag.
PANIMULA GITNA WAKAS

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ano ang inyong mga plano sa buhay pagkatapos ng
sekundarya? Gumawa ng makabuluhang talata na naglalahad ng iyong mga hangarin sa buhay gamit
ang mga panandang hudyat ng panimula, gitna at wakas.

25 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


WEEK 6

Pangunahin at mga Pantulong na Kaisipan


Aralin
I
Inaasahan sa araling ito na maibubuod mo ang tekstong binasa sa tulong
ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan.

Basahin at unawain ang pagpapaliwanag tungkol sa sanaysay, talata at mga pangunahin at


pantulong na kaisipan.

Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman


ng personal na opinyon ng may-akda.

Talata – binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay. Ito ay binubuo ng


pangunahing paksa (PP) at mga pantulong na detalye (PD).

Diwa – ang kaisipan na binibigyang diin at pundasyon sa isang talata. Dito umiinog ang
kabuluhan ng isang sulatin.

Pangunahing Kaisipan – ito ay tumutukoy sa diwa ng buong talata. Ito ang


pinakapundasyon ng isang buong talata.

Mga Pantulong na kaisipan – mahahalagang kaisipan o mga susing


pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.
Halimbawa:
Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema nang dahil sa
salapi. Ang aking asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din
siyang lumabas sa gabi upang magsugal kung kailan naman ako ay tulog na. Napapadalas din ang
pagsakit ng aking dibdib dahil sa paulit-ulit naming sagutan. Naaapektuhan na ang aming mga anak
dulot ng aming palagiang bangayan. Bukod doon, madalas ay hindi na nabibigyan ng pambaon ang
mga bata dahil madalas kaming kinakapos. Mahirap ang buhay may asawa lalo kung walang
pakikiisa’t pagtutulungan.

Pagpapaliwanag: Ang pangungusap na nakabold ay ang pangunahing kaisipan, at ang mga


nalalabi sa talata ay mga pantulong na kaisipan. Ang unang pangungusap ay nagpapakita ng
pangkalahatang diwa ng mga sumusunod pang pahayag sapagkat ang ikalawa hanggang sa dulong
pangungusap ay tumutukoy sa problema nilang mag-asawa na inihayag sa naunang pangungusap.

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 26


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pansinin ang larawan na nasa ibaba. Sa isang kaganapang
pansilid, madalas mapag-usapan ang kahalagahan ng isang tahanan. Sa tatlo hanggang limang
pangungusap, ilahad at ipaliwanag ang parte ng bahay na may pinakamalaki at pangunahing papel
sa isang tahanan (hal. Haligi, hagdan, bubong atbp.)

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang isang talata tungkol sa Buhay at
gampanan ang sumusunod na gawain.
Buhay
ni Bb. Latorsa
Ang buhay ay isang regalong kaloob ng Maykapal – isang misteryo, isang sorpresa. Ang
bawat araw at hininga ay tilamsik ng bagong pag-asa. Namumuhay tayo sa entabladong hindi natin
mawari kung kailan magbubukas o magsasara ang tabing. Kung kailan dapat ngumiti, umiyak,
ngumiwi, humalakhak, ngumisi sa harap ng mga tagamasid. Ang bawat bukas ay palaisipan at ang
bawat umaga ay simula ng pagkilatis sa buong maghapon. Napakasarap isiping sa araw-araw ay
may bagong kaganapan, matututunan, taong makikilala na maaaring maging bahagi ng ating unang
kabanata o ng ating buong aklat. Pinahahalagahan ng tao ang buhay tulad ng isang di inaasahang
keyk sa ating hapag tuwing kaarawan. Mas nakatutuwa ang mga tagpong di natin inaasahan.
Gayunpaman, kalakip ng mga tandang pananong sa ating isipan sa umaga, ay magtutuldok din
pagdating ng dapithapon.

Piliin ang titik ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat bilang tungkol sa talatang binasa.
1. Saan matatagpuan ang pangunahing kaisipan sa talatang binasa?
a. Unang pangungusap c. Ikalimang pangungusap
b. Ikatlong pangungusap d. Huling pangungusap
2. Saang bahagi matatagpuan ang pantulong na kaisipan sa talatang binasa?
a. Unang pangungusap c. Ikalimang pangungusap
b. Ikatlong pangungusap d. Huling pangungusap

27 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


3. Ano ang pinakapapel ng pantulong na kaisipan sa talata?
a. Bilang pamparami at pampahaba sa nilalaman ng talata
b. Bilang mga panakip sa puwang ng pinakangunahing paksa
c. Bilang pantulong at karagdagang impormasyon tungkol sa paksa.
d. Bilang pantulong at pampalalim ng paksa upang mas kaayaayang basahin.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawaing mabuti ang talata at sagutin ang gawain
sa susunod na pahina.

Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng
lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito
ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Madaming pangyayari
ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakaroon ng sariling wika ng mga
Pilipino ay nagdulot ng epekto sa atlong henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa
pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang
sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang
bawat pangkat dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging
daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat
mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon
ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas
positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa
lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba'tibang paniniwala. Sa
kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga
programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa
mga ahensya ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at
paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng mga
Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika.

Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika.
Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng
lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod
na henerasyon. Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 28


Paikliin/ibuod ang teksto nang hindi nawawala ang diwa nito. Gamitin ang mga natutuhan mo
tungkol sa pangunahin at pantulong na kaisipan. Likumin lamang ang pinakamahahalagang
impormasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran

29 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


WEEK 7

Dulang Pantelebisyon
Aralin
I
Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay masusuri mo ang mga elemento at
sosyohistorikal na kontekstong napanood na dulang pantelebisyon. Gayundin, ang paggamit ng
wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.
Basahin at unawaing mabuti ang mga impormasyong makatutulong sa pagkaktuto sa araling
ito.
Dulang Pantelebisyon- Ito ay tumutukoy sa mga programa palabas sa telebisyon o mga
produksyong medya. Ito ay isinilang noong 1926 sa bansang Britanya at 1927 sa Amerika.
Nakarating ito sa bansang Japan noong 1928. Ang kauna- unahang kompanya ng mga telebisyon sa
bansang Pilipinas ay ang Bolinao Electronics C.
Mga Palabas Sa Telebisyon
Dulang Seryeng-Pantelebisyon – ito ay mula sa konsepto o istorya na nakabatay sa iskrip at
kadalasang pinapalabas gabi-gabi o linggo-linggo.
Telenovela – isang uri ng seryeng-pantelebisyon na kung saan umiikot ang kuwento sa buhay
ng bida.
Pulis at Imbestigasyon – ito ay ukol sa pagsolba ng mga pulis at imbestigador sa mga
nangyayaring krimen.
Anime o Cartoon – ito ay mga ginawa ng industriyang pang-animasyon. Ang
anime ay mula sa Asya samantalang ang cartoons ay mula sa Amerika. Programang Semi-
Iskripted – isang interaktibong programa at nagbabago-bago ang daloy ng palabas na ito.
Talk Show o Palabas na Usapan – ito naman ay may host na nakikipag-usap sa mga
sikat na tao.
Komedi-Serye – ito naman ay nakapokus sa katatawanan.
Medikal Drama – ito naman ay hango sa kuwento ng mga tauhan sa ospital.
Legal Drama – tumutukoy sa pinagdadaanan ng tao.
Fantaserye – kadalasang may elemento ng pantasya, mahika, ekstraordinaryong pangyayari o mga
kamangha-manghang abilidad.
Tele-Pambata – ito naman ang serye na ang pokus ay puro bata.
Sci-Fi o Science Fiction – mga serye na may elemento ng teknolohiya at kadalasan ang
kuwento ay mga pangyayari sa hinaharap.
Sitcom – katulad ng komedi-serye, ito ay nakakatawa pero gaya ng talk show, ito ay nasa studio
set.
Game Show – ito ay mga palabas na may mga laro at may papremyo.
Reality TV Show – ito naman ay mga palabas na susubok sa katatagan,
prinsipyo at disiplina ng mga kalahok.
Balita at Serbisyo Publiko– ito ay sumusuri sa mga elemento at sosyohistorikal na
konteksto ng napanood na dulang pantelebisyon.
konteksto ng napanood na dulang pantelebisyon.
Primetime Balita – ito ay mga balita sa buong araw at pinalabas bago ang primetime sa gabi.
Flash Report – ito naman ay mga ulat o pangyayring ipinapakita agad-agad sa mga manonood.
Dokumentaryo – Ito naman ay nakatuon sa kapakanan ng mga mamamayan at
ang buhay ng mga tao sa lipunan.
TV News Magazine – ito naman ay napapanahong isyu sa lipunan at matalimang sinusuri ng mga
broadkaster sa TV.

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 30


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Panoorin ang isang eksena sa pelikulang “Anak”
mula sa YouTube at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Kung hindi napanood ang nasabing
pelikula, pumili ng isang dulang pantelebisyon na iyong napanood at doon mo ibatay ang iyong
kasagutan sa mga tanong sa ibaba. https://youtu.be/wHuptbWoJik

1. Ilarawan ang katangian ng mga pangunahing tauhan sa iyong napanood.


2. Ayon sa iyong napanood, ano ang naging suliranin ng pangunahing tauhan?
3. Angkop ba ang mga larawan na ipinakita, gayundin ang tunog at musika sa dulang ito?
4. Naging maayos ba ang mga dayalogo ng mga tauhan? Ipaliwanag.
5. Aling bahagi ng napanood ang iyong hinangaan ? Bakit?

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Alamin kung anong elemento ng dulang
pantelebisyon/dokumentaryong pelikula ang binanggit. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

A. Sequence Iskrip D. Pananaliksik or Research G. Pag-edit


B. Sinematograpiya E. Disenyong Pamproduksyon
C. Tunog at Musika F. Pagdidirehe

1. Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan at linya ng mga


diyalogo.
2. Napapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit, at sitwasyon para
sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
3. Ito ay pagpuputol at pagdurogtong-dugtong muli ng mga tagpo
upang tayain ang hindi dapat na isama.
4. Mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo.
5. Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa manonood
ang pangyayari sa bias ng ilaw at lente ng kamera.

31 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahing mabuti ang pangungusap. Salungguhitan ang
panghalip na ginamit bilang panghalili sa tinitukoy. Matapos nito ay tukuyin kung nasa panandang
anapora o katapora ang pangungusap.
1. Kung makikita mo si Gabriel, pakisabi na gusto ko siyang makausap.
2. Kinausap ko si Mariano, sinabi ko na ang kanyang ginawa ay kahanga-hanga.
3. Si Juana ay dumalaw sa paaralan upang kamustahin ang kanyang dating mga
kaibigan.
4. Hindi alintana ni Miguel ang hirap ng buhay dahil para sa kanya hindi ito hadlang upang siya ay
magtagumpay.
5. Ang saloobin ng kabataan ay mahalagang pakinggan dahil ito ang maaring maging basehan
upang sila ay matulungan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gamitin ang mga salita sa ibaba at bumuo ng pahayag na
may panandang anaporik at kataporik.
a. mag-aaral – sila
b. Sam – siya
c. Magulang – sila
d. Siya – pulis
e. Siya – Clara

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Paano nakakatulong ang pagsusuri ng kalagayang panlipunan ng


dokumentaryong pampelikula sa pag-iintindi ng nais iparating ng palabas?

2. Sa anong paraan nakatutulong ang elemento ng dulang/ dokumentaryong pantelebisyon tulad


ng tunog at musika at sinematograpiya?

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 32


WEEK 8

Pagsusuri ng Balita
Aralin
I
Inaasahang sa pagtatapos ng araling ito ay masusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng
balita at matukoy ang mga datos na kailangan sa paglikha ng balita ayon sa napakinggang
halimbawa.

Basahin at unawaing mabuti ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin.

Balita
Ang balita ay isang ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga pangyayaring naganap na,
nagaganap o magaganap pa lamang na nagtataglay ng kawilihan at nagbibigay ng mahalagang
impormasyon sa mambabasa o makikinig. Ito’y may ganap na kawastuhan, makatotohanan,
walang kinikilingan at kawili-wili.
Ang balita ay may dalawang bahagi- ang pamatnubay (lead) at katawan (body).
Ang pamatnubay ay ang panimula ng balita. Maaaring ito’y isang salita lamang, isang
parirala, isang sugnay, isang maikling pangungusap o isang buong talata. Ang katawan ng balita ay
ang detalyadong pagpapaliwanag sa mga nabanggit na ulat sa pamatnubay sa ayos na pababang
kahalagahan o baligtad na piramide.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita


1. Isulat ang buod.
2. Itala ang mga pangyayari sa pababa o pahupang kahalagahan.
3. Unahin ang pinakatampok.
4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod- sunod ng pangyayari.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Balita


1. Isulat kaagad ang balita pagkatapos makalap ang mga ulat o detalye.
2. Bigyang- diin ang nagging ibabaw na pangyayari.
3. Maging tumpak.
4. Iwasan ang magbigay ng opinion.
5. Banggitin ang pinagmulan.
6. Isulat ang buong pangalan ng tao sa unang pagkakataon.
7. Ilahad ang mga pangyayari nang walang kinikilingan.
8. Gumamit ng maikling salita at pangungusap kung maaari: sang ideya, isang talata.
9. Iwasan ang pagpading.
10. Sumulat ng mabisay pamatnubay. Huwag ilagay ang lahat ng 5Ws sa
simulang pangungusap.
11. Sundin ang mga tuntunin sa istilong pamamahayag.

33 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


Balita - mga napapanahon o makatotohanang pangyayari na naganap, nagaganap at magaganap pa
lamang sa loob at labas ng bansa. Sinasagot ag mga tanong na SINO, SAAN, BAKIT, KAILAN,
ANO at PAANO. Maaaring maibahagi sa paraang pa- salita, pasulat at pamapaningin.
Pasalita - kung ang ginawang midyum ay ang radio at telebisyon Pasulat- kung ito ay ipinalimbag
sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin.
Pampaningin - kung ang misyum ay ang telebisyon at sine.

Mga Katangian ng Balita Kahalagahan ng Balita


1. Kawastuhan 1. Nagbibigay-impormasyon
2. Katimbangan 2. Nagtuturo
3. Makatotohanan 3. Lumilibang
4. Kaiklian 4. Nakapagpapabago

Turok bago lisensya? FDA payag na sa 10k Sinopharm doses ng PSG


James Relativo (Philstar.com) - February 11, 2021 - 1:35pm

MANILA, Philippines — Binigyan na ng pahintulot ng Food and Drug Administra- tion (FDA) ang
Presidential Security Group (PSG) na gumamit ng ilang bakuna mula Tsina laban sa coronavirus
disease (COVID-19) kahit na hindi pa ito nabib- igyan ng emergency use authorization (EUA) at
rehistro sa bansa.

Ang balita ay ibinahagi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang media briefing ng
Palasyo, Huwebes.

"Nag-issue po ng compassionate use license ang ating FDA para sa 10,000 dosage ng Sinopharm,"
wika ni presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes ng um- aga sa isang media briefing. "Ito
po ay sang-ayon sa application ng ating Presiden- tial Secrutiy Group o PSG."

Ngayon lang ibinigay ng FDA ang "compassionate use license" kahit Setyembre 2020 pa lang ay
nagturok na ng bakuna sa sarili ang PSG habang wala pa itong EUA sa Pilipinas. Iligal din na ini-
smuggle ang Chinese COVID-19 vaccines noon.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang mahahalagang datos mula sa na- pakinggang
balita sa pamamagitan ng pagsagot sa: Ano, Kailan, Saan, Bakit at Paano?

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 34


Gawain ng Pagkatuto Bilang 2: Panuorin at unawain ang video na makikita sa youtube
tungkol sa napapanahong balita. Maaari din po na ipabasa ang balita sa sinumang kasama sa bahay.
https://www.youtube.com/watch?v=VMH-j_mZGVU
Batay sa bidyong napanood, sagutan ang mga katanungan sa iyong sagutang
papel.
1. Tungkol saan ang napanood/ napakinggang balita?
2. Mabisa ba ang pagkakabuo ng balita?
3. Bigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa napanood na balita at gamitin ito sa
pangungusap.
A.Tiniyak
B.Prayoridad
C.Bakuna
D. Kontra
E. Inilaan

E
Gawain ng Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang isang halimbawa ng
napapanahong balita at tukuyin ang mga mahahalagang datos na nakapaloob.

Bagong COVID-19 variant, nasa Pilipinas na nga ba?


Umabot na sa mas maraming bansa ang bagong variant ng COVID-19 virus na unang
nakita sa United Kingdom (UK). Ang unang kaso nito sa Amerika ay mula sa isang lalaking wala
umanong travel history habang naitala ng Taiwan ang unang kaso nito mula sa isang
pasaherong umuwi galing Britain noong LInggo. Umabot na rin ang bagong variant sa Chile
mula sa isang b a b a e n g g a l i n g sa London noong
nakaraang lingo.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakatutok na ang Philippine
Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at National Institutes of
Health ng UP sa pagsusuri ng mga sample ng COVID-19 patients. Ayon sa executive director ng
Philippine Genome Center na si Cynthia Saloma, nasa laboratoryo na nila ang mga sample.
“Pinagsabay-sabay natin ‘yung mga sample ng nag-positive sa airport, pati na
rin November at December samples…Probable middle of January or after the
first week of January malalaman natin kung meron tayo o wala.” ani Saloma.
Dagdag ni Saloma, kailangan pang aralin kung epektibo pa rin ang mga nadevelopnang
bakuna laban sa bagong variant ng COVID-19.
Sa palagay ni Saloma, hindi maiiwasan ang pagpasok ng bagong variant
sa bansa bagaman mapipigilan ang pagkalat nito kung maika-quarantine agad ang mga biyehero.
Nasa 20 bansa na kabilang ang UK at US ang sakop ng travel restrictions na nagsimula na
ngayong araw at tatagal hanggang Enero 15 para maiwasan ang pagpasok ng bagong variant.

35 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


1. Saang bansa unang nagsimula ang kaso ng bagong COVID-19 variant?
a. Taiwan c. United Kingdom
b. Amerika d. Chile
2. Ilang bansa na ang tinatayang kabilang sa travel restrictions para maiwasan ang pagpasok ng
bagong variant?
a. 10 b. 15 c. 20 d. 30
3. Ayon kay Cynthia Saloma, Executive Director ng PGC, paano mapipigilan ang pagdami ng
kaso ng bagong COVID-19 variant sa bawat bansa?
a. magpabakuna bago magbiyahe
b. maika-quarantine agad ang mga biyahero
c. isang lingo bago magbiyahe ay kailangang magpa-SWAB test
d. iwasan hanggat maaari ang magbiyahe muna sa ibang bansa
4. Ayon kay Sec. Duque III, alin sa mga sumusunod na institusyon sa Pilipinas
ang sumusuri sa mga bagong pasiyente ng COVID-19 variant?
a. Department of Health
b. Philippine General Hospital
c. Philippine Genome Center
5. Mula sa PGC, sino ang namumuno sa pagsusuri ng mga bagong sample patients?
A. Pang. Rodrigo Duterte C. Executive Director Cynthia Saloma
B. Sec. Francisco Duque III D. Asst. Sec. Maria Rosario Vergeire

Gawain ng Pagkatuto Bilang 4: Suriin kung paano ginamit ang mga salita sa napakinggang
balita. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
1. Suriin kung paano ginamit ang acronyms sa balita.
2. Suriin kung kailan dapat isusulat ang buong pangalan ng taong sangkot sa
balita. Ang hindi buong pangalan?
3. Paano dapat isulat ang mga pangyayari sa isang balita?

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Makinig ng balita sa radyo o telebisyon. Isulat ang mga
mahahalagang detalye tungkol sa balitang iyong napakinggan. Pagkatapos ay sumulat ng isang balita
batay sa iyong nakuhang datos. Huwag kalimutang sundin ang mga hakbang at paraan sa pagsulat ng
isang balita. Sundin ang pamantayan na nakatala sa ibaba.

Pamanatayan sa Pagsulat ng Ulat-balita


a. Kawatuan at pagkamkatotohanan 20%
b. Nakapaloob ang mga tanong na Sino, Ano, Paano, Kailan,Saan, at Bakit 60%
c. Angkop sa Gawain 20%
Kabuuan 100%

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 36


Susi sa Pagwawasto

WEEK 1 WEEK 2

WEEK 3 WEEK 4

WEEK 5 WEEK 6

WEEK 7 WEEK 8

37 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


Personal na Pagtataya sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging
karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel
ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang
gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang
hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito
nang maayos o mahusay.

Gawain sa Pagkatuto
Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto
Blg. 3 Blg. 3 Blg. 3 Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang
linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para saWeeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng
magkaparehong ,, ?.

PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7 38


Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with


Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and
Instruction Strand.

Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all


Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of
Education Region 4A CALABARZON.

39 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G7


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Villag

You might also like