You are on page 1of 2

PARA SAYO ANO ANG INTERNATIONAL DAY OF PEACE?

JEAH 1: “ANG International Day of Peace, kilala rin sa tawag na World Peace Day, ay
ginugunita sa buong mundo tuwing Setyembre 21 ng bawat taon upang kilalanin ang mga taong
nagtrabaho nang husto upang maresolba ang hindi pagkakasundo at itaguyod ang kapayapaan,
pagtibayin ang mga mithiin ng kapayapaan sa lahat ng bansa at sa mamamayan nito. Ito ang
araw ng tigilputukan—personal man o political”
PAANO ITO GINUGUNITA?
LALAINE 1: “ito ay ginugunita ng may musika, sayaw, drama, interfaith ceremony, lakad sa
kapayapaan, community prayers, peace tree planting, pagbabasa mula sa iba’t ibang kultura, at
white candle lighting ceremony.
SAAN DINARAOS ANG INTERNATIONAL DAY OF PEACE?
JEAH 2: Bawat taon, pinatutunog ang Peace Bell sa United Nations (UN) headquarters sa New
York City bilang pagsisimula ng araw; ang kampana ay gawa sa mga barya na inihandog ng mga
bata mula sa lahat ng kontinente. Ibinigay bilang regalo ng UN Association of Japan bilang
“reminder of human cost of war,” at may nakatatak sa kampana ng: “Long live absolute world
peace.”
DAISY 1: Dagdag ko lang po, ang tema para sa taong ito ay “Partnership for Peace- Dignity for
All” na layuning pagtuunan ang kahalagahan ng sama-samang pakikipagtulungan upang maabot
ang kapayapaan. Ang pagsusulong ng kapayapaan sa kumunidad at sa buong mundo ay
nakabatay sa kooperasyon at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga gobyerno, civil society, mga
pribadong sektor ng lipunan, faith-based groups, non-government organizations, at ang kanilang
suporta para sa UN na matupad ang kanilang mithiin.
KAILAN ITINATAG ANG INTERNATIONAL DAY OF PEACE?
LALAINE 2: Isang resolusyon sa UN ang nagtatag sa International Day of Peace noong 1981.
Ang unang World Peace Day ay ipinagdiwang noong 1982 at ito ay ginugunita tuwing ikatlong
Martes ng Setyembre ng bawat taon hanggang 2002, ang Setyembre 21 na ang naging
permanenteng petsa. Idineklara ng UN na dapat gunitain ang araw bilang global ceasefire at
walang bayolentengmaging makabuluhan ang World Peace Day taun-taon, na nilalahukan ng
milyong tao.
DAISY 2: Ang kapayapaan ay sitwasyon ng pagkakatugma sa pamamagitan ng kawalan ng
karahasan. Iminumungkahi nito ang pagkakaroon ng malusog at bagong paghihilom ng
interpersonal o international relationships, socio- economics na kaunlaran, pagkakapantay-
pantay, at pagtatrabaho nang maayos sa aspetong pulitikal para sa kapakanan ng lahat. Sa
relasyong pang-internasyonal, ang pagbubuno ng kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng
giyera o hindi pagkasundusundo, kundi ang presensiya ng kultura at pagkakaintindihan sa
ekonomiya at pagkakaisa ang kinakailangan.
JEAH 3: Ang paglipad ng puting kalapati na may tangkay ng oliba sa tuka nito ay simbolo ng
selebrasyon. Sa Judaism, Kristiyanismo at Islam, ang puting kalapati ay simbolo ng kapayapaan.
Ang kalapati ay kumakatawan sa “hope for peace” samantalang ang tangkay ng oliba ay pag-
aalay ng kapayapaan mula sa isang tao patungo sa isa. Kadalasan, ito ay kumakatawan sa isang
paglalakbay upang paalalahanan ang mga tao sa kanilang papel bilang tagapaghatid ng
kapayapaan.
SINO ANG NAGSULONG O NANGUNA SA PAGTATAG NG INTERNATIONAL DAY OF PEACE?

DAISY 3:
BAKIT MAHALAGA NA IPAGDAOS ANG INTERNATIONAL DAY OF PEACE?

LALAINE 3:

JEAH 4:

DAISY 4:

You might also like