You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN II

Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon,


Pansibiko, at Iba Pang Pagdiriwang

Mga Layunin

Natutukoy ang iba’t ibang pagdiriwang panrelhiyon,


pansibiko, at iba pang pagdiriwang.
Nasusuri ang pagkakaiba ng mga pagdiriwang
panrelhiyon, pansibiko, at iba pang pagdiriwang.
Naisa-isa ang mga pagdiriwang panrelhiyon at pansibiko
at iba pang pagdiriwang.
Naipapaliwanag ang mga dahilan at kahalagahan ng mga
pagdiriwang panrelhiyon, pansibiko, at iba pang
pagdiriwang.

Mga Kaisipan
Maraming mga mahahalagang araw ipinagdiriwang sa
bawat komunidad o sa ating bansa na nakatutulong nang
malaki upang makabuklod- buklod,magtutulungan, at
magkakaisa ang mga pamilya at mamamayan sa
komunidad.

Simulan Natin
Panuto: Suriin ang apat na grupo ng larawan sa ibaba at tukuyin kung
anog selebrasyon o pagdiriwang ang mga ito. Isulat sa
patlang ang sagot

1
ARALING PANLIPUNAN II

Tuklasin Natin
May mga mahahalagang araw na ipinagdiriwang sa
bawat komunidad o sa ating bansa. May dalawang uri ng
pagdiriwang- ito ang pagdiriwang panrelihiyon at pagdiriwang
pansibiko. Ang mga pandiriwang na ito ay nakatutulong nang
malaki upang magbubuklod ,magtutulungan, at magkakaisa
ang mga pamilya at mamamayan sa komunidad.

Dalawang Uri ng Pagdiriwang


1. Pagdiriwang na Panrelihiyon. Ito ay mga pagdiriwang batay
sa paniniwala at relihiyon. Isinasagawa ito sa iba’t ibang
buwan sa buong taon. Makikita dito ang kaugalian at
katangian ng Pilipino.
2. Pagdiriwang na Pansibiko. Mga opisyal na pagdiriwang na
ginugunita taon-taon. Ang mga petsa sa pagdiriwang na ito
ay karaniwang nakamarka ng pula sa kalendaryo.

Mga Pagdiriwang Panrelihiyon

Pasko
Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25
ng Disyembre. Ito ang araw ng
kapanganakan ni Hesus. Ang Pasko ay isa sa
pinakamasayang araw na ipinagdiriwang ng
mga Katoliko, lalo na sa mga bata, bilang
paghahanda, nagsasagawa ng Simbang
gabi sa loob ng siyam na araw bago mag-
Pasko.
Santa Cena
Ang Santa Cena o Banal na Hapunan ay
isang pagdiriwang ng relihiyong Iglesia Ni
Cristo bilang pag-alala sa pagpanaw ng
Panginoong Hesus.

2
ARALING PANLIPUNAN II

Ramadan
Ito ay paggunita ng mga Muslim sa
pagkakapahayag ng banal na aklat kay
Propeta Mohammed. Sa panahong ito nag-
aayuno ang mga Muslim. Higit na
pinagbubuti ng mga Muslim ang pagsunod
sa aral ng Islam na nakasukat sa Koran.

Semana Santa
Ang Semana Santa ay tinatawag ding
Mahal na Araw. Ito ay panrelihiyong
pagdiriwang ng mga Katoliko. Inaalala nila sa
mga araw na ito ang paghihirap, pagkamatay
at muling pagkabuhay ni Hesus.

Araw ng mga Patay at Kaluluwa


Tuwing unang araw ng Nobyembre ay
ginugunita ng mga Kristiyano ang Todos Lo
Santos o Undas. Ginugunita sa araw na ito
ang lahat ng mga santo na pinaniniwalaan
ng mga Katoliko. Ginugunita ito tuwing ika- 2
ng Nobyembre ang mga namayapang
kamag-anak.

Pista
Ang Pista ay ipinagdiriwang bilang
parangal sa santong patron ng isang bayan.
Ilan sa mga ito ay ang kapistahan ng Sto.
Nino, tulad ng Sinulog ng Cebu, at Ati-Atihan ng
Aklan, Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo,
San Isidro Labrador, Penafrancia, at iba pa.

3
ARALING PANLIPUNAN II

MGA PAGDIRIWANG PANSIBIKO

Araw ni Jose Rizal (Rizal Day)


Ang ating pambansang bayani na si Jose
Rizal ay binaril sa Bagumbayan o ang
tinatawag nating Luneta Park na
matatagpuan sa Maynila. . Bilang pag-aalala
sa kanyang katapangan ay inaalala natin
ang kanyang kabayanihan tuwing ika- 30 ng
Disyembre.
Araw ni Andres Bonifacio (Bonifacio Day)
Si Gat Andres Bonifacio ay taga Tondo,
Maynila. Siya ay isang matalino at matapang
na bayani. Bumuo at pinamunuan niya ang
isang Samahan. Tinawag itong Kataas-
taasang, kagalang-galangan Katipunan ng
mga anak ng Bayan o KKK. Binibiggyan ng
parangal at paggalang si Gat Andres tuwing
ika-30 ng Nobyemre sa araw ng kanyang
pagsilang.
Araw ng Kalayan (Independence Day)
Gusto ng ating mga ninuno na maging
malaya kaya lumaban sila. Noong Hunyo 12,
1898 ay idineklara ni Heneral Aguinaldo ang
Kalayaan ng Pilipinas. Ang araw ng Kalayaan
ay ipinagdiriwang natin tuwing ika-12 ng
Hunyo.

Araw ng Kagitingan (The Day of Valor)

Tuwing ika-9 ng Abril, ipinadiriwng natin


ang Araw ng Kagitingan upang ating
alalahanin ang kabayanihan ng mga
Pilipinong beteranong nakipaglaban sa mga
sundalong Hapones noong panahon ng
digmaan.

4
ARALING PANLIPUNAN II

Rebolusyon sa EDSA ( EDSA Revolution)


Pagkatapos nating lumaya mula sa
pananakop ng mga Espanyol, Amerikano at
Hapones ay inayos at pinaunlad ng mga
namuno ang ating bansa. Napatalsik sa
pwesto ang dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos dahil umano'y sa kanyang pagiging
diktador. Kaya't nagkaroon ng Edsa People
Power Revolution, ito ay gunigita tuwing ika-25
ng Pebrero.
Araw ng Mangagawa ( Labor Day)
Ang Araw Ng Manggagawa o Labor Day sa
ating bansa ay ginaganap tuwing Mayo 1. Ito ay
isang pagpupugay sa lahat ng manggagawang
Pilipino na nagtrabaho para itaguyod ang kani-
kanilang mga pamilya. Sila ang nagpapatatag
ng ekonomiya ng bansa. Ang buwis na kanilang
ibinabayad ay ginagamit ng pamahalaan sa
pagbibigay ng serbisyo sa komunidad.

Araw ng mga Bayani ( Heroes' Day)


Tuwing huling linggo ng Agosto ay
ipinagdiriwang ang Pambansang Araw ng
mga Bayani o National Heroes Day. Inaalala
natin ang mga bayaning namatay na
lumaban sa mga mananakop para
ipagtanggol ang kalayaan ng ating bansa.

Bagong Taon
Pagsapit ng ika-12 ng hatinggabi ng
huling araw ng nagdaang taon ay
sasalubungin na ito ng kasayahan at ingay.
May mga taong nagsusuot ng polka dots na
damit. Ang iba sa kanila ay nagpapaalog ng
barya sa bulsa at ang iba naman ay
tumatalon.

5
ARALING PANLIPUNAN II

Araw ng mga Puso ( Heart's Day )


Kadalasang nagbibigayan ng bulaklak at
regalo ang mga magkasintahan at mga
mag-asawa sa araw na ito. Ito ay naging
kaugalian na rin ng bawat Pilipino para
maipakita at maipadama ang kanilang
pagmamahal sa kanilang minamahal.

Araw ng mga Ama at Ina


Ipinagdiriwang ang okasyong ito para


bigyang parangal ang mga ama na
nagsisilbing haligi ng tahanan at ina bilang
ilaw ng tahanan. AngAraw ng mga Ina ay
isinasagawa tuwing ikadalawang Linggo ng
May at ang Araw ng mga Ama ay
pinagdiriwang naman sa ikatllong Linggo ng
Hunyo.
Araw ng mga Guro (Teacher's Day)

Tuwing ika- 5 ng Oktubre ang selebrasyon


ng mga guro sa buong mundo.
Ipinagdiriwang ito upang kilalanin ang
kabayanihan at pagsasakripisyong ginawa ng
mga guro.

Araw ng mga Nagkaisang mga Bansa


(United Nations Day)
Ang United Nations Day o Araw ng mga
Bansang Nagkakaisa ay pandaigdigang
ipinagdiriwang tuwing ika- 24 ng Oktubre.
Nagsusuot ng mga pambansang kasuotan
ang iba’t ibang bansa ang mga mag-aaral
sa tuwing ipinagdiriwang ang araw na ito.

6
ARALING PANLIPUNAN II

Linangin Natin
A. Tukuyin at uriin ang bawat salitang nasa loob ng kahon
kung ito ay Pagdiriwang Panrelihiyon o Pagdiriwang
Pansibiko . Isulat ang bawat salita sa wastong hanay.

Pagdiriwang Panrelihiyon Pagdiriwang Pansibiko

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.
11. 11.
12.
12.

7
ARALING PANLIPUNAN II

Kaalaman

B. Panuto: Pagtambalin ang pagdiriwang at kung kalian ito


ginaganap. Isulat ang letra ng tamang sagot.

____1) Enero 1 a.Araw ng Kalayaan


____2) Pedrero 14 b.Araw ng mga Patay
____3) Hunyo 12 c.Araw ng mga Puso
____4) Nobyemre 1 d.Bagong Taon
____5) Disyemre 25 e.Mahal na Araw
f.Pasko

C. Ano ang pagdiriwang na ginagawa ng iyong sariling


pamilya. Iguhit o idikit ang mga larawan nito sa malinis na
bond paper. Bigyan ito ng deskripsyon kung bakit
mahalaga ang napili mong pagdiriwang sa inyong
pamilya.

Pagdiriwang

Deskripsyon:

You might also like