You are on page 1of 3

GUIPOS NATIONAL HIGH SCHOOL

Poblacion, Guipos, Zamboanga del Sur


Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Pangalan: ________________________________Taon/Pangkat: _____________________ Iskor: __________


PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat
ang titik nito sa espasyo bago ang numero.
____1. Ano ang ibig sabihin ng katarungan?
A. Pagtuon sa sariling interes C. Pagbabahagi ng lahat ng bagay
B. Pagbibigay sa kapwa kung ano ang nararapat
____2. Bakit kailangang maging makatarungan tayo sa ating kapwa?
A. Dahil tayo ay tao lamang C. Dahil tayo ay namumuhay sa lipunan ng mga tao.
B. Dahil nakadepende tayo sa isa’t-isa
____3. Ang makatarungang tao ay:
A. Ginagamit niya ang paggalang sa batas lamang C. Ginagamit niya ang paggalang sa sarili.
B. Ginagalang ang batas at ang kapwa
____4. Mga indikasyon ng makatarungan o hindi makatarungang ugnayan sa kapwa maliban sa isa;
A. Kung walang ugnayan na umiiral
B. Walang kompetisyon o naagrabyado C. Pagbibigay hadlang sa pamumuhay ng iba.
____5. Malaki ang papel ng magulang sa paghubog ng iyong pagiging makatarungan maliban sa:
A. Iminulat sa katotohanan na may karapatan at tungkulin
B. Ginagabayan upang mapahalagahan at maisabuhay sa pang araw-araw na ugnayan
C. Pinapaintindi ang pagkakaiba ng bawat tao at hayaang gumawa kung ano ang gusto.
____6. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng tao na ang bawat isa ay:
A. May dignidad dahil sa mataas na posisyong naabot
B. Dahil nilikha siya ng Diyos na may isip at kalayaan C. Nakadepende sa sinuman sa lipunan
____7. Makakamit ang katarungang panlipunan kung isaalang-alang ang:
A. Katotohanan B. Responsibilidad C. Pagpapabaya
____8. Sa pamilya,maipapakita natin ang pagiging patas at makatarungan sa pamamagitan ng;
A. Pagbibigay ng limitasyon sa gagawin ng bunsong kapatid
B. Panghihimasok sa buhay ng bawat kasapi ng pamilya
C. Isinaalang-alang ang mga maaapektuhan sa iyong pasya na gagawin
____9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pananagutan sa kapwa sa pagkilos o pagpapasya.
A. Pagsasaalang-alang sa magiging epekto n kanilang pagpapasya na hindi makasakit
B. Nagkakaisang maglinis sa paligid ang magkaibigan
C. Sinosuportahan ng mayayaman na maisakatuparan ang pagtaas ng presyo ng produkto
____10. Kapag ginagabayan ng diwa ng pagmamahal ang pagtulong sa kapwa ito ay hindi lamang isang simpleng pag
iwas na makasakit sa kapwa, kundi;
A. Isang positibong paglapit sa kanya upang samahan at suportahan sa pag-unlad
B. Nagkakaroon ng maraming oportunidad na mamili ng mga makakasama
C. Pagtutok lamang sa pamilyang kinabibilangan
____11. Ang pagpapaubaya ng laruan sa bunsong kapatid nagpapakita ng;
A. Pagmamahal B. Malasakit C. Makatarungan
____12. Si Jenny ay nag-iisang anak at sanay sa masaganang buhay, sumasabay siya sa mga kaklase tuwing meryenda;
A. Siya ay matulungin B. Siya ay patas at makatarungan sa pakikitungo C. Siya ay matalinong mag-aaral
____13. Ito ay pinakamabisang pagbibigay galang sa kapwa na maipahahayag mo.
A. Pagbabahagi ng sahod B. Pagmamahal sa kapwa C. Paglaan ng konting oras
____14. Ang patas na tao ay:
A. Magalang sa kapwa alinsunod sa batas moral
B. Pagbigay ng natirang pagkain sa kapit-bahay C. Paghingi ng tulong sa kaibigan kung nagigipit
____15. Bakit kinakailangan na maging patas sa pakikitungo sa kapwa?
A. Dahil nakasalamuha araw-araw B. Dahil parehong nilalang ng Diyos C. Dahil kasamang namumuhay sa lipunan
____16. Paano nakakatulong ang magulang sa paghubog ng iyong pagiging patas?
A. Minahal ka ng lubos B. Iminulat at magabayan na maisabuhay ito C. Pagtulong sa problema
____17. Ang pagbibigay sa kapwa ng ating panahon ay nagpapakita ng pagiging?
A. Magalang sa likha ng Diyos
B. Upang gawin ito sa iyo C. Mapanagtan sa paggalang ng dignidad at nararapat sa kanila
____18. Si Linda ay nagtitinda ng gulay sa palengke, pagdating ng hapon ay umuuwi na sya sa kanilang bahay upang
magampanan niya ang tungkulin bilang ina.
A. Si Linda ay masaya sa kanyang ginagawa
B. Pinapakita niya sa kung ano ang nararapat para sa pamilya C. Upang hindi awayin ng asawa
____19. Ang batas ay nararapat para sa lahat, kug kaya;
A. Nagbibigay ito ng proteksiyon sa karapatang pantao
B. Ginawa para sa mga mayayaman C. Instrumento ng hustisya at pang-aapi
____20. Bilang panlipunang nilalang paano mo iginagalang ang iyong sarili?
A. Pagbibigay sa kapawa ng nararapat sa kanya
B. Pagsiskap para sa pamilya at sarili C. Pagsamba araw-araw
_____21. Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao. Ang pahayag na ito ay
A. totoo dahil lahat tayo ay pareho-pareho lang.
B. Totoo dahil ang katarungan ay kumikilala sa dignidad ng tao.
C. Mali dahil ang katarungan ay nakabatay sa kung sino ang malakas at makapangyarihan.
D. Mali dahil iba-iba ang pananaw natin sa buhay.
____22. Saan nagmula ang pagiging makatarungan sa kapwa?
A. Sa tahanan B. Sa paaralan C. sa simbahan D. Sa lipunan
____23. Maitaguyod ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng
A. Pagtalima sa kalooban niya. C. Pagsamba kasama niya.
B. Pagbibigay mo sa iyong kapuwa ng nararapat sa kanya. D. Wala sa nabanggit.
____24. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan ng kapayapaan?
A. Ito ay kawalan ng banghayan sa bagay-bagay
B. Ito ay ang pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang kaayusan ng katarungan.
C. Ito ay pagkakaroon ng iisang tunguhin sa buhay.
D. Ito ay pagkakaroon ng kaparehong kapangyarihan sa mga bansa.
____25. Ano sa palagay mo ang bunga ng pagkakaisa?
A. Kalinawagan B. Kapayapaan C. Karangyaan D. Kasipagan
____26.Alin sa mga sumusunod ang namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa at sa ugnayan
ng tao sa kalipunan.
A. Kalipunang kaayusan C. Karunungang Panlipunan
B. Pangmatagalang katiwasayan D. Kabutihang Panlahat
____27. Ang katarungang panlipunan ay dapat ginagabayan sa diwa ng pagmamahal dahil
A. ito ay pumipiggil sa kanya na saktan ang kanyng kapwa.
B. ito ay paglapit sa kanya upang samahan ang kanyang kapuwa sa kanyang paglago bilang tao.
C. ang pagmamahal ay pinakamataas na antas ng pag-iral ng katarungan.
D. Lahat na nabanggit.
____28. Ang bawat tao ay may dignidad dahil
A. sa kanyang pag-aari C. sa kanyang pagkatao
B. sa kanyang posisyon sa lipunan D. sa mga nakamit niya sa buhay
____29. Makakamit natin ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng
A. pagiging masipag C. handang isakripisyo ang pansariling hangarin
B. pagiging bukas D. Lahat ng nabanggit
____30. Ali sa mga sumusunod ang akmang paglalarawan ng pahayag na ito “Hinaan ko ang volume ng aming tv para
hindi ako makaestorbo sa iba.”
A. Ito ay tanda ng pagiging makatarungan. C. Ito ay pagiging mapagbigay
B. Ito ay pagiging mapagkunwari. D. Lahat na nabanggit.
____31. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita nito?
A. Sama-samang nagdadasal ang buong pamilya araw-araw.
B. Dumalo ang ama sa pagpupulong sa Zamsurico.
C. Pinapayuhan ng ina ang anak na gawin ang kanyang takdang-aralin.
D. Tinuruan ni Alma ang kaklaseng nahihirapan sumayaw
____32. Alin sa sumusunod ang palatandaan sa makatarungang tao?
A. Inaalam ng mga motorista ang kanilang karapatan sa kalsada.
B. Pinag-usapan ng mga residente sa barangay ang darating na halalan.
C. Tinawag ng guro ang mag-aaral na palaging lumiliban sa klase.
D. Tuwing Sabado, nagkikita ang mga magkakaibigan upang magkwentuhan tungkol sa kanilang buhay.
____33. Alin ang makabuluhang paraan sa pagsasabuhay ng katarungnag
panlipunan?
A. Sundin ang batas trapiko at mga alituntunin ng paaralan.
B. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa
C. Igalang ang karapatan ng kapuwa.
D. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan, at simbahan.
____34. Ang mga sumusunod na pahayag ay sumasalamin sa diwa ng katarungan maliban sa
A. Pagkilala at paggalang sa mga karapatan ng ibang tao. C. Pagtupad sa mga pangako at komitment sa buhay

B. Pagtaya sa sarili sa ginawang kasunduan D. Pagkain sa tamang oras.


____35. Umiiral ang katarungang panlipunan sa sumusunod na pahayag maliban sa
A. Pagiging tapat sa trabaho. C. Pagpasok ng maaga sa opisina
B. Pagliban sa trabaho para masunod lamang ang pansariling layaw. D. Pagtupad sa mga tungkuling inatas sa iyo
____36. Lahat ng nabanggit sa ibaba ay nagpapahayag ng pagtugon sa nangangailangan sa angkop na pagkakataon
MALIBAN sa ____________.
A. Pagtulong sa taong nagpapaturo sa tamang daan
B. Pagbibigay sapin sa paa sa batang nasa lansangan.
C. Pagbibigay linaw sa mga kaklaseng hindi nakaunawa kung ano ang pinapagawa ng guro.
D. Pagsama sa mga kaibigan sa plaza, naiwan ang kapatid na may sakit.
____37. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan?
A. Pagkakaroon ng Feeding Program sa mga batang kulang sa timbang.
B. Pagpupulong para sa darating na Christmas Party
C. Pagbibigay ng pagpipiliang lugar para sa gaganaping team building ng grupo
D. Pag-anyaya sa mga kapitbahay sa ipinagdiriwang na kaarawan
____38. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Ang tao ang bumubuo ng lipunan.
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
C. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan.
D. May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay bilang tao.
____39. Bakit kailangan mong maging makatarungan sa iyong kapuwa?
A. Ikaw ay tao rin tulad nila. C. Ang pagiging makatarungan ay pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa.
B. Ikaw rin ay namumuhay sa lipunan ng mga tao. D. Lahat ng nabanggit.
____40. Bakit mahalagang mauunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
A. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
B. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
C. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at ang pagtugon sa hamon ng pagiging makatarung sa
kapwa.

You might also like