You are on page 1of 1

“Sa bawat hakbang at tagumpay mo, Ikaw ang siyang mag-aari

nito!
Sa bawat pagkakamali at kapabayaan mo
Ikaw rin ang siyang magdurusa rito
Katulad ng batas ng kalikasan,
Kung ano ang inilagak
Siya ring babalik sa iyo!”

Ang mga kataga sa itaas ay nagpapahiwatig ang bawat kilos at galaw ng


tao ay sumasalamin sa kaniyang magiging katauhan sa kinabukasan.
Karamihan sinasabi na ikaw mismo ang siyang gumuguhit at nagkukulay ng
buhay na nais mo sa hinaharap. Ang mainam at masikap na pagtatrabaho
para sa pangarap, sa pamamagitan ng pag-aaral at pagpupursigi, ay tiyak na
makakamit mo ang iyong mga layunin at hangaring minimithi. Sa bawat
tagumpay na makakamit mo ay tiyak ikaw mismo ang tatamasa ng mga
magagaandang bagay na dulot nito. Ikaw na nagsikap upang makamit ito ang
siya ring tunay na magmamay-ari at magmamalaki sa laki ng dulot nito sayo.
Sa kabilang banda kung ang isang tao ay gumawa naman ng isang
masamang bagay sa kapwa, likas lamang na babalik at babalik ito sa kaniya.
Hindi man direkta ngunit tiyak ay makikita din ang kinalalabasan nito. Ayon
pa nga sa golden rule ni Confucius na nagpapahiwatig na gawin mo sa kapwa
mo ang gusto mong gawin rin nila sa iyo; samantala, huwag mo namang gawin
sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo. Sa madaling salita nagbibigay
lamang ito ng isang katotohanan na kung ano ang mga bagay na ginawa mo,
ginagawa at gagawin mi pa ay siya ring magiging kinabukasan o mangyayari sa
buhay mo sa hinaharap.

You might also like