You are on page 1of 4

“Encore, Encore, Encore, Encore!!

“Ok sige para sa huling kanta naming, para ito sa atin bago tayo maghiwa hiwalay ng landas ngayon,
gusto ko lang sabihin na maraming salamat sa inyo at sap ag attend ng after party na ito batch 2022
salamat sa apat na taon!”

Sabi nga nila ang pinaka huling kanta na tutugin mo ay ang pinaka mahirap na kanta na matutugtog mo.
Hindi dahil sa mahirap talaga siya tugtugin, hindi rin dahil pagod ka na sa buong gabing pagtugtog. Ito ay
dahil pagkatapos nito, wala ng kasunod pa, ito na ang huli.

“Good performance guys, nakakalungkot na ito na ang huling performance natin to”

“Hindi ba pedeng ituloy pa natin to, kuya Miguel?”

“Unfortunately Pamela kahit anong gusto naming ituloy tong banda, ay hindi na namin kaya gampanan
yung responsibilities naming dito, it’s been a fun 3 years with you guys”

“Yup sobrang swerte naming at sumali kayo ni Cleo sa banda simula nung dumating kayo nagging
successful na yung banda na to”

“Salamat sa inyo at sana maenjoy niyo yung huling taon niyo rito maybe next time mag reunion tayo and
play some tunes you know sa usual na studio”

“Opo…”

“Ohh Pamela bakit naiiyak ka?”

“Ah wala lang po to kuya Gab napuwing lang po ako…”

“Oh tara na rito Pamela pede naman kayo magpatuloy ni Cleo ng kayo lang magaling naman kayo
parehas”

“Pero kuya Gab kailangan parin namin kayo hindi kumpleto pag wala kayo”

“Nga pala nasan si Cleo? Bakit parang hindi ko pa siya nakikita after nung performance natin?”

“Malay ko ba jan bigla-bigla nalang nawawala”

“Nakakatampo naman at nawawala siya sa farewell party natin”

“Lalabas lang ako sandali baka makita ko run si Cleo”

“O sige Francis hanapan mo na rin ako ng maiinom sa labas”

Farewell party ang isa sa mga pinaka ironic na salita na narinig ko sa tanang buhay ko. Bakit tayo
magsasaya sa isang malungkot na okasyon? Hindi ba dapat nagluluksa tayo? Farewell are supposed to
be memorable and sad. And saying farewell to someone means na hindi na ulit tayo magkikita. Eh hindi
naman mangingibang bansa sila kuya miguel magtatrabaho lang sila dito sa pilipinas. Kaya most likely
magkikita parin kami dahil nakatira lang din kami sa iisang city.
“Oh Cleo nandito ka pala. Bakit ka nagiisa jan, pumasok ka sa loob nagtatampo na si Gab sayo”

“Susunod din ako run kuya Francis after ko rito”

“Ikaw na bahala kay Pamela ha?”

“Huh? Bakit kuya Francis?”

“Basta ikaw nalang bahala sa kanya”

“Kaya na niya sarili niya di na kami bata”

“May mga bagay padin na hindi kayang gawin ng isang tao kahit hindi na sila bata”

“Kuya Francis isipin niyo muna sarili niyo, may balak ka na ba after graduation?”

“A-Ako na bahala run kaya ko na to, ako pa ba wala ka bang tiwala sakin ha”

“Mukhang kailangan kong paalahanan sila kuya Gab about sayo kuya, at baka maligaw ka nanaman ng
landas”

“Hindi ko nga kailangan ng tulong nila kaya ko na to”

“Congratulations ng apala kuya Francis, tara na at baka umiyak pa si kuya Gab dun kakahintay.”

“Oh nandito ka na pala Cleo saan ka ba nangaling ha nakakatampo ka ito nan ga yung huling araw
naming dito sa university di mo pa kami sisiputin”

“Pasensiya na kuya Gab may hinihanap lang ako sa labas”

“Sus ayaw mo lang talaga kami siputin tokis ka kasi”

“Manahimik ka Pamela”

“O siya dahil kumpleto naman na tayo oras na para mag celebrate!”

“Para sa huling performance natin at sa graduation naming nila Gab at Francis”

“Cheers!”

“Party na wohooo!”

“Kumalma ka Pamela hindi kita iuuwi pag nalasing ka”

“Hayaan mo na muna Cleo ngayon lang naman to eh”

“Hindi ko magugustuhan magiging ending nito”

Farewells are supposed to be memorable, dapat may isang malaking pangyayari at iyon na dapat ang
huling alaala mo tungkol duon sa aalis na tao, kaya hindi para sakin hindi ito isang farewell party
sapagkat magkikita pa ulit kami at sa lagay naming mukhang may graduation party pa to kesa farewell
party. Well at least masaya ang lahat at ok na ako run.

Sana ganito nalang palagi.

O hindi

Sabi nga nila ang masasayang gabi ay magkarugtong na masalimuot na umaga lalo na’t may involve na
alak o kung ano man nakakawala sa wisyo na bagay. At kung kasama mo si Pamela mas lalong mas
masama ang umaga na daratnan mo.

“Oh Cleo good morning”

“Good morning sayo Pamela”

“Nasan ako?”

“Sa tingin mo nasaan ka?”

“Nasa bahay ni kuya Gab?”

“Mukha ba tong bahay ni kuya Gab ha”

“Bakit hindi ba?”

“Tignan mo mabuti ang paligid mo”

“Oh nandito tayo sa kwarto mo, anong ginagawa natin dito?”

“Bakit nga ba Pamela ha?”

“Kasalanan ko ba?”

“Sa tingin mo Pamela sino yung nagpakalasing kagabi at sumuka sa sasakyan ko ha. Tas itinigil ko lang sa
bahay saglit yung sasakyan at tumakbo na agad sa kwarto para matulog”

“Ako ba yun?”

“Ay hindi Pamela ako! Sige ako nalang”

“Bakit ba galit nag alit ka?”

“Tignan mo paligid mo”

“Oh anong meron?”

“Kulang nalang sirain mo na lahat ng gamit dito sa kwarto sumuka ka pa sa sala”

“Pasensiya na hehe sorry na”

“Hindi ako tumatangap ng apology, ang tinatangap ko ay linis”


“Pero..”

“Walang pero pero tumayo ka na jan at simulant mo na maglinis”

Tamai to ang buhay ko simula nung nakilala ko tong si Pamela nung high school at for some reason ay
lagi na kaming magkasama sa lahat ng bagay. Sawang sawa na ako at pagod na.

“Ipagluto mo muna ako ng almusal”

“Huh?”

“Sabi ko nga senyor ako na po magluluto”

Isang taon ko pa to kasama.

Ayoko na.

You might also like