You are on page 1of 2

WORKSHEETS

Filipino 5
(Unang Kapatan)

Pangalan: _________________________________________________________
Pangkat: ___________________________________________________________

Unang araw: Wastong Pagkain (Tula)


Tuklasin mo:
A. Buuin ang mga salitang nasa kahon upang makabuo ng isang pangungusap.

B. Bago natin basahin ang tula tungkol sa Wastong Pagkain ay atin munang alamin ang kahulugan
ng ilang salitang ginamit dito.

1. Malusog ang taong hindi sakitin.


2. Lilinaw ang mata ng batang kumakain ng papaya.
3. Kapag palaging nagsisipilyo ay titibay ang ngipin.
4. Palagi nating tatandaan na ang batang hindi sumusunod sa payo ng magulang ay tiyak na maliligaw
ng landas.
5. Kumain ka ng gulay upang humaba ang iyong buhay.

Basahin Mo

Isang kayamanan ang malusog na pangangatawan.


Ang buhay ay biyaya ng Maykapal at dagdag na biyaya ang pagiging malusog. Ang pag-
aalaga ng katawan upang maging malusog ang atin namang handog sa Maykapal. Paano ito
magagawa?

1 3
Ang taong malusog, lubhang masayahin, Lilinaw ang mata, katawa’y lalaki,
matalas ang isip at hindi sakitin, sa sariwang gatas, itlong at kamote,
katawa’y maganda at hindi patpatin, malunggay at petsay, sa isda at karne,
pagkat alam niya ang wastong pagkain. ang bata’t matanda. lulusog, bubuti.

2 4
Lusog ng katawan nasa kinakain, Sa ating pagkain laging tatandaan,
ang gulay at prutas, dapat na piliin, mga bitamina nitong tinataglay,
sa dilis at tulya, sa puso ng saging , sa sariwang prutass, isda saka gulay,
lalakas ang buto, titibay ang ngipin. lulusog, gaganda, hahaba ang buhay.
Gawin mo:
I. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Batay sa tulang narinig, ano-ano ang mga katangian ng taong malusog?
_______________________________________________________________________________
2. Ano ang mga pagkaing nagpapalakas ng buto at nagpapatibay ng ngipin?
_______________________________________________________________________________
3. Ano pa ang mga pagkaing nagpapalusog ng katawan?
_______________________________________________________________________________
4. Bakit masasabing isang kayamanan ang malusog na pangangatawan?
_______________________________________________________________________________

II. Punan ng nawawalang salita ang patlang upang mabuo ang saknong. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Ang taong malusog, lubhang (1) ________________,
Matalas ang (2) __________________ at hindi (3) _____________________.
Katawa’y maganda at hindi (4) ___________________,
Pagkat alam niya ang wastong (5) ___________________.
Lusog ng katawan nasa (6) __________________.
Ang gulay at prutas, dapat na (7) ___________________,
Sa dilis at tulya, sa puso ng (8) ____________________.
Lalakas ang buto, titibay ang (9) ____________________.

saging isip kinakain piliin sakitin


ngipin masayahin pagkain patpatin gaganda

Isulat Mo

Lagyan ng ̸ ang patlang kung ang salitang may salungguhit anngkop para sa tula at x kung hindi.

___________1. Basurang lansangan sa mga bangketa, Malaking baha, mga sirang daan,

___________2. Maraming totoo, sa mga taong lungsod, Hindi magkamayaw, hindi makakibo.

___________3. Mayaman ang lupa, sagana sa lahat, Laging tumutulong sa nangagsisikap.

___________4. Tayo nang magbalik sa ating probinsya, Iwanan ang lungsod na pugad ng saya.

___________5. Mga kaibigan ay handang tumulong, Sa ating probinsya, kaugalian yaon.

You might also like