You are on page 1of 1

Name: ____________________________________________ Rating: ______________

Grade and Section: ______________________________ Subject Teacher:__________________________


Due of Submission: _____________________________
DYCIan Learning Account No.2
Bilinggwalismo at Multilinggwalismo

Ating nalaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Bilinggwalismo at Multilinggwalismo mula sa


DLA na ito. Batay sa iyong natutunan, paano mo ilalarawan ang nagiging kalagayan at
pagpapahalaga ng mga Filipino sa sarili niyang wika? Magbigay ng mga pagkakataon na kung saan
maaari pang magamit nang mas mabisa ang wikang Filipino.

Patungkol sa kung papaano i-trato ng mga filipino ang kanilang wika ang masasabai ko’y
hindi nila gaanong napapahalagahan at napapagyaman ang wika nila, sapagkat sa panahon
ngayon ay pilit nilang inuuna ang mga wikang banyaga sa kadahilanang sikat o uso ang mga
ito. Napapahalagahan naman ang wika ngunit hindi ito inuuna ng mga filipino dahil tatak sa
isipan ng maraming filipino na ang kanilang wika ay madali na sa katotohanan ay hindi dahil
napaka lawak ng wika natin, sadyang napupukaw lang ng ibang mga wikang banyaga ang
kapwa natin mga filipino kaya hindi nila nabibigyan ng buong pansin ang kanilang wika na
dapat ay pinagyayaman muna nila bago aralin o unawain ang ibang wika.

Ang wikang filipino ay magagamit pa nang mabisa sa mga sulatin gaya ng magazine,diyaryo
at libro dahil marami sa mga filipino ang mahilig magbasa at kung ang wikang ginamit sa mga
ito’y mas madali nilang mauunawaan ang paksa nga mga sulatin na ito, maari rin magamit
ang wikang filipino ng mainam sa larangan ng talastasan gaya ng pagtatalumpati o pag-lahok
ng mga debate upang mapagyaman pa ang wikang filipino. At huli, ang wikang filipino ay
magagamit ng mabisa sa pagtuturo at sa negosyo o kalakalan, dahil mas mapapabilis nito
ang proseso ng mga ito at bibilis ang daloy ng usapan dahil mahalagang maunawaan ng
bawat mag-aaral ang tinuturo sakanila, pati na rin sa mga negosyante, mahalagang
magkaroon ng mabilis at epektibong komunikasyon para sa negosyo. Sa parehong sitwasyon
na ito napapakita ang kahalgahaan pag gamit ng wikang filipino sapagkat mas napapadali
nito ang lahat at naiiwasan ang pagkakamali o ‘di pagkakaunawaan.

You might also like