You are on page 1of 15

FILIPINO 14 (Mga Natatanging Diskurso sa Wika at

Panitikan)
LSPU MISSION (TAGALOG)
Ang LSPU, na iginigiya ng isang progresibong pamumuno, ay nangungunang
institusyon na nagbibigay ng teknolohiyang pang-agrikultura, pangingisda at iba
pang kaugnay at umuusbong na larangan na makabuluhang nagbabahagi sa
paglago at pag-unlad ng rehiyon at bansa.
LSPU MISSION (ENGLISH)
LSPU, driven by progressive leadership, is a premier institution providing
technology-mediated agriculture, fisheries, and other related and emerging
disciplines significantly contributing to the growth and development of the region
and the nation.

LSPU VISION (TAGALOG)


Ang Laguna State Polytechnic University ay sentro ng mga pagbabagong-likhang
teknolohikal na nagtataguyod ng pag-aaral sa iba’t ibang larangan ng pagkatuto,
pagpapanatili sa paggamit ng mga mapagkukunang-yaman, nakikiisa at nakikipag-
ugnayan sa pamayanan at iba pang nasasakupan nito.
LSPU VISION (ENGLISH)
The Laguna State Polytechnic University is a center of technology innovation that
promotes interdisciplinary learning, sustainable utilization of resources, and
collaboration and partnership with the community and stakeholders.
QUALITY POLICY
We at LSPU are committed with continual improvement to provide quality,
efficient and effective services to the university stakeholders’ highest level of
satisfaction through a dynamic and excellent management system imbued with
utmost integrity, professionalism and innovation.
LSPU develops
S – Spirited,
T – Transparent,
U – Upright,
D – Disciplined,
E – Efficient,
N – Noble,
T – Trustworthy, and
S – Skillful.

GOALS OF THE COLLEGE OF TEACHER EDUCATION: The Laguna State Polytechnic


University Sta. Cruz Campus College of Teacher Education commits itself to
produce highly skilled, academically excellent and morally-upright teacher
mentors who will build a pool of discipline and responsible citizenry.

GENERAL OBJECTIVES
The College of Teacher Education aims to:
1. Develop the individual’s full potential in the performance of tasks in the major
fields of specialization;
2. Equip prospective secondary teachers with professional competencies
appropriate for responsive and effective Teacher Education Program; and
3. Produce dynamic teachers who are employable and competent leaders in local
and international institutions.
SPECIFIC OBJECTIVES
Specifically, the College of Teacher Education aims to:
1. Ensure graduates’ success in qualifying professional examinations through
relevant instruction and responsible training program;
2. Develop students’ leadership potentials and management skills;
3. Develop responsible individual whose ideals and aspiration will preserve, enrich
and perpetuate the authentic Filipino life, culture and traditions;
4. Develop self-disciplined, responsible and valued professionals with high regard
for continuous professional development;
5. Develop, improve and disseminate distinctive educational innovations for the
advancement of community life; and
6. Apply technologies in mass production of income generating products and
services that are beneficial in transforming lives of people in the communities.

MGA ISINASAALANG-ALANG SA PAGTUTURO AT MGA YUGTO SA PAGKATUTO NG


WIKA

ANG PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA

MGA ISINASAALANG-ALANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA


Ano ang wika? Maraming depinisyon ang maikakapit sa wika. Bibigyang-
kahulugan natin ito bilang sining ng komunikasyon. Sa malawak na pagtanaw rito,
ang wika ay hindi lamang nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat. Ayon kina
Sampson et al. (1995) ang wika ay isang obra maestro ni Picasso, isang
komposisyon ni Beethoven, o di kaya’y ang kahanga-hangang pagtatanghal ng
mga dyimnast sa Olimpyada. Totoong ang wika ay “makikita” sa mga produkto ng
pagsulat ng mga mag-aaral o maririnig sa kanilang pagsasalita, ngunit higit pa rito
ang nasasaklawan ng wika.
Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may sapat na
kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging
matatas sa paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirang
ito. Kaya sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang mga mag-aaral
sa iba’t ibang makatotohanang gawain upang “iparanas” sa kanila ang tunay na
gamit na wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat at mga
magasin, palikhain ng tula na malalapatan ng himig, pasulatin ng isang maikling
dula, paguhitin ng magagandang tanawin, pasalihin sa mga interaktibong
talakayan – lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa
pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
Paano ba nililinang ang mga kasanayang pangwika? Laging isaisip na ang
kasanayan sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang
pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang maraming
pagkakataon ang mga mag-aaral na makikipagtalastasan sa kanilang mga kaklase.
Samakatwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay
iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga
personal na ideya at karanasan at nagagawa ring maisaalang-alang ang mga ideya
at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro, mga awtor, at
mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
Saan tayo dapat magsimula sa pagpaplano ng isang makabuluhang
programa sa pagtuturo at pagkatuto ng wika?

ANG MGA BATANG MAG-AARAL AT ANG PAGTUTURO NG WIKA


Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika, maging Filipino o Ingles
man, palagi nang nakasentro ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila
nagtuturo. Mayroon ngang banggit tungkol sa mga mag-aaral subalit mga palipad
hangin lamang. Sa katunayan, mas mahalagang isipin muna natin ang tungkol sa
mga batang ating tinuturuan:
a. Sino sila?
b. Saan sila galing?
c. Ano ang alam nila?
d. Ano-anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?
e. Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?
f. Paano sila natututo ng wika?
Samakatwid, ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa ating
mga paaralan ay ang pag-unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa
paaralan, pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung
paano natutuhan ang wika, una o pangalawang wika man, at ang mga proseso sa
pagkatuto nito.
Napaniwala tayo ng popular na kaalaman na mas madaling matuto ng
pangalawang wika ang mga bata kaysa may edad nang mag-aaral. Sa mga
ganitong paniniwala, nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon.
Una, hindi totoong mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata.
May mga patunay na marami rin silang mga pagsisikap na ginagawa upang
matutuhan ang kanilang una at pangalawang wika (Brown, 1994). Ang kaibahan sa
pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at may edad na mag-aaral ay
nakabatay sa likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at kalimitang
hindi nila binibigyang-pansin ang anyo ng wikang sasabihin. Samantalang sa isang
may edad na nag-aaral ng wika, tahasang binibigyan niya ng pokus ang salitang
bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang anyo ng wikang kanyang sasalitain.
Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad ay may higit na
kakayahan sa pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang makapagsaulo
ng higit na maraming talasalitaan kaysa mga bata. Maaari silang gumamit ng mga
prosesong deduktibo at abstraksyon sa pag-aaral ng balarila at iba pang
konseptong panlinggwistika kaya sa kabila ng otomatikong pagpoprosesong
ginagamit ng mga bata sa pagtatamo ng wika, maaaring magkaroon sila ng
problema sa pag-aaral ng pangalawang wika.
Ikatlo, hindi malinaw ang hangganan ng edad ng mga batang bago pa lamang nag-
aaral magsalita sa mga batang pre-pubescent. Lumilitaw sa maraming
pagkakataon na may mga batang totoong hirap sa pagtatamo ng pangalawang
wika dahil sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay may
kinalaman sa mga salik na personal, sosyal, kultural, at politikal.
Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa pamamagitan ng
pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa loob ng klasrum. Kailangan ng
guro ng tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung may edad na mga mag-
aaral ang tuturuan niya.
Inilahad sa ibaba ang limang kategorya na may kinalaman sa paglaki at pag-unlad
ng mga mag-aaral na maaaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktikal na
teknik at estratehiya sa pagtuturo ng wika.
1. Intelektwal na Pag-unlad
Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad labinsiyam) sa
ganitong edad ay nasa yugto pa rin ng tinatawag ni Piaget na concrete operations,
dapat lamang na isaalang-alang ang kanilang limitasyon. Ang mga tuntunin at mga
paliwanag tungkol sa wika ay kailangang gamitin nang may ibayong pag-iingat.
Hindi masyadong pinahahalagahan ng mga bata sa ganitong yugto ng paglaki ang
nosyon ng mga edad ng “kawastuhan” at lalong higit na hindi nila mauunawaan
ang mga pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong panlinggwistika. Ilang
mga tuntunin para sa mabisang pagkaklase:
a. Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa pagpapaliwanag ng
ilang kaalamang pambalarila (e.g., ponolohiya, morpema, at iba pa).
b. Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga nag-
aaral.
2. Tagal ng Pagkawili (Attention Span)
Isang kapansin-pansing kaibahan ng mga may edad sa mga bata ay ang
tagal ng panahon ng kanilang pagkawili. Mahalagang maunawaan ng guro ang
kahulugan ng tagal ng panahon ng pagkawili: Paupuin mo ang mga bata sa
harapan ng TV na ang palabas ay ang paborito nilang cartoon at asahan walang
tatayo ni isa man sa kanila hanggang hindi natatapos ang palabas. Kaya’t hindi ka
maaaring magbigay ng isang paglalahat na maikli lamang ang tagal ng panahon ng
pagkawili ng mga bata. Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili
kung ang pagkaklase ay nakasasawa at walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap
minsan ang paksang pinag-aaralan sa wika, tungkulin mong gawin itong kawili-
wili, buhay, at masaya. Paano mo ito gagawin?
a. Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata.
b. Maglahad ng mga makabago at iba’t ibang gawain.
c. Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-
akting dahil kailangan ito ng mga bata para sila’y maging gising at
listo.
d. Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa
pagpapanatili
ng kanilang kawilihan.
e. Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga bata
upang mapanatili ang kanilang kawilihan.
3. Pakilusin ang Iba’t ibang Pandamdam (Sensory Input)
a. Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role
play at mga laro.
b. Gumamit ng iba’t ibang kagamitang panturo na makatutulong sa
pagpapatibay ng mga kaisipang natamo.
c. Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal
language.
4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors)
a. Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila
ng pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa, at pagsulat habang nag-
aaral ng isang wika.
b. Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang
magkaroon ng tiwala sa sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging
matiyak sa mga inaasahang matatamo ng iyong mag-aaral.
c. Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-
aaral lalo’t higit iyong mga tahimik sa klase upang mabigyan sila ng
maraming pagkakataon na subukin ang iba’t ibang gawain sa pag-
aaral ng wika.
5. Awtentiko, Makabuluhang Wika
a. Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at di
makahulugan. Magaling ang mga bata sa paghalata ng wikang di
awtentiko; dahil dito, iwasan hangga’t maaari ang mga de kahon o di
natural na paggamit ng wika.
b. Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay
kailangang nakapaloob sa isang konteksto. Gumamit ng mga kwento,
sitwasyon, mga tauhan, at mga usapang pamilyar sa karanasan ng
mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang atensyon at mapatatag
ang kanilang retensyon.
c. Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong mga sangkap
dahil mahihirapan ang mga batang makita ang kabuuan nito.
Bigyang-diin din ang pag-uugnayan ng mga kasanayan sa pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Hindi biro ang maging epektibong guro ng wika. Inaasahang sa pagdaraan ng mga
araw, makatutulong sa mga guro kahit bahagya ang mga inilahad na patnubay
lalo’t higit sa mga baguhang guro sa paaralan.

ANG MGA MAY EDAD NA MAG-AARAL AT ANG PAGTUTURO NG WIKA


Bagama’t maraming “tuntunin” sa pagtuturo ng mga bata na maaaring
ilapat kung may edad na mag-aaral ang tuturuan, dapat pa ring alalahanin na
maraming pagkakaiba ang dalawang pangkat na ito ng mag-aaral na kailangang
alam ng isang guro. Mas higit ang kakayahang kognitibo ng mga may edad kaysa
mga batang mag-aaral kaya’t maaaring mas magiging matagumpay sila sa ilang
mga gawaing pangwika sa loob ng klasrum. Mapagagalaw nila nang mabisa ang
kanilang mga pandamdam (“imahinasyon” sa pagsamyo ng bulaklak vs. totoong
pag-amoy ng bulaklak) na hindi pa kaya ng mga bata. Maaaring pareho ang antas
ng kanilang pagiging mahiyain pero higit na may tiwala sa sarili ang mga may edad
na mag-aaral. Kung may limang salik na isinasaalang-alang sa pagtuturo ng wika sa
mga bata, mayroon ding mga mungkahing dapat isaalang-alang kung may edad na
mag-aaral ang tuturuan.
1. May kakayahan na ang mga may edad sa pag-unawa ng mga
konsepto at mga tuntuning mahirap unawain pero kailangan pa rin
ang pag-iingat. Maaaring kainisan ng mga ito ang masyadong
mahirap at masyadong madali na paglalahat at tuluyan silang
mawalan ng interes sa pag-aaral.
2. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang
mga gawaing maikli at ayon sa kanilang interes ay hindi dapat
kaligtaan.
3. Hangga’t maaari’y gisingin ang lahat nilang mga pandamdam upang
ang klase’y maging masigla at laging buhay.
4. May taglay rin silang kaunting tiwala sa sarili kaya’t hindi masyadong
kritikal ang kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi
ang mga salik emosyunal na kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika.

IMPLIKASYON SA PAGTUTURO NG PAG-ALAM NG PAGKAKAIBA NG MGA BATA


AT MGA MAY EDAD NA MAG-AARAL NG WIKA
1. Igalang ang mga damdaming emosyunal ng mga mag-aaral lalo na
iyong medyo mahina sa pagkatuto.
2. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral.
2.1. Huwag silang tawagin na “mga bata…”
2.2. Iwasan ang pagkausap sa kanila na parang bata.
3. Bigyan sila ng maraming pagkakataon para makapamili at
makapagbigay ng sariling desisyon hinggil sa kung ano ang maaari
nilang gawin sa loob at labas ng klasrum.
4. Huwag disiplinahin ang mga may edad na parang mga bata. Kung
may lumabas na suliraning pandisiplina (di-paggalang, pagtawa, pag-
aabala sa klase, at iba pa), laging ipalagay na may edad ang iyong
tinuturuan at may kakayahan silang umunawa at magpaliwanag sa
bawat kilos at galaw na ipinakikita nila sa loob at labas ng klasrum.

ANG MGA TINEDYER AT ANG PAGTUTURO NG WIKA


Mahalaga ring isaalang-alang sa alinmang pagtuturo ang pangkat ng mga mag-
aaral na nagbibinata o nagdadalaga na. Mga tinedyer o “bagets” na may edad
mula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito ng mga mag-aaral sa sekundarya.
“Sakit ng ulo” ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa ganitong
edad. Ito ang yugto ng paglaki na sila’y lito, kimi, at kakikitaan ng maraming
pagbabago sa kanilang anyong pisikal at intelektwal. Ito ang edad tungo sa
pagbibinata at pagdadalaga. Samakatwid, kailangan ang isang tanging set ng mga
konsiderasyon kung ang ganitong pangkat ng mag-aaral ang iyong tuturuan.
Bagama’t kakaunti kung mayroon man tayong mababasa tungkol sa pagtuturo ng
mga mag-aaral sa ganitong edad, makabubuti siguro kung pagtutuunan natin ng
pansin ang ilang paalala:
1. May kakayahan na ang mga mag-araal sa ganitong edad na gamitin
ang mga proseso sa abstraktong pag-iisip kaya’t maaari na silang
ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong paglalahad ng mga gawain
tungo sa sopistikadong pagpoproseso ng mga kaisipan subalit
mahalaga pa ring isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing
intelektwal ay nakasalalay sa antas ng kawilihan o atensyong
ibinibigay rito; kaya nga kung ang isang mag-aaral ay maraming
pinagkakaabalahan tulad ng barkada, pagpapaganda sa sarili, disco,
parti, at iba pa, maaaring ang mga gawaing pangklase at mga bagay
hinggil sa kanilang pag-aaral ay maaaring maisantabi.
2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal
na rin bunga ng kahustuhan ng kanilang pag-iisip subalit maaari itong
maging panandalian din dahil sa maraming pabagu-bagong
nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer.
3. Maglaan din ng iba’t ibang input na pandamdam (sensory input) sa
mga pagkakataong kailangan ito ng mag-aaral.
4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay
nasa karurukan ng kanilang pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang
sensitibo sa kanilang mga naririnig na puna lalo’t higit tungkol sa
kanilang pagbabagong pisikal, mga emosyon, at kanilang kakayahang
pangkaisipan. Isa sa mga mahalagang tungkulin ng guro sa paaralang
sekundarya ang mapanatiling mataas ang pagpapahalagang pansarili
ng kanyang mga tinuturuan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
4.1. pag-iwas na ipahiya sila sa klase;
4.2. pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansariling talino at kalakasan;
4.3. pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagagawa sa pagkaklase;
4.4. pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di-
pagkakaunawaan; at
4.5. paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan
maaari silang makipagsapalaran sa paglahok na hindi totoong
magiging kahiya-hiya kung magkamali man sila sa pagsagot.
5. Hangga’t maaari ay maging maingat sa pagbibigay ng puna at
mahihirap na gawain lalo na roon sa may kahinaan sa pag-aaral.
Isang malaking dagok sa kanilang katauhan kung sila’y maiinsulto lalo
na’t sa harap ng klase.
MGA YUGTO SA PAGKATUTO NG WIKA
Ayon sa pag-aaral ng mga linggwist, hindi raw basta ginagaya ng mga bata
ang wikang kanilang naririnig. Pinipili at iniaakma nila ang kayarian ng mga bahagi
ng pananalita na makahulugan sa kanila. Samakatwid, ang mga bata ay active
learners at hindi passive learners gaya ng paniniwala ng marami. Sinusuring
magaling ng mga bata ang wikang naririnig at pinipili nila ang bahaging may
kahulugan sa kanila. Ang intonasyon ng wika ang unang hulwarang natututuhan
ng mga bata. Mula rito ay pinipili nila ang salita at mga hulwaran ng mga
makabuluhang tunog gaya ng: mama, dada, dede. Ang mga salitang ito ay
nakakabit sa mga kongkretong bagay at pangyayari. Sa simula, ang mga
bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng mga pangngalan, pandiwa, at pang-uri.
Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa bandang huli na
natututuhan.
Sa ganitong paraan binubuo ng mga bata ang wikang kanilang naririnig. Sa
katunayan, umiimbento sila ng sarili nilang balarila, sariling tuntunin na nababago
batay sa modelo, dalas ng paggamit, at pidbak. Pare-pareho ang estratehiyang
ginagamit ng lahat ng bata sa pagkatuto ng kanilang wika.
Ang modelong inilahad sa ibaba ay isang paglalarawan sa proseso ng
pagkatuto ng wika na konsistent sa ilang pananaliksik (Brooks, Goodman, 1976;
Brown at Bellugi, 1961). Sa modelong ito, ang pagkatuto ng wika ay hinati-hati sa
iba’t ibang yugto. Kakikitaan ito ng pagsasanib na ang ibig sabihin ay may mga
bata na pumapasok sa mas mataas na yugto bago pa man nila namamaster ang
mas mababang yugto ng pagkatuto. Ang pangyayaring ito ay may kinalaman sa
kanilang pagkakaiba. Ang mga edad na inilahad sa bawat yugto ay mga
kalkulasyon lamang.
UNANG YUGTO: PASUMALA (RANDOM)
Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailanganin
nila sa pagsasalita sa mga darating na araw. Kasama sa mga likhang tunog na ito
ay iyong bunga ng kanilang vocalizing, cooing, gurgling, at babbling. Ang mga
tunog na nililikha ng mga bata ay marami at iba-iba at ito’y tinatanaw ng mga
matatanda bilang mga ponema (pinakamaliit na yunit ng tunog sa pagsasalita).
Karaniwan na ang babbling ng mga bata ay binubuo ng magkakalapit na tunog ng
katinig-patinig gaya ng Ma Ma Ma o Da Da Da. Ang mga unang likhang tunog na
ito’y tinatanggap ng mga magulang nang may lugod at kagalakan. Bagama’t
talagang hindi mauunawaan ang mga likhang tunog na ito, tinatanaw naman ng
maraming magulang na ang mga ito’y nangangahulugan ng Mama at Daddy dahil
para sa kanilang sarili, nakapagsasalita na ang kanilang bunso. Uulit-ulitin nila ang
mga ito at bibigyan nila ng kaukulang atensyon at gantimpala ang mga bata sa
tuwing mabibigkas nila nang maayos ang mga tunog na kanilang ipinaririnig. Ang
mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita ay karaniwang tinatawag na echoic
speech.
IKALAWANG YUGTO: UNITARY
Sa yugtong unitary, patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit ng tunog ang
mga bata na limitado sa isang pantig. Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay
naaayon sa kalikasan ng pag-unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng
kanilang mekanismo sa pagsasalita sapagkat ang mga proseso ng paglinang ng
wika at paggulang (maturation) ay magkasabay na nagaganap. Halimbawa, ang
batang isang taong gulang ay limitado lamang sa pagbigkas ng isang salita na
maaari niyang ulit-ulitin. Ang isahang salitang ginagamit ng mga bata sa yugtong
ito’y isang pagpapaikli sa kung paano nila tinatanaw ang isang sitwasyong
komunikatibo. At karaniwang ang isang salita na kanilang binibigkas ay
pagpapahayag ng iba’t ibang kaisipan. Halimbawa: Ang “sali” ay maaaring
mangahulugang “Sali ako” o “Sali ikaw”. Ang paggamit ng mga bata ng isang salita
upang magpahayag ng mga ideya ay tinatawag na holophrastic speech.
Sa gulang na 24 buwan, ang mga bata ay nagsisimula nang sumunod sa
ilang payak na pasalitang pautos tulad ng upo, tayo, at iba pa at mapaghuhulo na
maaari na silang magsimulang sumagot sa kabuuang ponemikong konpigurasyon
ng mga salita at mga parirala.
Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya, bokabularyo, at balarila ay matagal
at mahirap kahit na ang pag-unlad nilang pisikal ay maoobserbahang mabilis.
Natututuhan ng mga bata ang ponema ng kanyang wika sa pamamagitan ng unti-
unting proseso ng pag-iiba-iba. Sa una, ang mga salitang binigkas niya ay
masasabing katulad ng mga salita ng nakatatanda na ipinalagay na ginaya, pero
ang katunayan, ito’y pagpapatibay na maging sa panahong ito, taglay na ng mga
bata ang kanilang sariling phonemic system kahit na hindi pa maayos. Halimbawa:
nagrararo, tatain, tatayaw, at iba pa. Sa paglaon, natutuhan ng mga bata ang mga
ponemang eksaktong katulad ng sa matanda.
IKATLONG YUGTO: EKSPANSYON AT DELIMITASYON
Sa yugto ng ekspansyon at delimitasyon, ang pagsasalita ay umuunlad mula
isahan o dalawahang pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng
pagsasalita ng matanda. Sa edad na 48 buwan, lumalabas na ang kanilang
dalawahang salita. Ang mga salitang gamit dito ay may dalawang klase. Ang una
ay tinatawag na pivot class na kalimita’y maikli, at ito iyong malimit nilang
bigkasin at maaaring nasa una o ikalawang posisyon. Ang posisyon ay iyong
kinalalagyan ng salita sa isang pangungusap. Ang ikalawa ay iyong isa pang salita
at tinatawag itong open class. Halimbawa: “Kain baby”, “Kain Mommy”, “Kain
ato” (Kain ang pivot word). Sa nga halimbawang “Dede ko”, “Dede tata”, “Dede
Mama” (Dede ang pivot word). Sa mga halimbawang “Tuya alit”, “Mommy alit”,
“Daddy alit”, alit (alis) ang pivot word at mapapansing ito ay nasa ikalawang
posisyon. Ilan sa mga dalawahang salitang pagsasalita ay maaaring magtaglay ng
maraming kahulugan ayon na rin sa layunin ng pagsasalita. Halimbawa, ang
“Mommy raro” ay maaaring pakahulugan ng “Naglalaro si Mommy” o “Gusto
kong makalaro si Mommy”.
Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang
kognitibong kalinangan ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawa sa
mga bagay, pangyayari, at mga tiyak na pangalan ng mga ito. Magiging
palatanong na ang mga bata at malimit na maririnig ang mga tanong na “Ano
‘to?” “Ano ‘yan?” at maraming “Bakit?”.
Upang hindi “malunod” ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang pagsasalita,
iwasan ang pagbibigay ng maraming mensahe ng batang nagsasalita. Kailangang
gumanap bilang mga salbabida ang mga matatandang nakapaligid sa mga bata.
IKAAPAT NA YUGTO: KAMALAYANG ISTRUKTURAL
Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at
paparaming mga abstraktong ideya at mga damdamin, kailangang makarating sila
sa yugtong kamalayang istruktural. Ito’y mahalaga upang makabuo sila ng mga
paglalahat at matuklasan nila ang hulwaran at kaayusan ng pagsasalita. Habang
patuloy na nagiging komplikado ang kanilang pagsasalita, magagawa nilang
magkamali dahil bumubuo sila ng sariling paglalahat na kung minsan ay hindi
pinapansin ang mga eksepsyon. Halimbawa: “nikain” vs. “kinain”.
IKALIMANG YUGTO: OTOMATIK
Sa yugtong ito, ang bata’y nakapagsasabi ng mga pangungusap na may
wastong pagbabalarila kaya magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya
at damdamin kagaya ng mga matatandang tagapagsalita ng wika. Ang mga batang
nasa yugtong ito ay may kahandaan na sa pagpasok sa kindergarten.
IKAANIM NA YUGTO: MALIKHAIN
Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng
sarili nilang wika. Bagama’t ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig,
nagkakaroon sila ng lakas ng loob dahil nagagawa na nilang masalita ang
ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa paligid.

You might also like