You are on page 1of 2

1. Magbigay ng 3 pangunahing tauhan sa Pelikulang ' Yanggaw"?

At ano ang papel na kanilag


ginagampanan?
• Junior Villacin– Tatay ni Amor
• Inday Villacin – Nanay ni Amor
• Amor Villacin – Ang pinaka-pangunahing tauhan at ang aswang
2. Ano ang pinakasukdulan sa loob ng Pelikulang Yanggaw?
Ang Pelikulang Yanggaw ay patungkol kay Amor na umuwi sa kanyang pamilya, ngunit
nadapuan ng isang kakaibang sakit, at nalaman nalang nila na si Amor pala ay isang Aswang.
Ang pelikulang ito ay tungkol din sa kung ano ang kayang gawin ng pamilya, kahit na si Amor
ay isang aswang. Higit pa sa pagiging Aswang ni Amor ang kwento, ang pelikulang ito ay
tungkol sa pagmamahal sa pamilya at sa mga sakripisyong pagdadaanan nila para lang sa
isang miyembro. Ang pelikulang ito ay patungkol din sa mga mahihirap na desisyon na
kinakaharap ng pag-iisip ng isang pamilya. Kaya mo bang talikuran ang iyong pamilya?
Makakaramay ka pa rin ba sa isang noo’y mapagmahal na anak, ngunit ngayo’y isang halimaw
na uhaw sa dugo at mamamatatay-tao?
Maraming pamilya ang nahaharap din sa mahihirap na desisyon, kahit na di kasing-sama o di
kapanipaniwala katulad ng nangyayari sa pelikulang Yanggaw, ngunit, lahat tayo ay makakatuto
ng mga leksyon na magagamit sa totoong buhay sa pamamagitan ng mahusay na pelikulang
ito.
3. Nagustuhan mo ba ang wakas ng pelikulang Yanggaw? Bakit?
Nagustuhan ko ang wakas ng pelikula dahil wala nang ibang magawa si Junior sa sandaling
iyon. Ang pagtatapos ay napuno ng drama, tinapos ang pelikulang ito na may isang mahusay
na konklusyon. Napakagandang makita ang talagang mahirap na desisyon ni Junior na patayin
ang sarili niyang anak.
Nararapat din na winakasan niya ang paghihirap ni Amor, dahil sa totoo lang, ay sobra-sobra
para sa isang tao na pasanin ang bigat ng mga kasalanan na kaniyang ginawa. Para sa akin,
ginawa ni Junior ang tama, at bilang isang manonood na nakikitang pinatay ng ama ang sariling
anak, bagaman isang halimaw o aswang, ay isang kamangha-mangha at nakakabagbag-
damdamin tingnan.
4. Sang ayon ka ba sa ginagawang proteksyong ng ama  sa kanyang anak na si Amor? Bakit?
Hindi ako sang-ayon sa ginagawang proteksyon ng ama sa kay Amor. Kung bakit hindi ako
sang-ayon sa ginawa niya, ay dahil kinukunsinit niya ang mga pagpatay ng kanyang anak.
Bagama’t madali itong sabihin bilang isang manonood lamang, kapag nilagay ako sa posisyon
ni Junior, ang kanyang mga aksyon ay tila mauunawaan, sapapgkat umaasa si Junior, sa halip
na isang aswang ang kaniyang anak, na maibalak ito sa dati bilang isang mapagmahal na anak
at mapapagaling ito sa kaniyang kondisyon at sa di-karapat-dapat na kapalaran. Pero meron
isang linya sa pagitan ng pagmamahal sa isang anak at sa pagkunsinti sa kasamaan; higit pa
sa pagmamahal, sa pelikulang ito, mas mahigit ang nagawang kasamaan ni Amor dahil sa
ginagawang proteksiyon ng kanyang ama, at hindi ako sang-ayon sa ganiyan.
5.  Anong mga gintong aral ang napulot ninyo sa loob ng kwento?
Ang gintong aral na napulot ko sa loob ng kwento ay ang pagmamahal ng pamilya. Kahit na
naging aswang si Amor, pinoproteksiyonan pa rin siya ng kaniyang pamilya dahil lang sa yun
nga, siya ay pamilya. Pinakita nito sa akin na kahit ano pa iyan, ang pamilya ay nandiyan para
sa’yo. “Ang dugo ay mas malapot sa tubig”, ika nga, at pinapakita ito sa kwento.

You might also like