You are on page 1of 4

Esp assignment

https://docs.qq.com/sheet/DQUJlbndwaFBKbnZm?
tab=d7x6b8&fbclid=IwAR3dAT_1CqFaDtBT7QHTGxCvqhwD7
78UV2CFlg6pYK1jFgz5vtxEFj1iKSQ
1. May talento ba ang bawal tao? Pangatuwiranan.
SAGOT:
Ang bawat nilalang ay may “innate” na talento, ang bawat tao ay may angking
talento sapagkat ang bawat isa ay pinagkalooban ng Poong Maylikha nito na
dapat din nating linganin at pagyamanin.

Tayo'y ginawa Ng Diyos na sadyang may iba ibang talent itoy nakadepende sa
tao kung paano niya ito palalaguin sa kanyang sarili. at kung paano niya ito
matutuklasan sa kanyang sarili. karamihan Ng mga tao na may talento ay simula
sa pagkapanganak hanggang sa lumalaki sila, itoy kanilang napapaunlad, at
silay mas lalong humuhusay sa kanilang talento, Ilan naman sa mga tao ay
kailan lang nila matutuklasan ang kanilang talento , kapag silay malaki na at may
nakitaan silang tao na mag bibigay sa kanila Ng inspirasyon o huhubog sa
kanilang talento na may roon ,sila ngunit hindi lang nila ito mapakita sa pagkat
laging may pangamba sa kanila na baka kaagad sila husgahan sa kung sino ang
makakatuklas nito, at baka hindi sila maunawaan .at minsan namay dahil din sa
kanilang pamilya na hindi tanggap ang talentomg mayroon sila.

2. May kasinghulugan ba ang talento at kakayahan? Patunayan sa


pamamagitan ng isang halimbawa.
SAGOT:
Hindi. Dahil ang talento ay ang kagalingan ng bawat indibidwal sa isang
partikular na bagay. Ito ay ang natural o innate na katangian mayroon ang tao.
Samantalang ang kakayahan naman ay abilidad ng tao na magawa ang isang
bagay na iyong nais. Ito ay napag aaralan, na eensayo upang malinang tungo sa
mastery.
Ang talent ay innate subalit ang kakayahan ay acquired. Ito ang kanilang
malaking pagkakaiba.
3. Sang - ayon kaba sa dalawang bagay na natuklasan nina Prof. Ericsson tungkol
sa talento at kakayahan? Pangatuwiranan.

SAGOT
Sang-ayin ako sa mga dalubgasang ito dahil likas ang mga talento at kakayahan
ngunit kailanagng paunlarin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasanay.
Una, kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at
matagumpay sa anumang larangan. Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan
ay bunga ng masusi at matamang pagsasanay. Ikalawa, bukod sa talento o
kakayahan, mahalaga na rin na tayo ay may interes o hilig sa ating larangang
pinasok. Dapat tayo ay masya sa ating ginagawa.

4. Ipaliwang ang mga dahilan kung bakit dapat paularin ang mga talento at
kakayahan.

SAGOT
Mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan
dahil ang katumbas nito ay pagtuklas o pagkilala sa iyong sarili. Maaaring
maging susi sa ating tagumpay ang pagpapaunlad at pagtuklas sa ating mga
talento, kakayahan at abilidad. Naniniwala ako na ang mga ito ay biyaya o regalo
sa atin ng Diyos

Kaya bilang pasasalamat ay makabubuting tuklasin, gamitin, at ipakita natin ito


upang makamit natin hindi lang ang tagumpay na magmumula sa iba, kung hindi
pati na rin ang pang sariling tagumpay na nagbibigay ng ligaya.

Sa pamamagitan din nito ay maaari nating maudyukan ang iba na tularan ang
ating mabubuting ginawa at abilidad.

5. Bakit mahalaga ang palinang ng tiwala sa sarili?

SAGOT
Mahalaga ang tiwala sa sarili sapagkat ito ang nakapagbibigay sa tao ng dahilan
upang maipakita ang kaniyang sariling galing. Bawat isa sa atin ay mayroong
talento at abilidad, ngunit hindi naman lahat ay kayang ipakita ito sa iba.
Kinakailangan pa nilang mabuo ang kanilang tiwala sa sarili upang magkaroon
ng kompiyansa na humarap sa iba at maipamalas sa lahat ang kanilang
kakayahan. Kung hindi malilinang ang tiwala sa sarili, mananatiling nakatago
ang potensiyal ng isang tao dahil mas iisipin niya lagi ang sasabihin ng iba. Kung
may tiwala sa sarili ang isang tao, anuman ang kaniyang gawin, ano man ang
kalabasan nito, ay buong tapang niya itong haharapin.

6.Ipaliwanag ang mga elemento ng plano ng pagpapaunlad sa sarili.


SAGOT
Ang pag-unlad ng sarili ay binubuo hindi lamang sa akumulasyon ng teoretikal na
kaalaman, kundi pati na rin sa praktikal na gawain sa pagbabalangkas ng mga layunin
ng isang tao, pagkuha ng mga bagong kasanayan, paggamit ng nakuha na kaalaman
sa pagsasanay, at pagpili ng tamang kapaligiran.
Ang pagpapaunlad ng sarili ay tungkol sa pangako na ginagawa ng isang indibidwal sa
kanyang sarili, upang mapabuti sa isang personal na antas. Ang pagnanais na
umunlad, ay gumawa ng tao ng isang plano ng aksyon upang matugunan siya sa mga
layunin na iginuhit sa buhay. Ang isang tao na pabor sa pag-unlad ng sarili,
nagpapanatili ng isang malinaw na abot-tanaw ng kung ano ang kanyang layunin at
samakatuwid ay dapat magkaroon ng kamalayan ng mga pagkakataon na ipinakita sa
kanya. ng pag-unlad sa sarili ay maaaring makamit sa maraming akademikong
paghahanda, paggawa ng makabago ng kaalaman, syempre na ang lahat ng ito ay
nangangailangan ng isang mataas na pakiramdam ng responsibilidad at laging
mapanatili ang isang maagap na pag-uugali.
Upang ang isanmakapag-develop ng sarili, dapat muna nilang tandaan ang tatlong
mahahalagang elemento: kilalanin na kailangan nila ito. Maglaan ng oras upang
magawa ito. Bigyan ang iyongng pag-ibig, pahalagahan ang iyong sarili.

Ipinapakita ng tatlong elementong ito na, una, dapat maunawaan ng tao na kung nais
niyang umusad, dapat niyang sundin ang isang plano para sa pagpapabuti sa isang
antas ng propesyonal at upang makamit na dapat niyang pagtuunan ng pansin ang
akademikong paghahanda. Sa parehong paraan, mahalaga na kung ang tao ay
magpapasiya na ipagpatuloy ang pag-aaral, dapat silang magtabi ng isang tagal ng
oras sa isang araw upang magawa ito at sa wakas dapat matuto ang tao na
pahalagahan ang kanilang sarili, na palaging isaalang - alang ang lahat ng positibo na
mayroon sila ng labis propesyonal, bilang personal.
sa pamamagitan ng paglalapat ng iba't ibang mga pamamaraan na mula sa mga
sikolohikal at motivational therapies, upang masimulan ng tao ang isang proseso ng
kaalaman sa sarili na makakatulong sa kanilang pag-unlad sa buhay.

7. Anong mahalagang aral tungkol sa talento ang ipinabahayag ng parabula ng mga


talento? Ipaliwanag.
SAGOT
Isa sa mga bagay na pinagtuunang ipaintindi sa atin ng parabulang ito ay ang talento ay
hindi dapat itago bagkus ay gamitin para sa mga mabubuting bagay. Atin itong ipalago
at hindi ipagdamot na ipakita at ibahagi sa iba. Pagdating ng panahon, ito'y kukunin sa
atin kung hindi natin ito gagamitin kung kaya't mahalagang malaman nating ang ating
talento'y mahalagang maibahagi.

8. Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga talento at kakayahan?


SAGOT
Ang pagtuklas ng talento, abilidad o kakayahan ay katumbas ng pagtuklas ng iyong
sarili. At bago natin pahalagahan at mahalin ang iba, dapat ay sarili muna ang
pakamahalin. Maaaring maging susi sa ating tagumpay ang pagkatuklas sa ating bigay-
Diyos na talento at kakayahan.

Kagaya ng madalas na naririnig at nakikita sa telebisyon, gayundin sa mga laman ng


balita sa ibang bansa kung saan isang tao ang nagpakita ng kaniyang talento at
abilidad ay patunay ng nasabing tagumpay. Oo, kung gagamitin at tutuklasin natin hindi
lang ang ating sarili kunddi pati mga natatagong abiidad, kakayahan, at talento, maaari
tayong maging tulad ng mga taong nakitaan natin ng tagumpay o mas higit panga.

Ipinagkaloob ito sa atin ng Diyos. Kaya bilang pasasalamat, makabubuting tuklasin,


gamitin, at ipakita ito. Sa gayong paraan, ay makakamit natin hindi lang ang tagumpay
na magmumula sa iba kundi pati na rin ang pansariling tagumpay na nagdudulot ng
ligaya.

Sa pamamagitan din nito ay mauudyukan natin ang iba na tularan ang ating ginawa. At
magsisilbi pa nga tayong huwaran at ehemplo sa kanilang mga mata. Nawa'y ating
ipakita sa lahat na lubusan nating pinahahalagahan ang likas na telento at kakayahan
nang sa gayo'y makapag taguyod sa bawa't isa ng kasiyahan.

You might also like