You are on page 1of 2

RAESIC

1. Ano ang natuklasan mo sa iyong pagsusuri.


SAGOT
 Matapos nang masusing pagsusuri sa natapos na gawain sa RIASEC, napagtanto ko, base
sa interpretasyon nito na mataa ang aking A at C sa RIASEC. Ibig sabihin daw nito, ay ako
daw yung taong mas pipiliing magtrabaho sa organisasyong walang masyadong
istraktura kung saan magagamit ko ang aking pagkamalikhain.

Mataas din ang aking C sa RIASEC. Sumasang-ayon ako dito dahil sa kabila nga aking
pagkamalikhain nanatili pa rin ang aking pagka organisadong tao, na may sistemang
sinusunod sa trabaho nang sa gayon ay walang mga bagay bagay na nakakaligtaan.
Pwede naman maging malikhain na may sinusunod na Sistema.

2. Tugma ba ang resulta ng “ANG Code ng Aking mga Hilig”? Ipaliwanag.


SAGOT
 Masasabing kong hindi gaanong tugma ang resulta pero leading siya sa aking mga hilig.
Sa aking kagustuhang hindi magkamali sa aking mga ginagawa ay hindi ko maiwasang,
ninanais kong may sinusunod na Sistema. Sa pagsunod sa Sistema ay siisikap ko pa ring
maging malikhain sa bawat bagay na aking ginagawa.

3. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa iyong mga hilig? Ipaliwanag


SAGOT
 Ang pagtuklas ng talento, abilidad o kakayahan ay katumbas ng pagtuklas ng iyong sarili.
At bago natin pahalagahan at mahalin ang iba, dapat ay sarili muna ang pakamahalin.
Maaaring maging susi sa ating tagumpay ang pagkatuklas sa ating bigay-Diyos na talento
at kakayahan.

Kagaya ng madalas na naririnig at nakikita sa telebisyon, gayundin sa mga laman ng


balita sa ibang bansa kung saan isang tao ang nagpakita ng kaniyang talento at abilidad
ay patunay ng nasabing tagumpay. Oo, kung gagamitin at tutuklasin natin hindi lang ang
ating sarili kunddi pati mga natatagong abiidad, kakayahan, at talento, maaari tayong
maging tulad ng mga taong nakitaan natin ng tagumpay o mas higit panga.

Ipinagkaloob ito sa atin ng Diyos. Kaya bilang pasasalamat, makabubuting tuklasin,


gamitin, at ipakita ito. Sa gayong paraan, ay makakamit natin hindi lang ang tagumpay
na magmumula sa iba kundi pati na rin ang pansariling tagumpay na nagdudulot ng
ligaya.

Sa pamamagitan din nito ay mauudyukan natin ang iba na tularan ang ating ginawa. At
magsisilbi pa nga tayong huwaran at ehemplo sa kanilang mga mata. Nawa'y ating
ipakita sa lahat na lubusan nating pinahahalagahan ang likas na telento at kakayahan
nang sa gayo'y makapag taguyod sa bawa't isa ng kasiyahan

4. Paano mo pauunlarin ang mga hilig na natuklasan mo gamit ang RIASEC Inventory?
 SAGOT
Ang mga hilig ay madaling paunlarin kung ito ay gagamitin ng madalas. Ito’y mas
malilinag kung ito’y pagyayamanin. Mahahasa natin ang ating mga talento at hilig sa
pamamagitan ng pag-iinsayo.

You might also like