Ano ang kahulugan ng kagalingan sa paggawa? SIR MERTZ CABATINGAN Ang kagalingan sa paggawa ay ang pagganap o pagtupad ng kinakailangang gawain upang makamit, matapos o mabuoang inasahang bunga na kasiya-siya at may mataas na uri ng pagkakagawa.
SIR MERTZ CABATINGAN
Masasalamin sa kagalingan sa paggawa ang mga kaalaman, kakayahan, at pagpapahalaga ng manggagawa sa mataas na uri o kalidad ng pagkagawa sa nabuo o natapos na gawain.
SIR MERTZ CABATINGAN
Masasalamin sa mga kabataang Pilipino ang mga pagapahalaga at pagkilos tungo sa kagalingan at mabuting etika sa paggawa sa kasalukuyang gampanin at sa mga inaasam na gawain sa hinaharap.
SIR MERTZ CABATINGAN
Maari na ang ilan sa inyong klase ay may pag-aatubili na taggapin na may mga pagpapahalaga at mabuting etika na kayo para sa kagalingan sa paggawa sa kasalukuyan. Ngunit sa totoo, lahat ng ta ay may mga kalakasan at kahinaan na nakaaapekto upang maging magaling o maging mahina sa paggawa. Ang pagtanggap at pagkilala sa ating mga kalakasan at kahinaan ay mahalaga upang makamit ang kagalingan sa paggawa.
SIR MERTZ CABATINGAN
Ano-ano ang hakbang na pamamaraan na magagawa ng kabataan tungo sa kagalingan sa paggawa?
SIR MERTZ CABATINGAN
Kakapaki-pakinabang na pamamaraan na magagawa ng kabataan tungo sa kagalingan sa paggawa?
Tukuying ng mga priyoridad sa gagampanang gawain.
Bumuo ng plano ng mga hakbang na magsisilbing gabay sa pagtupad ng gawain. Bumuo ng to-do list batay sa activity log na binuo para sa gawain.
SIR MERTZ CABATINGAN
Gamitin nang lubos ang mga kaalaman, talento, at mga kasanayan upang makauo ng mahusay na produkto mula sa iyong paggawa. Magkaroon ng mabuting saloobin o pakiramdam sa gagampanang gawain. Harapin ang mga stress sa gawain sa maayos at mabuting pamamaraan.
SIR MERTZ CABATINGAN
Narito ang mga praktikal na paraan ng pamamahala ng mga pressure o stress na magbubunga nang mabuting kalusugan at kagalingan sa iyong paggawa sa iba’t ibang sitwasyon: Sikaping matulog nang maaga at may sapat na oras gabi-gabi Tapusing ang gawain sa lugar ng paggawa upang hindi na kailangang ipagpatuloy sa bahay upang makompleto.
SIR MERTZ CABATINGAN
Alamin ang sanhi na pinagmumulan ng iyong stress upang maplano na maalis o mabawasan ang tindi ng epekto nito sa pagkatao. Mag- iskedyul ng panahon na makapahinga o makapagrelaks sa pagitan ng panahon ng paggawa. Gawin ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng lakas at kasiyahan upang maging malakas muli na ipagpatuloy ang paggawa na nais mong tapusin.
SIR MERTZ CABATINGAN
Paano maiaangat ng kagalingan at pagiging produktibo sa paggawa ang pag katao ng isang kabataan?
SIR MERTZ CABATINGAN
May walong birtud na isinulat si Charles Chua C K: Kababaang Loob (Humility) -Ito’y kailangan upang makamit ang tagumpay Tiwala ng kapwa (Trust) -Upang makuha ang tiwala ng mga kasama
SIR MERTZ CABATINGAN
Tibay ng loob sa sarili (Courage) -Dapat ay hindi panghinaan ng loob Pagiging maparaan (Resourcefulness) -Higit na nagiging mahusay ang taong gusto o mahal ang kanyang ginagawa
SIR MERTZ CABATINGAN
Katapatan sa Paggawa (Honesty) -Tanggapin ang kamalian Maasahan (Dependable) -Maasahang matatapos ang Gawain
SIR MERTZ CABATINGAN
Nagtratrabaho bilang isang kasapi ng koponan (Work as a Team) -Hindi makasarili o maramot Positibong pananaw o kaloobin (Positive Attitud -Mataas ang interes na matuto
SIR MERTZ CABATINGAN
PAANO MAGIGING MASAYA ANG ISANG TAO SA KANYANG PAGGAWA?
SIR MERTZ CABATINGAN
Patuloy na pagbutihin ang iyong mga paggawa. Ang manggagawa na gusto ang kanyang mga ginagawa ay likas na nakakakita ng mga pagkakataon upang lalong maging magaling sa kanyang paggawa. Isapuso at mahalin ang iyong Gawain. Ang pagsasapuso at pagmamahal sa iyong Gawain ay nangangahulugan ng iyong pagiging responsable o mapanagutan sa paggawang ginagampanan.
SIR MERTZ CABATINGAN
Maging produktibo sa iyong mga Gawain. Ang iyongpagiging produktibo ay makikita sa mahusay at magaling na kalidad sa iyong mga ginagawa. •Gawin ang mga nais mong gawin upang mapaghusay ang iyong paggawa. Ang kaligayahan at kasiyahan sa iyong paggawa ay magbibigay ng inspirasyon upang lalong maging magaling sa Gawain.
SIR MERTZ CABATINGAN
Ang malinaw na pokus, payapang pag-iisip, at konsentrasyon habang ginaganap ang mga hakbang ay magiging kalugod-lugod sa mga manggagawang tulad mo. Ipagpatuloy na maging magaling sa iyong paggawa. Magbibigay sa iyo ng saya at lugod ang patuloy na pagiging magaling sa mga Gawain.
SIR MERTZ CABATINGAN
Magkaroon ng positibong pananaw sa iyong paggawa. Ang iyong positibong pananaw sa iyong Gawain ay mahalaga upang maging tutok at maging maayos na pag-iisip sa gawaing gagampanan. Maging mabisa sa paraan ng pagharap sa mga suliranin sa paggawa. Iwasanang di-mabisang paraan sa paglutas ng mga suliranin sa paggawa, sa halip ay ituring ang mga pagpansin ng mga pagkakataon upang mapatalas ang kanyang pagkamalikhain sa kanyang Gawain.
SIR MERTZ CABATINGAN
Bakit masaya ang kabataan bilang manggagawa na magpapasalamat sa Diyos? SIR MERTZ CABATINGAN Ang mga gawain na galing sa Bibilya, kung ginamapanan ng maayos ay isang paraan ng pagpapasalamat sa Diyos Ito ay isang pagkakataon upang magamit ang mga talento at kakayahan natiin.
SIR MERTZ CABATINGAN
Bilang isang kabataan, maipapahayag natin ito sa pamamagaitan ng pagagawa ng mgamabuting bagay lalo na sa pamilya natin Ito ay nagsisilbing handog sa Diyos bilang pagpupuri sa kanyang mga biyaya
SIR MERTZ CABATINGAN
Kadalasan ay hindi na ito nagagawa ng mga kabataan ngayon. Ang pagsisikap sa pag-aaral ay isa rin sa paraan sa pagpapakita ng pagpapasalamat
SIR MERTZ CABATINGAN
Ang pagsasali ng mga gawain sa pamayanan ay isa ring paraan upang maipakita ang mga talento Galing ito sa Diyos at ito ang nagsisilbing tulong sa mamamayan
SIR MERTZ CABATINGAN
Nagiging masaya din ang Panginoon kapag nakagawa tayo ng mabuti lalo na kapag buong puso ito Bilang mga anak ng Diyos, dapat gamitin sa mabuti ang talento na bigay ng Diyos sa atin