You are on page 1of 3

Gawaing Papel sa Pagkatuto

Filipino 10
ARALIN 2- UNANG MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________ Petsa: _______________________
Guro: ______________________________________ Marka:_______________________

ANGKOP NA GAMIT NG PANDIWA BILANG AKSIYON,


KARANASAN AT PANGYAYARI
MELC: Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksyon, pangyayari at
karanasan.

 Ang pandiwa ay maaaring gamitin bilang aksyon, karanasan at


pangyayari.
- Ginagamit ito bilang aksyon kapag may tagaganap
o aktor ng kilos.
-Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga
panlaping: -um, mag-, ma-, mang-,maki-, mag-an.
- Maaaring tao o bagay ang aktor.
Halimbawa:-
- Kumain si Nene ng mainit na puto.
- Nagluto ng hapunan si Nanay.

 Ang pandiwa bilang karanasan naman ay kadalasang naipahahayag


kapag may damdamin ang pangungusap at may tagaramdam ng
emosyon o damdamin na nakapaloob sa pangungusap

Halimbawa:
-Umiyak si Ana nang dahil sa pagkamatay ng
alaga.
-Nagalit si Helen dahil nawala ang kaniyang pera.
-Natuwa si Nene sa regalong natanggap

 Ang pandiwa naman bilang pangyayari ay nasasalamin sa aksyong


naganap bunga ng isang pangyayari
Halimbawa:
- Nahulog siya sa kahoy dahil sa lindol.
- Umakyat siya sa stage noong graduation nito.

Gawain I
Panuto: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel. Isulat
sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksyon,
karanasan at pangyayari.

________1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang


pagmamahal kay Cupid.

1
________2. Umibig ang lahat ng kababaihan kay Bantugan.
________3. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche
________4. Umuwi siya sa kaharian ni Venus
________5. Dahil sa paghihirap ay natukso siyang tumalon.

Gawain II
Panuto: Buuin ang mga pangungusap. Piliin ang angkop na pandiwa. Isulat
ang sagot sa patlang.

1. ____________ kami ni Lolo sa bukid bukas.


(Pumunta, Pumupunta, Pupunta)
2. Sa Martes _____________ ang mga pinsan ko mula sa probinsya.
(dumating, dumarating, dadating)
3. ____________ kami ng talong sa Linggo.
(Namitas, Mamimitas,Pumitas)
4. Ako ay ____________ kahapon.
( Nagwalis, Nagwawalis, Magwawalis)
5. ____________ ako ng durian sa palengke bukas.
( Bumili, Bumibili, Bibili)

Gawain III “Wordsearch”


Panuto: Hanapin ang mga salita sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
patlang.

AKSYONSKYLNPRQWTACVBHK
NSTEUEWRIOHARYUASDFVBG
A EWSDFGTR WN KQWERTYYI
IZXCVBNMLKJHD ATASDFGHJ
NAHULOGGDEI IDFGOKLZXCV
INIWANLKJHYIWQSXCRVBNM
SPOIYTREWQASADFGOLDIEN

_________1. Ang pandiwang ito ay ginagamit kapag may tagaganap ng kilos.


_________2. Halimbawa ng pandiwang karanasan.
_________3. Ito ang gumagawa ng kilos sa pangungusap.
_________4. Ito ay ang salitang kilos.

2
_________5. Halimbawa ng pandiwang pangyayari.
Pidbak:
Paano ka natulungan ng mga gawaing ito?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni:

ALEXIS VALERIE B. CALIMAG


Teacher I

You might also like