Poe, tinaguriang ama ng maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari. Ito ay nababasa sa isang upuan lamang, nakapupukaw ng damdamin at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Paksa- ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan ng akda.Ang paksa ng kwento ay tumutukoy sa isang bagay na pangunahing nilalaman nito. Sa paksa umiikot ang mga pangyayari at mga tauhan. Ito rin ang nagsisilbing gabay natin sa pagsulat. Nagkakaroon ng ugnayan ang bawat pangungusap dahil sa paksa. Samakatuwid, mahalaga ang paksa upang makabuo tayo ng isang akdang pampanitikan. Ang paksa rin ay ang maaaring pangunahing mensahe o gintong aral na naia nating ibahagi sa isang kwento o akda. Tauhan- ito ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad ng maikling kuwento epiko, parabula, pabula at alamat. -Nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang akda. -Ang tawag sa mahalagang elemento ng akdang pasalaysay. Dito nakasalalay ang kagandahan ng akda. Ito ang nagbibigay - buhay sa kwento. Makikilala sa panlabas na kaanyuan gaya ng pananamit at pisikal na katangian. Maari ding hayop o bagay. Uri ng Tauhan Tauhang lapad ay tumutukoy sa uri ng tauhan kung saan hindi nagbabago ang pag-uugali at karakter ng isang tao sa buong istorya o kwento. Tauhang bilog- ang taguri sa isang tauhan kung saan siya ay nakikitaan ng pagbabago sa ugali at kanyang karakter. Tauhang pisikal- uri ng tauhang pisikal na nakikita, nahahawakan may katawan at malayang nakapagpapahayag ng kaniyang emosyon o damdamin. Tauhang Sikolohikal- tauhang nabubuo sa isipan ng mga tauhan sa kuwento. Tauhang Sosyal- tauhang karaniwang makikita lamang sa mga pagtitipon, karaniwang may mataas na katungkulan o posisyon sa lipunan.