You are on page 1of 1

Ang Kuwentong Makabanghay ay isang uri ng kuwentong nagbibigay diin sa banghay o maayos na daloy ng mga

pangyayari sa teksto o istorya. Ito ay mula sa salitang banghay na may kahulugang ang maayos o masinop na daloy ng
magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tulad ng maikling kuwento,
anekdota, mito, alamat, at nobela.
Ang kuwentong makabanghay ay nabubuo dahil mula sa banghay ng kuwento ay makabubuo ang mambabasa ng
balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa kuwentong binasa.
Kabilang dito ay ang panimulang pangyayari kung saan ipinakikila ang mga tauhan at ang tagpuan, papataas na
pangyayari, kasukdulan, pababa ng pangyayari, at ang resolusyon.
MGA KATAGA O PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI
O TRANSITIONAL DEVICES- tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod -sunod ng mga pangyayari at
paglilista ng mga ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad Halimbawa: (subalit, ngunit, sa wakas,palibhasa,
samantala,dahil sa,saka,kaya,kung gayon sa lahat ng ito)
PANGATNIG- ay kataga o grupo ng mga salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa
isa pang salita o isang kaisipan sa isa pang kaisipan.

- Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap.


- Kapag ang tanong ay nagsisimula sa bakit, ang sagot ay kalimitang nagsisimula sa pangatnig. Wastong
magagamit ang pangatnig na nagsasaad ng dahilan, kundisyon o pasubali at magkatulad o magkasalungat na
kahulugan.
Mga pangkat ng Pangatnig
PANGATNIG NA NAG-UUGNAY NG SUGNAY NA MAGKATIMBANG
(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi)- pinagbubuklod
ang kaisipang pinag-uugnay
(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero)- pangatnig na panalungat: sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang
ipinahahayag ng nauuna
PANGATNIG NA NAG-UUGNAY NG MGA SUGNAY NA HINDI MAGKATIMBANG
(kung,kapag, pag) (dahil sa, sapagkat, palibhasa)- nagpapakilala ng sanhi o dahilan (kaya, kung gayon, sana)- pangatnig
na panglinaw
Uri ng Pangatnig 1. Pantuwang – pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipan
Hal. Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng patawad ay palatandaan ng pagsisisi nito. 2. Pamukod – may ibig
itangi sa dalawa o ilang bagay at kaisipan
Hal.Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung may bisyo ang ama sa tahanan. 3. Paninsay – kung sa
tambalang pangungusap ang ikalawa ay sinasalungat ang una
Hal. Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi na ito makikita ni Mui Mui subalit naniniwala silang pinagsisihan
niya ang lahat.
(Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit at datapwat ay ginagamit sa unahan ng pangungusap.) 4. Panubali –
nagsasaad ito ng pag-aalinlangan
Hal.Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.
5. Pananhi – nagsasaad ng kadahilanan at pangangatwiran
Hal. Mga takot ang mga anak palibhasa’y takot din ang ina.
6. Panlinaw – nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan, bagay o pangyayari
Hal. Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak kaya naniniwala silang tanda na ito ang kaniyang pagbabago. 7.Panapos –
nagbabadya ng pagwawakas
Hal. Sa wakas kinakikitaan din ng pagbabago ang ama.

You might also like