You are on page 1of 21

4

PHYSICAL EDUCATION
Quarter 1 – Module 1a
Ang Physical Activity Pyramid
Guide at Mga Sangkap ng Physical
Fitness
Physical Education – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 1a: Ang Physical Activity Pyramid Guide at Mga Sangkap
ng Physical Fitness
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Writers: Emma L. Baga, Marlie G. Raipan, Loweda S. Diocos, Marjorie T. Amas, Ma.
Liza Venus R. Trasmonte
Editor: Emma L. Baga, Antonieta E. Lajot, Marynell G. Maquiling
Reviewer: Kathy S. Belingan
Illustrator: Name
Layout Artist: Name
Management Team: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Jenith C. Cabajon Fay
C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Rosela R. Abiera Nilita
L. Ragay, Ed. D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera

Printed in the Philippines by

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tele #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

ii
Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa
Batang Filipino, mga Sangkap ng Phisical Fitness at
ang mga Pagsubok sa mga ito (Pre-test)
ARALIN 1

PANIMULA Magandang Araw! Kumusta?

Ang modyul na ito ay tungkol sa Physical Activity Pyramid para sa


mga batang Pilipino, mga sangkap ng physical fitness at pagsubok ng
mga ito na dapat matutuhan upang malaman ang kahalagahan ng mga
ito sa kalusugan ng tao. Ito ay naglalayon na makatutulong sa mga bata
upang mas magiging aktibo sa mga gawaing pisikal sa ibat ibang antas.
Tingnan mong maigi ang mga gawain na nakapaloob sa modyul
na ito. Sana ay may matutuhan ka ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon
ng wastong kalusugan. Handa ka na ba? Simulan Na!

1
MGA LAYUnIn

Sa katapusan ng modyul, ikaw ay inaasahang:


➢ Kaalaman: Natatalakay ang mga sagot sa mga katanungan ukol sa
Physical Activity Pyramid Guide.
➢ Kasanayan: Naisagagawa ang mga pagsubok na sangkap ng
Physical Fitness ayon sa nararapat na pamamaraan ng mga ito.
➢ Saloobin: Naipaliliwanag ang mga benepisyong makukuha sa
pagsubok ng Physical Fitness.
➢ Pagpapahalaga: Naisa-alang-alang ang kaukulang pagiingat sa
pagsubok sa sangkap ng Physical Fitness.

PANIMULANG PAGTATAYA

A. Panuto: Suriing mabuti kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin
ang titik lamang at isulat sa inyong kwarderno.

1. Ito ay makatutulong na maging mas aktibo ang batang katulad mo.


A. Sleeping Routine C. Food Pyramid
B. Physical Activity Pyramid Guide D. Body Composition
2. Tumutukoy ito sa anumang pagkilos ng katawan na
nangangailangan ng enerhiya.
A. Gawaing Lohikal (logic)
B. Gawaing Emosyonal (emotion)
C. Gawaing Pisikal (energy)
D. Gawaing espirituwal
3. Tumutukoy ito sa dami ng bilang ng paggawa ng isang gawain.
A. Dalas ng paggawa (Frequency)
B. Dalas ng pagpahinga (Rest)
C. Dalas ng paghinga (Breathing)
D. Body Composition
4. May kakayahan ito ng pangmatagalang gawain na gumamit ng
malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na
antas ng kahirapan.
C. Physical Activity Pyramid Guide
D. Cardiovascular Endurance
E. Flexibility

2
5. Ito ay kakayahan ng iba’t ibang parte ng katawan na kumilos nang
sabay-sabay na parang iisa nang walang kalituhan.
A. Balance
B. Agility
C. Coordination
D. Physical Activity Pyramid Guide
6. Kakayahan itong makagawa ng kilos sa maiksing panahon.
A. Reaction Time
B. Coordination
C. Balance
D. Speed

GAWAIN 1

Pareho ba ang pamamaraan ng push up sa mga babae at lalaki?


Subukan mong gawin ang push up. Kapag tumigil nang matagal bago
gawin ang kasunod na bilang, kailangan nang itigil ang pagsubali at
ang pagbibilang. (Laging isipin ang pag-iingat sa anumang gawain).

Pag-aralang mabuti ang Physical Activity Pyramid Guide para sa


Batang Pilipino at sagutin ang mga sumusunod:
Aling mga gawain sa tsart ang ginagawa mo ang naayon sa
rekomendasyon ng pyramid?
Aling mga gawain ang sa tingin mo ay dapat mong dalasan sa
paggawa? At aling mga gawain naman ang dapat mong
bawasan ang dalas ng paggawa? Bakit?

3
Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino

https://image.slidesharecdn.com/peq1a1angphysicalpyramidguideparasabatangpilipino

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay


makatutulong na maging mas aktibo ang batang katulad mo. Ito ay
hango mula sa Pyramid Guide. Ito ay binubuo ng mga gawaing pisikal
(physical activity) na hinati sa apat na antas (levels) kung saan ang
bawat antas ay tumutukoy sa rekomendadong dalas ng paggawa
(frequency) ng iba’t ibang mga gawaing pisikal (physical activity). Ang
pinakamababang antas ay mga gawaing nirerekumenda araw-araw at
gawin kahit ang mga ito ay simple lamang. Ang mga simpleng gawaing
ito ay makatutulong sa iyong kalusugan dahil ang iyong katawan ay
kumikilos.

Ang pangalawang antas mula sa baba ay mga gawaing 3-5 beses na


rekumendadong gawin. Ito ay binubuo ng mga gawaing lubos na
makapagpapataas ng tibok ng puso tulad ng pagbibisikleta, pagtakbo,
paglalaro ng basketball, volleyball, at iba pa. Sa paggawa ng mga
gawain sa antas na ito, mas nalilinang ang iyong kalusugan dahil
patuloy sa pagkilos ang iyong katawan. Ang ikatlong antas mula sa
ibaba naman ay mga gawaing 2-3 beses na rekumendadong gawin. Ito
ay binubuo ng mga gawaing maaaring magpainam ng kundisyon ng
iyong katawan gaya ng pagtumbling, push-up, pull-up, pagsasayaw, at
iba pa. Ang mga gawain sa antas na ito ay makakapagpabilis din ng
tibok ng iyong puso ngunit nagbibigay din ng pokus sa pagkundisyon ng
4
iyong mga kalamnan (muscle conditioning). Ang ikaapat o ang
pinakamataas na antas sa pyramid, rerecommended na mas madalang
na gawin.

https://image.slidesharecdn.com/peq1a1angphysicalpyramidguideparasabatangpilipino

Sources: MAPEH 5 Teacher's Guid

Ang physical fitness ay ang kakayahan ng bawat tao na makagawa ng


pang-araw-araw na gawain nang hindi kaagadnapapagod at hindi na
nangangailangan ng karagdagang lakas sa oras ng
pangangailangan.Tumutukoy rin ito sa mga katangiang tumutulong sa
pagtugon sa mga pangangailangan ng katawan ayon sa gawain.

Ang health-related na mga sangkap ay tumutukoy sa mga sangkap na


may kinalaman sa kalusugan samantalang ang skill-related na mga sangkap
naman ay may kinalaman sa kakayahan ng paggawa. Bawat sangkap ay
mahalaga upang mapanatili ang pangkalahatang kalusugan.

May limang health-related na mga sangkap. Ito ay ang cardiovascular


endurance, muscular endurance, muscular strength, flexibility, at body
composition. May mga gawain na mainam na nagpapakita ng mga sangkap na
ito at ang bawat sangkap ay nalilinang sa pamamagitan ng bat ibang pagsubok
o tests (physical fitness tests).

5
Sangkap o Halimbawa ng Paraan ng
Kahulugan
Komponent gawain paglinang
kakayahang makagawa ng pagtakbo,
pangmatagalang gawain paglalakad
Cardiovascular na gumagamit ng nang mabilis,
Endurance malakihang mga galaw sa pag-akyat sa 3-minute Step
(Tatag ng katamtaman hanggang hagdanan Test
Puso at Baga) mataas na antas ng
kahirapan
kakayahan ng mga pagtakbo,
Muscular
kalamnan (muscles) na pagbubuhat
Endurance
matagalan ang paulit-ulit at nang paulit-ulit Curl-up
(Tatag ng
mahabang paggawa
Kalamnan)
DEMuscular PED kakayahan ng mga CO pagpalo
Strength kalamnan (muscles) na nang malakas
(Lakas ng makapagpalabas ng sa baseball, PY
Kalamnan) puwersa sa isang beses pagtulak sa Push-up
na buhos ng lakas isang bagay
kakayahang makaabot ng pagbangon sa
isang bagay nang malaya pagkakahiga,
sa pamamagitan ng pag- pagbubuhat ng
Flexibility Sit and
unat ng kalamnan at bagay, pag-
(kahutukan) Reach
kasukasuan abot ng bagay
mula sa itaas

dami ng taba at parte na


Body walang taba (kalamnan, Body Mass
-------------
Composition buto, tubig) sa katawan Index (BMI)

Ang skill-related na mga sangkap naman ay kinabibilangan ng


agility, balance, coordination, power, reaction time, at speed. Katulad ng
health-related na sangkap, mayroon ding mga gawain na mainam na
nagpapakita ng mga sangkap na ito. Madalas ding ang isang gawain ay
maaaring magtaglay ng iba’t ibang skill-related na mga sangkap. Ang
bawat sangkap ay nalilinang din sa pamamagitan ng iba’t ibang pagsubok
(physical fitness tests).

6
Sangkap o Halimbawa Paraan ng paglinang
Kahulugan
Komponent ng gawain
kakayahang
magpalit o mag-iba
ng posisyon ng Pag-iwas
katawan nang Illinois
Agility sa kalaban
mabilisan at Agility Test,
(Liksi) sa football o
naaayon sa pagkilos Shuttle Run
patintero

Kakayahan ng katawan
na panatilihing nasa
wastong tikas at
kapanatagan habang Gymnastics
nakatayo sa isa o stunts, Stork
Balance dalawang paa(static pagsasayaw, Balance
balance), kumilos sa pagspike sa Stand Test
sariling espasyo at volleyball
patag na lugar(dynamic
balance) o pag-ikot sa
ere (in flight)
kakayahan ng iba’t
ibang parte ng katawan
na kumilos nang sabay- Pagsasayaw, Alternate
Coordination sabay na parang iisa pagdidribol ng Hand Wall
nang walang kalituhan bola Test

Power kakayahang
makapagpalabas ng Pagpukol
Standing Long
puwersa nang sa bola ng
Jump,
mabilisan batay sa baseball,
Vertical Jump
kombinasyon paghagis
ng lakas at bilis ng ng bola
pagkilos

7
kakayahan ng mga
bahagi ng katawan sa
mabilisang pagkilos sa Pagkilos
pagsalo, pag-abot at ayon sa bato
pagtanggap ng ng bola sa
Reaction Time paparating na bagay o batuhan ng Ruler Drop Test
mabilisang pag-iwas bola, pag-
sa hindi inasahang iwas sa taya
bagay o pangyayari sa patintero

kakayahang makagawa
Pagtakbo,
Speed ng kilos sa maiksing
pagpasa ng 50m sprint
(Bilis) panahon
bola

Malalaman mo na ikaw ay physically fit sa pamamagitan ng


paggawa ng ibat ibang pagsubok. Humanap ng kapareha. Magsalitan sa
paggawa at pagtala ng resulta o iskor sa bawat pagsubok. Basahin ang
panuto at unawain ang bawat pagsubok. Siguraduhin na hindi ka
magbubuhos ng todong enerhiya o gagawa ng mga gawaing
nakapapagod bago ang pagsubok.

1. 3-Minute Step Test (Cardiovascular Endurance)


- tatag ng puso sa tuloy-tuloy na paghakbang
a. Gamit ang isang tuntungan o hagdan, ihakbang ang
kanang paa pataas. Ilapit ang kaliwa sa kanang paa.
Ilapit ang kaliwa sa kanang paa.
b. Ihakbang ang kanang paa pababa.
c. Gawin ito sa loob ng tatlong minuto.
Hawakang muli ang iyong pulsuhan (wrist) o sa may
leeg sa gilid ng lalamunan at damhin ang iyong pulso sa
pamamagitan ng hintuturo at gitnang daliri. Sa loob ng 15
segundo, bilangin ang iyong pulse rate at i-multiply ito sa 4.
Bumilis ba ang iyong pulso? Bakit? Ano ang ibig sabihin ng iyong
nakuhang iskor? Mas mainam ba kung mababa o mataas ang nakuha
mong resulta o iskor?
Sa oras na ito, sasanayin ang iyong muscular endurance. Gawin nang
mahusay ang panuto

8
2. Partial Curl-up (Muscular Endurance) - tatag ng kalamnan sa tiyan sa
patuloy na pag-angat

a. Humiga na nakabaluktot ang tuhod, ituwid ang braso, at


ilagay ang mga kamay sa hita.
b. Dahan-dahang abutin ang iyong tuhod. Hindi kailangang Curl-Up
umangat nang tuluyan ang iyong likod sa sahig.
c. Bumalik sa pagkakahiga.
d. Ulitin ang (a, b, at c) hanggang sa makakaya sa loob ng isang minuto.

Anong nararamdaman mo sa paggawa ng partial curl-ups? Nahirapan ka ba o


nadalian? Bakit?

Ang susunod ay ang pagsubok sa lakas ng iyong braso at dibdib. Handa ka na ba?

3. Push-up (Muscular Strength) – lakas ng kalamnan sa braso at dibdib sa patuloy


na pag-angat
a. Dumapa sa sahig na nakatukod ang dalawang kamay na kapantay ng mga
balikat at nakatapat sa mukha. Itukod ang mga paa. Iunat ang mga braso at
ituwid ang buong katawan.
c. Ibaluktot ang mga braso upang bumaba ang katawan at ilapit ang dibdib sa
sahig.
d. Iunat ang mga braso upang muling itaas ang katawan.

Push-Up Push-Up

e. Ulit-ulitin hanggang makakaya.


f. Bilangin kung ilang ulit ang nagawa nang maayos.

Pareho ang pamamaraan ng push-up sa mga babae at lalake maliban


lamang sa parte ng katawan na nakatukod dahil tuhod ang gamit ng mga babae
samantalang paa naman ang gamit ng mga lalaki.

9
Kapag ang indibidwal ay tumigil nang matagal bago gawin ang kasunod na
bilang, kailangan nang itigil ang pagsubok at ang pagbibilang. Kailangan ding itigil
na kapag naiiba na ang paraan ng paggawa ng push-up gaya ng naiiwan na sa
sahig ang ibabang bahagi ng katawan.

Balanse naman ang susubukin sa susunod na pamamaraan.

4. Stork Balance Stand Test (Balance) – pagbalanse gamit ang isang paa
lamang
a. Tanggalin ang sapatos at ilagay ang mga kamay sa baywang.
b. I-angat ang isang paa at ilapat ito sa kabilang tuhod na nakatuwid.
c. Tumingkayad gamit ang isang paa.
d. Simulan ang oras kapag nakatingkayad na ang paa.
e. Itigil ito kapag natanggal ang kamay sa baywang, naalis ang nakaangat na paa
sa pagkakadikit sa tuhod, naalis sa puwesto ang nakatingkayad
na paa, o bumaba nang tuluyan ang paa sahig.
f. Itala nang tama ang oras na nagawa ito. pagkakatingkayad.

Maaaring gawin ito sa kabilang paa gamit ang parehong


pamamaraan. Maaaring maging magkaiba ang resulta o iskor na
iyong makuha.

Ngayon, susubukin naman ang iyong bilis (speed) sa 50


pamamagitan ng pagtakbo. Sundan lamang ang mga pamamaraan
sa tulong ng iyong guro.

5. 50 m Sprint (Speed) – pagsubok sa bilis ng pagtakbo patungo sa itinakdang


lugar sa pinakamabilis na oras.
a. Sa hudyat, tumakbo nang mabilis mula sa panimulang
lugar hanggang sa itinakdang lugar na 50 m ang layo.
b. Sisimulan ang oras sabay ng hudyat at itigil ito kapag nakarating
na ang tumatakbo sa itinakdang lugar.
Mabilis ba ang iyong takbo? Ilang segundo ba ang nagugol mo?
Alam mo ba na ang pinakamababang bilang ng segundo ang
pinakamabilis?

10
REPLEKSIYON

Mga natutunan ko. Dugtungan mo ang mga sumusunod na


pahayag upang mabuo ang kaisipan ang diwa nito. Gawin ito sa
iyong kwaderno

Natutunan ko sa aralin ay

Nalalaman ko na

Magagamit ko ito sa

Panuto: Tignan ang Physical Fitness Test. Sa aling pagsubok ka nadalian o


nahirapan? Lagyan ng ☺ (masayang mukha) kung nadalian ka sa pagsasagawa
ng pagsubok at  (malungkot ng mukha) kung nahirapan ka. Maglagay rin ng
naiisip na dahilan kung bakit madali ito para sa iyo o naiisip na paraan para
mapaunlad mo pa kung aling kakayahan ka nahihirapan.
Mga Pagsubok/ Fitness Tests ☺/ Dahilan bakit madali/ paraan
para mapaunlad
1. 3-minute step test
2. Partial Curl-up
3. Push up
4. Stork Stand Test
5. 50m run
6. Shuttle run
7. Alternate Hand wall test
8. Ruler Drop Test
9. Sit and Reach
10. Vertical Jump

11
PANG-WAKAS NA PAGTATAYA

I. Panuto: Suriing mabuti kung ano ang tinutukoy ng bawat bilang. Kopyahin
ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Tumutukoy ito sa dami ng bilang ng paggawa ng isang gawain.


A. Dalas ng paggawa (Frequency)
B. Dalas ng pagpapahinga (Rest)
C. Dalas ng paghinga (Breathing)
2. Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay mahahati sa
___.
A. Anim na antas B. Apat na antas C. Siyam na antas
3. Ito ay makatutulong na maging mas aktibo ang batang katulad mo.
A. Sleeping Routine B. Food Pyramid B. Physical Activity Pyramid Guide
C.
4. Ito ay sumusukat ng tatag ng puso sa tuloy-tuloy na paghakbang gamit ang
isang tuntungan o hagdan.
A. Partial curl-up C. 3 minutes step test
B. Push up D. stork balanced
5. Ito ay tumutukoy sa pag-unat, sa pag-abot ng makakaya ng iyong
kalamnan sa pata (likod ng hita), binti, at likod.
A. Power B. Coordination C. Flexibility

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Ugaliing sundin ang tamang pagsasagawa ng mga gawain sa wastong


pamamaraan upang mapanatiling malakas ang pangangatawan lalong-lalo na sa
mga gawaing bahay. Paano mo magagamit ang mga pamamaraang ito sa
paggawa ng pang-araw-araw na gawaing bahay.

12
Panimulang Pagtataya

1.B
2.C
3.A
4.B
5.C
6.D

Refleksiyon:
(ang mga kasagutan ay maaaring iba-iba)

Pangwakas na Pagtataya:

1.A
2.A
3.C
4.C
5.C

13
14
15
16
17
18

You might also like