You are on page 1of 1

CUEVAS, JOMIELYN M.

20213896

Ang Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating
tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon,
nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin
ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay
Pilipino.

Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang
mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi
sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang
pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas
malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng
mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang
Pilipino.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong
buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

You might also like