You are on page 1of 30

1

Sunday Celebrations in the Absence of a Priest


(Tagalog Rite)
2

Introduction
The Directory “Sunday Celebrations in the Absence of a Priest” was
published by the Congregation for Divine Worship on June 2, 1988. Since then the
practice has been a regular feature in several barrio chapels around the country.
Although the practice is not the complete celebration of the Lord’s Day because of
the lack of the priest to celebrate the Eucharist, the faithful are nourished every
Sunday by the Word of God and Holy Communion.

However, in the course of time certain practices have been introduced that
do not conform to the instructions of the Directory. Such practices have led some
people to believe that Sunday Celebrations have equal value as Holy Mass.
Confusions have arisen regarding the role of the lay leader who should in fact act
as one among equals and not as a presiding minister. There are reported instances
of unlawful use of Sunday Celebrations on a weekday, of repeating them on the
same day, of performing them in chapels that are not sufficiently distant from the
parish church, and of celebrating them in chapels where Mass has already been
celebrated or is to be celebrated.

To address such issues and to promote a liturgically correct and spiritually


beneficial Sunday Celebrations in the Absence of a Priest, this rite was prepared by
Paul VI Institute of Liturgy. It is a revised edition of the previous rite prepared by
the same Institute and approved by the Bishops’ Conference of the Philippines. For
now the rite is offered in Tagalog, Cebuano, and Ilocano.

The rite indicates useful rubrics to guide the lay leader in the performance of
his or her role. It is necessary that the lay leader read them carefully and faithfully
observe them. Special attention should be given to the chair of the lay leader in the
nave, to the directive not to stand behind the altar except at communion time, to the
use of the Lectionary, to the reading of the homily provided by the parish priest,
and to the appropriate vessels and vestments.

As regards the texts of the celebration, this rite offers formularies for the
different seasons of the year such as Ordinary Time, Advent, Lent, Easter, and
Solemnities of the Blessed Virgin Mary. The formularies for Christmas and Easter
3

Triduum are in English awaiting translation in the vernacular. They are found in
the Supplement to the Roman Sacramentary for the Dioceses of the Philippines.
The formularies have been carefully written to ensure correct doctrine and foster
appreciation of the liturgical seasons. Therefore, the lay leader is advised to respect
them avoiding unnecessary spontaneity or modifications.

It is hoped that the Sunday Celebrations in the Absence of a Priest will


inspire the faithful to long for the complete celebration of Sunday through active
participation in the Holy Eucharist. It is likewise hoped that Catholics will commit
themselves to pray for vocations to the priesthood and to support seminary
formation.

That in all things God may be glorified.

PANLINGGONG PAGDIRIWANG
4

KUNG WALA ANG PARI


(Para sa Gamit ng Laikong Namumuno)

Magsusuot ang namumuno ng damit na nararapat sa kanyang tungkulin. Ilalagak ang Banal
na Sakramento sa tabernakulo ng kapilya o bisita. Kung walang tabernakulo, ilalagay ang
siboryo sa ibabaw ng altar na may corporal at sisindihan ang dalawang kandila. Nakalagay
ang upuan ng namumuno at ng iba pang tagapaglingkod sa lugar ng sambayanan at hindi
sa santuaryo.

PASIMULA

Kapag natitipon na ang sambayanan, magpuprusisyon ang namumuno at iba pang mga
lingkod patungo sa santuaryo, maninikluhod sa Banal na Sakramento, at magbibigay-
galang sa altar habang inaawit ang pambungad na awit. Tutungo ang mga tagapaglingkod
sa upuan na nakalaan para sa kanila.

Nakaharap sa altar, mag-aantanda ng krus ang namumuno kasama ng bayan, habang


sinasambit:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu


Santo.
Bayan: Amen.

Haharap ang namumuno sa sambayanan, babati sa pamamagitan ng sumusunod na


pananalita o katumbas nito:

Mga kapatid,
binabati ko kayo sa ngalan ng ating Panginoong
Hesukristo.
Naririto siya ngayon sa ating piling,
sapagkat sinabi niya,
“Kapag ang dalawa o tatlo ay natitipon sa aking
pangalan, ako’y nasa piling nila.”
Pipili ang namumuno mula sa mga sumusunod:

A PAGPUPURI SA PANGINOON

Namumuno: Sama-sama tayong natitipon ngayon


upang ipagdiwang ang Araw ng
Panginoon.
Purihin natin siya sa kanyang mga kahanga-
hangang gawa.
Ang ating tugon: Purihin ang Panginoon!
5

Bayan: Purihin ang Panginoon!

Namumuno: Dahil sa biyaya ng buhay. (tugon)


Dahil sa biyaya ng pananampalataya. (tugon)
Dahil sa biyaya ng Banal na Espiritu. (tugon)
Dahil sa biyaya ng kanyang banal na Salita. (tugon)
Dahil sa biyaya ng kanyang katawan at
dugo sa sakramento ng Eukaristiya. (tugon)
Dahil sa pag-ampon sa atin bilang mga anak ng Diyos.
(tugon)
Dahil sa pagiging kaanib ng Simbahang apostolika at
katolika. (tugon)
Dahil sa pagpapatawad niya sa ating mga kasalanan.
(tugon)

B PAPURI SA DIYOS

Namumuno: Sama–sama tayong nagdiriwang


ng Araw ng Panginoon.
Magbigay-puri tayo sa Banal na Santatlo,
sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
o kaya:

Sama–sama tayong nagdiriwang ng Araw ng


Panginoon,
purihin natin ang kanyang kadakilaan at
kabutihan.
Bayan: Papuri sa Diyos sa kaitaasan…

C PAGHINGI NG KAPATAWARAN

Namumuno: Sa binyag namatay tayo sa


kasalanan at naging bagong nilalang.
Bagamat nagkasala tayo,
nananalig tayo na patuloy na namamagitan si
Hesukristo
sa harap ng Diyos para sa atin.
Kaya, hilingin natin sa Diyos
na patawarin tayo sa ating mga kasalanan
6

upang maging ganap ang ating pagdiriwang.


Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos…

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

Aanyayahan ng namumuno ang bayan na pakinggan ang Salita ng Diyos na ipahahayag


mula sa Leksiyonaryo.

Namumuno:

Mga kapatid,
pakinggan natin ang salita ng Diyos,
na naghahayag ng kanyang pagmamahal sa atin.
Habang nakikinig, damhin natin ang pagmamahal
na ito
at palalimin ang ating pag-asa at
pananampalataya sa Diyos.

UNANG PAGBASA
Tutungo sa ambo ang magpapahayag ng Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Aawitin o bibigkasin ng salmista ang salmo mula sa Leksiyonaryo.

IKALAWANG PAGBASA
Tutungo sa ambo ang magpapahayag ng Salita ng Diyos.

PAGBUBUNYI SA MABUTING BALITA


Tatayo ang lahat upang awitin ang Aleluya, o kaya sa panahon ng Kuwaresma, ang
naaangkop na aklamasyon para sa Mabuting Balita.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Tutungo sa ambo ang namumuno upang ipahayag ang Mabuting Balita. Hindi babanggitin
ng namumuno ang pagbating ”Sumainyo ang Panginoon”.

PAGBASA NG HOMILIYA
Matapos ipahayag ang Mabuting Balita, babasahin ng namumuno ang inihandang homiliya
ng kura paroko. Pagkatapos ng homiliya, saglit na mananahimik ang lahat.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Sama-samang bibigkasin ng lahat ang Pagpapahayag ng Pananampalataya.
7

PANALANGING PANGKALAHATAN
Darasalin ang Panalanging Pangkalahatan na inihanda ng parokya. Kasama sa mga
pagluhog ang Simbahang laganap sa buong daigdig, ang mga pangangailangan ng lokal na
sambayanan, mga namumunong sibil, at iba pang mga kahilingan.

BANAL NA PAKIKINABANG
Ihahanda ng namumuno ang altar sa pamamagitan ng paglalagay ng corporal. Sa bahaging
ito, sisindihan ang mga kandila. Kukunin ng namumuno ang siboryo mula sa tabernakulo,
ilalagay niya ito sa altar at maninikluhod. Pagkatapos, haharap siya sa sambayanan at
bibigkasin:

Mga kapatid,
sambahin natin ang Panginoong Hesukristo
na kapiling natin sa Banal na Sakramento
na kanyang inihabilin sa Simbahan
bilang buklod ng pagmamahalan
at tanda ng pag-ibig at pagkakaisa.
Babalik ang namumuno sa lugar ng sambayanan. Luluhod siya kasama ng sambayanan at
maglalaan ng ilang saglit na pagsamba. Maaaring umawit sa karangalan ng Banal na
Sakramento.

PAPURI’T PASASALAMAT
Pagkatapos ng pagsamba sa Banal na Sakramento, tatayo ang lahat. Nakaharap sa altar,
darasalin ng namumuno ang Papuri’t Pasasalamat:

Amang mapagmahal,
ito ang araw ng muling pagkabuhay ng iyong
Anak,
na aming Panginoong Hesukristo,
na siyang nagdulot ng kagalakan sa buong
sanlibutan.
Ito ang araw nang nagpakita siya sa kanyang
mga alagad,
upang bigyan sila ng pag-asa at kaginhawahan
at pagkalooban ng kapayapaan.
Ito ang araw nang nakisalo siya at nagpakilala sa
8

kanila
sa pamamagitan ng paghahati-hati ng tinapay.
Kaya nagpupuri kami sa iyo:
“Parangal at papuri sa iyo, Panginoong Diyos.”
Bayan: Parangal at papuri sa iyo, Panginoong Diyos.

Namumuno: Ama, napakadakila ang iyong pag-ibig sa amin!


Tuwing nagtitipon kami, malayo man sa parokya,
hindi ka nawawala sa aming piling
bagkus higit naming pinananabikan
ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.
Sinasamba at pinasasalamatan ka namin
sa mga kaloob at kapayapaang handog
mo at sa tinapay na nagbibigay buhay.
Kaya nagpupuri kami sa iyo.
Bayan: Parangal at papuri sa iyo, Panginoong Diyos.

Namumuno: Sa kapangyarihan ng iyong Banal na Espiritu,


mag-alab nawa sa aming puso ang iyong pag-
ibig.
Maalala nawa naming lagi
ang itinuro ng iyong bugtong na Anak
sa Banal na Kasulatan
at makilala nawa namin siya
sa banal na sakramento sa altar.
Kaya nagpupuri kami sa iyo.
Bayan: Parangal at papuri sa iyo, Panginoong Diyos.

Namumuno: Kaisa ni N., na aming Papa, ni N., na aming


Obispo,
ni N., na aming kura paroko,
at ang lahat ng simbahang laganap sa buong
daigdig,
pinupuri at pinasasalamatan ka namin, Diyos
aming Ama,
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
9

AMA NAMIN

Pagkatapos ng Panalangin ng Pagpupuri’t Pagpapasalamat, aanyayahan ng namumuno ang


bayan para sa pagdarasal ng Ama Namin:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo


ni Hesus
na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin ng
lakas loob:
Ama namin...

PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN

Aanyayahan ng namumuno ang sambayanan sa ganitong mga salita:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


PAKIKINABANG

Pagkatapos magbigayan ng kapayapaan, luluhod ang mga tao. Tutungo sa likod ng altar
ang namumuno, luluhod, kukuha ng ostiya mula sa siboryo, bahagyang itataas ito at
bibigkasin:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang
piging.
Tutugon ang bayan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa iyo,
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Habang nakikinabang ang sambayanan, aawit ng mga naaangkop na awit. Pagkatapos ng


pakikinabang, saglit na mananahimik ang lahat. Maaaring awitin ang Awit ng Papuri ni
Zacarias (umaga) o ang Awit ng Papuri ni Maria (gabi).

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Tatayo ang sambayanan at darasalin ng namumuno ang sumusunod na panalangin:

Mapagmahal na Ama,
pinagsalu-salo mo kami sa tinapay ng buhay.
10

Lumago nawa ang aming pagkakaisa, pag-ibig


at malasakit sa isa’t-isa
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.

Kung walang tabernakulo at maraming natirang ostiya, dadalhin ito sa parokya o sa


pinakamalapit na kapilya o bisita na kung saan ay may tabernakulo.

Sa pagkakataong ito, ipagbibigay alam ang mga patalastas. Tatanggapin ang mga handog
ng sambayanan ayon sa alituntunin ng parokya o ng diyosesis.

PAGHAYO
Sasabihin ng namumuno ang sumusunod na pananalita o katumbas nito:

Mga kapatid,
yamang ipinagdiwang na natin
ang misteryo ng kamatayan
at muling pagkabuhay ng ating Panginoong
Hesukristo,
humayo tayo at ipahayag ang salitang narinig
at mamuhay ayon sa diwa
ng Sakramentong natanggap.
Nakaharap sa altar, mag-aantanda ng krus ang namumuno, habang sinasambit:

Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos


Ama, at Anak, at Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

Namumuno: Humayo tayong taglay ang


kapayapaan upang ang Panginoon ay
mahalin at paglingkuran.
11

Bayan: Salamat sa Diyos.

Maninikluhod sa tabernakulo ang namumuno kasama ang ibang tagapaglingkod; yuyuko sila
sa altar at hahayo. Maaaring umawit ng pangwakas na awit.

MGA KARAGDAGAN I

PANAHON NG ADBIYENTO

PASIMULA

Namumuno: Mga kapatid,


sa panahon ng Adbiyento
inaanyayahan tayo ng
Simbahan
na malugod hintayin ang pagdating ni Hesus,
ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga
kasalanan.
Purihin natin si Kristo
na nagbigay ng galak sa lahat ng mga
naghihintay
sa kanyang pagdating.
Nawa’y dalisayin niya ang ating mga puso at
isipan
upang maging karapat-dapat tayong tumanggap
sa kanya.
12

Sama-sama nating sambitin: Halina, Panginoong


Hesus.
Bayan: Halina, Panginoong Hesus.

Namumuno: Ikaw na nananahan sa piling ng Ama.


Bayan: Halina, Panginoong Hesus.

Namumuno: Ikaw na naging katulad namin sa lahat ng bagay


maliban sa kasalanan.
Bayan: Halina, Panginoong Hesus.

Namumuno: Ikaw na nagbigay liwanag sa aming puso at


isipan.
Bayan: Halina, Panginoong Hesus.

Namumuno: Ikaw na dumating upang ialay ang sariling buhay.


Bayan: Halina, Panginoong Hesus.

Namumuno: Mga kapatid, malugod nating hintayin


ang pagdiriwang ng kapanganakan ng ating
Tagapagligtas.
Bayan: Amen.

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Namumuno: Mga kapatid,
pakinggan natin ang Salita ng Diyos.
Maantig nawa ni Kristo ang ating mga
puso at dalisayin ang ating mga isipan
upang maging handa tayo sa kanyang pagdating.

BANAL NA PAKIKINABANG
Namumuno: Mga kapatid,
ihanda natin ang ating sarili sa pagtanggap kay
Kristo,
ang Tinapay ng Buhay.
Siya ang bumubusog at nagpapanatili sa atin
13

upang tayo ay patuloy na maghintay sa kanyang


pagdating.

PAPURI’T PASASALAMAT

Namumuno: Mapagpalang Ama,


ikaw ang lumikha sa lahat.
Pinuno mo ng pagpapala ang sanlibutan
at pinamunga mo nang masagana ang aming
pagpapagal
upang makabahagi ang lahat.
Upang maging karapat-dapat kami sa pagdating ni
Kristo,
pinukaw mo sa aming mga puso
ang maging bukas-palad sa mga nangangailangan.
Kaya masidhi naming inihahayag:
Paghandaan ang pagdating ni Kristo.
Bayan: Paghandaan ang pagdating ni Kristo.

Namumuno: Mapagpalang Diyos


nang nakiisa sa amin ang iyong Anak na si Kristo,
ipinakita niya na ikaw ay mapagkalinga
sa mga naghihirap at nangangailangan.
Ipinangaral niya sa mga dukha ang Mabuting Balita.
Pinakain niya sa ilang ang mga nagugutom,
at iniutos niya na dalawin ang mga nasa piitan,
bihisan ang mga walang maisuot,
at kalingain ang mga may karamdaman.
Upang maging karapat-dapat kami sa pagdating ni
Kristo,
pinukaw mo sa aming mga puso
ang maging bukas-palad sa mga nangangailangan.
Kaya masidhi naming inihahayag:
Bayan: Paghandaan ang pagdating ni Kristo.

Namumuno: Mapagpalang Diyos,


bilang paghahanda sa kapaskuhan
iminulat mo ang aming mga mata
sa pangangailangan ng iba.
14

Inantig mo ang aming mga puso na


magkawanggawa.
Tuwing natitipon kami bilang isang bayan
upang tanggapin si Kristo, ang Tinapay ng Buhay,
naaalala namin na sa buhay na ito
ay may mga nasa sakit at kawalan.
Upang maging karapat-dapat kami sa pagdating ni
Kristo
pinukaw mo sa aming mga puso
ang maging bukas-palad sa mga nangangailangan.
Kaya masidhi naming inihahayag:
Bayan: Paghandaan ang pagdating ni Kristo.

Namumuno: Kaisa ni N., na aming Papa, ni N., na aming


Obispo,
ni N., na aming kura paroko,
at ang lahat ng simbahang laganap sa buong
daigdig,
pinupuri at pinasasalamatan ka namin, Diyos
aming Ama,
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

AMA NAMIN

Namumuno: Lakas-loob tayong manalangin sa ating


Ama sa pamamagitan ng panalanging
itinuro ni Hesuskristo,
ang muling nabuhay na Panginoon.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
15

Namumuno: Amang nasa langit,


binigyan mo kami ng pagkain ng buhay.
Sa aming pakikibahagi sa Sakramentong ito,
habang papalapit ang pagdiriwang ng
Pasko, maging maalab nawa ang aming
paghahanda sa pagdiriwang ng nagliligtas
na misteryo
ng kapanganakan ng iyong Anak.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

PAGHAYO

Namumuno: Mga kapatid,


habang hinihintay natin ang
pagdiriwang ng kapanganakan ng ating
Panginoon,
patuloy tayong manalangin at gumawa ng mabuti
upang maging karapat-dapat sa kanyang pagdating.

Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos


Ama, at Anak, at Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

MGA KARAGDAGAN II

PANAHON NG KUWARESMA

PASIMULA

Namumuno: Mga kapatid,


sa ating ginaganap na pagtitipon
ngayong Linggo ng Kuwaresma
16

ipinaaabot sa inyo ng ating kura paroko


at ng ating parokya ang isang taos-pusong
pagbati.
Sa panahong ito ng
Kuwaresma inaanyayahan
tayong magsisi at talikdan ang
mga kasalanan,
magsakripisyo, gumawa ng mabuti sa ating
kapwa,
at makiisa sa pagpapakasakit ni Kristo.
Atin ngayong suriin ang ating sarili
at humingi ng kapatawaran sa Panginoon
sa ating mga nagawang kasalanan.
Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos....

Namumuno: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

Namumuno: Mga kapatid,


sa kapangyarihan ng kanyang Salita
pinayayabong at pinatatatag ng Diyos
ang ating pananampalataya
na nagdudulot ng pagpapanibago sa ating
buhay. Bukas-puso nating pakinggan ang Salita
ng Diyos.
17

BANAL NA PAKIKINABANG

Namumuno: Mga kapatid,


sambahin natin ang Panginoong Hesukristo
na kapiling natin sa sakramento ng Pag-ibig,
tanda ng pagkakaisa at buklod ng
pagmamahalan.

PAPURI’T PASASALAMAT

Namumuno: Amang maawain,


pinagpapala mo ang mga matuwid
dahil sa kanilang mga mabuting gawa,
at pinatatawad mo ang mga makasalanang
taimtim na nagsisisi.
Sa kapangyarihan ng iyong Salita
pinanunumbalik mo kaming mga naligaw
ng landas
at kami ay pinananatili mo,
aming tanging Diyos, sa iyong piling.
Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming
ipinahahayag:
Bayan: Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig.

Namumuno: Amang maawain,


naparito ang iyong Anak na si Hesukristo
upang ipahayag sa mahihirap ang Mabuting
Balita,
pagalingin ang mga may karamdaman,
at palayain ang mga nasadlak sa kasalanan.
Kinakasihan mo kami sa tunay na paglilingkod
sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal
at paglingap sa mga nangangailangan.
Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming
ipinahahayag:
Bayan: Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig.

Namumuno: Amang maawain,


18

ipinagkakaloob mo sa amin ang panahong ito


upang muling sariwain ang mga pangako
na aming binitiwan sa sakramento ng binyag,
lubusang pagsisihan ang mga kasalanan,
at magkawanggawa kalakip ang pag-
ibig. Kinalulugdan mo ang aming
panalangin, pag-aayuno, pagkalinga sa
mga dukha, at pagtakwil sa kasakiman.
Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming
ipinahahayag:
Bayan: Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig.

Namumuno: Amang maawain,


sa panahong ito ng pagpapanibago,
pinatitibay mo ang aming pananampalataya
sa pamamagitan ng iyong banal na salita
at sa pagsasalu-salo namin sa Eukaristiya.
Inaakay mo kami tungo sa pagbabagong-buhay
at minamarapat na magalak sa iyong dulot na
kapayapaan.
Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming
ipinahahayag:
Bayan: Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig.

Namumuno: Kaisa ni N., na aming Papa, ni N., na aming


Obispo,
ni N., na aming kura paroko,
at ang lahat ng simbahang laganap sa buong
daigdig,
pinasasalamatan at pinupuri ka namin,
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

AMA NAMIN

Namumuno: Manawagan tayo sa ating Amang nasa


langit, at hilingin na patawarin tayo sa ating
mga
19

kasalanan
tulad ng pagpapatawad natin sa nagkasala sa
atin.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Namumuno: Panginoon,
sa pamamagitan ng Eukaristiyang aming
tinanggap
ipagkaloob mo na maging makabuluhan
ang aming paghahanda
sa panahong ito ng Kuwaresma
at buong pag-asa naming salubungin
ang Pasko ng Muling Pagkabuhay.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

PAGHAYO
Namumuno: Mga kapatid,
sa ating pagdiriwang ng Kuwaresma
patnubayan nawa tayo ng Diyos
sa ating paglalakbay
sa landas ng ganap na pagpapanibago.

Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos


Ama, at Anak, at Espiritu Santo.
Bayan: Amen.
20

MGA KARAGDAGAN III

PANAHON NG MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON

PASIMULA

Namumuno: Mga kapatid si Kristo ay muling nabuhay,


aleluya!

Bayan: Tunay siyang nabuhay, aleluya!

Namumuno: Natitipon tayo ngayon upang ipagdiwang


ang maluwalhating pagkabuhay ng ating
Panginoon.
Ipinaaabot sa inyo ng ating kura paroko
at ng ating parokya
ang isang taos-pusong pagbati.
Kaisa ng Banal na Espiritu
bigyan natin ngayon ng papuri ang Diyos
at ang kanyang Anak, ang ating Panginoong
Hesukristo,
ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng ating mga
kasalanan.

Bayan: Papuri sa Diyos.

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Namumuno: Mga kapatid, tulad ng mga alagad na patungo sa
21

Emmaus,
mag-alab nawa ang ating mga puso,
habang pinakikinggan natin ang salita ng Diyos.
Sa Linggo ng Muling Pagkabuhay, hahalinhan ng Pagpapanibago ng mga Pangako sa Binyag
ang Pagpapahayag ng Pananampalataya.

BANAL NA PAKIKINABANG
Namumuno: Mga kapatid,
sambahin natin ang Panginoong Hesukristo
na kapiling natin sa sakramento ng pag-ibig,
tanda ng pagkakaisa at buklod ng
pagmamahalan.

PAPURI’T PASASALAMAT

Namumuno: Diyos Ama ng sanlibutan,


tunay na walang kapantay
ang pag-ibig mo at katapatan para sa mga
hinirang!
Mula sa kamatayan
binuhay mo ang aming Panginoong Hesukristo.
Kasama niya pinagkalooban mo kami ng bagong
buhay
sa pamamagitan ng tubig at ng Banal na
Espiritu. Kaya kami ay umaawit ng iyong papuri:
Bayan: Purihin ang Diyos, aleluya!

Namumuno: Diyos Ama ng sanlibutan,


tunay na walang kapantay
ang pag-ibig mo at katapatan para sa mga
hinirang!
Nang muli siyang nabuhay
nagpakita siya sa kanyang Ina at sa kanyang mga
alagad.
Natitipon kami ngayon kapiling niya.
Kaya kami ay umaawit ng iyong papuri:
Bayan: Purihin ang Diyos, aleluya!
22

Namumuno: Diyos Ama ng sanlibutan,


tunay na walang kapantay
ang pag-ibig mo at katapatan para sa mga
hinirang!
Ngayon sa panahon ng pagkabuhay.
Hindi mo kami pinagkaitan
ng iyong pagmamahal at pagpapala,
manapa’y binubusog mo kami
sa hapag ng iyong salita at eukaristiya.
Kaya kami ay umaawit ng iyong papuri:
Bayan: Purihin ang Diyos, aleluya!

Namumuno: Kaisa ng buong


simbahan at ng aming
parokya
iniaalay namin sa iyo ang aming panalangin
ng papuri at pasasalamat
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

AMA NAMIN

Namumuno: Lakas-loob tayong manalangin sa ating


Ama sa pamamagitan ng panalanging
itinuro ni Hesuskristo,
ang muling nabuhay na Panginoon.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Namumuno: Panginoon,
kupkupin mo at kalingain ang iyong Simbahan
na pinagkalooban mo ng bagong buhay
sa pamamagitan ng pagpapakasakit,
kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.
Akayin mo kami sa buhay na walang hanggan.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
23

magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

PAGHAYO
Namumuno: Mga kapatid,
ipinagdiwang na natin
ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong
Hesukristo,
humayo tayo at ipahayag ang salitang narinig
at mamuhay ayon sa diwa
ng Sakramentong natanggap.

Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos


Ama, at Anak, at Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

MGA KARAGDAGAN IV

MAHAL NA BIRHENG MARIA

PASIMULA

Namumuno: Mga kapatid,


natitipon tayo ngayon
sa kapistahan ng Mahal na Birheng Maria.
Ipinaaabot sa inyo ng ating kura paroko
at ng ating parokya
ang isang taos-pusong pagbati.
Purihin natin ang Diyos Ama
na naghangad na gunitain natin at ipagdiwang
sa lahat ng panahon ang Birheng Mariang Ina ng
Diyos.
Sapagkat siya ay puspos ng biyaya
aming sinasambit:
Pinupuri ka namin, Diyos na aming Ama.
24

Bayan: Pinupuri ka namin, Diyos na aming Ama.

Namumuno: Sapagkat siya ay pinagpala sa babaeng lahat.


(tugon)
Sapagkat siya ay ina ng iyong Anak (tugon)
Sapagkat siya ay ina ng Simbahan (tugon)
Sapagkat siya ay tagasaklolo
sa panahon ng pangangailangan (tugon)
Sapagkat siya ay aming pintakasi sa langit (tugon)

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Namumuno: Mga kapatid,
nakinig ang Mahal na Birheng Maria
sa Salita ng Diyos
at pinagnilay-nilayan niya ito.
Buong pananalig at pagmamahal
pakinggan natin ang Salita ng Diyos.

BANAL NA PAKIKINABANG
Namumuno: Mga kapatid,
sambahin natin ang Panginoong Hesukristo
na kapiling natin sa Banal na Sakramento
na kanyang inihabilin sa Simbahan
bilang buklod ng pagmamahalan
at tanda ng pag-ibig at pagkakaisa.

PAPURI’T PASASALAMAT

Pinupuri ka namin Diyos Amang


Namumuno:
makapangyarihan.
Alang-alang sa isasagawang sakripisyo ng iyong
Anak
na aming Panginoong
Hesukristo, hinirang mo si Maria
upang hindi mabahiran ng kasalanang mana
25

at maging karapat-dapat na Ina ng iyong


Anak. Sa iyong kahanga-hangang gawa,
kami’y nagbubunyi:
Panginoon, ang puso ko’y nagpupuri sa iyong
kadakilaan.
Bayan: Panginoon, ang puso ko’y nagpupuri sa iyong kadakilaan.

Pinupuri ka namin Diyos Amang


Namumuno:
makapangyarihan.
Hinirang mo si Maria na maging Ina
ng mag-anak sa Nazaret.
Kasama si San Jose, kinalinga niya ang iyong
anak
nang buong pagmamahal
upang umunlad siya sa karunungan sa harap ng
Diyos at tao.
Sa iyong kahanga-hangang gawa, kami’y
nagbubunyi:
Bayan: Panginoon, ang puso ko’y nagpupuri sa iyong kadakilaan.

Namumuno:Pinupuri ka namin Diyos Amang


Makapangyarihan.
Ibinigay mo kay Maria ang pagpapala
na makiisa sa iyong Anak
sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos,
sa pagpapagaling sa mga maysakit,
sa pagpapalaya sa mga nasadlak sa kasalanan,
at sa pagpapahayag ng iyong walang hanggang
pagmamahal.
Sa iyong kahanga-hangang gawa, kami’y
nagbubunyi:
Bayan: Panginoon, ang puso ko’y nagpupuri sa iyong kadakilaan.

Namumuno:Pinupuri ka namin Diyos Amang


Makapangyarihan.
Ipinagkaloob mo kay Maria ang lakas ng
loob na ganap na makiisa sa iyong Anak
sa pag-aalay niya ng sakripisyo sa krus.
Ginantimpalaan mo siyang matunghayan
ang kaluwalhatian ng iyong muling nabuhay na
26

Anak
at iniakyat mo siya, katawan at kaluluwa, sa
langit.
Sa iyong kahanga-hangang gawa, kami’y
nagbubunyi:
Bayan: Panginoon, ang puso ko’y nagpupuri sa iyong kadakilaan.

Namumuno: Kaisa ni N., na aming Papa, ni N., na aming


Obispo,
ni N., na aming kura paroko,
at ang lahat ng simbahang laganap sa buong
daigdig,
pinasasalamatan at pinupuri ka namin,
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

AMA NAMIN

Namumuno:Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at


turo ni Hesus
na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin ng
lakas loob:
Ama namin...

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Namumuno: Panginoong Diyos,


ipagkaloob mo na ang sakramentong aming
tinanggap
sa kapistahan ng Mahal na Birheng Maria
ay maghatid sa amin ng lakas, pagkalinga at
kagalingan
dulot ng kanyang maka-inang panalangin.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
27

PAGHAYO
Namumuno: Mga kapatid,
yamang ipinagdiwang na natin
ang kapistahan ng Mahal na Birheng Maria
at hiniling ang kanyang panalangin;
lagi nawa tayong maging karapat-dapat
sa isang Inang katulad niya.

Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos


Ama, at Anak, at Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

MGA KARAGDAGAN V
28

Papuring Awit ni Zacarias


(Lukas 1:68 - 79)

Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel!


Sapagkat nilingap niya
at pinalaya ang kanyang bayan.

At nagpadala siya sa atin


ng isang makapangyarihang tagapagligtas
mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.

Ipinangako niya sa pamamagitan


ng kanyang banal na propeta noong una,
na ililigtas niya tayo sa ating mga
kaaway, at sa kamay ng lahat ng
napopoot sa atin.

Ipinangako rin niya


na kahahabagan ang ating mga magulang,
at alalahanin ang kanyang banal na
tipan.

Iyan ang sumpang binitiwan niya


sa ating amang si Abraham,
na ililigtas tayo sa ating mga kaaway.
Upang walang takot na makasamba sa kanya,
at maging banal at matuwid
sa kanyang paningin,
habang tayo’y nabubuhay.

Ikaw naman, anak, ay tatawaging


propeta ng Kataas-taasan;
sapagkat mauuna ka sa Panginoon
upang ihanda ng kanyang mga
daraanan, at ituro sa kanyang bayan
ang landas ng kaligtasan,
at kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos;


magbubukang-liwayway sa atin
29

ang araw ng kaligtasan.


Upang magbigay liwanag
sa mga nasa kadiliman
at nasa ilalim ng kamatayan,
at patnubayan tayo tungo
sa daan ng kapayapaan.

Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo,


kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

Papuring Awit ni Maria


(Lukas 1:46 - 56)

Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,


at nagagalak ang aking Espiritu
dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang lingkod!

At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad


ng lahat mg salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan
banal ang Kanyang pangalan.

Kinahahabagan niya
ang mga may takot sa
kanya sa lahat ng sali’t saling
lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.

Ibinagsak niya ang mga hari


mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay
ang mga nagugutom,
at pinalayas na wala ni anuman
ang mayayaman.
30

Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,


bilang pagtupad sa pangako niya
sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi
magpakailanman!

Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo,


kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

You might also like