You are on page 1of 6

SELF-LEARNING MATERIAL 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKALAWANG MARKAHAN
EPISODE 4
Grade 8

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ________________


Taon at Pangkat _____________________________

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:

Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa


paaralan sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan o politikal. (EsP8PIIb-5.4)

*Financial Literacy Integration

Pangganyak (Motivation):

PAKIKIPAGKAPWA
(tula mula sa Youtube)

Walang nabubuhay ng nag-iisa


Kung kaya’t ito’y mahalaga
Isang birtud alam mo ba?
Ito’y walang iba kundi ang pakikipagkapwa

Pagrespeto sa iba at pagpapalawak ng pag-unawa


Paggamit ng damdamin pati na rin pagiging matulungin
Ito’y nagbibigay saya
Na hindi nararamdaman ng taong makasarili at sakim

Paano makikipag-ugnayan sa taong walang inisip kundi ang sarili?


Ayaw makipagkapwa at masyado pang madamot at sakim
Huwag magpapaapekto
Respeto sa lahat ating isaulo

Kaya kung ikaw ay nag-aalinlangan


Na sa iba’y makipag-ugnayan
Huwag matakot na ito’y subukan
Dahil ang dulot sa puso nito ay kapanatagan
Pangunahing Konsepto (Basic Concept)

Ang isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay nagbibigay ng


kaligayahan at kapanatagan sa tao. Napatunayan sa mga pag-aaral na ang isang taong may
matatag na samahan ng magkakaibigan ay madalang magkasakit, madaling gumaling,
mahaba ang buhay, at may kaaya-ayang disposisyon sa buhay. Kaya lahat ng pakikipag-
ugnayan ay nangangailangan ng pagsisikap upang ito ay mabuo, mapatatag, at mapanatiling
makabuluhan at mabuti. Nakasalalay ang tagumpay nito sa kakayahan ng taong ibahagi ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.

Isaalang-alang ang sumusunod na prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipag-


ugnayan sa kapwa:

1. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa


- Bawat tao ay bukod-tangi at may kakanyahan. Nararapat lamang na igalang ang
kaniyang pagkatao at maging sensitibo sa kaniyang mga pangangailangan..

2. Pagpapahayag ng mga damdamin


- Susi sa isang maayos na pakikipag-ugnayan ang pagkakaroon ng malaya at
mapanagutang pagpapahayag ng damdamin, ideya at pangangailangan sa isa’t isa
nang hindi nangangamba na huhusgahan.

3. Pagtanggap sa kapwa
- Bahagi ng paggalang sa dignidad ng tao ang pagtanggap sa kaniyang pagkatao – sa
kaniyang kalakasan, pati na kahinaan. Di dapat husgahan ang kapwa batay lamang sa
pansariling pamantayan.

4. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa


- Isang napakalaking karangalan ang mapagkatiwalaan ka ng mga sensitibo at
personal na impormasyon ng iyong kapwa. Bilang paggalang, tungkulin mo na
ingatan ang mga ito sa pamamagitan ng di pagbabahagi o di pagkukuwento sa iba.

Ikaw ay may gampaning maglingkod sa iyong kapwa. Upang mapanatili ang isang
makabuluhan at matatag na pakikipagkapwa, kailangan ang pagsasabuhay ng paggalang,
katarungan, at pagmamahal sa kapwa. Kaya mo itong maipakita sa pamamagitan ng
paglilingkod. Oo, kaya mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa kung nararamdaman mo na
parang kulang pa ang kasanayan mo sa pakikipagkapwa. Sa halip, tukuyin at pagsumikapang
paunlarin pa ang mga kailangang kasanayan dahil mas magiging makabuluhan ang iyong
buhay at pakikipagkapwa habang lumalalim at nalilinang ang mga kasanayang ito.
Pagmomodelo:

Halimbawa 1: Isagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mag-aaral o


kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal.

Siwasyon:

Si Alan ay isang mag-aaral sa Mabini High School. Siya ay isang honor student at
palagi niyang tinutulungan ang iba niyang classmate na nahihirapan sa kanilang lesson sa
Math. Siya ay isang mabait na bata at marami siyang kaibigan sa paaralan. Siya rin ay
marunong magbahagi ng kaniyang snacks at pagkain kung may makita siyang mag-aaral na
walang dalang pagkain. Pinagsasabihan din niya ang kaniyang mga classmates na galangin at
respetuhin ang mga lider sa kanilang lungsod tulad ng kanilang Mayor.

Aspekto Pagtugon sa pangangailangan ng mag-aaral


INTELEKTWAL Tinutulungan ni Alan ang iba niyang classmates na nahihirapan
sa lesson sa Math.

PANLIPUNAN Si Alan ay isang mabait na bata at marami siyang kaibigan sa


paaralan.

PANGKABUHAYAN Si Alan ay marunong magbahagi ng kaniyang pagkain kung


may makita siyang mag-aaral na walang pagkain.

POLITIKAL Pinagsasabihan ni Alan ang kaniyang mga classmates na


galangin at respetuhin ang mga lider sa kanilang lungsod.

Halimbawa 2. Isagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mag-aaral o


kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal.

Sitwasyon:

Nag-aaral sa Quezon National High School si Bryan. Kilala siya sa kanilang paaralan
na isang palakaibigan na bata dahil kaibigan niya ang lahat nga mga mag-aaral, mga guro at
mga tao doon. Sa bahay naman ay tinuturuan niya ang kaniyang bunsong kapatid na
magbasa. Natutuwa rin ang kaniyang mga magulang sa kaniya dahil nagtatabi siya ng pera
mula sa kaniyang baon para sa kaniyang alkansya. Sumusunod din siya sa mga batas sa
kanilang barangay tulad ng pag segregate ng mga basura sa MRF.
Aspekto Pagtugon sa pangangailangan ng mag-aaral
INTELEKTWAL Tinuturuan ni Bryan ang kaniyang bunsong kapatid sa
pagbabasa.

PANLIPUNAN Si Bryan ay isang palakaibigan na bata dahil kaibigan niya lahat


ang mga mag-aaral, mga guro at mga tao doon sa kanilang
paaralan.

PANGKABUHAYAN * Nagtatabi si Bryan ng pera mula sa kaniyang baon para siya


ay makapag-ipon.

POLITIKAL Isang masunurin na bata si Bryan dahil sinusunod niya ang mga
mga batas sa kanilang barangay katulad ng pag segregate ng
mga basura.
ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 4
IKALAWANG MARKAHAN
EPISODE 4
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade 8

Pangalan: _____________________________________ Petsa:________________


Taon at Pangkat: _______________________________ Kuha: _______________

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:


Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa
paaralan sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan o politikal. (EsP8PIIb-5.4)

Panuto: Isagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mag-aaral o


kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal base sa sitwasyon.

Sitwasyon:

Kaklase ni Gemma si Shirley. Isang araw habang nag-uusap sila, nabanggit ni Shirley
na nahihirapan siya Science. Hindi nag atubili si Gemma na tulungan si Shirley na maunawan
ang kanilang leksyon sa Science. Sa kanilang pag-uusap, nasabi ni Shirley na ipagbibili niya
sa Gemma ng masarap na ice cream. Tumanggi si Gemma sapagkat ang pagtulong niya kay
Shirley ay walang bayad at tinuruan din niya si Shirely na maging masinop sa pera at huwag
gumasto nang kung ano-ano lang. Nabanggit din ni Shirley na hindi niya nagustuhan ang
isang konsehal sa kanilang barangay dahil sa ugali nito. Pero sinabi ni Gemma kay Shirley na
mahalaga ang gumalang at rumespeto sa mga lider kahit ano pa man gang kanilang pag-
uugali. Masaya si Gemma sa mga bagay na naituro niya kay Shirley noong araw na iyon.

Paano natugunan ni Gemma ang mga pangangailangan ni Shirley sa aspektong intelektwal,


panlipunan, pangkabuhayan at politikal? Isulat ang mga sagot sa talaan.
Aspekto Pagtugon sa pangangailangan ng mag-aaral
INTELEKTWAL

PANLIPUNAN

PANGKABUHAYAN

POLITIKAL

You might also like