You are on page 1of 2

PANAHON NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

 Kolonyalismo – ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran
ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa
sariling interes. Kadalasan ang una nilang ginagawa para maisakatuparan ang kanilang pagnanais ay
pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na ang loob ng mga nasasakupan ay saka nila
isasakatuparan ang kanilang hangarin na gamitin, pagsamantalahan, at pakinabangan ng husto ang likas na
yaman ng kolonya. Ito ay sa pamamagitan ng pagtatag ng pamahalaang kolonyal, pagpapataw at pagtatakda ng
paniningil ng buwis, at pagsasagawa ng mga batas na makabubuti sa mga mananakop.

 Imperyalismo - nagmula sa salitang Latin na imperium na ang ibig sabihin ay command. Isang salitang Latin na
nagpasimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ang imperyalismo ay nangangahulugan
ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa askpektong pangpolitika, pangkabuhayan, at
kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
Ang pagtatag ng maraming kolonya ang magbibigay daan sa pagpapalawak ng mga nasasakupan upang
makapagtatag ng imperyo.

Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Ika-16 Hanggang Ika-17 Siglo)

 Nagsimula ang ugnayan ng ng Europeo at Asyano sa pamamagitan ng palitan ng kalakal.


 May tatlong pangunahing ruta ng kalakalan sa Asya:
o Hilagang Ruta
o Gitnang Ruta
o Timog Ruta
 Sinakop ng naghaharing Turkong Ottoman ang ruta ng kalakalan.
 Tanging mga Italyanong mangangalakal ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan sa mga mangangalakal
na Asyano.

Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya

1. Ang mga Krusada na naganap mula 1096 hanggang 1273 – isang kilusan na inilunsad ng mga kristyanong hari
upang mabawi ang Jerusalem sa Israel. Nagkaroon ng ugnayan ang Europeo sa Silangan at nakilala nila ang mga
produkto sa Silangan. Naging masigla ang palitan kaya maraming Europeo ang nagkainteres na makarating sa
Asya.
2. Ang Paglalakbay ni Marco Polo - isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga Venice. Siya ay
itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan ng Emperador na si Kublai Khan. Inilimabag niya ang
aklat na “The Travels of Marco Polo” noong siya ay bumalik sa Italy. Inilahad niya ang mga nakita niyang
magagandang kabihasnan sa mga bansang Asya at maraming adbenturerong Europeo ang namangha at
nahikayat na makarating sa Asya.
3. Ang Renaissance – Nagpasimula sa Italya noong 1350. Isang kilusang pilosopikal na makasining at ditto
binigyang-diin ang pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome. Napalitan ito ng
makaagham na pag-iisip mula sa mga pamahiin. Masasabing ang pangunahing interes ay labas sa saklaw ng
relihiyon.
Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “muling pagsilang” ito ay naganap sa huling
bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon.
Noong gitnang panahon ang Simbahang Kristiyano ang may malakas na impluwensya sa tao. Nakasentro
ang buhay ng tao sa relihiyon. Ngunit ang mga simabahan ay nasangkot sa immoral na Gawain, nagsimulang
magkaroon ng pagbabago sa pananaw at saloobin ang mga tao hinggil sa katarungan, sariling kaunlaran, politika.

Sa panahon ng Renaissance ay nagtuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, pamahalaan at edukasyon,
sa wastong pag-uugali, at sa paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal. Indibidwalismo ang binigyang-pansin ng
Renaissance kaya hindi nakapagtataka na maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng tao.
Ang Renaissance ang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya
umusbong ang rebolusyong komersiyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang-pang-ekonomiya.
4. Ang Pagbagsak ng Constantinopole (bahagi ng Turkey sa kasalukuyan) – Ang Asyanong teritoryo na
pinakamalapit sa kontinente ng Europe.
5. Ang Merkantilismo –

Mga Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Ika-18 Hanggang Ika-
19 Siglo)

You might also like